Kamusta po sa lahat lahat?! ^_^
I know it has been a very long time since nagpost ako.. And I am terribly sorry. Sana po ay maintindihan ninyo na I have been very bsy with work kaya I wasnt able to post for the past two yea.. MY GAWD!! 2 YEARS?! Hahahaha! Alright, Im an asshole.. Hahahaha!! Grabe time flies talaga, ano?
But then again, after the looooong wait, nakahanap ako ng time para maipost ito at sana po ay magustuhan ninyo..
I really dont want to keep you gys waiting.. So, yeah.. Enjoy!!
I know it has been a very long time since nagpost ako.. And I am terribly sorry. Sana po ay maintindihan ninyo na I have been very bsy with work kaya I wasnt able to post for the past two yea.. MY GAWD!! 2 YEARS?! Hahahaha! Alright, Im an asshole.. Hahahaha!! Grabe time flies talaga, ano?
But then again, after the looooong wait, nakahanap ako ng time para maipost ito at sana po ay magustuhan ninyo..
I really dont want to keep you gys waiting.. So, yeah.. Enjoy!!
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.
Kasalukuyan kaming nasa eroplano papunta sa lugar ng bagong
pagtitirahan naming ni Gero. Hindi ko man alam kung anong mangyayari ay simula
ito para buohin ang nasirang pagkatao ko. Ngayong tapos na ang problema ko sa
pagtatago kay Cedric ay para na ring nabunutan na ako ng tinik.
Masaya ako na kasa kasama ngayon si Gero bilang kaibigan.
Wala na muling nangyari pa sa amin pagkatapos ng halik nay un, ngunit mas
tumindi naman ang pakiramdam ko na magiging mabuti kaming magkaibigan.
Kaibigan, yan nga siguro ang pinaka kailangan ko ngayon. Kaya
abot langit ang pasasalamat ko na andyan si Gero.
Pagbaba na pagkababa naming ng airport ay parang nahanginan
ako sa ulo. Hindi ko alam ngunit bumilis ang kabog ng dibdib ko.
“I’ve been here…”, sabi ng utak ko.
Hindi ko maintindihan pero siguro ito yung sinasabi nila
atang “déjà vu” kung saan ay parang nakapunta ka na sa lugar na hindi mo pa
naman talaga napupuntahan. But I find this one too weird. Parang pakiramdam ko
kasi ay uuwi ako sa bahay. I was too comfortable with the place.
Lumabas ang driver ng airport at may kinuha nang sasakyan nab
ago. Pati kasi ito ay inayos na ni Mimi. Pati ang mismong pagtitirahan kong
bahay at lugar ay inayos na ni Mimi.
Habang nasa loob ng sasakyan ay mas lalo akong kinabahan.
Naalala ko nanaman ang tubig. Ang pagkalunod. Hindi ko maintindihan pero para
talagang minsan na akong napunta dito.
No.
I was sure.
Ive been here before. But how?
“Saan tayo papunta?”, tanong ko sa driver.
“Ay! Oo nga pala Felix!”, sabat ni Gero.
“What?”, confused kong tanong.
“Pinabibigay nga pala ito ni Lady Godiva. Ibigay ko daw ito
sayo pagbaba natin ng eroplano.”, sagot ni Gero sabay bigay sa akin ng
envelope.
Agad kong binuksan ang envelope. May laman itong mga kung ano
anong papeles at isang maikling sulat.
“I know I once told you not to trust me. But this time,
please do. I’m risking everything in sending you here. – Mimi” – yan ang sabi
sa sulat.
Naconfuse ako.
“Risking everything?”, confused kong tanong sa sarili.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Mimi.
Naka tatlong tawag pa ako bago tuluyang tuluyang sinagot ni
Mimi.
“Mimi…”
“I know…”, sagot nito.
“What does your letter mean.”
“I guess nandyan ka na ngayon sa probinsya. Nakatawag ka nga,
eh. Silly me.”
“Oo. Pero..”
“Gusto mong mahanap sarili mong pagkatao, diba?”, sagot ni
Mimi.
“Oo. Pero what does this have to with it?”, confused kong
tanong.
“Just trust me. This wil help. Trust me.. Kahit dito lang.”,
malungkot na sabi ni Mimi sabay baba ng telepono.
“Hello! Hello Mimi!!”, sigaw ko. Ngunit binaba na nga ni Mimi
ang fon. At ng tawagan ko ito ay naka off na ang lahat ng cellphone nito.
Litong lito man ay nagtiwala ako sa desisyong ginawa ni Mimi.
I know na hindi nya ako ipapahamak. Medyo naguluhan lang talaga ako sa gusto
nyang ibig iparating.
“Okay ka lang Felix?”, alalang tanong ni Gero.
“Yeah.”, ngiti ko.
Kahit pa weird para sa akin gang pagtira sa lugar na ito ay
napaka at home ng pakiramdam ko dito. Pakiramdam ko ay umuwi lang talaga ako sa
bahay naming.
Masaya ako kahit papano sa buhay ko. Kahit napakaraming
tanong na naiwan sa nakaraan ako ay wiling na akong kalimutan ito at magpatuloy
sa bagong buhay na inaasam ko.
Wala man naging sagot sa dating mga tanong ay may isang
kasagutan naman sa isa sa pinakamalaking butas ng buhay ko. Ang pagiisa. Si
Gero.
Hindi man kami magkasintahan, jowa, or partner ay alam ko may
isang kaibigan ako na willing para maging nandyan para sa akin. In fact,
pakiramdam ko nga ay matagal ko na itong kilala.
Napaisip ako sa mga nangyari sa buhay ko. Ang simula ng lahat.
Ang pagkupkop sakin ni Mang Berto, ang pagaaruga nito sa akin bilang tunay na
anak, ang pag-ibig k okay Cedric, ang pagseselos k okay Geoff, ang pagkadating
ni Nikko, ang pagkawala, ang pagkamatay, ang kalungkutan, ang away naming ni
Cedric, ang paglayas ko, ang pagkamatay ni Cyrus, at pagkabuhay ni Felix.
Nakakatawang isipin. Lahat ng mga nangyari ay di inaasahan. Mga pangyayaring
naganap ng dahil sa isang pagibig na hindi inaasahan. At ng dahil sa pagibig ay
nagtulak sa akin para gawin ang mga bagay na hindi rin inaasahan. Mga bagay na
nagagawa lang dahil sa pagka desperado.
It’s been a month ng tumira kami salugar na ito. Hindi muna
ako naglalabas ng bahay maliban na lang sa pag sinasamahan ako ni Gero para
lumabas at bumili ng pangangailangan ko o kung naiinip ako at gusto kong
lumabas.
Nakakatawa dahil sa panandaliang paninirahan ko ay kung ano
anong chismis ang nasasagap ko. Kahit kung tutuusin ay malayo an gaming bahay
sa iba pang mga bahay. Private sundivision kasi. Kaya naman nakakatawa na nakakarating
pa din sa akin gang mga ganitong chismis.
Isang pinakapinaguusapan ay kamakailan lang ay may nakikita
silang isang kaluluwa na naglalakad sa daan. Korny noh? Sa ganitong panahon ba
naman kasi ay sino pa ang maniniwala dito.
Sabi sabi na isa tong kaluluwa na matagal ng namatay ngunit
sa di malamang kadahilanan ay nagbalik daw ito. Hindi ko naman na inalam ang
buong kwento. Narinig ko lang kasi itong pinaguusapan ng mga bagong katiwala ko
sa bahay.
Dahil sa pagkainip ay naisipan kong mamasyal.
“San tayo?”, agad na tanong ni Gero.
Napaisip ako.
“Sa dagat.”, naisagot ko.
“Ok.”
Hindi ko alam bat doon ko gusto mamasyal Pero parang may
nagsabi na dapat ay doon ako mapunta.
Dinala ako ni Gero sa isang parang pier sa bayan. Dito daw ay
sasakay kami ng Bangka papunta sa isang isla sa tapat ng syudad.
“Oh, andito na tayo.”, pagtawag pansin sa akin ni Gero
pagdating sa pier.
“Huh?”, sagot ko.
“Okay ka lang ba?”, natatawang tanong nito.
No. I was not okay. Hindi ko alam kung bakit parang naninikip
ang dibdib ko.
“Hah.. Ah, Oo.”, taliwas ko namang naisagot.
Halos mangatog ang tuhod ko papunta sa sasakyang pantubig
para makarating sa isla.
“First time mo?”, biro ni Gero.
“Hindi ah!”, bigla kong sagot.
“Namumutla ka kasi.”, alalang sabi nito.
Pagbaba na pagkababa naman sa isla ay kumuha agad kami sa
isang private resort. Ito daw ang pinakamahal na private resort dito.
Mas lalong kumabog ang dibdib ko ng makarating sa resort. Ang
ibang tao ay pinagtitinginan pa ako. Ang iba ay nagbubulungan na napatingin sa
akin.
“What the hell is wrong with them?”, sabi ko sa sarili ko.
Dahil na rin sa naramdaman kong pagsama ng katawan ay
naisipan ko munang magpahinga sa kwarto.
“Pahinga kamuna. Bibili ang ako ng makakain.”, ngiti ni Gero.
“Pwede ka namang bumili ng pagkain sa restaurant.
“Huwag na. Namimis ko na kasi magluto.”, ngiti ni Gero.
“Oh,edi samahan na kita.”
“Hindi na. Pahinga ka na. Everything will be alright.”,
pagngiti nito.
“Ok.”, simpleng tugon ko.
Tuluyan na ngang umalis si Gero at ako ay agad namang
nakatulog.
Ngunit hindi ito naging mahimbing.
Sa pagkakatulog ko ay nanaginip ako. Tubig. Tubig nanaman.
Agad kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Tilay ay hindi ako makahinga
at pinapasukan ng tubig ang lungs ko. Masakit. Nanlalabo ang mata ko dahil sa
tubig. Nalasahan ko.
Maalat.
Dagat.
Hindi ko alam ang gagawin takot na takot ako. Lumalabo ang
paningin ko. Unti unti akong kinakain ng malawak na kadiliman ng karagatan.
“Tulong!!!”, sigaw ng utak ko.
“Felix!! Felix!!!”, rinig kong pag sigaw.
Si Gero.
“Nanaginip ka!! Okay ka lang ba?!”, alalang tanong nito.
Ramdam ko ang pagligo ko sa sariling pawis. Pakiramdamm ko tuloy ay totoo ang
nangyari sa akin kanina.
“Ito uminom ka muna ng tubig.”, alalang sabi muli ni Gero.
Agad kong ininom ang tubig. Malamig ito at nakakapresko
ngunit dahil sa paniginip ko ay lasang tubig dagat ito tuloy.
“Nanaginip lang ako..”, marahan kong sabi pagkainom.
“Obviously.”
Tumayo ako at inalalayan ako ni Gero.
“Kamusta lakad mo?”, tanong ko bigla para lang mawaksi sa
utak ang napanaginipan.
“Ok naman. Teka, ikaw okay ka lang ba?”, concerned na tanong
ni Gero.
“Oo naman. Nanaginip nga lang ako.”
“Gusto mo ba magpahinga muna?”
“Kakagising ko lang kaya.”, pagbibiro ko at ngiti. Ngumiti
naman din na si Gero.
“Tara nga! Labas muna tayo! Sayang ang stay natin dito!”, aya
ko.
Nagpunta nga kami ni Gero sa tabing dagat at akala mo mga
bata na naglaro. Nakita ko ng hubad noon si Gero pero iba ngayon na nilalaro ng
tubig ang katawan nito. Napansin ko naman na nakatingin ito sa katawan ko.
“Sexy ko, noh?”, pagbibiro ko. Patataas taas pa ang kilay ko.
Namula lang ito at hindi nakasagot.
“Hahahaha! Tara na nga. Doon tayo at maupo. Lumalamig na ang
hangin at hapon na.”
Ramdam naming sa paa naming ni Gero ang hampas ng alon.
Nakakarelax ito. Idagdag mo pa ang malabughaw na tubig sa malayo at ang palubog
na araw. Sobrang nakakawala ng pagod.
“Masaya ka ba?”, nahihiyang tanong ni Gero.
“Saan?”
“Ngayon.”
Napansin kong namula ito.
“Eh bat namumula ka?”, natatawa kong tanong.
“Hindi ah! Sa sikat ng araw yan!”, halos pasigaw nitong
sagot.
“Ang defensive mo! Hahaha!”
“Ito naman! Ano?! Masay ka ba?”, inis nitong tanong.
“Hahahaha!”, mas lalo akong natawa.
“Huy! Ano nga!”
Mula sa pagkakatawa ay bigla akong huminto at tumingin sa
nakabusangot nitong mukha.
“Oo.”, sagot ko bigla.
Nakita ko na mas lalong namula si Gero. Muli, tumawa ako ng
todo.
“Mapang asar ka, noh!”
“Nakakatuwa ka kasi!”
“Basta, simula ngayon, tratratuhin kitang kapatid ko.”
“Oo naman.”, ngiti ko.
“Oh sige na! Andrama na natin! Magluluto muna ko, ha!”
“Ikaw lang kaya ang madrama sa atin!”
“Hahaha! Sige na! Dito ka lang?”, tanong nito.
“Oo. Dito muna ako. Sayang ang view, eh!”
Tumayo na nga at naglakad pabalik si Gero upang magluto.
Sobrang gaan sa pakiramdam bigla. Ang isang bwan kong paglalagi dito ay kahit
papaano ay nakatulong sa pag ibsan ng nararamdaman ko.
Naisip ko sa paglalagi ko dito ay hindi naman pala kailangan
na kailangan mo ng isang tao sa tabi mo para makumpleto ka. You only need to
acknowledge yourself, at mas mahalin ang sarili mo.
Noong una, I once told pople na hindi naman ako ang klase ng
tao na naghahanap sa pag-ibig. Pero the way things turned out, naisip ko na I
was desperately searching for one. Which was mali. Tumaas ng tumaas ang
expectations ko kaya sa huli ay ako ang labis na nasaktan.
Natutunan ko din na hindi sa lahat ng panahon ay kailangan
meron kang minamahal para magkaroon ng inspirasyon. Tama na din pala ang rason
na “dahil gusto ko at masarap mabuhay” para ipagpatuloy ko ang araw araw.
Nagmahal ako, nabigo at nasaktan. At ngayon, dahan dahan
akong bumabangon. Hindi muna ako magmamahal. Hindi naman din pala kasi
kailangan na lagi kang may taong nasa tabi mo para maging masaya ka. At ang
dapat palang gawin kapag nasasaktan ka ay hindi rin maghiganti. “Pahinga” yan
ang kailangan.
I know eventually may taong dadating sa buhay ko. Yung taong
nararapat para sa akin. Isang taong magtyatyagang pulutin ang nasira kong
pagkatao. Isang taong tutulong sa akin para mas marealize ang sarap ng buhay.
Hindi ko pa man tuluyang napapatawad si Cedric sa lahat, alam
ko isang araw ay dadating ito. Hindi ko mamadaliin. Pagtutuunan ko muna ng
panahon ang aking sarili. Kaya naman pala sinabi na ang “Greatest Love of All”
ay makikita mo lang sa iyong sarili. Ngayon, napatunayan kong totoo pala ito.
Pinapanood ko ang halos tuluyang paglubog ng araw. The orange
skies is now turning grey. Kahit papaano din ay tanaw na ang malalaki at
makikislap na bituin.
“Time to go home…”, ngiti kong sabi sa sarili.
Muli kong tinanaw ang dagat.
“Maswerte pa rin ako.”
Naisip ko bigla sila Lady Mimi Godiva at Gero. Mga taong
ngayon alam kong andyan para sa akin. Lalo na si Gero. Hindi man ito isang
nobyo, ay isa naman itong kaibigan. Isang bagay na hinding hindi ko
ipagpapalit.
Nakangiti akong naglakad pabalik sa villa ng resort.
Nilalanghap ang hangin na dala ng kapaligiran.
…
…
…
Napatigil ako.
Nagtaka.
Kinilabutan.
Namanhid.
Hindi makapaniwala.
“Paanong?”, unang salitang naisip ng utak ko.
Nakakita ako ng isang lalakeng naglalakad papunta sa
direksyon ko.
We had the same reaction. Tulala rin ito at tila hindi
makapaniwala sa nakikita.
“How can this be?”
Hindi ko magalaw ang mga paa ko.
Sinubukan ko.
Ayaw.
Paralisado ako ng dahil sa nakikita.
Napaluha.
Kinabahan.
Kumabog ng todo ang dibdib ko.
Sobra.
Nakakabingi.
“Don’t tell me the rumors are true? May isang multong
nagalakad?”, gulat kong sabi sarili.
Hindi pa din ako makapaniwala.
He walked closer.
He was crying. Sobra ang luha sa mga mata nito.
Napatitig ako sa mukha nito.
“Sya nga. Hindi ako maaring magkamali.”
Nanlaki ang mga mata ko ng masigurado kong sya nga.
It was him.
Hindi ko alam paano pero sya nga ito.
Nang makita nya na nanlaki ang mata ko ay tumakbo ito.
Tumakbo palapit.
And before I knew it, nakayakap na ito ng mahigpit.
Mahigpit na mahigpit.
At sa pagkahigpit ng yakap nito ay ramdam ko ang paghikbi
nito sa labis na pag-iyak.
Sa bawat hikbi at yakap na ginawa nito ay halos lumandag ang
puso. It was beating irregularyly. Ito ata yung sinasabi nilang skipping a
beat.
Kumalas ako at tumingin sa mukha nito.
Kinilabutan.
Sya nga!!!
Halos hindi ako nakahinga sa sobrang hindi pagkapaniwala sa
nakikita. Naramdaman ko lang ang sunod sunod na paglabas ng mga luha ko.
“E-Elmo?”, naiiyak kong tanong.
It was him. Si Elmo. Ang ex kong namatay sa pagkalunod sa
dagat.
“Pero…”
Paanong nangyari to..
“Pero paanong… Patay na sya. Nakita ko syang namatay!
“E-Elmo..?”, tawag ko muli sa pangalan nito.
Nagulat ng bahagya ang lalaking nasa harap ko.
“Elmo?”, nagtatakang sagot nito. Nagpunas ito bigla ng luha.
Kitang kita ang pagkalito sa mukha nito.
“Elmo, ikaw ba talaga yan?”, taranta kong sabi. Hindi ko
namalayan na sa sobrang sabik ay niyakap ko ito ng sobra.
Ngunit bigla nitong inalis ang pagkakayakap sa akin.
“Ano bang sinasabi mo?”, takang takang tanong ni Elmo, ang
lalakeng nasa harap ko.
“Elmo, ako to! Si Cyrus!!”, naiiyak kong sabi.
Napahawak sa kamay ang lalaking nasa harap ko.
Nagtaka.
“Pero..”, tanging nasagot nito.
“Elmo, hindi mo ba ako natatandaan? Ako to! Si Cyrus!!”,
pamimilit ko.
Tiningnan ako nito mata sa mata.
Napailing.
“Pero hindi ka pwedeng maging si Cyrus…”, malungkot na sabi
nito.
Naguluhan ako.
“Hah?”
“Hindi ka pwedeng maging si Cyrus…”, uit nito.
“Ako nga ito! Ako si Cyrus! Ano bang sinasabi mo, Elmo? Saan
ka ba…? Paanong…? Pero… Nakita kita nalunod!”, taranta kong sabi.
Umiling lang ito.
“Namatay ka…! At ano
bang sinasabi mo na hindi ako pwedeng maging si Cyrus?!”, dagdag ko pa
.
Hinawakan ako sa balikat ng lalakeng nasa harap ko.
Katahimikan.
Kinabahan ako.
At ang mga sunod na sinabi nito ay tuluyang nakapagpataas ng
balahibo ko.
“Dahil ako si Cyrus… Ikaw si Elmo…”
(End of Book 4)
OMG!!
Hello pong muli sa lahat! Una po ay nais ko munang
magpasalamat sa lahat lahat ng taong sumubaybay pa rin at nagtiwala hanggang sa
parte na ito ng aking pagsusulat. Hinding hindi ko po masasabi sa inyo kung
gaano po talaga ako ka-thankful sa inyong lahat.
I’m sure marami sa inyong nagulat sa last dialogue. Huwag
kayo mag alala. Di kayo nag iisa. Ako din.
So, dito ko po muna tatapusin ang Book 4 dahil bubuksan ko
na po ang ika anim na yugto ng MNB. Ito po ay dahil sa naging drastic turn of
event sa huling kaganapan. Ang pagka alam ni Cyrus ng totoo. Na hindi pala sya
si Cyrus na inaakala nya. Ngunit sya pala ay si Elmo na inaakala nyang matagal
ng patay.
Sa totoo lang po ay hindi ko alam kung paano ipagpapatuloy
ang story. Hanggang dito lang po kasi ang naisip kong plot. Ang pagkikita nila
ng dating kasintahan at ang pagkalaman sa totoo nitong pagkatao.
Kaya po sana, ay suportahan ninyo pa din po ako sa magiging
Book 6 nito. Sabay sabay po nating pakasubaybayan ang magiging ending ng story
ni Cyrus/Felix na si Elmo.
Up next..
6 Minahal ni Bestfriend : Identity.
Grabe!!!!
ReplyDeleteNagulat tlaga ako tpos noong ng sink in n sa utak ko, unti2 ko n ngets. Hehehe.
Ngka amnesia sya nung nangyari ang aksidente. At dhil ang naalala nya lng ay ang bf nya n si cyrus kya nging cyrus sya. Hehehe. Tma b author!
Grabe ang plot ng story. Kaabang-abang. Sna po ipagpatuloy niyo po ang update. Sinsubaybayan ko po tlaga ang series ng MNB. Kudos author.
-m@sg
Ilang libong taon ako naghintay bkit
ReplyDeleteBitin
Bitin n bitin
Bitin n bitin n bitin
I love the story kayawait ko yung sunod n book nito kaso ilang ibong taon uli ang hihintayin ng marami???
Omg Kuya Ken! Welcome Back!
ReplyDeleteFinally ken ur back.. Tuloy tuloy na toh aa.. Merry Christmas.. Thanks sa update I've been waiting for this.. We've been waiting pala sa dami nmin.. Keep it up. God bless.. 🎁❄️🎄🍷⛄️🎅
ReplyDeleteang ibig sabihin ano po yung book 5 ??? bkt po iba ??
ReplyDeleteMagaling, magaling. Bravo!!!!!. Hindi kami magsasawa sa novela mo my dear Mr Author. Sorry kung feeling close pero sa dami ng nabasa kong novels mo, parang kilalang kilala na kita. Waiting for the next update. Take care. God Bless.
ReplyDeleteKuya namiss ko kayo. Hehe sana mag tuloy2 na ang update ng story mo poh. Tagad kong inantay ito mag twotwo years na ata. Hehe
ReplyDeleteWhoo..kailangan ko pang basahin uli..para maintndhan ung flow ng story... :)
ReplyDeleteHAixt i miss u kenji so much
ReplyDeleteahahha... na cliff hanger ata tayo dun aahh.. hahaha.. :D ang galing, eh pero kanino galing ung kwintas ba un? ska sino ba tlga ung nalunod? sya ba o si elmo na si cyrus pla tlga? hahahha.. kaloka ang story.. kaabang abang aa.. :D
ReplyDeleteat last meron na, lagi akong nagtsetsek dito. di baleng matagal basta tatapusin lang po. buti nalang bumalik ka. kala ko nagka amnesia ka or naglakbay pra hanapin si Felix. salamat po sa update.
ReplyDeletebharu
wala pa po ba yung karugtong nito?
ReplyDeleteWla p din ung kasunod?
ReplyDeleteSobrang ganda ng story!!! Wala pa rin pong kasunod? 😭.
ReplyDelete