Gusto ko pasanang pasalamatan ang mga taong nag bigay nang
kanilang panahapon para bomoto sa nalalapit na project ng MSOB sa blog nina
Jeff at Kuya Mike pati na rin po sa fan page nang MSOB. Tsalamats nang marami.
RSTJR029, Dhenxo, Edrich, R3b3l^+ion, Ross Magno,
Beucharist, Tam, Dada, Clyde, Russ, Readmymouth, ICY, Drek, popoy_III, at Ram.
Salamat din sa mga Anonymous at Silent Readers sa walang sawa nyong pagbibigay
ng komento sa aking akda.
DISCLAIMER: This story
is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works
are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and
requests that in any use of this material that my rights are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.
Nang makauwi ako sa bahay na
tinutuluyan ko ngayon ay agad na akong naghanda nang almusal. Sobrang lungkot
talaga pag nag-iisa ka wala kang
makausap, wala kang mapagkwentohan ng problema. Sabi nila masaya ang pasko pero
sa nag daang mga pasko ay hindi ako naging masaya. Bawat pasko ay naaalala ko
ang mga nang yari sa nakaraan na kahit anong pilit kong kalimutan ay hindi ko
magawa.
Nagprito lang ako nang hot dog at itlog para gawin palaman
sa binili kong tinapay kanina bago ako umuwi galing simbahan mag-isa akong
kumain habang nagiisip. Totoo pala talaga ang sabi nila napakahirap mag-isa.
Matapos akong makapag almusal ay agad na akong nagbihis para
pumasok kahit alam kong maaga pa masyado. Pag nasa opisina kasi ako ay
pansamantala kong nakakalimutan ang lahat dahil focus ako sa aking trabaho.
“Walang pagbabago, ang aga mong pumasok.” Bungad sa akin ni
Chatty. Magiisang taon palang ako sa trabaho ko sa isang pribadong koleheyo sa
lugar namin habang si Chatty ay pangatlong taon na nya.
“Gumagawa lang ako nang test papers ko.” Tugon ko sa kanya
hindi manlang inaalis ang aking tingin sa aking ginagawa.
“Reasons! Nung isang araw mo pa natapos yon nakita ko sa
lamesa mo.” Sabi nito na nakalapit na pala sa aking lamesa. “C’mon Laurence
wala ka pa namang asawa at wala ka na ring pamilya bakit sobra ka naman kung
makapagtrabaho?” Walang preno pa nitong sabi sa akin.
“No reasons at all.” Matipid kong sagot sa kanya at binigyan
sya nang isang pilit na ngiti. Napataas nalang ang kilay nito sa akin.
“Kamusta ang simbang gabi?”
“Ganun pa rin, simbang gabi pa rin.” Nakangisi ko nang sabi
sa kanya.
“Pilosopo! Sa 20 na ang Christmas party ng faculty members ano
ang plano mo?” Excited nitong sabi.
“Kakain at uuwi?” Maloko kong sagot sa kanya.
“Hindi ka talaga makausap ng matino ano?” Bakas ang
pagkainis nito sa kanyang mukha na lihim kong ikinatuwa.
“Masyado ka kasing excited, unahin mo kaya munang tapusin
lahat ng reports mo bago ang party?” Biro ko sa kanya na sinimangutan nya.
“Kill joy ka talaga. Palibhasa walang love life.” Inis
nitong turan sa akin. “Dapat ka nang ihanay sa matatandang professors dito.
Tapos na ako sa mga reports ko result nalang ng exam ang hinihintay ko.” Ang
sabi pa nito.
Nasa ganun kaming paguusap ni Chatty ng dumating si Pat.
Malakas ang tama ni Chatty sa kanya dahil sa alaga ang katawan nito sa gym
isama mo pa ang pagiging P.E teacher nito. Magiliw kami nitong binati na
ikinakilig naman ni Chatty. Tatawa-tawa nalang akong pinapanood itong hayagang
nag fli-flirt.
“Pat, gagamitin mo ba ang gym mamayang 9am?” Agaw pansin
kong tanong.
“Hindi, tapos na ako sa mga practical exams ko. Bakit
Rence?” Nakangiti nitong sabi na kita ang mga pantay nitong ngipin.
“Balak ko sanang gamitin mamaya para maiwasan ang kopyahan
ng mga studyante ko.” Nakangiti ko ring sagot sa kanya.
“Sure, paayos ko mamaya sa facilitator ang gym. Ilang upuan
ba kailangan mo?”
“Thirty. Salamat Pat.”
“No problemo basta sama ka sa amin mamaya mag lunch treat
ko.”
“Ano meron mamaya?” Magkasabay naming tanong ni Chatty.
“Birthday ko.” Nakangiti nitong tugon sa amin. “Paano, 1st
subject ko na maya nalang.” At lumabas na ito sa faculty room.
“Ang gwapo nya talaga noh?” Tila kinilig na wika ni Chatty.
“Oo nga eh. Sa sobrang gwapo nya nahahalata kana masyado.”
Sabay tawa ko nang nakakagago.
“Ganun na ba ako ka obvious?” Parang tanga lang nitong sabi.
Napapailing nalang ako sa kanya at muling ibinalik ang aking
atensyon sa ginagawa ko. Kahit papaano ay nawawawala ang pangungulila ko tuwing
kasama ko sila. Isang rason din kong bakit pinili ko ang magturo ay para
makaiwas sa kalungkutan. Pag nasa eskwelahan kasi ako ay nakakalimutan ko
lahat, siguro dahil na rin sa mga kasamahan ko at sa mga studyante ko.
Sa una lang pala mahirap magturo pagnakasanayan mo na ito ay
maeenjoy mo na rin lalo pa’t may mga bago akong kaibigan na hindi man nila alam
ang lahat sa akin ay itinuring parin nila akong isa sa kanila at hindi nila
ipinaramdam sa akin na hindi ako welcome sa loob ng faculty.
“Salamat Pat.” Pagpapasalamat ko sa kanya dahil talagang
pinuntahan nya pa ako sa gym para tingnan kung maayos na ba ito.
“Walang kaso. Paano kita nalang tayo mamaya.” Nakangiti
nitong wika sa akin.
Tango at ngiti ang isinagot ko sa kanya at umalis na ito
para puntahan ang klase nya.
“Most of you didn’t pass the prelim exam. Wag nyong isipin
na porket prelim palang yon ay okey lang, counted parin yon sa magiging total
ng grades nyo. I’m expecting na papasa kayong lahat ngayon. Alam kong some of
you find this subject boring dahil ako man nung college palang ako ay mahina
ako sa subject na ito.” Pagsisimula ko sa kanila.
“Sir, paano po kayo nakapasa sa subject kung ganun?” Sabat
ng isa sa mga studyante ko.
“Siguro nag cheat si Sir.” Malokong tugon naman ng isa na
ikinatawa nang lahat.
“Mr. Baltasar isa ka sa mga bagsak sa prelim.” Nakangiti
kong tugon at tumanggap ito nang kantiyaw sa mga kaibigan at kaklase nito.
Ako man ay lihim na natuwa kong paano nauwi ako sa pagtuturo
nang subject na pinahirapan ako nung college.
“You know my rules. Sa test paper lang ang tingin hindi
pweding magpalingalinga at hindi pweding makipagusap sa katabi. Ang hindi
sumunod ay automatic zero.” Pag agaw ko sa atensyon nila. “Submit to me your
pay slip or receipt for midterm so you can get your test paper here.” Dagdag ko
pang sabi at isa-isa na silang lumapit sa akin.
Nang sabihin ko nang pwedi na silang magsimula ay natahimik
ang buong gym. Ako naman ay palihim lang silang minamanmanan alam ko naman kasi
kung sino ang mga dapat bantayan.
“Mukhang enjoy kang
lumandi sa weirdong Alfie na yon ah.”
Napataas ang kilay ko
sa sinabi nito. Naiwan kami sa lamesa dahil um-order ng pagkain sina Ralf at
Mike.
“Ano bang pakialam mo?
Hindi weirdo si Alfie at di hamak na mas maganda syang kausap kumpara sayo.”
Asik ko sa kanya hindi ko nanaman napigilan ang hindi mairita.
“Wow! Pinagtatanggol
nya ang sweet mo pala.” Nanunuya nitong sabi.
“Pwedi ba, mag hanap
ka nang kausap mo!” Ang hindi ko sinasadyang mapasigaw sa sobrang pagkapikon.
Napalingon sa amin ang
ibang mga studyante na kumakain rin sa karenderyang iyon. Namula naman ako sa
pagkapahiya habang si Claude ay tinuturo pa ako na parang ako pa ang pinapalabas
na may kasalanan. Napayuko nalang ako dala nang hiya.
“Kung ako sayo
magiingat ka. Pagnakita nang fans club ko na sinisigawan mo ako baka kalbohin
ka nila.” Pabulong nitong sabi sabay tawa nang nakakagago.
“Makakaganti rin ako
sayong hayop ka.” Pabulong ko ring sabi.
Kung pwedi ko lang
talagang sakalin ang taong to ay ginawa ko na. Hindi ko alam ang rason kung
bakit ganun nalang nya ako kung itrato. Siguro isang malaking pagkakamali ang
pagsama-sama ko sa pinsan ko dahil tuloy sa kanya ay nalaman ng barkada ni Mike
ang sekreto ko.
Hindi naman nagtagal
at bumalik na rin sa lamesa sina Ralf at Mike.
“Ano na naman ang
ginawa mo kay Laurence pare?” Sabi wika ni Mike nang makaupo sila.
“Wag mo namang araw-arawin
ang pangaasar sa pinsan ko baka hindi na naman yan magparamdam sa atin.” Dagdag
pa ni Ralf.
“Tinatanong ko lang
naman sya kung kumusta sila nang NEW found friend nya.” Pagbibigay diin nya sa
salitang NEW.
Napapailing nalang ang
dalawa sa kagaguhan ni Claude habang ako naman ay tahimik nalang na kumain at
hindi na muling nagsalita pa. Pero tuwing magnanakaw ako nang tingin kay Claude
ay hindi ko mapigilan ang hindi humanga sa angkin nitong kakisigan. Ang mga
mata nitong sobra kung makapangakit at isama mo pa ang labi nitong
katakam-takam.
Nang matapos kaming
makapag lunch ay dumiretso na kami nina Ralf kasama ang buset na si Claude sa
tambayan namin sa loob ng campus sa isang bench na nasa ilalim nang malaking
puno. First year palang kami ni Ralf nang mapagtripan naming pagtambayan ang
nagiisang bench na iyon. Doon din namin nakilala si Mike pati na rin si Claude.
“Alam mo babes ang
saya ko dahil sa bench na ito tayo nagkakilala noon.” Naglalambing na sabi ni
Mike sa pinsan ko. Sa totoo lang hindi ko talaga ma kukwesyon ang pagmamahal ni
Mike dahil sobrang sweet at maalaga nito sa pinsan ko.
“Oo nga babes, Naalala
mo nung inaway pa namin kayo ni pinsan dahil akala namin inaagawan nyo kami
nang tambayan noon.” Tatawa-tawa namang sagot ni Ralf dito.
“Ikaw lang ang
nangaway sa kanya pinsan hindi ako kasali.” Depensa ko sa aking sarili.
Tumawa naman silang
lahat pati si Claude ay napatawa rin na ipinagtaka ko. First time ko itong
makitang tumatawa na walang pangaasar sa mukha nito. Natural ang tawa nya
parang tawa nang isang taong binabalikan ang nakaraan.
“Sinong magaakalang
mamahalin ko itong babes ko noh?” Ang sabi pa ni Mike sabay yakap nito kay
Ralf. Minsan hindi ko maiwasang ma inggit sa pinsan ko. Swerte na nga sa buhay
swerte pa sa lovelife.
“Sa tuwing maaalala ko
ang hitchura ni Laurence noon di ko mapigilang matawa.” Mayabang na wika ni
Claude.
“At bakit? Mukha ba
akong clown sayo?” Inis kong nasambit.
“Grabe pa sa clown.
Ang baduy mo kasi.” At muli nanaman itong tumawa nang malakas.
“Palibhasa mayaman
ka!” Di ko mapigilang hindi ma insulto sa tinuran nito. Agad akong tumayo at
umalis na walang lingon likod.
Halos tumulo na ang
pinipigilan kong luha sa pagkainsulto. Okey lang naman sa akin yung kayabangan
at pangiinis nya sa akin, pero ang insultohin nya ang katayuan ko sa buhay ay
sobra na. Kung hindi lang sana namatay ang papa ko hindi sana kami maghihirap
ng ganito.
Nakayuko ako’t nag
mamadaling tinungo ang CR nang bigla akong bumangga sa matigas na dibdib ng
isang tao. Mabuti nalang at maagap ako nitong nasalo dahil kung hindi
paniguradong mababagok ang ulo ko sa semento.
“Okey kalang ba?”
Nang makita ko ang
mukha nito ay doon na talaga ako napaiyak. Hindi ako iyaking tao pero ngayon
parang lahat ng sama nang loob ko kay Claude ay lumabas na parang gripo. Wala
anu-anong napayakap ako ay Alfie na syang nakabanggaan ko.
“Sorry Laurence di ko
naman sinasadya.” Di magkaugaga nitong sabi. Iniisip siguro nito na sya ang
dahilan ng pagiyak ko.
Mabuti nalang na ganun
ang iniisip nya dahil ayaw ko rin namang magkwento sa tunay na dahilan ng
pagiyak ko. Iyak lang ako nang iyak habang nakayakap sa kanya magkahalong
frustration at galit ang nararamdaman ko para kay Claude.
Mga ilang minuto rin
ang itinagal nang pagiyak ko. Para makabawi daw si Alfie sa pagpapaiyak nya sa
akin ay linibre ako nito ng Ice Cream sa isang malapit na Mercury Drug. Doon ko
na nakausap ang totoong Alfie, nakakainggit ang pagiging masayahin nito taliwas
sa pinapakita nya sa loob ng skwelahan namin.
Pansamantalang
nakalimutan ko ang galit ko dahil na rin sa tulong ni Alfie. Wala na daw itong
pasok at pauwi na kanina nang makabanggaan ako nito habang ako naman ay
mamayang alas 3 pa nang hapon ang susunod kung subject. Kahit anong pilit ko sa
kanya na okey lang na iwanan na nya ako ay nag insist parin itong samahan ako
hanggang sa magsimula ang klase namin.
“Laurence?”
“Ano kailangan mo?”
Malamig kong tugon sa kanya papasok na sana ako sa next subject ko.
“Gusto ko lang sanang
mag sorry about kanina di ko naman sinasadyang..”
“Di mo sinasadyang
laitin ako?” Pagputol ko sa sasabihin nya. “Eh araw-araw mo ngang ginagawa iyon
sa akin eh. Ano ba talaga ang kasalanan ko sayo Claude?” May paghamon ko pang
dagdag.
Nanginginig ang aking mga tuhod sa pagpipigil na lumabas ang galit ko sa kanya. Nakakuyom ang dalawa kong kamay na para bang handa nang manapak anumang oras.
“I d-didn’t mean to..”
“Cut the crap! Just go
to hell Claude!” Tuluyan nang umapaw ang tinitimpi kong pagpipigil. “Okey lang
sa akin na paglaruan mo ako, pero ang laitin at insultohin ay sobra na.” May
tapang kong sabi. Hindi ko alam kong saan ko hinugot ang tapang na yon siguro
ganun talaga ang tao pag galit.
“Give me chance to
explain.” Nagsusumamo nitong sabi.
“Chance? I already
give you that but u blew it remember? Hindi ikaw ang taong deserving pag aksayahan
ng panahan at mas lalong hindi ikaw ang taong karapat dapat na bigyan ng
chance. I won’t let a Devil like you ruin my self-esteem!” Sinadya kong
banggain sya at tuluyan ng umalis para pumasok.
Kahit nasa loob na ako
nang aming classroom ay hindi parin nawawala ang panginginig nang aking
kalamnan sa sobrang galit kay Claude. Si Ralf ay walang salitang binanggit
pinanood lang ako nito na may awa sa kanyang mga mata.
Simula nga noon ay
hindi ko na kinausap pa ulit si Claude kahit anong pilit nitong makipagusap sa
akin ay umiiwas ako agad. Sinabi ko na rin sa pinsan ko na hindi nalang muna
ako sasabay sa kanila ni Mike tuwing free time para na din makaiwas sa bangayan,
naiintindihan naman ako nang aking pinsan at ni Mike.
Sa mga panahon na
hindi ako sumasama kay Mike at Ralf ay si Alfie ang naging kasama ko. Ito rin
ang naging personal tutor ko sa history since na magaling sya doon dahilan para
makakuha ako ng 2.1 na grade nung Medterm. Si Alfie ang naging sandigan ko
kahit wala itong alam sa mga nangyari. Minsan lang itong nag tanong sa akin
kung bakit hindi na ako sumasama sa mga kaibigan ko ngunit nang tumangi akong
ikwento sa kanya ay hindi na ito namilit pa. Isa iyon sa mga katangian ni Alfie
na nagustohan ko.
Laging nauuna ang
lunch break ni Alfie 11:30 palang ay tapos na ang pangumaga nitong klase habang
ako naman ay 1:30 ang lunch break namin. Hinihintay ako lagi nito na lumabas
para sabay kaming kakain. Pinanindigan ko ang aking desisyon na hindi na sumama
sa grupo nina pinsan. Kung nagsasalubong kami ni Claude ay agad akong umiiwas
di pa man ito nakakalapit sa akin.
“Sir?”
Napapitlag naman ako sa pagtawag ng pansin sa akin ng aking
studyante. Nauwi nanaman pala ako sa malalim na pagbabaliktanaw sa aking
nakaraan.
“Sorry, Yes?” Ang nasambit ko nang makabawi sa pagkabigla.
“Tapos na po ako.” Alam kong gusto na nitong matawa sa akin.
“Here’s your pay slip. Done signing it.” Walang emosyon kong
sabi. Mula sa pagpipigil nitong matawa ay bumakas ang takot sa mukha nito. Alam
ng mga estudyante ko kung kelan ako pweding biruin at kung kelan ako may topak.
“To those who are finished, submit to me your test paper and
blue book then you can get your pay slip here. I will be seeing you next year.”
Sabi ko gamit ang seryosong tinig sa mga natitirang estudyante na alam ko
namang tapos na ngunit ayaw pa ring i-submit ang mga papel nila siguro akala
nila makakaisa sila sa akin. Hindi nga ako nag kamali dahil halos sampo nalang
ang natitirang totoong hindi pa tapos.
Biglang nag ring ang aking cellphone nang tingnan ko kung
sino ang tumatawag ay agad na nangunot ang noo ko. Anong kailangan nito sa akin? Ang naitanong ko sa aking sarili
habang nag aalagan kung sasagutin ba ang tawag o hindi.
Itutuloy:
ganda
ReplyDelete