I sat on that comfy piano chair. I
gazed at all the people, seeing their smiles from here made me
nervous. Yes, I was shaking. Kung pwede na nga lang akong matunaw sa
hiya gagawin ko na. It's my first time and anong ieexpect natin? It's
normal for me to feel this way, I feel so nervous.
I just wore that black polo and short
shorts with my black hi-cut shoes. Emo ba ang dating? Nope. It's just
that I love black so much for it gives my body a better shape.
People are eyeing on me. Alam kong
nagaantay sila sa pagbuka ng bibig ko. Hinanap kita sa audience. Just
then I realized, hindi mo alam ang event na to.
Sumenyas sa akin ang organizer, wari'y
nagtatanong kung okay na ba ako, tango ang sinagot ko hiwatig ng
pagpayag. Mas naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko.
“Ladies and Gentlemen, now our last
composer for our songwriting contest, Chris Oficiar.”
Palakpakan.
Nagsimula ko ng laruin ang bawat
tiklado ng piano. Intro. Sunod nito ang pagbuka ng aking bibig.
Mahangin at mababa. Naramdaman ko na ang pagkalma ng aking katawan.
Para sa'yo to.
Cold, the lights are low and here
I close my eyes and breathe, inside your arms I lie and I cry.
Natatandaan ko pa kung paano naging
tayo. Sinagot kita makalipas ang ilang linggong panunuyo. Everything
then was perfect. We had nice dates, we had nice plans for the
future, we had great companionship. Susunduin mo ako sa office
makalipas ang work shift, kakain tayo hanggang midnight at
magtatawanan habang nagmomovie marathon. Devoted ako sayo, at ramdam
ko rin na ganun ka sa akin. We exchanged text messages almost every
minute. You call me often, at you know what's funny? Kapag time na to
say goodbye, walang gustong magbaba ng phone sa atin. So we normally
end hanging the phone after counting to three.
Love, I don't know what I'm doing
wrong, please tell me what you mean. Don't go, I've given everything.
Not until a year.
Hindi ko alam kung paranoid lang ako or what. Nakaramdam nalang ako
na nagiging cold ka. I don't know why. Alam mo yung pakiramdam na
t'wing nagsasabi ako ng I love you sa'yo, pakiramdam ko nararamdaman
mo lang na obligado kang sumagot kasi tayo? Alam kong hindi isang
tanong ang mga salitang I love you pero gusto ko pa rin
marinig ang isasagot mo. Kung hindi ko sabihin ang lambing na yon ay
hindi ko rin iyon maririnig mula sa'yo.
Hindi ko rin alam
kung bakit bigla nalang ang pagiging cold mo. May mga panahon na
sisigawan mo ako at ipapahiya sa mga kaibigan natin. Tiniis ko lahat
yun. Dahil mahal kita. Takot akong mawala ka. Kaya never akong
nagtanong kung ano ba talaga ang nangyayari satin dahil baka di ko
kayanin na may sagot kang di ko magustuhan. Syempre, dahil iyon sa
mahal kita.
Tell me, everything alright.
Don't tell me it's not right and ask me to let go.
If loving you is all I know,
don't leave me in the cold.
There was this one
time, kumakain tayo sa restaurant. Di ko sinasadyang matabig yung
bowl ng soup at tumapon sayo. You were so furious then. Sobrang init
ng ulo mo nung araw na yon.
Putangina kasi ang tanga-tanga mo!
Tignan mo nalang ang ginawa mo sakin? Paano na ako nyan? Basa na yung
pants ko ng soup? Oh ano ngayon? Putangina naman ang bobo mo! Bagong
bili pa naman to Chris. Tangina ka naman oh!
Naalala mo ba yung
panahon na yon? Sobrang pula ko nun sa kahihiyan. Ikaw ba naman ang
murahin sa harap ng maraming tao at ipahiya, matutuwa ka ba non?
Nagalit ako oo, dahil pwede namang pagusapan nating dalawa, pero
anong ginawa? Nagwalk-out ka. I was left alone sa restaurant at lahat
ng mga mata ng tao ay nasa akin. I felt so small. Mabilis nalang
akong nagbill-out at umalis sa lugar na yon. I hailed a cab at doon
ako umiyak. Dumating ako sa bahay at nakita ko na nandun ka. I was
crying. You were extremely mad. Hindi ka nakapagtimpi at napagbuhatan
mo ako ng kamay. I was so shocked then. Hindi ko alam kung paano at
bakit mo nagawa. Mabilis akong lumabas at tumungo sa bahay ng
bestfriend ko. Umiyak ng umiyak. Hanggang sa mapagod. Hanggang sa
magsawa.
Kasi naman Chris bakit pa kasi hindi
hiwalayan? Hindi na nga tama ang trato sayo diba?
Mahal ko eh. At kasalanan ko naman
eh. Natapon ko yung soup. Mainit kaya yun.
Kahit na. Hindi pa rin tama that he
humiliated you in front of many people. At ngayon, he hit you. Anong
sunod? Papatayin ka nalang nya?
Hindi nya magagawa yun. I understand
him. Alam kong pagod lang sya sa trabaho. Alam kong stressed lang
sya.
So ikaw ang stress ball nya?
Hindi kaya may iba na naman ang jowa
mo? Nagloko na yansayo dati. Tanga ka lang talaga.
Hindi ah. Wala syang iba. Alam kong
ako lang ang mahal non.
Ikaw lang? How come na humanap ng
iba?
Hindi na ako
nakaimik.
Without you it's not better.
Without you, nothing matters. Nothing matters.
Makalipas ang insidente na yon ay nakita nalang kita sa pinto ng
bahay ng bestfriend ko. Natakot akong lumabas pero hinatak mo ako.
Niyakap mo ako ng mahigpit. Humingi ka ng tawad. Dahil sa mahal kita,
dahil sa malambot ako, pinatawad kita, agad-agad.
Here I lie and I don't try to
hide the love and still I die it's something you don't feel.
You became sweet
again pero makalipas ang ilang araw, bumalik ka na naman sa dati.
Hindi ka na umuuwi ng maayos mula ng magsama tayo. Lagi kang lasing
at magulo ang buhok. Amoy-alak at yosi. Napapabayaan mo na ang sarili
mo. At konting kibot ay mararamdaman ko ang kamao mo sa mukha ko.
Iniisip ko na matatapos din to. Iniisip ko na babalik ka rin sa dati
kapag hindi ka na stressed sa trabaho. Iniisip ko na babalik din yung
lalaking minahal ko nung simula palang ng kwentong ito. Babalik ka
rin. At magaantay ako.
There's no use in walking out
that door, it's something to fight for.
It was our
anniversary, I was very enthusiastic. Last year you surprised me.
Hindi mo ako binati hanggang matapos ang araw. At pakiramdam ko
gagawin mo ulit yun. Last year ay nagluto ka sa bahay without me
knowing. Tapos we had dinner by candlelights and yes, that was the
most romantic thing you've done.
Alam mo yung
feeling na nageexpect ka ng something paguwi mo sa bahay? Hindi mo
alam kung ano yung surprise na dadatnan mo? I filed an undertime sa
office at nagdahilan nalang. I think it was around 2pm when I decided
to go home. Naisip ko na ako nalang ang magluluto para maiba naman. I
bought some stuff sa grocery and hailed a cab home.
Nagtaka ako dahil
bukas ang bahay. Nagmadali ako. You must already be there. Pagcheck
ko sa kwarto andun ka nga. Halatang namutla ka sa gulat.
What are you doing here?
I filed an undertime. Anniversary
natin so I planned to cook for us sana.
Just right then, I
saw someone come out of our bathroom, nakahubad, and you too yourself
were naked. Hindi ako nakapagsalita. Nagunahan nalang yung mga luha
ko. Amazing Race Asia ang drama. Paunahan sa pagpatak. Sa sobrang
panghihina ko, nabitiwan ko nalang ang mga napamili mo.
Ha-happy Anniversary.
Patuloy pa akong
umiyak. Hanggang sa mabilis nalang na tumakbo ang mga paa ko palabas
ng bahay.
Muli akong tumakbo
sa bestfriend ko. Wala syang choice kundi makinig sa lahat ng
sentiments ko.
Anong plano mo ngayon? Ayan na. All
this time, niloloko ka lang pala nyang jowa mong gago. Siguro naman
oras na para magising ka na diba? Tama na yung mga pangbubugbog. Tama
na yung mga pangloloko. Di pa ba sapat na mas mahalin mo ang sarili
mo?
Hi-hindi ko alam.
Gago ka. Humanap ka na nga ng iba.
You don't deserve him. Ang tanga mo alam mo yun?
Alam ko.
Oh. Alam mo naman pala eh. Bakit
hindi mo pa gawin? Humanap ka na ng iba!
Ganun ba kadali?
Hindi.
Alam mo namang hindi madali diba?
Alam kong hindi madali pero alam
kong nakakapagod.
Nagpakawala ako ng
isang malalim na hininga.
Alam mo friend, kung may sahod lang
at tax-free ang pag-aalaga at pagpapakatanga sa isang taong hindi ka
naman pinapahalagahan kahit isang kembot lang, sobrang yaman ko na
siguro.Pero hindi naman ako nagrereklamo, mahal ko eh. Yun nga lang,
parang ako nalang ng ako
Timang. Ikaw na lang talaga ng ikaw.
Di mo ba maramdaman na parang wala lang sa kanya? He takes you for
granted. He takes you for nothing. Parang wala ka lang sa kaniya.
Mabubuhay at mabubuhay sya ng wala ka.
Those words of my
bestfriend hit me. After ko marinig yun, nakaramdam ako ng awa sa
sarili ko. Pinilit kong maging matapang pero alam ko, at the end of
the day, kahit gaano pa man ito kasakit, sya pa rin ang laman ng puso
ko.
Please. Save yourself. You already
suck. You're hurt and stuff but please save yourself. In the nearest
time possible, nakikita ko na masisiraan ka na ng ulo.
I suck. Yes, I do. Alam ko. Pero
mahal ko eh.
Tangina namang pagmamahal yan. Di ba
pwedeng pagmamahal sa sarili muna?
You know what sucks? Whenever he bad
mouths me, when he hits me, whenever he cheats on me, I tell myself,
ayaw mo na Chris, titigil ka na Chris, pagod ka na Chris. Pero kapag
andyan na sya, konting halik lang sa pisngi ko, tumutupi na ko.
Nakakalimutan ko lahat ng sinabi ko.
Holy Shit! You are one helluva
stupid guy. I swear.
Ma-mahal ko eh.
At di na sya
nakaimik.
And tomorrow i'll love you so
much more.
That same night, I was in deep pain. For the second time, nahuli
kitang nagloloko. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko pang
maramdaman. Mahihiya ba ako sa sarili ko o maawa? Hindi ko alam.
Umalis ako sa bahay ng bestfriend ko at naisipang maglakad. Napadpad
ako sa isang bar at nakita ko ang karatulang nakalagay. Songwriting
competition. Hindi ko alam kung bakit ako pumasok at naginquire,
the next thing I know ay sumusulat na ako, isang bagay na sobrang
tagal ko nang hindi nagawa.
Ilang araw kitang hindi nakita. Umuwi ako sa bahay para dun tumira.
Nagtatanong ang aking mga magulang kung ano ang lagay natin pero
hindi ko sila sinagot. Pumasok ako at nagisip-isip. Hindi ko alam
pero sa ilang araw ko na hindi ka nakita, mas yumabong ang pagkamiss
ko sayo. I'm hurt, big time, pero hindi ko alam na sa kabila ng sakit
na yon ay parang mas hinahanap kita. So masokista talaga ako?
Tell me, everything alright.
Don't tell me it's not right and ask me to let go.
If loving you is all I know,
don't leave me in the cold.
Naiisip ko ang mukha mo. Kung paano ka tumawa, kung paano matulog.
Naiisip ko yung dating ikaw na kilala ko. Siguro nga na lahat tayo ay
nagbabago. Kaya pa rin kitang tanggapin. Sabihin mo lang. Hindi yung
ganito na sasaktan mo ako ng sasaktan. Pwede rin siguro akong
mapagod? Pwede rin akong humindi? Pwede rin akong magalit? Pwede ba?
Without you it's not better.
Without you, nothing matters. Nothing matters.
Hindi ko malayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Tapos na ang
aking kanta. There was silence.
“Thank you,” ang tanging salitang nasabi ko.
Then there was an uproar among the audience. I tried to compose
myself again. I smiled and waved at the people. Halata sa kanilang
mga mata ang sadness na naramdaman ko. I took my last bow.
There was another uproar.
Mabilis akong bumaba ng stage para bumalik sa aking upuan nang
biglang may humatak sa akin, ikaw. Ako ay nagulat at napatulala.
“We need to talk,” sabi mo.
“Yes, we have to,” sagot ko.
W A K A S
Hey There. I found your blog using msn. This is a really well written article.
ReplyDeleteI'll make sure to bookmark it and return to read more of your useful information. Thanks for the post. I'll definitely return.
Feel free to visit my site ; http://menscompressionshorts.org/
The best ka po talaga basta short stories !! o kaya ugn nakakalungkot :( tagos lagi eh :(( may blog ka po ba or may site kung san andun po ung compilation ng mga gawa nyo ..ganda kasi eh :) More to come po sana :) God bless
ReplyDeleteAng hilig mo magpaiyak noh? Hahahha.
ReplyDeleteGrabe ka, kakagising ku lang at pinaiyak mo ako.. nakakarelate kasi ako dito.. hehehe. sobra. :P
i love the way you ended the story, you gave your readers the chance to create their own ending... i was left in deep thought, im caught in between a happy ending or the tragic reality... but then again, only few writers can actually do an open ended story which is effectively contagious... and you're one of them... keep it up!
ReplyDelete