ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Wednesday, October 17, 2012

Mga bro, Ermat ko nga pala


You can visit my blog hit the link http://steffanoperales.wordpress.com/ and do like my official page on facebook https://www.facebook.com/Thesteffanoperales or you can follow me on twitter @iamsteffano. 
  All Rights Reserved. Unauthorized use, copy, editing, reproduction, publication, duplication and distribution of  this article, without the authors explicit permission, is punishable by law. Subject to Philippine and International Copyright Conventions on Intellectual Property Rights.



Pinagtatawanan ako ng mga barkada ko. Bukambibig ko daw kasi ang nanay ko. Bakit daw ba kasi diko maiwan.iwan etong pobreng ermat ko. Kasi daw matanda na, naghihingalo pa ang laspag na ganda, amoy basura at higit sa lahat wala nang pera. Gayunman, ni minsan hindi ko ikinakahiya ang nanay ko. Isa lang ang laging sinasagot ko sa kanila, “Ewan ko ba tol, siguro dahil magkadugtong ang aming mga bituka”. Pero alam mo, yun din ang akala ko. Gaya mo, gaya ng mga kapatid ko, lumisan ako kelangan eh.
Matagal ko na ring hindi nakikita ang nanay ko. Oo, nasa ibang tahanan ako. Malayo sa kanya, ngunit sadyang napakalapit ang mga panaghoy ng aking ina. Ang panglalait ng mga tanginang kapit.bahay niya. At ang lasong dala ng mga mapagkunwaring bisita. Mula nong kamusmusan ko, ipinangako ko sa sarili ko na isang araw aangat din ang antas ng tahanang kinamulatan ko. Sabi ko, higit akong mag.aaral ng wasto at kakayud ng husto. Ngunit kaakibat ng aking pag.angat ay paglisan sa piling niya, pano kasi wala siyang pera. Kelangan ko ng maraming pera. Nampucha naman kasi ba’t ang hirap yumaman.
Heto na, uuwi na ako, kumusta na kaya ang mudra ko?
Nadatnan ko si ina sa loob ng lumang kubo kung saan isinilang ang isang Ako. Antagal niyang hinintay ang pagbabalik ko, sobra. Bumungad sakin ang isang matamis na ngiti at mapangalagang bisig na minsang naging kanlungan ko. Sa kanyang nangungusap na mga mata batid ko ang luha sa pilit niyang mga ngiti. Nalulungkot ako dahil gaya ng iba niyang mga anak lumisan ako at piniling manirahan sa ibang tahanan. Nalulungkot ako dahil sa mga banyang nakikinabang sa galing at talino ng aking mga kapatid na siya ang may turan. Patawad po ina para sa aking mga kapatid na patuloy kapa ring ninanakawan. Umiiyak ako dahil sa dumi at usok na iyong nalalanghap na kagagawan ng sarili mong mga anak. Naghihinagpis ako dahil sa labis na pambababoy nila sa samyo mo’t ganda. Heto na ako ulet ma, nagbabalik na ako. Tutulungan kitang tumayo muli. Kasama sila ate at kuya, sisikapin naming umangat tayo sa marangal na pamamaraan ng alam kong iyong labis na ikakatuwa. Siya nga pala ma, may mga kasama ako, mga barkada ko po.
Mga bro, nanay ko nga pala si Pilipinas.
THIS WORK IS INSPIRED BY A MASTER PIECE “MINSAN MAY ISANG PUTA” WRITTEN BY MS. MIKE PORTEZ

2 comments: