ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Wednesday, October 3, 2012

After All Chapter 23 ( Finale )



Every story has it's end. At ito ang ending ng pangalawa kong akda na pinamagatang AFTER ALL. Thank you guys for supporting my story. Nung una hindi ko talaga akalain na papatok ito sa inyo dahil nga katatapos ko palang gawin ang Epilogue nang TRT ko nun, tapos agad ulit akong nag post. Napaka challenging sa akin ng A.A di lang dahil pangalawang gawa ko palang ito kung hindi dahil kakaiba ang naging atake nito compared sa smooth plot ng TRT. Halos dumugo lahat ng pweding dumugo sa akin sa mga unang chapters nito, pero heto't natapos ko rin sa wakas. Maraming maraming salamat sa inyo sa walang sawang suportang ibinigay nyo sa akin. It wasn't a first timer's luck after all... :D Ingat tayo lageh at kita kits sa susunod kung gagawin.. :D Zildjian


Rover, Lilee, Rue (Katanashi no Rue the formless Cat.), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (Great Pink 5ive), Jayfinpa (Ayan na ayos ko na), Mars, Jay!:), R3b3l^+ion, Mikimer Araneta, Kristoffshaun, Migz, Icy, Billy, Ran(Randolf), Roman (roohmen), Mike, ICE, Ros Magno, Doormouse (ang cute nang pangalan), SF GIANTS, Jayson13, Jhe Ehm, Zenkie, Xndr, Beucharist, Rheinne, Robert_mendoza94@yahoo.com, rstjr029, J.V,  Tam, Fayeng, Dave17, kianTT, Rei, Sherwin, Louie@DXB, Coffee Prince, Cugertz, Jefofotz (jeffrey Paloma, Ram, Cedric, kokey (Ayan ah di ko na nakalimutan isama ka :D), jekxaranza@gmail.com, XNDER, Vinz24, jasper.escamillan, Ian, Ernes aka jun, Isaac, Kuya Nitro (salamat po sa pagcocomment kahit wala na ako sa BOL.), Lance, Jhe ehm, taga_cebu, Brixon, Marco,  CUPIDO (Ang makwela kong chatmate) at sa mga Anonymous at Silent Readers salamat guys.


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


Natapos ang gabi na walang Dorwin na dumating. Hindi ako makatulog ng maayos sa pagiisip sa nalalapit naming pagkikita. Napapangiti ako tuwing maiisip ko ang balak namin sa kanya. Excited? oo, excited ako sa pagkikita namin ni Dorwin. Excited ako sa magiging reaksyon nito sa gagawin namin. Nakatulog ako na may ngiti sa labi.


Kinabukasan ay maaga akong nagising. Agad kong tinungo ang banyo para maligo balak kong magpagupit at bumili nang bagong damit para mamaya. Gusto kong makita nito ang kakisigan ko para mas lalong kapani-paniwala ang gagawin namin.


“Oh, san ang punta mo?” Bati sa akin ni mama nang makita ako nitong nakabihis.


“Punta lang ma ng mall, balak kung magpagupit at bumili nang damit.” Nakangiti kong tugon sa kanya sabay bigay ng halik sa pisingi.


“Aba, may pinaghahandaang date ang panganay ko. Sino ba yang ka date mo, si Dorwin ba?” Nakangiti naman nitong pangangalaska sa akin.


Namula naman ako sa tinuran nito.


“Aba, namula?” Sabay tawa nito. “Nga pala anak, malapit na ang birthday mo.” Tatawa-tawa pa nitong sabi.


Doon ko lang naalala na malapit na pala ang kaarawan ko. Hindi ko ito napansin sa sobrang dami nang bumabagabag sa akin sa nag daang mga araw.


“Oo nga pala. Hindi ko napansin ma.” Napapakamot sa ulo kong sabi.


“Ano ba ang plano mo?”


“Hindi ko pa alam ma. Hindi naman kasi ako nang celebrate nang birthday nung nakaraan.”


“Aba, dapat ngayon mag celebrate kana hindi ako papayag na hindi ka magcelebrate ngayong taon na ito.”


Ngiti at tango nalang ang isinagot ko rito. Maganda nga namang i-celebrate ko ang birthday ko ngayong taon para magpasalamat na rin sa dyos na sa wakas buo na ang pamilya ko at magiging maayos na kami ulit ni Dorwin.


“Ma, magisip-isip kana nang business para may mapagkaabalahan ka. Hindi tulad dati na lagi kalang dito sa bahay, tatanda ka agad.” Biro ko sa kanya.


“Tong batang to. Oh sige lakad na uuwi ka ba nang tanghalian?”


“Hindi ma. Dadaan ako sa bahay nila Ace may gagawin kami mamaya.” Nakangiti kong tugon at muling humalik sa kanya para magpaalam na.


Nang lalabas na sana ako ay muli ako nitong tinawag.


“Anak!”


Napalingon naman ako sa kanya.


“Salamat at napatawad mo pa ako.” Maluha-luha nitong sabi.


“Si mama, ang aga-aga nagdradrama. Sayo ata ako nag mana eh.” Nakangiti kong sabi. “Mahal ko kayo wag mo nang isipin yon.” At tuluyan na akong tumalikod baka mauwi pa kami sa iyakan.


“Umuwi ka agad!” Narinig ko pang sigaw nito na ikinangiti ko.


Binaybay ko ang daan papunta sa mall. Inuna ko munang magpagupit bago ako bumili nang mga damit. Ngingiti-ngiti akong nagpunta sa bahay na tinutuluyan ngayon nina Ace at Rome para mapagusapan namin ang patungkol sa plano ko sa amin ni Dorwin. Tinext ko na rin ang mga kaibigan ko para sabihin na on the way na ako.


“Buti dumating kana.” Ang nakasimangot na bungad sa akin ni Ace.


“Bakit ganyan ang pagmumukha mo?” Tatawa-tawa kong biro sa kanya.


“Wag kanang dumagdag! Si Rome kasi nakakainis  denelete yung nilalaro kong online game.” Di ko maiwasang humagalpak ng tawa.


“Hindi ko naman sinasadya eh sorry na.” Ang rinig kong wika ni Rome.


“Hindi daw sinasadya lokohin mo lelang mo! Pag hindi mo na download yon mamaya hindi ka tatabi sa akin matulog!”


Sabay kaming napatawa ni Rome sa kanya.  Ilang saglit pa ay dumating na ang iba pa naming mga kaibigan. May dalang bagong experiment na ulam si Tonet hilig talaga nitong mag luto.


“Bakit sambakol ang mukha nito?” Pagpansin ni Tonet sabay turo kay Ace.


“Binura ko ang online game nya kasi naman lagi nalang nagpupuyat. Minsan hinihintay lang akong makatulog tapos maglalaro ulit.” Nakangiting Tugon ni Rome.


Tulad sa reaksyon ko kanina ay napatawa rin ang mga kaibigan namin. Binigyan naman sila ni Ace nang masamang tingin.


“Anyway high way kumain na tayo nagugutom na ako.” Pagiiba nang usapan ni Angela.


“Babes, baka tumaba ka nyan.” Biro naman ni Vincent.


“Okey lang yan pare, wala nang itataba yan.” Gatong pa ni Carlo na ikinatawa naming lahat.


“Mga kaibigan ko ba talaga kayo?” Tampo-tampuhan nitong turan sabay ismid sa amin.


Tinungo na namin ang hapag at nagsimula nang kumain. Pinagusapan namin ang planong gagawin namin mamayang gabi pero nang tinawagan ni Ace ang cellphone ng pinsan nya ay nakapatay ito. Nakaramdam na ako nang pagaalala na baka hindi matuloy ang aming binabalak.


“Teka tawagan ko sa opisina nya.” Tumango naman ako


Ilang minuto ring nakipagusap si Ace sa telepono bago ito bumalik sa hapag. Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya.


“Bakit, ano ang sabi?”


“Hindi daw pumasok si kuya ngayon. Kanina pa daw tinatawagan ni Ate Lor pero nakapatay ang cellphone.”


“San naman kaya pumunta yon?” Takang tanong ko sa kanya


“Baka masama lang ang pakiramdam kaya di nakapasok.” Ang sabi naman ni Vincent.


Ayon nga ang aming inakala na baka may dinaramdam ito kaya hindi nakapunta kagabi at kaya hindi rin nakapasok. Pinag patuloy nalang namin ang paghahanda para mamayang gabi.


“Ako ang bahala kay kuya. Tonet ikaw ang bahala sa arrangement na gagawin sa bar.” Si Ace.


“Kami naman ang bahala sa props. Ace please lang for once, wag kang magpapalate ha baka mabulilyaso ang plano.” Wika naman ni Mina.


“Sige, tawagan ko na si Melba para magpanggap na syota ni Red. I’ll make sure na magseselos ng todo si attorney.” Sabi naman ni Angela sabay tawa nang nakakagago.


“Ganito ha. Dapat mauuna sina Ace at Dorbs sa bar tapos darating ka Red na kasama ang kaibigan ni Angela okey?” Wika naman ni Tonet. Tatawa-tawa naman kaming nakikinig lang sa plano nila.


“Baka naman magwala si Dorbs sa gagawin nyo.” Nagaalalang wika ni Vincent.


“Yan ang purpose ang papagselosin si Attorney.” Excited na tugon ni Mina.


“Kakaiba pala kayong gumanti.” Napapailing nalang na sabi ni Vincent.


Nang matapos makapagplano ay naghiwa-hiwalay na kami para asikasuhin ang mga dapat gawin mamayang gabi. Umuwi ako nang bahay para makapaghanda na rin.


“Kuya ang saya mo ata ngayon.” Ang pagpansin nang bunso kung kapatid na si Cathy. Nasa sala kami at nanunuod ng t.v ito ang ginawa naming bonding moment.


“Wala lang.” Nakangiti kong tugon sa kanya.


“Si kuya in love.” Gatong pa ni Marky.


“Gusto nyo bawasan ko allowance nyo?” Pagbabanta ko sa dalawa na ikinatawa ni mama.


“Kuya, pwedi po ba akong sumama sa mga kaibigan ko bukas?” Si Marky na kita sa mga mata ang takot. Noon kasi ay lagi ko itong sinisinghalan siguro dahil nag seselos ako sa kanila.


“Saan ang punta mo?” Nakangiti kong tugon sa kanya.


Nawala sa mga mata nito ang takot.


“May research kasi kami kuya sa English.”


“Baka naman mag dodota kalang.” Nakataas kong kilay na sabi.


“H-hindi ah!” Defensive nitong sagot.


“Ayon huli ka!” Sabat naman ni Cathy.


“Magsisinungaling kapa ha. Sige, pero dapat before 6pm nasa bahay kana deal?”


Bumakas sa mukha nito ang tuwa. Gusto kong makabawi sa mga kapatid ko gusto ko ring iparamdam sa kanila na kahit kami-kami nalang ay kaya ko parin silang pasayahin.


“Salamat kuya.”


“Walang kaso tutal Sabado naman bukas basta iwas kalang sa gulo at bawal kang uminum at manigarilyo hanggat di ka nakakagraduate nang high school malinaw?” Tumango naman ito sa akin. “Bihis na ako may lakad ako ngayon. Wag nyong iiwan si mama ah at wag na wag kayong magpapasok na kahit na sino malapit na ang pasko uso na nakawan ngayon.” Dagdag ko pang bilin sa kanila.


Pumasok na ako sa kwarto para magbihis. Hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin si mama.


“Anak, maraming salamat ha. Kung buhay lang ang papa mo im sure proud na proud ito sayo ngayon tulad ko.”


Ngiti ang isinagot ko rito.


“Pero wag mo masyadong i-career ang pagiging ama baka di kana makapagasawa nyan.” Pagbibiro pa nito sa akin.


“Ma, tungkol sa bagay na yan..” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad itong sumabat.


“Si Dorwin? Di ba sabi ko sayo tanggap ko yon ang importante masaya ang panganay ko.”


Napayakap ako sa kanya. Hindi mapantayan ang saya na nararamdaman ko ngayon. Ang akala ko noon ay ako na ang pinakamalas na tao sa buong mundo buti nalang pala hindi ako tuluyang bumitiw. Importante talaga sa tao ang pagiging matatag sa mga problemang iyong haharapin hindi dapat sumuko sa buhay dahil pasasaan ba’t darating din ang araw na magiging masaya ka. Ang problema ay ibinibigay sa atin hindi para mawalan ng pagasa kung hindi para mas lalong maging matatag at matuto sa buhay.


<hr color=”red” width=”50%” align=”center”>


“Red si kuya hindi ko mahanap.” Bakas sa mukha ni Ace ang pagaalala. Kapapasok ko lang sa loob ng bar.


“Ano ang ibig mong sabihin?”


“Pinuntahan ko sya sa bahay nya pati na rin sa opisina pero sabi ni Ate Lor hindi daw ito pumasok ngayon.”


Napakunot ako nang noo at nakaramdam ng kaba.


“Baka nasa bahay ng lola mo?”


“Pinuntahan na rin namin ni Rome doon pero wala. Tinulungan na ako ni kuya Dave mag hanap pero hindi namin makita.”


“San naman mag pupunta yon?” Di ko na maiwasang magalala.


“Teka tawagan ko ulit si kuya Dave kung may update na.”


Tinawagan nga ni Ace ang kambal ni Dorwin . Habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya at di maiwasan ang mabalisa.


“Salamat kuya tawagan mo nalang ako kung may update na.” Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya.


“Wala rin daw eh.” Sabi nito.


“Wala, sabi ni Brian hindi daw nagpunta sa kanya si Dorbs.” Si Vincent kakapasok lang nito sa loob ng bar.


“Sa iba nyong kaibigan pare baka alam nila.”



“Si Brian na ang bahalang puntahan ang iba pa naming kaibigan para magtanong.”


Napatango nalang ako. Sinubukan kong tawagan ito nagbabakasakaling  macocontact ko ito pero nakapatay pa rin ang cellphone nya.


“Hindi kaya sumama na ito kay Niel?” Bakas sa aking mukha ang lungkot at paninibugho.


“Hindi gagawin ni pinsan yon Red. Kilala ko si kuya Dorwin may paninindigan ito sa kanyang desisyon.” Depensa ni Ace sa kanyang pinsan.


“Eh nasaan sya?!” Hindi sinasadyang napalakas ang boses ko.


“Relax lang pre. Baka naman may pinuntahan lang ito.” Si Chad na nakalapit na pala sa amin. Napabuntong hininga nalang ako. Nagiisip nang posibleng puntahan nito.


Isang oras na ang nakakaraan pero hindi pa rin nila magawang ma contact si Dorwin. Hindi ako mapakali para akong naiihi na ewan habang palakad-lakad sa loob ng bar hindi alintana ang mga taong ngayon ay unti-unti nang dumadami.


“Kuya Dave!” Napalingon ako sa gawi sa taong tinawag ni Ace.


“Wala paba dito?” Sabi nito nang makapalit sa pinsan nya.


“Wala pa eh.”


“Baka nag tanan na yon.” Sabi nito na nakatingin sa akin.


 Alam kong nag bibiro ito pero hindi naging maganda ang dating ng biro nito sa akin. Walang anu-anong lumabas ako nang bar at agad na tumawag ng taxi para umuwi. Hindi ko maiwasang manibugho. Rinig ko pa ang pagtawag nila Ace ngunit dala nang inis ay hindi ko sila pinansin at tuluyan nang umalis.


Kanina lang ay napaka saya ko pero ngayon sorbang bigat ng pakiramdam ko. Imbes na dumeritso sa bahay ay pumunta ako sa isang bar para maginum. Idinaan ko sa paglalasing ang aking pagkadismaya dahil ang akala ko magiging ayos na rin ang lahat sa amin ni Dorwin pero mukhang nagkamali ako.


“Sabi ko na nga ba dito ka pupunta eh. Wag mo nang pansinin ang pangaasar sayo ni kuya Dave para namang di mo kilala yon.” Napalingon ako kay Ace.


“Bakit ka nandito san si Rome?”


Imbes na sagutin ako nito ay tumabi ito sa akin ng upo at um-order ng kaparehong alak na iniinum ko.


“Naalala mo di ba dito mo rin ako kinaladkad pauwi noong naglalasing ako dahil kay Rome?” Tumango lang ako rito.


“Ano ang sabi mo sa akin nun nang halos mawalan na ako nang pagasa sa amin?”


Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya.


“Magiging okey din ang lahat?”


“Tama! Magiging okey rin ang lahat Red, malay mo may importante lang na inaasikaso si kuya kaya sya umalis nang walang paalam.” Pagaalo nito sa akin.


“Hindi ko alam Ace. Marahil sumuko na rin ito sa akin at sumama nalang kay Niel.” Bakas sa boses ko ang lungkot.


“I doubt it. Magtiwala kalang sa kanya Red, di ba nga sabi ni Vincent na kaya iniwan ni kuya si Niel dahil ikaw ang mahal nya kaya walang rason para pagdudahan mo pa sya.”


<hr color=”blue” width=”50%” align=”center”>


Limang araw ang dumaan ngunit wala parin akong nakuhang balita kay Dorwin. Nung una ay pinilit kong magtiwala sa kanya dahil na rin sa pagmamahal ko sa kanya at sa mga sinabi sa akin ni Ace, pero habang tumatagal ay nawala na rin ang pagasa kong magkakabalikan pa kami. Hindi ko ipinaramdam sa pamilya ko ang mga dinadala ko ayaw kong magaalala sila para sa akin.


Hindi tumigil ang mga kaibigan kong hanapin si Dorwin ngunit lagi lamang silang bigo. Nawalan na rin ako nang ganang magtanong sa kanila iniisip ko kasi na siguro tama ang sinabi nang kambal nito na sumama na ito kay Niel.


Mag aalas 3 na nang hapon nang may kumatok sa aming pinto. Tinatawag ko ang mga kapatid ko para sana utusan na pagbuksan kung sino man ang taong iyon, pero wala akong narinig na pagtugon kaya naman napilitan akong tumayo at magkasalubong ang kilay na pinihit ang seradura.


“Anong ginagawa nyo rito?” Ang nabigla kong tanong nang mapagbuksan ko ang aking mga kaibigan.


“Mag bihis ka may pupuntahan tayo.” Wika ni Ace na nakangiti pa.


“Wala akong ganang lumabas kayo nalang muna.” Pagtanggi ko sa kanila.


“Wag ka ngang KJ!” Sabat naman ni Mina.


“Anak sino yan?” Ang rinig kong sigaw ng aking ina mula sa kusina.


“Wala ma, nanghihingi lang nang abuloy.” Tugon ko naman.


“Sapak gusto mo?” Ang pikon na wika ni Ace. “Rome, Carlo kaladkarin nyo na yan.” Dagdag wika pa nito.


Napakunot naman ako nang noo sa tinuran nito.


“Yes boss! Pasenya na pare napagutusan lang.” Nakangising wika ni Rome sabay hawak nito sa kaliwa kong braso sumunod naman sa kanya si Carlo.


“Teka! Ano ba to? Ang kulit  naman eh sinabi nang ayaw kong lumabas!” Bakas sa boses ko ang pagkapikon. Wala talaga akong balak na lumabas sa araw na iyon dahil gusto ko lang mapagisa.


“Ingatan nyo baka mabalian yan.” Tatawa-tawa namang sabi ni Tonet.


“Sandali nga! Di pa ako nakakapag bihis ano ba!?”


“Keri lang yan may dala na kaming isusuot mo. Just behave and cooperate.” Wika naman ni Angela.


“Tita, labas na po kayo.” Pagtawag ni Ace sa mama ko.


Lumabas nga ito kasama ang mga kapatid ko na naka beach attire at may mga dala pang bag.


“What the hell?” Ang di ko maiwasan maisatinig sa pagkabigla.


“Shutup birthday boy. Carlo, ipasok nyo na yan baka maka takas.” Ani ni Mina na tuwang tuwa sa kanilang kalokohan. Doon ko lang na alala na ngayon pala ang kaarawan ko.


“Tita, sa akin kayo sasakay.” Sabay bukas nito sa compartment ng kotse nya.


“San ba tayo pupunta?” Asik ko sa dalawang ungoy na pinagitnaan ako sa sasakyan.


“Secret walang clue!” Panggagago pa sa akin ni Rome.


“Matulog kalang muna pare medyo mahaba-haba pa ang byahe natin.” Si Carlo na nakangisi sa akin sabay lapat ng panyo na may kung anong amoy na di ko maintindihan.


“Mission accomplished!” Ang huli kong narinig na sabi ni Rome bago ako tuluyang mawalan ng malay.


<hr color=”yellow” width=”50%” align=”center”>


Nagising nalang ako na nasaloob nang isang hindi pamilyar na kwarto. Hapo ang aking ulo ay dahan-dahan kong tinungo ang pintuan para tingnan kung nasaang lupalop ako nang mundo ngunit hindi pa man ako nakakailang hakbang nang bumukas ang pinto.


“Buti naman at gising kana. Mag palit kana nang damit.” Nakangiting bungad ni Carlo sa akin.


“Kung sapakin kaya kitang gago ka!” Asar kung tugon sa kanya na tinawanan lang nito.


“Sorry naman kailangan yon para sa surpresa namin.” Depensa naman nito na nakataas pa ang dalawang kamay.


“Wala ako sa mood para ma surpresa!” Angil ko rito sa sobrang pagkapikon sa ginawa nitong pagpatulog sa akin.


“Tingnan lang natin.” Sabay tawa nito nang nakakagago.


Wala akong nagawa kung hindi magbihis sa gustong ipasuot ni Carlo sa akin. Isang asul na board short at puting sando.


“Ayan mukha kanang tao ulit.” Bungad naman ni Mina kasama nito si Angela at Tonet.


“Asan ba kasi tayo?” Pambabaliwala ko sa pangaasar nito.


“See for yourself birthday boy!” At iginaya nila ako sa labas.


Gulat, tama gulat at pagkamangha ang naging reaksyon ko nang makalabas kami nang kwarto tumambad sa akin ang isang mala paraisong lugar.


“Welcome to Canigao Island!”

(pictures)


Napakaganda nang lugar bigla kong nakalimutan ang problema ko kay Dorwin sa sobrang pagkamangha. May mga tao akong napansin na masayang naliligo sa kulay asul na tubig. Yung iba naman ay busy sa pagtatayo nang kani-kanilang tent.


“Hindi pa well develop ang lugar na ito. Konte palang ang rooms na naitatayo pero hindi maikakailang maganda rito di ba?” Si Tonet. Napapatango nalang ako sa mga sinabi nito sa kawalang masabi.


“Lets go, may isa pa kaming surpresa sa iyo.” Sabay hatak nito sa akin.


Napapatingin ang ibang tao sa amin. Hindi ko alam kung dahil ba sa see through na suot nang aking mga kaibigang babae na kita ang two-piece nilang suot  o dahil sa pagkaladkad sa akin ni Tonet.


Namangha ako sa ayos nang kanilang function hall native ang dating nito pero napaka attractive. May mga pulang balloons na nakadikit sa bawat poste nito.


“Surprise!!” Ang magiliw nilang sabi.


Doon  na nagsilabasan ang iba pa naming mga kaibigan kasama ang mga kapamilya nila. Nakita ko rin ang mama ko kasama ang mga kaibigan ko. Pero ang mas lalo kung ikinabigla nang makita ko ang mga kaibigan ni Dorwin pati na rin si Niel lahat sila ay sa gawi namin nakatingin.


“A-ano ang meron?” Di ko alam kong ano ang nararamdaman ko. Kung kinakabahan ba ako o kung masaya ako.


“Ano pa eh di birthday mo. Slow?” Maarteng tugon ni Angela.


“Alam kong birthday ko pero bakit nandito sila?” Ang tukoy ko sa mga kaibigan ni Dorwin sa mahinang tinig.


“Hindi lang sila ang nandito. Look.” At tinuro nito sa akin sina Ate Claire, ang papa ni Dorwin, at ang kambal nito. Kumaway pa ang gagong si Dave sa akin.


Ibubuka ko na sana ang aking bibig para magsalita nang pigilan ako ni Tonet.


“Later kana mag tanong. Kain na muna tayo.”


Sumunod nalang ako sa kanila at nahihiyang tinanggap ang lahat nang pagbati mula sa mga kaibigan ko at sa mga kamaganak nila. Lumapit din sa amin ang mga barkada ni Dorwin para bumati sa akin si Niel naman ay matapos makipag kamay ay humingi nang tawad hindi ko alam kung para saan. Gulong gulo ang isip ko sa mga nangyayari pero inisangtabi ko nalang muna iyon para hindi masira ang inihandang surpresa nang mga kaibigan ko.


“Grabe naman itong ginawa nyo.” Ang nasabi ko nalang habang kumakain kami.


“Hindi naman kami ang nag plano nito eh.” Tugon naman ni Tonet.


“S-sino?”


Hindi na ito sumagot sa akin sa halip ay itinuro nalang ang isang lalaking papalapit sa amin. Para akong na statwa sa aking kinauupuan nang makita ko si Dorwin. Nakangiti ito nang ubod ng tamis sa akin.


“Happy birthday.” Bati nito sa akin.


May pagaalinlangan akong tumango sa kanya bago ibinalik ang aking nagtatanong na tingin sa aking mga kaibigan. Kita ko ang pagpipigil nang tawa ni Carlo at Rome.


“Mga walang hiya kayo!” Doon na tuluyang humagalpak ng tawa ang dalawang hunghang na sinabayan naman ng iba pa. “Nakaplano ang lahat nang ito?” Ang di ko makapaniwalang na ibulalas.


Tatango-tango naman na parang mga ensonteng bata lang ang mga baliw.


“Naunang humingi nang tulong sa amin si Dorwin kaya sorry nalang tol mukhang ikawa ng nasurpresa nya sa halip na ikaw ang susurpresa.” Ang tatawa-tawang pagamin ni Carlo.


“At kaya sya biglang nawala ay dahil pinaghandaan nya ang lahat ng ito hindi dahil nakipag tanan sya kay Niel.” Dagdag pa ni Ace.


Hindi ako makapaniwala na palabas lang pala lahat. Mula sa pagplano namin para sa gagawin kong pakikipag balikan kay Dorwin hanggang sa pagkawala nito. Ang galing umarte nang mga tarantadong kaibigan ko.


“Mga tarantado kayo naguyo nyo ako don ah.” Napapailing nalang ako ngunit hindi ko maitatangi ang saya na aking nararamdaman.


“Ganun talaga! Ganti ganti lang yan Red. Nung una ako ang nadali nyo at ngayon patas na tayo.” Sabay halakhak nito nang nakakagago.


(kanta)


“Usap tayo?” Aya ni Dorwin sa akin. Tumango naman ako sa kanya at binagtas namin ang dalampasigan.


“Napatawad mo na ba talaga ako?” Ang tanong nito habang naglalakad kami na abot ng alon ang aming mga paa.


“Alin? Sa pakikipag kontsaba mo sa mga kaibigan ko o ang mga nang yari sa relasyon natin?” Seryoso kong tugon sa kanya.


Rinig kong napabuntong hininga ito.


“Sorry kung nasaktan kita noon. Sorry kung hindi ko naiparamdam sayo kung gaano kita kamahal.” Halos hindi ko na marinig ang sinasabi nito sa sobrang hina marahil ay dahil sa hiya.


Katahimikan ang sunod na namayani sa amin. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Marami akong gustong itanong pero di ko alam kung paano magsisimula. Hanggang sa mapagdesisyunan kong itanong ang nagiisang tanong na gusto kong sagutin nya.


“May tanong lang ako.” Pagbasag ko sa katahimikang namayani sa amin.


“Ano iyon?”


Huminto muna ako. Malayo na pala ang nilakad naming dalawa.


“Sa loob ba nang isang taon nating pagsasama minahal mo ako kahit konte?”


“Hindi ko masasabing hindi at hindi ko rin masasabing oo dahil gulong gulo pa ako sa mga panahaong iyon, pero nung umalis ka doon ko naramdaman kong gaano ka kahalaga sa akin na hindi ko pala kayang maging masaya kung wala ka.” Ramdam ko ang sinseridad nito sa kanyang sinabi.


“Kung sakaling mahalin kita ulit, maipapangako mo ba sa akin na ako nalang ang laman ng puso mo?”


“Kung mamahalin mo ulit ako sisiguraduhin kong masusuklian ko na ito. Nagsisisi ako sa lahat ng nagawa ko sayo, alam kong hindi ko pinahalagahan ang pagmamahal mo sa akin pero sana naman bigyan mo ako nang pagkakataong makabawi.” Nangingilid ang luhang wika nito.


Niyakap ko ito. Hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang nakikita syang umiiyak siguro si Dorwin ang kahinaan ng puso ko kaya kahit ano pang naging pagkukulang nito sa akin ay kaya ko parin syang patawarin.


“Wag kang umiyak di ba sabi ko ayaw ko na umiiyak ka?” Pagaalo ko sa kanya.


“P-patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sayo Red, patawad.” Tuluyan na itong humagulhol habang nakayakap sa akin.


“Shhhh.. Tahana wag kanang umiyak.”


“Will you give me another chance?” Humihikbi nitong sabi.


“Only if you stop crying.” Ang pabulong kong tugon sa kanya.


Agad itong humiwalay sa akin at pinahad ang kanyang mga luha. Natawa ako sa inasta nito, para itong batang napangakuan ng candy at agad na tumahan sa pagiyak. Sa sobrang pananabik ay iginaya ko ang mukha nito papalapit sa akin para bigyan ng isang masuyong halik.


“I love you damulag.” Ang sabi ko nang mahiwalay ang aming labi. Ngumiti ito nang ubod ng tamis ang ngiting dahilan kung bakit ako na hulog sa kanya.


Parang hindi ito makapaniwala sa kanyang narinig.


“Oh akala ko ba mahal mo ako? Bakit di mo sagutin? Nakangiti kong wika sa kanya


“S-sigurado ka ba?” Bakas ang pagaalangan nito sa mukha.


“Ayaw mo ba? Ito na ang last chance mo.”


Bumakas ang tuwa sa mga mata nito at ngayon sya na mismo ang kumabig sa akin para magtagpo ang aming mga labi. Nauwi sa isang malalim na halikan iyon gumapang ang mga kamay ko sa kanyang likod papasok sa kanyang sando.


“Hoy! Tigilan nyo muna ang tukaan nyo dyan! Hinahanap na kayo ng mga kaibigan nyo mag sisimula nang tumugtog yung banda!” Malakas na sigaw sa amin ng kambal nitong si Dave. Agad na naghiwalay ang aming mga labi at nang magtama ang aming mga mata ay sabay kaming tumawa.


“I love you.” Ang bulong nitong wika sa akin at binigyan ako ulit ng masuyong halik kahit na nakaharap ang kanyang kapatid sa amin.


“Kung makapaghalikan naman kayo parang walang ibang tao sa paligid!” Basag pa ng kambal nito sa amin sabay talikod sa amin.


“Ingit lang yan.” Ang bulong sa akin ni Dorwin.


Tatawa-tawa kaming sumunod rito at muling tinungo ang function hall kung saan naroon ang mga kaibigan at mahal namin sa buhay. Magkahawak kamay kaming humarap sa kanila. Bakas sa mga mukha nang mga kaibigan namin ang saya na ngayon ay nasa iisa nang lamesa. Kita ko pang nag thumbs up ang papa ni Dorwin sa kanya kasama nito ang mama ko at mga magulang nina Ace at Rome.


Inaya ako ni Dorwin na lumapit sa kanila


“Mukhang effective ang tinuro ko sayo anak ah.” Sabi nito na ang tingin ay nasa magkahawak naming kamay.


“Sobrang effective pa, thank you.” Nakangiti nitong tugon.


“Who would have thought na ang mga anak natin ang magkakatuluyan Anabeth.” Baling nito sa kay mama.


“Talagang mapaglaro ang tadhana Ruben.” Nakangiti naman nitong tugon sa papa ni Dorwin.


“Magkakilala kayo?” Magkasabay naming naitanong ni Dorwin.


“Bestfriend ko ang papa mo nung high school kami at kamukhang-kamukha mo sya iho nung magkasing edad lang kayo. Kaya naman panatag na ang loob ko sa iyo nung una kang dalhin ni Dorwin para ipakilala sa amin bilang kasintahan nya.” Nakatinginan kami ni Dorwin sa tinuran nang papa nito at pareho kaming napangiti.


Totoo nga ang sabi nila hindi mo kailangang hanapin ang taong mamahalin mo dahil panahon na mismo ang magtatakda para kayo ay magtagpo. Maraming kaming pagsubok na pinagdaanan ni Dorwin. Nagkakilala kami sa maling pagkakataon pero heto’t dumating din ang tamang panahon para sa amin. Nasaktan ko sya at nasaktan nya ako ngunit hindi iyon naging hadlang para isuko namin ang aming pagmamahalan. Hindi man normal ang tingin ng iba sa relasyon namin ang importante sa mata nang mga taong nagmamahal sa amin ay normal kami.


<hr color=”red” width=”50%” align=”center”>



“Mahal, patayin mo na ang ilaw.” Malambing kong utos sa kanya.


Nasa loob na kami nang kwarto na renentahan nya para sa aming dalawa. Ang mga kaibigan namin at kamaganak ay may kanya kanyang kwarto na rin.


“Saglit lang mahal may surpresa ako sayo.”


“Surpresa? Ano naman yan?” Ang excited kong sabi.


“Basta! Pikit ka muna dali!”


Sumunod naman ako sa kanya.


“Open mo na mata mo.”


Napakunot ang noo ko nang makita ang susing hawak nito.


“Para saan yan?”


“Bigya ni papa yan. Na kwento ko kasing wala kang sasakyan.” Ang nakangiti nitong sabi.


“Di ba nakakahiya?”


“Hindi naman ako ang humingi nito sa kanya kusa nya itong ibinigay sa akin at sabi nya advance wedding gift daw nya sa atin.”


Dahil sa tuwa ay hinalikan ko sya hangang sa mauwi ito sa isang maalab na halikan. Nang maghiwalay ang aming labi ay kapwa kami humihingal.


“Papatayin ko pa ba ang ilaw?” Ang wika nito na may kasama pang pilyong ngiti.


“Wag nalang miss ko na ang ungol mo eh.” Ang pilyong tugon ko naman sa kanya. Kita kong namula ito na dumagdag sa sobrang panggigigil ko sa kanya.


“Ang kyut mo pag namumula!” At muli naming pinagsaluhan ang isang mainit na halik na nauwi sa isa ring mainit na pagtatalik  at muli kong narinig ang parang musikang ungol ni Dorwin.


Hindi porket nabigo ka sa una mong subok ay susuko kana. Minsan sa pangalawa mong pagsugal ay doon mo makakamtan ang tunay na kaligayan na iyong inaasam. Yon ang natutunan ko nang mahalin ko si Dorwin.


Pareho lang kaming nag hahanap nang pagmamahal at ngayong nahanap na namin ito ay sisiguraduhin naming dalawa na hindi kami bibitiw kahit na ano mang problema ang dumating sa buhay namin. After All were destined to love each other. J




WAKAS

2 comments:

  1. Syet! Ganda ng story! Promise!! Kilig to the max ako. Mygad! :p

    ReplyDelete
  2. Ang ganda ng story!! :) it was cute and talagang nafeel ko ang pagkawarm nito. sa closeness ng pagkakaibigan, sa tightness ng family relations and of course sa pagmamahalan ng mga bida :3
    I have to admit I am so envious with the protagonists from TRT and A.A, kasi masasabi kong lucky sila because they have family that really understands them and friends that really supports them and as for their lovers, they are willing to go over mountains just to be with their loved ones.. :)) Yeah, I am contented with what I have naman but its just that the lives that was portrayed here are just so cute, adorable and warm which I wish na nafefeel ko cya. Anyhow...the story talaga is really heartwarming and it will tell you talaga that true love really waits. Its more like: After all that has been happening to you from sadness and sorrows, there will be the right time where you will be happy. :3 JOB WELL DONE MR. AUTHOR!!! >_<

    ReplyDelete