Hahays! Natapos ko rin ang chapter na ito. Kanina pa
kumakalam ang tiyan ko at rinig ko na ang pag-wi-welga ng mga borders ko sa
loob pero dahil may mga taong naghihintay na ma post ito kanina pa kaya tiniis
ko nalang muna ang gutom. Ganon ko kayo ka lab. Aye!
Sana ay ma enjoy nyo ulit ang Chapter na ito medyo sabog na
ako kaya hindi ko na nakayanang habaan pa. Sa mga nag-comment at sinabing I
never fail to put a smile sa mga mukha nila
while reading ang masasabi ko
naman ay ‘Dave never fail to drain my brain sa sobrang ligalig ng isip niya.’
Hindi pala ganun kadalaing gumagawa ng isang character na baliw-baliw. HAHAHAHA
Hindi na ito mauulit!
Makati at Doppelganger Jay – Sorry kung inabot na
naman tayo ng alas-dos ng madaling araw para lang ma post ang chapter na ito.
Salamat sa paghihintay nyo apir tayo diyan!
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
<hr color="grey" width="100%"
align="center"><!--more-->
Ilang segundo
rin kaming nagkatitigan ni Alex na parehong may nakaguhit na ngiti sa aming mga
mukha at sapat na ang ilang segundong iyon para lalo nitong pabilisin ang tibok
ng aking puso.
Ano na ba itong
nangyayari sa akin?
“Indecent public display of affection ang pweding ikaso sa
inyo ng mga tao sa loob ng grocery store na ito.” Ang wika ni Brian kapagkuwan.
Nakatayo na ito di kalayuan sa aking likuran at nakangising aso.
“Ito ang susi mo mahal na hari, ikaw na ang bahalang
mag-hanap kung saang lupalop ng mundo ko ipinark ang sasakyan mo.” Sabay hagis
nito nang susi ko. “Mukhang tama nga ang balitang nasagap ni Vincent mula sa
misis niya.” Ngingisi-ngisi pa nitong sabi.
“Lumayas kana Brian, gutom lang yan.” Sabi ko sa kanya at
muling ibinaling ang aking atensyon sa nakakunot na namang noo na si Alex.
Mukhang dapat ko nalang atang makasanayan ang laging nakakunot na ekspresyon
nito.
Ang akala ko ay aalis na talaga ang kurimaw na kaibigan ko
pero mukhang nasa mood itong mangulit sa mga oras na iyon. Sabagay, tulad ko
maligalig rin ang buhay nitong kaibigan ko kaya nga kami mag-kasundo eh.
“Hi Alex, my name is Brian but you can call me hunky, nick
name ko yon.” Nakangiting bati nito sa naguguluhang manager sabay lahad ng
kanyang kamay.
Kahit halata sa mukha nito ang pagaalinlangan ay gumalaw ang
kamay nito para tanggapin ang nakalahad na kamay ng kumag, pero imbes na sa
kamay ni Brian dadapo ang kamay nito ay sa kamay ko ito lumapat. Tinabig ko
kasi ang kamay ni Brian.
“Wag mo siyang kamayan babaho ang kamay mo.” Wika ko sa
kanya. Ngayon ay mag-kabatabi na kami. “Kelan ba naging hunky ang nick name mo
Boromeo?” Baling ko naman kay Brian.
Napangiwi ito sa pagtawag ko sa pangalan niya. Alam kong
ayaw na ayaw nitong tinatawag siya sa totoong pangalan niya na lagi naming
ginagawa kapag nagsisimula na itong dumaldal. Sa amin kasing mag-kakabarkada si
Brian ang pinakamadaldal.
“Hindi ka nakakatuwa Renzell Dave.” Ganti nito. “Anyway,
obvious na pangulo lang ako sa inyo rito kaya mauuna na ako sa inyo besides,
may balita pa akong ipapasabog sa mga kaibigan namin.” Nakangisi na naman
nitong wika. “Nice to meet you Alex, ingat ka kay Renzell Dave may sayad yan.”
At tumalikod na ito sa amin.
Ngalingaling batuhin ko ito nang mga delatang paninda ng
grocery store na iyon ang kumag na nakuha
pang mangasar bago umalis.
Muli kong binalingan si Alex.
“Wag mo nalang pansinin ang isang iyon may sira sa ulo yon,
hindi pa siguro nakainum ng gamot.” Wika ko sa kanaya pero wala sa akin ang
atensyon nito kung hindi nasa mag-kahugpong parin naming mga kamay. Agad naman
akong natauhan at mabilisang binitiwan ang kamay nito.
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Nakaramdam ako
nang pagkailang na bago na naman sa akin. Lahat nalang ata basta may kinalaman
itong Alex na ito ay bago sa akin. Ano na ba ang nangyayari sa akin hindi naman
ako ganito noon bago ko makilala ang isang to.
Pareho lang kaming nakatingin sa isa’t isa na animoy
parehong binabasa ang kung anu mang pweding mabasa sa mga utak namin pero ito
mismo ang unang bumawi nang tingin.
“Mukhang malayo-layo ang pagbabakasyunan mo.” Basag ko sa
katahimikan naming dalawa.
Nabaling muli ang tingin nito sa akin bakas sa mukha ang
pagtataka marahil ay dahil sa huling sinabi ko kaya agad ko itong liniwanag.
“Ang dami mo kasing pinamili.”
“Para ito sa tindahang itatayo ng kapatid ko.” Matipid
nitong sagot na sa kanyang mga pinamili nakatingin.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, kung anu-ano nang
damdamin ang hindi ko maintindihang sumasakop sa akin. Di ba ang rason lang
naman kung bakit ako lapit ng lapit sa half-half na ito ay para ma isalba ko
ang natapakin kong ego nito? Then why the hell everytime na ngumingiti siya sa
akin gumagaan ang pakiramdam ko? Matanong ko nga sa kambal ko kung anong
pweding ikaso sa mapangakit na ngiti nito.
Mapangakit? Did I just
find his smile addictive? Lintik na! Ano na ang nangyayari sa akin?
“May problema ba?” Basag nito sa naglakbay kong isip. Normal
ang expresyon ng mukha nito.
“Hah? Ah… Eh… Wa.. Wala!” Ngalingaling batukan ko ang sarili
ko dahil sa hindi pag-cooperate ng boses ko. Mukhang napalakas pa ata ang
pagkakasabi ko.
Nangunot na naman ang mukha nito kaya agad akong nagsalita.
“Kelan ka aalis?”
“After kong mag-grocery.” Tugon naman nito sa akin. “Medyo
malayo-layo rin kasi ang lugar namin baka gabihin ako sa daan.”
“Dayo ka lang rito sa bayan namin?” May pagtataka kong
tanong sa kanya hindi ko kasi akalaing hindi pala ito nagmula sa lugar namin.
“Ang nanay ko taga rito so, basically taga rito rin ako.
Pero mas pinili nilang sa bayan ng tatay ko manirahan at nung mag-college ako
dito ako pinag-aral ng nanay ko.”
Masasabi kong natuwa ako. Sa kauna-unahang pagkakataon
kinausap ako nito nang matino na hindi ako sinusungitan.
“Saan kanaman tumutuloy kung nandito ka?” Talagang sinulit
ko na ang pagkakataon na iyon para makakuha ng konteng background niya.
“Sa bahay ng tiyahin ko.” Simpleng tugon naman nito sa akin.
May itatanong pa sana ako sa kanya kung hindi lang umeksena
ang isang namimili ring Ale na nakiraan.
“Mauna na ako sayo Dave, kailangan ko pa kasing dumaan sa
bahay ng tiyahin ko para kunin ang mga damit ko bago umalis.” Wika nito nang
makadaan na ang umeksenang mamimili. Hindi na nito hinintay pa akong makasagot
sa kanya at agad itong pumila para mag-bayad. Wala na akong nagawa kung hindi
ang sundan na lamang ito nang tingin.
<hr
color="pink" width="50%" align="center">
Lumabas ako sa grocery store na iyon na may mabigat na
pakiramdam. Wala na si Alex, kanina pa ito nakalabas ng grocery store.
Nakakaasar mang aminin pero parang hindi ako na kontento sa maikling usapang
naganap sa aming dalawa. Kung kelan naging maganda na rin ang trato nito sa
akin saka naman ito aalis.
I let go a frustrated sigh. Iniisip ko palang na dalawang
lingo kong hindi makikita ang ngiti nang masungit na Alex na iyon sumasama na
ang pakiramdam ko.
Aalis na sana ako nang umandar ang jeep na nakaharang sa may
pinag-parkingan ni Brian ng sasakyan ko nang makita ko Si Alex, ang akala ko ay
kanina pa ito nakasakay. Bakas sa mukha nitong nahihirapan siya sa dalawang box
ng mga pinamili niya kanina kaya imbes na umandar ay mabilisan akong bumababa
nang aking sasakyan.
Napansin naman nito akong papatawid ng kalsada.
“Need a ride?” Nakangiti ko sa kanyang wika nang makalapit
ako.
“Hindi na, mag-hihintay nalang ako nang jeep.” Kaswal naman
nitong tugon sa akin. Minsan talaga hindi ko maiwasang maasar sa tuwing
tinatangihan nito ang mga alok kong tulong. Hindi ba niya alam na bihira lang
akong mag-pakabait sa kapwa ko?
Obviously hindi! Wika
nang isang bahagi nang isip ko.
“Sunday ngayon, mahihirapan kang makahanap ng sasakyan kaya
wag kanang tumanggi kung gusto mo talagang makauwi ka sa inyo.” Walang anu-anong kinuha ko sa mga kamay niya ang mga
box nitong bitbit saka muling tumawid sa kalsada para hindi na ito
makapagsalita pa. Nang lingunin ko ito ay nakasunod na siya sa akin. Lihim
akong napangiti.
Inilagay ko ang dalawang karton nitong pinamili sa aking
compartment habang siya ay walang imik na nakatingin lamang sa akin. Alam kong
may pagtataka siya sa mga ikinikilos ko sa uri nang tingin na ibinigay niya sa
akin.
“Why are you being nice to me?” Wika nito nang maisara ko
ang compartment ng aking sasakyan.
“Dahil Sunday ngayon. Sabi nang papa ko dapat daw mabait
kami tuwing Sunday.” Nakangisi kong tugon sa kanya. “Let’s go?”
Wala na itong imik ng makaupo siya sa passenger seat. Habang
ako naman ay di maipaliwanag ang saya sa aking sarili.
Binuhay ko na ang makina nang sasakyan ko at tinungo ang
dereksyon kung saan papunta ang mga jeep sa kabilang kalsada. Alam ko kasing
iyon ang dereksyon papunta sa kung saan mang tinutuluyan nito.
“Sabihin mo lang kung saan ang daan.” Tango ang isinagot
nito sa akin.
Naging matiwasay ang byahe namin papunta sa tinutuluyan
niya. Walang namagitang usapan sa amin maliban sa pagtuturo nito sa akin kung
saang kalsada dapat lumiko.
Ilang minuto rin ang aming tinahak bago namin marating ang
bahay na tinutuluyan nito. Napakasimple ng bahay ni wala manlang itong bakod.
Kung tutuusin squatters area nang maituturing ang parteng ito nang lugar namin
at hindi ko lubos maisip na dito pala nakatira ang masungit na Alex na ito.
Wala kasi sa hitsura at kutis niya ang nakatira sa ganito damu at kagulo na
lugar.
“Dito ka nakatira?” Ang di ko maiwasang maitanong sa kanya.
“Oo.” Matipid naman nitong tugon saka lumabas ng sasakyan.
Did I offend him? Di
ko maiwasang maitanong sa aking sarili. Pakiramdam ko kasi ay na offend ko siya
base na rin sa tono nang pagsagot nito sa akin.
“Paki bukas ng compartment para makuha ko na ang mga
pinamili ko at nang makaalis kana. Salamat sa paghatid.” Wika nito.
Napapalatak tuloy ako nang ma-pagtantong na offend ko nga
ito.
Hindi mo kasi
pinag-iisipan ang bawat salitang lumalabas sa bibig mo Renzel Dave. Sisi ko
sa aking sarili.
“Ihahatid na rin kita sa terminal.” Wika ko rito nang
maka-baba ako nang sasakyan.
“Hindi na, kaya ko nang mag-isang pumunta roon.” Malamig
nitong wika sa akin.
“Look, hindi ko sinasadyang ma offend ka. I’m sorry.”
Paghingi ko nang paumanhin dito.
“I don’t mind. Sige makakauwi kana.” Sabay talikod nito sa
akin.
Aba’t ako na nga itong
nag-so-sorry siya pa itong ma pride? Biglang nag-init ang tenga ko sa
lantaran nitong hindi pagtanggap sa paumanhin ko.
“Ano ba ang problema mo? Humingi na nga nang sorry sayo ang
tao ganyan ka pa rin? Matayog pa sa Mt. Apo ang pride mo ah!.” Inis na inis
kong wika.
Ngunit parang wala man lang itong narinig at nagpatuloy lang
sa paglalakad patungo sa tinutuluyan nitong bahay kaya naman lalo lang tuloy
akong na asar. Mabilisan ko itong sinundan at nang maabutan ko ito ay agad ko
siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa kamay niya.
Mag-sasalita palang ako nang may tumawag sa kanyang isang
matabang babae na may mga kolorete pa sa buhok. Nag mamadali itong lumapit sa
amin.
“Bakit ang tagal mo? Asan na ang perang pambayad mo para sa
isang buwan? Ikaw na nga itong pinapatuloy ko sa pamamahay ko nakuha mo pa
akong paghintayin ng matagal? Hindi mo ba alam na kanina pa ako hinihintay ng
mga ka madjong ko?” Mahabang litanya nito na nakapamewang pa.
Nangunot naman ang noo ko sa inasal ng babae kay Alex.
“Pasensiya na po tiya, nag grocery pa po kasi ako.” Hinging
paumanhin nito.
What the? Pinagbabayad
siya nang tiyahin niya kapalit ng pagtuloy niya sa bahay nito?
“Wala akong pakialam! Akin na ang bayad mo.” Medyo
nakaramdam ako nang pagkaasar sa inasta nito. Walang puso ang isang ito,
pamangkin niya pagbabayarin niya nang renta?
Dumukot naman ng tatlong libo si Alex sa kanyang wallet na
agad namang inagaw ng tiyahin nitong mukhang pera hindi manlang hinintay na
iabot niya iyon dito.
“Sa susunod na paghintayin mo ako sa kalsada mo makikita ang
mga gamit mo.” Wika nito pa nito.
Nang tumingin sa akin si Alex ay kita ko ang ibayong
pagkapahiya sa mga mata nito. Nakaramdam ako nang awa para rito. Sa bangayan
palang na nangyari sa amin kanina alam ko na kung gaano katayog ang pride nito
at sa ginawang pagpapahiya nang tiyahin nito sa kanya sa harap ng maraming tao
masisiguro kong nasaktan ito.
“Let’s go. Samahan na kitang kunin ang mga damit mo.” Wika
ko sa kanya. Gusto kong mailayo siya sa mga taong ngayon ay sa kanya na
nakatingin. Muli kong kinuha sa kanya ang dalawang box na kanyang hawak.
Tahimik itong naglakad papunta sa bahay ng demonyitang
tiyahin nito habang tahimik din akong nakasunod sa likod niya.
Hindi na ito nakipagtalo pa sa akin tulad kanina nang
sabihin kong ihahatid ko siya hanggang terminal marahil ay dahil sa pagkapahiya
nito kanina. Ni hindi na nga ito umimik pa at nanatili na lamang nakatingin sa
bintana nang aking sasakyan. Alam kong tahimik itong umiiyak base na rin sa
naririnig kong impit nitong paghikbi. Wala akong ibang magawa kung hindi ang
hayaan nalang muna siyang mailabas ang sama nang loob niya.
<hr
color="pink" width="50%" align="center">
Naihatid ko na si Alex sa Terminal ng bus kung saan siya
sasakay papunta sa bayan ng ama nito. Tama nga ang sabi nitong malayo-layo ang
kanyang pupuntahan dahil ng mabasa ko ang karatulang nakasulat sa bus na
sinakyan nito kanina doon ko nalamang gagabihin nga ito sa daan dahil ang lugar
na pupuntahan ni Alex ay anim na oras ang layo mula sa lugar namin.
Kanina pa ako sa loob ng sasakyan ko at hindi magawang
umalis. Ngayon lang ako nakaramdam ng ibayong pagalala para sa ibang tao. Si
Dorwin at ang papa ko lang kasi ang tanging taong inaalala ko noon hanggang sa
makilala ko ang masungit at antipatikong manager ng seventh bar.
Lalong tumindi ang kakaibang pakiramdam ko para sa kanya
nang makita ko kanina kung paano siya tratuhin ng kanyang tiyahin, hindi ko
tuloy maiwasan ngayong mag-alala. Pano kung sa lugar na pupuntahan nito ay may
katulad rin ng tiyahin nito at saktan muli siya. Yon ang bumabagabag sa akin.
Muli kong banalingan ang bus kung saan ito nakasakay na
kasalukuyang hindi pa umaandar. Ang mga bus kasi na papunta sa malalayong lugar
ay may oras na hinihintay bago bumeyahe. Habang tinitingnan ko ang
mangilan-ngilang taong papasakay sa bus na iyon ay may kung anong pumasok sa
aking isip.
Mabilis pa ako sa alas-kwatrong tinungo ang bus kung saan
nakasakay si Alex. Napagdesisyunan kong ihatid siya mismo sa kung saan mang
lupalop ng mundo masiguro ko lang na walang praning na tulad ng tiya niya sa
pupuntahan niya. I know this is rediculos at alam ko ring sobrang effort na
itong ginagawa ko para sa isang tao pero wala na akong pakialam.
“Let’s go.” Ang wika ko sa kanya.
Nakakunot ang noo itong tumingin sa akin.
“Ihahatid kita sa inyo.” Nakangiti kong wika.
“Hindi…”
“Please, kahit ngayon lang don’t argue with me.” Putol ko sa
kanyang sasabihin. “Alam kong may sayad ako pero hindi ko akalain na kaya na
pala nang sayad kong mag-trip na maging driver mo kahit malayo ang lugar na
pupuntahan mo.” Nakangisi ko pang wika sa kanya sabay kuha nang mga dala nitong
nasa ilalim nang kanyang kinauupuan.
Itutuloy:
grabe na to kilig much talaga ako kahit napuyat na ako sa kakamarathon reading.
ReplyDeletetotoo pala talaga ang sabi ng friends ko na magaling ka raw talaga mr. zildjian na writer. at two thumbs up ako. iba rin ang atake mo at ganda ng mga twists.
fan mo na ako. promise!
-omar kamil-