Nagbabalik ang author na walang ginawa kungdi ubusin ang oras
kakahanap ng inspirasyon para magtuloy- tuloy ang storya ni Ken.
Nagpapasalamat po ako sa mga bumubuo ng MNB Facebook page at kay
Onichan Kenji dahil isa sya sa mga nagbigay sa akin ng inspirasyon para gawin
ang mga storya ko.
Salamat din po sa walang sawang nagbabasa ng aking story!
Especially kila:
Ginno, Angel Marco Menor Aka Marc of K.S.A., Monty, Marshy,
Franklin Aviola, Kiero 143,
Zenki of Kuwait, Mark 5337, Sinbad, Frostking, robert_medoza.
Anita baker, JD Javra, eunchi, diumar, curious19, Hiya!, Caranchou,
nathanielgarcia at sa mga Annonymous at Silent Readers!
Kayo po ang aking dahilan para magkaroon ng inspirasyon! :)
Enjoy Reading Guys!
Notes:
Sorry kung natagalan ang aking pag popost ng episodes, pero babawi ako ngayon...
Subaybayan nyo na dahil 4 pa na episodes ang ipopost ko.
-JaceOfCards (Spade)
“Good
Morning!” Sabi nya sa akin.
“A—RGEL?!”
sabi ko at ngumiti sya sa akin.
Nagtataka
ako sa ginawa ni Argel at pati na din si Ace, kaya napangiti lang ako sa kanya.
“Bakit
ka andito?” sabi ko sa kanya.
“Sabay
na tayo pumasok!” sabi nito sa akin at nagulat naman ako.
“EH?!”
sabi ko sa kanya at binigyan sya ng juice ni lola.
“Apo
sige na! pumasok ka na kasabay siya!” Sabi ni lola at parang pinagplanuhan nila
ito sa akin.
“Patay
kayo sa akin!” sabi ko sa aking sarili at wala na akong nagawa at sumabay kay
Argel.
“Marunong
ka bang mag drive?” sabi ko sa kanya at tumingin ito sa akin habang papalabas
kami ng gate.
“Oo
naman! Bakit ikaw?” sabi nya sa akin.
“Hindi
eh! takot akong mag drive!” sabi ko sa kanya at pinagbuksan nya ako ang
pintuan.
Nang
makapasok na kami ay agad nyang pinaandar ang sasakyan, at umalis na kami.
“Salamat
manong!” sabi nya sa guard ng subdivision at binigay sa kanya ang school ID ni
Argel.
“Sige!
Ingat kayo!” sabi ng guard at umalis na kami.
“Oh
mag seatbelt ka!” sabi nya at sinuot ko ang seatbelt.
Habang
nasa daan ay napansin kong patingin tingin si Argel sa akin.
“May
problema ka ba sa mukha ko?” sabi ko sa kanya at ngumiti lang ito.
Tumigil
kami sa isang stoplight at nakita kong tumitig sya sa akin.
“Alam
mo ba yung sinabi ko sayo sa ospital?” sabi ni Argel at naalala ko ang sinabi
nya.
“Na
ikaw ang poprotekta sa akin?” sabi ko at sabay tawa sa kanya.
Tumingin
lang sya at napatigil ako sa pagtawa.
“Bakit
naman?” sabi ko sa kanya.
“Dahil
ayokong nahihirapan ka! Mahalaga ka sa akin Ken!” sabi ni Argel at natulala
naman ako sa sinabi nya.
“Ano
!?! Mahalaga ako sayo?!” paulit ko sa sinabi ni Argel at tumango lang sya sa
akin.
“Ang
awkward nga eh! iba itong nararamdaman ko pagdating sa iyo, parang may isang
bagay na tumutulak sa akin na protektahan ka! at eto ang ginagawa ko!” sabi nya
sa akin at natahimik ako.
Umandar
na kami ulit at hindi na ako nakapagsalita dahil sa sinabi ni Argel, naramdaman
kong nagvibrate ang phone ko at binasa ang text.
“Malapit
ka na ba?” sabi ni Ace sa akin.
“Yep!
Mga ilang minutes na lang!” reply ko sa kanya at agad na nagreply sya.
“Hintayin
kita sa locker mo ah!” sabi nya sa akin.
“Okay!”
sabi ko lang sa kanya at hindi na nagreply sya sa akin.
Nang
makapasok na kami sa gate ng school ay agad nang pinark ni Argel ang sasakyan
niya, at agad na akong lumabas.
“Ken!”
sigaw ni Argel sa akin at tumingin ako sa kanya.
“Text
mo ako kapag tapos ng class mo!” sabi ni Argel at ngumiti lang ako sa kanya.
Pagkapasok
ko ay agad akong binati ng guard at napansin kong kakaiba ang mga kinikilos
nila.
“Ikaw
ba si Ken?” sabi ng isang estudyante.
“Yeah...?
why?” sabi ko na parang awkward ang araw na yun para sa akin.
“I’m
miko!” sabi nya at kinamayan ko sya.
“So
san department ka?” sabi nito sa akin.
“Bakit?”
sabi ko lang habang naglalakad kami sa loob ng campus.
“Uhm,
wala lang! gusto ko lang kasing maging kaibigan kita, masama ba?” sabi nito sa
akin at nagtaka ako sa mga nangyayari sa akin ngayon.
Feeling
ko ang lahat ng bagay ngayon ay may dahilan, pero ano yun? Para ba talaga sa
akin yun?
Kaya
tumigil ako at humarap kay Miko.
“Ano
bang meron?” sabi ko sa kanya at nabigla naman sya sa sinabi ko.
“Uhm,
wala lang naman!” sabi nito sa akin at nainis ako.
“Oh
bakit ka pa makikipagkaibigan sa akin? Eh hindi nga kita kilala eh!” sabi ko na
napataas ang boses at naglakad ng mabilis.
Naiwan
si Miko sa lobby at umakyat na ako papunta sa locker ko.
Pagkadating
ko dun ay nakita kong may mga nakasabit na cards at flowers, tinanggal ko ito
agad at binuksan ang locker ko, pagkabukas ay napansin kong may card dun at
binasa ko ito.
”Kung mababasa mo
ito, ibig sabihin na nasa 4th floor na ako naghihintay sayo at gusto
ko ulit makita ang iyong ngiti! –ACE”
Napabuntong
hininga naman ako at tinignan ang oras sa aking relo, may ilang minuto pa bago
mag umpisa ang klase namin at pumunta sa 4th floor para sunduin si
Ace na naghihintay sa akin.
Nang
naglakad na ako sa hallway ay napansin kong nakatingin sa akin ang mga
estudyante at napansin kong isa isa silang binibigyan ako ng bulaklak at
nagtataka naman ako.
Habang
nasa hagdan ay nakita kong may nagbigay sa akin ng teddy bear at ngumiti lang
ako sa kanya.
“Malapit
ka na!” sabi nya at ngumiti lang ulit ako.
Habang
nilalakad ko ang hallway sa 4th floor kung saan walang classroom at
tanging auditorium, AVR, at Library ang mga room dun ay napansin kong may
nagbukas ng pintuan sa Auditorium at pinapasok ako.
“Wait
ka lang dito ah!” sabi ng isang estudyante at biglang namatay ang ilaw.
“Hey!
Wala namang ganituhan oh!” sigaw ko at hinanap ang pintuan dahil sobrang dilim.
“Buti
andito ka na!” sabi ng isang pamilyar na boses.
Napatigil
ako at tumayo lang.
“Nakikita
mo ba ako?” sabi nya at biglang natawa naman ako.
“Baliw
ka ba? Paano kita makikita? Eh madilim nga!” sabi ko at bilgang dahan dahang
nagkaroon ng mga maliliit na ilaw.
“Sundan
mo ang ilaw!” sabi nito sa akin.
Sumunod
naman ako at naramdaman kong nasa mataas na lugar ako.
“Ngayon
pumikit ka muna at bumilang ng tatlo!” sabi nito sa akin at ginawa ko naman
ito.
“Oh
bibilang na ako ah!” sabi ko at wala namang sumagot.
“Isa!”
sabi ko at naramdaman kong may mga nagtatakbuhan.
“Dalawa!”
naririnig kong may nag aayos ng mga upuan.
“Tatlo!” at pagmulat ko ng aking mata ay nakita kong dahan dahang lumiwanag sa loob ng auditorium at nakita kong punong puno ng petals ang loob ng auditorium, at sa isang banda ay lumabas sa dilim si Ace na may hawak na bulaklak.
“Ace?!”
sabi ko lang na nabigla ako.
Ngumiti
lang ito sa akin at biglang tumugtog ang isang kanta.
[Cher
Lloyd: Love me for me]
Hindi
ko alam kung ano ang nararamdaman ko, pero awkward talaga ang araw na ito sa
akin.
Lumapit
sya sa akin at binigay ang isang rose.
“Dahil
sayo nabuo ang mundo ko! Dahil sayo ay natutunan kong ngumiti sa bawat umaga na
naririnig ang iyong malambing na boses, at ngayon ay andito ka na sa aking
harapan!” sabi nito at lumuhod ito sa akin.
Nagulat
naman ako sa ginawa nya.
“Teka
ano ito?!” sabi ko sa kanya at ngumiti lang sya na parang hindi nya
naintindihan ang sinasabi ko.
“Nang
dahil sa halik na binigay mo sa akin, dun ko narealize na hindi lang kaibigan
ang gusto ko sayo!” sabi nito at napakunot ang noo ko.
“Hoy
Ace! Baliw ka na ba?!” sabi ko sa kanya at tumayo naman ito.
“Oo
nabaliw ako sayo! Kaya tatanungin kita at sagutin mo ako ng Oo o Hindi lang.”
sabi nya at napabugtong hininga ako.
“Pwede
ba akong manligaw sayo?” sabi ni Ace at nakita kong lumabas isa isa ang mga tao
sa dilim at nakita ko din si Miko dun.
“Ano
ito? Set up!?!” sabi ko at ngumiti lang ito sa akin.
Hindi
sya sumagot at nakita kong nagkakantyawan ang mga tao sa paligid namin.
“Ken!
Sige na! sagutin mo na siya!” sabi ni Miko at natawa ako sa sinabi nya.
“Ano
sagot mo?” sabi nya sa akin na parang hindi mapakali.
“Um...
masaya naman ako ngayon dahil andyan kayo, gusto ko munang mag isip!” sabi ko
sa kanya at binitawan ko ang kanyang kamay.
“KEN!”
Sigaw ni Ace at nagtatatakbo ako papalayo sa auditorium at pumasok na sa
classroom.
Pagkapasok
ko sa room ay napansin kong walang tao.
Maya
maya pa’y pumasok si sir Clarence.
“Oh
Yoshihara nakapasok ka na pala!” sabi nito at ngumiti lang ako.
“Bakit
po wala mga classmates ko?” sabi ko lang at napatingin ito sa akin.
Tumingin
sya sa kanyang relo at tumingin sya sa akin.
“Siguro
hinihintay ang bell!” sabi nito sa akin at agad syang nagsulat.
“By
the way, kunin mo ito at sagutan na! dahil wala ka pang grade sa quiz.” Sabi ni
sir Clarence at kinuha ko ang test paper sa kanya.
Habang
nagsasagot ako ay narinig ko nagring ang bell at pinasa ko na sa kanya ang test
paper at nakita kong nakatingin sa akin sila pagkapasok sa room.
Nakita
ko sila Cheryl, Abby at Luke at tumabi sa kanila.
“Ano
bang meron at parang awkward ang mga tao!?!” sabi ko sa kanila at ngumiti lang
sila sa akin.
Habang
nag aaral kami ay hindi ko napansin na pumasok si Ace sa class namin kay sir
Clarence pero hindi ko muna sya iniisip, at biglang nag buzz ang speaker at
tumahimik ang lahat.
“Paging Mr Ken Yoshihara of Finance
department...
Please proceed to
AVR immediately!”
sabi ng isang babae at agad akong nagpaalam at pumunta sa AVR.
Nakita
ako ng mga estudyante at napatingin sa akin, almost lahat ng nadaanan ko ay
nakatingin at nakangiti.
Nang
maka akyat na ako sa 4th floor ay agad akong pumasok sa AVR at
nakita ko sila tita Margie at tito Polo dun!
“Buti
naman magaling ka na!” sabi ni tito Polo at ngumiti lang ako.
“Ken!
Ang pogi mo pa din!! I miss you so much! Kelan ka dadalaw sa bahay?” sabi ni
tita Margie at napangiti lang ako sa ginawa nila.
Umupo
kami at tinapatan ako nila tito Polo at tita Margie.
“Okay
straight to the point!” sabi ni tito Polo na nagtaka naman ako.
Nakita
kong tumahimik si tita Margie at bigla akong kinabahan.
“Sino
ba mahal mo sa mga anak namin?” sabi ni tita Margie at nagulat ako sa sinabi
niya sa akin.
“Ah!...
Eh... Kasi po... Kaibigan ko lang po talaga sila!...” pagdepensa ko at ngumiti
lang sya sa akin.
“Ken,
tinuring ka naming part ng family kaya don’t hesitate to tell us kung sino?
Kasi we know your secrets!” sabi ni tito Polo at nagulat naman ako.
Mukha
akong binuhusan ng malamig na tubig at parang naligo sa espasol sa kaba at
halatang namumutla sa mga pinagsasabi nila.
“Your
dad tell me all! Kaya hindi naman kami nagagalit kasi alam namin na mabait ka!
basta sabihin mo lang sa amin ng papa Polo mo kung sino ang mahal mo sa dalawa
kong anak!” sabi ni tita Margie.
“Nabibingi
ba ako o talagang totohanan ito? Papa Polo?!!! Bakit?! And why should I choose
sa magkapatid? Eh hindi ko pa nga sila pinapayagan manligaw or whatsoever!
Bakit ba ako ang pinagtripan ng tadhana? Nakakainis naman!!” sabi ko sa aking
sarili.
Niyakap
nila ako at naramdaman ko ang init ng pagkakayakap nila.
“Call
us Mama and Papa!” sabi nila at ngumisi lang ako dahil hindi pa din napasok ang
impormasyon na pinagsasabi nila sa akin.
“Oh
bakit nag aalangan ka pa?” biglang pasok ng kanilang lolo na may ari ng school.
“Sir?
Kasi po—“ tanging nasabi ko lang at pinutol nya ito.
“It’s
okay lang! kahit wala kaming apo sa dalawa na yun ay nakita naman namin na
masaya sila sa iyo, pero ikaw masaya ka ba sa nararamdaman mo?” sabi nito at
umiling ako.
“Sir
will you excuse me, I need to get some air!” sabi ko at umalis bigla para
lumabas.
Tumakbo
ako papunta sa rooftop at nagsisisigaw.
Naramdaman
ko na lang na may yumakap sa akin at hindi ako pinakawalan.
“Tama
na Ken!” sabi nito sa akin at biglang patak ng mga luha ko.
“Ano bang nangyayari bakit kayo ganito?!” sabi
ko lang habang nahikbi at nilalabas ang sama ng aking loob.
“Dahil
mahal kita!” sabi nito sa akin at napatingin ako sa kanya.
“A...Argel?!”
sabi ko nang makita ko sya at hinawakan nya ang aking mukha at pinunasan ang
aking luha.
“Oo
Ken ako nga ito! Si Argel James Casanova na nagsasabi ng kanyang damdamin!”
sabi nya sa akin at natulala ako.
“Argel?
Pwede bang itigil mo ang kahibangan mo! Dahil hindi ko kayo maintindihan
magkapatid! Ano bang iniisip nyo? Ayokong masaktan na! takot na akong masaktan!
Please lang okay na tayong magkakaibigan diba?!” sabi ko sa kanya at nakita
kong lumapit sya sa akin at niyakap pa din nya ako.
Nagpupumiglas
ako at hindi nya ako binibitawan, narinig kong umiiyak din sya at napatigil
naman ako at tinignan siya.
“Bakit
ba?! Ano bang meron sa akin at nagkakaganyan kayong magkapatid?!” sabi ko sa
kanya.
“Dahil
gusto kitang maprotektahan! Dahil mahal kita at wala akong pakielam sa mga tao
na huhusga sa ating dalawa! Kahit anong mangyari andito ako at mamahalin kita
hanggang sa iyong huling hininga!” sabi ni Argel at nagulat naman ako sa
kanyang sinabi.
“Argel?”
sabi ko at tumingin naman sya sa akin.
“Pwede
ba akong mag isip muna?” sabi ko sa kanya at tumango lang ito sa akin.
Bumaba
ako sa rooftop at pumasok ulit sa AVR kung saan andun sila tito Polo,
pagkapasok ko ay niyakap nila ako at nagsorry sa akin.
“Sorry
kung nabigla ka!” sabi ni tita Margie.
“Okay
lang po yun! Alam ko na po ang sasabihin ko sa inyo!” sabi ko sa kanila at agad
silang tumingin sa akin.
“Pag
iisipan ko po ng maigi dahil sinabi po ng anak nyong si Aaron sa aking
panaginip ay makikita ko ang kasiyahan ko kaso nasa dalawang tao yun, at
pinapasabi po nya na mahal nya po kayong lahat!” sabi ko at niyakap nila ako.
“Pati
ang apo kong si Aaron ay gusto ka!” biro ni sir Casanova at nagtawanan kami.
Bumaba
na ako at nakita ang mga classmates ko na papalabas na sa classroom.
“Friend!”
sigaw ko kay Cheryl at nakita kong ngumiti ito.
“Magsabi
kayo! May alam kayo dito no!” sabi ko sa kanilang tatlo at napakamot ng ulo si
Luke at si Abby naman ay sumisipol.
“Sorry
friend! Kasi sabi nila Mr Casanova na wag maingay sayo eh!” sabi nya sa akin at
ngumiti lang ako sa kanya.
“So
anong balita?” sabi ni Luke at nakita akong namumugto ang mata.
“Meet
the parents ang eksena! Ayun! Kinausap nila ako then sabi kong pag iisipan ko
muna!” sabi ko sa kanila at naglakad kami papuntang cafeteria.
Habang
nasa cafeteria ay agad kong napansin na marami nanaman ang tao kaya bumili lang
kami at bumaba sa locker area para dun kumain dahil may upuan dun.
Pagkababa
namin ay napansin ko nanaman ang locker ko na puno nanaman ng cards kaya
binuksan ko ito at pinasok ang mga cards sa loob, pagkasara ko ay nakita ko si
Ace, at tinawag siya ni Cheryl.
“Dito
ka na sumabay sa amin!” sabi ni Cheryl at napangiti lang ako.
Tumanggi
si Ace at napatingin sa akin si Cheryl na sinasabing kausapin ko sya, kaya
ginawa ko yun.
“Josef”
sigaw ko at agad syang tumingin sa akin at nilapitan ako.
“Ano
yun?” sabi nya na halata ang tono nyang nainis.
“Sabay
ka na kasi sa amin! Tandaan mo hindi ko pa sinasagot ang tanong mo!” biro ko sa
kanya at tumawa ito.
“Joke
ba yun?” sabi nito sa akin at tumingin ako sa kanya.
“Sa
tingin mo?” sabi ko sabay ngiti sa kanya at bumalik sa pwesto namin.
Napansin
kong lumapit na sya sa amin.
“May
alam akong lugar na pwedeng umupo!” sabi nya at agad naman silang sumunod kay
Ace.
Wala
na akong magawa kungdi sumunod sa kanila at umakyat kami sa cafeteria at
pumasok sa loob para dun kumain, sa una ay nakakailang kasi para sa mga staff
yun ng school, pero sila Cheryl ay parang wala lang sa kanila.
Tumabi
sa akin si Ace at napangiti lang ako sa kanya, naging okay na ulit kami ni Ace
kaya lang may konting ilang pa din sa kanya dahil sa kanyang sinabi sa akin.
Habang
nagtatawanan kami ay may kumalabit sa akin sa aking likod at nakita ko si
Argel.
“Pwede
bang patabi?” sabi nito sa amin at tumango lang sila Cheryl.
Napatingin
naman ako sa kanila at ngumiti lang ito sa akin.
“My
God! Please naman!” sabi ko sa aking sarili at nagulat na lang ako nang tumabi
sya sa kabilang part at napagitnaan ako ng magkapatid.
“Ken!
Eto burger oh!” sabi ni Argel at binigay nya sa akin ang binili nyang burger.
“Thanks!”
sabi ko lang.
Napatingin
sila Cheryl kay Argel at nagtataka.
“Ken
gusto mo ba ng spaghetti?” sabi ni Ace at binigay nya sa akin din ang spaghetti
at napatingin naman sila Cheryl kay Ace.
Hangganag
sa hindi na makayanan nila Cheryl ang dalawa kaya inawat nya ito.
“Teka
nga lang!” sabi nito at hinarangan nya ako sa dalawa.
Napatingin
ang dalawa at nagpasalamat ako kay Cheryl.
“Alam
nyo, patatabain nyo naman si Ken eh! nakita nyong hindi na nya maubos ang mga
binibigay nyo!” sabi nya at hinila ako papalabas ng cafeteria.
“Sorry
Cheryl!” sabi ko sa kanya at tumigil sya.
“Ikaw
naman! Pwede bang lumayo ka muna sa kanilang dalawa?! Kami nahihirapan eh!”
sabi nya na medyo nainis sa ginawa ko.
Tumango
lang ako at niyakap naman ako ni Abby.
“Naiintindihan
ka namin! Wag ka nga dyang maging emo! Di bagay sayo!” sabi ni Abby at
napangiti ako.
“At
take note! Silang dalawa ang nanliligaw sayo! My God kung ako lang yan, siguro
pinagsabay ko na sila!” biro ni Luke at binatukan siya ni Cheryl.
“Kahit
kelan talaga kayo! Hindi kami nagagalit ken, ang amin lang ay dapat ilugar mo
ang sarili mo! You’re a college student na! not a high school!” sabi nito sa
akin at niyakap ko sila.
Natapos
ang araw ko sa school at parang ang lahat ay ngayon pa lang pumapasok.
Nakita
ko si daddy at sumakay na ako at umalis na kami.
“Oh
anong nangyari sayo?” sabi ni daddy na medyo natatawa sa aking mukha.
“Bakit
dad? May dumi ba?” sabi ko at pinatingin nya ako sa salamin.
Nakita
kong puro pintura ako dahil nag paint kami sa humanities at hindi ko ito
natanggal.
“Oh
baka may gusto ka pang puntahan!” sabi ni daddy at umiling lang ako sa kanya.
Biglang
nag ring ang phone ko.
“Chelsea!”
sabi ko
“Bunsoy
ano pala address nyo dyan? Hindi ko pa kasi napapadala yung binili nyo!” sabi
nito sa akin at natawa naman ako sa kanya.
Binigay
ko ang address namin at contact number.
“Thanks
ah! Sino pala kasama mo ngayon?” sabi ni Chelsea at sinabi kong pauwi pa lang
ako galing sa school.
“Paki
sabi kamusta na lang ah! Sige may gagawin pa akong inventory!” sabi nya at
binaba na nya ang phone.
“Oh
bakit anong sabi ni Chelsea?” sabi ni daddy sa akin.
“Wala
lang po! Yung gift ko kay Jiro hindi napadala kasi hindi alam ni Chelsea yung
address natin!” sabi ko at ngumiti lang si daddy.
Nang
makauwi na kami ay bumaba na ako at parang maingay ang bahay kaya nagmadali
akong pumunta sa kusina kung saan andun si mommy at nagulat ako sa aking
nakita.
“Good
Evening!” sabi ni Tita Margie
“Oh
my God! Ano nanaman ito?!” sabi ko sa aking sarili at ngumiti lang ako sa
kanya.
To Be Continue...
Notes:
Ano nanaman ang ibig sabihin na pagbisita ni Tita Margie sa bahay nila Ken?
at ano ano pa ang mga gagawin ng magkapatid para makuha nila si Ken?
Sundan ang susunod NOW NA!
Notes:
Ano nanaman ang ibig sabihin na pagbisita ni Tita Margie sa bahay nila Ken?
at ano ano pa ang mga gagawin ng magkapatid para makuha nila si Ken?
Sundan ang susunod NOW NA!
hehehehe...ang natagalan ang update...pero worth it naman ang paghihintay...hehehe
ReplyDeletegosh!!kilig to the max tlaga palageh heheh
grabeh tlga ang magkapatid hehe
anyways can't wait for the next chapter...sino kaya ang pipiliin ni ken hehe
Waw. Pansamantalang umikot ang brain ko dito. Hehe. Temporary psychosis. Haha.
ReplyDeleteAng galing! Haha.
~frostking
NakS,, ganda talaga,, NA EexCite nq sa nextpart,, NAKAkatawa na NA kaKAINLOVe NA nakakainsPIRe,,
ReplyDeletepapa polo hehe''
ReplyDeletehahaha..ang chacharot nila ace at argel ha!:P
ReplyDeletepero infairness, ang haba-haba ng hair ng lola ken ko!hahaha..kakatuwa ung chap neto.^^
-monty