Good Day to all! Ito muli si Dark_Ken. Ang naging hatid sa inyo ng series na pinamagatang “Minahal ni Bestfriend”.
Una po muna ay gusto kong magpasalamat sa lahat lahat. And I mean sa lahat lahat ng sumuporta sa aking series. At sa lahat lahat ng naniwala sa aking munting kakayahan. If it wasn’t for you guys, hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na magpatuloy magsulat.
Muli, maraming maraming salamat po.
Ngayon po ay nais kong bigyan kayo lahat ng isang munting
surpresa.
Hindi naman po ako nagkulang sa pagsasabi na ang mga akda ko
ay hinahandog ko sa aking mga mabubuting mambabasa. Kaya naman po ay nais ko
pong bahagi ng aking pagsusulat ang aking mga mahal na mambabasa. Nagkaroon po
ako ng isang pabor mula sa piling mambabasa ng MNB. At ito po ay makasama sila
sa isang interview. Ito pong mga mambabasa na ito ay ang mga taong talagang
sumuporta sa akin sa pagbuo ng MNB.
Ang panayam na ito ay ginawa ko upang mas magkaroon ako ng
interaction with the supporters of MNB. Lalo na po yung walang nagsawang
pinakasamahan ako along the journey of MNB. They have been very supportive in a
way na halos araw araw ay may munti akong mensahe mula sakanila sa fb at
emails.
Ang panayam na ito ay pangungunuhan ng isa po sa PINAKA
iniidolo kong manunulat. He has also been a very good friend to me and my
Bembem. I have also considered him as my mentor dahil walang sawa din sya sa
pagbibigay advice sa akin sa pagsusulat. Sa totoo lang po, ay pag may mga ideas
ako ay sakanya ko unang cinoconsult.
Ang partikular na author/kaibigan/mentor na ito ay
pinagmamalaki ko hindi lamang sa mga kadahilanang kayang sabihin ng aking
bibig, ngunit dahil ito po ang aking nararamdaman.
Ladies and Gentlemen, I am very happy to introduce you this
fine gentleman. Mr. Rovi Yuno, o mas kilala ng iba bilang si “Unbroken”.
Rovi: Hello everyone at magandang hapon po! Ako po ngayon ay
naatasan dahil wala akong choice, na gumawa ng isang interview sa tomboy na si
Kenji Oya, ang author ng Minahal ni Bestfriend series. Medyo pressured sya dahil ako ang
magiinterview. Chos.
Rovi: Let’s Start.
Kenji: Okay.
Rovi: First
Question. Bakit mukha kang tomboy?
Kenji: Hahaha!! Ewan
ko sau! Hahahaha! Ang tino ng tanong ha! Pero sa totoo lang kasi po, is nasa
lahi siguro namin. Medyo may pagka soft kasi ang features ng mukha ng mga tao
sa family ko.
Rovi: We heard na
magkakaroon daw ng 4th installment ang iyong series na “MNB”. Is
this true?
Kenji: Yes.
Rovi: Derechong
tanong. Ano ang dapat naming i-expect sa MNB 4?
Kenji: Sicker twists.
Swear.
Rovi: Ano ang mga
pagbabago na dapat naming abangan lalo na sa writing style mo?
Kenji: Hmmm. Usually
kasi, POV lang ng isa ang finofocus ko. But here, iba’t ibang emosyon ng
characters ang ipalalaro at ipadadama ko. Magkakaroon ng contradiction sa bawat
character. Even sa main lead ay maari kayong mainis. Hindi sya katulad ng ibang
books ko na kawawa lagi ang bida.
Rovi: May maturity ba
si Kenji Oya sa 4th installment as a writer?
Kenji: Sobra. With the help of people around me, nagkaroon ng
bagong ako dito. Kahit ako kasi mismo ay inaanalyze ang bawat sitwasyon. Kung
ano nga ba ang mararamdaman ko sa mga ganitong pagkakataon. Aaminin ko, hindi
naging madali sa akin gang pagbuo ng bagong installment ng MNB.
Rovi: Ohhh. Wait. May bisita tayo. Magbabayad ata ng renta sa
apartment. Chos. Please welcome, one of the promising writers of MSOB and MNB,
Jojie or Justyn Shawn!
Jojie: Salamat Rovi!
Jojie: Hi Bes!
Kenji: Hi!
Jojie: kumusta ang feeling...?
Kenji: Na? :P
Jojie: Natapos na ang Book 3 at magsisimula na naman ang Book
4....Ano ang nararamdaman mo ngayon? Saan ka humuhugot ng idea para mapasok mo
kami sa iyong kwento?
Kenji: Una sa lahat, I am very flattered sa totoo lang.
Overwhelmed ako dahil sa pinapakitang suporta ng mga tao sa akin at sa mga
ginagawa ko. Tungkol naman sa paghugot ng idea… Hmmm, galing ito sa sarili kong
experiences, ng friends, family, at ang mga bago kong nakikilala na nagsshare
ng sariling kwento ng mga kani-kanilang buhay pag-ibig.
Jojie: The MNB 3 is a
great masterpiece. I know you could do more. Anong "MORE" yun na
pakaaabangan namin?
Kenji: Thanks for
considering my work as a masterpiece. More… Hmmm.. Siguro I will unleash
another side of my writing skill dito. Ang daming nagtatanong kung bakit ayaw
ko i-push ang sarili ko. And Rovi has been a big help for that “push”. And of
course, MORE bitin!! Hahaha!!
Jojie: At since andito
sa harap ko ang ginawa kong project.(cat na papercraft) The character of Kuting
(si coach kuting) bigla ko naalala. Isa ba siya sa mga karacter sa Book 4 ng
MNB? Ano ang magiging character nya?
Kenji: Oh. Si Coach. Hahaha. No. He wont be a part of my
story any longer. Anything na nasali sa Book 1 ay as of now ay hindi ko muna
ibabalik. Pero who knows? Someday, diba?
Jojie: I see. :) Salamat sa pagkakataong ito bes na maisama
ako sa teaser ng next Book mo.
Kenji: Anytime, bes.
:)
Rovi:So ako pala talaga ang catalyst para ayusin mo ang
pagsusulat mo? Chos! Inferlu naman sa MNB Series mo, may progress but since
nasa 4th ka na nga dapat siguro maggrow ka na rin. Okay. Let's now have our
next guest. Actually isa sya sa mga bonggang-bonggang sumuporta sa MNB since
book 1, no other than Arch!
Kenji: Naman Rovi! Hahaha! Alam mo yan! Hey Arch! :)
Archivald: Hi Ken!!
Kamusta? :)
Kenji: I’m Good. Ikaw?
:)
Archivald: Ito, excited sa 4th Book mo. Salamat
pala sa pagpili mo sa akin bilang isa sa mga kasama dito sa teaser!!
Kenji: Ako po ang mas nagpapasalamat dahil simula Book 1 pa
lang ay nandyan ka na talaga para sa akin. Kaya Arch, maraming maraming
salamat. I mean it.
Archivald: Wala yun! Anyway, ito na ang tanong ko.
Kenji: Shoot!
Archivald: As an avid
and loyal fan of your MNB series, would MNB 4 be a collection of true to life
scenarios or a journey to adulthood together?
Kenji: You know Arch, Ito ang baka maguluhan kayo. Kasi ang
sagot ko is both.
Archivald: Both?
Kenji: Opo.
Archivald: Paanong both?
Kenji: I did say kanina na it will have a sicker twist hindi
po ba? Abangan po kung paano ko ito ginawa.
Archivald: Mas nathrill naman ako!
Kenji: Thanks ulit po, Arch. J
Rovi: Okay. Let's now move on with our next question. Arl
nasan ka na?
Arl: I’m here! Thanks Rovi!
Rovi: Youre welcome!
Arl: Good Afternoon Ken.
Kenji: Good Afternon din po.
Arl: Paano mo gagawing kakaiba ang susunod mong istorya?
Kenji: Mature roles and scenes on the latter part of the
story. Though ngayon pa lang, sinasabi ko na sa inyo na wala akong morbid sex
scenes. Paninindigan ko yun. Sex is sacred for me. Though may mga language at
eksena ako dito na medyo rated PG.
Arl: Ganun ba. So, sa 4th book ba ay mayroon ng
kasalang magaganap?
Kenji: Kasalan? Hmm. It’ll be nice. But ang set up ko usually
ay sa Pinas. And I want to make my stories as realistic as possible. Or kung
hindi man, ay mga bagay na kahit papaano ay pwede pa ding mangyari. At alam
naman natin na sa ngayon, hindi legal ang wedding ng same sex. So baka no.
Arl: Sa bagong ginawa mong yugto ng MNB, ano ang pwede naming
matutunan o mapulot na aral sa susunod mong istorya?
Kenji: Hmmm.. Kasi po, I always put hidden messages sa story.
Mga tipong munting aral na marerealize mo at the back of your mind at masasabi
mo later on na, “Ah, dapat ganun pala..”
Arl: And that’s what I love MNB so much! :)
Kenji: Maraming salamat po muli.
Arl: Mas salamat sayo, Ken.
Rovi: Next na magtatanong, actually ay kilala ko. Isa sya sa
mga laging nagsasabing umiiyak sa mga short stories ko. At laging naninibago
pag happy ending ang gawa ko. Tama ba ako? Hello Rue!
Rue: Sinabi mo pa! Hi din Rovi!
Kenji: Kaya nga idol ko yan si Rovi, eh!
Rovi: Eklatera!
Rue: Hao idol!
Kenji: Hao Rue!
Rue: Ano ang masasabi mong kaibahan ng mga naunang MNB sa MNB
4?
Kenji: MNB 4 will be more matured na. Bale kasi, kung
mapapansin nyo. The 1st book was highschool, 2nd and 3rd
was College life. Itong 4th, nasa real world na ang setting. Working
na sila dito.
Rue: At ano naman ba ang pagkakapareho maliban sa may
"best friend"?
Kenji: Pagkakapareho. Siguro yung mga hidden messages or
lessons about life. I make sure na sa halos bawat scene or problemang
pagdadaanan at mababasa ay may mapupulot kahit papaano na aral mula dito.
Rue: Aabangan ko to, Idol ha!
Kenji: Hao Rue!
Rue: Hao Idol!
Rovi:O sya tama na yan Rue. Marami ka ng exposure. Ayan ang
next nating magtatanong ay walang iba kundi ang aking 'honey' t'wing imbyerna
kami sa pressure. Hahaha! Napakabait at napakagwapo pero minsan napakatanga na
si Patrice Valmer! Helloooo Honey!
Patrice: Hi Honey! Hi Ken! Hapon!
Kenji: OMG!!! Kuya!!! Hihihi!!
Patrice: Kamusta ka?
Kenji: Ito po, super happy na pinaunlakan mo ang request ko!!
Super Happy! ^_^
Patrice: Salamat din sa invitation.
Kenji: Naku, ako ang mas thankful! ^_^
Patrice: Tuwing kailan ka nagsusulat?
Kenji: Usually po sa gabi. Pag tulog na ang lahat ng tao sa
bahay.
Patrice: Ano ang habit mo when writing?
Kenji: Usually kuya, meron akong Lemon Tea sa tabi ko. Tapos
salpak ng earphone sa tenga ko habang nakikinig sa music. Para mas madala lang.
^_^
Patrice: May rituals ka ba before o after writing?
Kenji: Before? Magreready ng snack at Lemon Tea. After naman,
is iniimagine ko sa utak ko yung mga next scenes then isusulat pag may time na
ulit.
Patrice: Base ba sa totoong buhay ang MNB at totoong tao ba
si Ryan, Andre, Jason, LArc at Alex? ^^
Kenji: Actually, this is a very interesting question. Kasi
masasabi ko na ako ang lahat ng character. Ryan is yung iyakin kong side,
martyr, and sya din yung sad part ng life ko. Si Larc naman, ang negative side
ko. Sya ung karuwagan ko, katangahan ko, and kakulangan ko. While Andre naman
is yung nagreredeem sa mga pagkakamaling nagagawa ko.
Patrice: Interesting. Sya nga pala, salamat ulit sa
invitation. That would be all muna. ^^
Kenji: Nako Kuya!! Ako talaga ang super thankful kaya super
salamat po! ^_^
Rovi:So walang kwenta yung tanong ni Patrice. Hahaha! Sana
yung susunod na tanong may latoy na. By the way, ang susunod na mga tanong ay
magmumula sa isa sa mga Admin ng MNB. Pakiramdam ko lahat ng admin nirequire mo
magtanong eh. Sya ang naghahawak ng Fan Page for MNB Group. Ang batang martir,
Tommy!
Tommy: Martir talaga Kuya?
Rovi: Hahaha! K.
Kenji: Nako, hayaan mo yan! *giggles
Tommy: Hi Kuya!! OMG!! *himatay
Kenji: Hahaha!! Natatawa talaga ako sa mga reaction mong
ganyan!
Tommy: Excited lang ako Kuya. Sya nga po pala. Salamat po sa
pag imbinta sa akin dito. Nahihiya tuloy ako.
Kenji: Walang anuman. Sa katunayan ako ang mas nagpapasalamat
sayo dahil sa suporta at tiwalang ibinibigay mo sa akin at pagtrato mo sa aking
bilang “kuya” mo.
Tommy: The pleasure is all mine Kuya!! *himatay ulit
Kenji: Hahahaha! Ewan ko sayo! Magtanong ka na nga! Hahaha!!
Tommy: Okay, ito na. Kuya, what makes you think na babasahin
ng readers mo ang Book 4?
Kenji: I don’t. And honestly, I never regarded them as
readers, I prefer the term friends. Hanggang ngayon kasi ay naiilang ako
pagsinasabi nila na reader or fan daw sila. Hindi talaga ako sanay. Pero yun
nga Tommy, hindi ako sure kung tatangkilikin pa rin ito ng mga tao. But yes,
I’m hoping.
Rovi:Plastikera ka.
Kenji: Hahaha! Tse! :P
Tommy: Syempre isa ako sa mga talagang tatangkilik nito!
Kenji: Maraming maraming salamat bunso.
Tommy: Welcome po Kuya. So, sino sino ang magiging characters
para sa Book 4?
Kenji: The name of the the characters ba? Ang story ay
magsisimula with Cyrus. Na inlove sa kaibigan nitong si Cedric. Na ang mahal
naman ni Cedric ay si Geoff.
Tommy: Isa sa mga pinaka nagustuhang character talaga ng MNB
ay sila “Jenny” at “Karen”, sa book 4 ba ay magkakaroon ka pa ring same
character tulad nila?
Kenji: Definitely. At BIG surprise kung sino at ano ang
pagkatao nya dito! Hahaha!
Rovi: Taena ka. Parang kinakabahan ako dyan sa BIG na yan.
Kenji: Hahaha! Watch out!
Tommy: Anu ang kaibahan ng MNB Book 4 sa tatlong Books na
naisulat mo? At para kanino mo ba talaga sinusulat ang MNB 4?
Kenji: Hmm. Syempre, ang PINAKA inspirasyon ko sa lahat ng
pagsusulat at ginagawa ko ay ang aking Bembem. Pero this story is dedicated for
those na mga nakakausap ko. Mga nagshashare ng problems about their love life.
Napansin ko kasi na karamihan sakanila ay tungkol sa story na ginawa ko.
Tommy: Parang ako lang. T_T
Kenji: Hahaha! Kanina lang halos himatayin ka. Ngayon emo ka
na.
Tommy: Joke lang Kuya! ^_^
Tommy: Eh, Kuya, ano nagpapaiyak sayo ng matindi?
Kenji: Hmmm.. Death. Permanent Loss na kasi ito, eh. Kahit
anong pilit mong makita pa yung taong namatay ay hindi na maari. Hinding hindi
mo na sya muling makikitang ngumiti, tumawa, o kahit pa umiyak.
Tommy: OMG! *cries
Kenji: Hahaha!
Rovi: Nabigyan lang ng exposure sa camera may attitude na.
Sipain kita dyan Tommy eh. Ayun move on na tayo. Ang next na magtatanong ay
isang indian. Opo, nabasa nyo po ng tama. Indian sya dahil di sya sumisipot sa
mga mahahalagang event ng buhay ko. At oo personalan to! Chos. Hahaha! Hello
DM!
DM: Grabe ka naman, Kuya.
Rovi: K.
Kenji: Hahaha!
DM: Kosa!
Kenji: Uy, Kosa!
DM: May isang tanong lang ako.
Kenji: Shoot!
DM: Ang bullying ang isa sa pinakamaiinit na isyu sa panahon
natin ngayon. Masakit isipin na isa sa mga dahilan ng bullying ay ang
pagigiging isang homosekswal ng isang tao. Bilang isang manunulat paano mo
iuuplift ang moral ng iyong mga mambabasa tungkol sa ganitong sitwasyon?
Rovi:Ang lakas makabeauty contest.
Kenji: Sanayan lang yan!
DM: Naman!
Kenji: Pero ayun nga, katulad nga ng sabi ko kosa kanina, is
lagi akong naglalagay ng hidden messages or lessons sa aking story. At ang
pinaka main objective ko din kasi sa story ko is yung ipakita ang potensyal
nating mga 3rd sex pagdating sa relasyon. Na matanggal sa isipan ng
lipunan na porket 3rd sex na kwento ay puro sex na lang ang
nilalaman nito. Gusto ko ipakita na wala tayong pinagkaiba sa mga straight
couples.
Kenji: About naman sa bullying, actually nakakalungkot talaga
isipin na ang dami na nitong naging issues globally, most of them pa, result to
death. I was always against bullying in any kind of form. I still believe na no
one has the right to manipulate or intimidate any other person in any kind of
way.
Kenji: Tulad ng nabasa ng lahat sa Book 2, I focuse on the
theme about “Fame”. There was a time na Larc was bullied, Ryan was bullied,
tapos Alex and Kulas were bulies. Somehow, I’d like to believe na kahit papaano
ay naipakita ko ang effects ng pagiging isang bully at ang nararamdaman ng mga
binubully. So I hope na napulot o naintindihan ng readers ang gusto kong
iparating.
DM: Ganun ba Kosa, oh sya, salamat ha!!
Kenji: Maraming salamat din!
Rovi: Actually, salamat sa matinong tanong DM. Going back,
yung next na magtatanong ay may alam ako, at marami yun. Hahahaha! Hello Arn!
Arnold: Ano agad agad yan?
Rovi: Hindi pwede. Kontrobersyal ito.
Arnold: Yung totoo?
Rovi: Magtanong ka na! Hindi ako ang iinterviewhin mo.
Arnold: Ay!! Kamusta Ken ko!
Kenji: Arn ko!! Okay naman! Buti pinansin mo din ako! Kala
ko, extra lang ako dito.. Hahahaha! Guys, sa mga di po nakakaalam, Arn has been
a friend of mine for almost 5 years now. But then nawalan kami ng communication
for 2 years. Nagkaroon lang kami ulit ng connection ng dahil sa MNB.
Rovi:Plastikera moment again, go para sa ratings.
Kenji: Ang kontrabida mo! Ruby?
Arnold: Ang daming Kuda, ha!
Kenji: Hahaha!
Arnold: So ok, ito ang unang tanong ko. kung nabasa ni Boy
Abunda ang gawa mo at na impress ito at inimbitahan kang mainterview. Katulad
ng nakagawian ni Tito Boy inilabas nya ang mahiwagang salamin ano ang sasabihin
mo sa reflection mo?
Kenji: Hmmm. I would make myself smile muna. And tell myself
na just keep doing what you love. And always be thankful for all the blessings
na natatanggap mo. And always put God in everything. At syempre, stay humble.
Arnold: Kung merong isang chapter ang irerevise mo sa lahat
ng MNB series ano ito at bakit?
Kenji: Actually, wala. Kung ano man ang naisulat ko was
written from the heart. Bawat emosyon, eksena at pagkakataon ay feeling ko
naging angkop for the whole story.
Arnold: Most people ay na hook talaga sa
pagbasa ng MNB series at syempre di mo rin maiiwasan na may mag bash. Naaapektuhan ka ba ng mga paninira o
masasakit na salita? Ano ang ginagawa mo para malampasan mo ang mga ito?
Kenji: There was one time na nagreact ako sa basher. Pero one
time deal lang talaga yun. Isang pagkakataon na kahit ikaw, alam mong hindi ko
talaga ginagawa. It just so happened na pag gising ko ay yun agad ang nakita
ko. Hahaha!!
Rovi: That just wasn't one time. Remember the time about sa
grammar issue yung “You literally shatter me into pieces?” Hahaha!
Kenji: Ay, Oo!! Nakalimutan ko yun, ha..
Kenji: But after that, hindi na sya naging malaking fuss sa
akin. After ko masabi ang gusto ko ay okay na naman ako. Nasabi ko naman ang
gusto ko directly sa taong concerned. So okay na.
Kenji: And hindi naman ako emotional sa ganun. Masyado ng maraming
dumaan sa buhay ko para intindihin ko pa ang mga bashers. Pero now, honestly.
Wala akong sama ng loob kahit kanino.
Arnold: Kung may director na nakabasa ng ng series ng MNB at
nag offer na isasapelikula ito. Papayag ka ba at may mga naisip ka na bang
artista na gusto mong gumanap?
Kenji: OMG!!! Sino bang hindi papayag sa ganyang offer!!
Hahaha! OO agad ang isasagot ko nyan for sure!! About sa mga artista naman,
wala akong maisip kung sino. Ang daming magaling na actors ngayon. And magiging
honor ko na kahit sino pa ang gumanap.
Rovi:Paano kung si Kuya Germs ang gumanap? Bet? Saka si
Betong.
Kenji: Oo nalang, ha!! Try mo muna iimagine bago mo
i-suggest, ha! Hahahaha!
Rovi: Hahaha!
Arnold: Kung may isang maimpluwensyang tao ang gusto mong
makabasa ng MNB series sino ito at bakit?
Kenji: Kris Aquino. Isa sya sa mga idol ko kasi. Once kasi
ako nakabasa ng ginawa nyang article and GAWD! Was she intelligent! At isa pa,
favorite ko din si Ms. Kris Aquino.
Arnold: Ang showbiz ng sagot mo, ha!
Kenji: Mas mashowbiz kaya ang tanong mo! Hahahaha!! Anyway,
Arn ko, thanks sa pagpapaunlak mo sa favor kong ito.
Arnold: Anytime Ken.
Rovi: Salamat Arnold. May alam ako pero di ko sasabihin!
Chos. Ang susunod po ay sobrang babait na mga tao. At take note, magkapatid sila.
Isang merlat at otoko. Sila po sina Foxriver at Riley o Atiii Aronn at Kuya
Victor sa totoong buhay! Hello!
Aronn and Victor: Hi din sayo, Rovi!
*kaway
Rovi: Terey, may fans.
Aronn: Kik! *kembot!
Rovi: Terey talaga! May choreography pa!
Victor: Hahaha!
Aronn: Kennnnnn!!!
Kenji: Atiiiiiii!!
Victor: Hi Ken!
Kenji: Hello po Koya!
Aronn: So, ako muna ang magtatanong Ken! Diba, series itong
MNB,bakit independent ang plot?style mo ba yun o may ibang dahilan?
Kenji: Hmmm. Siguro kasi gusto ko bigyan ng variety ang
readers pero with the theme of bestfriends falling for each other. Ewan, I find
it romantic kasi, eh.
Aronn: Actually ako din!
Kenji: Kaso curious lang ako atiii. Sa mga di nakakaalam, ako
na ang magbubunyag. Isa ka pong tunay na babae ngunit bakit mo nagustuhan ang
MNB kahit pa m2m series ito?
Aronn: Kasi siguro Ken, mahilig na talaga akong magbasa kahit
bata pa lang ako..aaminin ko wala akong alam sa mga ganitong istorya..until my
brother told me about these..nung una na curious lang talaga ako kung paano ang
ganitong klaseng kwento..until i read Minahal Ni Bestfriend book 1..nakuha ng
kwentong ito ang pansin ko maybe because of the title..then i start reading
it..for some reasons nagustuhan ko talaga sya..until Ken released the second
book..ito na talaga yung masasabi kong super sinubaybayan ko,to the point na
naapektuhan din ako ng mga eksena..kahit kelan naman ay di naging issue sa akin
ang kasarian kaya siguru mas madali kong na appreciate ang mga ganitong klaseng
kwento..ang sa akin kung may puso ang isang kwento babasahin ko..at marahil yun
ang naging dahilan ko kung bakit sinubaybayan ko ang MNB..katulad ng titulo nya
Minahal Ni Bestfriend,minahal ko na rin ang kwentong ito..
Kenji: Awwww. Natouch naman si ako.
Victor: Totoo yun, Ken.
Kenji: Maraming maraming salamat po Koya! ^_^
Victor: Ako naman ang magtatanong. May bagong Dark_Ken ba
kaming mababasa sa MNB 4?
Kenji: Hmmm. I would like to believe so. Masasabi ko na
talagang pinag isipan ko ng mabuti ang plot nito. And so far, dito din ako mas
nahirapan dahil mas chinallenge ko yung sarili ko dito.
Victor: Sa mga characters sa MNB 4,meron bang
"Ryan" na tatatak sa isip ng babasa nito?
Kenji: I hope. Naging napakalaking character ni Ryan sa
series ko ng MNB. Tinakpan nya ng mabuti si Jerry ng first book. Pero sa tingin
ko din, na sa Book 4 ay hindi lang ang main character ang mag sstand out.
Aronn: Tunay nga na minahal namin ang Minahal Ni Bestfriend
dahil sa pagpapakita ng kababaang loob.Dito sa MNB 4,may makikita ba kaming
kakaibang tapang sa main character?
Kenji: Definitely. Ibang iba ang magiging character ng main
lead ko dito. Baka nga mainis pa kayo sakanya.Though syempre, may kabaitang
taglay ito kahit papano. Hindi mawawala yun.
Victor: May plano ka ba na i-publish as a book ang series na ito
MNB?
Kenji: SANA!! Hahahaha. Wala naman sigurong masama na
mangarap, diba? People always asked me kung bakit daw hindi ko ito ipubish as a
book. Hahaha>> Yun muna sagot ko.
Aronn: Maraming maraming salamat sa pagsshare mo sa amin ng
iyong talento Ken. Just stay humble as you are. Sa totoo lang, mas minahal ka
namin, lalo na kami ni Kuya dahil doon.
Victor: True.
Kenji: Ako naman kasi Atii and Koya, hindi ko binibilang kung
ano yung nagawa ko para sa isang tao. Kasi mas nakikita ko yung ginawa nila
para sa akin. Kaya naman wala talaga akong sawang magpapasalamat sa inyong
lahat lahat.
Aronn: Kaya naman sobrang love kita Ken, eh! Kaya nga sinabi
ko sayo na ikaw talaga ang pinaka favorite author ko sa lahat. At
nagpapasalamat ako na nagkakilala tayo.
Kenji: At thankful din ako Atii na nagkakilala tayo Atii..
Kaya muli, maraming maraming salamat po. Sayo din po Koya.
Aronn and Victor: Youre welcome Ken!
Rovi:Oh my G! I'm so honored like an honor student to
introduce our next guest. Sya ang isa sa aking mga hinahangaaang manununulat.
Ang aming ina, na ina ng awa, na ina ng mga tala, ina ng mga puro, ina ng mga
malilinis, Ms.Dalisay Diaz!
Dalisay: Salamat anak.
Kenji: Good Afternoon Mama. *mangha
Dalisay: Sayo din, anak.
Kenji: Oo nga po pala.. gusto ko po muna magpasalamat sayo
Mama.
Dalisay: Para saan?
Kenji: Kasi ikaw po ang unang nagbukas ng pinto sa akin para
magpost.. MNB was first posted sa blog mo po.. Kaya maraming maraming salamat
po. Sobra po.
Daisay: Wala yun. Since then you have proven to have your own
set of followers. Treasure them. Ako, nandito lang ako to guide and watch you
mga anak ko.
Kenji: Kaya nga po sobrang nagpapasalamat ako sayo Mama. Sa
totoo lang po, pag may nasasabi kayo about my work ay talaga pong kinikilig ako
sa tuwa Mama.. It means a lot to me po..
Dalisay: I seldom praise another writer's work. But when I do
I make sure the credit will be sent or know to where the credit is due. I have
seen your progress kaya don't hesitate to try other things in terms of writing.
Go for the gold lagi.
Kenji: Salamat talaga Mama!!
Ayan, kinilig nanaman ako! ^_^
Dalisay: Okay, magtatanong na ako. Sino at ano ang
inspirasyon mo to write meaningful and touching stories?
Kenji: I remember noong una po akong nagsulat, ang unang
pumasok sa isip ko ay yung mga katulad ng case ko. Na somehow, mailabas nila
yung pain na meron sila.
Dalisay: Lahat ba ng nangyari sa MNB1 ay nangyari sa totoong
buhay?
Kenji: Most of it happened po. Chinange ko lang po ang
setting, and name po.
Dalisay: What made you write a story about yourself?
Kenji: Hmmm.. Kasi po it made me the person that I am today.
Hindi man perfect, pero mas matatag. Somehow, gusto ko iparating yung mga
lessons na natutunan ko sa buhay ko.
Dalisay: Maiba naman tayo ng kaunti. Paano kayo nagkakilala
ng bembem mong si Jhas?
Kenji: Ayieeee! Kinilig ako diba? Hahahaha. Kaibigan po sya
ng kaibigan ko din po Mama. Ayun. Hihihi. Landi ko.
Dalisay: Sige, anak!
Kenji: Hihihi!
Dalisay: Ok. Final question at alam mo namang busy ang Mama.
May aabangan pa ba kaming story bukod sa MNB4?
Kenji: Opo. And hopefully makagawa din ako ng kwento na out
sa “bestfriend” theme.
Dalisay. Okay, anak. Basta pagbutihan mo, ha.
Kenji: Opo, maraming salamat po ulit sa pagpayag nyo sa
interview. Sobrang thanks po! ^_^
Rovi: nakakapagod magintroduce. Pasalamat ka nakow. So ako na
ang magtatanong ha? Atlast.
Rovi: Ilang books pa ang MNB? Kakabugin ba nito ang Daisy
Siete at Shake Rattle and Roll?
Kenji: Ahaha! Natawa naman ako sa Daisy Siete at Shake,
Rattle, and Roll! Hindi ko alam ang kasagutan sa ngayon dahil di ko pa nga
nalalagpasan ang 7 Books ng Harry Potter! Hahaha!
Rovi: Ano ang koneksyon ng MNB sa buhay mo at bakit parang di
mo to malet go?
Kenji: Sa Book 1 lang naman talaga ako super overly connected
Rovi. Kaso siguro kasi napaka romantic para sa aking bestfriends falling for
one another.
Rovi: Ano ang pagkakaiba ng New Book sa mga nakalipas na MNB?
Kenji: Maiinis ang mga tao sa mga scenes. But I know,
maraming makakarelate.
Rovi: Sino sa mga characters ng MNB ang gusto mong alisin
pero dahil kailangan, sinama mo?
Kenji: Ang minamahal nung love interest ng bida.
Rovi: Personal sayo ang MNB diba? So bakit pinupursue mo pa
rin kahit nasa isang masayang relasyon ka na? Hindi ba mahirap gunitain ang
past? Don't you find it a bit disrespectful sa current partner mo?
Kenji: Sabi ko nga kanina, the first book was indeed a little
personal. But Books 2 and 3 were fiction naman so I think okay na naman. And
yes Rovi, I am very happy with my current status. Disrespectful? Hindi naman.
Kasi alam kong andyan sya at sumusuporta sa akin. Eh yun mismo ang nagiging
inspirasyon ko sa pagsusulat.
Rovi: The reason why I find it difficult to update Unbroken
2.0 is I am no longer sad and I am indeed, in a happy relationship. Don't you
find yourself struggling writing? given the fact that you too are in a happy,
committed relationship.
Kenji: Sobra Rovi. I need to be kasi in the scene wherein
minsan kailangan ko maging sad kahit hindi naman ako malungkot talaga. Tulad na
lang sa Books 2 and 3, diba? Puro hurtful moments. Pero most of you know that
I’ve been sick and that made me very sad. So dun ako humugot ng kalungkutan ko.
Rovi: Sino sa mga characters sa MNB ang nagpapakilig sayo
whenever you remember the scenes that had happened? Kanino naman yung pinakanagbibigay
ng kurot kapag naaalala mo?
Kenji: Sa kilig, it would be Andre. Gawd! Too good to be true
na kasi sya. He pursued Ryan kahit pa naging napaka risky nito sa part nya. Sa
nalulungkot naman, si Jerry. Kasi yun yung time ng buhay ko na naging napakalungkot
ako.
Rovi: Anong masasabi mo sa boom ng MNB group at dun sa iba na
gumagaya na rin? Charottttt! Hahahaha! Though, thanks for the opportunity to be
one of the admins and writers ng page at blog. And thanks for the friendship.
And yes, your final message. :)
Kenji: Ayoko sumegway ng issue, ha! Hahahaha.
Rovi: Eklatera! Bilis na! Ang haba na ng teaser mo! Gow!
Kenji: Hello po muli sa inyong lahat! Ako po itong muli. Si
dark_ken na naghatid sa inyo ng series na “Minahal ni Bestfriend”. Una po muna
ay gusto kong magpasalamat sa lahat lahat. And I mean sa lahat lahat ng
sumuporta sa aking series. At sa lahat lahat ng naniwala sa aking munting
kakayahan. If it wasn’t for you guys, hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na
magpatuloy magsulat.
As many of you may know, MNB series
was supposed to be a one time shot lang. Walang Book 2. Tapos ang usapan. But
then, dahil na rin sa tulong ng mga tao sa paligid ko, most especially ang
aking Bembem na laging naandyan to support me, is nadagdagan ang unang series
nito hanggang sa umabot ng Book 3.
Marami po ang nagbigay mensahe sa
akin through email, comment posts, and fb messages na sana ay gumawa po ako ng
another installment for MNB. At dahil po sa mga taong nagbigay lakas loob.
Maguumpisa po ulit ang bagong yugto mula sa inyong lingkod.
Bago ako magsimula about sa Book 4,
ay may mga tao akong gustong pasalamatan. Unang una ay ang aking Bembem na
walang sumusuporta at umiintindi sa aking mga pagkukulang. Kasi sya din ang
naging puno’t dulo ng aking inspirasyon. Hindi lamang sa pagsusulat ngunit sa
lahat ng bagay na ginagawa ko.
Pangalawa ay si Mama Dalisay at si Zack ng BOL. MNB was first
posted sa blog ni Mama Dalisay. And, una ko po itong naipost sa blog ni Mama
Dalisay under my name. Dito po unang naipost ang first 2 chapters ng Minahal ni
Bestfriend. She welcomed me in her blog kaya naman sobrang pinagpapasalamat ko
ito. It was weeks after bago ako naapprove sa BOL at ibang blogs.
Also, I would like to thank Kuya
Mike Juha. I remember I first read his works sa BOL din. At doon ako nainspire
magsulat. Ang galing kasi talaga ng mga stories nya and I know na walang
kokontra sakin dito. So, after ko makapagpost sa blog ni Mama Dalisay ay
inintroduce nya ako kay Kuya Mike. Kaya naman napunta ako sa MSOB Family na
talaga namang sumuporta din sa akin.
There, I met friends na napalapit sa
akin. Lalo na si Rovi Yuno or mas kilala ng iba na si “Unbroken”. I remember pa
nung una, we used to argue o mag debate about things, hanggang naging okrayan,
biruan, na lalong mas naging nakapagpalapit nya sa aking puso. Then there,
nakilala ko din sila Jojie, Erwin F., DM, Ormhel, at marami pang iba.
Muli po, ay nagpapasalamat ako sa inyong lahat lahat. Kaya po
mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming maraming maraming salamat po sa
inyong lahat lahat.
Bago po magtapos ang lahat ay nais kong pasalamat ang
nagpaunlak sa aking munting interview. Unang una na sa aking Bembem na laging
andyan to support. Kay Rovi Yuno na naging host ng interview na ito at sa mga
guests nating sina Mama Dalisay, Patrice, Tommy, Arnold, Jojie, Dm, Aronn,
Victor, Arch, at Arl.
At ngayon po ay taos puso kong inihahandog sa inyo ang ika-apat na yugto ng aking munting akda.
“Minahal ni Bestfriend: Desperado”
omo . SUPER DUPER XCITED > NYAHAHA .
ReplyDeleteGO KUYA KENJI :))
A Different teaser for a different Story.
ReplyDeleteBaka maging Desperado narin ako nito...
Ipost na agad ang unang kabanata :))
Thanks for inspiring us..
GOD BLESS! :D exited nmi! Hehheeh! Kris aquino' :D yeh! Maraming Salamat kenj'
ReplyDelete@kljan
GOD BLESS! :D exited nmi! Hehheeh! Kris aquino' :D yeh! Maraming Salamat kenj'
ReplyDelete@kljan
Only one word will describe my feelings right now: EXCITED!!
ReplyDelete-PauuulFabian
grabe nmn un name ng MNB desperado tlga? hehe pero cgurado ako maganda ulet ito ka2lad ng naunang mga series ska mkakarelate ulit ako pagdating sa emotions ka2lad sa nauna mong gawa kuya. keep it up kuya!
ReplyDeletegaling naman!!!..ken..
ReplyDeletegood thing na... meron ng lahat POV atleast pantay ang laban sa mga readers! ahaha...can't wait
ReplyDeleteVery inspiring and interesting person po ninyo sir Kenji i hope you continuously inspire and enlighten other people thru your stories, words are truly powerful that it bring tears and joy to us,.. Gbu always and stay humble godfearing person as you are.. More successs..
ReplyDelete-rom-
note to self: wag magbabasa nang nakainom x.x
ReplyDeletemantakin m, pgkakabasa q ang bembem m ay c ginoong (npaka masculine pa rn ng tingin q sknia dhl sa task force enigma ni ms.D xD) rovi yuno
o.O
buti bnasa q ulit lol
seryoso, natawa aq sa intrvw ah, aus na aus pgkaka-arange haha
at d lng sa about sa MNB4 aq my n22nan d2, parang ms nkilala q pa c idol :)
ms nlaman q dn bt ejo ngbgo endings ng kwn2 ni sir rovi
nlaman q dn na mdling hmatayn c phanty
at mrami pang iba :D
nga pla, gs2 q mgpasalamat sa pgpili skn blang isa sa mga mgtatanong seo, d aq nkpagpasalamat last time xD
and lastly, kelan m ba ppost ha?! nglalaway nq d2 sa kakaabang lol
xenxa impatient lng tlaga c rue haha
GBY idol at sna d ka mgsawa sa pgsulat at d sme time pgmulat sa mata ng mga mamba2sa m ^w^
lubos na gumagalang,
rue/lawfer/locke/lilboy
i like this Ken!!!!! And waiting for ' desperado' very interesting.
ReplyDeletewow!! idol ko!!! :) super excited!! :)
ReplyDeletejohnjamesjohn ;)
Naalala ko tuloy nuon. Every week ako nabisita sa blog ni Ms. D. Tapos biglang tumagal ung parang ending. Buti ngaun nga tuloy tuloy na Sir Ken.
ReplyDeleteNatawa ako kay Ms. D. Kahit ako parang namangha! Ang dami kong tawa. Naalala ko mga characters niya.
Weee. Excited na ako dito. Sana po may mataray na very outspoken na friend ung bida na magpaparealize sakanya ng reality. Parang si sir rovi lang. Heheh peace!!!
-John Allen Bantay ü
more tears ,,more sacrifice..........more joys and hapiness....like
ReplyDeletewow theres a new book again...im xcited,sana matapos na..
ReplyDeleteWhile reading this, sobra akong natatwa, lalo na sa part ko, nakakahiya ung "himatay" factor HAHAHA!!! anyway, gusto ko ulit mgpasalamat sa pag invite skin para mag bigay ng interview. :D. lalo na si rovi, "martyr" talaga? :))) anyway i'm excited sa MNB Book 4 <3 :D
ReplyDeleteEeeeeexxxxxxxccccciiiiittttteeeed na ako pleeeaaaassssse! Hahahahaha
ReplyDeleteIpush na yang book 4 na yan xD
-gian
waaa. can't wait :))
ReplyDeletew8 ko po yan
ReplyDelete