Maraming maraming salamat sa inyong lahat na patuloy na nagbibigay ng suporta sa 9 Mornings ko. Sa mga nabibitin pasensya na po hindi ko talaga sinasadya iyon (PERO JOKE LANG) hihihihi. Ito na naman po resulta nang aking kalokohan sana ay magustohan nyo. HAPPY READING AND KEEP THE COMMENTS COMING! ENJOY! _Zildjian
RSTJR029, Dhenxo, Edrich, R3b3l^+ion, Ross Magno, Beucharist, Tam, Dada, Clyde, Russ, Readmymouth, ICY, Drek, popoy_III, Kristoffshaun, Allure, Ice, Rue, Billygard, Andy, Jayfinpa, Erwin F, Chris, Great Pink 5ive, Ramy from Quatar, Chase, Taga_Cebu, Robert_Medoza94@yahoo.com, Saimy, Ramy from Qatar, Politotz at Ram. Salamat din sa mga Anonymous at Silent Readers sa walang sawa nyong pagbibigay ng komento sa aking akda.
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
“So, how did you know each other?” Ang tanong ni Chad nang
makaupo kami ni Claude sa pangdalawahang mesa malayo sa mga tao. Sineryoso
talaga nito ang sinabi nang kanyang asawa na hanapan kami nang magandang
puwesto.
Medyo umaambon sa mga oras na iyon ngunit hindi ito naging
dahilan para mapigilan ang mga taong abala sa pamimili nang kung anu-ano para
sa darating na pasko. Heavy traffic at puno nang mamimili ang mga gilid ng
kalsada syempre dahil may Christmas bunos kaya sinasagad ang pamimili.
Tiningnan lang ito ni Claude gamit ang mga mata nito na
walang ekspresyon na makikita. Even so, sya pa rin ang Claude na nakilala ko
six years ago. Makisig parin ito kahit walang makikitang kong anu sa maamo
nitong mukha.
“Laurence, Laurence right?” Baling ni Chad sa akin nang
hindi ito makakuha nang sagot mula sa kanyang antipatikong pinsan. Tinanguan ko
naman ito at ibinaling sa kanya ang aking tingin. Mas mabuti na iyon kesa mag
ka stiff neck ako sa dahilang hindi ko magawang tumingin ng deretso sa mukha ni
Claude na nakaupo sa harapan ko.
“Would you be okey if I leave you both alone?” Ewan ko kung
anu ang pumasok sa kokote nito at naitanong nya iyon sa akin. Bago pa man ako
makasagot sa kanya ay si Claude ang sumunod na nagsalita.
“You don’t have to act polite in front of us Chad. Wala
akong balak na bumalik pa ulit sa lugar na ito. Hindi ka namin kailangan kaya
bumalik kana sa asawa mo.” May bahid ng galit nitong wika na bahagya pang
nakakunot ang noo.
For some strange reason na awa ako kay Chad. Kahit pinsan pa
nya ito ay hindi magandang ipahiya ito sa harapan ng costumer nito. To think na
pwedi nyang ipakaladkad si Claude sa gwardya nila. Pero hindi kinagat ni Chad
ang hayagang pambabastos ng kanyang pinsan. Instead he just chuckled.
“Hindi ka parin talaga nag babago pinsan masungit ka parin.”
Nakangiti nitong wika walang bakas nang pagkapikon ang gwapo nitong mukha.
“Don’t get me wrong, im just worried sa kaibigan ng asawa ko. Kilala ko ang
kalibre mo. Oh well, maiwan ko na kayo.” Ibinaling nito sa akin ang kanyang
tingin. “Enjoy the food Laurence and it was nice meeting you.” Sabay talikod
nito.
Hindi pa man nakakailang hakbang si Chad nang tawagin ito ni
Claude. Huminto naman ito at lumingon muli sa kanyang pinsan na may ngiti pa
rin sa kanyang labi. Kakaiba talaga ang isang to ni hindi manlang mapikon kahit
konte.
“Tell your friends not to look on our way or else sisiraan
ko itong bagong tayong restaurant ng misis mo.” Doon ako napalingon sa mesa
nang mga dati kong ka klase at totoo nga ang sabi ni Claude dahil nakatingin
silang lahat sa amin.
Ngumisi lang si Chad sa kanya at muling tumalikod. Sinundan
ko lang ito nang tingin hanggang sa makalapit ulit ito sa mesa nang kanyang mga
kaibigan at asawa. The guys wave their hands na para bang nang aasar pa.
Marahil ay sinabi ni Chad sa mga ito ang bilin ng kanyang pinsan.
“Ano ang gusto mong kainin.” Pag-agaw nito nang atensyon ko.
Ibinaling ko nalang ulit ang tingin ko sa mga taong nasa labas bago sumagot.
Hindi ko talaga magawang makipag titigan sa kanya kasi hanggang ngayon sya
parin ang taong nakakapag pabilis ng tibok ng aking puso.
“B-Busog pa ako.” Wika ko na hindi manlang ibinaling ang
aking tingin sa kanya.
Kita ko sa gilid nang aking mata na sumenyas ito sa isang
waiter. Nang makalapit sa amin ito ay agad nitong sinabi ang kanyang oder.
“Two coffee.” Ramdam kong tumingin muna ito sa akin. “And
one slice blueberry cheesecake.” Sa aking narinig ay muling nagrigodon ang
aking puso. Hanggang ngayon pala ay hindi parin nito nakakalimutan ang paborito
kong dessert. Ibig bang sabihin nun ay pinatawad na nya ako? Pero hindi ko rin
magawang umasa sa tuwing maaalala ko ang masasakit na salitang binitiwan sa
akin nito noon bago kami mag hiwalay.
Nang makaalis ang waiter ay nag lakas loob na akong tingnan
sya. Gusto ko na ring matapos agad ang anumang paguusapan namin sa gabing iyon
nang makapagpahinga na ang lintik kong puso. Matagal na akong nagtatago sa
aking problema at siguro tama na ang anim na taon para harapin ang taong naging
dahilan ng ka misarablehan ng buhay ko.
“Anong kailangan mo sa akin at pinapunta mo ako rito?”
Walang kaabug-abog na tanong ko sa kanya. He looked at me and ayon nag simula
na namang mag wala ang aking puso. Kahit anong pigil ko ay hindi ko parin
maikakaila na ang lalaking kaharap ko ngayon ay ang lalaking hanggang ngayon ay
nagmamayari parin ng aking puso. Inayos ko ang aking composure para hindi nito
mahalata iyon.
“Wala.” Matipid nitong sagot.
Napakunot noo ako sa sagot nito. Bakit kailangan pa nya
akong tawagan sa opisina kung wala rin manlang syang sasabihin sa akin? Ano ito
lokohan? Gumapang ang inis sa aking mga boto lalo na sa nakikita kong reaksyon
nito na parang wala lang sa kanya ang makita ako habang sa loob loob ko ay para
na akong papatayin sa sobrang kaba.
“Wala? Pwedi ba yon? Pinapunta mo ako rito para lang makipag
kape? Nagpapatawa ka ba?” Hindi ko maiwasang mapataas ang aking boses sa
pagkapikon. Inis ang bumalot sa akin sa lalaking kaharap ko ngayon. Ang lalaking
hindi manlang nakuhang pakinggan ang paliwanag ko noon. Ang lalaking hanggang
ngayon ay mahal ko parin kahit na labis ako nitong sinaktan.
“Wag mo akong pagtaasan ng boses Laurence. Wala kana sa
posisyon.” Para akong binuhusan ng katutunaw lang na yelo. Its strike me.
Pinaalala nito sa akin na hindi ko na sya pagaari. Bubulyawan ko na sana ito
kung hindi lang dumating ang waiter na may dala nang in-order nya.
Nakakainis, kung bakit ba kasi kailangan ko pang umasa ulit
na magkakaayos pa kami. I should’ve learned my lesson. Ito nga pala ang taong
kasing tayog ng Mount Everest ang pride. Hindi ito makikinig sa kahit anong
sabihin ko. Hindi ba’t sya pa nga mismo ang nag sabi sa akin noon na hinding
hindi sya ulit maniniwala sa kasinungalingan ko?
Claude is now back to his old self. Mayabang, arogante,
walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Bakit ko pa ba kasi naisipang
harapin ito. I already lived my life away from his shadow. Why the hell do I
have to torture myself over and over again? This man is a stone, a walking
stone at kahit kailan ay hindi na ito babalik sa dating Claude na minahal ko. Pak!
Magkahalong sama nang loob at pagkapahiya ang bumabalot sa
akin sa mga oras na iyon. Oo, aminado akong sapul ako sa sinabi nitong wala na
akong karapatan sa kanya. Dapat pa ba nyang uliting sabihin sa akin iyon. Hindi pa ba sya kontento sa mga
panlalait at kung anu-anong masasakit na salita nito sa akin bago kami nag
hiwalay. To think na wala akong kasalan sa kung anu mang nangyari noon. Kung
tutuusin pinagbayaran ko na ang kasalanang ibinato nito sa akin na hindi ko
naman talaga ginawa.
Binalot ko ang aking puso para maprotektahan ito sa
nalalapit na pagkikipagbuno sa taong may hawak nito. I need to do the one thing
na hindi ko nagawa noon. Kailangan kong magpaliwanag wala na akong pakialam
kong pakikinggan nito ang paliwanag ko o hindi basta ang importante na sabi ko
ang side ko sa kanya. Tama si Pat this will also help me to move on and to let
go.
Huminga ako nang malalim to gather all my strength so that I
can start to speak. Kong kailangan kong mag monologue sa harap ng isang taong
bato who cares. I already lost everything ano pa ang dapat kong ikatakot?
Walang mangyayari kong mananahimik ulit ako sa isang tabi. Nasubukan ko na ito
noon at hindi iyon naging magandang ideya. Times up! It’s time to be the real
Laurence once again kahit panandalian lang ay lalabas ako sa harang na ako
mismo ang gumawa.
“About sa nangyari..”
“Drop it Laurence. Hindi pa rin ako interesado sa walang
kwenta mong paliwanag. Ubusin mo nalang yang pagkain mo so we can leave this
place.” Pagputol nito sa mga sasabihin ko. This is the reason why pinili kong
manahimik at kalimutan nalang ang lahat dahil muli na naman akong nasaktan sa
pangalawang pagkakataon. Sobrang sakit kapag ang taong mahal mo ay walang
panahong pakinggan ang paliwanag mo.
Dama ko ang mamumuo ng luha ng sa mga mata at hindi ko na
napigilan ang tuluyang pag bagsak nito. All these years hindi pa rin magawa ni
Claude na pakinggan ako. Masakit, sobrang sakit at parang hinihiwa ang puso ko.
Lalo na sa nakikita ko sa kanya ngayon na wala manlang ni katiting na emosyon
sa kanyang mukha.
“Masakit ba?” Nabigla ako sa sinabi nito. “Kulang pa yan sa
ginawa mong panggagago sa akin. Ginawa ko ang lahat para sayo Laurence. Isinuko
ko pati ang pride ko bilang lalaki nang mahalin kita pero anung ginawa mo?”
Doon na ako napahagulhol. Muli kong nasilayan sa mukha nito ang matinding galit
na halos saksakin ako nito gamit ang matatalim na tingin nyang yon. Nawala ang
mahinahon nyang aura at bakas ang panginginig ng kanyang mga kamay base sa
pag-galaw ng hawak nitong tasa nang kape.
“Gusto mong malaman kung bakit kita inimbitahan rito?”
Ngumiti ito sa akin na parang demonyo. “Dahil
gusto kong makita ang kamesarablehan mo. Matagal na kitang pinagmamasdan mula
sa malayo at hindi ko nagugustohan na tumatawa ka dahil wala kang karapatang
maging masaya!” May kalakasan na nitong sabi at alam kong sa amin na nakatingin
ang lahat ng tao sa loob ng restaurant na iyon.
“Nakaganti kana. Ngayon masaya kana ba?” Sinalubong ko ang
mga galit nyang mga mata. Patuloy parin ang pag-agos ng masaganang luha sa
aking magkabilang pisngi. “Kung tapos kanang mag diwang sa nakikita mo ngayon I
better go.”
I had enough. Sobrang sakit, kung pwedi ko lang kitlin ang
buhay ko sa harapan nya ay gagawin ko kung yon ang magpapasaya sa kanya. Ginawa
ko na lahat ng magagawa ko to explain myself to him but he rejected it again.
Hinayaan ko ang pag-agos nang aking luha sa harapan nya. Showing my
vulnerability to him hindi para mag paawa kung hindi para ipakita sa kanya sa
huling pagkakataon ang Laurence noon dahil mula sa oras na ito isasarado ko na
permanente ang puso ko sa kahit na sinong tao para maprotektahan sa mga taong
mananakit rito.
Tatalikod na sana ako sa kanya para lumabas sa resto na iyon
dahil hindi ko na alam kung hanggang saan ang itatagal ko sa mga masasakit na
salita nito. He was not the Claude I used to love linamon na sya nang galit
nya.
“Hindi pa tayo tapos Laurence.” May diin nitong sabi. Ramdam
ko ang mahigpit nitong pagkakahawak sa aking kaliwang kamay halos madurog na
ito.
Sinubukan kong makawala pero sadyang mahigpit ang
pagkakahawak nito sa akin kulang nalang ay durugin nya ang kamay ko.
“Tama na yan Cladue.” Napalingon ako sa taong nagsalita. It
was Chad kasama nito ang iba sa mga lalaki sa grupo nila.
“Pare, hindi magandang manakit ng taong hindi lumalaban baka
gusto mo ako nalang ang labanan mo.” Si Rome bakas ang galit sa mga mata nito.
“Bitiwan mo ang kamay nya pare. Pagusapan nyo nang mabuti
yan.” Wika naman ni Red sa malumanay na boses.
“Anong pakialam nyo? Problema namin ito kaya wag kayong
makialam kong masali sa gulo.” I can’t believe Claude could be this evil.
Tuluyan na syang inangkin ng galit at pride nya.
“Aba’t! Ang yabang nag hunghang na to ma sampolan nga.”
“Ervin Rome!” Tawag na Ace sa kanyang partner. Nakaupo lang
ito sa mesa nila kanina kasama ang mga babae nitong kaibigan.
“Eh ito kasing…”
“Bumalik kana rito kung ayaw mong ikaw ang ma sampolan ko.”
Wala na nga itong nagawa kung hindi ang mapakamot nalang sa
kanyang ulo at tingnan ng masama si Claude bago tumalikod at bumalik sa
kanilang lamesa. Lahat ng costumer na nasa resto na iyon ay sa amin na
nakatingin. May mga bulong-bulongan pa akong naririnig pero hindi ko na iyon
nagawang maintindihan sa tinding sama nang loob.
“Bitiwan mo ang kamay nya Claude.” Muling wika ni Chad.
“Kung hindi mapipilitan kaming kaladkarin ka palabas kasama nang mga kaibigan
ko.”
Ngunit hindi ito nag pasindak sa pinsan nya. Mas lalo lang
nitong hinigpitan ang paghawak nya sa aking kamay kung hawak pa ba ang
maitatawag doon.
“Tol, ayaw namin ng gulo lalo pa’t buntis ang asawa ko
makakasama iyon sa anak namin.” Malumanay nang wika ni Chad. “Pagusapan nalang
natin ito.”
Sa puntong iyon ay naramdaman ko na ang pagluwag nang
pagkakahawak nito sa akin hanggang tuluyan na nitong bitawan ang aking kamay.
Agad naman akong hinila ni Red palapit sa kanya.
“Mahal dalhin mo sya sa lamesa natin.” Wika nito sa kakatabi
nayang si Dorwin na agad naman akong inalalayan papunta sa lamesa nila.
“Magusap nga tayo.” Ang narinig ko pang wika ni Chad. “Pare,
sumunod nalang kayo. Magpaalam muna kayo sa mga partners nyo.” Nakita ko nalang
itong lumabas kasama ang pinsan nya sa exit door.
Parang bangag akong inalalayan ni Dorwin na maupo. He
offered me a glass of water na tinanggihan ko lang. Masyadong pre-occupied ang
isip ko sa mga nangyari dahilan para mawalan ako nang kakayahang magisip ng
tama. Para akong timang na nakayuko at naka tutok lang sa tiles ng restaurant
na iyon.
“Sasamahan namin si Chad papunta nang seventh bar.” Wika ni
Red ng makalapit ulit ang mga ito sa amin. “Rome pare, sama ka? Pagkakataon mo
nang magulpi ang lalaking ungas na yon.”
“Red.” Saway ni Dorwin rito.
“Sama ako. Gusto kong malaman kong anu ang drama meron ang
kurimaw na yon.” Tugon naman ni Rome.
“H-Hindi nya kasalanan yon.” Mahina pero sapat na para
marinig nila iyon. Hindi ko alam kung bakit ko ipinagtatanggol sa Claude sa
kanila sa kabila nang mga ginawa nito kanina. Kusa nalang iyong lumabas sa
aking bibig.
Nagtatakang nabaling ang tingin nila sa akin.
“Hindi kasalanan? Eh muntik ka na ngang kainin ng buhay ng
taong yon tapos hindi kasalanan? Uy Ace may naka mana pala sa katangahan mo
dati.” Banat ni Angela pero hindi ako tinablan ng pangaasar nito.
“Angela shut up kung ayaw mong ihagis kita sa labas nitong
restaurant nyo.” Di ko alam kong asar ito o kung nagbibiro lang dahil hindi ko
makita ang ekspresyon ng mukha ni Ace.
“Red, sundan nyo si Chad kami na ang bahala kay Laurence
dito.” Utos ni Dorwin sa kasintahan nya. “Alamin mo kung ano ang problema nang
isang yon para mapigilan ko ang sarili kong ipakulong sya.” It was attorney
Nivera’s commanding voice. Walang bahid ng pagbibiro sa boses nito.
“It’s not his fault. I’m sorry to drag you guys into this. I
better go.” Walang sabi sabing tumayo ako at lumabas ng restaurant na iyon.
Mabuti nalang at wala ni isa sa kanila ang pumigil sa akin.
Iyak lang ako nang iyak sa loob ng aking kwarto. Ang sakit
nang muli kong masilayan ang galit sa mga mata ni Claude. Lalo na ang makita
itong walang kaamor-amor sa akin tuluyan nang nawala ang Claude na minahal ko
kaya dapat lang din na tuluyan ko na ring kalimutan ang nakaraan ko sa kanya.
Alam kong babalikan pa nya ako dahil ito mismo ang nagsabing hindi pa kami
tapos.
Kailangan kong bumangon muli kung kinakailangang kalimutan
ko nang tuluyan ang dating Laurence ay gagawin ko. Hindi na pweding pairalin ko
pa ang puso ko dahil paniguradong masasaktan lang ako. Hindi na ako umaasang
maitatama ko pa ang minsang pagkakamali na hindi ko ginawa. Iyon ang mga bagay
na huli kong itinatak sa aking isip bago tuluyang lamunin ako nang sobrang
pagod at makatulog na.
<hr
color="Blue" width="30%" align="center">
Mabigat ang pakiramdam nang imulat ko ang aking mga mata.
Mukhang nakasanayan na nang aking katawan ang bumangon ng alas dos ng madaling
araw para magsimba. Ayaw kong bumangon, ayaw ko na ring magsimba pa. Wala nang
rason para gawin ko iyon, pero kahit anong gawin ko hindi ko magawang makatulog
ulit.
Napilitan akong umupo sa gilid na aking kama at nahagip agad
ng aking mga mata ang litrato nang aking ina. Ang taong hanggang sa
kahuli-hulihan ng kanyang paghinga ay inilagaan at prenotektahan ako. Sadya
yatang mababaw ang aking luha dahil muli na naman itong umagos.
“Ma, bakit kailangang mangyari sa akin ito? Nag mahal lang
naman ako di ba? Ito ba ang kapalit ng bawal na pagmamahal ko doon?
Pinarurusahan ba ako nang diyos ngayon? Bakit kailangan ko pang magsimba kung
sya mismo ang may gawa nito sa akin? Bakit kailangan ko pa syang sambahin ko
sya mismo ay gusto akong pasakitan?” Sunod-sunod ang pag-agos ng aking luha
pero hindi iyon nakatulong na maibsan ang bigat nang aking kalooban.
“Ma, hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang mag-isa kunin nyo
na ako ni papa.” Doon na ako humagulhok. Alam kong pagtatawanan ako nang kahit
na sino mang makakita sa akin ngayon. Even my students would laugh at me seeing
how devastated I am. Anim na taon, anim na taon kong pinilit itago ang tunay
kong damdamin dahil ayaw ko nang masaktan pero bakit nagkaganito. Ano ba ang
malaking kasalanang nagawa ko sa mundo to deserve this kind of life. I don’t
deserve to be this miserable naging mabait akong anak, naging mabuting kaibigan
at mabuting lover. Why do I have to suffer this much?
Sa hindi malamang kadahilanan biglang may dumaan na malamig
na hangin na parang lumukob sa buo kong katawan at ang unang pumasok sa aking
isip ay ang aking ina dahil sya lamang ang nagiisang tao noon na yumakap sa
akin nang mga panahon na nararamdaman ko ang ganitong pakiramdam. Ang pakiramdam
ng isang taong ayaw ng mabuhay.
Pinahid ko ang aking mga luha. Tumayo sa aking kama at wala
sa sariling pumasok sa banyo para maligo ni hindi ko nagawang tanggalin ang mga
saplot sa akin katawan. Kusa nalang pinihit ng aking kamay ang shower at tuluyan
ng dumampi ang malamig na tubig sa aking katawan.
Itutuloy.....
ang sakit T_T
ReplyDelete