Photo by: Mimi Rage
Una po sa lahat ay nais ko po humingi ng sorry sa laging late update ng story ko medyo naging busy po kasi.
At nagpapasalamat din ako sa asawa ko Justyn Shawn sa pagbibigay ng idea para sa chapter na ito. I LOVE YOU.
Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong gumawa ng cover photo ng kwento isa sa mga itinuturing kong matalik kong kaibigan Mimi_Rage. Maraming salamat.
At nagpapasalamat din ako sa asawa ko Justyn Shawn sa pagbibigay ng idea para sa chapter na ito. I LOVE YOU.
Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com at syempre sa mga anonymous silent readers.
Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:
Facebook: https://www.facebook.com/arn.5HK
Facebook Group: https://www.facebook.com/groups/minahalnibestfriend/
Twitter: https://twitter.com/iamDaRKDReaMeR
_____
Disclaimer:
This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.
Comments and any kind of reactions are welcome.
You have the freedom to express your feelings.
Read at your own risk!
“Excuse me.” Ang wika ko
sa isang lalaking nakatalikod at namimili.
“Ron.” Ang wika ng
natulalang lalaki sa akin.
Natulala ako sa aking
nakita. Bakit kung kalian nakalimutan ko
na sya at kung kalian tinanggap ko na si Christian at tsaka naman makikita ko
ang taong naging sanhi ng pighati ko ng mga nakalipas na buwan.
“Ako nga wala ng iba!”
ang sarkastiko kong tugon.
“Kamusta ka na?” tanong
ni Lee.
“After we broke up? Just
simply plain miserable and now moving on with my new life. Happy with my answer? Now if you will excuse me I need to look for
my boyfriend. Oh! There he is. Excuse
me.” Ang mapangbuska kong wika dito pero imbis na paalisin na ako.
“Ron, can we talk?”
“Talk? Naririnig mo ba
ang sarili mo? What for? I’ve had enough of the pain that you brought to my
life. If you want to hear kung napatawad
na kita. Siguro! Yan lang ang maisasagot ko. Gusto ko ng maka move on and
Christian is helping me to forget you.
Ayaw ko na ng gulo at baka yung boyfriend mo ay magselos pa sa akin. So now
if you will excuse me.” ang malamig kong tugon dito.
Wala ng nagawa si Lee
kundi padaanin ako upang makalapit na ako kay Christian habang siya naman ay
tila inihahatid ako ng kanyang malungkot tingin patungo sa taong aking
pupuntahan.
Hindi ko kayang pakinggan
pa ang mga salitang maaring magpagulo pa ng sitwasyon namin ngayon at isa pa
gusto ko ng maayos ang buhay ko sa piling ni Christian.
Nang makalapit ako kay
Christian agad kong binigyan ito ng magiliw na ngiti at inaya ng lumabas ng
shop dahil ayaw kong makita nyang nasa loob din ng shop si Lee. Habang lumalabas kami at pasimple kong
nilingon si Lee. Bakas sa kanyang mga
mata ang sakit. Ngunit katulad ng
napagdesisyunan ko na hindi ko na hahayaan pang masaktan ako sa pangalawang
pagkakataon at gusto ko ng maayos ang buhay ko sa piling ng taong nagmamahal sa
akin noon pa mang una ko tong nakilala.
On the way to Christian’s
place nakareceive ako ng text message from unknown number.
“Sorry for the things I have done to you. I know I broke your heart but I don’t have
any regrets of the things I have done.
Ginawa ko yun, kaya dapat panindigan ko kahit na ako ngayon ang
nasasaktan. Masakit na makita ko ang
taong mahal ko ay may kasama ng iba and it seems you are happy with him. But still I am hoping that we can patch
things up. Mahal na mahal pa rin pala
kita at ngayon ko lang napatunayan ng makita kitang muli. Give me one more chance. ~ Lee”
While reading the message
hindi ko napigilan na pumatak muli ang mga luha ko. Alam kong kahit konti ay may puwang pa rin si
Lee sa puso ko kahit pa binigyan ko na ng pagkakataon ang sarili ko na magmahal
muli. At sa hindi ko inaakala ay nagawa
ko itong replyan.
"You know I won’t give you another chance. Hindi
ako basurero na pumupulot ng mga basurang itinapon ko na. I hope you take your
lesson. Take that lesson to your new partner. And don't do bullshits again on
him. Bye!"
Habang tinitipa ko ang message ay walang humpay ang
pag-agos ng aking mga luha. Ngunit alam ko sa sarili ko na iyon ang marapat kong
gawin dahil nilamatan na rin niya ang aming pagmamahalan; ang aking pagkatao.
Kung tatanggapin kong muli si Lee ay natatakot na akong wala ng matira pa sa akin.
Natatakot akong dumating ang araw na pati sarili ko ay hindi ko na makilala dahil
sa maaaring maidulot nito sa akin sa pangalawang pagkakataon.
Lingid sa aking kaalaman,
mataman pala akong pinagmamasdan ni Christian.
“Bakit ka umiiyak? May
nagawa ba ako?” ang alalang tanong ni Christian. Kaya naman iniabot ko na lang sa kanya ang
cellphone ko upang mabasa niya ang message na pinadala sa kin ni Lee.
Nang matapos mabasa ang
mensahe bakas sa mga mata nito ang galit at pangamba. Napayuko na lang ako ng muli niyang iabot ang
telepono sa akin. “Mahal mo pa ba sya?” ang tanong nito sa akin. Hindi agad ako nakasagot bagkus ay huminga
muna ako ng malalim at saka nagbigay ng sagot.
“Kung sasabihin kong
hindi, magsisinungaling ako. Dahil kahit papaano, may puwang pa rin sa puso ko
para sa kanya. Maliit na puwang but I am not gonna entertain that slight amount
of feeling towards him because I have you now.
At ikaw lang ang taong umintindi at nanatiling nagmahal sa akin sa mga
panahong lugmok ako. Hindi ko kayang pakawalan ka pa cause you're the best
thing I have now and I don't wanna waste the feelings I have for you. Hindi mo
alam ngunit napakalaking bagay ang nagbago mula ng maging tayo. Marami kang
bagay na itinuro sa akin. Isa na doon ang magmahal muli at maging masaya.” At
muli ang mga luha ko ay tila patak ng ulan na ayaw huminto.
Matapos kong masabi ang
mga salitang iyon ay walang namagitan pang usapan sa pagitan naming dalawa
hanggang sa makarating kami ng bahay.
Dirediretso lang kami sa kwarto wala pa ring kibuan hanggang dumating
ang oras ng pagtulog. Nahiga kami ngunit
si Christian ay natulog ng nakatalikod sa akin.
Hindi ako sanay ng ganito si Christian sa akin. Nasanay akong sya ang laging umaamo sa akin
sa panahon na malungkot ako, sa panahong naguguluhan ako sya ang nagbibigay
liwanag sa utak ko. Ngayon sya ang
nasasaktan at alam kong dahil sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
Pinagmasdan ko sya kahit
pa nakatalikod ito sa akin alam kong hindi pa ito tulog dahil may mga mumunti
syang galaw. Hinawakan ko ang kanyang
mga balikat dama ko na tila umiiyak si Christian kaya naman agad ko sya
iniharap sa akin. Hindi nga ako
nagkamali nakita ko ang luha niyang malayang umaagos sa kanyang mga
pisngi. Nadurog ang aking puso sa
puntong ito. Dama ko ang sakit na
kanyang dinadala ngayon. Hindi ko
namalayan na sumabay na rin ang mga luha ko sa mata tila nakikipag paligsahan
sa mga patak ng luha niya.
“Bakit.. ka u-mi-iyak?”
ang utal utal kong wika dala ng pag-iyak.
Nanatili itong tahimik at
pinagpatuloy lang ang pag-iyak. Pinunasan ko ang kanyang mga luha sa kanyang
pisingi subalit madali rin ulit itong nabasa.
Paulit-ulit kong tinutuyo ang kanyang pisngi at paulit-ulit rin itong
nababasa. Sa hindi ko malamang kadahilanan
bigla ko itong hinalikan. Isang marahan
at mapagkalingang halik ang ibinigay ko sa kanya. Ngunit wala itong naging tugon sa bawat
pagdampi ng aking labi. Naging malamig
ang pakikitungo nito sa akin.
“Budz, magsalita ka
naman. Ayaw kong nakikita kitang ganyan.
Hindi ako sanay na umiiyak ka. At ayaw
kong umiyak ka ng dahil sa akin.” Ang pakiusap ko dito habang tumutulo ang mga
luha ko.
Wala itong naging tugon
bagkus ay tumalikod itong muli sa akin.
Wala na akong nagawa hindi ko na sya kinulit pa. Bumalik na lang ako sa pagkakahiga habang ang
isang kamay ay nakapatong sa aking noo at nakatanaw sa kisame. Napaisip ako kung ano ba ang ginawa ko. Bakit ko ba nasaktan ang taong naging tapat
sa pagmamahal sa akin?
Hindi ako makatulog
paulit ulit na bumabalik sa akin ang nangyari ng magtapo kami ni Lee hanggang
yung text na pinadala nya paulit ulit na pumapasok sa aking isipan ang bawat
salita. Ayaw na ng utak ko ngunit ang puso ko naaalala pa
rin ang masasayang sandal sa piling ni Lee.
Ibinaling ko ulit ang aking tingin kay Christian at sa puntong ito alam
kong nakatulog na ito sa kaiiyak kaya naman niyakap ko ito mula sa kanyang
likuran.
“Budz, I love you. Ayaw kong mawala ka sa akin. Ikaw lang ang nakaintindi sa akin sa mga
panahong kinailangan ko ng makakaramay.
Alam kong may puwang pa si Lee sa akin ngunit hindi ko na hahayaan pang
makapasok syang muli sa aking buhay.
Ayaw kong magkasira tayo Budz.
Natutunan na kitang mahalin. Wag
naman sanang magkasira tayo dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kapag gumuho
muli ang mundo ko at mawasak na muli ang puso ko. Ikaw ang lakas ko ngayon kaya please lang
Budz, don’t make it hard for me.
Nasasaktan na ako.” At muli ay kumawala ang masaganang luha mula sa
aking mga mata.
Hindi ko na namalayan kung
paano akong nakatulog matapos kong ibulong sa kanya ang aking saloobin. Nagising na lang ako ng yugyugin ako ni
Christian dahil may pasok pa ako at babyahe pa ako pauwi ng Abu Dhabi. Ganon pa rin ang naging pakikitungo ni
Christian sa akin. Malamig, tila walang
gana.
Matapos makapag almusal
at makapag ayos ng sarili ay gusto kong muling kausapin si Christian. Ngunit iwas ang bawat galaw nito. Tila hindi pa sya handang makipag usap. Mabigat ang kalooban kong aalis ng bahay nila
Christian. Ni hindi man lang ako
nagawang ihatid kahit sa may pintuan man lang bagkus ay bumalik lang ito sa
pagkakahiga.
Nakabalik na ako ng Abu
Dhabi at eksakto lang sa oras ang dating ko sa opisina. Naging mabigat ang takbo ng araw na ito para
sa akin. Malimit kong padalhan ng text
messages si Christian ngunit wwala akong nakuhang tugon mula sa kanya. I tried to call him when I had my lunch break
pero he never answered any of it. I
can’t concentrate on what I am doing. Di
ako makapagtrabaho ng maayos dahil iniisip ko paano kami magkakaayos. Masakit na ang ulo ko dahil sa tambak na
trabaho at iniisip ko pa rin ang nangyari sa amin ni Christian.
Natapos ang duty ko ng
lutang ang aking isipan. Nakarating ako
ng bahay na tulala at tila malalim ang iniisip ni hindi ko na nagawang
makakain. Nagpalit lang ako ng damit at
agad na humiga sa aking kama habang iniisip ko kung ano ang mangyayari sa amin
ni Christian. Ngayon lang sya naging
ganito sa akin. Nagsawa na ba syang
intindihin ako? Wag naman sana. Mahal ko na sya. Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko ay bumigat
ang talukap ng aking mga mata at unti-unting pumikit.
Sa kalaliman ng aking
pagtulog ay napanaginipan ko ang mga bagay na nangyari sa amin ni Lee. Simula ng paano ko sya nakilala hanggang sa
araw na I give up nya ang pagmamahalan namin.
At ang huling natatandaan ko sa aking panaginip ay umiiyak ako ng
biglang nag ring ang telepono ko hindi ko na nagawa pang tignan kung sino ang
tumatawag mula sa kabilang linya dahil ang panaginip kong umiiyak ako ay totoo
pala. Pagdilat ng mga mata ko ay malabo
ang aking paningin kaya pinindot ko na lang ang answer button.
“Hello…”
Can’t Find the Words to Say Goodbye – Nina Song Lyrics
Itutuloy…
OUCH!!wawa naman si christian..baka feeling nya ginawa lang syang rebound ni ron...
ReplyDeletesana magkaayos agad si christian and ron...
next chapter please...
let's see what will happen to ron and christian... on progress na po... :D
Deletego ron figth 4 cristian
ReplyDeletenalungkot naman ako sa chapter na to....
ReplyDeletei like christian for ron, Super like :)
thank you very much...
Deleteang sakit nmn tlga nun pra kay christian kc nag expect xa na wla nang puwang c lee kay ron.. pero mas masakit para sakin kung ililihim ni ron ang bagay na un at iparamdam kay christian na may puwang pa c lee kay ron :) i like the story maski nun sa nilimot na pag ibig sinubaybayan ko na tlga :)
ReplyDeletewow i never thought na may iba pa palang nagbabasa ng mga gawa ko... super na flatter ako akala ko kasi yung mga kakilala ko lang yung nagbabasa ng gawa ko... maraming salamat po... nakakataba ng puso grabe... salamat po ulit...
DeleteAguy! Ngawa ako dito. :/
ReplyDelete