ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, October 28, 2012

4 Minahal ni Bestfriend : Desperado part 2



             Kamusta po sa lahat? ^_^

             Una ay nais kong magpasalamat muli sa inyo sa mga waang sawang sumusuporta sa aking munting akda. Salamat din po sa paniniwala ninyo sa aking kakayanan. Sobra po itong nakakapagpa touch ng aking puso. ^_^

             Pangalawa, ay gusto ko humingi ng pabor. Hahaha! Pa follow naman po ng blog.. Heheheh. Sige na :P Hahaha!! And nga pala guys, you can add me up on fb pa din. We have a growing community sa fb and I hope ay i-add nyo ko ng mai-add ko din kayo sa ating group. We will be having events soon so sana sumali po kayo. :) Ito po ang link ng aking fb acct. :)  http://www.facebook.com/kenji.bem.oya PAKIUSAP lang po na magpakilala lang kayo upon adding para ma add ko na kayo agad sa group :) Thanks!! So.. ito na!!

              Pangatlo, ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie,  at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO,  cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092,  at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.  


             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.






“Hindi mo kasi alam kung gaano kasakit, eh…”, malungkot at iyak pa din na sabi nito.

“Mas alam ko. Alam na alam ko…”, tanging naisagot ng utak ko. Sabay punas ng luha habang walang maisagot sakanya.

“Pasensya ka na, ikaw nanaman ang hiningahan ko, ah..”, pagsabi nito.

“Sus! Wala yun! Ikaw pa! Lakas ka sakin, diba? Utol nga, diba?”, magiliw kong sabi.

Kahit pa ang gusto kong sabihiin sakanya ay…

“Ako na lang kasi Ced… Ako na lang…”

Nakatulog na umiiyak si Cedric. Ako naman ay halos hindi na din nakatulog ng maayos. Ibang sakit kasi ang nararamdaman ko sa mga ganitong sitwasyon. Masisisi mo ba ako?

Nagising ako tanghali na. Naabutan ko naman na tulog pa din si Cedric. Maaga rin naman kasi nagigisng ang Inang nito at halos hindi na sila nagkikita dahil nag iintrega lang ito ng bwanang kita. Pero kahit ganun pa man, ay close ito sa kanyang Inang. Nagkataon lang na pang gabi na ang aming trabaho kaya bihira na silang magkita.

Agad akong tumayo at nagluto ng tanghalian. Nagiwan lang ako ng pagkain sa lamesito sa tabi ng kama ko para pag gising ni Cedric ay may kakainin na ito. Ako naman ay lumabas na ng bahay at nagpunta kaila Aling Pasing upang kuhanin ang mga ititinda kong mais para ngayong hapon.

Marami na rin akong suki. Nakakatuwa daw kasi ang pagsigaw ng “mais”. Yung tipong kahit natutulog ka ay magigising ka at matatawa sat wing maririnig mo akong sumigaw ng mais.

“Ayan na si pogi!!”, rinig ko. Nagsilapitan naman ang tatlong matatandang babae na sya namang bali balita na tuluyan ng hindi nakapag asawa. Ngiti agad ang sinalubong nila sa akin.

“Pagbilhan mo nga ako ng dalawa, ibibigay ko lang sa anak ko.”, sabi ni Aling Marissa.

“Anak? Eh, hindi ka nga nakapag asawa?! Ambisyosa to. Pagbilhan mo ko ng tatlo para sa mga apo ko.”, pagsusungit ni Aling Claring kay Aling Marissa sabay bigay agad ng ngiti sakin.

Magsasalita na sana ang ikatlong ginang ng biglang tiningnan ito ni Aling Claring at Aling Marissa ng masama.

“Ah, tatlo.”, ngiwing sabi ni Aling Mameng.

“Kayo talaga, ginugulo nyo nanaman itong si Cyrus. Porket gwapo eh. Wala na!! Huli na kayo sa byahe!”, bigla namang singit na biro ni Mang Tino, ang may ari ng isang maliit na talyer sa amin.

Inismidan ng tatlong ginang si Mang Tino sabay ngiti sa akin bago umalis.

“Iba na talaga ang pogi, ano bata!”, biro nya naman sakin. Ngumiti lang naman ako.

Dahil na rin sa madami na akong suki ay madaling nauubos ang paninda ko. Kaya naman maaga akong nakakauwi para naman makapagpahinga pang muli para sa trabaho ko mamaya.

Paguwi ko ng bahay ay gising na si Cedric at nakauwi na ito. Hugas na rin ang mga pinggan. Si Mang Berto naman ay kasalukuyang natutulog para sa trabaho din nya mamayang gabi bilang isang mambabalot.

“Bhay na ko.”, pagtetext ko kay Cedric.

Beep. Beep.

“Buti nmn. Nina pa kita antay.”, kinilig ako ng konti. Eto nanaman ako, nagbibigay ng mga kahulugan sa mga bagay na sinasabi nya.

Beep. Beep.

“Bkit?”

Magrereply na sana ako ng bigla namang pumasok ng bahay si Cedric.

“Alam mo hindi ko maintindihan bat pa ko nagsasayang ng load ihh..!”, sarkastiko kong biro kay Cedric.

“Tara na! Bilisan mo!”, pagmamadali nito sa akin.

“Ano bang meron?”

“Charan!!”, excited na sabi nito sabay labas ng isang box. Sabay abot nito sa akin.

“A..Ano to?”, ngingiti ngiti kong tanong.

“Wala lang. Naisip ko kasi sobrang bait mo sakin. Pagpasensyahan mo nay an, ha.”, ngiting sabi ni Cedric. Napaupo ako sa may lamesa at ganun din sya. Halos mapaluha naman ako dahil sa munting regalo na ito. I don’t care kung anong laman nito, ang mahalaga ay galing ito kay Cedric.

“Ta-talaga…?”, sobrang touched kong sabi. Bigla naman nyang inagaw yung box.

“Joke lang. Dumaan sa bahay si Geoff kanina at binigay yan sakin. Eh ayaw kong buksan habang wala ka.”, biglang pagtawa ni Cedric ng malakas.

Napatingin lang ako kay Cedric. Taena… Bat naman kasi ganto ang role ko?

“Gagew ka talaga! Sabi na, eh. Ikaw pa magbibigay ng regalo sakin!! Hahaha”, pekeng pagtawa ko kahit pa halos ipitin ko na ang mga kamao ko sa sobrang sakit ng birong yun.

“Ang sweet niya, noh?”, nakangiting tanong nito sa akin.

“Aah.. O-oo.. Sweet…”, tanging naisagot ko.

“Huy!! Para kang nahipan dyan!! Anong nangyari sayo?!”, tawa nya ulit na tanong.

“Eh ikaw kaya biruin ko ng ganun?! Kung alam mo lang, masakit ang mga biro mong yan dahil para sakin totoo ang lahat!!”, ang gustong sabihin ng utak ko.

“Hah.. Ayieeeeeee!! Nakakilig naman kasi!! Sana may magbigay din sakin ng regalo.”, ang siya ko namang naisagot. Kunwari pa ay kinikiligkilig ako para sakanya. Kahit pa habang binubuksan nya ito ay nakatitig lang ako sakanya habang siya naman ay tuwang tuwa.

“Uy, necklace!!”, tuwang sabi ni Cedric.

“Wow… Ang ganda naman nyan…”, medyo malungkot kong tugon.

“Maganda ba talaga? Parang hindi naman.”, sagot neto.

“WOW!! Ang GANDA naman!!!”, sarkastiko kong sagot. Natawa lang ito ng malakas.

Mapang inggit ka din noh!!”, sabay batok sakanya ng mahina.

“Arekopo!! Itsura mo naman kasi, parang hindi ka talaga nagandahan.”, sabay tawa nito muli.

“Hindi talaga.”, sa loob loob ko.

Tumingin sakin ng seryoso si Cedric. Sabay ngumiti ito ng bahagya.

“Paki suot naman, oh…”, ngiti nyang sabi sa akin.

Nagulat ako sa sinabi nya. Ngunit wala naman akong nagawa kundi ang isuot ito sakanya. Pumwesto ako sa likod nya habang hawak hawak ang necklace na bigay ni Geoff.

I wanted to throw away that necklace. Pero hindi kaya ng katawan ko. He seemed really happy ng makita nya ang laman ng regalo. Kung alam lang nya… Kung alam lang nya na masakit para sakin. Bakit ba kasi hinintay mo pa ako para lang buksan yan? Hindi mo ba alam na mas pinapamukha mo na hindi tayo pwede?

Ops, bago nyo sabihin sakin na, “Sabihin mo na lang kasi ang nararamdaman mo!! Tanga tanga ka din, eh!!”, tatanungin ko muna kayo, “Kayo, nasabi nyo na ba? At masasabi mo pa ba kung nakikita mo kung gaano sya kasaya?”

Sabihin nyo ng tanga.. Pero marami ang katulad ko. Hindi lang ako…

“Bagay ba?!”, ngiting tanong ni Cedric sakin.

“Oo, Tol. Bagay na bagay.”, pagpepeke ko ng ngiti.

“Totoo ha! Sabi mo yan, ha!”, paninigurado nya pa.

“Oo nga. Ang ganda tingnan sayo, oh!”, pag ngiti ko.

Napansin niya ata na medyo nainggit ako.

“Huwag ka mag alala. Isang araw may magbibigay din sayo ng ganito!”, ngiti ngiti at pataas taas nya pa ng kilay sa akin.

“Ikaw lang, okay na…”, sabi ng utak ko.

“Aba, oo naman! Mas maganda pa dyan sigurado ako! Malalaos yang necklace na yan!!”, pangaasar ko.

Nagyaya kumain ng meryenda si Cedric. Kahit sana gusto ko umidlip pa ng saglit ay pinagbigyan ko ito. Total, siya daw ang taya. Kaya naman kumain kami ng lugaw sa kalapit na karinderya.

Nakita ko kung paano nya ipinagmamalaki sa halos lahat ng kakilala naming na dumaan ang bago niyang necklace. He looked very happy. No, I was sure na masayang masaya siya. And all I can do is panoorin siya sa kasiyahan niya. I should and must be happy for him. But I can’t. I simply can’t…

As usual, sat wing lumalabas kami ay walang humpay na kwento tungkol sa pagkasweet at bait ni Geoff ang tanging binibida nya sa akin. Ganito naman palagi, eh. Ako ang takbuhan pag masaya sya, at kahit pa malungkot at problemado sya. Ika nga nila,”Bestfriend, eh”.

Umuwi kami ng may bitbit na ngiti si Cedric. Kahit pa pauwi na kami ay paulit ulit nitong kinuwento kung paano sya pinuntahan kanina ni Geoff at inabot sakanya ang regalo. Tuwang tuwa ito na ikinwento kung paano ito nagsorry at talaga naman daw damang dama nya na ang paghingi ng tawad ng kasintahan.
Hindi na bago sa akin ito.

Actually, I was a witness to everything. Simula pagliligawan. Mga unang date, at mismo nung sinagot ni Cedric si Geoff. It was during their band rehearsal at syempre, andun kami. Dapat si Cedric lang talaga, kaso halos hindi umaalis si Cedric ng di ako bitbit bitbit.

Kaya nga mas masakit, eh. Everytime, nakikita ko siya paano kiligin, matuwa, magalak. Something na hindi ko kaya ibigay sakanya. I mean, napapatawa ko siya sa mga biro ko. Pero, hindi ko kaya maging rason ng mga ngiti at tuwa nya. Yun lang naman ang gusto ko eh.

Pero ano? Sa halip, ako din ang naging saksi sa bawat hikbi, iyak at kirot ng puso nya. Ang hirap, ah! Wala na nga akong magawa upang maging masaya siya, eto pa’t pinapanood ko siya sa pagdudusa nya.

Paguwi naming ay pinaghanda ko ng makakain si Mang Berto. If there is one person na siguradong mahal ako, I would say na si Mang Berto yun. Kaya naman talagang gusto kong masuklian ang pagiging ama niya sa akin sa pagiging isang mabuting anak sakanya.

Matapos ako makapag ayos ay naghintay lang ako sa kwarto at muli akong tawagin ni Mang Berto at sabihin sa akin na andyan na si Cedric.

“Cyrus!!!”, sigaw ni Mang Berto.

“Andyan na po…”, sagot ko.

Tama ang hula niyo. Hanggang sa pagpasok naming sa trabaho ay walang humpay pa din ang paulit ulit na kwento ni Cedric sa kwintas nya.

“Bat ang tahimik mo?”, tanong ni Cedric.

“Eh ano pa bang sasabihin ko sayo? Eh memorize ko na ang kwento mo. Paulit ulit naman kasi.”

“Inggit ka lang.”, pang aasar ni Cedric.

“Oo na! Ikaw na may magandang kwintas, ako na ang wala!”, medyo pagtaas ng boses ko.

“Ay, inggit nga.”, lalo niyang pang aasar.

Tumahimik na lang ako buong byahe papunta sa bar. Kahit pa sa loob ng bar at habang nagaayos ay tahimik na lang ako. Grabe naman kasi, nagseselos na nga ako, tapos ganito pa ang mangyayari. Okay, wala akong karapatang magselos pero ayoko namang pakatanga ng sobra.

“Uy.”, paniniko sakin ni Cedric.

Ngunit tiningnan ko lamang ito.

“Sorry na kasi. Masaya lang naman ako.”, pangungulit nito.

“Sige na, mag aayos pa ko ng table don.”, malamig na tugon ko.

“Ice cream!!”, pag sigaw nito.

Agad ako napahinto at napalingon.

“Uy.. Gusto nya din.”, pangiinis nya.

“Diet ako.”

“Basta Ice cream, ha!! Pagtapos ng trabaho.”, sagot nito.

“Dalawa ha!”, maangas kong sagot.

“Diet ha!”, pag ngiti nito.

Oo na. Malandi na. Pero paano ko naman siya mastitis na hindi pansinin? Siya na nga lang halos ang taong nakakasundo ko eh.

Maya maya ay dumating na ang banda. At tulad ng dating gawi ay kinuhanan ko ng inumin ang banda bago tuluyang panoorin ang sweetness ng dalawa. Habang ako, namamatay na lang sa inggit at selos. Kaya naman tumayo ako at pumunta na lang sa bar. Kumuha ng isang shot ng vodka at inistraight ito.

“Aga aga, nagiinom ka dyan.”, pagmamata sakin ng isang boses. Agad akong lumingon. Si Rovi. Ang lead guitarist ng banda. Ang bwisit na lead guitarist ng banda.



  Rovi








“Ako nanaman nakita mo.”, inis kong sagot.

“Eh tingnan mo nga ang oras! Ang aga aga, vodka tinitira mo dyan!”, pagtatawa nito.

“Maghanap ka nga muna ng ibang maiinis, wala ako sa mood.”, sagot ko.

“Malamang, umpisa ng trabaho, eh.”, sagot nya.

“Huh?!”, takang sagot ko.

“Eh twing gantong oras ka masungit, diba? Bago magsimula ang trabaho.”, sabay tingin nito kaila Cedric at Geoff.

“Hindi naman!”, depensa ko.

“Martyr ka ba?”, tanong ni Rovi.

“Tigilan mo nga ako sa mga baduy na pick up lines mo, ha!”, bwisit kong sagot.

“Basta! Sagutin mo na lang! Martyr ka ba?”, mas ngiti nitong tanong. Wala naman akong magagawa dahil hindi aalis to hangga’t hindi ko pipinapatulan ang kakornihan nya.

“Oh, eh bakit naman?”, malamig kong tugon.

“Obvious eh.”, panginis nitong sagot sabay lakad palayo ng bar. Nainis naman ako sa sagot nya kaya napalagok nanaman ako ng isa pang shot ng vodka.

“Umamin na lang kasi, ayan, nahihirapan tuloy ang iba dyan!”, pagpaparinig pa niya sabay tawa ng malakas palayo.

“Hoy Rovi!”, pagtawag ko. Bumalik naman ito at naglakad patalikod. Sabay lingon sakin.

“Ano.”,pagtingin nito sakin ng walang emosyon.

“Ano bang pinagsasabi mo dyan?!”, galit kong tugon.

“Sige, magkunwari ka pa. Makakatulong yan.”, sarkastiko nitong sagot.

“Alam mo kahit kelan, bwisit ka eh, noh!”

“Ganun ba. Fine. Sino bang mas kawawa satin?”, pagsagot nito.

Aaminin ko. Bwisit kausap talaga si Rovi. Pero isa rin sya sa mga taong komportable ako kausap. Nakakatawa nga eh. Dahil kung kanino pa ko bwisit, dun pa ko nakakahinga ng maluwag.

“Kung itatanong mo kung obvious ba? Hindi. Pero, ako. Oo. Mga tanga yan, eh. Bobo bobo. Halata namang may gusto ka kay…”

“Oh, tumahimik ka na. Ingay mo din, eh.”, inis kong sabat.

“Alam mo, magpakalasing ka na lang diyan kesa awayin mo ko.”

“Mga banat mo naman kasi eh.”

“Ewan ko sayo. Penge na nga lang Iced tea.”, sagot nito. Agad ko naman ito kinuha.

“Ayan na po.”, sarkastiko kong sagot.

“Alam mo, parang Iced tea lang yan eh. Pag walang ice, tea na lang…”, pagpapaliwanag ni Rovi.

 “Oh, tapos?”, hintay ko sa paliwanag nya.

“Huh? Anong tapos? Ewan ko sayo. Magtitipa na nga lang muna ko.”, sagot nito sabay lakad palayo.

“Ano daw?! Ambaduy namputek!”, sabi ko sa loob loob ko pero paulit ulit na iniisip ang sinabi nyang walang kasense sense. Joke ba yun..?

Nagdaan ang buong gabi at as usual, marami pa rin kaming mga parokyanong nagsidatingan. Marami ring mga baguhan. Medyo may pangalan na din kasi ang bar na pinagtratrabahuhan ko kaya naman kahit weekdays ay dinadagsa ito ng tao.

Pauwi na kami at mukhang okay naman ang lahat, Yun nga lang, pagod pa din as usual. Uuwi na sana kami ng mag-iba ng direksyon si Cedric.

“Huyuyuy! San ka pupunta? Dito ang daan pauwi! Lasing ka ba?”, takang tanong k okay Cedric.

“Ay tamo to! Ikaw ata ang lasing! Diba magiice cream tayo?!”, tawang sagot ni Cedric. Natawa naman ako ng bigla kong maalalala.

Ganyan siya, kahit pa halata na sakanya ang pagod, basta sinabi niya, gagawin niya. Kaya naman bumili kami ng isang pint ng ice cream sa malapit na 7 11 at nagpunta sa pier.

Naupo kami sa may bayside ng pier. Kung titingnan mo ay nakakatakot ang dagat dahil sa gabi. Ngunit kamangha mangha naman tingnan pag sa malayo dahil sa mga bituin na nagrereflect sa tubig ng dagat. Animo’y mga brilyante na nakakalat sa karagatan.

“Paborito ko tong lugar na to…”, biglang sabi ni Cedric habang ngata ngata ang scoop ng ice cream.

“Sana hindi mo nginunguya yung scoop, diba? Pag nasira yan hindi kita pahihiramin ng akin.”, pangmamata ko.

“Ang sabihin mo, ayaw mo mamigay.”, pagtawa nito.

“Aba! Teka, bat naman paborito mo tong lugar na ito?”

As usual, alam ko naman ang sagot. Siguro may memorable date sila ni Geoff dito. Pero nagkunwari akong walang alam.

Ngunit nagulat ako sa sagot nya.

“Basta…”, sabay tingin nito sa akin at ngumiti ng bahagya. Halos mamula naman ako sa mga ngiting yun.

“Hinding hindi ko makakalimutan ang lugar na to…”, dagdag pa nya. Medyo nagtaka naman ako. Nakaramdama ako ng matinding kaba.

“Teka, wag mo sabihing aalis ka…?”, kaba kong tanong.

“Buang! Saan naman ako pupunta!”, sarkastikong sagot nito.

Nakahinga naman ako bigla ng maluwag.

“Kala ko kasi nagpapaalam ka, eh.”

“Ayyy! Praning!!”, pagtawa nito bigla.

Tahimik. Nakatingin lang kami sa dagat habang umiihip ang malamig na hangin.

“Sorry, ha…”, basag nito sa katahimikan.

“Saan naman?”, takang tanong ko.

“Sa kakulitan ko kanina.”

“Ano ka ba! Wala lang ako sa mood! Wala naman sakin yun!”

“Salamat.”

Tahimik ulit. Hindi ko naman alam ang sasabihin. Basta tahimik lang kaming kumakain ng ice cream habang nakatingin sa dagat.

Humugot ako ng isang malalim na hininga at binuga ito.

“Manghuhula nanaman ba ko?”, basag ko naman uli sa katahimikan.

“Huh?”

“Hindi naman tayo pupunta dito para lang siguro mag ice cream, diba?”, sarkastiko kong sagot.

“Alam na alam mo ha…”, malungkot na tugo ni Cedric.

“Si Geoff nanaman noh? Ano nanaman kalokohan nya?”, tanong ko.

“Hindi. Wala, ah. Masaya nga kami ngayon, eh. At wala din akong problema sa mga nagpapacute sakanya. Ako pa nga pinahawak nya ng cellphone nya kanina para daw masiguro at mabasa ko lahat ng text na matatanggap nya.”,  paliwanag ni Cedric.

“Eh, okay naman pala, eh. Anong problema?”

“Ewan ko ba. Parang ano kasi.. Parang nakakapagod…”

“Ang..?”

“Yung ganito. Yung pagdadasal araw araw na sana walang maging gulo sa aming dalawa. Na mapigil ko ang pagseselos ko sa mga nagpapansin sakanya.”, malungkot na sagot nito. Muli, nakita ko nanaman ang mga luhang ayaw na ayaw kong makita.

“Ced…”, malungkot kong tawag sa pangalan nya.

“Nakakapagod kasi eh…”, iyak nito.

“Alam mo Ced, kung mahal mo, kaya mo umintindi. Oo, nakakapagod. Pero pag mahal mo talaga, hindi mo isusuko diba? Kahit anong selos o sakit pa yang nararamdaman mo. Na kahit halos nagmumukha ka ng tanga sa harap nya, okay lang sayo. Na halos kahit magtiis ka sa sakit, nagagawa mo. Kasi nga, mahal mo.”, sagot ko. Hindi ko napansin na napaluha na rin pala ako.

Napansin kong biglang napatitig sakin ng seryoso bigla si Cedric. Agad ko namang pinunasan ang luha ko.

“Bat ka umiiyak?”, malungkot na tugon nito.

Bakit nga ba ako umiiyak? Eh sa tinamaan ako sa mga sinabi ko, eh! Para sayo kasi yun! Kung alam mo lang Ced…

“Eh umiiyak ka din eh! Nahawa lang ako!”, depensa ko sabay punas sa natitrang luha sa mukha ko.

“Ang lalim ng sinabi mo, ha.. May pinaghuhugutan! Umamin ka nga! Meron ka na bang napupusuan ng di ko alam?!”, medyo seryoso at pabirong tanong ni Cedric.

Kinabahan ako dahill napansin kong nakatitig ito sakin mata sa mata.

“Meron… Ikaw…”


37 comments:

  1. hehehehehehe bitin.......sana ung bida palaban na rin........

    ReplyDelete
  2. pag mahal mo di mo isusuko..totoo naman..pero nakakapagod din pag ikaw lang ang nagmamahal..

    ayan Ken tinamaan lang ako..hahaha!!
    excited na sa chapter 3 ^_^

    ReplyDelete
  3. aww nice story nag enjoy ako ^^
    In fairness ang gwapo ni rovie hehe :)

    XOXOX "ARSTEVE"

    ReplyDelete
  4. oh my gosh.. sinabi yun ni Cyrus kay Ced na mahal niya ito?

    ReplyDelete
  5. Marshy. Pa update ng story mo plss:( ,ung LIPSTICK...sana ipasok na sa eksena si LARC pra kay CYRUS..

    ReplyDelete
  6. waaah.. lakas mambitin!!! hehehe aabangan ang nxt update :]

    ReplyDelete
  7. Wow. galing. nakakarelate ako!


    kaabang-abang, next chapter na po.. :))

    -em_bie24

    ReplyDelete
  8. eeeee...bitin na naman hehehe...kaw na tlga kenjie..hehehe


    spell MARTYR....C_Y_R_U_S
    walang katapusang pagka MARTYR...hahahaha

    ang sakit sakit lageh pag nakakabasa ka ng mga story na ganito..ang sarap unugin ng bida..hahahaha

    nakakahawa mga emosyon nila..hahahah

    next PAGKAMARTYR episode or chapter hehehe

    ReplyDelete
  9. Sadya bang ginawa tong kwento na'to para sa akin xD
    heee.. feeling ko tuloy ako Cyrus, ganyan ako kaplastik
    tuwing may gift na natatanggap yung bespren ko lalo na kapag galing
    sa gf nya .. BUSET, murit lang ang emote ko nohh?!

    pero tungkol naman sa story ehh talagang nag success ka sa part na kung saan maraming makaka-relate, at mala-true to life!
    Sana ganyan din ako kagaling mag sulat ... sana.
    ___________
    ~A D A N

    ReplyDelete
  10. Owkei. Expect ko na, na sinabi ni cyrus yon sa loob loob niya. Hahahaha. Grabe, Isang martyr na nman. Martyr sa pag-ibig. Anu ba teh. Kaloka. Hehe

    ReplyDelete
  11. "Kapag may gusto ka sa isang tao sabihin mo na agad. Don't be COWARD. Wag kang matakot sa rejections. Malay mo gusto ka rin pala nya.." Bagay to kay cyrus. Grabe ha! Dalawang chapters palang to :)

    Btw. Upon reading some comments sa chap 1 nakita ko yung pangalan ni larc. OH MY! Sana sana pumasok sya story :3 ayyyy! Langya naexcite ako. Hahahahahaha

    -giantantrum

    ReplyDelete
  12. i think sinabi lang ni cyrus yun sa sarili niya..di pa niya kaya ang magsabi ng totoo..

    next chapter na ken..

    -J

    ReplyDelete
  13. i bet kakabigin nia yng cnbi nia, shoes! -_-

    ReplyDelete
  14. rovi-cyrus na lang pwede..bagay sila

    ReplyDelete
    Replies
    1. great, superb, interesting what more i can say. to the author good work. please update your story everyday so that i wont lost my interest in reading it.

      Delete
  15. great, superb, excellence piece, interesting, what more i can say. to the author good work. i do hope that you will update your stories everyday so that i wont lost my interest in reading your masterpiece.
    Grabeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  16. Yeah . tama si kya lawfer ..
    kakabig nga cya :D

    ReplyDelete
  17. hala ayan na, peo feeling q mtatagalan pa bago ang aminan.. :p

    ReplyDelete
  18. ayan na, hehe, peo feeling ko nman mejo matagal pa ang aminan blues.. :p

    ReplyDelete
  19. Parang ang naliitan ako sa kwento..

    ReplyDelete
  20. bkt nga ang hirap umamin...tsk tsk tsk...

    Excited n q sa susun0d na chapter..

    Dee Azrael

    ReplyDelete
  21. parang bagay si cyrus at rovi, hehe..

    ReplyDelete
  22. idol ko!! napakaganda nito.. natatawa ako dun sa akala ni cyrus sa kanya yung gift .. sobrang tawa talaga! haha.. pero nalungkot namn ako sa huli.. bawat salita TUMATATAK SA PUSO KO. IBA KA TALAGA SA IBA..
    more power!
    johnjamesjohn :)

    ReplyDelete
  23. Ang deep ah. Ganda ng chapter na toh! Another Brilliant work from Ken! Next na please. :)

    ReplyDelete
  24. sweet ng panimula pero same as my life mahilig itago ang mga bagay bagay

    ReplyDelete
  25. Ang galing mo talaga author..talagang mararamdaman ng bawat readers kung anu ang nararamdaman nung mga characters sa kwento mo..

    Super like

    -Arvin-

    ReplyDelete
  26. nagugulohan ako..

    cno bang bakla, c cedric o cyrus?

    ReplyDelete
  27. tama nga nkakapagod..di ba sabi nila it takes two to tango..eh pano kung ang isa lang ang nagsasayaw..dapat same kayo...gud ken

    ReplyDelete
  28. :):):):)

    Basa mode..
    done:)
    Nice story..

    Hello ken..

    ReplyDelete
  29. Grabe talaga kung maka martyr ang mga bestfriends anu?.

    Ang ganda talaga worth waiting ang bawat istorya dito hehhe.. kanina inaantok ako kasi umaga na hehe pero nang mabasa ko to nagising bigla ang diwa ko pati ang damdamin ko :) GOOD JOB po ulit sir ken.. Isa ka na talaga sa aking idol na writer..:) KEEP IT UP po..


    #goodmornight

    ReplyDelete
  30. Ano pa bang dapat sabihin kundi ang galing ng author at sobrang daming nakaka relate sa story. Ang hirap talaga pag mahal mo ay merong mahal na iba. And worse di mo ito kayang sabihin sa kanya..Great Job..Next chapter pls:-)

    ReplyDelete
  31. *Bow* ang galing. Super relate at, sinaktan mo ako. HAHAHA :) same story kc, na inlove ako sa bestfriend ko naging martyr (umamin, nagka world war 3 ng two years. In the end naging kami din naman. hindi na to belong.. share lang.)

    Keep it up po ! isaling mo na nga to sa libro nang mabili.

    Poy-

    ReplyDelete
  32. Tumbling sa parang iced tea lang yan, pag walang ice, tea nlng. Tumbling!!! Hahahaha

    ReplyDelete