Medyo na delayed ang chapter 10 pasensya na po naging busy
lang kahapon. Sana magustohan nyo ang
chapter na ito. Happy reading guys and keep the comments coming para mas
ganahan ako. Hihihihihi
RSTJR029, Dhenxo, Edrich, R3b3l^+ion, Ross Magno,
Beucharist, Tam, Dada, Clyde, Russ, Readmymouth, ICY, Drek, popoy_III,
Kristoffshaun, Allure, Ice, Rue, Billygard, Andy, Jayfinpa, Erwin F, Chris,
Great Pink 5ive, Ramy from Quatar at Ram. Salamat din sa mga Anonymous at
Silent Readers sa walang sawa nyong pagbibigay ng komento sa aking akda.
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Halos bawian ako nang lakas nang makita ko
ang sinasabing kapatid ni Louisa. Para akong nakakita nang multo. Magkahalong
takot at pangungulila ang aking naramdaman ni hindi ko namalayan na nabitawan
ko na pala ang aking dalang payong.
Hindi pa rin nag bago ang taong hanggang ngayon ay laman parin
ng aking puso’t isipan. Kung may nag bago man sa kanya ay ang style nang
kanyang buhok. Ang pabango, tindig at hitchura nito ay ganun parin. He still
has the power to make my heart beat fast. Hindi nito tinanggal ang kanyang mga
tingin sa akin na mas lalo ko namang ikinataranta.
Ako ang nag bawi nang tingin. Hindi ko makayanan
makipagtitigan sa kanya nang matagal ibinaling ko ang aking tingin kay Louisa
na nakangisi pala sa akin sa di malamang dahilan.
“K-Kapatid mo sya?” Gulong-gulo ako sa mga pangyayari hindi
ko inaasahan na sa dami nang lugar na pwedi kaming magkita ay sa simbahan pa.
Tumango lang ito sa akin na parang sinusukat ang reaksyon ko.
“Louisa let’s go.” Napasinghap ako nang marinig kong muli
ang boses nito na mahigit anim na taon ko nang hindi naririnig. Ibinalik ko ang
tingin ko sa kanya ngunit wala akong makitang emosyon. Bato, yan ang nakikita
ko sa taong nasaharapan ko ngayon kahit nakatingin ito sa akin ay wala akong
mahapuhap na emosyon.
“Kuya, meet Laurence my new found friend. Cool huh?!”
Ngingisi-ngisi nitong pagpapakilala sa akin sa kuya nya. “And Laurence, meet my
handsome kuya Claude Samaniego.
Doon na tuluyang nanginig ang aking mga tuhod ng ikumperma
mismo ni Louisa na hindi lang ito panaginip o ang nakasanayan ko nang
pagbabalik tanaw. Nasa harap ko ngayon si Claude ang taong minahal ko, ang
taong naging malaking bahagi nang aking naraan na pilit kong kinakalimutan.
Akala ko ay kakamayan ako nito o mas tamang sabihin na nag expect akong
kakamayan nya ngunit isang tango lamang ang isinagot nito bago muling nang
salita.
“Let’s go Louisa.” At tuluyan na itong tumalikod sa amin.
Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko. Hanggang ngayon ba ay galit pa
rin ito sa akin. Galit pa ba sya sa isang kasalanan na hindi ko naman ginawa.
“Laurence?” Untag sa akin ni Louisa.
“Hah?” Wala sa sarili kong sagot at ibinaling na ang tingin
sa kanya.
“Nakakatatlong ‘Hah’ kana sa araw na ito may problema ba?”
Wika nito. Alam kong may alam si Louisa tungkol sa amin ni Claude kita ko sa
mga mata nito. Kaya pala nasabi kong pamilyar ito sa akin dahil parehong-pareho
sila nang mata ni Claude.
“W-Wala.” Hindi ko rin alam kong bakit yon ang lumabas sa
bibig ko. Gusto kong kumprontahin ito patungkol sa kapatid nito ang kaso hindi
ko magawa ayaw lumabas ng mga salita sa aking bibig.
“Sigurado ka?” Nakataas ang isang kilay nito sa akin para
bang nanunubok, pero wala akong balak na pagbigyan sya ngayon pa’t alam kong
hanggang ngayon matindi parin ang galit ni Claude sa akin.
“Oo, bakit?” Pinilit ko talagang maging normal sa harapan
nya marahil may gusto akong patunayan. Gusto kong patunayan sa kanya na hindi
ako apektado.
Ngumiti ito nang ubod nang tamis sa akin.
“Wala naman. Paano, una na kami nang kuya ko bukas nalang
ulit.” At tinungo na nito ang daan kung saan siguro sya hinihintay ng kapatid
nya habang ako naman ay nanatili parin sa aking kinatatayuan. Claude…
<hr color="blue" width="30%"
align="center"
Kanina pa ako nakatanga halos wala sa sariling naka upo sa
harapan ng aking mga studyante na abala sa kanilang midterm exam.
Bumabalik-balik pa rin sa akin ang muling pagkikita namin ni Claude at hindi ko
maiwasang makaramdam nang pamimigat ng katawan dahil kahit anim na taon na ang
nakakaraan ay hindi parin ako nito napapatawad. Kung tutuusin dapat matagal ko
na itong natanggap o mas tamang sabihin na pinilit kong tanggapin ang
masalimuot na kapalaran naming dalawa.
Hindi ko rin maintindihan ang aking damdamin kung bakit
hanggang ngayon umaasa parin ako na kahit manlang ang pagkakaibigan namin ay ma
isalba ko. Tanggap ko na ang katutuhanang hindi na pweding maging kami dahil
sobrang labo na iyon para sa akin. Pero wala, kasingtaas ng sarangola ni pepe
ang pride ni Claude ang hirap abutin.
Oo, sobrang taas ng pride nito at dahil doon ay tuluyang
nasira ang relasyon namin. Hindi manlang nito pinakinggan ang mga paliwanag ko
noon.
“Sir?” Pagbasag ng aking estudyante sa aking malalim na
pagiisip. Napatingin ako sa kanya bakas sa mukha nito ang pagtataka.
“Your late.” Walang gana kong sabi.
“I’m sorry sir, na flat kasi ang gulong nang sinasakyan kong
jeep eh rush hour, napilitan tuloy kaming maghintay nalang.” Napapakamot pa
nito sa ulong alibi.
“Gasgas na ang alibi mong yan gumawa ka nang bago. Where’s
your pay slip?” Mahiya-hiya nitong ibinigay sa akin ang pay slip nito na
kailangan para makakuha nang exam. Mahigpit kasing ipinatupad ng eskwelahan na
pag walang pay slip o Promissory note na
maipapakita ang mga estudyante ay hindi ito pweding kumuha nang exam.
“Minus 5 points for your tardiness.” Kung nung una ay
nakangiti ako kapag sinasabi ko iyon sa mga late kung estudyante ngayon ay
hindi.
“Pero sir…”
“Go take your seat.” Agad kong pagbabara rito wala na itong
nagawa.
Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa aking mga
estudyante pilit iwinawaksi ang maisip ang kaninang bangongot na nangyari.
Walang rason para isipin ko si Claude, kung nagawa kong mabuhay ng anim na taon
na magisa, kaya ko ulit gawin iyon ngayon. Bakit
ko pa ba kasi naisipang magsimba? Ang naiwika ko sa aking sarili.
<hr
color="grey" width="50%" align="center">
Past
<hr color="grey" width="50%"
align="center">
Halos magdamag naming
ginawa ni Claude ang pagpaparamdam namin kung gaano namin kamahal ang isa’t
isa. Hindi ko akalain na ang tulad nya ay ganun ka hilig, pero natutuwa ako
dahil hindi lang ang sarili nito ang iniisip nya. Tinulungan rin nya akong
makaraos para daw patas kami.
Mas lalong naging
malalim ang pagmamahal ko para sa kanya sa mga atensyon na ibinibigay nito sa
akin. Hindi ito pumasok kinabukasan, nagpakasasa kaming dalawa buong araw sa
bahay nila. Lambingan, kulitan, food trip, movie marathon lahat na ata nang
pwedi naming gawin ay nagawa namin loob nang isang araw. Nang dumating ang
linggo ay tulad pa rin nang dati ang naging routine namin, sinundo ako nito sa
bahay at tinungo ang simbahan pagkatapos ay dinner sa pinag dalhan nito sa akin
nung unang gabi naming dinner date.
Tatlong araw na ang
nakakalipas at sa loob nang tatlong araw na iyon ay sobrang laki nang
ipinagbago nang relasyon namin ni Claude.Tama nga ang sabi sa akin ni Ralf pag
pinagbigyan mo ang isang lalaki halos lahat ay ibibigay sayo at halos sambahin
ka nito.
“Pinsan?” Untag sa
akin ni Ralf. Nasa loob kami ngayon ng karinderya habang hinihintay ang sunod
naming subject sa hapon na iyon.
“Bakit?” Nakangiti
kong tanong sa kanya. High parin ako hanggang ngayon di parin ako makapaniwala
na ang taong mortal kong kaaway noon ay ang taong laman na nang puso ko ngayon.
Life is so ironic.
“Anong bakit? Eh kung
ibuhos ko kaya itong coke ko sa pagmumukha mong kanina pa nakangiti nang walang
dahilan. Addict ka na naman eh.” Bakas ang iritasyon sa mukha nito. Natawa
nalang ako sa kanya at napapailing na kinakagat-kagat ang dulo nang straw sa
aking softdrink.
“In love na nga ang
gago.” Napapailing na rin nitong sabi. “Nakikinig kaba sa mga pinag sasasabi ko
Laurence?”
“Hindi.” Nakangisi
kong sagot. Binato ako nito nang isang piraso nang Mr. Chips na linalantakan
naming pareho.
“Umaadik ka ngayon
ah.” Lumapit ito sa akin at binulungan ako. “Ano, malaki ba?” Napatingin ako sa
kanya at nasa mukha nito ang panunukso.
Napangisi na rin ako
sa kanya. Ewan ko ba pero trip kong patulan ang trip ni Ralf sa araw na iyon.
“Secret baka agawin mo
sya sa akin.” Sabay hagikhik.
“HOY! Excuse me hindi
ko pagpapalit si babe ko noh. Malaki rin yung ano nun.” At sabay kaming
nagtawanan.
Sa kasagsagan ng
biruan namin ni Ralf, hindi namin na pansin ang paglapit ng grupo ni Anna na sa
lamesa namin.
“Hi Ralf.” Bati nito
sa pinsan ko. Pareho kaming napatingin sa kanya.
“Oi Anna ano ang
atin?” Baling naman ni Ralf sa kanya nakangiti parin ito.
“Wala naman. Gusto ko
lang kumustahin ang pinsan mong hilaw.” At sa akin na nito ibinaling ang
kanyang tingin. “So, kayo na pala ni Claude, ano nakita sayo nun at pinagpalit
ako sa bakla?”
Nawala ang ngiti sa
aking mukha nang marinig ko ang sinabi nito. Wala sa expresyon nya ang
nagbibiro seryoso at may galit ang mga mata nito. Hindi ako umimik.
“I can’t believe na
pumatol sa’yo si Claude. Look at you. Ipinagpalit ako ni Claude sa isang
katulad mong baduy na nga bading pa.” Sabay tawa nito na sinundan naman ng mga
kasamahan nito at ibang estudyante na nakakarinig. “Nagiinsulto ba ang taong
yon?” Dagdag pa nito.
“Anna wag ka namang
ganyan.” Pagtatanggol ni Ralf sa akin.
“Totoo naman di ba?”
Si Ralf na ang binalingan ng tingin nito. “Masyadong mataas ang lipad nitong
pinsan mo Ralf.”
Gusto ko nang patulan
ang harapang pangiinsulto nito sa akin, pero wala akong magawa sa sobrang hiya.
Yumuko nalang ako para maikubli ang mukha ko sa mga taong ngayon ay sa amin na
nakatingin.
“Hindi kasalanan ni
Laurence kung sya ang pinili ni Claude..” Hindi na natuloy ni Ralf ang kanyang
sasabihin dahil agad na binara ito ni Anna.
“Pinili? Nagpapatawa
ka ba Ralf? Im sure playmate lang yan ni Claude alam mo naman ang taong yon
gustong-gusto ang lagi syang na i-intertain.”
“Get a life Anna.”
Ringi ko ang seryosong tinig na iyon. Napaangat ako at nakitang nasalikod na
pala ni Anna sina Mike at Claude. Matalim ang mga mata nito at halatang galit
na galit na. Maski si Anna ay na bigla nang makita ito, hindi marahil inaasahan
ang pagsulpot ng dalawa.
“C-Claude?” Bakas ang
pagkabigla sa boses nito.
“Anong ginagawa mo sa
misis ko? Sino nag bigay ng pahintulot sayo na insultuhin sya?”
Sa mga oras na iyon ay
nakaramdam ako nang matinding tuwa sa aking mga narinig kay Claude. Kung
masarap sa pandinig ko ang salitang misis kapag binabanggit nya iyon ng kaming
dalawa lang ay na duble ito ngayon nang halos walang pagdadalawang isip nya
itong sinabi sa harap nang maraming tao sa karinderyang iyon.
“Misis? Claude
nagpapatawa kaba? Don’t tell me na sine-seryoso mo na itong bading na to?”
Sabay turo pa sa akin. Gusto ko nang mawala sa lugar na iyon sa sobrang hiya at
pagkainsulto.
Lumapit si Claude sa
akin at hinila ang katabing upuan at umupo katabi ko. Inakbayan pa ako nito.
“Ano ngayon sayo?”
Lumabas ulit ang angas ni Claude. “Walang rason para magpaliwanag ako sayo
dahil hindi naman naging tayo.” Rinig kong natawa ang ibang tao na halatang
nageenjoy sa nakikitang eksena.
Ibinalik nito kay Anna
ang ginawang pangiinsulto nito sa akin kanina. Halata sa mukha ang matinding
puot at hiya kay Anna sa mga sinabi ni Claude napuruhan ang bruha.
“Ang kapal ng mukha
mong ipahiya ako sa harap ng maraming tao!” Nang gagalaiti na ito sa galit.
Kahit naman siguro sinong babae ay magagalit kung lalaki mismo ang mag dump
sayo sa harap pa nang maraming tao.
“Masakit? Ngayon alam
mo na siguro ang pakiramdam ng binabastos sa harap ng maraming tao. Ulitin mo
pang lapitan at awayin si Lance at sisiguraduhin ko sayong hindi kita
sasantuhin kahit babae kapa.” May bahid ng pagbabanta nitong sabi. Napaatras ng
bahagya ang dalawang babaeng kasama nito.
“Pag babayaran mo ito
Samaniego! Isusumbong kita sa mommy mo!”
“Wag mo akong
pagbantaan Anna alam mong di uubra yan sa akin. Lumayas kana rito kung may hiya
kapang natitira sa sarili mo.” Nakangising aso nitong tugon. Wala talagang
sinasanto ang kumag kapag galit ito lumalabas ang kayabangan at angas nito.
Inis na nag walkout si
Anna kasama ang dalawang aliporis nya. Medyo nakaramdam ako nang awa sa kanya
medyo lang naman. Doon ko lang nakita ang expresyon sa mukha ni Mike at Ralf na
parehong natatawa sa mga pangyayari.
“Hala ka tol masyado
mo atang na sindak si Anna mababawasan na ang fan club mo.” Naka ngising wika ni
Mike.
“Sya pa naman ang
leader nun.” Gatong pang sabi ni Ralf.
“Pakialam ko.” Sabay
kuha nito sa softdrink kong nakapatong sa mesa at walang anu-anong uminum bago
bumaling sa akin. Parang wala lang sa kanya ang mga nangyari.
“Wag mo na pansinin
yong isang yon misis.” Ang bilis mag palit ng expresyon. Kung kanina ay maangas
ang dating nito, ngayon ay nakangiti na ito nang ubod ng tamis sa akin. Kung
hindi ko lang nakikita si Mike at Ralf na sa ngayon ay nakangisi parin ay
sasabihin kong hindi talaga nang yari ang lahat.
“Masyado mo naman
atang pinahiya ang tao.” Ang naiwika ko nalang. Nakonsensya kasi ako kahit na may
bahagi nang puso ko ang natutuwa sa nang yari.
“Bagay lang yon sa
kanya.” Tugon ni Mike na sinangayunan naman ni Ralf.
“Di ba kaibigan nyo
yon?”
“Noon yon misis ngayon hindi na. Wag mo na
masyadong isipin yon.” Si Claude ang sumagot sa tanong ko sa dalawa.
“Paano kong isumbong
ka nga nya sa mommy mo?” May bahid nang pagaalala kong sabi. Natatakot kasi ako
na kapag nalaman ng magulang ni Claude ang relasyon namin ay papaglayuin kami
nang mga ito.
“Okey lang. Sino
tinakot nya?” Nakangisi na naman nitong sabi.
“Ang yabang mo.” Basag
ko agad sa kanya na tinawanan naman nilang tatlo. Isinangtabi ko nalang muna
ang mga alalahanin na iyon. Kontento na ako na ipinagtatangol ako nito.
Natapos ang klase namin
sa araw na iyon. Hindi na nagpakita si Anna sa akin at naging instant sikat
naman ako sa buong campus dahil kumalat ang eksenang nangyari sa karinderya.
Maraming mga estudyante sa department nina Claude at Mike ang lumapit sa akin
at ikinumperma ang relasyon namin na puro naman ngiti ang sagot ko. Ayaw kong
magbitiw ng kahit na anong kumento patungkol sa status namin hindi dahil
nahihiya o ikinahihiya ko ang relasyon na meon kami kung hindi dahil gusto ko ring protektahan si
Claude.
Kasama si Ralf ay
pumunta kami sa tambayan namin para hintaying matapos ang klase nang dalawa
naming minamahal. Yon kasi ang nakasanayan na nila ni Mike noon at ngayon
hinihiling na rin ni Claude sa akin na pag ako ang nauunang lumabas ay hintayin
ko sya.
Habang abala kami ni
Ralf sa pagkukwentuhan ay lumapit sa amin si Alfie. Hindi ko inaasahan na sa mga
oras na iyon ay nasa Campus pa sya. Ang alam ko kasi kanina pa tapos ang klase
nito.
“Oi musta?” Ang bati ko
sa kanya.
“Okey lang naman.
Pwedi ba kitang makausap Lance?” Malungkot ang mukha nito. Napatingin muna ako
ay Ralf para magpaalam at tumango naman ito sa akin.
“Bili lang ako Softdrink
sa canteen.” Wika ni Ralf sabay tayo.
Hinintay muna ni Alfie
na tuluyang makalayo si Ralf bago ito muling nag salita.
“Totoo ba ang balitang
kayo na ni Claude?” Ang wika nito sa mahinang tinig.
Inaasahan ko na ang
tanong nyang iyon, pero nahirapan parin akong sagutin sya. Ilang sigundo ring
namayani ang katahimikan bago ako nag salita.
“Oo.” Mahina kong
sagot.
“Okey.”
Katahimikan ulit.
“Mahal ka ba nya?”
Maya-maya’y wika ulit nito.
“Sa tingin ko naman
Oo.”
“M-Mahal mo ba sya?”
Medyo nag crak na ang boses nito pero hindi ko makita ang expresyon ng mukha
nya.
“Oo, mahal ko sya.”
Muling namayani ang
katahimikan. Ilang minuto rin itong hindi nagsalita ako man ay wala ring
mahapuhap na idudugtong sa sinabi ko.
“Masaya ako na masaya
ka Lance.” Sa wakas ay binasag muli nito ang katahimikan. Hindi ko maintindihan
kong bakit hindi ko maramdaman na masaya nga ito.
“Mag kaibigan pa rin
naman tayo kahit na may boyfriend kana di ba?” Ngayon ay ini angat na nito ang
kanyang tingin.
“Syempre naman hindi
na magbabago iyon.”
“Promise mo yan?”
Di ko alam pero parang
sinundot ang aking puso. Marahil ay dahil nakikita ko ang kalungkutan sa mga
mata nito. Gusto ko sanang tanungin sya kung ano ang problema, pero hinayaan ko
nalang. Hindi rin naman ako sigurado kung magugustuhan ko ang malalaman ko.
“Promise.”
Katatapos lang naming
mag dinner ni Claude at ngayon ay ako na ang nasunod kung saan kami kakain.
Dahil nga paborito ko ang bar-be-que ay dinala ko sya sa isang murang lugar.
Sarap na sarap naman ito sa pagkain walang arte itong nag kamay na ikinatuwa
ko.
“Nag-usap raw kayo ni
Alfie kanina?” Wika nito sabay sindi nang sigarilyo nya.
“Oo kanina nung
hinihintay namin kayo ni Ralf.”
“Ano ang sabi?”
“Wala naman.
Nangumusta lang at..” Medyo nag aalangan ako kung sasabihin ko sa kanya ang
napagusapan naming ni Alfie.
“At?” Sabi nito nang
hindi ko masundan ang sasabihin ko.
“At kinumperma kong
totoo bang tayo na.”
Bumakas ang interes sa
mukha nito.
“Anong sinabi mo?”
“Para kang sira.
Itapon mo nga yang sigarilyo mo puro usok na nga rito.” Itinapon naman nito ang
hawak nyang sigarilyo.
“Ayan wala na. So, ano
ang sinabi mo?” Nakangiti na nitong sabi. Halata kay kolokoy na intersado syang
malaman ang naging sagot ko kay Alfie.
“Syempre sinabi kong
totoo.” Nagliwanag ang mga mata nito.
“Tapos? Ano ang sabi
nya?”
“Hindi halatang
intersado ka ah.” Ngumisi lang ito sa akin at kumindat.
“Tinanong nya kong
mahal raw kita, syempre sinagot ko nang oo.”
“Talaga? Sinabi mo
yon?” Hindi pa rin mawala ang tuwa sa mga mata nito.
“Bakit mister, gusto
mo sabihin kong hindi kita mahal?” Pangiinis ko sa kanya.
“Wala akong sinabing
ganyan misis. Halika rito tabi tayo.” Ito ang rason kong bakit sa maikling
panahon ay napahamal sya sa akin.
<hr
color="grey" width="50%" align="center">
Present
<hr color="grey" width="50%"
align="center">
“Sir, may tawag po kayo sa telepeno.” Wika nang isang
estudyante na nasa labas ng pinto marahil ay inutusan ito nang kung sinong tao
sa faculty.
Nangunot naman ang noo ko dahil wala akong ine-expect na
tawag.
“Sino raw?”
“Hindi ko alam sir eh.”
“Sige salamat.” At tinungo ko na nga ang faculty room kung
saan ang telepono. Sakto namang kalalabas lang ni Chatty at patungo na ito sa
susunod nyang subject.
“May tawag ka.” Wika nito.
“Sabi nga nang estudyante.” Pang iinis ko sa kanya.
“Tse! Wala kang kwentang kausap makaalis na nga.” At tuluyan
na nga itong umalis at ako naman ay pumasok na sa loob ng faculty room.
“This is Mr. Cervantes. Sino po sila?” Walang akong narinig
na sagot sa kabilang linya. Balak ko na sanang ibaba ito nang marinig ko itong
huminga at nag salita.
Itutuloy:
asda
ReplyDelete