Photo by: Mimi Rage
Una po sa lahat ay nais ko po humingi ng sorry sa late update ng story ko medyo naging busy po kasi. And kakamustahin ko na rin kayo. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Parang sulat lang diba? Ahahahaha. Pero kidding aside, I really hope na OK kayong lahat.
Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong gumawa ng cover photo ng kwento isa sa mga itinuturing kong matalik kong kaibigan Mimi_Rage. Maraming salamat.
Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac at syempre sa mga anonymous silent readers.
_____
Disclaimer:
This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.
Comments and any kind of reactions are welcome.
You have the freedom to express your feelings.
Read at your own risk!
Enjoy reading!
“Ikaw!
Anong ginagawa mo dito?!” ang pasigaw kong untag kay Lee. Kaya naman pala parang familiar ang mukha ng
taong nakita ko kanina ang ex ko pala yun. Matapos ko syang masigawan ay isang mabilis
na kamao ang lumatay sa kanyang panga.
Hindi ko napigilan ang sarili ko ng mga sandaling iyon. Hindi ako ang tipo ng tao na palaaway pero
hindi ko alam saan nanggaling ang lakas ng loob upang saktan ang taong minsan
kong minahal. Dala na rin siguro ito ng
pagkikimkim ko ng halos magdadalawang linggong galit at sakit. Hindi agad nakakibo si Lee mula sa aking
pagkakasapak hawak lang nya ang kanyang panga na tinamaan ng aking kamao. Uundayan ko pa sana ng isa pa ngunit naawat
ako ng mga taong nakakita ng pangyayari at agad naman akong pinalabas ng
gwardiya.
“Tol…
dito ako sa labas napaaway ako sa loob kaya ito tinaboy na ako ng gwardiya di
na ako makakapasok.” Ang pagtawag ko kay
Christian upang ipaalam ang nangyari.
“Huh!
Sige bayaran ko lang to tapos lalabas na ako.” Ang taranta nitong tugon sa
akin.
Habang
hinihintay ko si Christian sa labas hindi ko pa rin maalis sa utak ko ang mga
sandaling nasaktan ko si Lee. Hindi
mawaglit sa isipan ko kung paanong mabilis kong nasapak ito sa kanyang panga. Yung mga sandaling kahit galit ako nakita ko
pa rin kung papaano syang napangiwi sa pagbuhat ko ng kamao sa kanya.
“Tol
anong nangyari? Kaya pala natagalan ka
bago makabalik at hindi ka na pala talaga makakabalik sa loob dahil kinaladkad
ka na palabas.”
“Diba
sabi ko sa yo kanina parang may nakita akong familiar face. Meron nga talaga at si Lee yun. Bakit ba sa dinami dami ng lugar na pwede ko
syang makita dito pa?!” ang galit na tanong ko.
Malakas ang boses ko ng mga sandaling iyon ngunit wala akong pakialam
kung may nakakakita or may pulis na makakarinig sa akin. Basta ang alam ko galit ako at dapat ilabas
ko kung ano man ang nasa loob ko.
“Tama na
yan Tol. Halika na at umuwi na tayo.”
Ang pag-aya ni Christian sa akin.
Nagbingi-bingihan
lang ako na wari’y hindi ko narinig ang kanyang sinabi. Dahil sa totoo lang hinihintay ko talaga si
Lee na makalabas mula sa bar upang bigyan pa na isa pang bagsak ng kamao. Ngunit nagulat na lang ako ng hatakin ni
Christian ang kamay ko at isakay ako sa taxi.
“Alam
kong hindi ka magpapatinag kaya kakaladkarin na lang kita kung
kinakailangan. Wag mong aksayahin ang
lakas mo sa isang taong walang kwenta!” ang tila galit na ring tinig ni
Christian.
Nakatingin
lang si Christian sa akin habang nasa loob kami ng taxi. Walang kibuan. Alam kong galit na galit din ito dahil sa
nangyari sa akin. Dahil kung titignan mo
ito, kahit hindi nya nakita si Lee sa loob ay makikita mo ang galit sa kanyang
mga mata.
Pagkadating
na pagkadating namin ng bahay ay nanatili kaming walang imikan. Hanggang sa basagin ni Christian ang
namamagitang katahimikan sa amin.
“Ano ba
ang pumasok sa kukote mo at nakipag away ka pa don sa walang kwentang yun? Sana sinabi mo na lang sa akin at ako na lang
ang sumapak ng makaganti rin ako sa ginawa nyang pagwawalang bahala sa yo!”
“Hello
alangan namang tawagin pa kita sa bar area para lang ipasapak sa yo yun. At isa pa sa akin sya may atraso kaya right
ko para ako ang sumapak sa kanya.” Dahil sa totoo lang kulang pa ang inabot ni
Lee sa akin sa sakit na naidulot nya sa akin. “Matulog na tayo.” Ang payak kong
wika kay Christian. Agad kong kinuha ang
toiletries ko at tinungo ang banyo upang makapag freshen up at pagkatapos ko ay
si Christian naman ang gumamit ng banyo.
Hindi ko
inaasahang mabilis akong makakakuha ng tulog ng sandaling iyon na hindi ko na
namalayan ang pagbalik ni Christian dala na rin siguro ito ng nainom at ng
pagod. Nakaramdam na lang ako ng may
tumabi sa akin at niyakap ako mula sa aking likuran at dahil nga pagod ako
hinayaan ko na lang.
Nagising
ako sa kalagitnaan ng aming pagtulog, tawag ng kalikasan. Dahan-dahan akong tumayo ng kama upang hindi
ko maistorbo ang natutulog na si Christian.
Nang bumalik ako sa kama hindi ko maipaliwanag ngunit napagkit na lang
bigla ang mga mata ko sa maamong mukha nito.
Parang may kung anong enerhiya ang humahatak sa mga mata ko upang
tingnan ang mala anghel niyang mukha tila kinakabisado ang bawat detalye. Sa sobrang pagkawili ko sa aking pagkakatitig
ay hindi ko namalayan na nakamulat na pala ang mga maamong mata niya. Nagtama ang aming mga mata at tila nag-uusap
ang aming mga utak. At ang aming mga
katawan ay nais mag-isa ng mga sandaling iyon.
Ang aming titigan ay nauwi sa paglalapit ng aming mga labi. Naging banayad, mapang-akit, at mapagkalinga
ang paglalapat ng aming mga labi. Ilang sandali
pa ay naging mapusok at marahas ang paghalik ni Christian. Tila mangyayari muli sa amin ang nangyari
nung nakasama ko sya sa exit. Gusto kong
patigilin sya ngunit hindi ko alam kung bakit may kung anong pakiramdam ang
pumipigil sa akin upang pigilan sya. Hinayaan
ko na lang siya sa bagay na kanyang ginagawa.
Tila nagpatianod ako sa bugso ng aming damdamin. Namalayan ko na lamang na pawa wala na kaming
saplot sa katawan at inienjoy ang bawat minuto na aming pinagsasaluhan.
Nagising
kami kinabukasan ng parehong walang saplot sa katawan at magkayakap. Isang matamis na ngiti at mabilisang halik sa
labi ang ibinigay ni Christian sa akin. Parang
walang nangyari na kung ano sa aming dalawa.
Kagaya ng naunang araw sinamahan pa rin niya ako sa paghahanap ng
trabaho. Pagkatapos ay magpapahinga sa
bahay at paminsan-minsan ay nagkukulitan. Ngunit may mga pagkakataon pa ring
nakakatakas na ginunupo ako ng kalungkutan.
Dahil may mga sandaling naiisip ko pa rin ang mga pinagsamahan namin ni
Lee.
“Hindi
mo pa rin ba talaga sya makalimutan?” ang boses na tumawag ng aking atensyon at
nagbalik sa akin sa present time.
“Huh..
anong pinagsasasabi mo dyan?” ang maang
maangan kong wika dito.
“Ang
lalim na naman kasi ng iniisip mo baka malunod ako eh.”
“Joke ba
yun? Pwede na bang tumawa?” ang sarkastiko kong tugon ngunit nakangiti.
“Ah
ganon ha.” Sabay hampas sa aking ng unan.
At syempre hindi ako magpapatalo noh. Kaya naman nag pillow fight
kami. At ng mapagod ay nag-aya si
Christian na kumain daw kami sa labas. Pero
dahil ako yung tipo ng tao na madalang lang kumain sa labas mas pinili ko na
lang na magluto ng makakain namin.
Naging masaya
ako panandalian sa piling ni Christian yan ang katotohanang hindi ko maitatago
ngunit hindi ko naman kayang tanggapin sa panahong ito. Mas gusto ko pang damhin ang bawat pait at
kirot ng sugatan ko pang puso. Alam ko
sa sarili ko na makakatulong sya sa paghilom ng sugat ngunit bakit hindi ko sya
matanggap? Bakit hindi ko pa sya bigyan
ng pagkakataon na mahalin ako at ako naman ay magmahal muli? Mga tanong na hirap na hirap akong bigyan ng
kasagutan. Magulo ang utak ko madaming
bagay na tumatakbo at maraming bagay na naiisip.
Ang bilis
talaga ng araw di ko namamalayan na huling araw na pala ng pagsasama namin ni
Christian dahil kinabukasan ay papasok na syang muli sa trabaho nya.
“Ano
kaya ang magandang gawin ngayon since last day ng leave ko?” ang tanong nito sa
akin.
“Ako pa
ang tinanong mo alam mo namang hindi gumagana ng maayos ang utak ko.”
“Paano
naman kasing gagana ng maayos yan, imbis
na iniisip mo ang tarantadong yun. Bakit
hindi mo na lang isipin na kailangan mo ring sumaya at ipagpatuloy ang buhay
mo. Tandaan mo bago mo sya nakilala
mag-isa ka lang kaya hindi tama na ihinto mo ang buhay mo dahil lang nawala na
sya sa yo.”
PAK! Tila
isang sampal sa akin ang mga salitang binitiwan ni Christian. Tama sya kailangan ko ng ipagpatuloy muli ang
buhay ko. Kailangan ko ng sumaya. Pero paano ko sisimulan kung bawat bagay na
aking gagawin ay iniisip ko pa rin si Lee?
Ang gulo ng isip ko.
Sa sobrang
pagkatuliro ko sa mga sinabi niya sa akin hindi ko na namalayan na tumabi na
pala sya sa akin at kinuha ang aking kamay at hinawakan ng marahan na tila ayaw
akong masaktan. Damang dama ko ang
gentleness sa pagkakahawak niya sa aking kamay.
Iniharap niya ako sa kanya sabay bigay ng matamis na ngiti.
“Alam ko
na. Manood na lang tayo ng DVD. Nasa sala kasi ako kanina nagkausap kami ni
Jane tapos sabi nya para daw hindi ako mabored papahiramin nya ako ng
movie. Sandali lang at hihiram ako ng
movie sa kanya.”
Pagbalik
niya ay dala na ang isang pirasong CD.
“Grabe
ha ang tagal mong nawala isa lang ang bitbit mo. Ano toh kwentuhan muna bago bumalik?” ang
pang-iinis kong wika dito.
“Ganon
talaga. Close kami ih.” Sabay bigay ng
isang malawak na ngiti.
“Ano ba
yang movie na yan?”
“Secret. Maghintay ka na lang na maplay. Wag kang atat.”
Nang maisalang
ay kumuha ako ng chips para may makain naman habang nanonood.
Pagbalik
ng mata ko sa screen ng TV. Star Cinema?
Unang Scene Bea Alonzo and Jhonlloyd Cruz?
Ano ba naman bakit yan pa ang movie na hiniram nito?
Itutuloy…
Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:
Facebook: https://www.facebook.com/arn.5HK
Facebook Group: https://www.facebook.com/groups/minahalnibestfriend/
Twitter: https://twitter.com/iamDaRKDReaMeR
Ay, nanununtok!hahahaha gusto ko yung part na si christian yung gumigising kay ron sa kanyang katangahan. Go go go Christian!
ReplyDelete-lee
Go for the Gold!
Deletego lang ng go...hahahaha
ReplyDeletenext chapter...