ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Monday, October 22, 2012

4 Minahal ni Bestfriend : Desperado part 1



            Kamusta po sa inyong lahat?! ^_^

            Unang una ay gusto ko muling magpasalamat sa mga sumumbaybay sa first 3 books ng MNB. At ngayon, hayaan ninyo akong i-wecome kayo sa bagong yugto ng aking "Minahal ni Bestfriend" series.

            Pero bago ang welcome ay may favor muna ako. Hahaha! Pa follow naman po ng blog.. Heheheh. Sige na :P Hahaha!! And nga pala guys, you can add me up on fb pa din. We have a growing community sa fb and I hope ay i-add nyo ko ng mai-add ko din kayo sa ating group. We will be having events soon so sana sumali po kayo. :) Ito po ang link ng aking fb acct. :)  http://www.facebook.com/kenji.bem.oya PAKIUSAP lang po na magpakilala lang kayo upon adding para ma add ko na kayo agad sa group :) Thanks!! So.. ito na!!

             WELCOME!!! ^_^

             Ayan, since na welcome na kayo, ay patuloy na ng opening remarks ko.. Ang series na ito ay magkakaroon ng malaking pagbabago. Magkakaroon ako ng mga kaunting mature scenes. Kung ano man yun, ay kayo na lang po muna ang umalam.

             At dahil dyan ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO,  cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com,  at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.     


             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.






            Ang kwento ko ay napaka pangkaraniwan. Isang nagmamahal na walang patutunguhan. Alam ko, maraming makakarelate sa sa sitwasyon ko. Nagmamamahal ng isang tao kahit alam mong walang pagtingin sayo. Pilit nagiging kaibigan kahit pa iba ang sinisigaw ng isip mo. Bumubuo ng mga eksena sa isip mo kung saan masaya kayong dalawa. Kung saan, ikaw ang mahal ng minamahal mo. Na dadating ang araw na sasabihin din nya sayo ang mga bagay na gusto mong marinig mula sakanya. Umaasa. Umaasa ng umaasa.

            Mahirap maging kaibigan lang sa isang taong itinitibok ng puso mo. Pilit mong winawaksi ang mga bagay na ipinapakita nyang maganda sayo kasi alam mong “kaibigan” lang ang tingin nya sayo. Pilit mo ding kikiligin pag nagkukwento sya tungkol sa nagugustuhan at kinapupusuan nya. Pilit na maging masaya kahit pa sa loob mo’y umiiyak ka na. At ang higit na masakit ay ikaw ang unang tatawagin nya sa oras na malungkot sya dahil sa bigo o may problema sa minamahal nya. Yung tipong iiyak pa sya sa harap mo. Yung madudurog ng doble ang puso mo habang nakayakap sya at umiiyak. Hindi mo mapigil isipin at sabihin sa sarili mo na “Kung ako lang sya..”, o “Ako na lang kasi..” o ang korny pero masakit na “Kung ako na lang sana..”

            I was not a person who was seeking love and attention. Pero hindi ibig sabihin na hindi ako nangangarap. Of course, gusto ko ding magmahal at mahalin. Sino ba namang hindi? Lahat naman siguro ay alam ang sinasabi ko.

            “What a good looking man.”, they always say. Nasa 5’9 ang taas, magaganda ang pangangatawan dahil sa hilig sa sports. May kaputian, at ang higit na maipagmamalaki ko ay ang pantay pantay at mapuputi kong ipin. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, pero this are the things that people use to describe me.

I must say na hindi ako ang typical na binata. Usually, guys my age ay adventurous, impulsive at buhay na buhay ang dugo. Pero ako ay hindi, kung bakit ay yun ay dahil sa masasabi kong may pagka loner ako. Well, not really, mas maganda siguro kung magiging honest na lang ako at ipagtatapat ko sa inyo na medyo “choosy” ika nga akong tao. It’s not that may qualifications ako para maging kaibigan ang isang tao, siguro ay I don’t really do well in crowd.

By the way, I’m 25 years old… and believe it or not. I’m still a virgin.

I don’t remember much about my childhood. As a matter of fact, parang kusang binura ng utak ko ang memory ko ng aking pagkabata. Maybe they were too painful. I just woke up one day na nalimutan ko na ang aking nakaraan. Or dahil na rin sa tulong ng mga tao sa paligid ko ay nakalimutan ko ang pait na dala ng kahapon.

Again, I was lying. Bat ba hindi ko na lang masabi ang totoo? Dahil masakit? Dahil hindi ko matanggap? O dahil tao lang din ako at yun ang ginagawang defense mechanism ng utak ko pantawid at pagharap sa buhay ko?

Ito ang totoo.

I’m a guy without an identity. Hindi ko alam saan ako nagmula, kung sino ang magulang ko, o kung ilang taon na nga ba ako talaga. Pwede mo ng sabihin na I am a man with no soul. Atleast, that is how I consider myself. Yun din ang rason ng pagiging aloof ko sa mga tao. Dahil sa inggit. Inggit na kahit mahirap ang buhay ay may kasigaraduhan sila kahit man lang sa sariling pangalan, sariling pagkatao….







Cyrus










“Cyrus!!!”, sigaw ni Mang Berto.

Cyrus- yan ang pangalan ko, o ang tawag nila sakin. At si Mang Berto naman ang kumupkop sa akin. Sya na ata ang pinaka mabait na taong nakilala ko. Kahit pa alam kong hindi kami magkamag anak ay turing nito sa akin ay parang sariling anak.

Una pa lang ay alam ko ng hindi kami magkamag anak ni Mang Berto dahil na rin sa magkaibang magkaiba ang ichura naming. At hindi rin naman ito itinago ni Mang Berto sa akin.

“Po?”, sagot ko kay Mang Berto.

“Andyan na ang sundo mo.”, sagot nito sa akin.

Agad akong nagsuot ng tshirt at lumabas ng kwarto ko. Agad ko syang nakita, ang taong nagbibigay kahulugan sa bawat gising ko. Si Cedric. Binati naman agad nito ng ngiti.




Cedric









“Ano, tara na?”, ngiting bungad nito. Gumanti naman ako ng ngiti at nagmano kay Mang Berto bago tuluyang lumabas.

Maganda ang gabi. Kakaunti lang ang ulap kaya naman litaw na litaw ang mga kumikislap kislap na butuin sa langit. Malamig din ang simoy ng hangin.

Sobrang sweet na tao si Cedric. I’ve been inlove with him for as long as I can remember. Napaka thoughtful at maaalahanin pa nya. Sino ba namang hindi maiinlove.

Araw araw ay sinusundo ako ni Cedric sa bahay at sabay kaming pumapasok sa trabaho. Kapwa kami mga waiter sa isang bar. Ngunit nagkakilala naman kami dahil na rin sa magkapitbahay kami. Tatlong bahay lamang ang pagitan ng aming bahay at ng kanila.

Pagpasok na pagpasok naming ng bar ay agad kaming nag time in. At pagkatapos ay nagpunas ng mga table, inayos at chineck ang mga tissue sa bawat table, etc.. Mga usual na gawain ng isang waiter.

Hindi pa man din kami natatapos ng nagsidatingan na ang banda. Sila ang regular band sa bar na ito at masasabi mo naman na magaling talaga sila dahil ang dami naming naging parokyano ng dahil sakanila.

Nang matapos kami makapag ayos ng bar ay lumapit kami sa banda. Katropa kasi namin ang mga ito. Lalo na ang kanilang lead vocalist na si Geoffrey, o “Geoff” na nakagawian naming itawag sakanya.







Geoff





Umupo kaming tatlo nila Geoff at Cedric sa isang table. Dahil nga band member si Geoff ay pwede ito kumuha ng kahit anong inumin ng libre. Isa yun sa mga benefits nila bilang banda ng aming bar.

“Orange Juice muna. Kakakain ko lang, eh. Mamaya na ko lalaklak.”, patawang sabi ni Geoff sakin. Agad ko naman kinuha ang juice nito.

Pagkabalik na pagkabalik ko sa table ay naupo ulit ako. Napapatitig lang ako paminsan minsan kay Geoff habang naguusap kami ni Cedric. Magaling mang magkubli si Geoff ay alam kong may gusto ito kay Cedric. Obvious na obvious naman kasi sa mga titig at kilos nito. Kulang na nga lang ay ihagis ako ni Geoff para masolo nya si Cedric. Pero hinahayaan ko lang sya, total, alam kong ako ang mahal ni Cedric.

Alam na sa bar ang relasyon naming ni Cedric at wala namang tumututol doon. Basta’t sinabihan kami na hindi dapat maipaalam ito sa kahit kaninong customer. Kailangan din daw na pairalin naming ang aming professionalism pagdating sa trabaho.

Napakagaling makisama at masarap talagang kasama ni Cedric. He could make anyone like him just by talking. Talent nya ata yun, plus, he really is likeable. I mean, with those puppy dog eyes, makakapal na kilay, matangos na ilong at maliit na lips? Oh! Cmon! Sino bang hindi mapapangiti pag nakita mo sya?

Kaya naman everytime na nagtatagpo ang mga mata naming ay talagang nalulusaw ako paunti unti. I just keep on falling for him everyday. And I know he feels the same. Kahit pa araw araw na lang ay ang daming nagpapapansin at nagpapacute sakanya ay deadma lang ito. He would always look at me at magbibigay ng isang kindat. It was his way of making sure na ako lang ang mahal nya.

Kitang kita ko ang inggit sa mata ni Geoff habang naguusap kaming tatlo at hawak hawak ni Cedric ang mga kamay ko. Kahit pa lingid sa kaalaman ng iba ang natatagong pagmamahal ni Geoff kay Cedric ay amoy na amoy at kitang kita ko ito. Pero ano bang magagawa nya? Ako ang mahal ni Cedric! Ako….

Again.

Again, I was lying.

Gawd! I wish I could just stop lying at sabihin na lang ang totoo.

Hindi si Geoff ang inggit na inggit sa t’wing nagtatagpo ang mga mata namin. It was me. It was me who is wishing na sana ako yung tinititigan ni Cedric. Ang kinikindatan nito sa t’wing maraming nagpapacute sakanya. At ang hawak hawak na kamay ni Cedric sa t’wing kami kami lang ang tao.

Ilusyonado ba? Oo, I admit.

Paulit ulit kong iniimagine na ako si Geoff. Na ako ang mahal ni Cedric. Ang totoo ay ako ang taong sinasabi ko kanina na kulang na lang ay halos ihagis na lang si Geoff para mapasakin si Cedric. At ako din yung taong walang ibang nakakaalam sa pagmamahal ko para kay Cedric. Hindi naman kasi binibigyang malisya ng lahat ang pagkakaibigan naming ni Cedric. Not even Geoff. Para lang kasi kaming magkapatid ni Cedric daw. Close, oo, pero not to the point na pinaghihinalaan nila. Lagi naman kasing pinagmamalaki ni Cedric na utol nya ako.

Masarap sa pakiramdam. Dahil kaya  ko ipakita ang pagmamahal ko para sakanya kahit sa harap ng iba. Hindi ko kailangang magalala sa sasabihin ng iba.

GAWD!! Tama na ang pagpapanggap!!

Actually, masakit. Napakasakit. Na kahit anong gawin kong pakita ng intension ay hindi nya ito makita kita. Na kahit ano pang gawin at ipakita ko sakanya ay kapatid lamang ang turing nito sa akin. Na sa araw araw ay pinagkakasya ko na lang ang sarili ko sa mga ilusyon at pantasya ko para sa aming dalawa. Na sana.. ako na lang ang mahal nya…

Natapos ang buong gabi at pagod na pagod kami. Ang dami nanaman kasing mga customer na nagsidatingan. Meron pang may birthday kanina kaya naman nagdagsaan ang mga tao. Halos latang lata akong nagbihis para umuwi. Napansin ko naman na pagod at tahimik lang si Cedric habang nag aayos din.

“Ito nanaman po kami…”, sambit ko sa aking sarili.

As usual, kung sabay kaming pumasok sa trabaho ay sabay din kaming umuwi. Nauna akong makapag bihis kaya naman nauna na akong lumabas at nagsindi ng yosi habang naghihintay lumabas si Cedric.

Halos kakasindi ko pa lang ng agad namang lumabas si Cedric. Hindi ito nagsasalita. Sumenyas lang sa akin na aalis na kami. Ako namn ito, si sunod lang sa paglalakad habang nagyoyosi pa din.

“Yosi ng yosi…”, sabay hablot ni Cedric sa yosi ko at hithit.

“Pasensya naman ha! Nakakahiya naman sayo. Ito oh, hindi pa nasisindihan!”, sabay abot ng stick ng yosi. At kuha ulit sa yosi ko.

“Sindihan mo na.”, malamig at malungkot na sabi nito.

“Arte! Sisindihan na lang, ako pa!”, pagbibiro ko. Pero sinindihan ko pa din naman.

Tahimik pa rin si Cedric hanggang sa maka abot na kami sa harap ng aming bahay.

“Sige, kita na lang tayo bukas.”, malungkot at pagod na sabi nito.

“Teka, sandal!”, pagtawag ko dito.

“Huh?!”, pagod na sabi nito.

Agad kong binuksan ang bag ko.

“Oh, eto. Nanenok ko kanina.”, sabay abot kay Cedric ng plastic na may lamang pagkain sa loob. Actually, hindi ko naman talaga ninakaw yun. Nadaan ko lang sa pambobola sa mga customer kanina.

“Huwag na, para sa inyo na lang yan ni Mang Berto.”, sagot nito. Sabay labas muli ng isang plastic sa bag ko.

“Meron na din!!”, buong ngiti kong sabi sakanya. Medyo natawa ito at umiling iling.

“Ikaw, bilib din ako sayo dumiskarte eh, noh!”, medyo ngiti na nitong sabi. Natuwa din naman ako dahil napangiti ko rin sya sa wakas. At ang mga ngiting yun ay dahil sa akin Kaya naman mas ikinatutuwa ko yun.

Gumanti lang ako ng ngiti sabay kaway sakanya habang naglalakad sya palayo.

Pagpasok ko ng bahay ay tulog na si Mang Berto. Inilagay ko na lamang sa lamesa ang pagkain upang may kainin ito pag gising. Ang totoo kasi, pang dalawang tao lang ang pagkaing nanenok ko kanina. Kaya isa para kay Mang Berto at isa para kay Cedric.

Kumuha ako ng mainit na tubig at dinala ito sa kwarto ko. Wala na kasing pagkain kaya naman yun na lang ang ipantatawid ko ngayong gabi. Nagshower naman ako sandali para pagbalik ko ay din a gaanong mainit ang tubig at pwedeng pwede ng inumin.

Nang matapos ako ng pagshower ay humiga ako ng bahgya. Yung tipong kalahati nakahiga, kahati, nakaupo. Kinuha ko naman agad ang cellphone ko para itext si Cedric ng goodnight ng…

Beep. Beep.

“Gcng ka pa?”, pagbasa ko sa text. Si Cedric.

Beep. Beep.

“Oo. Pero patulog na..”, pagreply ko.

Beep. Beep.

 “Pwd b q m2log jan?”

Beep. Beep.

“Ha? D k p b ngsswa s mukha ko?! XD”, birong reply ko.

Beep. Beep.

“Ano na nga?”, tanging reply nito.

Beep. Beep.

“K. Miscol k pg nsa baba k n.”, reply ko nmn.

Ngunit tatayo na sana ako papunta sa baba ng biglang may pumasok mula sa bintana ko na sya namang ikinagulat ko.

“Anong nangyari sana nagmiscol ka pag nasa baba ka na?!”, pagsaway ko kay Cedric.

“Arte neto.”, sabay higa nito sa kama ko. Napansin ko namang may bitbit ito.

“Oh, ano yang dala mo?”, tanong ko.

Muling umupo si Cedric at nilabas mula sa maliit na bag nito ang dalawang platito at kutchara’t tinidor.

“Hoy, ano to? Picnic?!”, sarkastiko kong sabi.

Bigla naman itong lumingon sa lamesito ko sa gilid ng kama.

“Oh, eh eto? Ano to?! Sinasabi ko na nga ba, eh. Binigay mo nanaman sakin ang pagkain mo.”, pangmamata nito sa akin.

“Hoy! Hindi, ah! Ah.. Ano.. Ano kasi.. Diet ako!!!”, maang maangan kong sagot. Natawa nanaman ito ng bahagya.

“Diet mo muka mo! Anong ididiet mo? Buto?! Tingnan mo nga yang katawan mo!”, pang aasar neto.

“Grabe naman to! Kala mo naman payat ako.”, pagdedepensa ko.

Tiningnan lang ako neto.

“Payat nga akong tingnan, pero puro muscle naman ako, noh!”, dagdag ko pa.

“Ah so, ayaw mo nga kumain? Dinala ko pa naman to dahil gusto sana kita kasabay kumain.”, kunwaring panghihinayang nito.

“Eh kasi naman ilabas mo na agad agad yan ng makakain na tayo naman kasi..!”, bigla kong upo sa harap nya at kuha ng platito at kutsara.

Isa to sa mga moments na hindi naman talaga matatawaran. Ang pagiging sweet nya lalo na sa akin. Ang masakit nga lang, ay nagkakaroon ito ng ibang ibig sabihin sakin kahit ang sakanya ay pawing kapatid lang talaga ang tingin nya sa akin. Ako lang tong laging nagbibigay ng malisya.

“Sa susunod nga ha. Wag puro mainit na tubig ang pantawid mo sa gutom. Huuwag mo ibibigay sakin kung wala ka namang kakainin.”, medyo galit na sabi nito.

“Eh diet nga ako!”, ppang iinis ko.

“Ah… Diet ha!! Hmmm!”, sabay dukot ng pagkain mula sa plato ko.

“Aba!”

“Oh, may reklamo?! Diet ka, diba?”

“Huwag muna ngayon! Piknic to! Picnic!!”, sabay tawa ko. Tumawa din naman si Cedric.

Ngunit habang kumakain kami ay balik sa pagkatahimik nanaman si Cedric. Hanggang natapos na lang kami kumain ay tahimik pa din ito. Inabutan ko lang ito ng tubig na maiinom at tapos ay pinatay ko na ang ilaw at nahiga na kami.

Tahimik.

Paikot ikot si Cedric sa higaan. Tipong naghahanap ng pwesto para makatulog. Hindi tuloy ako makatulog ng maayos.

“Magsasalita ka ba, o huhulaan ko na lang?”, bigla kong sambit. Tumigil naman ng pagkilos si Cedric.

“Who is it this time?”, tanong ko. Ngunit hindi sumagot si Cedric. Tumayo lang ito at kinuha ang pantalon ko at kumuha ng yosi at nagsindi.

Tahimik lang akong nakahiga hanggang natapos magyosi si Cedric at muling nahiga.

“Wala. Praning lang ako. Nakita ko kasi kanina yung sa table numbe…”

“Number 8.”, sabat ko.

“Huh? Paano mo…”

“Nako, tell me something I don’t know.”, pagsagot ko.

“Wala, syempre. Alam ko naman eh, na parte ng trabaho nya ang may magkagusto sakanya dahil ikaw ba naman ang nasa banda, at bokalista ka pa. Tapos, hindi mo pa magawang magselos dahil sa patakaran sa bar.”, malungkot na sabi nito. Bigla namang umupo si Cedric.

“Ito nanaman.”, bigay ko ng malalim na buntong hininga sabay upo din.

“Nakakapagod na kasi. Ilang beses na ito. Nung una, pacute lang sya sa mga tao. Kasi syempre, para balikan sya. Pero recently, nakikipagkita na sya sa mga yun. Tapos ang dami ko pang nababasa sa cellphone nya.”, narinig ko ang pagccrack sa boses ni Cedric. Dama ko ang lungkot at sakit sa boses nya.

“Masakit na kasi, eh. Dalawang beses ng niloko nya ako. Oo, pinatawad ko na sya pero. Lagi na lang paulit ulit yung gantong eksena sa amin. Tapos kanina…”

“Ano meron kanina?”, tanong ko.

“Ah, wala. Lasing lang kasi sya non.”, pagtanggi nitong sabihin.

“Eh lasing naman pala sya eh. Edi tulog na tayo.”, pagkukunwari kong higa. Kundi kasi ako magiinarte ng ganito ay hindi nya tuluyang sasabihin.

“Sinabihan nya ko na kung di ko matanggap ang trabaho nya eh mabuti ng maghiwalay kami…”, biglang iyak na sabi nito.

Wala akong nagawa kundi hagurin ang likod nito. Buti na lang at madilim kaya hindi nya nakikita na sa pagiyak nya ay napaiyak na rin ako.

“Ssshhh… Okay lang yan.. Magkakaayos din kayo.”, sagot ko sakanya sabay ipit ng hikbing pilit na kinukubli.

“Hindi mo kasi alam kung gaano kasakit, eh…”, malungkot at iyak pa din na sabi nito.

“Mas alam ko. Alam na alam ko…”, tanging naisagot ng utak ko. Sabay punas ng luha habang walang maisagot sakanya.

“Pasensya ka na, ikaw nanaman ang hiningahan ko, ah..”, pagsabi nito.

“Sus! Wala yun! Ikaw pa! Lakas ka sakin, diba? Utol nga, diba?”, magiliw kong sabi.

Kahit pa ang gusto kong sabihiin sakanya ay…

“Ako na lang kasi Ced… Ako na lang…”






54 comments:

  1. weee!!! ganda agad ng pangbungad ng chapter 1 :D! may bago nnaman kaming mamahalin na characters <3 cedric ,cyrus,geoff! <3 matyr at love triangle nnamn ito :D goodjob kuya! chapter 2 pls!

    ReplyDelete
  2. waaah!! am i the first to comment? haha.. basa mode muna.. :D yahooooo! ;) thanks idol ko!!
    johnjamesjohn

    ReplyDelete
  3. Mixed Emotions naman tong unang chapter nang book 4 mo sir ken pero aus na ayos din, ibang character as expected at tsaka mabuti rin para makapagpahinga na yung ibang character sa mga previous books.. tsaka medyo seryoso na to dito .. sure ako more on mature love story ika nga

    KUDOS po sir Ken !

    ReplyDelete
  4. "Kung ako na lang sana" ang Theme song pala nito...hehehehe hmm parang puro heartaches to ha... lihim na nagmamahal.. OMG.. bagong susubaybayan na naman.. Keep it up... Cheers for this another magnificent work.. (^_^)

    ReplyDelete
  5. "Kung ako na lang sana" pala ang theme song nito... Cheers for another great work... Keep it up...

    ReplyDelete
  6. chapter 1 palang di na ako makahuma,paano pa sa mga susunod na chapters?hahaha!ang galing galing!

    a very nice start Ken :))

    ReplyDelete
  7. bagong inspirasyon na naman ito!!!! uh!!! i can feel it! :D
    johnjamesjohn

    ReplyDelete
  8. wow nice ang kulit super sweet ng pambungan,
    isang dakilang pag ka martyr nanaman ang peg.

    nice one ken hehe :)

    XOXO "ARSTEVE"

    ReplyDelete
  9. wahh.... trill.. mag-eenjoy nanaman ako nito.. panibagong aliwan dito sa Saudi.. keep on writing author... una palang.. martyr mode na agad... hehehe..

    marc of K.S.A.

    ReplyDelete
  10. that was fast... yesterday was the teaser then tonight book 4 na agad... :)) nice one sir Ken!! :3 ang ganda ng start ng book 4. May susubaybayan nanaman ako.. weee.... :3

    ReplyDelete
  11. nice introduction like it il be waiting nxt page
    hirap tlg ng ganyan ang situations,

    ReplyDelete
  12. HANGSAKIT!!yun lang masasabi ko huhuhuhuhu


    :((

    excited much ak sa mga nakakaiyak na mga scenes hehehe

    ReplyDelete
  13. Whoa!. Amazing. Oy ahh!. Andami niyo ho atang experience with bestfriends? Kaloka eh. Hehehe. Kuhang-kuha niyo ang mga typical na pangyayari between bestfriends. :D

    ReplyDelete
  14. Waaah!!! May book4! Yehey. New story and characters ang aabangan. :) mukhang magiging maganda din to gaya nung mga nauna XD.

    -Pao

    ReplyDelete
  15. let the journey begin! way to go kuya ken!

    ReplyDelete
  16. Ayan ha! Dramatic agad ha!

    Kakarelate ako. Dati ganyan ako....

    ReplyDelete
  17. grabe! feeling ko ako yung nasa story. galing talaga :)

    ReplyDelete
  18. aw ok, kakaiba nga ang start compared sa mga nauna, unang sabak drama na at my mlikot na intro pa na nkakalito :o
    gling m mglaro ngaun idol :))

    peo para naman tong time machine, para aqng bnalik sa panahon 7 years ago :(

    very nostalgic Y-Y

    ReplyDelete
  19. anlakas maka-Kpop ng casting.. :p

    early fave ko na agad c cedric at cyrus.. cla na love team.. :p

    ReplyDelete
  20. Daming naka relate. Im sure maraming mag aabang ng update nito. And isa na ako dun. Haha.

    ReplyDelete
  21. omegad! ayus t ah kakaiba.. yehey! kaabang abang :D kudos ken

    ReplyDelete
  22. Im back! Mnb 2-3 was good but i can seethat this one zis better. Spell relate? AKO. Hahaha
    Keep it up po! :-) nakakawala ng stress sa work at kapartner na ubis ng seloso ahaha


    Ivan d

    ReplyDelete
  23. Yun oh! Bagong susubaybayan! Ganda ng Chapter 1! Thank you Ken nabati mo pa ako kahit di na ako nakapagcomment sa finale ng book 3. Naospital kasi ako ng 1 week eh.

    At dahil sa chapter 1 na ito, daming bumalik na memories sakin..

    ReplyDelete
  24. Grabe nkarelate po aq. I was also inlove with my friend. Girl sya. May pagtingin aq s knya pero sabi nya hanggang friends n lng daw kami. Anyway, great job. Kala ko 22o ung pinagsasasabi ng bidang c cyrus di2 yun pala ilusyon lang. Great job.

    ReplyDelete
  25. ang ganda naman, wowooh!!! sana ipost na ang kasunod na chapters....

    ReplyDelete
  26. pAno kNg hWAk mO aNg kMAy ng bStfRENd mO
    aT kMAy nG mhAl mO, tApoS nPuwIng aNg mTA mO,
    cNoNg bbtWAn mo? kMAy ng bStfRiEnd mo o kMAy nG mHAl mo?.......................kunting emo lang

    ReplyDelete
  27. wow./. first chapter plang to,.,astig na kgad,., atleast ito alam ko ng npatol din sa lalaki ung bida,., wala na ung parte na naguguluhan sila sa sarili nila,., hahaha

    gustong gusto ko tlga ung mga bestfriend na story,. how i wish na may bestfriend din ako,., haha

    ReplyDelete
  28. ^_^ kelan po ang pasok ni LARC? magiging loveteam cla ni CYRUS?weee sana ung mangyare..xcited much

    ReplyDelete
  29. CYRUS-LARC LOVETEAM,sana sana sana hehehe

    ReplyDelete
  30. panalo!! 1st chapter palang nakakaexcite na,
    can't wait sa next chapter...
    the best ka ken. ^_^

    ReplyDelete
  31. Bongga naman to..

    Haist may aabangan na naman ako nito..
    Maiinlove nanaman ako nito..

    ReplyDelete
  32. Bongga naman nito..

    Haist may bagong nanaman akong aabangan nito..

    ReplyDelete
  33. you never fail to amaze..super galing from Book 1 up to this book 4, npakainteresting basahin..

    galing!idol na kita kuya ken!cnsya ngaun lng nkpgcomment..tnatamad kc palagi..hehe.pero syempre,nakakahiya nmn kng mgbabasa n nmn aq..haha

    tnx for this.

    -akosiLonelyBoy-

    ReplyDelete
  34. ok na to..i would have love to hear about larc..kahit wala siyang love story..maganda sana magkaron siya ng special chapter or story..lahat ng inhibitions dun niya sasabihin..pero mukhang maganda rin itong story na to..next chapter na ken..

    -J

    ReplyDelete
  35. ang ganda ng start ng story ramdam ko un cnasabi ng bida taz ang kulet ng phasing ng story Galing!!

    ReplyDelete
  36. love the plot, love thw opening chapter, love the names, what else??? Of course love the Author!!!

    ReplyDelete
  37. Nice !! Mukhang maganda na nmN to boss ah ;)

    Kaabang abang na nman ;)

    Weee

    -brenthotz18

    ReplyDelete
  38. =_=
    kenji alam mo na comment ko

    four thumbs up !
    -yume

    ReplyDelete
  39. Kuya keeen! ang ganda haha. Aabangan ko na naman to. Haha

    -JayAr

    ReplyDelete
  40. I'm very sure na maganda ang book 4 na ito sana nga lang sana ang posting hindi yung matagal pero hihintayin ko pa rin...

    ReplyDelete
  41. E bat ang cute ni cyrus? Hahahaha langya ako nalang piliin mo, wag na yang si cedric xD mr author lagay mo nga ako sa list ng characters. LOL

    ReplyDelete
  42. Gian nga pala. Hahahahahaha

    ReplyDelete
  43. E bat ang cute ni cyrus? Hahahaha langya ako nalang piliin mo, wag na yang si cedric xD mr author lagay mo nga ako sa list ng characters. LOL

    -gian nga pala :)

    ReplyDelete
  44. Wow ang galing ng umpisa. Emosyon kung emosyon talaga. May bagu na naman kaming aabangan. Salamat Mr. Ken :-)

    ReplyDelete
  45. Hahaha ipilit b c Larc s story.... Nice start for a new story Ken! ;)

    ReplyDelete
  46. Booommm!!! pasabog ka ha... another interesting story. mahohook na naman ako nito... ahahahaha

    ReplyDelete
  47. Ouch naman, bungad n bungad pa lang bullseye agad.. Lampas lampasan agad sa atay at balunbalunan q...tsk tsk hehehe.

    Buti nalang lumihis hahaha...hndi q kaibigan ang minamahal q, or atleast yun gusto qng kaibigan ko ay matagal q ng isinuko. Hndi q n inisip n may mararamdaman sya kaht katiting talaga para saken..hahaha

    Buti nalang pala wala aqng bestfriend kundi nakow malamang sa malamang ganito dn ang kalalabasan ko..

    galing ni bag0ng id0l hehe

    Dee Azrael hehe

    ReplyDelete
  48. Ay iyakan na kaagad..pero ang ganda ng simula..

    -Arvin-

    ReplyDelete
  49. Ay iyakan na kaagad...pero ang ganda ng simula

    -Arvin-

    ReplyDelete
  50. ken sxnxa na kung di me masyado updated sa pagbasa nito kasi nasira ang pc namin heto nkihihiram lang ng nman ng ano laptop.. ganda parin tama ka ibang plot na ito...wowooooooooooooooohhhhhh

    ReplyDelete