Hehehe December 30 na yay! Happy holiday sa ating lahat!!
Ito na po ang Chapter 3 ng Chances sana ay ma enjoy nyo ang chapter na ito.
Alas singko nap ala nang madaling araw kaya pala inaantok na ako hahahaha.
Muli gusto kong ipaalala n asana wag nyong masyadong bigyan
ng pansin ang typos ko dahil trademark ko na iyan lol. Ganyan lang talaga
mag-sulat ang isang taong walang kwenta kaya pagtiisan nyo na. Naway suportahan
nyo ang kwentong ito tulad ng suportang ibinigay nyo sa tatlong nagawa ko.
Sa mga taong nag tatanong at nagrerequest sa Epilogue ng 9
Mornings gagawin ko po iyon hintay nyo nalang po pinag-iisipan ko pa kung anu
ang gagawin ko sa Epilouge na iyon. Asahan nyo rin sana na lalabas sa kwentong
ito sina Claude at Lance papalakihin pa natin ang pamilya ng unang pitong bida
natin at syempre panibagong kalokohan na naman yon.. hahaha
Kuya N – Sorry
kung na delayed ang Chapter na ito kuya may after party kasing naganap alam mo
naman ang kahinaan ko RH hahahaha….
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
<hr color="grey" width="100%"
align="center"><!--more-->
“Naku pare,
ayan ka na naman ha!” Ang wika ni Brian ng makita nito ang nakakagago kong
ngiti.
“What?” Maang ko namang sagot.
“Yang ngising aso mo alam ko ang ibig sabihin niyan.” May
panunuya nitong sabi.
“I like that person, what was his name again?” Pagiiba ko
nang usapan. Wala namang rason para mag deny o umamin ako kay Brian dahil alam
kong hindi ako nito papaki-alaman kahit ano pa ang gawin ko.
“Oh? Why the sudden change of mind? Akala ko ba hindi ka
intersado sa pangalan niya.” Ngumisi ito sa akin na para bang may ibig sabihin.
“Anong ibig sabihin ng ngisi mong yan?” Ang may bahid ng
pagka-pikon kong sabi.
“Naisip ko lang kasi pare, since na kambal kayo ni Dorwin
pwedi ring…”
“Sige, try mong dugtungan yang sinasabi mo at lalapat sa
nguso mo tong kamao ko.” Ang agad kong pagputol sa sasabihin nya.
Tumawa ito nang nakakagago.
“Easy lang pre, alam ko kung gaano ka kahayok sa babae kaya
imposible. Pero..” Ang may pambibitin pa nyang sabi na sinamahan pa nang
pagkamot-kamot sa kanyang baba na animoy nag-iisip.
“Anong pero?” Di na makapaghintay kong wika.
“Pero, possible rin na matulad ka kay Red at Niel.”
Akmang susuntukin ko na sana ito nang mabilisang lumayo si
gago dahilan para mapatingin sa amin ang ibang costumer. Para kaming mga bata
kung mag-kulitan ni Brian sabagay pareho kaming may sira sa ulo kaya normal
lang para sa amin ang ganung asal kahit pa sa harap ng mga tao.
“Easy lang pare, biro lang yon noh.” Wika nito at muling
bumalik sa dati nitong kinauupuan.
Ilang minuto pa ang nakalipas ng makabalik sa may counter
ang barista nang bar na iyon. Hindi na muling lumapit pa sa amin ang manager
nila, nanatili lamang ito sa may casher table habang kami naman ni Brian ay
nagsimula nang mag-inuman.
Hindi ko maiwasang minsang mapatingin sa manager na hanggang
ngayon ay wala paring mababakas na ekspresyon sa mukha. Kahit na maraming tao
at nag-sisimula nang tumugtog ang banda’t nag-sisimula na ring dumating ang mga
tao ay parang wala parin ito sa sarili. Nakatanga lang ito na para bang malalim
ang iniisip.
“Pare, masyado kanang obvious.” Ang pagpansin ni Brian sa
akin.
Agad ko namang binawi ang tingin ko sa manager na iyon at
nag-kunwaring nakikisabay sa kanta.
“Anong obvious?” Kunot noong tanong ko sa kanya.
“Kanina mo pa tinitingnan yang manager ng bayaw mo ah. Na
love at first sight ka ba?” Wika nito na sinamahan pa nang nakakaasar na tawa.
“Ulol!” Ang natawa ko na ring sabi.
Alam ko sa sarili ko kung ano ang gusto ko kaya walang
dahilan para mapikon ako sa sinabi ni Brian. Siguro kaya hindi ko mapigil ang
mapatingin sa manager na iyon dahil sa hindi nito pamamansin sa pang-aasar ko
na bago para sa akin.
Medyo may tama na kami pareho ni Brian. Nakailang shots na
rin kami nang alak at nakakadalawang set na ang bandang tumutugtog. Medyo na
enjoy namin ni Brian ang second set dahil halos mga paborito namin ni ang
kinanta nang vocalist. May mga bago at syempre mga lumang kanta na
nag-papaalala sa amin nung nasa college pa kami.
Natapos ang pangalawang set ng banda at napalitan na nang
mga jazz songs na naging trademark na ng seventh bar. Masasabi kong henyo ang
kung sino mang nakaisip sa ganung setup, marerelax ka talaga kung papasok ka sa
bar nilang iyon. Kaya siguro isa na ito ngayon sa mga dinadayong bar sa syudad.
“Hey handsome guys.” Pareho kaming napalingon ni Brian at
bumungad sa amin ang isang babae. Maganda ang hubog ng katawan nito’t maumbok
din ang dibdib –mga katangin na
hinahanap ko sa mga babae pero sa mga oras na iyon nawalan akong ganang
makipag-flirt na bago na naman para sa akin.
“Yes?” Ang walang kagana-gana kong wika.
“Uhmmm.. I’m just wondering if you would mind me doing this
to you.” Wika nito at mabilisan kinabig ang aking batok at siniil ng halik.
Dahil sa pagkabigla ay hindi ako nakapag-react agad para akong na estatwa.
Rinig kong may nagpalakpakan at nagtiliang mga kababaihan sa
isang mesa hindi malayo sa kinauupuan namin ni Brian.
Magaling syang humalik halatang sanay itong makipag-laplapan
at nag-sisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako tinablan sa halik na iyon.
Ilang sigundo rin ang itinagal ng halikan namin ng unknown girl na iyon.
“Wow! Such a good kisser.” Wika nito nang mag-hiwalay an
gaming labi. Binigyan ko naman siya nang aking pamatay na ngiti.
Ang sunod nitong ginawa ay kinuha ang palad ko at may isinulat na mga numero doon. Batid kung iyon ang paraan nya nang pag-bibigay ng number nya sa akin.
“Call me when your free, game ako sa lahat ng bagay.” Wika
nito at muli akong dinampian ng halik bago tumalikod at bumalik sa lamesa nang
mga kasama nitong nag-titilian.
Sa di malamang dahilan ay nabaling ang tingin ko sa manager
ng bar at nahuli ko itong nakatingin sa akin. Binigyan ko sya nang ngising
nakakagago dahil nakaramdam ako nang pagka-bilib sa aking sarili sa ginawang
paghalik sa akin ng babae na tinugon naman nya nang dalawang iling bago muling
ibinaling ang kanyang atensyon sa ibang dereksyon.
“Nak ng pucha pare, mukhang may maikakama ka ngayon ah.” Ang
pang-aalaska ni Brian sa akin.
“Gago! Wala akong balak makipag kantutan ngayon baka ikaw
gusto mo?” Tugon ko naman sa kanya na hindi parin iniiwas ang tingin sa manager
ng bar na iyon.
“No thanks, not interested with women who do the 1st
move walang thrill.”
Ganyan ang ugali ni Brian at siguro yan ang dahilan kung
bakit ko sya nagustohan bilang kaibigan. Wala sa listahan namin ang mga babaeng
gumagawa ng 1st move nakaka-turn off ang ganun mas trip namin ang
mga babaeng pa demure, yung tipong kahit alam mong type ka ay mag-papakipot
parin.
“Oh san ka pupunta?” May pagtatakang tanong nito nang tumayo
ako.
“Makikipag-kilala kay Mr. Manager.” Nakangisi kong tugon sa
kanya.
“Kung ako sayo ipag-paliban mo nalang muna yang mga plano mo,
mukhang wala sa mood ang taong makipag-biruan ngayon baka masapak kapa nyan.”
“He wouldn’t do that.” At tinungo ko na nga ang pwesto nang
kauna-unahang lalaki bukod kay Dorwin at papa na kumuha nang interes ko.
Habang papalapit ako sa kanya ay nakaramdam ako nang konteng
kaba. Para akong natakot o mas tamang sabihing nahiya sa di malamang dahilan.
Hindi ko naman ito masasabing dahil sa takot na masapak nito dahil kampante ako
sa pagiging black belter ko. Kakaiba, yon lang ang tanging alam kong salita na
angkop sa nararamdaman kung sa mga oras na iyon.
Hindi nito napansin ang pag-lapit ko sa kanya dahil nasa
calculator at mga bills ang atensyon nito.
“Mukhang hindi na malulugi ang bar na to ah.” Pagkuha ko
nang pansin nya, hindi naman ako nabigo dahil napatingin ito sa akin yon
ngalang agad na nagsalubong ang kilay nito. “Relax, gusto ko lang mag-pakilala,
i’m Dave.” Sabay lahad ng kamay ko sa kanya.
Tiningnan lang nito ang nakalahad kong kamay.
“Anong kailangan mo sir?” Kunot noo parin ito.
“Hindi mo naman lang ba tatanggapin ang pagkikipag kamay
ko?” Taas ang isang kilay kong wika.
Muli nitong ibinaling ang kanyang tingin sa kamay kong
nakalahad parin sa kanya saka may pagaalangan itong tinanggap.
“Mukhang hindi karin na trained na kapag may nakikipag-kamay
sa iyo at ibinigay ang pangalan niya’y obligado karing ibigay ang palangan mo.”
May halong sarcasm kong wika sa kanya.
In-expect ko nang mapipikon na ito sa akin at sasabihin
nyang naibigay na nya ang pangalan nya kanina ngunit na bigla ako nang ngumiti
ito sa akin iyong ngiting alam mong walang kalaman-laman.
“Alexis Vanzuela.” At muli na nitong ibinalik ang kanyang
atensyon sa ginagawa
Ito ang pangalawang beses na pang-ignora nito sa pang-aasar
ko sa kanya at talaga namang hindi na nakakatuwa.
“Sir, siguro mas maganda kung bumalik kana sa pwesto mo so
you can enjoy the rest of your night.” May pag galang nguni walang gana nitong sabi.
Sa puntong iyon para akong binuhusan ng malamig na tubig
nakaramdam ako nang pagkapahiya hindi lang dahil sa pang-iignora nito pati na
rin ang hayangang pagpapalayas nito sa akin sa harapan nya. Mukhang bumaliktad
ata ang sitwasyon dahil sa puntong iyon ako ang nainis at napahiya.
“Sure, it was nice meeting you.” Ngiting pilit ang ibinigay
ko sa kanya bago tumalikod. Hindi ko palalampasin ito kukuha muna ako nang
bwelo saka ko sya babalikan.
Hindi pa tayo tapos
Alexis Vanzuela wala pang taong nakakalamang sa akin.
<hr
color="black" width="50%" align="center">
Lumipas ang dalawang araw at hanggang ngayon ay hindi parin
mawala-wala sa isip ko ang huling paguusap namin ng kauna-unahang taong
napahiya ako. Tinawagan ko si Rome at pasimpleng nag tanong tungkol sa bar nila
hanggang sa makakuha ako nang background ng Alexis Vanzuela na iyon na hindi
nito nahahalata at hindi ako nabigo dahil nakakuha ako nang kaunting
impormasyon sa taong iyon.
Sabi ni Rome si Alexis o mas kilalang Alex ay dati nilang
waiter sa bar na iyon ang pinag-tataka ko lang ay kung bakit hindi ko ito ma-alala
sabagay mabibilang lang sa kamay ko ang pagpunta ko sa bar nila. Hindi naman
talaga kasi ako mahilig sa mga acoustic bars dahil ayaw ko nang senti na
kabaliktaran namin ni Dorwin dahil ang gusto ko ay mga lugar na malalakas, yung
maiingay ang tutog katulad ng mga disco bars.
Dahil na rin sa marami pang mga pending na reports ang naghihintay
sa akin kaya naman ipinag-paliban ko lang muna ang plano kung paghihiganti at
inuna munang tapusin ang mga bagay-bagay bago ko simulan ang plano ko para wala
nang sagabal.
Ilang araw pa ang lumipas at sa wakas ay natapos ko nang
lahat ang mga reports na pwedi kong gawin sa sobrang busy ay hindi ko na minsan
magawang sagutin ang mga tawag ni Sonja. Umiskapo nga ako nung nakaraang family
day namin na laging ginaganap tuwing lingo para lang agad na matapos ang lahat
nang sa tuluyan ko nang maisakatuparan ang aking mga balak.
“Anong masamang elemento ang sumapi sayo at hindi ka raw
nagpapadisturbo?” Bungad ni kambal sa akin sa kwarto habang nakadapa sa kama’t
nag-babasa ng huling apat na reports ng mga EE namin sa kumpanya.
Binigyan ko lang ito nang magandang ngiti at muling
ibinaling ang atensyon sa aking binabasa.
“Aba! Dedicated ang loko sa ginagawa. Ilang araw ka na raw
hindi lumalabas ng kwarto mo sabi ni papa sa akin. Wag mong sabihing may balak
kanang pakasalan ang imaginary girlfriend mo kaya ka nagpapakakuba sa trabaho.”
May himig nang pang-aasar nitong sabi nang makaupo sa kama po.
“Imaginary girlfriend ka dyan. Trip ko lang tapusin ang
lahat para tuloy-tuloy ang pahinga ko.” Nakangiti kong tugon sa kanya.
“Kung gusto mong tuluyang mamahinga pwedi kitang
tulungayan.” Pang-aasar pa nito sa akin.
“No thanks sayang ang lahi ko. Kung nag-punta kalang dito
para guluhin ang pananahimik ko’y pwedi kanang umalis kailangan ko pang tapusin
to.”
“Hindi ko na kailangang mag-aksaya nang panahon para guluhin
ka dahil matagal nang magulo ang buhay mo. Pumunta ako rito dahil ipinagluto
kita nang ulam kasi sabi ni nanay isang beses kanalang kumakain sa isang araw.”
Sa sinabing iyon ni Dorwin ay agad akong napangiti at
napatingin sa kanya gamit ang nagpapacute kung tingin. Napataas naman ito nang
kilay sa reaksyon ko at pabiro akong pinatokan.
“Tara na sa baba sabay tayong kumain.” Aya nito sa akin at
agad nang tumayo’t tinungo ang pintuan ng kwarto ko.
“Una na kayo nang asawa mong hilaw tapusin ko lang ito.”
Tugon ko sa kanya na nasa mga papel na ulit ang aking tingin.
Naramdaman ko ulit na umupo si Dorwin sa kama kaya naman may
pagtatakang napatingin ako sa kanya hindi kasi ugali nito ang mangulit at
lalong lalo na hindi nito ugali ang mamilit.
“Oh may kailangan kapa kambal?”
Ngunit imbes na sagutin ako nito ay inagaw nya sa akin ang
hawak kong mga reports pati na rin ang laptop ko.
“Katakot takot na paliwanag ang ginawa ko kay Red kung bakit
hindi ko sya pweding sabayang kumain ngayon kaya tumayo kana dyan at sabay
tayong kumain kung ayaw mong itapon ko itong laptop mo sa labas ng bahay.”
Sabay tayo nito at tuluyan ng lumubas sa aking kwarto.
Naiwan akong nakangiti sa bruskong paglalambing sa akin ni
Dorwin walang maniniwalang half-half talaga ang kambal ko dahil tulad ko piling
tao lang ang pinapakitaan nito nang kanyang emosyon maski nga sa akin na kambal
nya ay pilit pa nyang itinatago. Tanging si Red lamang ang tanging taong
nakakaalam sa totoong Dorwin, ganun kagaling mag-tago ang kambal ko.
“Bibilang ako nang tatlo! Pag di kapa nakababa rito
umpisahan mo nang i-revise ulit ang mga reports na nagawa mo dahil sa kalsada
pupulutin itong laptop mo!” Pasigaw nitong sabi.
Tatawa-tawa naman akong bumaba at mas lalo pa akong
napangiti nang makitang Adobo ang ulam na nakahain sa hapag nagpapatunay lang
na kahit laging asar sa akin ang kambal ko mahal na mahal parin ako nito.
“Ubusin mo to ha.” Wika nito habang linalagyan ng kanin ang
plato ko.
“Ginawa mo naman akong patay gutom nito.” Reklamo ko naman
dahil sa halos gabundok nang kanin na ang nasa plato ko.
“Para makabawi ka sa mga araw na hindi ka bumaba para kumain
kumag ka.”
Hindi na ako nag-reklamo at inumpinsan nalang na kumain bago
ko pa tuluyang maasar na naman si Dorwin. Nahuli ko pa itong napangiti nang
makitang linalantakan ko ang linuto nitong adobo.
“Finish your works before dinner para doon tayo kumain
mamaya sa labas isasama natin si papa
para maiba naman.” Wika nito.
“Ows? Libre mo?”
“Hindi, libre namin ni Red conjugal naman ang pera namin.”
Tila kinikilig pa nitong wika.
“Landi mo!” At sabay kaming nagtawanan.
This is the only reason why I love my family more than
anyone else dahil sila lang ang taong tunay na nagbibigay sa akin ng ibayong
saya at pag-aalaga na hindi ko makita sa mga naging girlfriends ko. Wala pang
sino man sa kanila ang nakakatiis sa kabaliwan ko at wala pang sino man ang
nakakayanang mapangiti ako nang abot tenga kundi ang kambal ko lang at syempre
ang papa ko.
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment