Kamusta po sa lahat? ^_^
Ano ba yan... :( Nalulungkot naman ako na nalalapit na ang pagtatapos nito talaga. This will be the pre-finale of the story na po kasi. Then last post na po ang susunod. Kaya ngayon pa lang po ay gusto ko na magpasalamat sa inyong lahat. We've been together for 3 months na po pala. Kaya naman po nakakalungkot.
Sa ngayon po ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.
Pwede nyo po pala ako macontact sa mga sumusunod. Favor na rin pala. Hehehehe ^_^
Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
Blogsite - darkkenstories.blogspot.com
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED
Ramdam ko ang malamig na hangin na galing sa aircon. Nakapikit
man ay alam ko kung nasaan ako. Rinig ko ang mga hininga ng mga tao sa paligid
ko. There were atleast 5 to 6 people.
Humupa na ang sakit ng ulo ko. Inalala ko ang nangyari. I
remember ang bday ng Itay. Ang kasiyahan at ang kaguluhan. Sila Andre, Larc,
Karen, Chelsea, Andoy, Melai, Gino, Brian at Kulas. Andun sila lahat.
Ang pagkain sakin ng kadiliman.
Iginalaw ko ang aking mga mata at kamay upang ipaalam sa
lahat na gising na ako. Ayoko agad imulat ang mata ko dahil nasisilaw ako sa
liwanag. Isa pa ay nanghihina pa din ako.
“Mahal ko…”, rinig kong sabi ng isang boses.
“Andre…?”,
awtomatikong naimutawi ng aking bibig.
Dahan dahan kong imunulat ang aking mga mata. It was Larc.
“Larc…”, pagtawag ko sakanya. Nakita ko ang Itay at Inay.
Andun din si Karen. Pati na rin si Chelsea.
“Anong nangyari?? Asan ako..?”, pilit kong pag upo.
Nakaramdam ako ng kaunting sakit ng ulo.
“Nasa hospital ka. Nawalan ka ng malay kahapon. Teka…
Natatandaan mo ba..?”, sabi ni Karen.
Napaisip ko.
“Oo.. Naaalala ko. Ang kaarawan ng Itay. Ang ulan. Ang
away.”, medyo malungkot kong tugon.
“I’m so sorry Ryan…”, malungkot na usal ni Larc.
Inabot ko ang kamay ni Larc. Pinisil ito ng bahagya.
“It’s okay.”, mahinahong kong tugon.
Napatingin ako sa kisame ng kwarto kung saan ako naka admit.
Puting puti ang kisame.
“Now what…?”, mahinang usal ko sarili.
Inuwi na rin ako kinahapunan. Naging tahimik lamang ako sa
loob ng sasakyan. Tahimik ang lahat.
Magpapahinga pa sana ako sa bahay namin ngunit kailangan na
naming bumalik ng Manila. Tutol man ang aking magulang ay nakumbinse ko ang mga
ito. At katulad ng dati ay naging emosyonal an gaming paghihiwalay.
Ramdam ko ang pagkabagabag ng damdamin habang tinatahak ang
daan pabalik ng Manila. Hindi ako sumabay kay Karen sa pag uwi. Sumabay ako kay
Larc. Alam kong nagtatampo ito dahil alam ko kung saan nanggagaling ang galit
ni Karen kay Larc.
Ngunit panahon na..
Panahon na para malinawan ang lahat.
Ang mga sumunod na nangyari ay naging
blangko. I just found myself in a familiar place. Sa isang kwarto kung saan
naging saksi ang napakaraming luha at sakit na naramdaman ko. Napahawak ako sa
panyong hawak ko. I was crying my heart out. Masakit.
Doon ko napagtanto kung asan ako. At
kung sino ang taong nasa tabi ko ngayon upang patahanin ko. Ang kaisa isang tao
na naging kaibigan at tapat sakin all these time. Si Karen.
“Ryan…”, pagpapakalma nya sa akin
sabay abot ng tubig.
“What happened?”, dagdag nito. Mas
lalo akong napahagulgol.
“Tapos na.. Tapos na, Karen…”
“Tara sa balcony…”, pagyaya nito sa
akin.
Pagkadating namin sa condo ni Larc ay parang naging slow
motion ang lahat. I felt very nostalgic. Napatingin ako kay Larc. Ngumiti ito.
Ngunit hindi ako ngumiti. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig.
Nagbigay ng buntong hininga. Immediately, I felt tears
rolling down my face.
Umupo ako sa sofa at hinayaan na tumulo ang mga luha ko.
Nakatulala lang ako sa lamesa na nasa harap ko habang patuloy na tumutulo ang
luha ko.
Napansin ni Larc ang pagluha ko. Agad itong lumapit sa akin
at lumuhod sa harap ko.
“Oh… Bakit ka umiyak?”, alalang tanong ni Larc.
I just kept on crying. Yung tipong tulala ka lang. Walang
hikbi. Parang hindi mo lang mapigil ang luha mo habang nakatingin sa kawalan.
Walang ekspresyon sa mukha.
“Ryan…?”, narinig kong muling tawag ni Larc.
Tumingin ako sakanya. I sensed fear from his eyes. Nanlalabo
ang tingin ko sa mukha nya dahil sa mga luhang tumutulo.
At sa wakas. Nasabi ko rin.
“What happened between us?”, direcho at umiiyak kong tanong.
Hindi nagcrack ang boses ko. I was crying pero firm ang boses ko.
Tumitig si Larc sa mga mata ko. Halatang nagulat sya sa
tanong ko. Naramdaman ko ang biglang pagyakap nya sakin.
“Mahalaga pa ba ang nakaraan? Hindi ba pwedeng magkasya na
lang tayo kung anong meron sa ngayon?”,pilit na pagpapakatatag ni Larc. But he
failed. His voice was crying. I knew he was crying.
“This is the very reason why I need to know.”, naisagot ko.
Kumalas sya sa pagkakayakap at tiningnan ako mata sa mata.
Hindi nya na itiniago ang kanyang mga luha.
“Why Ryan?”
Tiningnan ko din sya sa mga mata at winika…
“Dahil sa bawat yakap, halik na ginagawa mo ay may katanungan
sa isip ko. Kung bakit sa t’wing yakap at halik na yun ay may kaakibat na sakit
akong nararamdaman. I want to know Larc. Kung mahal mo ko ay sasabihin mo.”,
masakit kong sagot.
“Hindi ba pwedeng magkasya na lang tayo sa rason na mahal
natin ang isa’t isa?”, sagot ni Larc.
Nakita ko ang mas pag luha nya sa pagkasabi nya noon. I felt
pain and deep sadness.
“Kaya ba hahayaan na lang natin na hindi maiwasto ang dapat?
Pagmamahal pa rin ba kung nagtatago tayo sa isang nakaraan? Hindi ba dapat, sa
pagmamahal, kaya natin tanggapin kung ano man ang nakaraan para mas
maintindihan ang kasalukuyan?”
Panandaliang nagpunas ng luha si Larc ng kaniyang mga luha.
Inilapit ang isang upuan at umupo kaharap ko. Again, he started to cry.
“I guess.. Panahon na nga. Darating at darating din naman
tayo dito, eh.”
Tiningnan ko lamang sya at naghintay ng kaniyang sasabihin.
“I was afraid. Ryan I was. Gawd!! Remember those days na wala
akong tiwala sa sarili ko, pero ikaw. Ikaw, Ryan… Naging grabe ang pananalig mo
sakin.”
Nakita ko na mas lumakas ang
pagluha mo. Halos wala ng dumaloy na dugo sa kamay mo dahil sa pagbilog mo
dito.
“From that very moment Ryan. I knew na mahal kita. But I
wasn’t sure if you felt the same. Or natatakot siguro ako malaman na hindi mo
ako mahal. But alam ko sa sarili ko, na simula pa lang noon. Ikaw na ang
tinitibok ng puso ko.”
Napahinto kang muli. Naghabol ng hininga habang hirap na
hirap kang nagpapaliwanag sakin.
“Sabay nating inabot ang mga pangarap natin. Lumakas ang loob
ko at lahat ng yun ay dahil sayo. Binuo ko ang pagkatao ko sa mga pangarap na
ginawa natin. Kaya naman halos mamatay ang loob ko ng hindi tayo sabay pumasok
sa kolehiyong pinagplanuhan natin. Taena Ryan. Nasira ako noon. Kung kani
kaninong barkada ako napunta. At muli, naramdaman ko na I was being the joke of
the town. I barely had friends. People were talking behind my back. I was
scared, very scared… Nagbago lang ako ng sinabi mo sa akin na makakasama na
tayo ulit dahil maayos na ang lagay ni tito. Pumukol ako ng lakas ng loob para
ayusin ang sarili ko. Ayoko na sana bumalik sa pagbabasketball dahil I wanted
to make time for you. Pero that was my escape rope. Para mawala ang takot na
minsan ko ng naramdaman.”
Muli kang huminto panandalian at uminom ng tubig. Kita ko na
ang pamumula ng mukha mo dahil sa pag iyak.
“I was the happiest person ng sinundo kita ng araw na yun sa
inyo. Pakiramdam ko bagong kasal tayo at iuuwi na kita sa bahay natin.
Pakiramdam ko itutuloy na natin ang mga pangarap natin na panandaliang naudlot.
Sa isip ko, pagsisilbihan kita kahit anong mangyari. Sinabi ko sa sarili ko na
mamahalin kita kahit pa walang kasiguraduhan kung yun ba ang nararamdaman mo.
For me, just being with you is more than enough. We were the happiest. Even
though we secretly fell for each other.”
Tumingin sya sa mga mata ko.
“But then…”
Mula sa masayang alalaala ng iyong kwento ay nakita ko ang
pagkasawi sa iyong mukha.
“But then… Things went wrong. Nangibabaw ang takot. You
weren’t exactly everyone’s favorite. Or so they thought… And it felt like..
felt like…”
Napahinto sya sandali at napalingon sa ibang direksyon.
“It felt like you were dragging me down…”
Napahawak si Larc sa mukha nya gamit ang dalawang kamay nito.
Kitang kita ang pagsisisi sa postura nya. Ako naman ay halos hindi
makapagsalita sa aking mga naririnig. Hindi ko alam ang dapat maramdaman. Pero
naiintindihan ko sya kahit papano.
“Natakot ako Ryan!! Takot na takot… Takot na bumalik sa buhay
na naranasan ko noon. Ang itakwil, layuan. Alam at nakita mo ang paghihirap ko
noon. Kaya ng maramdaman ko itong muli ay kinain ako ng takot. At.. At
nagpadala ako sa takot na yun.”
“Nagising na lang ako isang araw, malala na ang lahat. Wala
ka na sa tabi ko. Nawala ka ng dahil sa sarili kong kagagawan. Dahil.. Dahil
hindi kita pinaglaban..”
Naramdaman ko ang mga luha kong muli. Tanging luha ko na
lamang ang aking nararamdaman. Para kasing biglang namanhid ang aking buong
katawan.
“Wala akong mukha na maiharap sayo. Alam kong kasalanan ko.
But then, kilala kita. Alam kong masama lang ang loob mo pero alam kong maayos
natin yun. Pero…”, umiiyak na dagdag ni Larc.
“Pero nakita kong nagkamabutihan kayo ni Andre. Ang laki ng
galit ko. Hindi sayo kundi sa sarili ko. Alam kong selfish, pero ayaw kong
magkatuluyan kayo. Ayoko magkamabutihan kayo… I want you for myself…
Hanggang sa isang araw paglabas ko ng kwarto ko, nakita kita.
I know I was drunk that day. Pero nilabanan ko, or atleast, nahimasmasan ang
pagkalasing ko ng makita kita. I begged you to stay, pero tumanggi ka. Hindi
kinaya ng dibdib ko, Ryan. Kaya…”
“Kaya ng palabas ka na ay pinigilan kita. Ngunit nagdilim ang
paligid ko ng buo talaga ang desisyon mo na umalis. Alam kong malabo na ang
pagbalik mo. Knowing na may Andre na naghihintay sayo.. Kaya I ended doing..
something…”
“Something…?”, pagtatanong ko.
“I drugged you that day. Nagpareseta ako ng sleeping pills sa
doctor ko dahil hindi ako makatulog kakaisip sayo. Kaya ng mag-inuman tayo ay
nilagyan ko ang inumin mo non. I know kagaguhan at pangit tingnan. Pero I was
drunk and desperate. I gave you more than the usual dosage.. Hanggang sa.. Nagawa ko ang isang karumaldumal na bagay
sayo…”, umiiyak at sising sisi na sabi ni Larc.
Tumingin sya sa mga mata ko. I gave him a quizzical look. Mga
titig na naghihintay ng kasagutan.
“I abused you. Pinilit kong may mangyari sa ating dalawa…”,
hirap na hirap na sabi ni Larc. Naramdaman ko ang pagyakap niya bigla sa akin.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay napatawad ko na sya. Parang ang paliwanag
nya ang kaisa isang bagay na matagal kong hinintay. Naramdaman ko din ang pag
gaan ng kalooban ko. I felt peace from within.
“Alam kong hindi na ako karapatdapat para sayo. Pero sana
mapatawad mo ko, Ryan…”, umiiyak na sabi uli ni Larc.
Gumanti ako ng yakap kay Larc.
“Kung dumating man ang oras na makalimutan ko ito.. Alam ng
puso ko na pinapatawad na kita at hindi ko na ito makakalimutan. Salamat,
Larc.”
Tumigil ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. Kumalas ako
ng pagkakayakap at tiningnan ito sa mga mata nya. I then gave a faint smile.
“I still love you, Larc… And I always will…”, nakangiti kong
sabi sakanya.
“So ang ending, nagka-ayos din pala
kayo ni Larc…”, mahinahon ngunit malamig na sabi ni Karen.
I nodded. Sabay ngiti ng bahagya.
“Ganun ba… Pero… Anong nangyari kay
Andre…?”, pagtatanong ni Karen.
Tiningnan ko sya sa kanyang mga mata
at napabuntong hininga…
Ngayong nakapagdesisyon na ako ay kailangan ko ng linawin ang
lahat. Sa desisyon kong ito ay alam kong may labis na masasaktan. I’ve seen his
efforts. Kahit pa sa pagkakaroon ko ng amnesia. Alam ko sa sarili ko na minahal
nya ako ng sobra at pinatunayan nya ito. Kaya naman… Kailangan ko na syang
palayain sa kalungkutan. He deserves to be happy… Ayoko ng maging unfair
sakanya.
Kabado kong tinawagan si Andre. Ilang ring pa lang ang aking
nagagawa ay agad nya na itong sinagot. Pagkasagot ay naramdaman ko din ang kaba
sa boses nya. I tried to compose myself at kausapin sya. I have to do this.
Kahit pa mahirap. He started to cry. Sa tawag pa lang na ito, alam ko ng I was
breaking his heart. Ang hirap nyang intindihin sa telepono dahil halos wala na
akong maintindihan sa sinabi nya. Before the call ended, nagkasundo kami na
magkita upang makapagusap na.
Sa mga araw na paghihintay ko ay hindi maalis ang kaba ko.
Tatlong araw. Tatlong araw ang hinintay naming bago tuluyang makapag usap.
Pero sa kabila ng lahat ay masaya na din ako. Kasama ko ang
taong minahal ko ng labindalaw.. labing limang taon na pala. Bumalik na rin
kami sa dating gawi. Ang pagluluto ko ng almusal sakanya, ang mga kulitan,
asaran, lambingan. It was like magic. Sa isang iglap, naging okay ang lahat sa
amin ni Larc.
Dumating ang araw na pinagusapan naming magkita ni Andre.
Hindi ako halos nakatulog kinagabihan ng dahil sa kaba. Pilit ko mang waksihin
ang kaba ay agad itong sumusulpot.
Larc knew where I was going kaya naman bago ako lumabas ay
niyakap ko ito ng mahigpit. Nakatingin ito sa akin ng may ngiti. I smiled back.
“Don’t worry. Maayos din ang lahat…”, mahinahon kong sabi.
Nagbigay lang sya ng ngiti at tumango. Hinalikan nya ako sa
aking mga labi na sya ko namang ginantihan. It was that one kiss na alam kong
hinding hindi ko makakalimutan dahil tanggap na tanggap ko na ang mga halik na
yun. Nang walang galit. Nang walang sama ng loob. Nang buong puso…
Nakarating na ako sa lugar kung saan naming pinagusapang
magkita. Maganda ang panahon, hindi gaanong mainit. Katamtaman ang ihip ng
hangin at sumasang ayon naman ang sikat ng araw.
I was back where it all started. The place where a love story
was born. Isang lugar kung saan minsan akong umiyak, ngumiti, at nagmahal. Ang
parke.
I saw him standing under one of the trees. Halata ang
pangamba at kaba sa mukha nya. Kita at bakas din sa pangangatawan nya ang
matiniding pagod at paghihirap. Just by looking at him, makikita mo na he has
gone through hell. I couldn’t even look at him straight in the eye.
But I have to. I just have to…
Nang mapansin na akong naglalakad papalapit sa direksyon nya
ay kinubli nito ang kaninang malungkot na mukha. Nagbigay ito ng isang ngiti.
Isang ngiti na na may luha sa likod nito.
I just gave him a faint smile. I couldn’t smile like the way
he did. Mine was certainly not a smile. Alam ko yun. It was as if I was just
trying to be casual, pero deep inside.. Malungkot…
Hindi ako nakapagsalita. Ganun din sya. Andre was just
looking at me. I don’t know what to say. Ilang beses ko inilarawan sa utak kong
itong eksenang ito. Kung paano kami maghaharap I mean. Ngayon pang alam kong
nasasaktan ko na sya ng sobra. Pero heto ako, wala man lang masabi.
I started walking and he just followed. Still, with that
smile on his face. That smile that shows nothing more than a reminder of
sadness and pain. I couldn’t even look.
Muli, napatingin ako sa paligid. It was a great day after
all. Kids were running, lovers seem to be more intimate and friends seem to
enjoy themselves. Hindi tulad naming, magkasama nga ngunit parang magkalayo.
Finally, we stopped walking at naupo sa isa sa mga benches.
It was the best spot in the park. Kitang kita ang kabuuan ng parke. Makulimlim
din dahil na rin sa mga puno sa paligid naming. It was very peaceful.
“This is the very spot kung saan tayo naguusap lagi. Where we
would enjoy ourselves till the sun sets.”, biglang basag ni Andre sa
katahimikan. Napatingin lang ako sakanya. Wala na ang ngiti sa mga mukha nya.
Halata na ngayon ang pagod na matagal na nyang ikinukubli.
“I know you still don’t remember what happened. At hindi kita
sinisisi doon…”, malungkot na sabi nya. His voice didn’t crack, pero ramdam na
ramdam ang lungkot dito.
“Andre…”, tanging nasabi ko.
Nagkaayos na ba kayo ni Larc?”, pagtatanong ni Andre. I
looked at him as he said those words. Kitang kita at basang basa ko sa mga
tingin nya ang mga salitang “Sana huwag.. Sana huwag…”
I just gave him a nod.
“I’m happy for you!”, biglang masiglang sabi ni Andre sakin.
Naramdaman ko pa ang pagtapik nito sa mga balikat ko. Sa pagkabigla ay
napatingin ako sakanya. He had tears in his eyes, yet he was smiling again.
“Andre don’t…”
“Don’t what?”, pagtatanong nya.
“Don’t pretend that you’re okay. Mas masakit yan. I’ve been
doing that for the longest time and masasabi ko na mas masakit ang pagkukunwari
na okay ka kaso ang ipakita mo ang tunay mong nararamdaman. I know that now.”,
sagot ko sakanya. I felt tears building up. But I must not cry. Not now.
Sa pagkasabi ko noon ay nawala ang mga ngiti sa mukha ni
Andre. More tears fell from his eyes. Naiiyak na ako ngunit I tried to be
strong. Hindi ito pagkukunwari, pero I just have to be strong.
“Kaya ba gusto mo ng wakasan ang paghihirap ko…?”, umiiyak
nyang sabi.
Hindi ko sya matingnan sa mga mata nya. Hindi dahil wala
akong mukhang maiharap kundi ang hirap at ang sakit nyang tingnan. He was like
a mirror showing me things I didn’t wanna see.
But still… Tiningnan ko sya mata sa mata.
“Yes…”
At doon, hindi ko na kinaya ang pagpipigil. Tears fell from
eyes.
Pilit na pagpigil ng hagulgol. Yan ang narinig ko. He would try
to stop crying but only end up crying harder. I never thought a guy could cry
like this. Para syang batang iniwan kung saan.
“Mahal na mahal kita, Ryan eh…”, tanging naisagot nya. He
held my hand and kissed it. Tumulo ang mga luha sa kamay ko as he kissed my
hand. Ramdam ko sa halik at higpit ng pagkakahawak nya ang nararamdaman nya. I
was breaking his heart.
Nakita ko ang muli nyang pagpigil ng iyak. He was still
holding my hand as he looked around. It was as if he is enjoying the view… for
one last time..
“Nakikita
mo ba yung punong yun?”, sabay turo nya sa isang puno sa di kalayuan. It was
that tree kung saan ako laging nakakaramdam ng lungkot pero at the same time ay
saya.
“Yeah…”, naluha kong sagot.
“I know you might not remember it. Pero… Dyan tayo
nagkakilala talaga. Actually, nagkakilala tayo sa school, pero dyan talaga tayo
nagkakilanlan. Natagpuan kita, or should I say, “dyan kita natagpuan”, ng
hinanap kita ng gabing yun.”
Tiningnan kong muli si Andre. Pinipilit nya pa ring hindi
umiyak.
“Simula noon ay doon na ako simulang makaramdam ng iba para
sayo. I started falling for you. And you’re everything I ever wanted. Nung una,
I was hesitant dahil alam ko kung sino ang laman ng puso mo. Pero hindi mo pala
mapipigilan noh?”, bigay nya ng pilit na tawa sa huling sinabi nya.
“The more na nilabanan ko, the more lang na mas ginusto kong
mahalin ka. You were like something I’ve always wanted. You were my temptation,
my goal, and my treasure.”
Habang nagsasalita sya ay nakatingin lang ako sa puno na
itinuro nya.
“Ang dami nangyari after that. I pursued you. Hindi lang
dahil sa yun ang tamang gawin pero kung hindi dahil yun ang gusto kong gawin. I
was willing to risk everything and anything mapalapit at mahalin mo lang ako.”
“And it was a bumpy road after that… But then, eventually.
Natupad ang gusto at pinangarap ko. Ang mahalin mo din ako. Or atleast, you
were starting to feel the same. Pero pumalpak uli. My ex came and introduced
herself as my girlfriend. I was in shock and didn’t know what to do. She was
the ghost that reminded me why I couldn’t love anyone. Kung bakit napuno ng
galit ang loob ko. Kaya nung makita ko syang muli, hindi ko alam ang gagawin.
It’s not of I wasn’t sure kung mahal ba kita o hindi. Hindi ko lang pa pala
kasi kayang harapin ang multong bumagabag sakin ng matagal na panahon. And
there, I lost you…”
Natahimik sya ng ilang sandali. Tipong nagiipon ng lakas ng
loob upang ituloy ang sasabihin nya.
“Alam ko nasaktan kita kaya naman humanap ako ng paraan para
maitama ang lahat.”
Pinagpatuloy ni Andre ang pagkukwento tungkol sa aming
nakaraan. Ituloy nya ito hanggang sa araw ng maaksidente ako at tuluyang nawalan
ng alaala sakanya. Nang matapos naman nya ang pagkukwento nya ay muli itong
umiyak.
He was still holding my hand.
Hindi naming napansin ang oras.
Napansin na lang naming, palubog na ang haring araw. Palubog na ang araw at
patapos na ang araw. Kailangan na din naming tapusin ang usapan na ito.
It was a great yet a very unusual
day. Usually, at this time of hour ay marami pa ring tao sa park. But today,
halos iilan lang ang naroroon. For some reason, nawalan ng tao sa parke. Ang
natitra na lamang ay ang mga iilang vendors at kaunting tao na naglalakad. At
ang karamihan pa sakanila ay nagiisa lang din.
I looked at Andre’s face at bakas na
bakas na talaga ang pagod sa mukha nito. Lalo pa ngayon, na halos ilang oras
din syang umiyak at naglabas ng emosyon.
It’s time…
Time to end this…
Ilang miuntong katahimikan.
“Palubog na ang araw…”, mahinang sabi
ni Andre.
“Oo nga eh…”, tanging nasagot ko.
“Salamat Ryan…”, malungkot na sabi
nito. I know. Gusto nya pang umiyak. Pero tila kapwa wala na kaming mailuha.
Tila parehas na sumuko ang mga luha sa aming dalawa.
Tiningnan ko lamang sya.
Hinding hindi ko makakalimutan ang
mga titig na yun. Punong puno ng emosyon at may mga salitang nilalaman na hindi
kayang isalarawan ng kahit anong wika. The way he looked me meant a lot of
different things.
Sadness.
Happiness.
Regrets.
Pain.
Achievments.
Memories…
Hinawakan nya ang mukha ko at
tinitigan itong mabuti. I closed my eyes at dinama ang palad nya na nasa aking
pisngi. It felt warm yet it was cold.
Naramdaman ko ang paghalik ng mga
labi nya sa akin. Nakadikit lamang ang mga labi nito.
Suddenly, nalasahan ko ang luha sa
mga halik na yun. I felt very sad. It was as if he was trying to cry his very
last tears infront of me. Masakit.
I know it was his way of saying
goodbye…
Pinanood ko lamang ang reaksyon ni Karen habang ikinikwento ko ang mga
pangyayaring naganap. She looked startled. Eventually, napaluha ito ng bahagya
na agad din naman nyang pinunasan.
“You have been through a lot, Ryan. I know that much.”, mahinahon na sabi
nito.
“Yeah, at pinagpapasalamat ko na andyan ka para sa akin simula’t sapul.
And I must say, napakaswerte kong magkaroon ng isang kaibigang tulad mo…”,
sagot ko.
She smiled. It was certainly a smile full of contentment.
“Pero teka, matanong ko lang….”, biglang curious na tanong nito.
“Yes?”
“Why did you choose … instead of…?, takang tanong nito.
I just gave her a smile sabay inom ng juice na dala nya.
(Itutuloy)
Hays, nalulungkot ako. We are down to
the last chapter of the story. T_T
Nakakasad kasi napamahal din talaga
ako sa kwentong ito. Pero sabi nga nila, lahat ng story ay may katapusan.
Nakakalungkot mang isipin pero last chapter na po ang susunod. Kaya ngayon pa
lang ay gusto ko na kayong pasalamatan.
Pero as my usual trademark, ay
bibitinin ko muna ulit kayo kung sino na nga ba ang pinili ni Ryan. Kung nanaig
ba ang pagmamahal nito sa bestfriend nitong si Larc, o ang nagtyagang paibigan
ito na si Andre. Hehehe. This wouldn’t be a work of “dark_ken” ika nga pag
walang bitin factor. Kaya pasensya po muna at bibitinin ko muna kayo
panandalian.
^_^
Oh sya, hanggang dito na lang muna at
sana pakatutukan nyo pa din ang huling episode ng aking munting akda.
E3e na ang pinakakahintay ng lahat!! May update na! Basa basa muna! Thanks Ken!
ReplyDeletemasyadong interesting ang mga susunod na eksena..grabe ka mambitin kenots..masyadong naka hang..dami question...ahaaah pero da best.
ReplyDelete_iamronald
E3e na ang pinakakahintay ng lahat!! May update na! Basa basa muna! Thanks Ken!
ReplyDeleteRYANDRE..yan..
ReplyDeletegumanti si ryan sya namn ang nagpower trip kay andre..
ReplyDeleteyun na yun... basta maninindigan ako sa paniniwala ko.. kenji... malakas ang pananalig ko... sya yun... sya ang dapat... alam mo yan... EXCELLENT JOB!!!!
ReplyDeleteone word.....
ReplyDelete"ouch!"
Huhuhu! Akala ko pa nman c bumalik na ung ala-ala ni Ryan. Sna cla nlang ni Andre ang magkatuluyan. Hiling ko lng sna Author na sna, haba-habaan mo nlang ung last chapter. But then, this is one of the great stories I've read. So full of love, friendships, heart-breaking and emotional. Di ko tlaga maiwasang mapaluha. I'm so emotional myself after reading this. So afected sa love stories nla, ang hirap dn makapagmove-on. Hayz! Ano pa ba magagawa ko, ptapos na eh. Salamat sa pagshare ng npakagandanf istorya, ken. God bless.
ReplyDeleteArvz frm UAE.
E3e na ang pinakakahintay ng lahat!! May update na! Basa basa muna! Thanks Ken!
ReplyDeleteGosh sino kaya pinili niah?
ReplyDeleteWhy did you choose...instead of??
ReplyDeleteO diba?bitiiiiinnn!!haha!!pero Andre pa rin yan:))
Good Job Ken..you are simply the best!!
Wew! ikaw na Ken, u made me cry! that was full of emotions, great!
ReplyDeleteAndie A.
Wew! ikaw na Ken, u made me cry, full of emotions. That was great!
ReplyDeleteAndie A.
Wew! ikaw na Ken, u made me cry, full of emotions. That was great!
ReplyDeleteAndie A.
NICE ONE KEN!!!
ReplyDeletehuhuhu, nakakalungkot ang mga pangyayari, it seems like kinailangan magka amnesia c ryan para lang malaman nia kung cnu ang totoong mahal nia.. it takes a lot of courage to decide in this kind of situation. challenging wise and sobrang masakit but you wouldn't know that you are strong unless the only choice you have is to be strong.. i can feel thei pain, sobrang sakit..
ReplyDeleteit moved me!!! kudos kenjie, you really have unique way of writing. the best!!!
pakibilisan ang next chapter or should i say the last part??? hehehe
hayssssssssssss..... grabe ang chapter na ito.
ReplyDeletesince the beginning kay larc ako...
aaminin ko kinilig din ako kay andre, pero un puso ko nakay larc pa rin.
alam mo ken, nangyari to sa akin, di man ganun kadetalyado pero maraming pagkakapareho.
every chapter, umaaso ako sa eksena ni larc, na babalik si Ryan kay Larc, at eto na nga, ngyari na...
sana hanggang s alast chapter sila na nga....
salamat ng marami sa kwento mong ito, halos araw araw akong nag-aabang sa bawat episode/chapter nito.
ung ibang kwento di ko pa nabasa kasi gusto ko tapusin muns ato, kasi iba ung feeling.
muli maraming salamat...
more power to you!
God Bless!
Ryandre yan. Hahaha! Nakakalungkot nga lang kasi last chapter na. :'( Pero kahit na patapos na yung story mo, the characters and the story will forever remain in our hearts and mind. Job well done Kuya Kenji. :)
ReplyDelete-PauuulFabian
Wow! Grabe mga eksena d2. . . Cno nga kaya npili ni ryan?
ReplyDeleteNakakalungkot pero sadyang ganun talaga..Lahat ng kwento may simula at mayroon ding katapusan...Maraming salamat Mr. Author for sharing this wonderful story to us.
ReplyDeleteRyan-Andre gang sa huli:-)
its nice how you pull the confession of larc. it shows larc's courage and strength to detail everything knowing ryan might turn his back again.
ReplyDeletewell kung ryandre man sa huli since may survey sa taas.. sana may book for larc or the other way aound:))
Ang lungkot!! :((((((
ReplyDeleteSana hindi ko nalang binasa yung book 3 masasaktan lang din pala si papa andre!! :(
Kay Andre parin ako. Watever happen!!
At talagang dalang dala ako sa nangyari haha
-kevs
shuxxx..... bitin much :)) ignoring everything that had happened i think matimbang pareho sina Andre at Larc.... i guess the next chapter would say it all... so im very... very...VERY... excited... good job sir Ken :3
ReplyDeleteAndre please! Andre please! Andre please!
ReplyDeleteSiguro kinukwento lng ni ryan kay karen yung part hanggang may mapili na si ryan.
Nakakasad, ramdam ko yung emosyon, sikip sa dibdib. Galing mo ken.
WoW..I was really moved by the story,,the way the story was narrated and how the lines were delivered makes me feel like I am watching a movie..Good job Ken!! It's just sad that the story is about to end. I will surely miss this story..I hope Ken that you will come up with a new story that's equally good or even better than than this..I know that it'll be such a big challenge on your end but I trust your skills and creativity in writing..
ReplyDeleteHopefully, it will still be Ryan and Andre til the end. At first, my vote really goes for Larc but after the sacrifices that Andre went through just to prove his love for Ryan makes him more worthy of Ryan's love... ;-)
i felt sorry para kay andre.,., sobrang hirap ng kalagayan.,sna xa mktluyan ni ryan mr author
ReplyDeletecef
Ryanandre sana magkatuloyan...
ReplyDeleteDami ko luha nailabas ngayon..di ko mapigila ang luha ko kusang tumulo..
Good job ken..
Lovo it
ReplyDeletekay dre' parin ako syempre...!!!
ReplyDeletePag hindi nagkatuluyan c ryan at andrei mawawalan na cguro ako ng gana mag basa. T_T
ReplyDelete~frostking
basa mode muna ! hehehe ngayon lang ulit nakapagcomment ! :)))
ReplyDeletei go for andrei..bestfriend will be always be friends.. kaya ok lang yan for larc..
ReplyDeletegoooooooooo team andre and ryan..
Andre and Ryan screw Larc.
ReplyDeletewaaaaaaaaaah!!sana si Andre nalang, sana di nalang nawala memory ni Ryan..sana..haist...
ReplyDeletekakaiyak maxado tong 2nd to the last chapter...
pero kung si Larc tlga...i will be happy for the both of them...
maxadong nasaktan si papa Andre...
go go go last chapter.. .
pero RYANDRE pa din ako..heheh kahit na LARYAN ang sa huli huhuhuh
"OUCHNESS" the ko feel wahahaha
Pag hindi si Ryan at Andre ang magkakatuluyan, I will be very disappointed and the author just destroyed my hopes for this story.. Hindi ko na to babasahin pa.. haaaaaay..
ReplyDeleteHui wag nman ganun. Similar lng ung nararamdaman natin but i respect the authors decision. Magaling c ken at may tiwala ako sa talent niya.
Delete~frostking
grabe touch ako talaga...
ReplyDeleteNapakaganda po nya.. thank u so much Mr. Author for a very touching story of love & friendship.. Sana po magssulat pa kyo ng iba pang magagandang story.. thank u po tlg.. God bless po! - Jordan Rey
ReplyDeleteKakaloka! Ok! Congrats, napaiyak ako. Hahaha. Yung feeling na nkalimutan mo lahat ng ni-review mo for finals kasi feel na feel mo ang story at yon ang tumatak sa iyong isipan. Alam mo yon? Huuh? Alam mo? Hahahaha.
ReplyDeleteTapos nakapagpahagulgul pa sa akin yung authors note sa baba na matatapos na daw ito. Grabe, para akong namatayan. Hahahaha. Mas broken hearted pa kay andre. Pag natapos to, ano nlang libangan ko? Wala, NGANGA!. Hehehe. Sana meron na agad MNB Book 4. Lol. Excited eh!?
Waaaa! 2nd to the last na pla to.. Nalulungkot naman ako.
ReplyDeleteGrabe ka Kuya Ken! Pinaiyak mo ko sa chapter na to. T.T
Good job talaga! Hintayin ko n lng finale nito. :D
-Pao
ohh fuck..this is it..i cnt hold it anymore..my gosh..grabe tlga ang story na to..nbuhay lhat ng emotions ko from the beginning plng..nme it all na feel ko lhat yan..and tonight i feel fucked up!!! the mere thought of ryan choosing larc get my nerves boiling!! hindi kita papatawarin author pag si larc sa huli..god wat is this..joke?! dahil sa amnesia evrything will be gone..lhat ng pgmmhal within two yers??! tpos ung wlng gnawa kundi mnakit will be the one rewarded at the end?? please author..give some justice..di ko kkynin if ever..
ReplyDeletesori for the harsh commnt but im realy affcted by the story..so just bear with me..love u author and dont mke me hate u :D
-john el-
saskup ku salu >_<
ReplyDeleteidol angbgat :( haiz
nope.. i think gumaling na ang amnesia ni Ryan. only he wants to find out really whats the story behind sa kinatatakutan ni Larc way back nuong college days.. and to find out also the side of Andre.. excited na ako sa last chapter.. i think it is not the end of the story.. may Book 4 pa ata to.. hehehe..
ReplyDeleteUve made me cry lol. I assumed n cla ryan at andre ung mgkakatuluyan.Pero, prang larc and ryan parin after all, hahaha iba prin tlaga ung first love hahaha, happy na ako ngaun :)
ReplyDeleteKelan po ang next chapter? :(
ReplyDelete~ juanes
Quicktrigger.tumblr.com
ReplyDeleteAndre syempre kasi deserving sya
Andre..........
ReplyDelete
ReplyDeleteAndre syempre kasi deserving sya
hala sana c andrei nlng, c andre nlng ulet.. :p
ReplyDeletehala sana c andrei nlng, c andrei nlng ulet.. :p
ReplyDeletei still want andre for Ryan....
ReplyDelete♥ ♥ ♥..
ReplyDeleteGod bless.. -- Roan ^^,
Sana si Andre.
ReplyDeleteAYIEE!!!! eto na ata ung pinaka emotional chapter na nabasa ko grabe
ReplyDeletei was turn between andre and larc they both love ryan.
but he must choose 1, and kahit piliin ni ryan si larc love ko pa din si andre, sana andre nalang ang mahalin ni ryan^^
XOXO "ARSTEVE"
Memories- make us. If we couldn't recall the who's, what's,
ReplyDeletewhere's, and when's of our everyday lives, we'd never be able to
manage. We mull over ideas in the present with our short-term
(or working) memory, while we store past events and learned
meanings in our long-term (episodic or semantic) memory.
I thought Andre had passed all the pain, but this chapter supercedes all of that, this is excruciating. I couldn't imagine how a person can take that, but they are all( Ryan, Larc and Andre) victims of fate. I am still hopeful because there is a hanging question to Ryan though it may sound just a typical question related to the scenario stated prior, but i sensed an underlying truth about it.
Ken you did it again! This pre-finale is so great it hurts me reading it, and I can't wait for the finale, whatever the the ending is, hats off to you for doing a wonderful, awesome job. Don't get tired of writing.:)
kay andrie ako..,,,khit na cguro d xia ung pinili ni ryan....at least alam ntin nging toto c andrie sa srili nya nung tym na cla pa ni ryan at khit hindi na cla ng tym na nawalan ng memorya c ryan........
ReplyDeletebaket ganun....kelangang laging may nasasaktan huhuhu...pero yan talaga ang katotohanan..
ReplyDeletei feel a twist coming up..hahaha..minahal ni bestfriend? hmmmmmm..i feel something brewing..
ReplyDelete-J
ken ang sakit sakit naman.. bakit kailangang saktan si andre???
ReplyDeleteKENJI
ReplyDeleteWHAT THE HECK IS THIS??????
THIS IS AWESOME :)
RYAN ANDRE PA DIN. OR ELSE SASABOG ULIT ANG JAPAN..
:)
-YUME
sobrang unfair naman pag si larc nakatuluyan nya..
ReplyDeleteKelangan lang ni ryan payawarin c larc para buong buo na talaga ang love niya kay andre..go Ryandre Forever!
ReplyDeleteang sakit sakit..I have this ambivalent feeling.. excited yet sad for the last chapter..sana c andre nalng plssssssssssssssssssss
ReplyDeleteang sakit sakit... I have this ambivalent feeling.. I'm excited yet sad for the last chapter..i ♥ andreeeeeee...
ReplyDeletethis chapter really breaks my heart especially for andre!T_T
ReplyDeletenung scene nila sa park ni ryan...andre really has my vote for ryan...i hope na siya pa rin ang pinili ni ryan sa huli..but i also have this feeling na wala siyang pinili...ewan..hehe
basta,sana si andre pa rin pinili niya!T_T
*ang handsome nmn ni Jeh!^^
fb nmn jan tol!?haha...
-monty
Sana si andre pa din ang piliin nya sa huli...pag nangyari yun magpapaparty ako wahaha..
ReplyDelete-Arvin-
ang bigat ng chapter na to pero at the same time confusing kung cno ang pipiliin ni ryan...
ReplyDeletei wish it was andre.
hindi sya bumitaw kay ryan nun mga panahong pinagtatabuyan sya nito sa halip naging matatag sya hanggang sa huli kahit na alam nya sa sarili nya na may chance na maagaw sa kanya si ryan oras na mapatawad ni ryan si larc but, he remain as the andre that is strong despite of ryan's loss of memory and still holds up the promise that he will wait for ryan...
please ryan! choose ANDRE!!
hehe na carried away lang po first time po mag comment although ive been a silent reader of MnB for a long time hehe...
hope kuya ken will make another piece like this ang galing kc magsulat ni kuya ken para tlgang totoong nangyayari un mga scenes as i read it minsan nga nasita pa ko kung bkit daw ako naiyak wla nmn daw nang aaway skin :p
goodluck andre!!
bakit si Larc pa rin?
ReplyDeleteT_T
#cried a river