I believe everyone has the most stupid, craziest, funniest and greatest stories to share. Please spare your precious minute to listen mine.
Maraming salamat sa lahat ng nag-laan ng kanilang oras para sa mga kwento ko. At maraming salamat din kay ubo (sino yun?) Si tomboy Kenji yun haha. Tanungin niyo nalang siya kung bakit ubo tawag ko kanya. Lmao. I appreciate feedbacks, wag kayong tamarin, wala naman yata ngccoment dito haha parang wala namang ngbabasa.
Please follow me on twitter and Instagram @iamsteffano.
You can visit my blog hit the link http://steffanoperales.wordpress.com/
Ewan ko ba ang aga ko nagising ngayong araw na to. Ang sarap talaga ng gising ko, katabi ko kasi natulog last night si Angel locsin yun oh aha! (ambisyo lang lols) It seems there is something I have to chase for. Kaya nag-gayak na ako para bumili ng paborito kong breakfast ang walang kataposang palabok. Paglabas ko kakaiba yung pakiramdam, ang sarap pala gumising kapag umaga, you’ll witness the invigorating sunrise, ang sigaw ni manong “taho!”, ang halakhak ng mga paslit papuntang school na first time yata maka-attend ng flag ceremony aha, ang ibat-ibang sigaw ng mga tindera na naglalako ng kani-kanilang paninda, ang buhos ng mga mamimili na groggy look at sabog pa ang mga buhok, pagkagising yata tumayo agad papuntang palengke lols, at higit sa lahat ang infectious na mga ngiti nila, nag-mouthwash man sila o hindi, hell who cares? Basta gustong-gusto ko nakikitang nakangiti sila, nonchalantly nakangiti na rin pala ako. Aminin mo, sa Pilipinas lang merong ganito.
“Good Morning”! ang bati sa akin ni tatang malabon, hehe siya ang nagluluto ng paborito kong pancit. “Ne ibalot mo na yung palabok ni pogi” nakz ang lakas talaga makapambola ni tatang (sabagay totoo naman haha yun oh!). Kakatapos ko lang mag-breakfast i am now heading to astro park para mg.jogging. Pumara muna ako ng.jeep papuntang park (tamad kc ako eh) but there was a thing caught my attention¸ may nakasulat kasi sa jeep sabi “You are a blessing” it touches my heart yeah it really does lalo tuloy gumanda ang umaga ko. Sakto naman ang song na tumutugtog sa ipod ko “what a wonderful world”. Habang binabagtas namin ang daan hindi ko maiwasang di tumingin sa nadadaanan ko. May nakita akong magbobote, may napulot siyang pagkain tapos inabot niya dun sa isang matandang pulubi. May nadaanan kaming tumirik na besta van, biglang nagsilabasan ang mga tricycle driver sa toda nila at nagtulungang itulak ang van. (Bayanihan tawag dun) Pagdating namin sa crossing sira yung traffic light tsk naku congestion na nman toh, pero may lalaking bumaba sa kotse niya pumunta siya sa gitna at nag-ala traffic enforcer, gumuhit ang ngiti sa lahat ng motorista, maging ako lubos akong natuwa. Pagkababa ko sa jeep pumunta muna ako sa 7eleven para bumili ng Gatorade. Upon my entourage at the park I felt fresh air against my face, it’s very soothing, and it sent me forth to nostalgia. I saw couples warming up, senior citizens performing tai chi, and others saying happy morning to each other. While jogging, napansin ko ung madungis na bata na bumubuntot sakin. “Bakit? tanong ko. “akin na po yung bote ng Gatorade kuya pagkatapos mo” sagot ng bata. I smirked, yun lang ba? Anong gagawin mo sa bote?, “Ibebenta ko po keysa naman ikakalat niyo lang”. I chuckled, “sige hintayin mo ako” takbo ulet ako sa oval. It’s been 15 minutes passed pero nasa bench parin ang bata (nakaramdam ako ng awa, lumapit ako), “Hindi kaba nagugutom?”, (yumuko lang siya), “gusto mong kumain?” ulet ko. “mamaya na lang ako kakain kapag nakabenta na ako ng bote”. “gusto mo kumain kasama ko? Gusto mo mag.jollibee?”, “wag nalang po, kayo nalang”, “ang arte mo naman, sige ka baka ma.bago isip ko nyan”. (pansin kung nahihiya yung bata) “hmmn gusto mo ng pera?”, “sabi po kasi ni mama wag daw ako tumanggap ng pera na hindi ko pinaghihirapan.” sambit niya. Tumagos sa puso ko ang sinagot ng paslit. Kaya nakaisip ako ng idea. “Hmmn ganito, nalang iiwanan ko sayo yung cellphone ko bantayan mo habang ngjojoging ako, tapos may premyo ka sakin mamaya, cool kaba dun? Sumilay ang ngiti mula sa kanyang inosenteng mukha, ewan ko kung anong pumasok sa kukoti ko at ipinagkatiwala ko ang cellphone ko sa isang paslit na hindi ko lubosang kilala. Time check, 7:30am bumalik ako sa bench, andun parin yung bata hawak-hawak yung cellphone ko at etoh pang malupet nakabalot pa ng tissue. Haha. “Bakit binalot mo ng tissue yung phone ko?, “marumi po kasi yung kamay ko eh”, “ano kaba ok lang yun hindi naman ako maarte masyado, medyo lang” , sabay abot ko ng Jollibee food sa kanya “Oh eto premyo mo, iuwi mo yan sa family mo hah!” , “salamat kuya ”, “no worries, teka bakit sa lahat ng tao dito sa park ako yung pinili mong buntutan? I asked. “nakangiti po kasi kayo” sagot ng bata.
Now, Im off to my apartment still thinking what the poor kid just said. Kahit pala gaano ka miserableng buhay meron tayo, hindi natin dapat ipagdamot ang kakarampot na ngiti. Bakit kelangang ngumiti? Eh, pangit kana nga sisimangot kapa, kumusta kana man?
Dahil sa simpleng ngiti nagbibigay ito ng kakaibang kulay sa mundo ng mga simpleng tao. Each day, is a brand new day, an amazing gift to treasure. We might experience tons of difficulties in our lives, but we have million of reasons to smile. A genuine smile while walking along our own runways, our own world. At sana, nakangiti ka habang binasa to, bahala ka magkaka –wrinkles ka niyan.
Nakangiti na po......wehhhhh
ReplyDeleteNakangiti na po......wehhhhh
ReplyDeleteThis sure made me smile :)
ReplyDeletenapangiti mo nga ako Steffano..and yes naantig pa puso ko..love this! :))
ReplyDeletenapangiti mo nga ako Steffano..and yes naantig pa puso ko..love this! :))
ReplyDelete:).. i love smiling..
ReplyDelete(^_^)v
ReplyDeleteNICE 1 REYGEL
ReplyDeleteNICE 1 REYGEL
ReplyDelete