CHAPTER 7: Failure of Success
Sophie’s Story
Naghihinala na siguro si Caleb sa akin. I
need to put an end to this.
Caramel”,): Magkita tayo sa simbahan this 4pm
HoTfUDge<3: What is this all about?
Caramel”,):Basta magkita nalang tayo doon.
HoTfUDge<3: Sige may sasabihin din naman
ako sayong importante eh.
Alas quarto y media na nang dumating ako
gusto ko talagang mauna siya sa akin. He was sitting on his favorite spot nung
nadatnan ko siya. Looking blankly across the chapel. Tinabihan ko ito.
“Akala ko di kana dadating” sabi niya na
hindi ko naman pinansin, nakatitig parin siay sa kawalan. Tahimik kaming dalawa
walang may gustong mag-umpis. Kinakabahan ako sa mga nangyayari hindi ko alam
kung saan maguumpisa.
“Anu nga pala yung sasabihin mo?” sabay
naming nasabi. “sige ikaw na mag umpisa” sabi ni Caleb sa akin. “Hindi ikaw na
mag umpisa” I insisted. Then nagkahiyaan na naman kami, halos mga minute din
ang binilang ko, puro kaba ang nasa isip ko. Uumpisahan ko na sana nang
biglang.
“totoo ba?” atnong niya sa akin nang biglang
tumodo ang kabog sa aking dibdib. “ang alin?” agad ko namang sinagot na para
bang wala akong alam.
“Yung sa inyo ni Jay?” bigla niyang tanong
habang tinitigan ako sa mga mata… aapila pa sana ako ngunit di ko na nagawa,
tumango nalang ako sa pag aamin na kasalanan ko.
Lumipas din ang ilang Segundo bago siya
nagsalita ulit. “kasalanan ko ang lahat” nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi
ko ito sinang-ayunan. “hindi ako ang may kaslanan, you trusted me with my yes
na ligawan mo ako pero nagpaligaw din naman ako sa iba”
“no its not you! Its me… I wasn’t consistent
with my thoughts and my feelings for you… kaya siguro nakahanap ka nang ibang
taong makapagbibigay sa iyo noon. I was the one who pushed you away, wala kang
kasalanan Sophie, ako ang nagkulang… pinaubaya ko sa iba ang dapat ay sa akin”
he grabbed my hand at nangiyakngiyak.
“bago ka pa mag desisyon please give me a
chance… please let me win your heart again this time gagawin ko ang lahat para
mabalik ka sa akin… I won’t loose you without giving a fight!” nagulat ako sa
sinabi niya, akala ko ay he will give me up that easily, yun pala ay hindi.
Mas naging malakas ang loob kong ibigay kay
Caleb ulit ang buong puso ko pagkatapos nang tagpong iyon, papauwi n asana ako
na may mga ngiti sa labi ko nang bigla akong tinawagan ni Stanley kaibigan ni
Jay sa basketball.
“Sophie, Nasaan ka ngayon?” sabi niya.
“Pauwi na ako Stan, bakit anu ba ang nangyari
at napatawag ka?” tanong ko.
“Si Jay dinala namin dito sa Ming-Tan
Hospital, sinumpong na naman siya nang migraine niya, puntahan mu siya dito
please kailangan ka niya.” Tinapos din niya ang tawag. Agad din akong sumakay
nang taxi papuntang hospital.
Pagdating ko doon nasa room na si Jay, room
260 yun pagpasok ko ay si Stanley nalang ang natira doon. “Salamat naman at
dumating kana Sophie, alis na kasi ako kanina pa ko hinahanap ni nanay eh”
nagpaalam din naman siya at hinintay kong magising si Jay, hindi ko na
namalayan na nakatulog na ako sa inuupan ko sa tabi nang kanyang kama.
Nagising nalang ako nang naramdaman kong
sinusuklay nang kamay niya ang buhok ko. Nagising ako at tiningnan ko siya
“Salamat sa pagbantay sakin best ha… the best ka talaga.” Ngiti lang siya nang
ngiti, nakakahumaling ang mga ngiti niya. “kaya nga mahal na mahal kita” agad
niyang dagdag.
Biglang pumasok ang Doctor, medyo bata pa ito
at may kagwapuhan. “Hello, I’m Doctor Lim, are you his sister?” tanong niya sa
akin.
“Bestfriend lang po niya ako” sabi ko naman.
“Oh, I see… Uhm Mr. Dela Fuente, I have a good news and a bad news, alin ang
gusto mung unahin ko” sabi nang doctor. Agad na hinawakan ni Jay ang mga kamay
ko at tiningnan ako na puno nang kaba. “Doc unahin mo na ang bad news” sabi pa
niya.
“Okey, May tumor kaming nakita sa iyong right
parietal lobe…” nagulat ako sa narinig at naramdaman kong mas naging mahigpit
ang hawak ni Jay sa kamay ko. “… But the good news is… it’s benign. Hindi ito
kakalat and it’s not that serious, kailangan lang namin itong kunin through and
operation” nakahinga ako sa sinabi nang doctor at nakita ko sa mga mata ni Jay
ang mga luha nang kasiyahan. Tinawagan niya agad si mama niya na nasa ibang
bansa para ibalita ang kanyang kondisyon.
“Can I talk with you outside?” sabi nang
doctor sa akin.
Lumabas kaming dalawa at nagusap kami sa
hallway nang 2nd floor nang hospital.
“You are Sophie Aldeguer am I right?”
“Yes sir, uhm how did you know my name?”
“I’m Dr. Janshen Tan-Lim, Pinsan ako ni
Caleb, and I know about you two, kung hindi mo kayang panindiagan ang pinsan ko
please iwan mo na siya, kasi nakikita ko na hindi lang isang kaibigan ang
turing ko sa kay Jay, and we both know that, kaya ako na ang nagsasabi sayo,
leave my cousin alone para din naman ito sa inyong dalawa”
Nabigla ako sa sinabi ni Doc kaya pala kanina
pa niya ako tinitignan, kilala niya pala ako. Bigla kong naalala si Caleb nang
mga panahong iyon, hindi ko siya kayang iwan kaya napag desisyunan ko din noon
sa kinatatayuan ko na iiwan ko na si Jay para kay Caleb.
Pumasok ako ulit sa kwarto at alam ko na ang
sasabihin ko kay Jay, pero nabigla ako nang niyakap niya ako nang mahigpit.
“Sophie, Ngayon kita kailangan… ako nalang ang piliin mo, hindi ko to kakayanin
kung mawawala ka, please!” naramdaman ko na tumulo ang luha niya sa likod ko,
and I had no choice hindi ko kayang iwan siya ngayon, ngayon na may sakit siya.
Araw din ang lumipas, hindi ako nagpaparamdam
kay Caleb, kung kakayanin niya ang maghintay sa akin ay siya parin ang pipiliin
ko pagkatapos nito. Sana ay kakayanin niya, kahit hinding hindi ko na kaya.
Birthday ko noon at may matagal na kaming
plano na lalabas noong araw na iyon, kaya sobrang saya ko, ngunit hindi ko
magawang ipakita sa kanya ito dahil alam kong masakit na para sa kanya ang
nangyayari. Marahil ay naramdaman niya ito nang lumabas ako nang bahay para
umalis na kami.
“thank you!” sabi niya.
“Sa alin?” sagot ko.
“Sa pagpayag na samahan mo ako ngayong araw?”
dugtong pa niya.
Blanko ang emotion ko, pero alam kong hindi
niya na talaga kaya, at namumuo na ang luha sa mga mata niya, hindi ko siya
kayang makita nang ganon, doble ang sakit para sa akin.
“halika na!” sabi ko sa akin sabay lakad
papalayo, para hindi niya mahahalata ang mga luha ko para sa kanya. Hinawakan
niya ang kaliwang kamay ko at hinila ako pabalik sa piling niya.
May kinuha siya sa kanyang bulsa, “Shit
parang singsing yun ah, anu toh, wag naman ganito” sabi ko sa sarili at agad
niya itong sinuot sa daliri ko. “Happy Birthday!” sabi niya, at bumuhos na ang
luha mula sa mga mata ko at tinignan ko ang singsing sa daliri ko, hindi parin
ako makapaniwala na sa araw na ito pa. Bago kasi mamatay si lola ay sinabihan
niya ako na “ang singsing ang simbulo nang wagas na pagmamahal at kung sino man
ang taong nagmamahal sayo nang tunay ay siyang magbibigay sayo nang un among
singsing.”
“Mahal nga niya ako, at mahal ko rin naman
siya” sabi ko sa sarili. Pinatingin niya ako sa kanya at nakikita ko na naman
ang kanyang mga mata, ang mga matang nagpahulog sa akin noong una palang kaming
nagkakilala. Gusto ko siyang halikan at sabihin sa kanyang mahal na mahal ko
siya.
“let’s stop pretending now, ayokong
nasasaktan ka sa mga ginagawa ko, I know I lost this fight… matagal na, gusto
ko lang isauli sayo ang mga nagawa mu sa aking kabutihan, at kung meron man eh
pagmamahal narin” sabi niya sa akin nang maiyakiyak.
“Caleb…” gusting gusto ko na talagang umapila
at sabihin sa kanya ang lahat-lahat.
“Stop it… masasaktan lang ako kung anu man
iyang sasabihin mo maraming salamat sa lahat lahat Sophie”
Tumalikod siya at naglakad papalayo.Tumalikod
siya sa akin “Goodbye Sophie!”
Agad akong tumakbo papasok nang bahay, at
binuhos lahat nang hinanakit at hikbi sa kwarto ko, napakasakit alalahanin ang
lahat-lahat, masakit isipin ang mga panahong dapat ay amin pero hindi nangyari,
napakasakit ang sakit.
Tumawag si Jay, ayoko sanang sagutin pero
naka dalawampung miscall na siya kaya nag aalala ako. Sinagot ko ito pero hindi
ako nagsalita. “nasalabas ako nang kwarto mo at kanina pa kita naririnig diyan
sa loob, papasukin mo na ako oh.”
Pinapasok ko siya at nakita niya ako na
umiiyak, niyakap niya ako at pinatahan, pinabihis at linabas nang bahay,
sobrang hina na ako nang mga panahong iyon kaya wala na akong ginawang pagtutol
sa ginawa niya. Kumain kami sa restaurant na paborito niya.
Malapit kami sa may bintana nang restaurant,
nag-uusap kami nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko “sa makalawa na ang
operasyon ko, at alam kong pwede ko din na ikamatay ito, kaya kahit na ganun
gusto kong maramdaman na ako ang pipiliin mo” sabi niya sa akin. “Please be
mine Sophie, and you will never cry again, ikaw lang talaga ang mamahalin ko
just give me a chance.” At nilabas niya ang singsing sa loob nang isang box na
pula, hindi ako ngumiti o nagbigay nang kahit anung hiwatig nang pagiging
masaya pero tiningnan ko ang singsing ni Caleb na suot-suot ko pa noon. Nakita
siguro ito ni Jay saka niya kinuha ang singsing at pinalit ang singsing niya,
at hinalikan niya ako doon din, unang halik niya sa akin, halik na wala akong
naramdaman, na hindi ko ginantihan, ngunit ako ay nagpa-ubaya, at wala nang
nagawa.
Tama nga kayo, naging kami ni Jay, at tuluyan
na niyang napuno ang pagkukulang ni Caleb na naging sanhi nang madali kong
pagkalimut nang aming dalawa. Kaya ang minsan naging pangarap lang ay tuluyan
na naging pangarap magpakailanman.
Pero di din ito nagtagal… iniwan din niya ako
para sa iba.
_Abangan_
_Abangan_
nice.......hmmm sana update mo ung EoH.........tnx 4 sharing ur story
ReplyDelete