ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Tuesday, February 24, 2015

Way Back Into Love Book 2: Chapter 3





Author's Note: Ayun, masayang masaya ako sa mga comment na natatanggap ko. Though, karamihan eh hindi ko masyadong kilala dahil sa hindi ko rin alam ni binabasa niyo pala ang WBIL ngunit nagpapasalamat pa rin ako sa mga taong ito:


Papa JC
JM Perez
Jazzuah
Marc Abellera
Auldric Blaine
Ang mga taong kagaya ninyo ang isa sa mga support system ko sa pagsusulat. Maraming Salamat po!

Email: roguemercado@gmail.com
********
North East State University: Campus Ground
It was a bright sunny morning.
Kakatuntong lang uli ni AJ sa loob ng North East State University ng umagang iyon. Kadalasan niyang naririnig na Mondays are like short horros stories. Kung iisipin naman kasi eh mula sa weekends na bakasyon ng estudyante ay ang naghihintay na limang araw na klase na siyang sukatan para magkaroon ka ng diploma.
He slowly flipped his hair na medyo nakaharang na sa kanyang eyeglasses. Mukhang kailangan na niyang magpagupit. He tried to observe the whole campus. It was the usual. Maraming mga estudyante ang nagkalat. Lahat ay busy. Maaring sa mga orgs nito, sa mga lessons o sa kung ano ang juicy gossips na meron ang Lampara Daily.
NorthEast State University is a living showbiz ground. Lahat nagpapatalbugan. Lahat nagsasapawan. Be it sports, performing arts at kahit sa simpleng academics. Lahat ay ayaw magpatalo. Dahil na rin siguro sa reputasyon na meron ang kanilang unibersidad. It is one of the most outstanding universities in the Philippines kaya naman ay hindi rin masisisi ang mga estudyantedng naririto kung bakit ganun sila ka-competetive.
Being in this school is like their ticket to a brighter future. Ilang showbiz royalties na ba ang graduate sa kanila. Ilang renowned journalists, writers, scientists at iba pang career ang tatak NESU. Some people brand their schools as pretentious maka-masa school. State university na elitista ika nga ng karamihan. Mura ang tuition, mataas ang standards at maraming kontrobersiya na nagpapasa-pasa sa bibig ng mga taong naririto.
Bata pa lamang siya ay gusto na niyang maging isang NorthEasternian dahil na rin sa mga kwentong naririnig niya. Noong bata pa siya at may mga taong bumibisita sa kanilang bahay ay agad niyang naririnig ang mga kwento tungkol sa North East State University. Ang kanyang ama na si Jose Carlos Malvar ay dito rin grumaduate. Kaya hindi na rin siya nagtaka kung bakit naging isa na ito sa panauhing pandangal ng mga nakaraang batches ng grumaduate sa North East State University.
And now the dream finally came true. Kasalukuyan siyang second year student ng AB Journalism sa NESU. And so far okay naman ang kanyang academics. Dagdag pa ang pagpasa niya sa examination ng pamosong dyaryo ng NESU, ang Lampara Daily.
Naglakad na siya papuntang Lampara Daily Headquarters para sa meeting na ipinatawag ng kanilang Editor in Chief na si Alejo Austria. Natatandaan niya na noong sabado eh bigla na lang umalis itong si Alejo at pumunta ng campus para magmeeting ng dis oras ng gabi.
Nahinto naman siya sa paglalakad. Bigla kasi niyang narinig ang isang pamilyar na boses.
“AJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJ.” tawag sa kanyang ng isang boses na alam na alam na niya kung kanino nanggaling.
“Syempre alam ko na kung sino ka. Haha. Tawag mo pa lang na may mahabang ‘J’ eh alam ko na kung sino.” natatawang sambit niya ng makalapit na ang babaeng kanyang tinutukoy.
Her name is Jasmine Rivera. Kababata niya rin. Iyon lamang sa ngayong pagkakataon eh medyo hindi sila nagpapangabot dahil na rin sa kakulangan ng oras at busy silang dalawa sa kani-kanilang responsibilidad. Gaya ni Alejo ay kaclose niya rin itong si Jasmine. Iyon nga lang ay medyo naputol ang communication nila nang lumipat ito ng eskwelahan sa Maynila noong highschool pa lamang sila. Nagulat na lamang siya noong enrollment na nakita niya itong nakikipila din. Conservatory of Music ang kinukuha nito.
“Sis, kamusta?” natatawa niyang tanong ng makitang hingal na hingal ito na tumakbo palapit sa kanya.
“Hay naku kapatid. Eto alam mo na diba. Sa pagiging alagad ko ng sining eh hindi na ko gumaganda. Tingnan mo oh.” sagot ni Jasmine sa kanya sabay pakunwaring nagpupunas ng mukha.
Hindi naman talaga totoo na hindi ito maganda. Kung titingnan niya si Jasmine eh para lang siyang isang underdog na artista. Kung iisipin ay may perpekto itong hubog ng katawan at maamong mukha. Babaeng babae naman sana itong tingnan yun ng lang ay dahil sa nakaharang na buhok nito sa mukha at kung siya ay may makasaysayang eyeglasses itong babaeng ito na itinuturing na niyang kapatid rin ay laging nakasumbrero.
Simple lang din ito manamit hindi gaya ng mga nakikita niyang babae sa loob ng campus na kaya na sigurong daigin si McDonald’s dahil sa kanilang mga kolorete sa mukha. Well, he’s not against it pero medyo he’s a pro-natural beauty. At si Jasmine na yata ang perpektong babae na magrerepresent sa mga babaeng hindi maporma pero may dating.
Kung tutuusin eh Jasmine would be the perfect girl for him. Kung hindi nga lang sana…
He immediately dismissed the idea. Narinig niya itong nagsalita.
“Kapatid, balita ko nakapasa ka daw sa Lampara Daily ah? Congrats kapatid, mah men. Sabi ko sa iyo last year diba dapat sana noong nagentrance exam ka pa lang eh talaga nagtake ka ng exam hinintay mo pa kasi kami ni Alejo na pilitin ka eh. Eh may talent ka naman kapatid. Oh diba? Tingnan mo ngayon Correspondent ka na. Kung sana noon ka pa nag apply diyan sa Lampara Daily eh di sana nasa Editorial Board ka na ngayon. Kaw kasi” medyo iiling-iling na wika ni Jasmine
“Eh kasiiii. Alam mo na yun Sis.” paglalambing niya dito.
“Yan na naman yang ‘Eh kasiii’mo ah. Maya maya niyan maisulat mo yan. Oo na alam ko na. Ipinaglihi ka sa library kaya hindi ka man lang tubuan ng kapal ng mukha diyan. Tingnan mo ko, oh diba kailangan ko pang magmukhang tomboy para lang makasali sa NASUDI. Ayan eh di ako lang ang nakatuxedo sa kanila pag nagpeperform ang mga babae diba? Haha.” natatawang sagot ni Jasmine sa kanya sabay pagbaliktad ng sumbrero na umaastang bad boy. Well, Jasmine amidst her beauty is always being mistaken for a lesbian. Ngunit hindi naman nila napaguusapan ang sekswalidad nito at ayaw niya ring i-open baka pag siya naman ang tinanong ay hindi rin siya makasagot.
“Kamusta naman pala ang NASUDI Sis?” tanong niya kay Jasmine.
“Ayun, okay naman. Alam mo na mayayabang rin ang mga tao dun. Sila kasi ang reigning club diba. Sumali naman ako dun hindi dahil para maging sikat. Kunwari daw alagad ako ng sining.”natatawang pagkukwento nito.
“Alam nating dalawa na maganda boses mo eh. Kaya aggressive ka lang dapat men. Hehe.” pagche-cheer niya dito.
“Nakuuuu ikaw talaga kapatid nambola ka pa. Ayan mali sa iyo eh. Ibang tao nagagawa mong palakasin ang loob eh kung tutuusin dapat ireserve mo ang pagcheer mo sa sarili mo.”
“Oo na po kapatid. Hayaan mo, lulunok ako ng sobrang daming libro para kumapal ako. Haha”
“Sinabi mo pa. O siya sige. Pupunta ka ba ng Quarters niyo?” tanong ni Jasmine sa kanya.
“Oo. Kailangan kong kunin yung unang assignment ko sis. Mukhang medyo strikto yata sila.”
“Naku, wag kang magalala hindi ka naman pababayaan ni Alejo. Alam mo naman yun, kung ako kapatid mo yun naman tatay. Hindi ko nga alam baka may anak na iyan kung makapagprotekta nga sa iyo yang taong yan parang galing ka sa sinapupunan niya. Alam mo iyon. Pero Im thankful dahil the moment na pinabayaan ka niya. Uurong adam’s apple niya pag ako nangaway sa kanya. Haha”
“Hahahaha. Baliw ka talaga sis. Alam ko naman iyon. Kailan na ba huling labas natin? Minsan nga bonding din tayong tatlo.” sambit niya kay Jasmine at saka siya ngumiti ng matamis.
“Kating kati na rin ako kapatid na uminom at magvideoke. Pagod na ako sa sobrang reharsal eh. Buti pa nga yung mga kapatid nating namamalimos eh kahit walang tamang vibrato may pera sila. Eh tayo allowance lang naman at konting bawas sa tuition eh halos mamatay na tayo kakaperform. Well, North East State University nga raw naman ba.”
“Hayaan mo sis. Baka naman mahanapan natin ng pagkakataon.”
“Sana. Mahirap din. Lalo na ngayon. Isa ka na sa mga tatakbo at may hawak na recorder sa loob ng campus. Journalist ka na mah men.” tuwang tuwa si Jasmine at niyakap siya nito. Gumanti naman siya.
“Salamat sis. Pag nakuha ko yung kakarampot na allowance kamo ako na bahala sa treat ko sa inyo.”
“Yun ang gusto ko sa iyo kapatid. Ipinaglihi ka rin talaga sa mga pilantropo. O siya sige na at baka malate ka pa sa Lampara Quarters. Pagalitan ka pa ni Alejo. Sumbong mo sa’kin ah. Kukutusan ko iyon.”
“Haha. Okay sis. See you around.” matamis niyang pagpapa-alam

Nang matapos ang paalaman at kaunting paguusap ay agad siyang nagtungo sa kinahihimlayan ng Lampara Daily Headquarters.
“Ano kaya ang assignment niya? Tungkol ba sa enrollment? Tungkol ba sa pagtaas ng tuition nila ngayong taon? Tungkol ba sa mga atleta na nanalo sa nakaraang palarong pambansa?” naitanong niya sa sarili.
Kung ano man iyon ay handa na siyang makibaka sa mundo ng mga estudyante ng NorthEast State University.

Thursday, February 19, 2015

Way Back Into Love Book 2: Chapter 2





Author's Note: Send me some feedback. Visit my blogsite or send me emails for suggestions. Your comments are also well appreciated. Maraming maraming salamat po!
Email: roguemercado@gmail.com
********

The Camp: Pampanga City

“Moks san ba tayo pupunta??” tanong ni Adrian kay Alejo.
Sabado noon at sinundo siya ni Alejo galing sa bahay nila. Nagtaka man ay sumama siya dito. Buti na lang at wala ang kanyang ama at madali siyang makakalabas. His father is really strict when it comes to his Saturdays. Ayaw nitong naglalalabas siya lalo na kapag gabi. His father made sure na tuwing gabi ay mayroon pa rin siyang oras para magbasa at magaral. Wala naman itong kaso sa kanya dahil silang dalawa na lang ang magkatuwang sa buhay.
His father is a renowned journalist ng isang sikat ng istasyon ng radyo. Sabi nga sa mga naririnig ay isa itong halimaw pag dating sa mga salita at opinyon patungkol sa mga napapanahong paksa ng pulitika at iba pa. Indeed, isa itong mahusay na journalist patunay hindi lamang ang mga sabi sabing papuri kundi ang mga plaka, topeo at medalya na niluma na ng panahon ay nakasabit pa rin sa salas ng kanilang bahay.
Habang sakay siya ng tricycle at hinihintay ang sagot ni Alejo sa kanyang tanong ay lumipad ang isip niya ng mga sandaling pumipili siya ng kurso bago ang pagsusulit.
Excited siyang umuwi sa bahay.
“Dad!! Dumating na po yung invitation letter ng North East State University!” natutuwa niyang pahayag dito.
“Good hijo. Ano naman ang sabi?” waring isang tuod na nagsasalita si Jose Carlos Malvar sa kanyang anak habang hindi pa rin inaalis ang kanyang tingin sa dyaryo.
“Hmmmm. Sabi po. Hindi ko na daw po kailangan magexam dahil sa endorsement ng high school principal namin, ang saya Dad diba! Wala ng hassle sa mga kung ano-anong exam?” hindi pa rin mapalis ang ngiti ni AJ habang nagsasalita sa harapan ng kanyang ama.
“Alright. Then I guess I have to agree. So what course are you wanting to get?” tanong ng nakakatandang Malvar sa kanyang anak.
Natigilan siya. Pagkatapos ay bumuntong hiniga bago nagsalita.
“Ahm, Dad… pwedo po bang ako ang pumili?” nagaalangang tanong niya.
Sa pagbabalik tanong niyang iyo ay saka lamang ito tumingin sa kanya mula sa binabasa nitong dyaryo. Yung titig na pinaghalong dismaya at awtoridad.
“Adrian Jasper Malvar, I said choose. It’s up to you. Choose what I want or choose what you want.” hindi pa rin nawawalang awtoridad ng boses nito.
Ngumiti siya ng matamis.
“Yes po Dad. Syempre, ano pa nga ba ang pipiliin ko. I am gonna take Journalism po! Gusto ko pong maging kagaya niyo Dad.” determinando niyang sagot
“Good. Then it’s settled. I am happy that you don’t want to disappoint me like your mother.”
Hindi niya alam kung masaya nga ba ito lalo na at naidugtong na naman sa usapan nila ang kanyang Ina. Batay sa natatandaan niya ay iniwanan sila ng kanyang Ina noong pitong taong gulang pa lang siya. Dumating na lamang sila isang araw na wala na ito at ang mga gamit. Ni walang sulat, maikling paalam o anu pa man. Umalis lamang ito at hindi na nagpakita.
Siya na lamang ang naiwan at ang kanyang ama. Hindi pa ba niya ito pagbibigyan sa kahilingan na maging isa rin siyang Journalist? Lahat ng sakripisyo ginawa nito, not it’s his turn.

Tuesday, February 17, 2015

Way Back Into Love Book 2: Chapter 1





Author's Note: Here is the Chapter 1. So far your response, are overwhelming. Maraming Salamat!
Email: roguemercado@gmail.com
********

Lampara Daily Quarters

Mga bandang alas siyete nang siya ay dumating sa quarters ng Lampara Daily, the famous official publiation of NorthEast State University. Kamakailan lang ay nanalo sila bilang over-all champion sa ginanap na National Press Conference na ginanap sa Lungsod ng Maynila.
It was a dream come true.
Naglalakad siya sa may hallway ay tinitingnan niya ang mga announcement boards at kung anu-ano pang mga nakalagay dito. Mga pinaghalo halong mga announcements, clips, photos at iba pang mga susunod na pagdiriwang na dapat i-cover ng pamosong dyaryo sa kanilang unibersidad.
Nagpasya siyang dumaan muna sa comfort room na nasa bandang gilid ng naturang building. Agad siyang nagtungo sa pinakamalapit na cubicle para umihi. Hindi niya maiwasang kabahan sa importanteng araw na ito. Pagkapasok niya ay isinara niya ang pinto.
Hindi pa man niya nailalabas ang tawag ng kalikasan ay may narinig siyang mga yabag. Mukhang hindi lang siya magiisa sa comfort room na iyon. Sinubok niyang magconcentrate sa pagihi. Kanina pa naman niya tinitikis ito mula sa kanilang bahay.
Ngunit sa pagsubok niyang magconcentrate na lamang eh nabulabog naman siya sa malalakas na boses ng mga ito. Hindi alintana kung mayroong tao o wala sa comfor room.

“Bro, here we go again.” dinig niya sa isang boses ng lalaki sa loob ng CR.
“Ano pa nga ba. Oath taking na naman.” sagot naman ng isang lalaki.
Wala siyang nagawa kundi hintayin na matapos ang dalawang lalaki at ang makinig sa paguusap nila habang tinatry niya pa rin na umihi sa loob.
“Umakyat ba ranggo mo?” tanong uli ng lalaking unang nagsalita.
“Hindi nga eh. Pucha. Bro, third year na ako. Third year bro. Tangina Correspondent pa rin ako. May Senior lang na inilagay, senior correspondent.  Syemay.” diskumpyadong sagot ng lalaki sa tanong.
“Eh tingnan mo naman ako, second year eh level one correspondent pa lang. Buti ka nga may senior eh.” dagdag din naman ng isa.
“Puli-pulitika din yan. Loko. Kahit naman kasinggaling mo Editor-In-Chief ng Inquirer eh wala pa rin.”
“Sinabi mo pa. Eh pano naman kasi karamihan ng nasa Board ngayon eh mga Seniors din na ayaw magpaubaya. Eh tangina. Buti nga kamo puro apat na taon lang courses nila. Eh pano na lang kung Engineering. Limang taon pa sa pwesto ang mga gago.” matalas uli ng isa.
“Ewan ko ba. Sarap ipabugbog lalo na yung Editor In Chief. Akala mo naman kagalingan.”
“Tara na. At sensitive sa oras yung mga iyon. Kala mo naman may sweldo tayong milyon sa lecheng correspondent na yan.”

Sa wakas ay narinig niya ang mga yabag ng mga ito palabas. Para naman siyang maliit na bata na nagmadali na sa pagihi. Kanina pa siya nagdadasal at natawag na niya yata lahat ng mga santo para lang matapos na mga ito sa pagihi sa urinal. Hindi man niya gusto ang napagusapan ng mga lalaki kanina ay wala naman siyang magagawa para sumabat.
Lumabas siya ng cubicle at nakita niyang wala namang tao ang comfort room. Tumingin siya sa salamin na nasa harap niya.  Lumapit siya sa sink at naghugas ng kamay.
When was the last time that he combed his hair?
Nakita niyang medyo nagulo ang buhok niya. He was wearing a white plain shirt, denim jeans, usual rubber shoes at isang pulseras na may nakalagay na “Lampara”.
Kumuha siya ng tubig sa sink at binasa-basa ng kaunti ang buhok. It was a bit messy dahil nagmamadali na siyang lumabas ng bahay kanina. His bangs are still intact. Nakalaylay lamang ito mula kanan pakaliwa. It was as black as night.
Nang makuntento sa pag-ayos ng buhok ay kinuha niya ang eye glasses na nakapatong sa matangos niyang ilong. He tried to wipe the lenses gamit ang dulong bahagi ng kanyang T-shirt. Hindi niya maiwasan na maningkit ang mata lalo na at  wala siyang eye glasses. Bata pa lamang kasi ay suot suot na niya ito.
Nang maibalik niya ang kanyang eye glasses ay ngumiti siya ng matamis sa kanyang repleksyon.
Hindi naman talaga naging importante ang hitsura niya para sa kanya. Ang importante lamang eh mapasaya niya yung ga taong nasa paligid niya. 
At pagkatapos ay agad siyang nagsalita.
“Adrian Jasper Malvar. This is a big day!!!! Journalist ka na men! Journalist! Haha. Kaya mo yan. Kahit ano pa yan. Kayang kaya mo yan AJ. Go! Go lang tayo. Kaya mo yan mah men!” pagche-cheer niya sa sarili.
Nang papa-alis naman siya ng banyo ay napunta ang tingin niya sa pintuan.
May tatlong lalaking tumatawa na kanina pa yata naroon.
Kumaripas siya ng takbo.
********

Friday, February 13, 2015

Way Back Into Love Book 2: Prologue





Author's Note: Happy Valentines Day!
Email: roguemercado@gmail.com
********
The Enchanted Ball 2014: North East State University

Nag-park na ang kanyang kotseng sinakyan. It was a black limo.
“Ready for the big night, Prince of Rock?” tanong sa kanya ng driver kanina.
“I guess?” hindi niya mawaring sagot.
Tinitigan siya nitong mabuti. Matagal. Saka lamang ito nagsalita uli.
“It was a pleasure meeting you. As you know, graduating na ako. I never thought that I will be part of this story. Sabi nga nila, ang last year mo sa college ang pinakaimportante. Gusto kong malaman mo na ikaw ang isa sa mga taong hindi ko malilimutan. Kung isang mahabang kwento ang buhay ko. Isa ka sa mga karakter na gusto kong magtagal hanggang sa huling pahina” pagkatapos ay ngumiti ang lalaking nasa driver seat.
“Thank you Ralph.” maikli niyang tugon dito. Pilit niyang pinipigil ang luhang naka-ambang tumulo.
“So Prince of Rock, are you ready?” lumiwanag ang mukha ni Ralph at tumingin sa kanyang mga mata muli.
Pinagmasdan muli ni AJ ang kaharap na lalaki. Ralph Espanya was wearing a black suit. Para niyang kaharap ang isang aktor na dadalo ng Oscars.
“Im ready you gothic ass. Haha.” Natatawa niyang tugon dito at saka siya ngumiti.
“Well, Adrian Jasper Malvar, I am your inspiration, you very well know that” paghahambog ni Ralph sa kanya.
“Oh please, I am the campus’ Prince of Rock. I am like more famous than you are.” pabiro niyang sagot dito.
“Okay, okay. Hands Up. Suko na ko.” natatawang sagot nito.
Tumawa lang sila ng tumawa hanggang sa ito muli ang nagsalita.
“Are you nervous?” seryosong tanong ni Ralph sa kanya.
Tango lang ang itinugon niya. Pagkatapos ay tumingin siya ng bahagya sa labas ng bintana. Maraming mga tao ang nagkalat. All are wearing costumes from different fairy tales. He recognized a lot of them were inspired by Disney.
“I am just here.” Tugon naman ni Ralph sa kanya at saka kinuha ang kanyang kamay at pinisil ito.
“Thank you. Hindi ko alam kung paano…. kung paano ako magpapasalamat sa kabutihang ginawa mo.”
“Oh wag ng iiyak.”
“Eh kasiii…”
“Prince of Rock never cries, remember?” pag-aalo nito sa kanya.
He stared at the guy. He looks geniuinely concerned. Kung tutuusin ay gwapong-gwapo ito sa kabila ng balbasarado nitong mukha. He was the perfect description of tall, dark and handsome.
Ngumiti siya at nagsalita, “Of course.”
“Shall we?”
Tumango siyang muli.

Bumaba na sila ng sasakyan at hinarap ang gate ng North East State University.  It was very classic. Para kang dadaan sa isang kastilyong puno ng chandeliers at may red carpet simula entrance pa lang. Kaagad silang nagtungo sa lalaking nakatalaga sa reception.
“Good evening, may I have your invitations please?” bati ng lalaking kalbo na nakasuot din ng brown suit.
Ibinigay naman ni Ralph Espanya ang kanilang mga imbitasyon.
“For Ralph Espanya and Adrian Jasper Malvar. Wow, the royalties of the event. Please proceed your majesties.” magalang na pagtanggap sa kanila kasabay ng paggalaw ng kamay nito patungo sa pintuan ng nasabing bulwagan.
Natatawa siyang sumunod kay Ralph papasok ng eskwelahan na ngayon ay isa ng malaking bulwagan para sa Enchanted Ball. Talagang sineryoso ng unibersidad ang kanilang plano na gawing isang malaking kastilyo ito.
Magkasabay silang naglakad ni Ralph papunta sa pagdarausan ng pagtitipon. Sa bawat mga taong nadadaanan nila ay sumusunod ang mga mapagtanong na mga mata sa kanila. Bawat tao ay tila tumigil ang mundo ng makitang magkasama si Ralph Espanya at ang Prince of Rock na si Adrian Jasper Malvar.
“If only I could be the happiest guy on Earth..” biglang basag ni Ralph sa katahimikang namamagitan sa kanila habang naglalakad.

Thursday, February 12, 2015

Way Back Into Love: The Sequel




Author's Note: Medyo may comeback. Para sa inyo ito :)

-Rogue Mercado

*****

PREVIEW

The infamous and lauded as the little showbusiness school in Pampanga named Northeast University is again opening for enrollment. Meanwhile, newly hired theatre Professor Zero Avira was appointed as the newest Director of NorthEast Repertory, the renowned theatre guild of the school and famous for its own celebrity-siblings named Selene Dmitriv and Diamond "Dimes" Dmitriv who were on their senior years and are vying to be grand slam best actor and actress of the year. 

On the other hand, a sophomore budding journalist named Adrian Jasper “AJ” Malvar was given a task to cover the scandalous news about Professor Avira’s fearless stage production of “DarkSide”. How would the people in  NorthEast react if DarkSide would be a play derived from a controversial student named Adrian Jude Dela Riva whose inflicted with MPD? And the question is, who will be the next... Adrian Jude Dela Riva? Is it pure acting or would it be a dejavu or perhaps another fairytale in the making?



Way Back Into Love 2: TEASER


“Looking back, hindi ko alam kung ano ang mahirap. Yun bang magmahal ng ibang tao o magmahal ng sarili. Nakakatawa nga eh. Puso ang nagpapatibok ng katawan natin pero bakit mas pinipili nating mahalin muna ang ibang tao bago ang sarili natin?”

The guy on the video inhaled.

“Marami na akong napagdaanan. Marami ng nakaalam ng kwento ko pero sa bawat bersyon ng alam niyong kuwento ay ang mga nakatagong katotohanan na hindi niyo alam, na hindi niyo saksihan o hindi niyo nabasa kahit saan.”

“Hindi ako perpekto. Hindi rin ako santo. Marami akong batas na sinuway. Marami akong buhay na ginulo. Pero sa kabila ng lahat ng ito. Hindi ko sasabihing hindi ko kasalanan ang iba sa mga ito.”


“Sana, alam mo yun. Nagagamot ng pagibig ang lahat ng bagay. Sana ganun lang kasimple ang mundo. Sana ganun lang kasimple ang pagiisip ng tao. Kung ganun siguro, marami na ang gumaling sa samu’t saring kwento ng pagmamahal. Kung ganun siguro, wala ng buhay na naibuwis. Gusto kong isipin na pagibig ang gamut pero minsan yun din ang wawasak satin.”


“Ako si Adrian Jude Rico Dela Riva. DID patient. Maraming Salamat sa pakikinig.”



The guy stopped.





Adrian Jasper Malvar removed the USB from his computer. Tiningnan niya uli ang envelope na nakalagay sa locker niya kanina at nakita niya bago umuwi. Naglalaman ito ng USB na mayroong isang video ng lalaki. Hanggang ngayon wala siyang ideya kung sino ang nagpadala nito. Kung meron man siyang naaalala sa lalaking nagsasalita sa video eh tatlong salita lang ang naaalala niya: “Kuyang Maitim Ang Mata”





To be Continued