ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Tuesday, October 23, 2012

One Truth - Chapter I


One Truth
Chapter I: New Chapter, New Characters

“Declan, son, wake-up. Today’s your first day of classes in your new University; I have already ordered Armando to ready your car. Wake up and prepare yourself or you will not have any of your favourite dessert: Passion fruit and Banana Soufflé.”  Pag-gising sa akin ni Dad, Eamon Patrick Dermot, para sa pagpasok ko sa aking unang araw sa aking linipatan na kilala at prestihiyosong Unibersidad sa Katipunan Avenue.


“Ugh… Dad, my class is at seven; let me sleep for another hour and then I’ll wake up.” Reklamo ko sa aking ama na kanina pa ang pagyugyog sa akin para gumising. Sa pagkasabi ng paliwanag ko tumigil ang pagyugyug sa aking katawan. Ngumiti ako ng maluwag, inaakala na sumuko na si Dad sa paggising sa akin. Huminga ako ng malalim para maituloy ko ang aking panaginip sa dreamland bago umepal si Dad.

-------------------------------------------
Example nang aking Dream Sequence:


Ako: Y ka ba?

Prospect: Bakit?

Ako: Para kasunod ka ng X ko.

Boy Back-Up: BOOM! Maikakama mo na iyan Master! Galing mo talaga!!! Wooo!!!

End Dream Sequence
-------------------------------------------
Lalong lumuwag ang ngiti ko sa mukha ng biglang:


***RINGGGGGGGGG!!!***


At dahil doon napamulat ako sa gulat nang makita ko si Dad na pinapatunong alarm clock niya malapit sa aking tenga. Hindi ko kasi gusto na may alarm clock sa aking kwarto dahil  naabala paglalakbay ko sa dreamland.


“Wake up Snorlax!!! I will not stop lighting fireworks in your room if you do not stand up and eat breakfast.” Litanya ni Dad sa akin habang patuloy sa pagwawala ang alarm clock niya. Makulit si Dad kaya wala na akong nagawa kung hindi tumayo at maghilamos bago bumaba at kumain. Nakita ko naman tumatawa dad ko dahil may pagkaisip-bata siya.


"Ní féidir liom a fháil ar roinnt codlata réasúnta thart anseo! (I cannot get some decent sleep around here)” Naibulalas ko bago tuluyang pumasok sa banyo. Mukhang narinig naman ni Dad ang aking sinabi kaya bago siya tuluyang lumabas sa aking kwarto may sinabi siya na lalong kong ikinaasar:


“Beidh tú riamh a fháil dea-oíche chuid eile agus mé anseo... (You will never get a good night's rest while I am here…)” At tumawa siya nang nakakaasar. Pero kahit ganoon umasta ang aking ama alam niya na alam ko na mahal niya ako ng lubusan, kaya kahit anong asar niya ay nasasakyan ko, maliban lang tuwing umaga.

-------------------------------------------
Family Background:
Originally, 3 kami sa pamilya: Si dad, si mom, at syempre ako.


Eamon Patrick S. Dermot: Isang Doctor of Medicine. Nagtratrabaho siya sa isang sikat na ospital na matatagpuan sa Taguig city. Siya ang kanilang Head of the Department of Neurology dahil sa ibang bansa siya nag-aral ng Medcine at doon din niya kinuha ang kanyang specialization na Neurology at Psychiatry. Alam niya ang aking sexual orientation bilang bisexual kasi umamin na ako sa kanya. Akala ko magagalit siya pero tinawanan niya lang ako. Noong tinanong ko kung bakit ang sabi niya matagal na niyang alam na bisexual ako kaya nga todo papogi siya para sagutin ko daw siya. Ganoon talaga si Dad para siyang isang bata na maligalig pero napakamabait at malambing. Gayon pa man, isa siya sa mga tao na mahilig magbigay advice sa kahit sinong tao na magdudulong sa kanya nang kanilang problema sa kanya; personal, medical or otherwise. Lagi siyang handa magbigay ng tulong kaya popular siya sa ospital na pinaglilingkuran niya pati sa subdivision namin. Isa sa mga payo niya ang talagang tumatak sa aking ay ang sinabi niya noong umamin ako sa tunay kong katauhan:


“Son, I don’t care if you are gay or bisexual, you will always be my son no matter what and, there is no other person I would like at my side when I storm the gates of hell. Do not give heed to the naysayers that say people with the same preferences as you are the blight of the society. Remember, it is them who are the blight of society for their dogmatic thought is one that causes war and discontent amongst us. Remember, I always have your back. Live life to the fullest, always remember to look back at your roots and learn lessons from it, but do not look solely at the past, remember the your future is yours and yours alone to shape until the right moment where the one who will be with you forever comes around, then together you will face your collective future through prosperity and through hellfire and brimstone. It may sound cliché but I remember your mom saying this to you while you are still young and this is one of the few sentences in Filipino I have memorized since coming here: ‘Papunta pa lang kayo, pabalik na kami.’ Remember this Declan:Tá tú mo mhac chothaímid agus grá agam duit…’ (You are my cherished son and I love you…)”


Mary Rose O. Santos: Ang aking mommy na nakilala nakilala ni Dad noong nagaaral pa si mommy sa University of Edinburgh Medical School sa Edinburgh, Scotland. Wala akong masyadong memory kay mommy dahil bata pa lang ako ay namayapa na siya sa sakit na Aneurysm na hindi nadiagnose ng mabuti kaya napabayaan. Pero natatandaan ko kung papaano naghinagpis si dad noong nawala si mom. Bilang paggalang na rin sa mga huling kahilingan ni mom, dito na nanirahan si daddy for good. At dito na ako lumaki kaya sanay na rin ako magtagalog kahit may onting hint nang irsih accent.


Brendan Connell Declan S. Dermot: Duh! Ang aking personality ay makikita niyo na lang sa mga sususnod na kabanata. :P However, ako ay pinanganak sa Dublin, Northern Ireland sa mag-asawang Mary Rose O. Santos-Dermot at Eamon Patrick S. Dermot. Lumaki ako doon for 8 years. Nag migrate dito sa Pilipinas dahil sa pagrespeto namin sa mga huling habilin ni mommy bago mamatay, at para na rin makacontribute sa heatcare system dito sa Pilipinas in our own small way. Pinagpatuloy ko ang aking naudlot na pagaaral sa International School of Manila at nagkapagtapos doon. Ako ay naging isang estudyante nang UST sa kanilang Psychology program ang kaparehong pre-medical course nila mommy at daddy habang sila ay medyo bata pa. Dito din sa parehong unibersidad nag-aaral ang aking mommy. Tumagal ako sa UST ng dalawang taon bago lumipat sa isa pang unibersidad na mas malapit sa amin sa Marikina. (Hint: “Lux in Domino” ang kanilang motto)


End of Family Background
 -------------------------------------------
“Cute mo talaga Declan! Kahit sino mapapa-wow sa itsura mo! Makisig, Macho, at importantly Cute AND Handsome!!!” Pagpuri nang isang bahagi nang aking utak sa sarili ko.


“Lul. Nagmukha kang tanga, kausap mo sarili mo. Given, may itsura ka lagi ka naman nga-nga sa pag-ibig. Kaya kung ako sa iyo , magayos ka na bago ka pagtripan ulit ng daddy mo.” Kontra naman nang isang bahagi. At tuluyan na akong naghilamos at nagsuot ng pang-itaas at tuluyan na ako bumaba papunta sa hapag-kainan. Hindi naman ako nabigo; dahil pag si daddy ang nagluluto talagang mabubusog ako.


“It is never wise to make the food waiting my dear boy.” Pangbungad na paalaala sa akin ni Dad. Isa sa mga patakaran niya sa bahay ay hindi dapat pinahihintay ang pagkain sa hapag.


"Yes Dad.” Ang walang interes kong sagot sa sinabi niya. Nakakatamad kasi pumasok ngayon eh Monday, nakakabagot, peste naman kasi schedule ko eh.


“Problem Declan? Is it still about you transferring to another institution? Or is it about the friends that you will leave at UST behind? I’m guessing it is the latter, am I right?” Ang tanong sa akin ni Dad. Hindi man lang niya ako tinignan pero nasapul niya iniisip ko. Basang-basa talaga ako ni Dad pagdating sa linalaman nang aking isip.


"Dad, I am leaving my friends in UST. They have been part in some of the wackiest moments of my life. Imagine, with them I learned how to play patintero, sipa and other indigenous games. We also have seen some of our classmates perform outrageous things just for entertainment. I doubt that I will ever find those types of people again in my new school.” Paglalahad ko sa kanya. Nakita ko naman na binaba niya ang kanyang binabasa at tumingin sa akin at nagsalita:


“It is very hard to leave those persons who have made such an impact to our lives, but remember even if time comes to pass, or those people a distant past, the memories you have created are eternal. Take comfort in the fact that in those 2 years you have made such great, fond memories which each other. No one can take that away from you. So cheer up my boy, you can still talk to them through the power of the internet okay? You look awful when you mope. Hehehehe” Pag-advice at pangaasar ni daddy sa akin. I know dad is right pero mahirap kalimutan ang mga tao na naging malaking parte ng buhay kolehiyo ko. Ang payo ni dad ay nagbigay sa akin nang assurance na makakahanap ako nang bagong clique of friends.


“See? It is better to smile than to contemplate on things long over. Come on; finish up your breakfast you still have to find your room assignment, and wade through the sea of cars that will be visible later.” At tinapos na namin ni dad ang breakfast namin. Nauna na ako kay dad para magbasta. Naligo at nagaayos nang maayos. Pagkababa ko tapos na magligpit si dad. Nagpaalam na ako at tinungo ko ang aking sasakyan. Nakita ko si Dad na ang nagsara ng gate kaya tuloy-tuloy na ako sa pagmamaneho. Since maaga pa hindi ganoong katraffic papunta sa bago kong school at nakapagpark pa ako nang maayos at malapit sa building ko.


Room 318… 318…” Nakatingala kong paghahanap sa aking kwarto. Habang hinahanap ko ang aking room assignment may narinig akong hiyawan nang mga babae na nagmumula sa kabilang dulo ng corridor. Tinignan ko at nakita ko ang isang grupo na may 4 na lalake at 1 babae na nakakapit sa lalaki na pumapagitna sa kanilang lahat na para siya isang pusa na nalunod sa pool at todo kapit sa kanyang master.


“Sila ang pinakasikat sa buong campus, pare. Mukhang bago ka lang dito ah.” Napalingon ako sa direksyon nang isang tao na nasa tabi ko at nakangiti sa akin at tinuturo ang grupo na nakita ko kanikanina lamang. Tumango lang ako sa kanya, dahil tama naman siya na baguhan lang ako sa unibersidad na ito eh.


“By the way, I am Timothy Matthew Santillan, you can call me Matthew or Tim” ngiti niya sabay lahad ng kamay niya.


“Ah… eh Brendan Connell Declan S. Dermot, call me Declan” pagapapakilala ko sa kanya at lahad ko rin ng kamay ko sa kanya.


“Tara na pasok na tayo sa loob!” Anyaya niya sa akin at pumasok na nga kami sa room. Umupo kami ni Matthew sa pinakalikod; sa aking kanan ay ang back door ng kwarto, sa kaliwa ko naman ay si Matthew. Since hindi ko pa naman tuluyan kilala si Matthew, nabalot kami nang awkward silence hanggang dumating ang professor namin para sa unang subject.


“Okay class, I will be your professor in Personality. I am Mark Reyes Ph.D, CCLP” Pagpapakilala sa amin ng propesor namin. Sabay-sabay namin siyang binati, at nagsimula na siya tawagin kami isa-isa. Agaw pansin naman ako dahil sa kanya.


“It seems we have a new student here, Mr. Dermot, please come in front and introduce yourself.” Anyaya sa akin ng aming propesor. Tumayo ako at pumunta sa harapan at nagsimula na ako ipakilala ang aking sarili.


“Hi everybody, I am Brendan Connell Declan S. Dermot. You can call me Declan, but I prefer you all call me, hunky or cute.” Sabay ngiti na nakakaloko na tinawanan naman nang aking mga kaklase dahil sa kahanginan ko.


“Kidding aside, call me Declan. I am 20 years of age, I am a transferee student from the University of Santo Tomas, I am also an Irish-Filipino. I hope in the coming days I can all get to know you and have fun together. Thank you!” Pagwawakas ko na nakangiti at tuluyan na akong bumalik sa aking upuan at nagsimula na ang klase namin. Makalipas ang isa’t kalahating oras; natapos rin ang asignaturang Personality. Hindi naman ako mahihirapan dito dahil simula pa nang aking ikalawang taon sa kolehiyo nakuha na namin ang asignaturang ito sa UST iba nga lang pangalan: Theories of Personality. Habang nagaayos ako ng gamit biglang sabat si Matthew sa aking tabi:


Bro, labas tayo ng campus, 3 oras pa break natin tambay tayo sa kabilang side. Doon na lang natin pagisipan kung saan tayo kakain. At para maging magkakilala tayo ng lubusan.” Pagiimbita ni Matthew sa akin.


“O cge ba!” Pag payag ko. Mas maganda kung may katropa agad ako sa simula pa lang.


“Great! I look forward knowing you!” Nakangiti niyang tugon. May itsura din ito sa Matthew, pero pag pinagtapat mo sa akin mas pogi at cute ako... Hehehehe… At tuluyan na kaming naglakad papalabas ng campus.


Habang naglalakad kami papalabas ng building may nakabangga sa akin na kapwa estudyante. Dahil sa aksidenteng iyon naibulalas niya:


“Anak ka naman ng nanay mong baliw!” Sigaw ng nakabangga sa akin.


“Hindi namin ako pandak para hindi mo makita diba? Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo!” Pahabol pa niyang singhal sa akin. Napuno naman ako sa sinabi niya at nakuha ko siyang sagutin ng:


“Hoy Kumag! Ayos ka rin ano, ikaw na nga nakabangga sa akin habang naglalakad ka, ako pa sinisi mo? Isipin mo nga; nakapako iyang mukha mo sa phone mo, na nakalimutan mong tumingin sa dinadaanan mo. Mahirap ba tumingin sa dinadaanan mo kahit sandali lang? Mananakaw ba iyang phone mo? Diba hindi naman.” Naibulalas ko dahil sa ginawa ng asungot na iyon sa akin. Naramdaman ko naman na kinakalabit ako ni Matthew, napalingon ako sa kanya at may ibinulong siya sa akin:


“Si Shaun, leader ng grupo na nakita natin na pinagkakaguluhan nila kanina ang sinisigawan mo!” Sabi ni Matthew na halatang tinatago ang kaba sa ginawa ko kay Shaun.


“Asungot naman siya, so wala akong pakialam…” Madiin kong pagkasabi kay Matthew. Pagakasbi ko niya noon tumungin ulit ako kay Shaun, na nakatayo na, at nagwika nang:


“Umayos ka kasi sa sususnod, ayan tuloy ang napala mo sa katangahan mo.” At tumalikod na ako at lumabas kami ni Matthew ng campus. Hindi naman makatiis si Matthew at nagwika:


“Baka gumanti iyon sa iyo Declan, I worry for you, bago ka pa lang dito hindi mo alam kung gaano kaimpluwensya pamilya niya dito sa eskwelahan natin. Dapat pinalagpas mo na lang iyon kanina. Sana…” Hindi pa siya tapos sa paglitanya niya ng bigla akong sumingit at nagwika:


“Palagpasin? Wala akong pakialam kung siya pinakamaimpluwensya sa buong campus, gagamitin na nga lang niya sentido kumon niya hindi pa niya magawa. Nakakahiya ang ganoong klaseng tao diba? Oo nga mayaman siya, wala namang common sense.” Pagpapaliwanag ko sa kanya.


“Papaano pag rumesbak iyan?” Tanong niya sa akin


“Ako bahala sa kumag na iyon.” Paninigurado ko sa kanya


“Okay…” Tanging sagot niya “Mag-iingat ka Declan, ayaw ko na may mangyayari sa iyo na masama.” Ang sabi ni Matthew sa kanyang sarili.


Natapos na ang break namin at bumalik na kami sa loob ng campus para pumasok sa susunod na subject namin. Hindi kami pareho ng block ni Matthew kaya naghiwalay din kami pagdating sa lobby. Pumasok na ako sa kwarto na gagamitin sa lecture. Wala pang tao kasi medyo maaga pa, kaya nagpasya akong mag-mp3 muna at chillax. Pinikit ko ang aking mata, isang earplug lang ang ginamit ko para malaman ko rin kung ano mangyayari sa paligid ko at para hindi ako magulat na nandoon na pala propesor namin. Makalipas ang ilang minuto may isang tao ang humipan sa aking tenga dahilan para mabalikwas sa aking kinauupuan.


“Bwuhahahaha! Mukha kang ewan sa itsura mo. Hahahaha!” Sabi ng lalaki na gumawa ng katarantaduhan sa akin. Nagulat naman ako kung sino siya dahilan para matameme ako. At dahil doon isa lang ang naibulalas ko sa kanya:


“IKAW!!!”



Itutuloy…



Nota Bene: Guys can I have suggestions on what will be the most appropriate name for a clique of Boys being led by Shaun. It must be catchy and original. Type your suggestions in the comments below. Cheers!



5 comments:

  1. Hirap naman mag-isip ng name para sa group ni Shaun...hmm..very Hana Yori Dango ang dating..nice story po!
    -caranchou

    ReplyDelete
  2. hmmm, mukhang maganda ang patutunguhan ng storey mo ah

    ReplyDelete
  3. Replies
    1. wow nice story. really it's kinda' great. I'm hoping that you will not disappoint me by not updating your story 2 months from now. You know the other author's update their story for so long so I'm kinda lost my interest to follow their stories.
      Please don't do that.

      Delete
  4. Great story. Please have a regular update on this story. Again, thanks for this beautiful and "kilig" to the bones story of yours.

    ReplyDelete