ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Thursday, October 4, 2012

Strange Love 02





Author: Chris Li
mydenoflions.blogspot.com
Cover Photo By: Erwin Joseph Fernandez


Author's Note:

Hey guys!! Una sa lahat maraming salamat sa mga nagbasa ng unang chapter ng aking kwento. Maraming salamat sa mga nag-iwang ng comments at suggestion, pati na rin sa mga taong personal na nag-message sa akin para sabihin ang kanilang kumento.

Pangalawa, Maraming salamat kay Friend, Ate Palitaw, Kuya Lumot, Dalagang Tilapia at Kuya Arn. At syempre sa dalawa kong kaibigan na sobrang natutuwa ako kasi tanggap nila ako - I love you guys! 

Pagpasensyahan niyo na po ang hindi maayos na timeframe ng aking kwento. Inaaral ko pa rin po kasi paano  maisasalarawan ng maayos ang mga events sa kwento. Sana po ay magustuhan nyo po at magbigay po sana kayo ulit ng mga comments. natutuwa po akong basahin po silang lahat.






-------Zach

            Tulirong-tuliro ang isip ko habang isinasakay ang taong binugbog ni Homer. Ayokong makakita ng namamatay, ayoko! Ni-recline ko ang passenger seat para mapahiga ko ito at dali-dali akong pumasok para madala na ito sa ospital.

            Ang tanging nagpapanatag sakin ng mga oras na iyon ay ang patuloy nitong pag-iyak. Senyales na buhay pa ito at nawalan lang ng malay. Halong awa at inis ang nararamdaman ko parang sa taong ito. Awa, dahil hindi ko alam kung bakit ito umiiyak habang walang malay; Inis, dahil kasalanan niya kung bakit nasa alanganin akong sitwasyon ngayon at anytime soon baka makakita nanaman ako ng naghihingalong tao at mawawalan ng buhay. Diyos ko, ‘wag naman po!

            Pagkarating sa ospital, agad ko itong kinuha at nagsisigaw sa loob ng emergency. Hinarang ako ng isa sa mga nurse at may kung ano anong tinatanong.

“Sir, kumalma muna kayo at fill-upan niyo ho muna itong form…”, sabi ng nurse. Nag-init lalo ang ulo ko sa sinabi niya.

“Ganito ba talaga dito, ha! Can’t you see that WE have an emergency here at gusto mo pang magfill-up ako kaysa ASI-KA-SU-HIN niyo na ‘tong taong ito bago siya malagutan ng HININGA!, sigaw ko sa kanya, napatanga ito saglit pati narin ang ibang mga nurses.

Pagkatapos ng scenariong iyon, one of the nurses brought a stretcher and take the man I was carrying. They rushed him to the E.R. and left me standing in the middle of the hallway. I can’t believe what just had happened, I swear I could have fainted dahil sa kaba at pagkabog ng mabilis ng puso ko.

            Pinilit ko ang sarili kong kumalma at naupo sa may waiting area malapit sa E.R. Iniabot na rin ng nurse na nasigawan ko kanina ang information sheet.

“Miss, sorry kanina… hindi ko na kasi alam gagawin ko eh.”, napapiling kong sabi.

“Sir, ok lang po yun, mali ko din po, paki fill-upan na lang po ito Sir”, pilit itong ngumiti sakin, marahil sa takot na masigawan ko ulit.

“I don’t actually know that person, pwede bang pakikuha na lang yung personal belongings nya baka may ID doon at ako na bahala sa expenses.”, pag-amin ko sa kanya.

“Ah… eh sige po Sir, pahiram na lang din po muna ng ID po ninyo Sir, for our reference na rin po.”, mahinang sambit nito, maarahil talaga ay takot pa rin ito sakin. Iniabot ko sa kanya ang driver’s license ko at umalis na ito.


May isang oras din ako naka-upo at hinihintay kung ano na kalagayan ng misteryosong taong dinala ko dito. Until now, I couldn’t forget his face, puno ito ng lungkot. Bigla ko ding naalala, noong binuhat ko ito ay pilit nitong isiniksik ang kanyang sarili sa mga dibdib at bisig ko. Para itong bata na naghahanap ng kalinga. Nasa ganito akong gunita ng lumabas ang doctor. Agad akong tumayo para ito ay kausapin.


“Kamusta siya, Doc?”, alala kong tanong.

“It’s been a close call, hijo.”, sagot nito. “Kung nahuli ka pa siguro ng dating mahihirapan kaming i-revive siya. But now, he is stabilizing, we’ll transfer him after an hour kapag ok na siya. Kindly go to the Nurse’s station for the arrangemet you like to do. Excuse me, I have another surgery to make.”, mahabang paliwanag nito.

“Thank you, Doc”, iniabot ko ang aking dalawang kamay sa kanyang kanang kamay para mag pasalamat, bago siya umalis.


Whew! Close call? Buti na lang talaga, sambit ko sa sarili ko. Nagtungo na ko sa counter to pay the bills at makapag-request ng room na lilipatan niya. I told the nurse to call me kapag may nangyaring aberya habang wala ako. Kailangan ko na din umuwi at magpahinga dahil na rin sa may mahalagang presentation ako ng araw ding iyon.

Mag-aalas tres na ng gabi nang makarating ako sa condominium na tinutuluyan ko. I really feel exhausted kaya hindi ko na nagawang magpalit pa ng damit. Naka-tulog ako sa sofa kahit na ang lagkit ng pakiramdam dahil sa pinaghalong pawis at dugo.




“Kuya? Kuya gumising ka, wag ka naming ganyan oh.”, umiiyak ang isang binatilyo.

“KUYAAAAA! Please gumising ka. KUYAAAAAAAAAAAAAA!”
            Nagising ako sa mapait na bangungot na iyon. Ito na lang palagi ang panaginip ko sa bawat pipikit ako. Alas Siyete pa lang ng umaga at nag-decide na akong maligo, dahil wala naman ako kasama sa bahay, malaya kong hinubad ang aking mga saplot. Nagtungo ako sa banyo at humarap sa salamin. Tinitigan ko ang aking repleksyon sa salamin.

“Ang gwapo mo talaga, pare kahit puyat ka.”, parang tanga ako habang pinupuri ang sarili.

Binuksan ko ang dutsa ng shower at tinimpla ito ayon sa temperaturang gusto ko.Matapos maligo at mag-sipilyo, tinungo ko na ang aking kwarto at nagbihis ng pambahay. I checked my phone at dun ko lang napansin na marami pala akong tawag galling sa opisina. I quickly dialed my secretary’s number.

“Hello, Sherry? Tumatawag kayo sakin? Is there a problem?”, ganito kasi talaga ako, masyadong worried over things, kaya nga inaasar ako ng mga pinsan ko na masyado daw akong stiff at seryoso sa lahat ng bagay. Ang boring ko daw.
                                                                                                   
“Sir Zach, wala naman problema actually sa atin but, our client Mr.Chen, cancelled our meeting for today. He already apologized kasi he needs to be with his son daw. He’s asking you to have it re-sched, important matter lang talaga.”, maarteng pagpapaalam saking ng secretary ko.

“Ah ganoon ba,sige sabihin mo no problem, we can have our meeting anytime this week, ipareha mo na lang yung free time naming, is that clear?”

“Yes Sir, I’ll be on it after this.”

“Alright, thank you Sherry. Bye.”, at pinutol ko na nga ang linya.


            Kabababa ko pa lang ng telepono nung mag-ring ito ulit. Tinignan ko kung sino ang tumatawag nang ganitong kaaga. It’s Homer. Agad na nag-init ulo ko nung maalala ko yung nangyari kagabi, kung saan ako naipit.

“Tarantado ka Homer!”, bungad ko agad sa sira ulo kong pinsan. “Just so you know, dahil sa kagagawan mo eh muntik na kong mag-iwan ng bangkay sa ospital. Alam mo kung bakit?! Dahil lang naman yung binugbog mo kagabi eh lamog na lamog na nung dinala ko. Tangna naman, pinsan! Naiintindihan ko yung pinagdadaanan mo pero yung makapatay ka ng tao na walang kinalaman?? Sobra na ata iyon.”, pasigaw at ubod ng inis kong sinabi sa kanya, mataman lang ito nakinig bago ito nagsalita.
“Sorry Zach… I know that I’ve put you to a very difficult situation last night. I’m truly sorry Zach… Kaya nga din ako tumawag sa iyo ng ganito kaaga dahil sa guilt at para malaman na din kung ano pwede kong gawin. Zach, please ‘wag mo na ko sigawan I already feel the guilt hindi mo na dapat dagdagan.”, naramdaman ko naman ang sincerity nito sa paghingi ng tawad and the way his voice cracks, I know super guilty na nga ito.

“Ok na yung binugbog mo, the doctor said it has been a close call for that person, but he’s stable na daw. Probably nasa private room na siya ngayon. Binayaran ko na din yung bill kaya may utang ka sakin!”

“Thanks ‘tol, pwede mo ba ko samahan sa kanya. I will make an apology and at least explain myself for that kind of behavior na pinakita at ginawa ko sa kanya.”, malungkot pa rin ang boses nito, batid ko ang pinagdadaanan ng pinsan ko kaya hindi ko siya tuluyang masisi sa nagawa niya.

“Ok, sunduin mo na lang ako dito, pahinga muna ako dahil wala pa talaga akong sapat na tulog.”, inilagay ko ang cellphone sa ibabaw ng table malapit sa kama ko at nahiga. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit matulog pero hindi ko nagawa. Naisip kong muli ang itsura ng lalaking niligtas ko kagabi. Bakit ba ako nahihiwagahan sa kung bakit siya umiiyak. Hindi ko din makaila na maamo ang mukha nito sa kabila ng mga pasa at bukol nito. Umiling ako para maiwaksi ang naiisip at pumikit muli at tumuloy matulog.

Kriiiiiiiiiiingggg!

Napabalikwas ako sa tunog ng doorbell dahil kakapikit ko pa lang. But when I checked the time naka-isang oras din pala ako natulog. Patuloy sa pag-doorbell ang taong nasa pinto.

“Sandali lang! Nariyan na.”, sigaw ko habang tinutungo ang pinto.

“Ready?”, It was Homer. He looked at me from heat to toe kasi hindi pa ko nakabihis. Naka-sando at boxer lang ako that time.

“Diba sabi ko matutulog pa ako.”, pagdepensa ko kahit hindi pa man ito tinatanong kung bakit hindi pa ako bihis. “Sandali lang at magbibihis na ako.” Hindi ko alam kung bakit yamot ako nun kahit pa sa byahe at pagdating sa ospital. Dala na rin siguro ng wala akong tulog and idagdag mo pa yung stress na dulot ng nangyari nung gabi.

“Miss, saan po ninyo nilipat yung taong dinala ko dito kagabi?”, I flashed a dashing smile sa nurse na nasa front desk.
“Ah Sir… Kayo po pala, nasa 207 po siya Sir.”, tugon nito habang namumula. Pamatay naman kasi talaga ang ngiti ko. Hahahaha!

“Ok, thanks… Tara, pinsan sa 207 daw.”

Umakyat na nga kami sa 2nd floor ng ospital, kinabahan ako bigla kasi baka kung anong gulo na naman ang mangyari. Hayyyy, Mr.Worried talaga ako! We’ve found the room at may kalalabas pa lang na nurse, kaya naman tinanong ko na ito.

“Nurse? Gising na po ba siya?”, sabay turo ko sa kwarto kung saan siya lumabas.

“Opo Sir, bakit po?”, usisa nito sa akin.

“Bibisitahin sana naming siya, kamusta kalagayan niya?”, what the hell, bakit ako masyadong concern??

“So far, he’s ok although he might require a lot of pain killers pa rin po since maga pa rin po ang mga pasa nito sa katawan.”

“Ah ok, sige pasok na ka…”, nagulat ako dahil paglingon ko wala na si HOMER! Kinabahan ako sa kung ano na naman ang gawin nito. Nagmadali akong tinungo ang pintuan at narinig ko na tila may nagtatalo o sumisigaw kaya pumasok ako agad.




-------------Mikael

“Ikaw? Ano ginagawa mo dito?!"

            Kung mamalasin ka nga naman ito sa harap mo ang dahilan kung bakit ako nakaratay sa ospital. Pero habang tinitignan ko ang mestisong aroganteng iyon, something is not right, parang maamo siya ngayon at hindi hambog. Tinitignan lang ako nito tila ba naghihintay sa sasabihin ko ulit.

“Pumunta ka ba dito para tuluyan ako? Go ahead, I don’t care”, sarkastiko at pambubuyo kong bato sa kanya. May biglang pumasok na lalaki, he is tall at hindi katulad ni mestisong arogante ay kayumanggi ito, matangos ang ilong, tamang kapal ng kilay at malilit na mata. Gwapo siya pero mukhang worried. Tinignan niya ako at inilipat sa kanyang kasama parang nagtatanong kung ano nangyayari.

Finally, one of them broke the silence, kung hindi ako nagkakamali Homer pangalan niya.

“I’m s-sorry…Wala ako sa tamang… katinuan last night. Napagbuntungan lang kita ng galit ko. Pasensya ka na, ako na bahala sa kakailanganin mo para gumaling… makabawi man lang sa kasalanan ko sayo.”, mahinahon ngunit paputol putol ito nagsalita.

Hindi ako umimik, hindi ko sigurado kung ano ang isasagot dahil blanko ang isipan ko at may inis pa kong kinikimkim. Nakatingin lang ito sa sahig, hindi ako matignan.

“Ah eh… My name is Zach, ikaw ano pangalan mo? I was the one who sav…”

“I don’t care who you are.”,pinutol ko ang kanyang pagsasalita at binigyan sila parehas ng malamig na tingin. Zach’s face changed, parang inis na nagulat. Then he spoke again.

“Ganun na lang ba yun??Couldn’t you at least thank me! Kasi AKO lang naman nagtakbo sayo dito at tulirong tuliro utak ko dahil hindi ko malaman kung ano gagawin ko para mabuhay ka lang. Kung alam ko lang na you will show me such HOSTILITY instead of being GRATIFIED, sana iniwan na lang kita sa kalsada!Tara na Homer.”, madiin at puno ng inis ang mga salita nito sakin.

Napahiya ako, siya pala yung taong bumuhat sa akin at nagtakbo sakin sa ospital. Masyado akong umasa na sinundan ako ni Kuya Jaime at siya ang nagligtas sa akin.Sobrang nanliit ako sa sinabi ko sa taong nagligtas sakin. Nasa pintuan na sila nun nang tinawag ko siya.

“Zach… Thank you. It’s Mikael, Jan Mikael. Sorry… I didn’t know.”, nahihiya kong tugon sa mga sinabi nito sa akin. Lumingon ito pero hindi na nagsalita. It was Homer who answered.

“Sige ‘tol, pahinga ka na. Balik na lang kami some other time. Sorry ulit.”

Umalis na ang mga ito at muli akong naiwang mag-isa. Ano ba ‘tong ginagawa mo Mikael?! You don’t have to be harsh sa mga tao dahil sa nasasaktan ka. Umayos ka nga!

“Bakit may aayusin pa ba ko?”, pilit nagtatalo ang kanyang isipan, naguguluhan at tila mababaliw sa sitwasyon niya ngayon.

Lalo lang ako naawa sa sarili ko. Walang mapagsidlan ang mga tanong sa utak ko na tila sasabog na lang ito. I feel so helpless idagdag mo pa na mag-isa ako sa kwartong iyon. Namuo ang mga luha sa mga mata ko,nang may pumasok. Si Coleen. Dire-diretso lang ito sa mesa kung saan niya inilagay ang mga pagkain. Masaya ako na nakita ko ang matalik kong kaibigan. God knows how much I would like to jump off the bed and hug her.

“Kamusta ka Bes? Pasensya na ha natagalan ako, hindi ko alam kung anong pagkain dapat bilhin eh… Ito bumili na lang ako ng madaling nguyain at madigest dahil naka-bed rest ka. Papangit katawan mo kapag nagkabilbil ka!HAHAHAHA”, hindi na talaga ito nagbago, palabiro pa rin ito pero maalalahanin. Napansin niya sigurong hindi ako umimik kaya naman tumigil ito sa pagaayos ng pagkain at tinignan ako.

“ Bes?... What’s wrong? May masakit ba?Kailangan mo ng pain killer, ha? Sandali tatawag ako…!”, natataranta itong nagsalita nang makita ang luha kong dumadaloy sa aking pisngi. Nabitawan pa nito ang mga pagkain kaya nahulog ang iba sa sahig. Dali Dali siyang pumunta sa side table para tumawag.

Akmang magda-dial na siya ng pigilan ko siya at ibinaba na niya ang telepono. Nakita kong may luha na rin ito sa kanyang mga mata.

“Bes… na-miss kita,” malumanay kong sabi habang hinahaplos ang pisngi nito. Umupo siya sa kama ko paharap sa akin.

“Mikael… I’m sorry.” , hindi na napigil ang pag-iyak nito. Hindi ko na din kinaya, kaya agad ko siyang niyakap. “Bes, ano bang nangyari sayo? Bakit nagkaganito ka?” tanong niya habang patuloy siya sa pag-iyak, ramdam ko ang pag-aalala niya sakin. Kumalas ako sa pagkakayakap naming dalawa.


“Coleen… ang sakit..ang SAKIT SAKIT ng nararamdaman ko more than this physical pain.”, pinukpok ko ng pinukpok ang dibdib ko ng kamao ko dahil gusto ko nang tumigil ang puso ko.

“WALA NA ANG LAHAT SAKIN COLEEN!BAKIT GANUN?!GUSTO KO LANG NAMAN MAGING MASAYA BAKIT IPINAGKAKAIT SAKIN YUN.”, sobrang sakit ng nararamdaman ko, pilit akong pinapakalma ni Coleen, pinipigilan niyang saktan ang aking sarili. She hugged me nung inuuntog ko na ang sarili ko sa headboard ng kama.

“Shhhhh… Bes naman eh, ayokong nakikitang ganyan. Umiyak ka pero wag mo na saktan sarili mo, please Bes… nasasaktan din ako. Nandito ako Bes, hindi ka nag-iisa, alam ko hindi ako ang kailangan mo ngayon pero hayaan mong tulungan kita sa pag-iyak mo. Narito ako! Pakikinggan kita, wala akong paki-alam sa kanila basta alam ko tanggap kita at mahal kita Bes, mahalaga ka sakin. Kaya please, wag mo na saktan sarili mo… nagmamakaawa ako.”, sobrang nadudurog sa mga oras na yun dahil may nasasaktan din pala ako sa ginagawa ako pero I can’t help myself sobrang kailangan ko si Kuya Jaime sa buhay ko. Minu-minuto ko siya nami-miss, gusto ko siya makasama, mahagkan at mayakap ng mahigpit.

“Mahal na mahal ko siya… Hindi ko alam Coleen paano ko ipagpapatuloy ang buhay ko dahil saan man sulok ako tumingin, sa bawat hininga ko, sa bawat galaw ng katawan ko si Kuya Jaime nakikita ko, hinahanap-hanap ko… Paano na ako mabubuhay Coleen!”, buong hinagpis kong ibinaon ang mukha sa kanyang balikat.mahigpit ko siyang niyakap na parang si Kuya Jaime ang hawak hawak ko ngayon. Paano ko kakalimutan ang taong nagbigay sakin ng pag-asa na kailanman hindi na ako mag-iisa…hindi nako magiging Loner.Siya lamang ang gusto kong tumawag sakin ng “bunso”, siya lang ang gustong humawak sa mga kamay ko habang natutulog ako. Yayakap sakin pag nilalamig ako sa gabi. Siya lang ang gusto ko magparamdam sakin ng pagmamahal.


“Kuya Jaime, miss na miss na kita. Bumalik ka na sakin…”





16 comments:

  1. Kaya mo yan Mikael di pa katapusan ng mundo. Hinga ka lang para mabuhay ka hehehe.

    I sense something Hmmmmmm...

    Next na agad para di amagin :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. opo, this week po ang posting ng next chapter. Salamat po sa pagsubaybay!

      Delete
  2. ang ganda nito Sana mabilis ung up date...





    .Darkboy.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po Darkboy. Sorry po medyo naging busy lang po. Hayaan mo at babawi naman ako. :) salamat po sa pagbabasa nyo po!

      Delete
  3. pag galit ang isang tao, very unpredictable tlaga. haizt!

    ReplyDelete
  4. AWWW WER IS THE NEXT CHAPTER HEHEHE

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe blackfairy156, this week po. Abangan mo po ha?salamat!

      Delete
  5. ayan ba ang nilangaw? daming comments oh. chosero! hahahaha peace.

    basta alam mo na ung comments ko about this chapter na pm ko na sau. :)

    waiting for the next chapter.

    sino ako? secret! hohoh XD

    -John Allen Bantay :)

    ReplyDelete
  6. bastrip ah. ung una kong comment nawala.. cheeeeeeeeeeeeee! heheh XP

    ReplyDelete
  7. ayan ba nilalangaw e ang daming comment? hongdromo mo!

    basta ung feedback ko alam mo na un. nasabi ko na sau last time. hekhek.

    waiting for the next chapter. :)

    ReplyDelete
  8. Hmmm mukang yung mag pinsan pa ata ang papasok sa buhay nya hehehehe...

    Sana medyo mabilis ang update...

    Tnx Mr. Author

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Zenki!
      salamat po sa pagbabasa po! Sorry po naging busy lang po ako. Bawi po ako ngayong week. Posting na ng chap 3! Kita kits po! Muah!

      Delete
    2. Hi Zenki!
      salamat po sa pagbabasa po! Sorry po naging busy lang po ako. Bawi po ako ngayong week. Posting na ng chap 3! Kita kits po! Muah!

      Delete
  9. Grabe, ang intense naman nito, kawawa naman si mikael. naalala ko yung bes ko sa "bes" nia dito :3

    ReplyDelete