ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Thursday, October 4, 2012

9 Mornings (Epilogue)




Para sa mga taong humiling ng Epilogue ng 9 Mornings ay ito na po. Sana magustohan at ma-satisfy ko kayo sa gawa kong ito.


Sa mga taong nagbigay ng suporta sa 9 Mornings ko maraming maraming salamat sa inyo . Wala na muna akong sasabihin dahil naubos ng chapter na ito ang laman ng 2MB kong utak. Hehehe Ingat po kayo lagi at happy reading sa inyo. Keep the comments coming! Zephiel


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
<hr color="pink" width="100%" align="center"><!--more-->


“Kamusta ang buhay-buhay? Mabuti naman at tumupad ka ngayon sa usapan hindi biro ang haligapin kang ingot ka. Simula nang mag-resign ka hindi kana nagparamdam sa amin.” Ang wika ni Chatty habang nasa loob kami nang isang restaurant.


“In all fairness mukhang hiyang ka sa papa mo Rence bakas ang saya sa mga mata mo. Yan ba ang epekto nang isang taong nasa isang relasyon?” Wika naman ni Erika.


“Isang taon ka ring nawalang hayup ka, si papa Pat hindi manlang nagparamdam sa amin bago tuluyang umalis pati rin ikaw. Sobrang nakakatampo.” Sabi pa ni Chatty na halata ang pagtatampo.


Isa-isa ko silang matamang tingnan. Nakakatuwang isipin na sa loob ng isang taong hindi namin pagkikita-kita nang mga dati kong katrabaho ay wala sa mga ito ang nagbago kahit paman alam na nila ang tunay kong pagkatao.


Masasabi kong na miss ko silang lahat – ang mga kakulitan nila’t pagiging intrigera ay nakaka-miss rin pala. Tinawagan ako nang mga ito nang mabalitaan ang pagbabalik ko nang bansa isang linggo na ang nakakaraan mula US.


Bakas ang tuwa sa mga mata nang mga ito sa muli naming pagkikita-kita. Ako man ay sobrang natutuwa rin na makitang muli sila. Mukhang tama ang naging desisyon kong bumalik sa bayang sinilangan ko imbes na doon manatiling manirahan sa US.


“So, ano? Hindi ka manlang ba kikibo diyan? Hindi ka naba nakakaintindi ng salita natin o nakalimutan munang magsalita sa sobrang saya?” Ang nakangising wika naman ni Arman.


“Sira, hindi parin talaga kayo nagbabago ang liligalig niyo parin hanggang ngayon.” Nakangiti kong sabi.


Napataas ng kilay ng tatalong babaeng dati kong kasamahan sa trabaho habang si Arthur at Arman naman ay napangisi sa akin.


“Hindi ka masaya sa lagay na yan noh? Balitaan mo naman kami sa nangyari sa lovelife mo, wag kang madamot.” Si Chatty na sinamahan pa nito nang pangangalumbaba na para bang intersadong marinig ang lahat. Lakas talaga sa tsismisan ng isang ito.


“Oo nga naman Rence, update mo naman kami sa mga nangyari sa inyo ng fafa mo sa US.” Sigunda naman ni Erika.


“Wala namang masyadong nangyari sa amin sa US maliban sa Mr. Cervantes – Samaneigo na ako ngayon officially.” Nakangisi kong sabi sa kanila.


Bumakas ang pagkabigla nilang lahat. Sinadya ko kasing hindi ipaalam sa mga ito ang balak naming pagpapakasal ni Claude para makaiwas narin sa maraming katanungan nila.


“Oh My God!” Eksaherado pang napasabunot sa kanyang buhok na wika ni Chatty. “Nagpakasal kayo doon? Magugunaw na talaga ang mundo!”


“Ang OA mo naman teh! Bakit naman magugunaw ang mundo kung mag-pakasal ang dalawang pareho ang kasarian alam mo bang pinapangarap ko rin iyan balang araw?” Nakasimangot na wika ni Arman halatang affected ito.


Bumaling ito sa akin.


“Alam mo Rence, inggit na inggit ako sayo sa sobrang inggit ko sayo gusto na kitang ilibing ng buhay para maagaw ko sayo si papa Claude. Ang swerte mo talaga teh! Bukod sa mayaman na ang fafalicious mo, gwapo pa!”


Walang pagkainis akong naramdaman sa mga sinabi ni Arman bagkus ay natawa pa ako sa kanya. Alam ko naman sa sarili ko kung gaano ako ka swerte daig ko pa ang nanalo sa lotto.


“So, babalik pa ba kayo sa US? Bakit nga pala kayo nagdecide na umuwi?” Ang tanong naman sa akin ni Jody ang fiancĂ© ni Arthur.


“Hindi na. Nahihirapan kasi akong mag-adjust doon kaya minabuti ni Claude na ibalik ako dito sa lungga ko kung saan sanay ako sa klima.” Nakangisi kung sabi.


“Ang bait talaga nang irog mong yon nakaka-inggit ka.” Wika ni Erika.


“Si Pat, uuwi sya siguro next month para dito na manirahan ulit.” Masayang pagiiba ko nang usapan.


“Talaga?” Ang sabay-sabay nilang wika halatang na miss din nila ito.


“Yep, yon ang sabi niya nung huling email niya sa akin.”


“Kamusta naman daw siya?” Lakas talaga nang tama ni Chatty kay Pat halata sa kinang ng mga mata nito.


“Okey naman si Pat sa tingin ko. Siya rin ang naging best man nang kasal namin ni Claude.” Masyang pagbabalita ko sa kanila.


Tinupad ni Pat ang pangako nito sa amin ni Claude na siya ang magiging best man nang kasal namin. Sumadya pa talaga ito papuntang US para lamang siya makadalo. Hindi ko lang mapaniwalaan ang sinabi sa akin noon ni Claude na may pagtingin rin sa akin si Pat, wala naman kasi itong sinabi sa aking ganun. Para kasi sa akin ginawa lamang ni Pat ang lahat  para mabigyan katuparan niya ang huling hiling ng pinakamamahal nitong kapatid.


“Talagang close kayo ni Pat noh? Halata kasi ang pagiging protective niya sayo noon paman.” Wika naman ni Erika.


Napangiti naman ako sa sinabi ni Erika. Kung alam lang nila ang rason kung bakit ganun nalang ka protective si Pat sa akin siguro lalo pa nila itong magugustuhan. Hindi biro ang ginawa ni Pat para sa kapatid niya at doon ako bumilib lalo sa kanya. Pat is a very good person not only to his brother but also to me. Malaki ang naitulong nito sa akin noon at hinding hindi ko ito makakalimutan kahit kailan.


“Teka nga pala Rence, asan ang asawa mo?” Biglang singit ni Arthur. Kakatuwang kahit lalaki ito ay hindi mababakasan sa mukha nito ang pagiging uneasy nito sa relasyong meron kami ni Claude marahil nasanay na ata ito kay Arman.


Sakto naman sa tanong ni Arman nang makita kong papasok sa naturang restaurant ang asawa ko. Agad itong napangiti nang makita ako.


“Ayon oh.” Sabay turo ko sa papalapit na si Claude. Lahat naman sila’y napalingon sa gawi nang itinuro ko.


Nang makalapit ito sa amin ay agad ako nitong binigyan ng halik sa labi kahit na may mga taong nakakakita sa amin. Kung sa US lang ito ay walang pakialam ang mga taong makakakita nang ganung eksena pero dito sa pilipinas isa itong napakalaking issue kaya naman lahat ng kumakain sa restaurant na iyon ay napahinto sa usapan at sa pagkain at nabaling ang atensyon sa amin.


“Sorry for being late mga sir at maam.” Nakangiti hingi nang paumanhin nitong wika sa mga dati kong katrabaho. “Akala ko hindi na ako aabot.” Dagdag pa nitong wika nang makaupo sa tabi ko.


Maski ang mga ito ay halatang hindi sanay sa nakita dahil nang maibalik ko ang atensyon ko sa kanila ay tulala ang mga ito pero walang bakas ng anumang pandidiri sa kanilang mga mata. Mukhang sadya lamang na hindi sila sanay sa ganong klaseng pagbati ni Claude sa akin.


“Kamusta ang meeting mister?” Ako na ang bumasag sa namayaning katahimikan sa mesa namin para maibalik ang mga ito mula sa underworld.


“Okey pa sa alright misis, kaso kailangan nating puntahan si Attorney Nivera bukas.” Nakangiti nitong tugon sa akin.


Si Dorwin Nivera ang bagong company at family Lawyer nang pamilya Samaniego dahil na rin kinasabwat ni Anna ang dating Lawyer nila. Ang bata’t magaling na si Dorwin ang ipinalit ni Claude sa puwesto nito na hindi naman tinutulan ng mga magulang nito pati ni Dorwin. Mas lalo pa tuloy kaming naging Close sa ibang myembro nang seventh bar owner na mga kaibigan ng partner nitong si Red.


“Ang sweet nyo naman nakakainggit kayo.” Mukhang nakabawi na sa pagkabiglang wika ni Chatty.


Ngiti’t akbay ang itinugon ni Claude dito na dahilan para mapasinghap ang mga babae naming kasama sa mesa. Ito ang isang bagay na gustong gusto ko kay Claude ang ibalandra sa madla ang relasyon namin ng walang pagaalinlangan. Wala itong pakialam sa sasabihin ng mga tao.


Masasabing kong inulan kami ni Claude nang mga tanong mula sa kanila hanggang sa makontento ang mga ito. Puno nang pasensya namang sinagot at pinatulan ni Claude ang mga tanong at mga biro nang mga dati kong katrabaho, inimbitahan pa niya ang mga ito sa nalalapit na blessing sa bahay ko na katatapos lang ipa-renovate namin ni Claude. Nasa US palang kasi kami ay ipinayos na iyon ni Claude sa tulong na rin ni Rome bilang Architect sa bahay ko na ngayon ay ang bahay na namin ni Claude.


<hr color="Red" Width="50%" align="center">


Kinabukasan nga araw nang sabado ay sinadya namin ang bahay ni Attorney Nivera para i-follow-up ang kasong isinampa ni Claude kay Anna. Iyon din ang isang rason kung bakit nag-decide umuwi ni Pat, para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Alfie.


Kung ako lang ang masusunod ay ayaw ko na sana pang galawin si Anna pero hindi kasi ito natigil sa paninira sa relasyon namin ni Claude kahit paman nasa ibang bansa na kami. Ilang mga kumpanya na hinahawakan ni Claude ang muntikan ng bumagsak dahil sa mga kagagawan ni Anna at nang dating lawyer ng pamilya Samaniego.


Halatang pinaghandaan ni Red ang muling pagbisita namin sa bahay nila nang asawa niya nag-luto ito nang masasarap na pagkain para pagsaluhan namin. Kakatuwang isipin na ang dating siga at campus crush na si Red Sanoria ay isa na ngayong butihing may bahay ng tinaguriang matinik na abogado.


“Ang galing ng timing niyo, Saturday session ng barkada.” Masayang bati sa amin ni Dorwin na halatang katatapos lang maligo. “Mahal, wag kang maligo after mo magluto ah, baka ma-pasma ka.”


“Sorry kung late kaming dumating Dorbs, alam mo naman itong asawa ko.” May himig ng hiya kong paghingi nang paumanhin.


“Pareho lang sila ni Red ko, ang babagal kumilos tingnan mo’t alas-syete na ngayon lang nagsimulang magluto dahil busy kanina sa panunuod ng basketball.”


“Mas mabagal pa rin sa akin si Ace, mahal.” Saba’t naman ni Red na busy sa pagluluto sa kusina.


Napangiti nalang kami ni Claude sa lambingan ng dalawa.


“Napag-aralan ko na ang kasong pwedi nating maisampa kay Anna at sa dati nyong attorney. Hinihintay ko nalang ang go signal mo bago ko ito isumete.”


“As expected from you Dorbs. Gusto kong maipakulong ang babaeng yon pati na rin ang tridor na abogadong iyon. Masyado nilang pinasakit ang ulo ko dahilan para masira ang honeymoon namin ng asawa ko kaya hindi ko sila papalampasin.” Tugon naman ni Claude rito.


“Dadaanan ko nalang sa bahay nyo ang mga reports na nakuha mo sa mga kumpanyang sinubukang i-penetrate ng babaeng iyon para pabagsakin ka. Kailangan ko ring pag-aralan iyon para matingnan kong magagamit natin iyon laban sa kanya.”


“Ako na ang bahalang mag-dala nang mga iyon sa opisina mo Dorbs maraming salamat.”


Minsan hindi ko maiwasang mabighani tuwing nakikita ko ang asawa kong seryoso. Mas gwapo kasi itong tingnan kung nagseseryoso.


“Alright. I need it a soon as possible para makapag-release ang court ng hold older para sa kanila baka matakasan pa nila kayo kung papatagalin natin.”


“I’ll give it to you first thing in the morning sa lunes. Alam ko namang pahinga nyo nang asawa mo bukas.” May halong panunuksong wika ni Claude rito.


Ginantihan ito ni Dorwin ng nakakaloko ring ngiti.


“Actually, oo may lakad kami bukas ni Red ko, nagtatampo na kasi yan sa akin kaya bukas ipapasyal ko ang kawawang mama.” Malokong wika nito na ikinatawa namin.


“Narinig ko yon!” Natatawa ring wika ni Red nang dumungaw ito sa amin.


Ilang minuto pa ang nakaraan at natapos namin lahat ng dapat na pagusapan. Isa-isang dumating mga dati kong ka klase noong high school at masaya kaming binati ni Claude nang malamang tunay na kaming mag-asawa. Tulad nga nang sabi ni Red huling dumating ang mag partner na Rome at Ace na sabi nila ay hindi na kabigla-bigla dahil lagi itong nangyayari tuwing may usapan ang magkakabarkada.


“Rome, ang ganda na nang bahay ko maraming salamat sa iyo ah.” Masayang wika ko habang nasa labas kami ng garden nila Dorwin at nagsisimula nang mag-inuman.


“Syempre naman ako pa!”


“Ang yabang mo talaga.” Bara naman ni Ace dito na ikinatawa naming lahat.


“So, Lance kamusta ang buhay may asawa? Hindi ganun ka dali noh?” Wika ni Mina na ngayon ay nakapanganak na.


“Papatayin ko ang sino mang nagpauso na masarap ang pagaasawa.” Wika naman ni Angela kasama nito si Tonet katatapos lang patulugin ng mga ito ang kanilang mga anak. “Sa wakas natulog na rin ang pasaway kong anak.”


“Ang bitter mo talaga Angela. Noon, halos ikaw na ang manligaw kay kumpareng Vincent para lang mapangasawa sya tapos ngayon nag-rereklamo ka.” Pang-aasar ni Red dito.


“Tse! Ni takot ngang humawak sa anak niya yan eh, baka raw mabalian niya pero nung ginagawa palang namin si baby George halos araw-arawin ako nyan.” Patukoy nito sa anak nilang lalaki na pinangalanan nilang George.


Halos naman mapaluha kami sa tawa sa tinuran nito. Walang pagbabago talaga itong si Angela hanggang ngayon machine gun pa rin ang bunganga. Napapakamot nalang sa ulo si Vincent sa kalokohan ng kanyang asawa.


“Wag kang tumawa Carlo isa karing sakit ng ulo ko.” Wika naman ni Tonet dahilan para ulanin namin ng tukso ang asawa nito.


“Normal sa relasyon ang ganyang problema. Kahit mga sira ulo ang asawa natin pagdating naman sa pagmamahal sa atin at sa mga anak nila todo naman. Si Chad nga, ayon at nasa loob pa’t tinabihan ang kanyang anak talo pa ako nyan sa pag-aalaga kay baby Matt.” Wika naman ni Mina.


“Hindi ako kokontra dyan girl. Si Carlo, nakasampong palit na kami nang katulong yung ngayon lang ayun at pinalayas nang makitang kinurot ang anak niya.” Si Tonet.


“Walang pweding manakit sa baby girl ko mahal ko yon.” Ani naman ni Carlo.


Totoo ang sabi ni Mina na normal lang sa isang relasyon ang konteng tampuhan nakakatulong din kasi itong lalong mas patatagin ang pagsasama nang dalawang tao. Nakakaumay naman siguro ang puro nalang lambingan at harutan sa isang relasyon kailangan ding may pambalanse. Hindi kami nakaligatas ni Claude sa mga ganung klaseng problema tulad nalang nang pagiging burara nito sa mga gamit niya. Mga boxer na nagkalat sa banyo, toothpaste na nasasayang dahil sa pagmamadali nito – mga simpleng bagay na natural lang na pagawayan ng mga mag - asawa.


“Tulog na ang baby Matt ko.” Wika ni Chad.


“Mabuti naman, balak ka na naming kaladkarin kung hindi kapa lumabas.” Wika ni Rome dito.


Ngumisi lang ito at tumabi na sa kanyang asawa.


“Buti at bumalik kayo rito sa atin pinsan. Ano na ngayon ang balak niyo? For good and for the better naba ang pagbabalik niyo?” Nakangiti nitong wika.


“Yep. Hindi gusto ni misis ang klima sa US at kailangan kong i-supervise ang mga negosyo ko rito dahil na rin sa epekto nang kalokohan ng dati naming abogado at ni Anna.”


“Good! So, babalik ka sa pagtuturo Lance?” Sabat naman ni Ace.


Napatingin ako kay Claude para humingi nang sagot dahil hindi namin napagusapan ang tungkol doon kung papayagan ba ako nitong bumalik sa pagiging guro na sa totoo lang ayaw ko nang gawin para hindi na kami magulo pa ni Claude.


“Hindi na pinsan.” Nakangiting wika ni Claude. “Ibinigay ko na kay Laurence ang Yolandas at yon na ang pagkakaabalahan niya and since that Tonet and the rest of the girls were into that business baka pweding tulungan niyo ang misis ko.”


“Why not!” Excited namang wika ng tatlo na sinuklian ko nang ngiting pasasalamat.


“Naks! Mukhang good influence sayo si Lance pinsan, nabawasan ang sungay mo.” Wika ni Chad na sinabayan ng nakakaloko nitong tawa.


Ngiting aso ang isinagot ni Claude sa pangaasar ng pinsan nito. Naging maganda ang takbo nang inuman naming iyon kung anu-ano pa ang napagusapan namin hanggang sa mag-hiwa-hiwalay na kami. Busy man sa Manila ang dalawang kaibigan namin ni Claude ay meron naman kaming mga  bagong kaibigan na malugod kaming tinanggap at iyon ay  grupo nina Red.


<hr color="Red" Width="50%" align="center">


Nasimulan na ang kasong isinampa namin kay Anna at sa dating Attorney nila Claude. Halos lamunin ako nang galit ni Anna nang muli kami nitong magkita sa unang hearing. Hindi na rin ito pweding makaalis ng bansa dahil sa hold older ng ibinigay ng korte sa mga ito.


Sa tulong ng magaling na si Dorwin ay tuluyan naming naibigay ang hustisyang nararapat hindi lang para sa amin ni Claude kung hindi pati na rin kay Alfie. Naipakulong namin si Anna at ngayon ay pinagbabayaran na nito ang lahat ng kasalanang nagawa nito noon. May awa man akong nararamdaman para sa kanya ay batid kong kailangan din niya iyon para ipa-intindi sa kanya kung gaano kalaki ang naging kasalanan niya noon.


Dumating si Pat sa araw mismo nang blessing ng bahay namin at syempre naipakilala ko sa mga dati kong mga katrabaho ang buong meyembro nang sevent bar na ngayon ay isa na ring matatalik na kaibigan namin ni Claude. Si Pat ay hindi na muling bumalik pa sa pagtuturo at nag focus sa pagalalaga sa mga naiwang ari-arian ng kanyang ina na pumanaw na rin pala. Sabi nga nito atleast daw ay kahit papaano nakasama pa niya ang kanyang ina sa loob ng isang taon bago ito sumunod sa kanyang kapatid.


“Misis natapos rin ang lahat ng problema natin.” Wika ni Claude habang magkatabi kami sa aming bagong kwarto.


“Oo nga, sa wakas ay nabigyan na natin ng hustisya si Alfie.” Bakas ang saya sa boses ko.


“Misis?” Pagtawag nito sa akin.


Nang maibaling ko sa kanya ang aking tingin ay nakangisi na ito nang pilyo.


“Nanaman? Grabe ka talagang tao ka wala kabang kapaguran sa katawan?” Ang natatawa kong wika.


“Nakaka-dalawa palang kaya tayo.” Sabi nito sabay pout na naman ng kanyang labi.


Tumawa nalang ako sa sobrang pagiging mahilig ng asawa kong ito. Sabagay, gusto ko rin naman kaya bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko. Hindi ang tipo ng katawan at hitchura ni Claude ang madaling mahindian pagdating sa ganito.


Muli itong pumatong sa akin at siniil ako nang halik na tinugon ko nama agad. Masuyo ang mga halik nito sa akin puno nang pagmamahal at pagaalaga hanggang sa maramdaman ko nalang ang mga halik nito sa tenga ko kung saan naroon ang kahinaan ko.


Nagsimulang maglakbay ang aking mga kamay sa buong katanawan ni Claude hanggang sa maabot ko ang manhood nitong kasing tigas na nang bato. Rinig ko itong mahinang napaungol nang marahan kong pisil-pisilin ito senyales na nagugustohan nito ang ginagawa ko. Bumaba ang mga halik nito papunta sa akin pusod kung saan naroon naman ang pinakamalakas kong kiliti. Napasabunot ako kay Claude sa kakaibang sensasyong nagagawa nang malikot nitong dila.


Nang maipatong na nito sa kanyang magkabilang balikat ang aking mga paa ay alam ko na ang sunod na mangyayari.


“Ready?” Mahinang usal nito sa aking tenga na sinamahan niya nang ilang damping halik.


Binigayan ko siya nang isang masuyong ngiti senyales na handa na ako sa nalalapit nitong muling pagangkin sa akin. Hanggang naradamdaman ko nalang ang unti-unting pagpasok nang kanyang kabuohan sa akin habang naghahalikan parin kami.


Dahan-dahan, walang pagmamadaling umiindayog si Claude na malugod ko namang sinasalubong. Ito ang lalaking pinangakuan ko nang buhay ko at ito lamang ang tanging lalaking nagbigay sa akin ng ibayong kaligayahan.


Tanging mga ungol lamang ang maririnig sa loob ng apat na sulok ng kwarto naming saksi sa pagmamahalan namin ni Claude. Wala na akong hihilingin pa, nasaakin na ang lahat and with Claude I can be complete and contented kahit ano pang problema ang dumaan sa aming dalawa hindi magiging hadlang iyon para paghiwalayin kami after all ako na ngayon si Mr. Laurence Cervantes – Samaniego at ang lalaking katalik ko ngayon ay ang lalaking bumihag sa akin puso na ngayon ay masasabi ko nang akin.





Wakas

5 comments:

  1. grabe bilib ako. ang ganda talaga. isang gabi jo ring pibagpuyatan. di pa ako naka getover hanggang ngayon sa sobrang emo ko.

    ReplyDelete
  2. Kudos! sa author grabe napakagaling mo. Sana hindi lang sa blog na to mababasa mga kwento mo sana kinompile mo at ginawang libro na pwedeng bilhin sa bookstores. At sana makagawa ka ulit ng bagong kwento. - dave of baguio cit

    ReplyDelete
  3. uu nga second the motion

    jk

    ReplyDelete
  4. grabe napakagandang kuwento..very inspiring and very touching.....kakainggit sana ako makatagpo ng claude na magmahal sa akin...kahit hindi mayaman at hindi gwapo basta mahal ako.....hay...kelan kya yun....:)

    ReplyDelete
  5. This story is veru recommended to read, maganda ang story na kahit fictional ang characters ay mapapamahal sa iyo. Please continue to write story like this. Kudos to the author, mabuhay ka

    ReplyDelete