ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Wednesday, October 24, 2012

A Good Night


"Hoy Jun-Jun, dun tayo upo mamaya malapit kila Marian. Wala naman din si TL eh", sabi ni Mel.


Nasa restaurant kami noong mga oras na yun. It was before our shift sa call center and we were relaxing before the stressful 9-hour shift.



Kakaunti lang ang tao sa sikat na kainan, the mood is just right, the music is nice.




"This will be a good night.", naisip ko.




"Oo. Dun din ako uupo mamaya. Namimiss ko na yung dating team natin

 eh.", sagot ko.


"Sige. Oo nga pala Jun, kamusta naman kayo nung Nico?", tanong nito.


"Nico? Okay naman kami. But we barely have time to see each other. Sa t'wing darating kasi ko sa apartment, paalis na siya, tapos pag dumadating siya, wala na rin ako. So sa twing off nalang kami nagkikita, at isang beses lang sa isang linggo.", mahabang sagot ko.


"Oo nga 'no? Pahamak kasi yang pagpalit ng schedule eh."


"Sinabi mo pa. Nawawalan na rin tuloy kami ng sex life.", sagot ko saka tumawa.


"Abnormal! Hala ka te, baka maghanap yun ng iba."


"Naku subukan niya lang talaga, titirisin ko siya ng pinong pino."


"Sinong titirisin mo?", sabi ng pamilyar na boses sa likod ko.


Nasamid si Mel nang makita kung sino ang sumulpot. Natawa tuloy kami.


Si Nico.


Lumingon ako saka ngumiti.


"Hi.", sabi nito saka yumuko at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi.


"Hey, bakit hindi ka pa umuuwi? Hindi ka pa ba napapagod?", tanong ko rito.


"Ayos lang. Makita lang kita, nawawala na ang pagod ko.",pambobola nito.


Natawa kami ni Mel.


"Puro ka kalokohan. Mamaya magkasakit ka ulit nyan eh.", sabi ko.


"Naku, kinikilig ka naman eh.", si Mel. "Naku, halika dito Nico, maupo ka. At ikaw Hunter, tumayo ka dyan at bilhan mo na ng makakakain 'tong asawa mo. Alam mong kakagaling lang sa shift, malamang nagugutom na to.", dagdag pa ni Mel.


Sabay naman kaming nagkatawanan ni Nico.


Tumayo nga ako at umorder na. Alam ko naman din ang gusto ni Nico kaya hindi ko na tinanong.


Nang makabalik ako ay masiglang nag-uusap ang dalawa tungkol sa mga plano sa darating na December. Swerte at nakapagfile na kami ng leave para makapag-bonding ng mas matagal.


Hindi pa rin nagbabago si Nico. Simula nang maging kami dalawang taon na ang nakalilipas ay napakasweet pa rin nito. Maalaga at maalalahanin.


"Ang swerte ko.", naisip ko.


"Babe, anong nagyari sayo? ba't ka nakatayo dyan?", tawag nito sa akin.


Lumapit ako at naupo sa tabi nito.


Mag-uumpisa na ang shift namin. Nagpaalam na rin si Nico.


Paalis na rin kami ng resto nang biglang bumulong si Mel.


"Uy gwapo oh. Teka ba't parang pamilyar siya?'", sabi nito.


Napalingon ako sa direksyon na tinitingnan ni Mel.


Napahinto ako. It all came flooding back. The memories. The pain.


"Si Dave.", sabi ko.


"OMG. Your asshole ex!"


"Tara na Mel. Wag magsasalubong ang kilay. Wag ring tataas ang isa. Nasa past na yun.", sabi ko.


I managed a smile.


We walked out the place. Umaasang hindi kami nito napansin.


May sampung metro na rin ang layo namin sa shop nang biglang may humablot sa kamay ko. It was Dave.


"Ah. Uhm, hi. Can we talk?", sabi nito.


"No. May shift kami.", si Mel ang sumagot.


"Hunt, please?", sabi nito sakin na tila hindi narinig ang sinabi ni Mel.
"Just for a while.", dagdag pa nito.


"Hindi mo ba ako narinig?", si Mel ulit.


"Mel, it's okay. Mauna ka na, I'll see you at work.", sabi ko.


"Sigurado ka?"


"Yes Mel. Ano ka ba, nanay lang?", biro ko pa.


"Tseh! Sige, I'll see you."


Sumakay na ng taxi si Mel at naiwan kami ni Dave.


"K-kamusta ka na?", tanong nito.


"Ayos lang. Nakakaraos naman. Pero, kelangan dito talaga tayo nag-uusap sa gitna ng daan? Baka naman pwede tayong maupo sa loob?", sagot ko rito.


He smiled. Still that same smile.


"Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Tara. I'll buy you coffee for your shift."


Bumalik kami sa shop at naghanap ng mauupuan.


He ordered coffee and bought a cake.


"Oh, sabi mo gusto mong makipag-usap, ba't antahimik mo?", sabi ko rito makalipas ang ilang minuto ng katahimikan sa pagitan namin.


"Hindi ko kasi alam kung san magsisimula eh."


Tahimik lang ako.


"I'm sorry.", sabi nito.


Napakunot ang noo ko.


"For what? Nakahithit ka ba?", pabirong sagot ko. Trying to ease the tension in the air.


"For everything. For all the bullshit. I'm sorry."


I smiled.


"Alam mo bang matagal ko nang hinihiling na marinig yan mula sayo? But, thank you. At hindi mo kailangang mag-sorry. Because of you, I'm stronger. You taught me a lot. Teacher ka nga talaga.", sabi ko.


Tears started to form in his eyes.


"I've been a mess this past two years. Labas pasok ako sa relasyon. Walang nagtatagal. I was always looking for something. Laging may kulang sa relasyong pinapasukan ko."


Tears fell.


"Huli ko nang narealize na I was looking for you. Yung pag-aalaga mo, yung pagiging maalalahanin mo. Yung luto mo. Lahat. I was missing you so badly Hunt."


Kinuha ko ang panyo ko sa bag. Inabot ko sa kanya.


"Wipe your tears.", sabi ko. "Alam mong ayaw kong umiiyak ka."


Kinuha nito ang panyo at nagpunas ng luha.


"Hunt, I know, it's been a long time. But can you give me one last shot at us?", sabi nito.


I smiled.


"You know it's not possible. It's been three years too late. I have been a mess when you left me. I moved on. Napakahirap gawin nun Dave. You ruined every chance you had and you had plenty. I'm happy with my life now. Someone loves me for everything that I am. And I feel the same. But that doesn't mean I don't love you anymore. I do. I still do. But not like before. I only think of you as a friend now. And I hope you can accept that."


You kept quiet.


"I gotta go. May trabaho pa ako. You can keep my handkerchief. Treasure it."


Tumayo na ako at tumalikod nang magsalita ka.


"Walang araw sa nakaraang tatlong taon na hindi ko hiniling na sana kaya kong ibalik ang dati.", sabi nito. "Sana may rewind nalang ang buhay. Para mabalikan ko ang panahong nagkamali ako sa relasyon natin. Para maitama ko ang lahat. Kaya lang wala eh. I had you. But I was so stupid. That's why we ended."


Muli itong nagpunas ng luha.


"Nakakapanghinayang lang. Andami nating mga plano noon. Pero hindi na ako ang kasama mong gagawa nun."


Bahagya itong tumawa.


"Ganito pala ang pakiramdam ng nasasaktan. Nakakatawa. Pero ansakit sakit."


"Shhh. Tahan na. One day Dave. Makakakita ka ulit ng taong magmamahal sayo. Yung higit pa dun sa ginawa ko. At pag nangyari yun, don't ever let him go. And don't think that you've lost me. I'm not throwing away seven years of friendship. Call me when you need me. I still have the same number. I gotta go.", sabi ko rito.


Umalis ako at naiwang humihikbi pa rin si Dave sa resto.


Nang makasakay sa taxi ay hindi ko na napigilan ang paglaglag ng mga luha ko.


Late akong dumating sa trabaho. Nang matapos ang shift ko ay hindi na ako nakaligtas sa mga tanong ni Mel. Sinabi ko naman ang lahat bg nangyari. Hindi na ito nagkomento pa.


Dumating ako sa aparment at naabutan kong tulog pa si Nico. Naupo ako sa tabi nito at binigyan ito ng halik sa pisngi dahilan upang magising ito.


"You're home.", sabi nito.


"Yes. Happy Anniversary Babe. I love you.", sabi ko.


He smiled. Lalong gumwapo ang loko.


"Happy Anniversary. Get some rest. You have work later."


"Absent ako. I just want to spend the whole day with you."


At isang halik sa labi nito ang binigay ko.


Bigla naman ako nitong niyakap at inihiga sa kama.


"I will never let you go Gray Nico Garcia."


"At sino naman ang nagsabing pwede mong subukan ha, Hunter John Atienza?"


I smiled. I'm contented.
It turned out to be a good night after all.



WAKAS.

3 comments:

  1. Luv it... Sana Kami din ng luvz ko..... ganyan din....hehehe......inggit lng

    ReplyDelete
  2. Luv it... Sana Kami din ng luvz ko..... ganyan din....hehehe......inggit lng

    ReplyDelete