ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Thursday, October 4, 2012

Chances Chapter 16





Maraming salamat sa paghihintay medyo na delayed nga ang chapter na ito gawa nang sobra akong busy pero heto na siya natapos din. Sana nga lang ay magustohan niyo ang huling kwento kong ito para naman kahit papaano ay matuwa ako LOL.


Hindi ko pa ito na proof-read gawa nang marami na ang naghihintay sa chapter na ito. Kayo nalang muna po ang bahalang mag-adjust ngayon. Gusto ko lang na hindi na patagalin ang paghihintay niyo. Happy Reading nalang po sa inyong lahat and keep the comments coming!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
<hr color="grey" width="100%" align="center">




Ilang minuto na akong tulala sa loob ng kitchen room kung saan ako nagtago sa dalawang taong nanakit sa akin ng sobra. Gusto ko mang umiyak ay hindi ko magawa sa sobrang galit at panhihinayang. Hindi ko ito naramdaman noon kay Ian ng hiwalayan ako nito dahil noon paman alam ko nang ako nalang talaga itong nagpupumilit sa sarili ko sa kanya. Pero itong kay Dave ibayong sakit ang naramdaman ko dahil sa umasa ako. Umasa akong siya na ang taong matagal ko nang hinihintay. Ang taong mag-mamahal sa akin ng totoo. Ang taong mag-paparamdam sa akin na importante ako pero wala, tulad rin ito ni Ian na sarili lang niya ang iniisip niya.


Hindi ko naman hiniling na ibigin niya ako. Siya itong nagpumilit na lumapit sa akin at guluhin ang mundo ko at ako naman itong tanga hinayaan ko siyang makapasok sa puso ko. Hinayaan ko ang sarili kong mag-mahal ulit ng maling tao. Hindi na ako nadala sa karanasan ko kay Ian. Umulit pa talaga ako. Sadya nga atang tanga ang puso ko. Lagi nitong pinipiling ibigin ang mga taong hindi naman karapatdapat.


Alam kong hindi lang si Dave ang dapat kong sisihin sa ka-mesirablehan kong ito kung hindi pati ang sarili ko mismo. Dahil hinayaan ko ang sarili kong mahulog na naman sa maling tao.


“Si sir Alex?” Ang wika nang isa sa mga waiter namin habang nakadungaw ang ulo nito sa pintuan ng kitchen room.


Nakita kong inginuso ako nang aming kusinero bilang pagsagot nito. Alam kong may pakiramdam ito na may mali sa akin dahil hindi naman talaga ako mahilig tumambay doon lalo’t maraming tao sa labas. Alam ng mga tauhan namin kung gaano ako ka dedicated sa trabaho ko dahil sa ayaw kong mapahiya sa mga amo kong tumulong sa akin. Nasanay ang mga itong lagi akong aktibo pero ngayon, kung pwedi lang sana na hindi na ako lumabas ay gagawin ko.


“Sir Alex, hinahanap ho kayo sa labas ni sir Red.” Sa narinig ay agad na bumalik ang katinuan ko. Nasa trabaho ako at dapat kong gawin ang trabaho ko. Hindi ko dapat idinadamay ang bar sa personal kong trabaho dahil ito ang bumubuhay sa akin at sa pamilya ko sa probinsiya.


I composed myself. Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong hininga bago ibinaling rito ang aking atensyon. Bakas ang pagtataka at pagaalinlangan nito sa kanyang mukha. Being the manager ay binigyan rin ako nang kapangyarihan ni sir Red sa bar na iyon na sobra kong ipinagpasalamat. Alam kung bihira lang ang binibigyan ng pagkakataon na ganun lalo pa’t noong i-assign ako nito ay hindi pa ako tapos sa kurso ko.


“Sige susunod nalang ako sa labas. Medyo nahilo lang ako kaya nagpahinga ako rito.” Pagsisinungaling ko.


Hindi ko hahayaang mawala ang tiwalang ibinigay sa akin ni sir Red dahil lang sa isang taong makasarili na walang ibang gusto kung hindi ang mapatunayan niya sa sarili niya na kaya niyang ma kuha ang lahat. I thought Dave was different, iyon siguro ang dahilan kong bakit sobrang sakit ang naramdaman ko nang malamang lahat ng ipinakita sa akin noon ay puro pagkukunwari lang para mabawi nito ang natapakan niyang ego.


Matapos kong ayusin ang sarili ko lumabas na ako ng kitchen room gamit ang dating mukha. Ang mukha nang isang taong walang interes sa kahit na anong bagay. Isang mukha na nakasanayan ko nang gamitin noon paman para makaiwas sa kung ano mang sakit na pweding maibigay sa akin ng mundong ito.


Naabutan ko si sir Red kausap ang isa sa mga kaibigan ni Dave na kung hindi ako nagkakamali ang pangalan nito ay Niel. Nasa mesa ko si sir Red at nakaupo habang nasa harap naman nito ang kaibigan niya.


“Hinahanap niyo raw ho ako sir?” Wika ko dito nang makalapit ako sa kanila. Pareho naman silang napatingin sa gawi ko.


“Ah Alex, san ka ba nagsususuot at kanina pa kita hinahanap.” Ang nakangiting wika sa akin ni sir Red. Ganito naman ito lagi lalo’t kung wala silang tampuhan ni sir Dorwin lagi itong nakangiti na animoy walang ni isang problemang dinadala. Iyon siguro ang isa sa mga rason kung bakit ko piniling sa bar na ito manatili at hindi na mag-hanap pa nang iba. Bukod sa sweldo ko na parang pang permanent item na sa mga malalaking kompanya ay isa sa mga rason din ang nakakahawang kagiliwan ng aking boss.


Kung sa hitsura, lamang na lamang si sir Red. Gwapo ito’t pinoy na pinoy ang kulay ng balat nito. Hindi na ako mag-tataka kung bakit napaibig nito ang isa sa pinakabata’t pinakamagaling na abogado sa lugar na iyon, si sir Dorwin.


Si sir Red at sir Rome ang nagbigay sa akin ng dahilan para maniwalang may isang taong nakalaan na mahalin ang isang tulad ko. Na may isang taong kayang matugunan ang ibibigay kong pagmamahal rito. Pero ngayon hindi ko na alam kung dapat pa ba akong umasa na darating ang taong iyon.


“Pasensiya na po sir.” Nakayuko kong sabi dahil tinamaan ako nang hiya. Hindi nga naman tamang kung saan-saan ako nagsususuot ganitong oras ng trabaho ko.


“Ano ka ba Alex, ayan ka na naman sa ka-si-sir mo sa akin. Pakiramdam ko tuloy ang tanda-tanda ko na.” Nang i-angakat ko ang tingin ko para Makita ang ekspresyon ng mukha nito ay nakita ko itong nakangiti. Pero hindi ko nakita sa ngiti niyang iyon ang ngiting laging nagpapagaan ng loob namin. Parang may nabakasan akong pagaalala na nagkukubli sa ngiting iyon o sadyang naprapraning na naman ako kaya kung anu-ano na ang napapansin ko.


“He looks tired and sick pare.” Ang sabat ng kausap nito. Nang mabaling ang tingin ko rito ay binigyan ako nito nang isang matamis na ngiti. Pero dahil narin siguro nakataas na naman ang depensa ko sa sarili ko ay hindi ko iyon nagawang tugunin. Natatakot na akong tumugon sa mga ganong klaseng ngiti dahil ipinaaalala lamang nito sa akin si Dave.


“Alex?” Pagtawag ng aking pansin ni sir Red.


Bumaling naman ako sa kanya.


“Are you alright?” Bakas ang pagaalala nito sa kanyang boses. “Dapat siguro hindi kanalang agad pumasok ngayon.”


“Okey lang po ako sir.”


“Namumutla ka.” Ang sabat na naman ng kaibigan nito. Ewan ko ba pero imbes na ikatuwa ko ang pagaalala nito ay ikinainis ko pa. Trauma? Yeah siruguro iyon na nga ang tamang term para doon na trauma na ata ako sa mga taong nagpapakita sa akin ng pagalala.


“Okey lang ho talaga ako sir.” Ang tila pagod kong sagot dito. I know it was plain rude dahil nagaalala lang naman ito sa akin pero hindi ko talaga magawang ma-appreciate ito. Ang nakakainis pa ay aksidenteng napatingin ako sa mesa kung saan nakaupo si Dave at dahil doon ay nakita ko itong nakatingin sa akin. Seryoso ang mukha nito’t parang galit.


Ikaw pa itong may ganang magalit ngayon? Ang lakas talaga nang sira nang ulo mong gago ka! Ang gustong gusto ko nang maisambit sa mga oras na iyon.


“Tama si Niel Alex, namumutla ka. Umuwi kanalang muna para makapagpahinga ka. Kami na ang bahala rito total nandito naman ang buong barkada.”


“Hindi na po sir, kaya ko pa naman.”


Rinig kong napabuntong hininga ito.


“Niel pare, paki tawag nga si Dorwin.” Wika nito sa kaibigan na agad naman siyang sinunod ng walang pagtutol.


Hindi nga nagtagal ay dumating si sir Dorwin.


“Bakit mahal ano problema?”


“Alex is sick and I’m trying to convince him to go home to get some rest but he’s being hard headed again.” Ang parang nagsusumbong nitong wika sa kanyang asawa na ikinanganga ko naman sa gulat ng ako pala ang dahilan kong bakit nito ipinatawag ang kanyang asawa.


Nabaling naman ang tingin ni sir Dorwin sa akin dahilan para mapayuko ako sa mag-kahalong hiya at takot. Approachable si  sir Dorwin at mabait rin pero, hindi ko maiwasang hindi mailang dito lalo’t kambal ito nang taong dahilan kong bakit ako nagkakaganito ngayon.


“San ang bahay niyo at ihahatid na kita.” Ang wika nito na ikinagulat ko.


“P-Po? H-Hindi na po kailangan. W-Wala naman talaga akong sakit sir.” Ang bigla kong pagpa-panic.


“Wag matigas ang ulo Alex.” Wika nito.


“Sige na Alex, get some rest.” Ani naman ni sir Red.


Wala na akong nagawa kong hindi ang sumunod nalang. Maganda nga sigurong makauwi nalang muna ako para narin makaiwas kay Dave lalo pa’t alam kong kanina pa ito nakatingin sa amin.


Malapit na kami sa pintuan ng bar ng harangin kami ng kambal nito. Nakakunot parin ang mukha nito’t halatang badtrip. Agad kong iniwas ang tingin ko rito na para bang hindi ko ito kilala o anu man.


“Let me talk to Alex.” Hindi humihingi nang permiso ang tuno nito kung hindi naguutos.


Tumingin naman sa akin si sir Dorwin napayuko naman ako.


“Talk to him some other time.” Tugon nito sa kambal niya at tinungo na namin ang labas ng bar.


“Ihahatid ko lang si Alex sa kanila.” Pagpapaalam nito sa mga amo kong kainuman nito. Walang pagtutol naman ang mga ito. Sadya nga atang ma-swerte ako sa mga amo ko dahil sa kabaitan ng mga ito.


Walang imik lang akong nakasunod kay sir Dorwin papunta sa pinag-parkingan ng sasakyan nito at no’ng malapit na kami rito ay saka na ako  nagsalita.


“Sir Dorwin, huwag niyo na po akong ihatid sobrang nakakahiya na po iyon. Marami naman hong tricycle diyan sa may kanto.”


Napatigil ito sa paglalakad at bumaling sa akin. Mataman ako nitong tinitigan na para bang may kung anong sinusuri.


“Make sure to text Red kung nakarating kana sa inyo para hindi kami mag-alala.” Hindi ko man inaasahan ang agaran nitong pagpayag ay hindi ko na masyado pang binigyan ng pansin ang importante hindi na ako nito pinahirapan pang mag-paliwanag para lang pumayag itong huwag na akong ihatid.


“Yes sir.” At tinungo ko na nga ang daan papunta sa kanto kong saan tumatambay ang mga tricycle driver.


Narinig kong may tumawag ng pangalan ko at nang lingunin ko ito ay nakita ko si Dave. Balak sana ako nitong sundan ng harangin ito nang kanyang kambal at ang masakit pa kita ko pang hinabol din ito nang babeng kasama nito. Hindi ko alam kung ano ang pinagusapan nila wala na akong pakialam ang gusto ko nalang sa mga oras na iyon ay makaalis sa lugar na iyon nagbabakasakaling maaalis rin ang sakit na nararamdaman ko.


<hr color="pink" width="50%" Align="center">


Ilang araw na ang nakakalipas at hindi ko na ulit hinayaang mag-tagpo pang muli ang landas naming ni Renzell Dave. Isang besis itong nagpunta sa bar na hindi kasama ang babae niya ngunit ng mag-tangka itong kausapin ako ay agad akong umiwas sa kanya.


Kay hirap supilin ang totoong damdamin. Kay hirap mag-panggap na hindi ka nasasaktan sa harap ng mga tao para lang maipakitang malakas ka. Sabihin na nating ma pride ako na matayog ang pride ko pero tanging ang pride ko nalamang ang kinakapitan ko. Marahil kung wala ito sirang sira na ako ngayon sa sobrang sakit ng idinulot sa akin ni Dave.


Kahit na anong pilit kong hindi isipin ang mga magagandang nangyari sa amin ay kusa naman itong pumapasok sa isip ko na laging dahilan ng pagiyak ko sa gabi. Sinubukan ko naming umiwas na maranasan ang ganito pero siya mismo ang pumasok at gumulo sa mundo ko at siya rin ang sumira noon.


Ngayon, para nalang akong robot na walang emosyon. Pansin ito nang mga katrabaho ko kahit ng mga amo ko. Pero ni isa sa kanila ay walang may-gustong mag-tanong sa akin. Nakikita ko  lang sa kanilang mga mata na naguguluhan sila sa inaasta ko habang si sir Red ay awa ang nakikita ko sa kanyang mga mata para sa akin.


Taong walang emosyon. Yon ang pinapakita ko sa lahat para maitago ang sakit sa loob ko. Mahirap pala talaga ang sobra kang umaasa sa isang pangako at sa isang tao sobrang sakit ni hindi ko mapangalanan ang sakit na iyon. Wala naman akong ginawang masama sa mundo para maging ganito ang kalabasan ng buhay ko. Masama bang hilingin na sana may isang taong mag-mamahal sayo nang totoo katulad ng pagmamahal na kaya mong maibigay?


“Alex?” Ang pagtawag ng aking pansin ni sir Red na sinamahan pa nito nang pagkalabit sa aking balikat dahilan para mabalik ang isip ko sa tamang wisyo.


Nakakunot ang noo nito at bakas ang pagaalala sa gwapo nitong mukha.


“P-Po?” Mahiya-hiya kong sagot.


“Habang tumatagal hindi kana makausap ng matino Alex. I think kailangan mo muna sigurong mag-pahinga. Hindi naman sa natatakot akong malugi ang negosyo ko nahihirapan din ako sa nakikita ko sayo. I know something is bothering you at naiintindihan ko yon. ” Mahaba at mahinahon nitong sabi.


Napayuko ako sa sobrang hiya. Kahit pala anong pilit mong itago ang nararamdaman mo lalabas at lalabas rin ang totoo lalo na kung wala kang ma-pagkwentuhan nito. Habang tumatagal kasi ay unti-unti akong nilalamon ng pagsi-self-pity ko. Sobra akong naawa sa sarili ko sa mga dinanas ko na hindi naman dapat. May pamilya’t trabaho akong umaasa sa akin at iyon dapat ang isaksak ko sa kokote ko.


“Sorry sir.” Ang naiwika ko nalang sa sobrang hiya.


“Gusto mo bang pagusapan natin ang problema mo?” May bahid ng paguunawa nitong sabi.


Hindi ako sumagot rito. Siguro makakabuti ngang may isang tao manlang akong mapagkwentohan sa problema ko  kailangan ko nang outlet para maiwasang tuluyang masira ang buhay ko. Pero, amo ko si sir Red, at bukod doon bayaw nito ang taong dahilan ng lahat. Paano ko magagawang mag-kwento rito?


“Tara sa taas doon tayo mag-usap para walang disturbo.” Wika nito at nagpatiuna nang umakyat sa second floor ng seventh bar kung saan naruon ang opisina nito. “Alex?” Tawag pa nito sa akin dahilan para mapilitan akong sumunod sa kanya.


Ito ang unang pagkakataon na makapasok ako sa opisina nito o mas tamang sabihing pangalawang bahay nito. Hindi kasi mukhang opisina ang hitsura nito bagkus ay mukhang isang bahay. May sariling ref, kusina at isang kwarto ito. Marahil ay sinadya nilang ipagawa iyon para kung gusto nitong mag-pahinga ay makakapagpahinga ito. Alam kong hindi lang ang bar ang hinahawakan ni sir Red. Meron din itong grocery store na ang kasosyo nito ay ang kanyang ina.


Tulad ko rin ay si sir Red ang inaasahan ng pamilya nito. Minsan ko nang nakilala ang mga kapatid at ina nito no’ng inimbitahan kami ni sir Red sa kanila nang mag-birthday ang kapatid nito na nagngangalang Marky. Doon ko rin napagalaman na si sir Red ang nagpapaaral sa mga ito kaya naman sobrang bilib ako sa boss ko.


“Anong gusto mong inumin Alex?” Wika nito at nagbukas ng ref para kumuha nang maiinum.


“H-Hindi po ako masyadong umiinum sir.” Mahiya-hiya ko naming tugon.


“Pizza? Paborito ni Dorwin to eh kaya bumili ako para pasalubong sa kanya mamaya paguwi ko.” Nakangiti nitong wika.


Alanganin akong umiling. Hindi pa nga ako kumakain pero hindi naman ako makaramdam ng gutom. Masyado nang ukupado ang utak ko para isipin ko pa ang sikmura ko.


Rinig kong nagpakawala ito nang isang buntong hininga habang nakatingin ito sa akin na para bang hindi na nito alam ang kanyang gagawin.


“Nagusap na ba kayo ni Dave? Alam kong si Dave ang dahilan ng lagi mong pagkatulala at alam ko rin ang tungkol kay Sonja. Pinagbawalan ako ni Dorwin na manghimasok sa problema nang kambal niya pero impleyado kita’t itinuring narin naming kaibigan nina Carlo. Bukod pa don, naapektuhan na ang trabaho mo kaya siguro naman pwedi na akong makialam.” Mahinahon parin nitong wika.


“Pasensiya na kayo sir kung hindi ko na magawa nang tama ang trabaho ko.” Nakayuko kong sabi. “Siguro mag-reresign nalang ho ako.”


“Stupid.” Wika nito. “Kahit graduate kapa’t passer na mahihirapan ka paring makahanap ng trabaho ngayon. Paano nalang ang pamilya mong umaasa sa iyo? Wag mong sirain ang sarili mo dahil lang sa isang tao. Hindi dapat ganun.”


“Nahihiya na po ako sa inyo sir. Sobrang laki nang naitulong niyo sa akin tapos heto’t di ko pa magawa nang tama ang trabaho ko.”


“Gusto mo bang mag-resign dahil sa nahihiya ka sa akin o gusto mo lang takasan ang problema mo?”


Nakuha ko agad ang ibig sabihin ng sinabi niyang iyon.


“Sir…”


“You know what Alex, not because hindi mo na nakuha ang bagay na gusto mo ay titigil na ang mundo mo. Kailangan mong matutong lumaban sa buhay at tanggapin na hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Sabihin na nating nabigo ka ngayon pero di ba imbes na sumuko ka ay mas magandang subukan mo ulit sa ibang paraan? Life has a lot of chances to offer Alex, kailangan mo lang ng tapang. Kung noon isinuko ko ang pagmamahal ko kay Dorwin hindi ako magiging masaya ngayon. Marami din kaming naging problema bago kami humantong sa puntong ito. Hindi lahat ng relasyon ay nagsisimula sa tama at nagtatapos sa isang pagkakamali.” Malalim nitong wika.


“I took my chances with Dave sir, nagtiwala ako sa mga pangako niya sa akin.” Para akong nagsusumbong sa mga oras na iyon.


“You did, walang duda yan pero may isa kang nakalimutang i-consider at iyon ay ang nararamdaman ni Dave. Wag mong isarado ang isip mo dahil lang sa nasaktan ka Alex.”


<hr color="pink" width="50%" Align="center">
Renzell Dave
<hr color="pink" width="50%" Align="center">


“You’re not supposed to be here.” May bahid ng pagkaasar kong wika sa taong sobra kong kinaiinisan sa nagdaaang mga araw.


Ilang araw na ang lumipas na laging mainit ang ulo. Hindi ko na magawa nang tama ang trabaho ko dahil sa konteng pagkakamali lang ng mga tao sa paligid ko ay agad na umuusok ang ilong ko.


“Oh c’mon, hanggang ngayon ba ay mainit parin ang ulo mo sa akin?”


“Oo, kaya kong ako sayo umalis kana.” Sabay baling ng atensyon ko sa mga papeles na nagkalat sa aking mesa.


“I never thought na magiging ganyan ka ka harsh Renzell Dave.” Ang wika nito hindi manlang nagpagulat sa akin. Sadya nga atang malakas mangasar ang taong ito.


“Who give you the Right to call me by my full name?” Tugon ko na hindi manlang inabalang tingnan ito. Rinig kong lumapit ito papunta sa may sofa at doon pasalampak na umupo.


“Geees! Ganyan ba ang pagtrato mo sa mga taong bumibisita sayo para tayong walang pinagsamahan ah.”


“I never considered you as my visitor anymore after you ruined everything.” Inis kong tugon rito.


“Hindi ko naman sinasadya iyon malay ko ba namang…”


“Get out. Huwag ka munang magpapakita sa akin ganitong mainit ang ulo ko kung ayaw mong ihagis kita sa bintana nitong opisina namin.” Pagputol ko sa ibang sasabihin pa nito dahil sa sobrang pagkainis lalo pa’t ipinaalala nito ang kasalanan niya sa akin na naging dahilan kung bakit ilang araw nang mainit ang ulo ko.


“I told you I was sorry for what I did ano pa ba ang gusto mong gawin ko para patawarin mo ako?”


“Too late for you damn sorry sayo nalang yan. Pwedi kanang lumabas at marami pa akong ginagawa.”


“Dave naman…”


Hindi na talaga ako nakapagpigil at sa sobrang init ng ulo gawa nang halo-halong problemang hindi ko magawan ng solusyon ay napatayo na ako sa kinauupuan ko. Hindi ako pumapatol ng babae pero mukhang sa oras na ito wala na akong pakialam.


“Shut up! You ruined everything alam mo ba yon? Sinira mo ang lahat ng pinaghirapan ko at ngayon hindi ko na alam kung anong gagawin ko para lang makuha ko ulit iyon. Wag mong sabihin na hindi mo sinasadya iyon dahil alam ko na ang lahat. Sinabi na sa akin ni Brian matapos ko siyang bugbugin na alam mong si Alex ang taong ipinalit ko sayo!”









Itutuloy:

No comments:

Post a Comment