ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Wednesday, October 3, 2012

9 Mornings Chapter 1






Guys tulad nang ipinangako ko. Ito ang Christmas gift ko sa inyong lahat pasasalamat ko rin poi to sa suportang ibinigay nyo sa akin sa dalawang obrang ginawa ko. Hindi ko man mapagbibigayan ang hiling nyong gawan ko nang storya si Niel at Dave may surpresa ako sa inyo next week.. hehehehe Sana magustohan nyo ang kwentong ito.


Para sa ating lahat na nagmamahal at gustong mahalin! Inihahandog ko sa inyo 9 MORNINGS!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works is purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


Kring! Kring! Kring!!


Ang malakas na tunog ng aking alarm clock inabot ko ito para patayin at dahan-dahang bumangon. Ito pala ang unang simbang gabi. Ang nasabi ko sa aking sarili habang pupungas-pungas. Nang buksan ko ang bintana ay agad na sumalobong sa akin ang lamig ng gabi dala nang hanging amihan.


Pumasok ako sa banyo para maligo. Tiniis ko ang lamig dahil ayaw ko namang mangamoy laway ako sa loob ng simbahan.


Matagal ko nang nakalimutan ang magsimba ngunit dahil na rin sa panunudyo ni mama ay pinilit kong muling subukan. Gusto ko rin kasing magpasalamat sa mga blessings na natanggap ko sa mga nag daang taon.


Matapos makapag bihis ay agad ko nang tinungo ang simbahan para makahanap nang mauupuan. Alam ko kasing maraming magsisimba kaya paunahan nalang.


May nakasalubong din akong pamilya, magkakaibigan, magkarelasyon at magkakapatid na pareho na magsisimba rin tulad ko. Napangiti ako, iba pa rin ang epekto nang pasko sa mga pinoy ito ang buwan kung saan kumpleto ang pamilya. Umuuwi ang mga nagaaral sa malayong lugar. Ang mga nagtratrabaho sa ibang bansa ay umuuwi rin para makasama nila ang kanilang mga pamilya. Ako, ito magisa nalang sa buhay.


Hindi nga ako nag kamali sa aking naging desisyon na agahan ang pagpunta dahil kahit 30 minutes pa bago mag simula ang misa ay halos puno na nang tao ang simban.


Nagpalinga-linga ako para maghanap nang mauupuan sakto naman na bakante ang upuan na naging malaking bahagi na nang buhay ko. Ang upuan na naging dahilan nang malaking pagbabago sa buhay ko.


Nang makapwesto ay deritso ang aking tingin sa altar. Muli nanamang nanariwa sa akin ang mga nangyari anim na taon na ang nakakaraan.


“Laurence anak, gumising kana dyan malalate kana.” Ang naranig kong sigaw ng aking ina sa likod ng pintuan na sinabayan pa nito nang sunod-sunod na pagkatok.


Pupungas-pungas akong bumangon para pagbuksan sya. Alam ko kasing hindi ito titigil hanggat hindi nya ako nakikitang nakabangon.


“Anak naman, malalate ka nyan.” Bungad nito sa akin nang mapagbuksan ko sya.


“Ito na nga po nakatayo na.” Tugon ko naman rito.


“Maligo kana, ipinag init na kita nang tubig para di ka lamigin.”


Ito ang mama ko sobrang maalaga na parang grade one lang ang inaalagaan nito. Alam kong para lang naman sa kapakanan ko ang ginagawa nya pero minsan hindi ko na mapigilang mainis sa pagtrato nito sa akin na parang bata.


Kinuha ko muna ang cellphone ko para tingnan kong may message ako galing sa pinsan ko at di nga ako nag kamali, naka tatlong text na ito sa akin na pare-pareho lang ang laman.


“Bukas ko na ibibigay ang allowance mo for this week, hindi pa kasi nag babayad ng upa ang tenant natin.” Wika nito.


“Sige po, may natitira pa naman akong pera dito.” Tugon ko naman sa kanya.


“Ang swerter ko talaga sayo anak, hindi ka katulad ng pinsan mong si Ralf na sabi nang tita mo eh puro lakwatsa at pagaaksya lang ng pera ang alam. Alam kong proud na proud ang papa mo kung nabubuhay lang ito.” May lungkot nitong sabi.


Gusto ko mang makisimpatya kay mama ay hindi ko magawa dahil hindi ko naman nakasama ang aking ama. Seaman ito at simula nung magkaisip ako ay hindi ko pa ito nakikita o nakakausap manlang hangang sa malunod ang barkong sinasakyan nito. Maraming nagsasabi na kamukha ko raw ang papa ko at sa kanya ko raw namana ang pagiging tahimik ko iyon siguro ang dahilan kong bakit sobra kung makapagalaga sa akin si mama.


“Nag dra-drama ka na naman ma, ang aga-aga pa. Alis na po ako marami pa kaming gagawin sa school.” Ang sabi ko para makaiwas sa dramahan na maaring maganap.


“Ang bilis mo namang kumain.”


Itinuro ko nalang ang aking relo para hindi ko na ulitin ang salitang ‘late’,


Tinext ko si Ralf na on da way na ako para magkita nalang kami sa gate nang university. Nakagawian na kasi namin na lagi kaming magkasamang papasok, simula pa nung mag simula kami sa koleheyo hanggang ngayon na 2rd year na kami.


“Mabuti naman at dumating kana. Kanina pa kaya ako rito.” Bungad nito sa akin nang makalapit ako sa kanya.


“Sorry naman.” Pagpapaumanhin ko sa kanya.


“Oh sya, tara na.”


Ang rason kong bakit si Ralf ang nakasundo ko ay dahil pareho kaming may sekreto. Tama, pareho kaming may itinatagong kabaklaan kaya naman sobrang fit kami nito. Hindi man kami ang tipo nang bakla na ladlad pero alam naming pareho kung ano ang gusto namin at yon ay hindi babae.



Natigil ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan ng magsimula na ang misa. Ako nalang pala ang nakaupo habang ang iba ay nakatayo na para sa unang dasal. Tumayo na rin ako.


Nang maibaling ko ang aking tingin sa bandang kaliwa ay may naaninag akong pamilyar na tao. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Tinutukan ko ito para ikumperma kong sya ba talaga iyon o namamalik mata lang ako, ngunit nang humarap ito sa akin doon ko lang napagtanto na hini pala sya ang taong iniisip kong sya.


Umupo na ulit ako. Hindi ko parin maalis sa aking isipan ang taong hanggang ngayon ay hinahanap-hanap ko parin at muli nanaman akong dinala sa aking nakaraan.


“Sya nga pala pinsan invited tayo sa birthday party ni Anna sa Byernes dapat sumama ka dahil sasama kami ni Mike.” Excited nitong pahayag sa akin hindi ko alam kung dahil sa birthday o kung dahil makakasama na naman nya ang boyfriend nya.


“Ano naman ang gagawin ko don eh hindi naman ako umiinum.” Pagdadahilan ko rito.


“Alam mo KJ ka talaga. minsan lang to kaya dapat sumama ka tsaka wala namang sinabi si Anna na dapat ang umiinum lang ang pweding sumama” Pamimilit nito sa akin.


“Tingnan nalang natin.” Ang naisagot ko nalang para tumigil na ito sa pangungulit. Si Ralf ang tipo na mahirap mahindian o mas matamang sabihin na hindi tumatanggap ng salitang hindi pwedi.


Nasa covered walk na kami para tunguin ang room kung saan gaganapin ang una naming klase nang harangin kami nang boyfriend nito kasama ang pesting kaibigan nya. Mula sa pagkakangiti ay umasim ang mukha ko nang magsalubong ang tingin namin ni Claude. Ito na naman si hangin boy. Ang nasambit ko nalang sa aking sarili.


“Good morning baby ko.” Bati nito sa pinsan ko.


“Morning din baby.” At ayon na nga lumabas na ang kalandian ni Ralf.


“Pinsan, Mauna na ako sayo sa room.” Pagpapaalam ko para makaiwas sa kanilang dalawa na ngayon ay pinagtitinginan na nang ibang estudyante. Hindi ko naman sila masisisi sino ba naman ang hindi titingin kung may nakabalandrang dalawang lalaki na naglalampungan sa coverd walk.


“Ay, Laurence nan dyan ka pala?” Simula nang pangaasar sa akin ni Claude. Ito ang dahilan kung bakit kumukulo ang dugo ko sa tarantadong ito.


Ngiting pilit lang ang ibinalik ko sa kanya. Ayaw kong bigyan sya nang pleasure na sirain ang araw ko.


“Sabay sabay nalang tayo pinsan tutal malapit rin lang naman ang building nina Mike sa room natin.” Sabi naman ni Ralf.


Wala na akong nagawa kung hindi tumago nalang at manahimik habang ang dalawa ay busy sa paglalampungan habang si Claude ay sa akin tumabi.


Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko parin matakasan ang aking nakaraan. Kung tutuusin dapat matagal ko na itong linimot, ngunit bakit ngayon muli nanamang bumabalik ito sa akin na parang video lang sa aking utak.


Kahit anong pilit kong iwaksi ang mga ala-ala nang nakaraan ay hindi ko pa rin matakasan mga ala-ala na nagbigay nang pait at saya sa akin. Mga ala-ala na dahilan kung bakit narating ko ang ganitong estado ngayon.


Gusto ko mang ituon ang aking atensyon sa sermon nang pari ay hindi ko magawa. Sobra nang pre-occupied ang utak ko sa mga ala-ala nang nakaraan.


“Sigurado ka bang okey lang na sumama ako?” Bulong ko sa aking pinsan. Hindi ko maiwasang magaalala dahil hindi naman ako sanay sa mga ganitong klaseng party.


“Oo naman ano ka ba. 2nd year college na tayo and it’s about time na makatikim ka naman ng ganitong klase nang party.”


“Para kasing hindi ata ako bagay rito pinsan uwi nalang kaya ako?” Ang hindi ko maiwasang maisatinig sa sobrang pagkabalisa. Hindi ako sanay sa mga ganitong klaseng party halos lahat ay umiinum at naninigarilyo mga bagay na hindi ko nasubukang gawin at ayaw kong gawin.


“Babes! Buti at dumating kana.” Biglang sulpot ni Mike kasama na naman nito si Claude. Hindi ko tuloy maiwasang mag taka kung okey lang ba sa isang straight na tulad ni Claude ang dumikit kay Mike na lalake ang trip.


“Ipinag paalam ko pa kasi itong pinsan ko sa mama nya.” Tugon naman ni Ralf bakas sa mukha ang kilig at pagkahumaling nang makita nito ang porma nang syota nya.


Tiningnan naman ako nang dalawa. Na conscious ako sa ibinigay na tingin sa akin ni Claude para kasing nang iinsulto ito na ewan.


“Tao ka pala kung nabibihisan ng tama noh?” Sabi nito sa nanunudyong tinig.


“Ano naman ang pakialam mo?” Asik ko sa kanya.


“Claude wag mo namang pagtripan ang pinsan ko kanina pa yan hindi mapakali baka mag walkout yan.” Saway ni Ralf rito.


“Oo nga pare, bakit mo laging pinagtritripan si Laurence sige ka baka mag katuluyan kayo.” Biro naman ni Mike na sinamahan pa nang nakakagagong tawa.


“Yuck!” Ang magkasabay naming sabi.


“Hey! Buti naman at nakarating kayo Ralf, Laurence.” Ang hindi namin napansin na paglapit ni Anna.


“Happy birthday.” Ang bati namin sa kanya.


“Thank you. Saglit lang ha hihiramin ko lang si Claude gusto kasi syang makilala nang mga friend ko nung high school.” Malandi nitong turan sabay pulupot ng kamay nito sa braso ni Claude.


Kung tutuusin bagay naman talaga silang dalawa. Maganda si Anna at gwapo si Claude ang kaso lang ay sobrang yabang nito dahilan para hindi ko mapansin iyon.


Lumalalim na ang gabi at mas lalong nagiging wild na ang mga tao sa kakasayaw may mga tama na rin ang mga ka klase namin pati si Ralf at Mike. Ako ay medyo tinamaan na rin nang konte dahil napilit ako nang mga ito na subukang ubusin ang laman ng san mig light. Hindi na ako nakahindi sa kanila dahil ayaw kong sabihan ako na KJ.


Si Claude ay halatang may tama na rin kita ko ito sa kabilang lamesa kung saan ito nakaupo kasama ang mga kaibigan at kabarkada ni Anna. Paminsan minsan ay nagtatama ang tingin namin pero agad akong bumabawi nang tingin.


“Oh pinsan bakit ang tahimik mo?” Pagpansin sa akin ni Ralf.


“Nahihilo lang ako pinsan. Labas muna ako para makapag pahingin puro kasi usok ang nasasagap ko rito.” Ang sabi ko sa kanya at agad ng tumayo para hindi na ako nito mapigilan pa.


Lumabas ako sa gate nang bahay para makaiwas sa ingay at usok na mas lalong dumaragtag sa aking pagkahilo. Ilang minuto rin akong nakasalampak sa gilid nang kalsada ipinatong ko ang dalawa kung kamay sa aking tuhod para gawing unan.



“Bakit  dito ka sa labas?” Wika nang isang pamilyar na boses sa akin. Agad akong napamulat at napatingin sa kanya.


Nangunot bigla ang mukha ko at muling umapaw ang pagkainis.


“Ano ba pakialam mo?” Pabalang kong sagot kay Claude.


Imbes na sagutin ako nito ay tumabi ito sa akin nang upo. Umisod naman ako dahil nung magtama a g aming mga braso ay nakaramdam ako nang kakaibang kiliti. Nakakahumaling ang amoy ni Claude kaya siguro hindi na nagawa pang humiwalay sa kanya ni Anna.


Muli itong dumikit sa akin. “Bakit ka lumayo? Ayaw mo ba sa akin?” Nanunukso nitong sabi. Sa boses palang nito ay halata nang may tama na ito.


Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko wala akong maisip na isasagot. Naramdaman ko nalang ang paglapat nang labi nito sa labi ko. Sa gulat ay naitulak ko sya nang malakas dahilan para mapahiga ito mula sa pagkakaupo.


Agad akong tumayo at mabilis na pumasok sa loob para magpaalam sa pinsan ko na mauuna na akong umuwi sa kanya. Nagtaka man ito ay wala na rin itong nagawa sapagkat busy ito sa pakikipaglampungan sa boyfriend nya.


Sa mga ala-alang iyon ay napangiti ako. Hindi ko namalayan na nakatingin pala sa akin ang babaeng katabi ko. Halata sa mukha nito ang pagkakataka marahil ay na wewerduhan ito sa akin dahil wala naman talagang nakakatawa sa sermon ng pari.


Nang mapansin nito na nakatingin ako sa kanya ay ngumiti ito sa akin at agad na ibinalik ang tingin sa pari.



Itutuloy:

2 comments:

  1. Mr.author ask ko lang what is the title of the story before 9 mornings, ung kay claude at laurence

    ReplyDelete