Humihingi po
ako nang tawad sa mga readers ko dahil na delay ang posting ng chapter 19 na
busy kasi mga hallowen party at sa pamilya ko. Sana po ay maunawaan nyo ako.
Muli gusto kong pasalamatan ang mga taong walang sawang nagbibigay nang
kanilang komento na sina -
Rover,
Lilee, Rue (Katanashi no Rue the formless Cat.), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink
5ive (Great Pink 5ive), Jayfinpa (Ayan na ayos ko na), Mars, Jay!:),
R3b3l^+ion, Mikimer Araneta, Kristoffshaun, Migz, Icy, Billy, Ran(Randolf),
Roman (roohmen), Mike, ICE, Ros Magno, Doormouse (ang cute nang pangalan), SF
GIANTS, Jayson13, Jhe Ehm, Zenkie, Xndr, Beucharist, Rheinne, Robert_mendoza94@yahoo.com, rstjr029, J.V, Tam, Fayeng, Dave17, kianTT, Rei, Sherwin,
Louie@DXB, Coffee Prince, Cugertz, Jefofotz (jeffrey Paloma, Ram, Cedric, kokey
(Ayan ah di ko na nakalimutan isama ka :D), jekxaranza@gmail.com, XNDER, Vinz24,
jasper.escamillan, Ian, Ernes aka jun, Isaac, Kuya Nitro (salamat po sa
pagcocomment kahit wala na ako sa BOL.), Lance CUPIDO (Ang makwela kong
chatmate) at sa mga Anonymous at Silent Readers salamat guys.
Lance –
Every other day po ang posting ko sa bawat chapters pero ngayon na delay ng
dalawang araw dahil na busy :D
Jefofotz –
PIKA BOOOO!!!!!
DISCLAIMER: This story is a work of
fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely
coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in
any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or
use this story in any manner without my permission.
Dumaan ang mga araw, lingo, at buwan nakilala nang mga
kaibigan ko ang mga kaibigan ni Dorwi doon ni Angela na kilala si Vincent. Nung
una umurong ang dila ni Angela nang hayagang magpakita nang interes sa kanya si
Vincent hindi nito alam kung paano magrereact. Napagalaman nalang namin isang
lingo matapos ang pagpunta nang mga kaibigan ni Dorwin sa bar na liniligawan na
pala ni Vincent si Angela. Sinusundo ito sa bar para magdinner, binibigyan ng
flowers at chocolate. Hindi na nagpakipot pa si Angela dahil siguro sa sobrang
tagal na nitong naghihintay na may isang taong magpapakita nang interes sa
kanya ay sinagot nya ito sa pangalawang lingo. “Grab the opportunity” yon ang sabi nya nung magreact si Mina sa
mabilisan nyang pagsagot kay Vincent.
Dalawang
lingo matapos ikasal si Kuya Dan, pinsan ni Dorwin ay nagpasya nang bumukod
sina Rome at Ace. Pagkatapos nang problema kay Amber ay naging mas malalim pa
ang relasyon nang dalawa. Nag trabaho si Rome sa bagong negosyo nang mga
magulang ni Ace para makapagsimula silang mabuhay na hindi humihingi sa kani-kanilang
mga magulang. Balita ko ay nung una ay nagalangan ang mga magulang nila sa
desisyon nang dalawa, pero dahil sa disidido na talaga silang bumukod ay wala
rin itong nagawa kung hindi ang suportahan ang mga anak nila.
Sa unang
buwan mula nang makita ko ang paguusap ni Dorwin at Niel ay wala akong nakitang
pagbabago kay Dorwin tulad nang dati ay linalambing parin ako nito pero biglang
nagbago ang lahat. Minsan nalang itong umuwi tuwing tanghalian, hindi na rin
ito nagiiwan ng sticky note sa akin. Nung una ay akala ko may problema lang ito
sa opisina kaya hindi ko nalang ito pinansin.
Kahit ganun
ang naging takbo nang relasyon namin ni Dorwin ay hindi parin ako sumuko.
Araw-araw ay pinaparamdam ko sa kanya kong gaano sya kahalaga sa akin kahit wala
akong makuhang pagtugon mula rito ay hindi iyon naging dahilan para isuko ko
ang nararamdaman ko sa kanya.
Kahit
nasasaktan ako tuwing maghahanda ako nang pagkain para sa amin at tinatangihan
nya ay hindi iyon naging rason para magreklamo ako. Ayaw kong dagdagan pa ang
mga problema nito sa opisina.
Hindi ko na
inisip na ang dahilan ng paunti unti nyang pagiiba ay si Niel dahil sa loob
naman ng isang buwan hindi nagbago si Dorwin sa akin akala ko tapos na ang
lahat sa kanila hangang sa mabalitaan ko nalang mula kay Vincent na hindi na
matutuloy ang kasal ni Niel at ni Pualine umatras daw si Niel sa kasal at
sinabing may iba itong mahal. Hindi alam nang mga barkada nito kung sino iyon
pero ako alam ko na si Dorwin ang tinutukoy ni Niel.
Simula nang
malaman ko iyon ay araw-araw na akong balisa, hindi makatulog at hindi rin
makakain nang mabuti. Hindi ko maitago ang pananamlay ko tuwing magkikita-kita
kami nang mga kaibigan ko pero tuwing magtatanong sila ay agad akong umaastang
normal don naman ako magaling ang magpanggap na walang nang yayari.
Napakahirap,
napakasakit dahil ni hindi manlang nakwento sa akin ni Dorwin ang tungkol sa
pakikipaghiwalay ni Niel sa fiancé nito. Siguro ayaw nitong malaman ko para
hindi ko sya pagdudahan.
“Hello?” Ang
bungad ko taong nagpabalik sa akin mula sa malalim na pagiisip.
“Wala naman
bakit?”
“Masakit
ang..” Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil agad ako nitong binara.
“Sige,
sige.” Ang nasabi ko nalang bago pinutol ang linya at napabuntong hininga.
Ilang minuto
pa ay dumating si Ace kasama si Chad, Carlo at Rome. Sinabi nito kanina na
tatambay sila sa bahay gusto ko sanang tumanggi kasi para makapagisa pero
mapilit si Ace wala na daw akong magagawa dahil on the way na sila.
“Asan ang
mga babaeng hunghang?” Ang biro nang mapagbuksan ko sila nang pinto. Pinilit
kong umastang masaya sa harapan nila tulad nang lagi kong ginagawa sa mga
nagdaang araw.
“Nandito
kami para makipaginuman pero bawal ang girls except sa wifey ko.” Ang
nakangiting wika ni Rome.
“Ano kala mo
sa akin babae?” Natatawang wika ni Ace sabay batok nito kay Rome.
“Aray! Wifey
naman pangatlong batok mo na yan sa akin ngayong araw.” Tampo-tampuhang wika
nito.
“Bakit may
reklamo ka?” Nakangising banat naman ni Ace.
“May sinabi
ba ako?
Natatawa
nalang kami sa dalawa parang mga bata lang kung magharutan ang mga ito.
“Puro kayo
lakolokohan.” Tatawa-tawa kong sabi. “Bakit banned ang girls ano meron ngayon?”
Dagdag wika ko pa.
“Dahil may
paguusapan tayong mga boys.” Seryosong wika ni Carlo.
Napatingin
ako dito na may pagtataka.
“Mamaya na
yan kumuha ka na muna nang mga plato para paglagyan ng dinala naming pulutan.
Rome kunin mo ang RH sa kotse.” Parang boss lang kung makapagutos. Sumalot
naman ang uto bago lumabas ng bahay.
“Ang ganda
mo!” Ang biro ko sa kanya sabay pisil sa pisngi nito na parang nanggigigil.
“Sira! Takot
lang yon sa akin.” At tumawa ito nang nakakagago.
“Sino ba
kasi hindi matatakot sayo eh halos magkabukol na yung tao kakabatok mo.” Tatawa
tawang sabat naman ni Carlo.
Nakakatuwang
tingnan na pagkatapos nang mga problemang pinagdaan nang dalawa ay masaya parin
sila sa isa’t isa. Nabawasan na ang walang kwentang tampuhan nila
nakakapagadjust na si Rome sa ugali ni Ace kung sabagay isang taon na rin ang
mga ito.
“Hoy! Yung
mga plato asan na? Wala ka nanaman sa sarili mo.” Pagbasag ni Ace sa pagiisip
ko.
“Sorry
naman! Natutuwa lang ako na masaya na ulit kayo nang boyfriend mong isip bata.”
Pagbibiro ko sa kanya.
“Ihampas ko
kaya sayo tong case nang RH nang makita mo kung sino ang isip bata.” Sabat ni
Rome narinig pala nito ang sinabi ko.
Tatawa-tawa
akong pumunta sa kasina para kumuha nang plato at baso. Nagsimula kaming
maginuman. Napagusapan namin ang tungkol sa paglipat nila nang bahay
tatawa-tawa kami habang panay ang reklamo ni Rome sa pagiging makalat daw ni
Ace pati daw mga brief nito ay hindi nilalabhan. Mulang mula naman si Ace sa
pambubuking nang asawa nya. Tama nga sila makikilala mo lang nang tuluyan ang
partner mo kung nakatira na kayo sa iisang bahay.
“Wag kayong
maniwala dyan!” Protesta ni Ace. “Alam nyo bang hindi yan marunong maglaba?
Yung mga puting damit ko na linabhan nya, ngayon ay kulay Rainbow na dahil
pinagsama-sama nya sa washing machine ang mga dikulor at puti.” Humahagalpak
kami nang tawa sa pagbubukingan ng kani-kanilang kapalpakan ang dalawa.
“Ikaw dapat
kasi ang naglalaba dahil ako naman ang nagtratrabaho.” Depensa naman ni Rome.
“Bakit di
kayo kumuha nang maid?” Sabat ni Chad.
“Ayaw nya sa
maid. Natatakot sigurong sya ang magpasweldo.” Tatawa-tawang sabi ni Ace.
“Bakit ako
matatakot may monthly allowance naman ako kina mommy at daddy tapos may trabaho
na ako ayaw ko lang na iba ang magsisilbi sa wifey ko.” Paglalambing nito na
hinalik halikan pa ang pisngi ni Ace.
“Cornetto!”
Basag namin sa kanya na tinawanan lang nito.
“Maiba ako
pare. San si Attorney?” Biglang tanong ni Carlo.
“Umalis kanina
pa.” Matipid kong tugon.
“May
problema ba kayo ni pinsan Red?” Seryosong tanong naman ni Ace.
“Wala.”
“Wag kang
magsisinungaling sa amin babasagin ko bungo mo.” Pagbabanta nito sa akin.
Hindi ako
sumagot sa halip ay tinunga ko ang laman nang baso at binigyan siya nang pilit
na ngiti.
“Alam kong
may problema ka pare sabihin mo sa amin baka makatulog kami.” Sabat naman ni
Carlo.
“Tama si
Carlo pare, It’s about time na kami naman ang tutulong. Laki na nang utang
namin ni Supah Ace sayo.” Pagsangayon pa
ni Rome.
“Wala naman
talaga. Simpleng di pagkakaintindihan lang. Maayos din namin ito.”
Pagsisinungaling ko sa kanila ayaw kong ipaalam sa kanila na magdadalawang
buwan nang nanlalamig si Dorwin sa akin.
“Nalaman
namin mula kay Angela na hindi natuloy ang pagpapakasal ni Niel sa fiancé nito.
Alam ko ang tungkol sa naging relasyon ni Niel at Kuya na kwento sa akin ni Ate
Claire. Kaya naisip ko na baka si Kuya ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang
kasal nito.” Mahabang sabi ni Ace.
“Alam ko na
yon. Matagal na.” Simpleng tugon ko sa kanila.
“At alam mo
bang nakita sila ni Chad last night na magkasamang nagdidinner?” Napatingin ako
sa gawi ni Chad tumango ito hudyat na totoo ang sinabi ni Ace. Nagulat ako sa
sinabi ni Ace mas lalong naghalo-halo ang mga emosyon sa dibdib ko.
Napaisip
ako, nagkakaroon na nang mukha ang biglaang pagbabago ni Dorwin sa akin.
Napaluha ako sa realisasyon na iyon.
“I know that
this is hard for you but…”
“Noong
matapos ikasal si Kuya Dan doon biglang nagbago si Dorwin sa akin.” Bigla kong
pagputol sa gustong sabihin ni Carlo sa akin. “Para na kaming di magkakilala
dito sa bahay. Hinihintay ko nalang na makipaghiwalay sya sa akin.” Di ko
maiwasang makwento sa kanila dala nang sama nang loob sa narinig. Kaya pala
umaga na syang umuwi si Niel pala ang kasama.
Kita ko ang
pagaalala sa mga mata nila. Biglang lumapit sa akin si Ace at yinakap ako
napayakap rin ako rito sa sobrang pait at sakit. Ano ba ang nagawa kong mali sa
relasyon namin seneryoso ko naman sya bakit di nya ako magawang mahalin? Ano ba
ang meron si Niel na wala ako? Kung pero pwedi ko namang i-withdraw ang
ibinigay sa akin ng insurance company ni papa ah. Desperadong desperado kong
mga tanong.
Ako ang
unang bumitiw sa yakapan namin ni Ace.
“Mga pare
pwedi nyo ba akong tulungan?” Ang tanong ko sa kanila.
“Sige pare,
kami ang bahala kay Attorney, kakausapin namin sya.” Tugon ni Chad na tinanguan
nilang lahat.
“Hindi pare,
Tulungan nyo akong maghanap nang matitirhan aalis na ako dito. Hindi ko na kaya
ang mga nangyayari. Isang taon kong pinilit na mahalin ako nang buo ni Dorwin
pero mukhang malabo nang mayari iyon. Suko na ako hindi ko na kaya.” Hindi ko
maiwasang mapaluha.
Bakas sa mga
mata nila ang awa. Si Ace ay muling napayakap sa akin.
“Araw-araw
para akong sinasaksak sa tuwing ine-ignora nya ang mga paglalambing ko. Kahit
ipinaghahanda ko sya nang pagkain ay tinatangihan nya. Kung susubukan ko namang
makipagusap sa kanya ay lagi syang nagmamadali di pa man ako nakakapagsimulang
magsalita. Ibang iba na sya sa Dorwin na kilala ko noon.” Ang parang bata kong
pagsusumbong sa kanila.
“Tama ang
desisyon mo pare. Wag mo nang hintayin na pati ang respeto mo sa sarili ay
tuluyan nang mawala.” Ang nasabi nalang ni Chad.
Totoo pala
ang sabi nila hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao. Isang taon kong
ipinaramdam kay Dorwin ang pagmamahal ko sa kanya pero hindi parin ito naging
sapat para ipagkatiwala nya ang puso nya sa akin.
Nangako ang
mga kaibigan ko na tutulungan nila akong maghanap nang matutuluyan. Sinabi ko
rin sa kanila na ngayong gabi rin ako aalis sa bahay ni Dorwin inalok naman ako
ni Carlo na sa kanila nalang muna matulog at bukas nalang kami maghahanap nang
bagong matutuluyan ko. Pumayag ako pero sinabi ko sa kanya na tatawagan ko
nalang sya, balak ko kasing kausapin si Dorwin bago umalis.
Natapos ang
inuman namin na walang imik at malalim ang iniisip ni Ace. Sinabi ko sa kanya
na okey lang ako na wag syang magalit sa pinsan nya dahil hindi lang naman ito
ang may kasalanan ako naman talaga ang nagpumilit sa relasyon namin kahit na
alam kong si Niel parin ang mahal nito. Buong akala ko kasi ay magagawa kong
ipalimot sa kanya si Niel.
Pinauwi ko
nalang muna sila. Nung una ay ayaw ni Ace, gusto nyang hintayin si Dorwin para
kausapin pero napilit ito ni Rome ipinaintindi nito na kailangan namin ni
Dorwin ng privacy para makapagusap sa huling pagkakataon.
Nagsimula
akong magempaki kinuha ko ang mga damit ko sa cabinet at inilagay iyon sa
malaking bag na pinaglagyan ko nung lumayas ako sa bahay. Mapait na ngiti ang
gumuhit sa mukha ko sa kamalasan sa buhay. Pinalayas ako nang amain ko na hindi
tinutulan nang aking ina at nagmahal ako sa dalawang taong iba naman ang mahal.
Nang tinungo
ko ang drawer kung saan nakalagay ang iba ko pang gamit ay napansin ko ang
maliit na box na pinaglagyan ko nang mga sticky note na bigay sa akin ni Dorwin
noong maganda pa ang pagsasama namin. Doon na ako simulang lumuha habang
binabasa ko isa-isa ang mga mensahe ni Dorwin sa tuwing aalis ito na tulog pa
ako.
“Anong
ginagawa mo?” Ang biglang sabi ni Dorwin.
Napalingon
ako sa kanya at agad na pinahid ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. Kita
ko ang pagtataka nito nang makita ang malaking bag na nasa kama.
“Aalis na
ako dito.” Matipid kong sagot sa kanya at tinungo ang bag para ilagay ang mga
gamit na nakuha ko sa drawer kasama ang mga sticky note na binigay nya.
“Hindi naman
kita pinapaalis dito.”
“Hindi mo
nga sinasabi pero pinaparamdam mo naman sa akin.” Sarkastikong sagot ko sa
kanya.
Naramdaman
ko nalang na nakalapit na ito sa akin at nabigla ako sa sunod na ginawa nito.
Ibinalik nito ang mga dami ko sa cabinet.
Kinuha ko
ito at muling ibinalik sa bag ko. Pero talagang makulit itong si Dorwin kaya
nagsimula na akong mainis.
"Ano
ba!" Singhal ko sa kanya habang muling kinukuha ang mga damit kong
ibinalik niya sa cabinet.
Nakipag-agawan
naman si Dorwin sa mga damit ko. Kung tutuusin para kaming mga batang
naglalaro. Yeah naglalaro nga kami ngayon, a game of staying in this
relationship and suffer or let it go and be happy.
"Fine!"
Sabi ko rito nang hindi ito nagpatalo sa pagkuha sa mga damit ko sa bag.
Lumabas na
lang ako sa kwarto since alam ko namang hindi ito papayag na makuha ang mga
damit ko. Sumunod ito sa akin at hinawakan ako sa braso.
"Where
are you going?" Tanong niya.
"Getting
out of your house. Getting out of your life." Parang may kung anong bumara
sa lalamunan ko nang sambitin ko ang mga huling katagang iyon.
"What
do you mean, Red?" May boses na ngayon ko lang narinig sa kanya.
Nagsusumamo? I don't think so.
"I'm
breaking up with you!" Pinilit kong magpakatatag sa ginawa kong iyon.
"No,
you can't do that to me Red! I love you, you love me! Why break up with
me?" Ngayo'y dalawang kamay na nito ang nakahawak sa magkabila kong braso.
I can't
resist Dorwin's reaction pero kailangan kong maging firm sa desisyon ko to
revive myself from total doom.
"I can
no longer feel you around." Walang anu-ano kong tugon.
"Then
let me make it up to you Red. Please, wag mo akong iwan!" Hindi na nito
napigilang lumuha. Nanlambot bigla ang puso ko. Naawa ako sa kanya.
"You
don't have to Dorbs." Sabay haplos ko sa mukha niya. "Aalis ako hindi
dahil sa hindi na kita mahal. Aalis ako kasi mahal kita and gusto kong makita
kang masaya without me in it. Malaya ka na Dorwin."
At tuluyan
na akong lumabas ng bahay niya. Parang gripo na umaagos ang mga luha ko.
Naguguluhan, nasasaktan, mga naghahalong damdamin sa aking dibdib. Naguguluhan,
dahil sa sinabi nitong mahal nya ako, kay tagal kong inasam na sambitin nya ang
salitang iyon pero bakit ngayong nasabi na nya ay hindi ko na makuhang
mapaniwalaan? Nasasaktan, sapagkat nang lumabas ako nang bahay na iyon ay
umaasa parin akong tatawagin nya ang pangalan ko at pipigilan nya ako pero
hindi iyon nang yari nakasakay nalang ako sa taxi walang Dorwin na tumawag o
pumigil sa akin.
“Napakalaki
kong gago!” Ang wala sa sarili kong nasambit dahilan para tumingin ang driver
nang taxi sa akin gamit ang rearview mirror ng sasakyan.
Dumating ako
sa bar namin. Nandoon pala silang lahat at halatang hinihintay ako. Agad na
lumapit sa akin si Ace.
“Bakit ka
umiiyak? Ano nang yari?” Walang anu-ano bigla ko itong niyakap at doon
humagulhol wala na akong pakialam sa mga taong makakakita sa akin.
“Shhhh..
Tama na.” Pag-aalu nito sa akin.
“Sabi nya
mahal nya ako pero bakit hindi ko maramdaman yon Ace? Ano ba ang tumatakbo sa
isip ng pinsan mo?” Parang batang tanong ko sa kanya. “Minahal ko naman sya di
ba? Ginawa ko lahat para sumaya sya pero bakit ganito, bakit lagi nalang ako
ang nagbibigay? Sawang-sawa na ako Ace ayaw ko na.” Dagdag ko pang sabi.
“Hayaan muna
nating makapagisip si Kuya kung ano ba talaga ang gusto nya.” Ramdam ko ang
pagaalala sa boses nito.
Doon ko na
inilabas lahat nang sama nang loob ko. Naginum pa ako kahit panay ang sita nila
sa akin. Wala akong narinig na tanong mula sa kanila kahit sa mga babae naming
kaibigan ay nakatingin lang sa akin na hindi alam ang gagawin. Inilunod ako ang
sarili ko sa alak.
“This is
freaking me out! Hahayaan nalang ba natin syang tuluyang masira ang buhay?” Ang
narinig kong bulong ni Tonet kay Carlo.
“Tatawagan
ko si Dorwin bukas susubukan ko syang kausapin.” Balik na bulong ni Carlo.
“Wag na wag
mong gagawin yon tol. Hindi awa ang kailangan ko kung hindi pagmamahal at yon
ang bagay na di kayang maibigay sa akin ni Dorwin tanggap ko na yon.” Sabi ko
sa kanila.
Hindi na ito
nagsalita pa. Ako naman ay patuloy na lumaklak habang iniisip ang mga nangyari
kanina sa bahay ni Dorwin. Mahal nya ako?
I don’t think so sinabi lang nya yon para hindi ako umalis o baka nga para lang
mabawasan ang konsensya nya. Pero bakit iba ang naramdaman ko kanina at tsaka
bakit sya umiyak kung nagsisinungaling lang sya? Ang mga tanong na ngayon
ay patuloy paring gumulo sa akin isip. Hindi ko mapigilang mapahawak sa aking
ulo sa pagkadismaya sa mga katanungang hindi ko mahanapan nang sagot.
Hindi ko
nalang namalayan na sa sobrang kalasingan ay nakatulog pala ako sa lamesa.
Siguro bumabawi na ang katawan ko sa mga araw na hindi ako makatulog dahil sa
dami nang iniisip. Namalayan ko nalang na nasa loob na ako nang sasakyan.
“Matulog
kalang dyan gigisingin nalang kita pagnasa bahay na tayo.” Ang rinig kong wika
ni Carlo.
“Salamat tol.”
At muli kong ipinikit ang aking mga mata umaasang sana bukas iba na ang maging
takbo nang buhay ko.
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment