ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Tuesday, October 16, 2012

Strange Love 04



By: Chris Li
Cover Photo: Erwin Joseph Fernandez
Blog: mydenoflions.blogspot.com



Author's Note:

Kamusta po sa lahat!

As promised, here is the next chapter of my story.

Walang humpay akong nag-papasalamat sa inyong lahat na patuloy na nagbabasa sa aking likha. Sana po ay hindi kayo mag-sawa. Thank you sa lahat po ng nag-iiwan ng comments sa bawat blogs na naka-post po itong aking storya at pati na rin sa mga kaibigan ko na personal na nagbibigay ng kanilang saloobin ukol dito.

It is really a great honor to read all of your comments so please keep them coming. They are my fuel for me to continue writing. Have a nice day ahead guys!












Strange Love 04

            Tunay na napaka-bilis ng panahon, kung kanina ay masaya ka, ngayon naman ay agad na napawi iyon ng lungkot. Sino ba sa atin ang hindi nagmimithi na makaramdam ng tunay na kasiyahan, may ilan nga sa atin ay isinuko lahat ng mayroon sila para sa kaligayahan. Parang ako lang, I’ve taken a risk kahit hindi ko alam ano ang kahahantungan ng mga desisyon ko. Pinili kong buksan ang puso ko at papasukin ang isang taong hindi ko akalain magbibigay saya sa akin, ngunit ngayon tila malabo na iyon. Kailangan ko siyang layuan para hindi ko siya tuluyang masaktan.

            Nagsimula na akong mag-lakad mula sa bahay naming papunta sa napagkasunduang lugar. I can feel my own heavy breathing, na kahit ilang lalim ng paghinga ko ay hindi matumbasan ang pananakit ng aking dibdib. I have to remain calm and act that everything’s alright. Kinabisado ko na rin ang mga dapat sabihin at pinagpasyahan na hindi ako lilingon sa kanya kapag nagkita na kami para hindi masira ang mga plano ko.

Sa ganito lang pala matatapos ang lahat, parang kahapon lang ang saya saya ng bawat pagbati sa akin ng taong sobrang mahal ko…





“Kuya Jaime!Good Mooooooooooorning!”, magiliw na bati sa akin ng bago kong kaibigan, from being a loner ngayon eh masigla na si Mikael.


“Morning, Bunso.”, bati ko din sa kanya.


“Bakit parang malungkot ka?Ang aga aga eh parang trash can mukha mo. Hihihi”, humarap ito sa akin at itinapat ang mukha niya sa mukha ko, tinitignan niya ko ng nakakunot ang kanyang noo. What the hell! Ganito pala kaamo ang mukha ni bunso, tapos bigla itong ngumiti sa akin – isang nakakalokong ngiti… Nangilabot ako at naramdaman kong para akong kinukuryente sa posisyon naming iyon.


“Kuya…”, pabulong ito nagsalita, sa totoo lang alam ko namumula na ako dahil tatlong pulgada lang ang pagitan ng aming mga mukha noon. Amoy na amoy ko ang bango ng kanyang hininga pati ang init na hatid nito sa aking mukha.


“Hmmmm, bakit? Bakit ganyan ka makatingin??”


“Gutom ka na no? Hahahahahaha”, tumayo na ulit at tumawa ng nakakaloko at iniabot sa akin ang kanyang bag. Nagtaka naman ako kung bakit niya ginawa iyon.


“Dinalhan kita ng pagkain, sana magustuhan mo. Nalaman ko kay Jun na naglayas ka pala sa inyo, halos dalawang araw ka na rin daw hindi masyado kumakain… Ako mismo nagluto niyan, kaya wag mo kong ipahiya at ubusin mo yan, kundi wag mo na ko tawagin bunso at wag na tayo mag-usap.”, maldito nitong sambit sa akin, napangiti ako sa kakulitan nito. Sabi ko na nga eh, I will not regret choosing him as my friend.

Ilang araw pa lang mula nung pangyayari sa may Tree House ito na kami at close na kaagad. Nagawa pa talaga niyang magsiyasat tungkol sa akin, na talaga naman ikinatuwa ko. Napakalambing nito pero hindi lang sa akin, pati na rin kay Jun na naging kaibigan na rin niya. Nariyan yung mga sandaling nakakatulog ito sa tabi namin at hihilig talaga sa balikat ko at mahimbing na matutulog. Hindi mo talaga aakalain na outcast ito noon dahil sobrang masayahin pala ito at makwela.






Marami ang nagbago sa pagkakakilala sa amin dalawa. Kung dati sakit ako sa ulo ng lahat, ngayon iba na ang pagkabigla sa akin ng mga professors. Nakakasabay na ako sa klase at nag-eexcel na sa mga ito. On the other hand, Mikael bloomed, marami na rin itong kaibigan at talaga naman kinagigiliwan ng aming mga kaklase.






“Hi… pwede mo ba ko tulungan hanapin itong taong ito, sabi sa akin dito daw ang room niya for this period, tama ba?”, isang babae ang lumapit sa akin, maganda ito at Pinay talaga ang mga features.


“Ah, si Bunso ba? Wala pa siya eh, pwedeng malaman kung bakit mo siya hinahanap? By the way, I’m Jaime, Kuya ni Mikael.”, buong pagmamalaki kong pakikipagkilala sa kanya as Kuya.


“Kuya? Ang alam ko nag-iisang anak lang si Mikael eh. Oh, sorry hindi kaagad ako nagpakilala. I’m Coleen, bestfriend niya ko since High School.”, sabay lahad ng kanyang kamay. Iniabot ko ito at marahang nakipag-kamay. Bigla akong nakaramdam ng tampo at hindi ito nabanggit sa akin ni Mikael. Ang buong akala ko talaga wala siyang kaibigan. Marami pa talaga akong hindi alam kay bunso.


“Coleen??... COLEEN!!! Ikaw nga! Waaah, bakit ka nandito? Grabe, na-miss kita, Bes!”, nagulat kami at dumating na pala si Mikael, kitang kita ang galak nito makita ang kaibigan. Nakaramdam ako ng selos ng mga oras na yon. Ano ka ba?Bakit ka nagseselos?


Nag-yakapan sila at nagkamustahan saglit at ng dumating na ang prof eh agad sila nagpaalam sa isa’t isa. Nagkasundo silang magkikita after his class, marami daw silang pag-uusapan at may malaki itong surpresa sa kanya.


It was weird kasi buong araw din akong tahimik noon at tila badtrip. I went to the Tree House again para makapag-unwind. Umupo ako sa favorite spot ko at pinagmasdan lang ang tanawin. Hindi talaga pumapalya ang kalikasan pawiin ang kung ano mang dinadala ko, hindi man nito maaalis ng tuluyan ang aking mga iniisip, natutulungan ako nitong maging payapa at isa-isahin ang dapat kong gawin para malutas kung anu man ang bumabagabag sa akin.


Napagtanto ko na rin sa wakas kung bakit naging balisa ako sa araw na iyon. Nagtatampo ako kay Mikael. Bakit? Dahil hindi man lang niya ako pinansin buong araw dahil abala ito sa pagdating ng kanyang matalik na kaibigan. Wala naman ako magawa dahil mas matagal naman na talaga niya kilala si Coleen kumpara sa akin na halos isang buwan pa lang nakakasama.


Isa pa sa nagpapabalisa sa akin ay hindi pa ako nakakahanap ng sunod na matutuluyan. Nahihiya na ako kay Jun at kay Tita Claire para humiling pa ng mahabang panahon. Bahala na nga, sa hotel muna siguro ako tutuloy. Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni ng may tumawag sa akin.


“Kuya Jaime, nandito ka lang pala eh. Kanina pa kaya kita hinahanap, ipapakilala pa naman kita kay Coleen.”, nakabusangot at pawisan itong lumapit sakin sabay pinisil ang dalawang pisngi ko.


“Aray! Bakit ka naman namimisil ng pisngi! At saka nakilala ko na si Coleen.”, iritable kong tugon sa kanya at umupo habang dinadama ang pisnging kinurot niya.


“Hmp! Eh Kuya bawal ka ba ma-miss at pang-gigilan!? At saka bakit ang sungit mo ngayon? Meron ka na naman ba??ihihihihhi”, pangiinis niya sa akin, ako naman ‘tong si tanga at lumambot ang puso noong marinig na namiss niya ako.


“Doon ka na lang sa bestfriend mo, matagal na kayo hindi nagkikita diba?”, pilit ko pa rin tinatago na gustong gusto ko na narito na siya sa tabi ko kahit pinagtatabuyan ko siya sa mga salita ko.


“Kuya, hindi na yun problema kasi simula sa susunod na semester dito na rin siya mag-aaral. Yun yung surprise niya sa akin. Ang saya diba? Tatlo na ang matatalik kong kaibigan.”


Hindi ako nakaimik sa sinabi nito kasi talagang nagseselos ako dahil ano bang laban ko sa taon na pinagsamahan nila. Ngayon pa nga lang ako nakakakuha ng magandang atensyon mawawala naman kaagad.


“Jaime… anong problema?”, naging seryoso na ang tono nito at nawala na ang batang-isip na kausap ko kanina.


“Mikael, aaminin ko sayo natatakot ako ngayon na baka iwanan mo na ako dahil nariyan na ang matalik mong kaibigan. Marami na nga nagbago sa bawat isa sa atin. Natutuwa ako doon dahil masayahin ka pala at napakalambing, malayong malayo sa nerd at loner na tingin sayo dati. Proud ako sa iyo sa magandang pagbabago mo. Yun nga lang hindi ko maiwasan maiingit at magselos kapag napapalapit ka sa iba…”, mataman lang ito nakikinig at nakatingin sa tanawin katulad ko. Masarap ang simoy ng hangin talagang nakakapagpakalma. Ipinagpatuloy ko ang pagsasalita…


“Ayoko na kasi talaga maging mag-isa. Ayoko dumating ang panahon na maging possessive ako sa iyo. Alam mo ba na kahit sa kaunting panahon pa lang na nakasama kita, I can say na malaki na kaagad ang parte mo sa akin, at tulad mo namimiss din kita kapag hindi tayo nakakapag-usap. Importante ka na sa akin Mikael… Kaya kapag nawala ka hindi ko na naman alam kung saan na naman ako pupulutin.”, nangingilid na ang mga luha ko habang nagsasalita. Sino ba naman hindi malulungkot kapag naisip mong babalik ka lang ulit sa dati pag naiwan ka diba? Wala pa ring imik si Mikael ng mga sandaling iyon, kaya mas lalo akong kinabahan at nalungkot. Ilang minuto din yun bago niya binasag ang katahimikan.


“Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya noong sinabi mo sa akin na gusto mo akong maging kaibigan. At gusto mo pang kuya ang itawag ko sa iyo… ngunit tama ka… iiwan din kita…”, nakatingin pa rin ito sa kawalan at seryosong nagsasalita. Sobrang lungkot, bakit kailangan magbago kaagad ang lahat, kahapon lang ang saya saya ng pakiramdam ko ngayon babalik din pala ako sa dati… Tangna naman oh!


“Iiwan din kita Kuya Jaime…”, nilingon na ako nito at...


“Iiwan kita pag hindi ka tumigil sa pagda-DRAMA mo dyan, ‘langya ka kung maka-senti. Hahahaha. Alam mo Kuya, hindi ako ganoong tao, hindi ako marunong mang-iwan ng kaibigan. Sorry din Kuya if you feel out of place dahil sa pagdating ni Coleen, pero mabait yun pag kinilala mo siya. I’m sure magkakasundo din kayo, at saka ano ka ba Kuya parehas ko kayong MAHAL no, pati si Jun. Kaya tanggalin mo na yang pag-aalala mo, ha! Promise ko sayo Kuya,  I WILL NEVER LEAVE YOU! Ok?”, mahabang paliwanag ni Mikael at binigyan diin ang bawat salita sa huli nitong sinabi. With that assurance, lumiwanag ang aking mukha at di ko napigilang yakapin siya.


“ Talaga bunso?? Sabi mo yan ha, panghahawakan ko yang promise mo sakin. Salamat talaga!hmmmmm Mwuahhhh!”, Walang mapag-sidlan ang saya ko nun kaya matapos ko siyang yakapin ay hindi ko alam kung bakit ko siya hinalikan. Hawak-hawak ko ang kanyang balikat at tinitigan ko kung ano ang magiging reaksyon niya, ewan ko ba at hindi ako nag-sisisi gawin yun dahil na rin sa galak ko ng mga sandaling iyon.


“O-opo k-kuya, pramis…”, namumula na ito at biglang yumuko.


“Oh, sorry na bunso, nadala lang ako sa galak. Wag mo na isipin yun,ha. Hindi na mauulit.”, sabay halik sa noo nito at ginulo ko ang kanyang buhok.


“A-ayos lang Kuya… hindi mo naman sinasadya diba…”, tumalikod na ito sa hiya. Natutuwa ako sa reaksyon niya at may kaunting kilig akong naramdaman. WHAAAT! Bakit ako kinikilig, hindi ito pwede!


“Uwi na tayo, gumagabi na.”, mahina ang boses nito at papunta na sa hagdan.


“Sige mauna ka na Mikael.”, hindi ko masabi sa kanya na wala na akong matutuluyan.


“Bakit? May lakad ka ba ngayon??”, takang tanong nito sa akin, nasanay na rin siguro ito na sabay kami umuuwi.


“ Ah eh,pupuntahan ko yung paglilipatan ko.”, pagsisinungaling ko sa kanya para hindi na siya mag-alala.


“Gusto mo Kuya sa amin ka nalang? Hindi maganda ang bahay namin pero pwede ko ibigay sayo yung kwarto ko dahil madalas sa sala lang talaga ako natutulog kasi natatakot ako doon.”, nakakatuwa siyang tignan habang nahihiya ito, hindi ko sigurado kung dahil sa inamin niya sa akin takot siya sa kwarto niya o nahihiya siya sa pag-offer sakin na doon na tumuloy.


My Goodness! Kung alam lang niya gustong gusto ko na sunggaban yung opportunity na yun but, sa totoo lang nasa guard house na ang mga maleta ko dahil nag-paalam na ako kanina kela Jun at sa ina nito. But, my pride at pagkahiya ang namayani bandang huli kaya I turned the offer down.


“Salamat Bunso…Ok lang ako. Sige na baka gabihin ka pa sa daan.”, hindi ko tuluyan sinagot ang paanyaya niya. “Ingat ka ha…”
“Sige Kuya, ikaw din. Kita kits na lang bukas!”, binigyan ako nito ng pamatay niyang ngiti at bumaba na nga ito. I stood there for a moment, still mesmerized with his smile, hay Mikael ano ‘tong ginagawa mo sa akin. Napailing na lang ako at napangiti sa sarili at naalala ang paghalik ko sa kanya.


“Ang lambot pala ng labi mo…”, I said absent-mindedly at hinampas ko ang aking noo.


“JAIME, come to your senses nga!”, at natawa na lang ako sa sariling kabaliwan. My smile disappeared when I remembered wala pala akong tutuluyan ngayon. Kinuha ko na ang mga gamit ko sa guard house at nagsimula nang maghanap ng matutuluyan.


Halos tatlong oras na ako nag-iikot sa bayan pero puno na lahat ng paupahan ng mga taga-roon. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya naman napagdesisyunan kong kumain sa isang lugawan sa tabi ng kalsada. Kailangan ko rin kasi tipirin ang natitira kong pera kaya hindi ako makakain sa mga restaurants na aking nakasanayan.


Inilagay ko sa tabi ang maleta ko at kinalong ko ang aking bagpack.


“Isang lugaw po manang at tokwa’t baboy po.”


“Sandali lang hijo,ha… oh heto ang order mo.”, magiliw na sabi ng may-ari.


Sobrang gutom ko na pala noon at hindi ko na namalayan na sunod sunod ang subo ko kaya paminsan-minsan ay napapaso na ako. Nasa sarap ako ng pagkain ng biglang…


“HOLDAP ‘to, akin na ang mga pera niyo at mga gamit!BILIS!”, untag ng isang mama na may takip na panyo ang mukha at nakasombrero. Sa sobrang kaba ay hindi na ako nakakilos pati narin ang ibang kumakain. Tinutukan niya ng baril ang ale na may-ari ng tindahan at sinigawan itong ibigay sa kanya ang lahat ng kita nito, habang ang isang kasama nito ay abala sa pagkuha sa mga gamit namin at kinapkapan pa kami.


“’Wag niyo kaming sasaktan, parang awa mo na.”, pagmamakaawa ng may-ari ng lugawan.


“Ang dami mo pang satsat akin na ang pera mo!Dalian mo na!”, at sinubsob ito sa lalagyan ng pera na nakakandado pa. Hindi ko na natiis ang ginagawa nilang pananakit sa pobreng may-ari kaya nagsalita ako at tumayo.


“’Wag niyo naman saktan si manang! Nakuha niyo na nga lahat eh!”, buong tapang kong sinabi sa mga holdaper.


“Aba ang tapang ng isang ito ha…Tignan ko ang tapang mo ngayon. LUHOD! Luhod sinabi eh!”, sabay tadyak ng kasamahan nito sa aking binti na siya naman pagkabuwal ko sa pagkakatayo. Nagsigawan ang iba pang taong naroon dahil natatakot na madamay at mabaril.


“Parang awa niyo na ho, ‘wag niyo nang patulan ang binatang iyan… nakuha niyo naman na ang gusto niyo, please po.”, umiiyak na ang may-ari, tunay na napakabait nito at inalala niya ang kalagayan ko.


“Ah ganun ba, sige…”, akala ko tapos na ang lahat ng bigla itong lumingon sa akin at inihampas sa aking mukha ang baril na hawak niya. “Sa susunod bata, wag kang pakialamero!”, sabay tadyak pa sa aking tiyan.


Agad na nagtatakbo na ang mga ito pagkatapos akong pagdiskitahan. Hala paano kaya ito wala na nga akong matuluyan, wala pa akong pera.


“Hijo, salamat ha, pero sana hindi ka na nagsalita kanina. Tignan mo tuloy nasaktan ka. Ito yelo oh, para mawala ang kirot.”, sabi ni manang habang inaabot ang isang tuwalyang may yelo.


Ang ibang nanakawan ay agad na nagpunta ng presinto para magpa-blotter. Hindi ko na inaksaya ang oras para sundan at gayahin ang ginawa ng ibang mga nanakawan. Ang importante sa akin ngayon eh saan ako mag-stay. Mga damit lang naman ang nakuha sa akin pero yung pera talaga ang pinanghihinayangan ko dahil wala na akong mapgkukunan nun. Does this mean talo na ako and I have to go back to that Hell House – NO! I WOULD NOT! Mas matitiis ko pang matulog sa kalsada kaysa bumalik sa kanila.


Isip lang ako ng isip ng gagawin at namalayan ko na lang na pamilyar sa akin ang lugar kung saan ako dinala ng aking mga paa. Ito ang daan kung saan lagi kong sinasabayan si Mikael, nagsisi ako at hindi ko pa tinaggap yung paanyaya niya sa akin, eh di sana ay walang problema at hindi pa ko nanakawan. Sana nandun ako at nakikipag-balyahan sa bago kong kaibigan. Nasa huli talaga ang pagsisi, saka lang tayo maghihinayang kapag wala na sa atin ang isang bagay, oportunidad o tao.


Gusto kong tawagan si Mikael at mag-pasundo pero naalala kong nasa bag pack ko pala ang cellphone ko. Hay! Maybe ito talaga ang dapat mangyari para madala ako, karma na rin siguro sa mga kagaspangan ko noon. Bumabalik sa akin lahat ng kasamaan na ginawa ko sa kapwa ko. Defeated. Sumuko na ko sa pag-iisip at umupo na lang sa may gilid ng kalsada.


“I guess, I’ll be spending my night with you…”, pakikipag-usap ko sa kuting sa tabi ko at nililinis ang kanyang mukha.


“ K-Kuya Jaime?... i-ikaw ba yan?”, lumingon ako sa taong nasa likod ko at natuwa kung sino ang aking nakita. Napangiti ako at tila nahihiya sa ayos kong iyon sa gilid ng kalsada.


“’Wag ka nga ngingiti ngiti dyan at magsalita ka.”, nairita ata to at inihagis ang basura sa drum malapit sa akin. “Ano ba kasi ang nagyari…. At t-teka bakit may sugat ang bibig mo, wag mong sabihing…”


“Nagkakamali ka, hindi ako nakipagaway… wala akong ginawang gulo… na-naholdap ako…”, pautal utal kong pag-amin sa kanya.


Dali-dali itong umupo sa tabi ko at hinawakan ang mukha ko at sinuri ang sugat sa aking mukha. May bahid lungkot at pag-aalala ang mukha nito pero hindi pa rin ito tumugon mula nung umamin ako sa tunay na nangyari sa akin.


“Tara sa loob, Kuya. Linisin natin yang pasa at sugat mo.”


Sumunod na din ako sa kanya dahil sa totoo lang sobrang lamig sa labas at kanina pa ko palakad-lakad. Pinaupo ako nito sa sofa nila, simple lang ang bahay nila. Katamtaman lang ang laki at may dalawang kwarto na pinagkasya dahil wala naman itong ibang palapag. Malinis at maayos ang bawat gamit, simple lang talaga ito pero ramdam ko ang pagka-at-home ko dito. Magaan ang pakiramdam sa bahay nila Mikael.


Lumabas si Mikael at nakasimagot ito at hindi ko alam kung bakit. Ayaw ba nitong makita ako? Hindi ba siya naniniwala na hindi ako nakipag-away?


“Nasaan mama mo?”, usisa ko sa kanya.


“Kanina pa tulog… tara rito sa mesa para madaling makita yang sugat mo.”


“Bakit galit ka, bunso? Ayaw mo ba na nandito ako?”, masuyo ko siyang nilapitan habang kunyari ay nakasimangot.


“Hindi po, gusto po.”, matipid nitong salita sa akin.


“Eh, bakit ka ganyan, hindi maipinta yang mukha mo… arayy!”, napadiin ang paglapat ng cotton buds nito sa sugat malapit sa labi ko.


“S-sorry… eh syempre kuya... nag-aalala lang naman ako sa nagyari sayo. At saka bakit ka naholdap eh diba dapat nasa tinutuluyan mo na ikaw kanina pa. Diba yun ang sabi mo sa akin kaya pinauna mo ako.”


“ Ang totoo niyan, wala pa talaga ako matutuluyan… nahihiya kasi din ako saiyo. Kaya minabuti kong…”


“Kaya minabuti mo na lang magpalaboy-laboy… Kung hindi ka ba naman gago eh, talagang may mangyayaring hindi maganda sa iyo niyan.” Natapos na nito ang pag-lalagay ng gasa sa mukha ko at niligpit ang mga ginamit niya. Hinawakan ko ang braso nito at nakiusap na ako sa kanya, nilunok ko na ang pride ko.


“Jan Mikael, pwede pa ba ako dito, valid pa ba yung offer mo for redemption??”, pagpapatawa ko sa kanya at binigyan ko ito ng nahihiyang ngiti. Tumango lang ito at umalis ulit at tinungo ang kwarto nito.Bumalik ito at may dala ng damit.


“Ito lang nakita kong pinakamalaki kong damit eh, pagtyagaan mo na lang.”


“Nu ka ba? Ako pa ba itong mamimili? Ok na ok ito sa akin, salamat ha.”


“Hahaha. Sabi mo yan ha.Sige na kuya doon ka na magbihis sa kwarto at matulog ka na. May gagawin pa ako eh. Ay teka, kumain ka nab a? Pagbubuksan kita ng sardinas, gusto mo?”


“Busog na ako, bunso. Salamat. Sige bihis na ako ha. Tapusin mo na din yung gagawin mo para makatulog ka na.Salamat ulit. Ang cute cute mo!”, sabay pinang-gigilan ang isang pisngi nito.


“Kuya naman eh, ang sakit nun ha. Matulog ka na nga. May pasok ka ba bukas?”


“Wala akong subjects bukas, ikaw ba?”


“Isa lang, sa umaga.”


“Ah eh di dapat magmadali ka na nga at maaga ka pa pala bukas.”


“Eh panu ako magmamadali eh dinadaldal mo ako.hahahah!”


“Sabi ko nga, ito na papasok na po.”. Isinara ko na ang pinto at nagsimula na magbihis. Mas malaki kasi ako kay Mikael kaya naman ng isuot ko na ang damit niya eh hapit talaga sa akin. Humiga na rin ako sa kama niya at napansin kong ang bango nito, paulit ulit ko itong inamoy hanggang sa makatulog ako.


Naalimpungatan na lang ako dahil nararamdaman kong naiihi na ako nang mapansin kong wala pa rin sa kwarto si Mikael.


“Alas Tres na ng umaga ah. Bakit hindi pa siya tapos sa gagawin niya?”, tanong ko sa sarili ko. Lumabas ako ng kwarto niya at tinungo ang palikuran. Hindi ko siya nakita sa lamesa nila kaya nagtaka na ako kung nasaan ito. Pabalik na ako ulit sa kwarto ng mapansin kong may ilaw sa sala.


Naiwan pala nitong nakabukas ang TV at natulog sa upuan. Pinatay ko na ang Tv at nilapitan ko ito para gisingin para palipatin sa kwarto niya. Sa tulong ng kaunting liwanag sa poste ng ilaw sa labas nakita kong muli ang mapayapang mukha ni Mikael habang natutulog.
“Hindi ko pa din lubos maisip na ikaw ang magdadala ng pagbabago sa akin.”, mahinang sambit ko sa kanya. Hinaplos ko ang mukha nito at naalala kong muli yung paghalik ko sa kanya.Para akong baliw at napailing sa naisip kong iyon, kaya naman pinilit ko na itong ginising.


“Bunso, bunso… gising, lipat ka na dun sa kama.”, niyugyog ko ito pero hindi natinag, tulog mantika. So, binuhat ko na lang ito papunta sa kwarto.


Inihiga ko siya at kinumutan bago ako tumabi sa kanya. Ngunit hindi na ako dalawin ng antok at nakatingin lang sa kisame, nasa ganoong posisyon ako ng tumagilid si Mikael paharap sa akin at yumakap. Isiniksik pa nito ang kanyang ulo sa aking balikat at ang kamay ay nakapatong sa aking dibdib. Hindi ako makagalaw at nakiramdam kung tatalikod ulit ito, pero nagulat ako sa kanyang sinabi habang tulog at napangiti ako nito, tinignan ko kung gising ba ito ngunit mahimbing itong natutulog. Ako kaya ang nasa panaginip ni bunso at nasabi niya iyon??



“Kuya, I miss you…”










……Itutuloy

5 comments:

  1. oi ang sweet naman ng mag kuya nyahaha....

    ano ba ang nangyari sa kanila...

    tnx mr. author...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga po eh, kinilig din ako sa chapter na to. Thanks po.

      Delete