Maraming salamat po sa lahat ng taong patuloy na nagbibigay
ng kanilang komento sa storyang ito. Ito na po ang chapter 16 ng 9 mornings ang
ikalimang gabi sana po ay magustuhan nyo ito.
Sa susunod ko nalang po babatiin kayo isa-isa gawa nang
nawala ang kodigo ko nang mga pangalan nyong lahat at ayaw may magtampo sa akin
kaya para safe wala nalang muna akong babatiin ngayon. Wahihihihi
Apat na araw nalang ang natitira para matapos ang siyam na
araw ng simbang gabi at ibig sabihin po nito ay apat na chapters nalang ang
natitira at matatapos na ito. Sana hanggang sa huli ay subaybayan ninyo ang
kwentong ito. Marami pa po akong pasog sa natitirang chapters tulad ng kay
Alfie, Anna, Pat at ang ibang character na naging parte ng buhay ng ating
bidang si Laurence Cervantes.
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
<hr color="pink" width="100%"
align="center"><!--more-->
Ipinagpatuloy namin ang gabi ni Claude.
Alam ko sa sarili kong mahal ko parin sya, pero natatakot ako na baka
pag-tuluyan akong bumigay sa nararamdaman ko para sa kanya ay masaktan lang
ulit ako, kami. Fragile masyado ang relasyon namin ngayon ni Claude lalo pa’t
alam namin na pareho kaming may pagkakamali noon. Paano kung maulit ang
pagkakamaling iyon? Kaya na ba naming panindigan ang isa’t isa? Konteng
panahon, yon ang kailangan namin para makilala ulit ang isa’t isa dahil sa anim
na taon naming paghihiwalay alam kong maraming nagbago sa amin hindi lang sa
pisikal na anyo kung hindi pati na rin sa ugali.
Hindi ko maikakailang sobrang saya ko ngayon dahil sa wakas
ay naayus na namin ni Claude ang relasyon namin. But we cannot ignore our past
that easily ang masalimuot na nakaraan na naging dahilan ng paghihiwalay
namin. Marami pang katanungan ang hindi
nasagot, marami pang bagay ang hindi klaro sa amin. We have to start all over
again kung gusto naming tumagal.
“Claude?” Ang sambit ko sa pangalan nya. Hindi pa rin kami
nang hihiwalay sa pagyayakapan namin. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok nang
kanyang puso at alam kong nararamdaman din nya ang sa akin.
“Hmmm?” Tugon nito. Sa yakap nya ngayon sa akin masasabi
kong ayaw na ako nitong bitiwan parang kung pwedi lang habang buhay nalang
kaming magkayakap ay gagawin nya.
“Yung inihaw ko.” Ang sabi ko sa kanya.
Agad naman itong bumitiw sa akin at ngumiti. Muli, nakita ko
na naman ang ngiting bumighani sa akin anim na taon na ang nakakaraan. Ang
ngiti nang nag-iisang taong nagawa kong ibigay ang lahat-lahat sa akin.
“Basta talaga inihaw hindi mo papalampasin.” Wika nito nang
nakangiti habang pinapahid ang basa nyang pisngi. Ang maumo ang gwapo nitong
mukha ay hindi nabawasan kahit ilang taon na ang nakalipas. Kahit medyo nag
matured ang hitchura nito ay naroon parin ang dating Claude sa mga mata nya.
Napangiti na rin ako. Ngingitng hindi pilit, ang ngiting
matagal ko nang ibinaon sa aking kaloob looban dahil sa pagkalugmok sa
kalungkutan. Sobrang gaan nang nararamdaman ko sa mga oras na iyon para akong
muling nabuhay. Parang binigyan ako nang muling pag-asa.
Ganito ba ang epekto
sa akin nang taong ito? Kaya nyang hugutin lahat ng emosyon na meron ako sa
loob ko?
“Bakit?” Ang wika nito dahil nakatutok parin sa kanya ang
aking mga mata.
“Wala naman.” Agad kong bawi at muling itinuon ang aking
atensyon sa aking iniihaw.
Naramdaman ko nalang ang pag lingkis nang dalawa nitong
kamay sa aking bewang. Yumakap ito sa akin at hinalik-halikan ang aking ulo.
“Na miss kita nang sobra misis.” Ang malambing nitong sabi.
Nang marinig ko ulit ang tawag nito sa akin ay nakaramdam
ako nang ibayong saya. Na miss ko ang tawag nyang iyon at mga alaala namin
noon. Pero agad kong iwinaksi agad ang lahat dahil baka tuluyan lang akong
bumigay sa kanya. Hindi ko naman intension na pahirapan o gumanti dahil walang
rason para gantihan ko sya. Malinaw na sa akin ang lahat at tanggap kong pareho
kaming nagkamali noon. Ang sa akin lang ay hindi ko na ulit gagawin ang
pagkakamaling agad na bumigay sa kanya dahil alam kong hindi iyon makakatulong
sa amin.
“Misis ka dyan. Hindi pa tayo ulit Claude gusto ko munang
pagisipan ang lahat dahil ayaw ko na ulit magsisi.” Pilit kong pinahinahon ang
boses ko dahil ayaw kong mahalata nyang gustong gusto ko ang nangyayari sa amin
sa mga oras na iyon.
“Alam ko. Basta, hayaan mo lang ako.” Wika nito sa mahinang
boses habang nakapatong ang kanyang baba sa aking kanang balikat. “Gagawin ko
ang lahat na mawala ang takot na meron ka ngayon. Dahil ako naman ang dahilan
ng lahat ng yan.” Wika pa nito.
Tagalang tinamaan ako nang kilig sa mga sinabi nya. Kung
hindi ko lang napigilan ang sarili ko baka hinarap ko na sya at siniil ng
halik.
“Nakikiliti ako sa buhok mo. Lumayo ka muna nang konte.” Ang
pagdadahilan ko nalang para ma divert ko ang nararamdaman ko sa mga oras na
iyon.
Kay hirap tangihan ang paglalambing nito sa akin isama mo pa
ang pabango nitong lalong bumabasag sa pagtitimpi ko. Claude’s manly perfume
makes me shiver at alam kong nararamdaman nya iyon kaya mas lalo pa nyang
idinikit ang sarili nya sa akin. Para tuloy akong timang na pinagpapawisan
kahit malamig ang hangin sa pwestong iyon ng floating cottage.
Naramdaman ko ang pagdampi nang mga labi nito sa aking leeg.
Napaigtad ako sa kuryenting dumaloy sa buo kung katawan at nang akmang ilalayo
ko ang sarili ko sa kanya ay mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayap nya sa
akin.
“Hayaan muna ako misis. Na miss lang kita nang sobra kay
tagal kung inasam na mahawakan kang muli. Hindi mo alam kung gaano ka hirap
para sa akin ang makuntento nalang pagmasdan ka mula sa malayo malayo.”
“Pagmasdan ako mula sa malayo? Stalker ka ba?” May pagtataka
kong sabi na hindi ginagalaw ang aking ulo. Na conscious kasi ako sa sobrang
lapit ng maing mga pisngi dahil nakapatong parin ang baba nito sa aking kanang
balikat. Kung makikita ako ngayon ng isa sa mga estudyante ko paniguradong
malaking eskandalo ang sasalubong sa akin sa bagong taon.
“Sabi ko naman sayo di ba? Mula nang dumating ako dito ay
lagi na kitang sinusundan. Mula sa pagsimbha mo, pagpasok mo sa trabaho,
hanggang sa mga taong nakakasalimuha mo ay alam ko.”Pagamin nito sa akin. Imbes
na mahiya ay proud pa si gagong maging stalker.
“Kung ganun bakit mo ako inaway nung magkita tayo sa resto
nina Mina?” May bahid ng pagtatampo kong sabi sa kanya.
“Hindi naman ako galit sayo sa mga oras na yon na dala lang
ako nang galit ko sa sirili.”
“Galit sa sarili?” Pagkaklaro ko sa sinabi nya hindi ko kasi
naintindihan dahil sa halo-halong emosyong nahahari sa akin. Kinikilig,
nagaalangan, nagtitimpi, nagpapacute at kung anu-ano pang kalokohan.
Nagtawa ako nang humiwalay ang kamay nito na nakalingkis sa
akin. Dahan-dahan ako nitong pinaharap sa kanya at nagsalubong ang mga mata.
“Naiingit kasi ako sa kanila.”
Gusto kong matawa nang muling makita ang pag-pout nito nang
kanyang pangibabang labi. Ganito ito pagnagtatampo laging nagpapacute na bagay
na bagay naman sa kanya at isa sa mga kinahuhumalingan ko sa kanya noon pa man.
Pero, pinigilan ko ang sarili ko na ipakita ang pagkasabik kong iyon.
“Naiingit ka saan?”
“Sa kanilang lahat. Dahil bukod sa nakita kong masaya kang
nakikipagusap sa kanila ay naingit din ako sa sweetness ng mga ka tropa nang
pinsan ko. Alam mo yung kaya nilang ipangalandakan sa mga tao na mga relasyon
nila lalo na yung si Red at Rome.”
“Kilala mo si Red at Rome?” Ang may pagtataka kung sabi.
“After natin sa Bestfriend dinala ako ni pinsan sa bar nila
para mapakalma at makausap tungkol sa inasta ko sa restaurant ng misis nya.
Doon ko nakilala si Rome at Red na sumunod sa amin sa bar agad nga akong
sinapak ni Rome eh.” May himig ng pagsusumbong nito sa akin. Kaya pala may pasa
ito nang magpunta sa bahay ko.
“Buti nga sayo.” Ang sabi ko naman akala siguro nya maaawa
ako sa kanya.
“Mabuti nga sa akin.” Sangayon pa ni gago na sinamahan pa
nang isang matamis na ngiti. “Dahil tuluyan akong nagising sa kahibangan ko.
Nang ma kwento ko sa kanila ang tungkol sa atin kasama na rin ang.. ang… mapait
na nakaraan natin nalaman kung nangyari rin pala ito sa partner ni Rome na si
Ace at si Chad na pinsan ko ang may kagagawan.”
Tahimik lang akong nakatingin sa kanya.
“Naingit ako kay Rome dahil nagawa nya ang isang bagay na
hindi ko nagawa sayo noon ang protektahan ka. Im sorry.” Ramdam ko ang
pagsisisi nito.
“Sana hindi pa huli ang lahat para makabawi ako Lance.
Ibabalik ko ang dating meron tayo hindi ko na hahayaang mawala kapa sa akin
dahil hanggang ngayon mahal na mahal parin kita.” At muli ako nitong yinakap
nang mahigpit ako man ay tuluyan na ring nadala at napayakan na rin sa kanya.
Nang sa wakas ay matapos ang drama namin ni Claude ay nagsimula
na kaming kumain bahagya pang nasunog ang
inihaw ko sa kadramahan namin at para siguro hindi ako malungkot si
Claude pa mismo ang unang tumikim at pinuri ang aking inihaw. Bakas sa mga
mukha namin ang saya sa mga oras na iyon para akong nabunutan ng tinik sa
dibdib.
Konteng kwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin noong
maghiwalay kami ang nangyari sa gabing iyon. Doon ko nalaman na lahat ng sinabi
sa akin ni Claude ay totoo alam nya lahat ng nangyari sa akin sa nakalipas na
anim na taon. Talagang nag hire ito nang investigator para mabantayan ako.
Hindi na namin o mas matamang sabihin na pareho naming iniwasang ma buksan ulit
ang topic tungkol sa eskandalo marahil ay ayaw ni Claude na masira ang gabi
namin. Ang gabi nang aming bagong simula.
Nang mapansin ko ang aking relo ay nagulat ako na mag
aalas-dos na pala nang madaling araw. Sadya talagang mabilis ang oras kapag
nageenjoy ka.
“Claude kailangan ko nang umuwi.” Ang wika ko habang pareho naming pinapanood ang pagsayaw ng buwan sa tubig. Nakayakap si Claude mula sa aking likod at gaya nang kanina nakapatong ang baba nito sa aking kanang balikat habang nagkukwentuhan kami.
“Bakit?” Alam kong na bigla ito sa biglaan kong pagyayang umuwi.
Kahit ako ay gusto ko pang magtagal doon pero kailangan kong tuparin ang
obligasyon ko. Sayang ang effort ko sa pagising ng madaling araw para magsimba.
“Kailangan ko pang magsimba.”
Ang akala ko ay hindi ako nito papakawalan dahil hinigpitan
nito ang pagkakayakap sa akin. Pero ilang sigundo lang ay unti-unting lumuwag
ang pagkakayakap nya hanggang sa iharap ako nito sa kanya at nang muling mag
salubong ang aming mata mata ay walang anu-ano ako nitong siniil ng halik.
Syempre na bigla ako kaya hindi agad ako nakaiwas.
Nang maghiwalay ang aming labi ay ngumiti ito nang sobrang
tamis halatang tuwang-tuwa si gago. Nang makabawi sa pagkabigla ay agad na
dumapo ako makay ko ulo nito.
“Loko ka! Naisahan mo ako don ah.” Ang pigil kong pagtatago
sa kilig na naramdaman ko.
Tumawa lang sig ago at pinagigilan ang aking pisngi.
“Tara magsimba na tayo.” Wika nito na tatawa-tawa pa.
“Anong tayo? Ako lang, umuwi kana sa inyo nang makapag
pahinga ka.” Kunyaring pagsusuplado ko sa kanya dahil ang totoo gusto ko ang
ideyang sabay kaming magsisimba.
“Nope. Sasama ako.” Nakangisi nitong sabi sabay kuha nang
cellphone nya sa kanyang bulsa. “Paki dala na kami nang misis ko pabalik.” Wika
pa nito marahil ay ang restaurant ang tinawagan nito.
Ilang minuto lang ay naramdaman ko nalang ang pagalaw ng
floating cottage. Iginaya naman ako ni Claude papunta sa front part ng floating
cottage na iyon at doon ko nakita ang apat na lalaki na hinihila ang lubid na
konektado sa cottage na sinasakyan namin.
Nang sa wakas ay makabalik na kami sa pangpang ay sinalubong
agad kami nang waiter kanina. Agad namang kinuha ni Claude ang kanyang wallet
ay kumuha nang limang daan at ibinigay iyon sa waiter.
“Pamasko ko sayo. Wag mo nang ipagamit sa iba ang cottage na
iyan sabihin mo sa manager nyo. Yan na lagi ang tatambayan namin nitong misis
ko.” Sabay akbay nito sa akin. Aba! Galante
ang gago!
“Salamat po sir. Opo, sasabihin ko po.” Tuwang-tuwa namang
tugon ng waiter. Sino ba naman ang hindi matutuwa sa laki ng tip na binigay ni
Claude.
Tatalikod na sana kami at tutunguin na ang kotse nang may
bigla akong maalala.
“Hindi mo pa nababayaran ang in-order natin at yung renta sa floating cottage.” Ang wika ko sa kanya.
Ngumisi ito sa akin.
“Bakit ko kailangang magbayad eh ako ang may ari nyan.”
Literal akong napangaga at napahinto sa paglalakad dahil sa
magkahugpong ang aming kamay ay napahinto rin ito. Napalingon ako sa magandang
restaurant na iyon ang kilalang sea food restaurant at muli kong ibinaling ang
aking tingin kay Claude na may pagtataka.
“Ibenenta na ng may ari sa akin ang share nya. Actually,
hindi sa akin kundi kay mama at since na ako na ang humahawak sa mga negosyo
namin akin na yan.” Sabay kindat pa nito sa akin.
“Eh yung kapatid mo?” Nang maalala ko si Louisa.
“Naku, pasaway ang isang yon at walang hilig sa negosyo kaya
nang mag punta ako nang US para lumayo “kuno” sayo nag change course ako to
business management.” Nakangiti nitong sabi.
“Dapat talaga quoted ang “kuno”? Panggagaya ko pa sa
pag-quote nya sa salitang iyon.
Tumawa lang ito at muling pinaghugpong ang aming kamay.
“Tara na, malalate tayo sa misa.”
Talagang marami na ang nagbago sa loob lang ng isang taon.
Kung noon ay mayaman sina Claude mukhang ngayon ay na times ten pa ata ang
yaman nila. Nakaramdam ako nang inggit sa kanya hindi dahil sa kayamanan nya
kung hindi dahil sa tatag na meron sya alam kung hindi biro ang humawak ng mga
negosyo lalo na sa edad nito ngayon na twenty six palang.
Sakto Naman ang pagdating namin ni Claude sa simbahan dahil
kasisimula lang ng misa. Wala kaming choice kung hindi ang tumayo nalang sa
labas dahil puno at ukupado na ang loob
ng simbahan. Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong magpa-late. Pero, since na
kasama ko naman si Claude ay hindi na ako nagreklamo pa.
Taimtim kaming nakinig ng misa. Napaka saya ko sa mga oras
na iyon dahil kasama ko ang taong mahal na mahal ko. Paminsan-minsan ay
nagkakatitigan kami at sabay kaming napapangiti palihim din itong nakahawak sa
aking kamay na hindi ko naman tinutulan.
Humingi ako nang tawad sa panginoon sa ginawa kong paglimot
sa kanya. Doon ko na realize na hindi tama na isisi ko ang mga kamisirablehan
ng buhay ko sa kanya dahil ako naman itong pumili kung bakit ako nagkaganun.
Nang matapos ang ikalimang araw ng misa de gallo ay agad
akong inihatid ni Claude sa bahay. Kita na sa kanyang mga mata ang pagod at
antok dahil tulad ko pareho pa kaming walang tulog. Dahil na rin sa takot na
mapahamak sya ay inaya ko syang magpahinga muna nang konte sa bahay. Agad
namang na recharge si loko at nagliwanag ang mukha.
Dumating kami sa bahay ngunit ng makapasok ito ay biglang
napalis ang ngiti at masayang aura nito sa kanyang mukha. Bumakas ang
kalungkutan sa kanyang mga mata.
“Anong problema?” Ang di ko maiwasang maitanong sa kanya.
Hindi ito sumagot sa akin.
“Claude?” Pagtawag ko sa pangalan nya para pilitin syang
magsalita.
“Wala. Naisip ko lang kong gaano ka naging malungkot tumira
magisa dito.” May bahid ng lungkot nitong sabi.
“Nag dra-drama ka na naman eh. Pweding pass muna tayo sa
dramahan? Baka ma dehydrate ako sa kakaiyak eh. Di ba sabi mo naman babawi ka?” Patawa kong sabi.
Tumango-tango ito at ngumiti na rin. Alam kong malaki ang
guilt nya sa sarili sa mga nangyari sa buhay ko ang sarili nya ang sinisisi nya
sa pagiwan nya sa akin noon sa gitna nang problema.
“Bakit wala kapang Christmas decoration?” Pag pansin nito.
“Hindi talaga ako nag lalagay ng Christmas decoration si
mama sya lang naman ang may tyagang mag kabit ng mga iyon eh.” Nakangiti kong
wika sa kanya habang tinatanggal ang sapatos at medyas ko.
“Sige mamaya bumili tayo nang mga decorations at Christmas
tree dito natin sisimulang baguhin ang lahat-lahat.”
Natuwa naman ako sa tinuran nito seryoso talaga sya sa
gagawin nyang pagbawi sa akin.
“Christmass party namin mamayang hapon kaya hindi pwedi.”
Naupo ito sa tabi ko at muli na naman akong ninakawan ng
halik.
“Nakakarami kana Mr. Samaneigo!” Galit galitan kong sita sa
kanya.
Pero imbes na tumigil ito ay hinawakan nito ang magkabila
kong pisngi at muling siniil ng halik. Hindi ko na nagawang pumalag dahil tuluyan
na akong dala sa halik nito sa akin. Ilang minuto rin ang itinagal ng halikan
naming iyon at nang maghiwalay ang aming mga labi ay agad ako nitong kinarga na
parang bata. Hindi na kabigla-bigla na nakaya akong buhatid ni Claude ng walang
kahirap-hirap sa laki ng katawan nito.
“Tulog na tayo misis.” Wika nito na may pilyong mga ngiti.
“San ba ang kwarto mo?” At nagpalinga-linga ito.
“Hoy dito ka sa baba ako sa taas ako.” Ang wika ko naman na
isa palang malaking pagkakamali dahil nadulas ako at nasabi kong saang banda
ang kwarto ko.
Ngumisi ito sa akin at walang anu-anong tinungo ang kwarto
ko. Nang marating namin ang aking kwaro ay dahan-dahan ako nitong ibinaba sa
aking kama kasunod ang pagpatong nito sa ibabaw ko.
“A-Akala ko ba matutulog na tayo?” Ang kinakabahan kong
sabi.
“Yep, pero bago yon may gusto muna akong gawin.” Tugon naman
nito na sinamahan pa nang pilyong ngiti.
Mag-rereact at tututol pa sana ako nang tumayo ito at walang
anu-anong tinangal ang kanyang pangitaas na saplot. Mag sisinungaling ako kung
sasabihin ko na hindi ako naapektuhan ng makitang muli ang kahubdan nito.
Literal na nanlaki ang aking mata nang i-unbutton nito ang fly nang kanyang
pantalon. Ngumisi pa si loko nang makita ang reaksyon ko at kumindat.
“Hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Sita ko naman sa
kanya ngunit nag bingibingihan lang si gago at tuloy-tuloy na ibinababa ang
kanyang pantaloon.
Napa ‘Shit’ ako nang makita ang kahubdan nito. Sexy nitong
tingnan habang nakaboxer lang ito nang itim. Ang mga balahibo nito sa hita
hangang sa kanyang binti ay lalong nagpapadagdag sa kanyang appeal.
Agad itong sumampa sa kama at pumatong sa akin.
“Game?” Nakangising gago nitong wika na hindi ko na nasagot
dahil agad nitong inangkin ang aking mga labi na agad ko namang tinugon ng
walang pagaalinlangan.
Masyado malakas ang hatak ng taong ito sa akin at napakadali
lang sa kanyang sirain ang depensa ko siguro dahil gusto ko rin talagang likas
lang akong pakipot pero ngayon bahala na si batman at robin.
Nagsimulang maglakbay ang lakbay ang aking kamay sa kanyang
matipunong likod. Naramdaman ko narin
ang kanyang kamay na dahan-dahang itinataas ang aking damit at nang tuluyang
matanggal ito ay muling nagsalubong ang aming parehong nangungusap na mga mata.
Pagkasabik, pagmamahal, at kaligayahan ang nakikita ko sa mga mata ni Claude
hanggang sa muling mag lapat ang aming labi.
Mapusok ang mga halik nito’t mapang-angkin na sinuklian ko
naman hangang sa naglalakbay ang mga labi nito pababa sa aking leeg, papunta sa
aking tenga. Napuno nang impit na mga ungol ang apat na sulok ng aking kwarto.
“I love you misis.” Ang wika nito sa humihingal na boses.
Tinugon ko naman ng isang mapagmahal na halik sapat para malaman nito ang
totoong sinisigaw ng aking damdamin.
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment