ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Thursday, October 4, 2012

Chances Chapter 12





Pasensiya na kung nahuli nang isang araw ang posting nito na busy lang talaga ako. Heheheh Hindi ko pa ito na proof read ng maayos dahil sa may lakad ako ngayon gabi tinapos ko lang ito bago umalis dahil alam ko namang marami na ang naghihintay sa chapter na ito.


Sana ay magustohan niyo ang kalokohan ko sa chapter na ito at muli, maraming salamat sa mga taong nagbigay ng kanilang mga komento sa huling chapter. Sa mga silent readers at mga Anonymous guys pakilala na kayo para naman masaya. Hehehe Mahirap ang laging tahimik nakakasama sa kalusugan yan. Wahehehehe


Bago ko pala makalimutan gusto kong pasalamatan ang mga taong nageemail sa akin. Salamat sa oras guys. Hehehe Ingat tayo lagi… Zephiel A.K.A Zildjian


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
<hr color="grey" width="100%" align="center"><!--more-->


“Dave, anak halika muna sa loob ipapakilala kita sa isa sa mga kapatid ko.” Ang wika ni nanay Marta habang nasa labas kami nang bahay kasama ang bayaw ni Alex at ang ibang kaibigan nito’t nagiinuman na naman.


“Sandali lang mga pare inum lang kayo diyan babalik ako agad.” Wika ko naman sa mga kainuman ko saka sumunod kay nanay Marta sa loob ng bahay.


Kakaiba talaga ang mga tao sa probinsya hindi man kasing yaman ng mga tao sa syudad pero kung mag-handa daig pa ang may maraming ipon. Bespiras palang ng pista ay may mga kamag-anakan at kaibigan nang pumunta na taga kabilang baryo at ang iba pa nga ay galing sa malalayong lugar para lang dumalo at makipista.


“Ito ang sinasabi ko sayong boss ni Alex ko Emelda, si Dave, kasama siya ni Alex na nagbakasyon rito para sa pista.” Ang pagpapakilala ni nanay Marta sa isa sa mga kapatid niya.


Para talaga akong kapamilya nila kung ituring halos lahat na siguro nang kaibigan at kamaganak nila na pumunta sa araw na iyon ay ipinakilala nito sa akin. Kakaiba talaga ang hospitality ng nanay ni Alex, napakabait nito taliwas sa kapatid nitong nakilala ko sa lugar namin na pangit na nga ang ugali pangit pa ang pigura nang katawan.


“Dave, ang bunso namin si Emelda.” Pakilala naman nito sa kapatid niya na tulad rin ni nanay Marta ay maamo ang mukha nito’t walang kasungitang ma-babakas.


“Magandang gabi po. Kapatid lang po ako nang asawa ng boss ni Alex” Magalang ko namang pagbati at pagtatama sa sinabi ng nanay ni Alex.


“Tama ka nga Ate, ka gwapong bata nga nitong bisita niyo.” Nakangiting wika nito sa akin na sinangayunan naman ng mga kasama nito sa lamesa nila.


Napakamot nalang ako sa ulo dahil medyo nakaramdam ako nang hiya sa ginawang pagbibida sa akin ni nanay Marta. Proud na proud ako nitong ipinapakilala sa mga kaibigan nito’t ibang malalayong kamaganak.


“Mabuti naman iho at napadpad ka sa lugar na ito bihira lang kaming mag-karoon ng dayo sa mumunting baryo naming ito na bukod sa makisig na mayaman pa.” Ani naman ng isang may edad nang lalaki.


“Siya naman si Domeng ang kapatid nang asawa ko at ang tatay ni Aloda.” Sabat ni nanay Marta para ipakilala sa akin ang lalaking nagsalita.


“Magandang gabi po.” Ang mahiya-hiya kong sabi. Hindi ako komportable na mga may edad na tao ang mga kausap ko lalo’t hindi naman ako sanay na makipagusap sa mga Titas, at Tito’s ko tanging si papa lang kasi ang nakakatiis ng sayad ko.


“Nay, ibinida niyo na naman si Dave.” Ang boses ni Alex na nasa likuran ko na pala. Marahil napansin nitong hindi na ako komportable sa mga tiyuhin at tiyahin nito.


Nagmano muna ito sa mga ito at bumati bago humarap ulit sa akin.


“Hindi ka pa daw kumain. Tara sa kusina at nang makakain ka muna bago ka makipag lasingan sa mga kabarkada ni kuya Drigo.”


Simula nang makapagusap kami kanina at makahingi ako nang tawad sa kalokohan ko ay naging mabait na ito sa akin. Hindi lang normal na pagiging mabait kung hindi may kasama na itong lambing. Hindi ko man maintindihan kong ano ang nangyari sa kanyang mabilisang pagbabago ay ikinatutuwa ko naman ito.


“Siya nga pala anak.” Singit naman ni nanay Marta. “Mag-tabi nalang ulit kayo nitong si Dave sa kwarto dahil dito matutulog sina tiya Marta mo.


Sa narinig ay agad na gumuhit ang ngiti sa aking mga labi at napalingon ako kay Alex na sa akin rin pala nakatingin. Kita ko ang pamumula ng mag-kabilang pisngi nito na lihim ko namang ikinahagikhik. Halata kasing apektado parin ito sa nangyari sa huling pagtatabi namin na wala naman talaga siyang ibang ginawa kung hindi ang gawin akong unan na sa hindi malamang dahilan ay nagustohan ko.


“Si Wil nalang po nay ang patabihin niyo kay Dave.” Pasimpleng protesta nito.


Nagpapakipot ang loko. Ang malokong wika ko naman sa aking isip. Kahit kasi umalma ito sa ideya nang kanyang ina may pakiramdam akong hindi naman talaga siya seryoso sa protesta niya kung hindi nagpapakipot lang.


Bilib na bilib ka talaga sa sarili mo noh? Kontra agad nang maligalig kong isip.


“Alam mo namang malikot matulog ang kapatid mong yon anak, nakakahiya kay Dave. May kaliitan pa naman ang kama mo.” Pagpapaliwanag naman ng ina nito.


“Iyon na nga nay….”


“Sige nay, tabi nalang ulit kami ni Alex.” Putol ko sa iba pang sasabihin niya sabay akbay sa kanya. “Di ba papakainin mo pa ako?” Nakangiting abot tenga kong sabi.


May kakaiba talaga sa mga kinikilos ng Malditang ito hindi ko alam kung anong magandang hangin ang nasinghot nito kanina para biglaan itong bumait sa akin. Siya pa mismo ang kumuha nang pagkain para sa akin habang ako ay nakaupo lang sa mesa at takang-taka sa mga ikinikilos niya. Gayon pa man, natutuwa ako sa nangyayari kung pwedi nga lang akong tumalon sa tuwa ay gagawin ko.


Hindi ko naman maiwasang mailang habang kumakain. Kanina pa kasi ito nakatingin sa akin na para bang may kung anong sinusuri ito na isang maling kilos ko lang biglang mag-iiba ang ihip nang hangin.


“Matutunaw ako niyan.” Ang nakangiti kong wika sa kanya.


“Ha?” Untag nito na di manlang inalis ang tingin niya. At some point may kakaiba talaga sa mga tingin niyang iyon parang may iniisip. Parang may tinitimbang.


“Whats wrong?” Seryoso ko nang tanong dahil sa nakaramdam ako nang takot. The way he looks at me, it’s as if I am being judge. Nakakatakot, dahilan para maging uneasy ako sa harap niya. Parang conscious ako na hindi ko alam kung para saan.


Hindi muna ako nito sinagot bagkus ay muli ako nitong binigyan ng kanyang nanunuring tingin bago ko marinig ang mahinang buntong hininga nito.


“Para saan ang buntong hiningang yon? May nagawa na naman ba akong hindi mo nagustohan?” Ang di ko maiwasang maitanong.


Hindi pa man ito nakakasagot nang sumulpot ang isa sa mga pinsan nito na una ko nang nakilala sa unang araw ko sa baryo nila, si Aloda. Hapit ang damit nito’t sobrang iksi nang short . Bilang isang lalaki masasabi kong maganda ang katawan nito pasok sa standards ko ang kaso wala akong makapang interes para sa kanya which is something new. Weakness ko kasi ang mga babaeng matatangkad, maumbok ang dibdib at higit salahat magaganda at masasabi kong swak na swak si Aloda sa mga babaeng kinahuhumalingan ko noon.


Noon? Bakit noon? Iba na ba ang tipo mo ngayon Renzell Dave? Isang reyalisasyon na biglang pumasok sa isip ko saka napatingin kay Alex. Maamo ang mukha nito kahit laging nakakunot ang noo, hanggang baikat ko lang siya, sakto lang ang katawan nito’t pati ang gupit nitong bagay sa hugis nang kanyang mukha.


Ngayon ko lang nabigyan ng panahong matitigan at ma obserbahan ang hitsura nito dahil noon naman ang maasar lamang siya at makaganti sa pang-iignora niya sa akin ang tanging habol ko.  Masasabi kong ang mga mata nito’t makakapal na kilay ang una mong mapapansin kapag tumingin ka sa kanya. Alex has these charming eyes. Ang mga mata nitong punong puno nang ka-inosentehan.


“Ganun? Hindi ako pinansin?” Basag ni Aldo sa lumipad kong isip. Doon ko lang napagtanong nakatingin pala kami ni Alex sa isa’t isa. Ito ang unang bumawi nang tingin at hinarap ang pinsan niya.


“Anong masamang hangin ang nagdala sayo rito?” Wika nito sa pinsan niya.


“At bakit? Nagpunta ako rito para sunduin ang tatay ko’t para narin makita ang prince charming ng buhay ko.” Tugon naman nito sabay hila nang upuan sa tabi ko at walang anu-anong inilingkis nito sa kanang braso ko ang kanyang mga kamay.


“Kamusta kana Dave? Alam mo, na miss kita nang sobra. Sa sobrang pagka-miss ko sayo pati panaginip ko ikaw na ang laman. Destiny ba ang tawag doon?” Sunod sunod nitong sabi.


Nginitian ko nalang ito pero hindi ko rin naman inalis ang kamay nitong nakalingkis sa akin baka kasi ma offend ito sa akin.


“Ate Aloda, kumakain si Dave alisan mo nga yang kamay mo.” Nakakunot noo na namang wika ni Alex.


Hindi ko alam kung tama ang nakikita ko sa mga mata nito para kasing may selos akong nababakas sa kanyang mga mata.


“Dave, gusto mo bang subuan nalang kita para hindi kana mahirapang kumain?” Pambabaliwala nito sa sinabi nang kanyang pinsan.


Gusto kong matawa sa pagiging forward masyado nang nitong si Aloda. Akala ko ang mga city girls lang ang capable sa mga ganitong lantarang paglalandi hindi pala. Updated narin pala ang probinsya sa mga ganitong klaseng kalakaran.


“Hindi na, nakakahiya naman sayo Aloda at matatapos na rin ako.” Nakangiti kong wika sa kanya. Ang totoo gusto ko lang talagang makita kung paano mag-rereact si Alex at nang ibaling ko sa kanya ang aking tingin wala na naman akong makitang ekspresyon sa mukha nito.


“Since nandito naman si Ate Aloda balik na ako sa kwarto. Kailangan ko pang ayusin ang hihigaan natin.” Wika nito kapag kuan saka tumayo at walang anu-anong kami nitong iniwan.


“Wag mo nang pansinin ang isang iyon natural lang sa kanya ang pagiging masungit.” Nakangiti namang wika sa akin ni Aloda pero wala sa kanya ang isip ko kung hindi nasa inasal ni Alex.


What the hell was that? Kanina lang nagtransform sa pagiging Anghel ang malditang yon tapos ngayon biglang balik sa pagiging masungit? Nagseselos ba yon o talagang badtrip lang siya sa madaldal na pinsan niya?


<hr color="pink" width="50%" Align="center">


Nakabalik na ako sa inuman pero hindi ko na magawang makisaya sa mga kaibigan ni Rodrigo. Hindi ko talaga maiwasang hindi isipin kung ano ang dahilan nang pagbabago nang mood nito kanina kung selos ba iyon o pagkaasar lamang sa pinsan niya. Hindi ko tuloy napansin na sunod-sunod na ang paginum ko sa sobrang pagkalito.


“Sir, hinay-hinay lang po marami-rami pa ang tutumbahin natin.” Wika nang isa sa mga kaibigan ni Rodrigo o Drigo kung tawagin ni Alex.


“Pareng Randy, baka kayo ang tumaob diyan, kami nga ni tatay napataob niyan eh.” Wika ngingisi-ngisi namang wika ni Drigo halatang may tama na ito marahil ay dahil narin sa pagod ang katawan nito sa pagiihaw namin kanina.


“Magaling pala itong si sir Dave, akalain mong pinataob ang hari ng emperador na si Drigo.” Wika naman ng isa na ikinatawa namin.


Taliwas sa mga tao sa syudad mababait at maganang kainuman pala ang mga taong simple lang. Isang baso ang lang ang tinatagayan ng mga ito pero kahit anong pilit kong makitagay sa baso nila ay ipinilit parin nang mga ito na mag-iba ako nang baso at lalagyan ng ice. Iyon daw ang paraan nila nang pagpapakita nang respeto sa mga bisita nila.


“Iba ka talaga sir. Kakaiba ka sa mayayaman at may mga kayang taga rito sa amin marunong kang makisama.” Wika nang isa na tangero namin nang matapos kung i-isang lagok ang tagay nito sa akin.


“At hindi pihikan sa inumin si sir.” Dagdag pang wika nang isa.


“Sunog baga kasi ako.” Nakangiti kong wika na kanila namang tinawanan.


May ilang oras narin ang nakakalipas at halatang may mga tama na ang mga kainuman ko. Ang dalawa nga ay nakatulog na sa mesa habang ang natitira naman ay kanina pa suka nang suka. Tanging si Drigo nalang at ako ang medyo may katinuan pa.


“Mahihina talaga sa inuman itong mga kumpare ko.” Tatawa-tawang wika nito.


“Kaya pa ba nilang umuwi?”


“Hayaan mo lang sila diyan sir Dave, uuwi rin ang mga yan kapag nahimasmasan.” Sabay tayo nito. “Paano sir, tumba na ang mga kainuman natin at paniguradong ako na ang susunod kaya mauna na ako sayo sa kwarto namin ng asawa ko.” Nakangisi nitong wika halatang may pinaplato ito ngayong gabi.


Natawa nalang ako nang makuha ko ang ibig sabihin niyang iyon saka tumayo na rin para tunguhin ang kwarto namin ni Alex.


Matapos makapag hilamos at makapag sipilyo ay pumasok na ako sa loob ng kwarto. Alam kong sa mga oras na iyon ay tulog na si Alex kaya hindi na ako nagabala pang i-on ang ilaw para hindi ito magising. Laking gulat ko nang mag-salita ito.


“Doon ka sa may gilid. Maaga akong babangon bukas para tulungan sina nanay sa paghahanda.”


Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makausap ito tungkol sa biglaang pagbabago nito nang mood kanina. Mabuti na yon dahil matutulungan ako nang tama nang alak para makapagtanong sa kanya nang walang pagaalinlangan.


Imbes na agad na tumabi sa kanya ay naupo ako sa gilid ng kama. Dahil na rin sa tahimik na ang buong bahay rinig ko ang mahinang paghinga nito.


“Galit ka nanaman ba sa akin?” May bahid nang paglalambing kong sabi.


“Hindi. Sige na matulog kana.” Mabilis nitong sagot.


Napabuntong hindi nga ako. Alam ko kasing badtrip na naman ito sa akin sa tono palang nang boses nito.


“Pweding mag-tanong?”


“Inaantok na ako.”


“Are you jealous of Aloda?” Walang ka-abug-abog kong sabi. “Kaya ba bigla ka nalang ulit naging masungit dahil kay nagseselos ka kay Aloda?”


Alam kong hindi maganda ang tanong kong iyon sa kanya.Pwedi kasing lalong magalit ito sa akin dahil sa pagiging feeling ko ayaw pa naman nito ang ganung ugali ko. Kaya inihanda ko  na ang sarili ko na masinghalan nito pero hindi iyon nangyari. Wala itong naging pagtugon sa tanong ko.


“Alex?” Mahina kong pagtawag sa kanya. Parang ako pa itong kinapos ng hangin sa sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko. Hindi ko mawari kung kinakabahan ba ako o natatakot baka kasi layuan na naman niya ako dahil sa tanong kong iyon.


“What if I am?” Maya-maya’y wika nito.


I was caught off guard sa tanong niyang iyon. Hindi ko inaasahan ang ganong klaseng tanong na iyon galing sa kanya. Alex is the kind of person who would choose to hide his feeling rather than showing it. Gusto niyang hindi siya kinaawaan ng iba dahil sa tayog nang pride nito.


“Don’t ask question na hindi ka handa sa sagot.” Wika pa nito nang matahimik ako saka naramdaman ko ang paggalaw nito patalikod sa akin.


Does his question mean he was jealous? Did he just admit to me that he was? Ano nga ba sa akin kung nagseselos siya? Ano nga ba ang pwedi kong magawa kung nagseselos siya eh wala naman ata akong ibang ginawa kung hindi ang guluhin ang tahimik niyang mundo. At ang pinakamalaking tanong ano nga ba siya sa akin? Am I falling for him? Iyon ba ang rason kung bakit ganito ako ka apektado pagdating sa kanya?


Kinapa ko sa sarili ko ang mga tanong na iyon at doon hinanap ang sagot. Alam kung may kakaiba akong nararamdaman para kay Alex at alam kong habang tumagal, habang nakikilala ko ang tunay niya siya ay lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya.


“Alex?” Muli kong tawag sa kanya. “This feeling is something new to me. I can’t even decipher this feeling I have for you basta’t ang alam ko ayaw kitang nasasaktan. Ayaw kitang nakikitang malungkot.” Lakas loob kung sabi dahil iyon naman talaga ang nararamdaman ko. Sinabi ko lang ang totoo.


Hindi ito sumasagot sa akin kaya naman pinihit ko siya paharam sa akin. Hindi ko alam pero kakaibang lungkot ang naramdaman ko nang makita kong umiiyak ito. Kung hindi ako nagkakamali huling naramdaman ko ang ganung klaseng lungkot ng kunin sa amin ang mama ko.


Agad kong pinunasan ang luhang dumadaloy sa kanyang mga mata.


“Please wag kang umiyak.” Nang aalu kong sabi. Seeing him cry makes my heart melt like a chocolate.


Hindi ko alam kung paano ko siya aaluin hindi kasi tumitigil ang pagdaloy ng mga luha nito sa kanyang mag-kabilang pisngi. Hanggang sa namalayan ko na lang ang mag-kahugpong na naming labi. Ewan ko kung bakit ko nagawa iyon hanggang sa maramdaman ko ang pagganti nito sa mga halik ko at doon ko nakuha ang sagot. His kisses were different from the other girls that I’ve kissed. Malambot tulad ng marshmallow ang mga labi nito at kasing tamis ng candy ang mga halik nito. No wonder na nagawa ko iyon at hinding hindi ko pinagsisihan ang halikan siya.


Naging malalim ang halikan namin hanggang sa makita ko nalang ang sarili kong katabi na siya sa maliit niyang kama. Nakayakap ang isang kamay ko sa kanyang ulo at isa naman ay nakayakap sa kanyang bewang. It’s as if I was caressing him.


Nang humiwalay ito sa halikan namin ay para akong ninakawan ng kaligayahan. I thought tapos na ang kaligayahan ko pero nang makita ko itong humihingal ay napangiti ako sa kanya.


“That was a bit intense woud you agree?” Ang malambing kong wika at muling inangkin ang nakakaadik nitong mga labi.


First time kong makipaghalikan sa kapwa ko lalaki at ang masasabi ko it wasn’t that bad after all. Siguro dahil ang kahalikan ko ngayon ay may malaking puwang sa aking puso na hindi ko mabigyan ng pangalan.


Lalong lumalaim ang halikan naming iyon and I can say that Alex is a very good kisser indeed. Di ko mapigilang mapayakap nang mahigpit sa kanya nang bumaba ang mga halik nito sa leeg ko. No women ever make me want for more by just kissing me. Kaya naman sinuklian ko rin siya nang kaparehong halik na tinugon naman niya nang impit na mga ungol na lalong nagpapaulol sa akin.


Kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko nang mag-simulang harugin ni Alex ang likod ko. I would admit na sa simpleng hagud nito ay sobrang nagugustohan ko. Ramdam ko ang init ng mga palad nitong nasa loob na nang t-shirt ko kaya para mas lalo ko pang maramdaman iyon ay agad kong hinubad ang damit ko.


Nakita ko sa mga mata ni Alex ang paghanga nang matanggal ko ang pangitaas kong saplot. At nagugustohan ko ang paraan ng pagtitig nito sa aking katawan kaya naman lalo ko pa siyang tinukso. Binigyan ko siya nang aking mapagpalang ngiti na sinamahan ko pa nang pagkagat-kagat sa aking pang-ibabang labi.


Natawa ito sa ginawa ko.


“You’re such a teaser. Why did you remove your shirt?” Nakangiti nitong sabi.


“So I can fully entertain you.” Maloko kong sabi at muling inangkin ang mga labi nito.




Itutuloy:

1 comment:

  1. gosh! laplapan agad agad? carried talaga ako sa story. ang ganda!

    -omar kamil-

    ReplyDelete