ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^
Showing posts with label Steffano. Show all posts
Showing posts with label Steffano. Show all posts

Tuesday, November 27, 2012

THE BEAUTIFUL CRIMINAL [The first shot]



                        http://reygelperales.wordpress.com/

Howdy? Paunmanhin po sa 45 years na update. hihi. Alam mo hindi ko naman talaga ini-expect na may magkakagusto ng teaser ko, salamat sumakay ka sa trip ko. Kaya nung maraming ng nangungulit sakin [sinisingil na ako] kaya ayon nag-wrinkles ako. JK. Kidding aside, busy po kasi sa work ewan ko ba tong mga boss ko andaming pinapagwa. Kaya ayun I got sick and still am. Sa totoo lang nakapalaking challenge para sakin na isulat ang ganitong kwento, napakahirap maglabas ng emoyson sa isang action scene, pero ayos anjan naman kayo eh. Maraming pong salamat Hon Rovi -) sa mga payong ibinigay niya at lalo na idolo nating si Kenji dahil sa pagbigay sakin ng pagkakataon na magbahagi ng mga kwentong hindi ko alam saan nanggaling. lol Sa lahat po ng nag-abang sila riley delimadark_kenAnonymous J, franklin alviola,Frostking, -caranchou, Regie,hajji aliviorascal at kay Roan, maraming salamat sa inyo. Wala ba pangalan mo? ewan ko sau bat dika ng comment haha. I appreciate feedback,  it's my food to grow. Enjoy reading pipz.

Note: Follow me on  twitter and instagram @iamsteffano
Please like my official facebook page https://www.facebook.com/Thesteffanoperales?ref=hl
****************************************************************************

Thursday, November 8, 2012

“ANG MAPUTING ANYO SA MADILIM NA BALAT”

Please like my official page hit this link https://www.facebook.com/Thesteffanoperales


DISCLAIMER: 2012 All Rights Reserved. Unauthorized use, copy, editing, reproduction, publication, duplication and distribution of the this article, without the authors explicit permission, is punishable by law. Subject to Philippine and International Copyright Conventions on Intellectual Property Right


Photo credit: Ardin Tuga

Written by: Steffano Perales
http://steffanoperales.wordpress.com/

    Dapat nakangisi ka palagi para nahahalatangtao ka. Ngipin mo lang kasi maputi sayo. O kaya try mo mag-suot ng reflectorized shirt yun tipong aakalain nila taga MMDA ba etoh o poste ng meralco? Hoy, baluga! hahaha hindi pare aeta yan yung galing sa bundok. Ba’t nasa ciodad yan? Eh di umiigib ng tubig! Haha
Whoa! Pare hanep and sexy oh! Patingin’, taena pare napaka exotic ng ganda haha. Sabi nila, and tunay na ganda nasa loob. Kaya ikaw, wag kang magla.lalabas!
Ilan lamang ang mga litanyang ito na kumitil ng tiwala sa sarili nila. Ang iyong mga halakhak sa kanilang mga balat ay katumbas ng sanlibong patak ng kanilang mga luha. Bakit ba kasi ganito ako ipinanganak? Noong araw ng pagsilang ko, naloka ang tatay ko. Katabi ko kasi ang mga kaldero, nalito siya kung alin ako dito. Mag.kaka wrinkles nga daw si Vicky Belo kung siya mag.rerepaso ng mukha ko. Mula noong kamusmusan ko, tampulan na kami ng tukso. Aeta daw kami. Kasing kulot ng noodles ng lucky me ang buhok namin. Buti pa nga ang noodles may sabaw, sabi ko. Kung magsasawa nga daw ang Pilipino sa paggamit ng petroleum gas (kasi naman kasing presyo na ata ng louie vitton bag ang gas ngayon). Kukunin daw kami ng proctor & gamble na endorsers ng bago nilang produkto. “Uling for the people” oh diba bongga?

Siguro lihim kang nagtataka na sa kabila ng labis na panlalait na bini.breakfast ko tuwing umaga nakuha ko paring tumawa. Oo naman no, magmumukmok ako ganon? Ayoko nga. Ngunit kawangis ng aking mga halakhak ay ang hinagpis sa aking mga mata. Nakakalungkot lang isipin na sa aking bayang sinilangan ay ikinakahiya ang aking itsura na animoy sakit na nakakahawa. Sa bawat lingon, ay nakatingin ang mapang.alipustang mga mata. Pero okay lang yun. I’m used to it. (wow English). Hindi na ako iiyak pa. Sino ba naman kasi ang sisisihin ko sa ganito kung itsura? Si poncio? Wag na baka busy siya.
Sabi nga ni Lady gaga; “I’m beautiful on my way coz god made no mistakes, I’m on the right track baby I was born this way” oh yeah who’s bad? (kay Michael Jackson pala yun)
Akmang-akma ang lyrico na etoh sa nararamdaman ko ngayon. Gumawa man ang diyos ng itsurang kasumpa-sumpa, pero walang dahilan para hindi ko ito ipagpapasalamat sa kanya. Napakaganda ng mundo para lang ikalungkot ko ang mukhang toh. Kailanman, ang tabas at anyo ay hindi naging basehan para tawaging maganda ang isang nilalang. Kung kasuklam-suklam ang aking ganda para sa kanila, ngumingiti lang ako, tumatayo at taas noong nagsasabing “hindi mo talaga ma.appreciate ang ganda ko, dahil pang.hollywood toh! Pak!) .
Wah ko care sa sinasabi ng iba. Dahil hindi ako nabubuhay para lang sa bulok na opinion nila. Ang mahalaga ang relasyon ko sa maykapal, ang pagmamahal ko sa aking pamilya, ang pakikipagkapwa tao at ang pagiging responsableng mamayan sa aking bansa.
Napaka.pampalakas loob para sabihin ang mga katagang ito.
Ngunit paano ang ibang mga kalahi ko na hindi namana ang kapal ng mukha ko?
Paano sila na walang lakas ng loob na lumaban at magsalita? Nais kung ituro sa kanila na tumayo sa sarili nilang mga paa, dahil walang sinuman ang magtatangol sa kanila kundi ang mismong mga sarili nila.
Bakit ba kasi sandamakmak ang mga taong walang ibang alam gawin sa buhay kundi ang manghusga. Naalala ko, pumasok ako sa isang fastfood. Kasunod ako ng isang matangkad, maganda at makinis na dalaga. Pagbukas ng pinto, “Good morning ma’am welcome po!” bati ng crew sa kanya. Pagdating sakin, “Bakit po?” sabi ng crew sakin. Akala niya siguro solicitor ako. “Kakain po ba sila?” pag.ulit niya. Ngumit lang ako, “ah hindi, siguro maglalaba ako, fastfood to diba?”

Hindi lang minsan nangyari sa akin ang ganito. “Diskriminasyon” magpahanggang libong beses ko na siguro naranasan ito. Ngunit, hindi ko kailangan ang awa nila, hindi ko kailangang patunayan na magaling din ako na maganda din ako. Isa lang naman ang munting hiling ko, “RESPETO”. Mahirap po ba ang hinihingi ko? Sadyang mahirap bang ibigay ang nais ng kalahi mo?
Hindi ko parin lubos maintindihan kung bakit napakababa ng tingin ng mga Pilipino sa aming mga baluga. Subukan mong sugatan ang makinang mong ganda, kung puting dugo ang lalabas saka ko masasabing tayo ay magkaiba. Minsan sana naisip mo rin na ang balat pinandidirihan mo ay tatak kung san ka nagmula.
Kailan tayo matutong pahalagahan ang bawat isa ng walang anumang pagtatangi sa kulay at itsura.
Kailan natin makikita ang kagandahan ng dilim? Ang kabutihan ng itim?
Pilipino ako, ipinagmamalaki ko ang kulay ng lahi ko. Ikaw? Anong halaga meron ang balat mo?
Please like my official page hit this link https://www.facebook.com/Thesteffanoperales


Tuesday, November 6, 2012

PENCHANT FOR PHOTOGRAPHS

 I ain't pro in photography nor studied advanced courses but knock it off I just want to take pictures :)).
I wan't to share extraordinary stories from my simple captures, hope you guys will love these shots.
By: Steffano Perales
http://steffanoperales.wordpress.com/


                                                       Location: Vigan Heritage City
                                                        Project title: "The Lantern"



Location: Vigan Heritage City
Project title: "Why you're so busy? Sit down for a while"


Location: Ilocos Philippines
Project title: "Windmills"

Location: Villa, Esperanza, Masbate
Project title: "Gawas shore"


                                                            Location: Vigan City Park
                                                            Project title: "The Story of Black and white"


The beautiful Criminal (Teaser)


                                                    Written by: Steffano Perales
                                               http://steffanoperales.wordpress.com/

Hawak ko ngayon ang bluebook na naglalaman ng sensitibong impormasyon para sa isang mahalagang misyon.

“Have a seat Gentlemen” ang bungad ng amin ng Division Director.

Nasa loob kami ngayon ng isang silid na napapaligiran ng conventional monitoring screens. Sumindi ang wall-sized monitor at isa-isang nagsilabasan ang mga imperatives hudyat ng simula ng aming briefing.

 “Limang araw mula ngayon ay gaganapin ang ASEAN Outsourcing Summit International.  ang papapatuloy ng Division Director.
“February 20th that is Tuesday, Standard Pacific time PM 1800 ang nakatakdang oras ng paglapag ng private plane sa NAIIA Terminal III. Ang SVIP (Super-very important person) ay mananatili sa bansa sa loob lamang ng 72 hours. You got 82 hours to finalize the tactical plan. “


Your mission is to protect the prime minister, is the order clear?

Copy sir.


Nanumpa ako sa isang mahalagang tungkulin. Ang tungkuling protektahan ang mamayan at pamahalaan. Ito ang hiling ko mula nung namulat ako sa kamusmosan. Oo, naabot ko na ang pangarap ko. Isa na akong deputy officer  ng High-Intelligence Bureau ang pribadong hukbo ng sandatahang lakas ng Pilipinas.
 Medalya at Karangalan. Akala ko sapat na ang mga yun para lubosan akong maging masaya, pero bakit parang may kulang?


Ako si Caleb Steffan, Sabi nila nasa akin na lahat ng katangian para makuha ang  sino mang gustohin ko. Sana ganun lang kadali. Bakit parang hirap maging masaya? 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang panibagong assignment muli ang naitalaga sa aking posisyon.


“You got somethin’ to do” ang bati sakin ng pangulo ng supreme tribunal “Nasa loob ang lahat ng impormasyong kailangan mo”  sabay abot niya sakin ang envelope.


“Maraming Foreign Diplomats ang inaasang dadalo”  pag-simula niya  ng charge endorsement.
“Dadaan ang convoy ng SVIP sa sec. avenue apat na kilometro ang layo mula sa terminal, titigil ang escorts sa Holy Spirit High School upang salubungin ang parade, bababa siya mula sa bullet proof car upang makipagkamay sa mga madre. Ang signature shake hands ay tatagal ng 48 seconds. Minuto lang ang itatagal ng target sa labas ng sasakyan at yun lang ang pagkakataon mo. Check out the satellite image on the screen, dito sa defunct overpass ka nakapuwesto 70 degrees northwest. You have 40 seconds  to get the shot.


Your mission is to kill the prime minister…….. is the order confirmed?


“Very much”

Tayo ay nakatira sa isang masalimuot na mundo. Bawat galaw ay dikta ng tiwaling gobyerno..Lahat ng bagay ay pinapaikot ng pera. Lahat madumi, walang ng malinis. Hindi ko alam ang pangalan ko. Hindi ko alam kung saan ako nagmula. Wala akong pamilya. Pumapatay ako para buhayin ang sarili ko. Kapalit ng malaki mong halaga ay ang linis ng trabaho ko. Bahagi ako ng isang organisasyon ng  mga highly trained assassin’s  ang “supreme tribunal”. Bawat kalabit ng gatilyo ko ay katuparan ng mithiin ko. Sisingilin ko ang lahat ng mga taong naging dahilan ng galit at puot sa puso ko.  Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay darating ang taong magbibigay sa akin ng halaga at ituro sakin muli ang salitang hindi ko kailaman man naramdaman, ang pagmamahal at ang sumaya. 



THE BEAUTIFUL CRIMINAL...KILLS SOON.

NOTE: Hi there! this is my first ever series kung matutuloy. I appreciate feedbacks. Kelangan ko po ng inspirasyon, kaya kung ayos lang po sana leave your comments negative or positive it maybe ayos lang sakin. Sana po nagustuhan niyo ang silip sa story ko. Alright, tell me  how do you find it?


Friday, November 2, 2012

I danced with my Father again.

 http://steffanoperales.wordpress.com/

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Any resemblance to a story, places, name of a person living or dead is purely coincidental.
It’s late night. Where have you been?
I’m tired for your interrogations.
Hindi gawain ng isang matinong studyante ang umuwi ng dis.oras na ng gabi. He exclaimed.
I paused. Deep Sigh.
I went bar hoppin’
Cool. At hindi mo man lang iniisip na may nag.aalala sayo? Anong meron sa sa bar na yan hah?
Nag.alala? I smirked.  Ikaw? Kelan pa? and you wanna know what’s  behind the bars hah? Marami.
Dito ko nahahanap ang pagmamahal ng isang pamilya na wala ako.
He was caught off guard.
I’ll ask yaya to prepare the food for you. Pagkalma niya.
I’m still full.
I cooked your favourite lobster.
Great.
You’re eating?
No.
Ganito kami mag.usap ng Dad ko. Laging nagbabangayan, malamig at walang gana. Nasanay na rin ako. I was 12 years old when mom left . A horrible accident took her from us. It has been 9 years now. We were a happy family back then, very happy. My tears stream down on my face while looking our family picture. What a beautiful portrait, but it pains me so much how sorry we are now.
“Tok..tok..tok”
I said am not hungry!
Pwede ba akong pumasok? si yaya Estela. Bata pa lang ako siya na ang nag.aalaga sakin at siya na ang naging takbuhan ko simula ng mawala ang mommy ko.
I opened the door.
May problema ba anak? Bungad niya.
Wala po. tipid kong sagot.
May gusto ka bang sabihin? makikinig si yaya.
I remained silent.
Alam mo nak, kanina ang aga dumating ng Dad mo. Siya pa mismo ang namalengke para ipaghain ka ng paborito mong….................
Hindi ako interesadong malaman ang kahit na ano tungkol sa kanya. Excuse me ho, matutulog na ako. I cut.
Ganon ba. Ah sige. Basta kung kelangan mo ng kausap nak andito lang ako.
Salamat. I closed the door.

Ganyan si yaya, lagi siyang gumagawa ng paraan para mapalapit uli ako sa ama ko. Pero imposible na atah yun. Pano ba naman ako mapalapit uli sa kanya, kung siya mismo ang nagtulak sakin para lumayo. Oo, we live under the same roof, pero parang napakalayo parin namin sa isat.isa.
————————————————————
Kinabukasan. Kakauwi ko lang mula school.
Good evening nak. Halika upo na kumain kana. masiglang bati ni yaya.
Anong meron? my bafflement. 
Alin nak?
Bakit tatlo ang plato?
Im joining you for dinner. Si dad bigla nalang sumulpot.
You eat dinner here after 9 years. What’s with the sudden change?
I want to make it up to you. I badly miss my baby boy.
Why not just get your ass down here and eat. I’m kicking off my night, don’t ruin it.
__________________________________________________________
Sa araw na toh. I commemorated my mom’s death anniversary. Nawala ang antok ko. Kaya naisipan kung magpahangin muna, mag.respire sa garden ng mom ko. I lit a cigar, puff it and sip my scotch on the rocks.
So you smoke. si Dad mula sa aking likuran.
Maraming kang hindi alam sakin.
Lit another cigar. Puff it, as I stare at moms ornaments.
Patay sindi ka, masama sa katawan yan.
Don’t act as if you care.
I do care.
You don’t even know what does it mean. My sarcasm.
Hindi ko alam na gabi kana pala umuuwi.
Talagang hindi mo malalaman dahil wala kang pakialam sakin.
It’s risky to go home late these days, maraming masasama ang loob na naglipana.
Lalaki ako, wala naman sigurong gagahasa sakin.
He chuckled. Hindi ko alam kung bakit nagkikipagusap ako ngayon sa kanya.
I  just  fear for  your safety.
I’m no longer a kid, I can handle myself. Now if you’ll excuse me, I need a massive rest.
I’m sorry son.
 I was flabbergasted. Hindi dahil sa sorry na narinig ko. Kundi antagal ko nang gustong marinig ang salitang “son” mula sa kanya.
Patawad dahil nakalimutan kung may anak pa pala ako. He said in cracking voice.
Dont be. I understand. Lagi namang ganun. Sayo na  rin nanggaling,  nakalimutan mo na andito pa pala ako, nakalimutan mo na may anak kapa pala na kailangan ng gabay mula sa isang ama. Don’t worry, the feeling is mutual. Dahil once in my goddamn life muntikan ko naring nakalimutang may tatay pala ako.
Anak, pakinggan mo ako kahit ngayon lang. He begged.
I’ve done that. But you chose not to. Hanggang sa mapagod ako. Now if you’ll excuse me, I need to sleep. Sabay talikod.
He turned back and grabs my arm.
S…son.
Don’t touch me!
He loosens up.
I gave him a grieving stare. Yumuko siya. Hindi niya maatim na tingnan ang anak niya mata sa mata.
Hinablot ko ang kamay ko mula sa pagkahawak niya at tumalikod kahit kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata.
I love your mom so much. He opted.
I stopped.
Minahal ko siya higit pa sa buhay ko. Siya ang dahilan kung bakit walang paglagyan ang aking saya tuwing umaga. Siya ang dahilan ng bawat ngiti ko. Buong mundo ko umikot sa mommy mo. Naalala ko noon, we once promised to be a backbone in our waterloos, to remain on each side and cherish every second of our lives together. Walang iwanan. Pero umalis siya, iniwan niya parin ako.
Humahagulhol si Dad. Ang iyak na narinig ko nung gabing nawala si mom.
The night your mom left, nawalan na rin ng direksyon ang buhay ko. Sobrang sakit, hindi ko alam pano magsimula ulit. I was consumed too much by my grief. I took all my remorse. Hindi ako nagkaroon ng lakas na lumaban. Nag.mukmok ako, I kept myself busy sa kompanya to aid my oblivion at the lost of your mom  at dahil dun  nakalimutan ko ang baby boy ko. Patawad anak dahil naging mahina ako. Im so sorry dahil inisip ko lang noon ang sarili ko.
Napako ako sa kinatatayuan ko. Di ko alam pero may namumuong luha sa aking mga mata na matagal ng gustong kumawala.
Your sorry is too late Dad.
I know son. Pero bigyan mo ako ulit ng pagkakataon. Kahit konti lang anak. Kasalanan ko kung bakit ka naging ganyan. Kasalanan ko…he cried.
When I was in grade level,  my most hated day is family day. I responded.
Hindi ko alam kung bat nagkukuwento ako ngayon sa kanya pero siguro oras na rin para ilabas ko sa kanya ang lahat ng sama ng loob ko na  kinimkim sa maraming taon.
Naiinggit ako sa mga kaklase ko dahil kumpleto sila kapag family day sa school. I felt my tears streaming down.
Pero naintindihan ko dahil busy ka sa work mo. Sa murang edad ko pinilit kong inintindi na mas mahalaga ang oras mo sa trabaho kesa sakin na anak mo. Kahit na lungkot na lungkot ako  pag.gising ko tuwing umaga dahil walang Daddy na hahalik sa pisngi ko.
Nung iniwan tayo ni mommy, hindi lang naman ikaw ang nagluksa, ako rin naman. Ilang taon na ba nang nawala si mommy? Mga 9 years na rin. Pero sa 9 years na yon hindi lang ina ang nawala sakin, iniwan mo rin ako, though I live with a luxurious life pero hindi naman yung ang kelangan ko eh.
When I was circumcised you were not even there. Nung unang nanligaw ako, wala ka para mahingan ko ng payo. Wala ka sa mga pagkakataong kelangan ko ng father figure. Ni hindi mo nga alam kumusta ako sa school eh. Lagi akong nagsisikap para makakuha ng awards at medals sa school sa pagbabasakali na darating ka at aakayat ako sa entablado kasama ka. Ang saya saya siguro nun.
Lahat ginawa ko para mapansin mo. Simple lang na naman ang pangarap ko, na sana isang araw ipagmalaki mo ako at maiparamdam mo  sakin na mahalaga rin ako sayo.
Pero pagod na pagod na ako. Lahat ng tampo ko noon ay galit na ngayon sa puso ko.
A-ano ba tong nagawa ko sayo steff?
Nilingon ko lang siya tuloy parin ang agos ng luha niya. Tumuloy na akong pumasok para magpahinga.
————————————————————————————————————
The next morning….I went down stairs.
Ya, kaninong mga gamit tong nasa table?
Kaya daddy mo yan nak. sagot ni yaya Estela.
Aalis na naman siya.
Hindi nak, ako maghahatid niyan mamaya sa hospital.
Natigilan ako sa narinig ko.
Hospital? S-sino?
Hindi ba nasabi kagabi ng Daddy mo sayo?
Ang alin?
Sinabi na kasi ng doctor niya na kelangan na niyang i.admit para sa series ng therapy niya.
Therapy? Anong nangyayari ya?
Diyos ko nak pasensiya na. Naku lagot ako neto bat ko sinabi sayo, ang daldal ko talaga. Akala ko kasi nasabi na ng dad mo sayo nung nag.usap kayo kagabi.
Lalo akong kinabahan.
a..anong nang.y.yari ka Daddy ya? Nauutal kong tanong.
Nakatayo lang si yaya. Hindi alam kung anong sasabihin.
Yaya Estela, anong dapat kong malaman?  Sigaw ko.
Nakita kung tumulo ang luha ni yaya.
Akala ko nak alam mo na. Anak, may leukaemia ang daddy mo.
Nanlumo ako sa narinig ko. Parang akong binuhusan ng malamig na tubig. Diko alam anong magiging reaction ko. Nakatitig lang ako sa sahig. Hanggang sa naramdaman ko ang yakap ni yaya.
Kailan lang to ya? hikbi ko.
Matagal na anak. Ayaw niya lang malaman mo, ayaw niyang mag.alala ka.
Righ then. Wala na akong inaksayang oras. Umakyat na ako sa taas para magbihis, kelangan kong pumunta sa hospital. But as I walk  through along the hallway napansin kong nakabukas ang kwarto ni mommy ko. Naisipan kong pumasok. Daha.dahan. Matagal na rin siyang nawala pero  naaamoy ko parin ang pabango niya. One photo caught my attention, ang cute ng ngiti ko sa picture katabi silang dalawa. May nakasulat sa likod neto.
“Today is our prince’ birthday. Our baby Steffano is turning four. Miguel is so proud of his son. He can’t hide it in his eyes. You know what, he personally arranged this party for his baby boy’s special day. Last night, he slept late for his was busy for the last minute preparations. He was very excited more than I was, he even cooked the food. Happy birthday to our baby boy!”
Bumuhos lahat ng emosyon ko pagkatapos mabasa ang nakasulat sa picture. Bumalik lahat ng masasayang alaala, ang mga masasayang mukha ng pamilya ko, na pumawi ng lahat ng galit meron ngayon sa puso ko.
————————————————————————————————
I am now standing  infront of the glass door. Mula dito nakikita ko sa loob ang ama ko, nakalatay sa kama habang nakakabit ang mga apparatus sa katawan niya. Hihintayin ko nalang siyang magising sabi ng doctor. Pumasok ako. Nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit sa higaan niya, natatakot ako sa kondisyon ng Daddy ko.  
I held his hand.
Hey big boy! Sambit niya. Napangiti ako.
Shhh…the doctor said you should take a rest. Don’t talk.
Son.
Ang kulit mo, matulog na sabi eh.
He chuckled.
Anak pataw…..
You’re forgiven. I cut him short. 
and I’m so sorry too Dad. Wala na ang galit sa puso ko.
I am very sorry. Gusto ko gumaling ka kaagad, dapat bumangon kana agad jan, magsisimula tayo ulit.
He cried. Pero iba ngayon, kasi alam ko masaya siya.
Ang pangit mo pala kapag umiiyak ka Daddy. biro ko.
Haha ang sarap naman pakinggan nun.
Alin ang pangit?
Hindi yung Daddy.
Haha sabay kaming nagtawanan.       
I love you dad.
I love you son.
Life is temporal. We should not lay a room for hatred. We should cherish every second of it. We must forgive and forget, start moving forward. Don’t waste life. We should appreciate little things in life. Every day, we should make our family feel how lucky we are to have them. Either whole or a broken family, it doesn’t matter. What counts most is how you live it. At the end of the day, we will all face the creator, perhaps he’ll ask you this….
Did you enjoy my gift?
Yes. I lived my life to the fullest.
THE END.

Monday, October 22, 2012

Dahil sa ngiti mo


I believe everyone has the most stupid, craziest, funniest and greatest stories to share. Please spare your precious minute to listen mine. 


Maraming salamat sa lahat ng nag-laan ng kanilang oras para sa mga kwento ko. At maraming salamat din kay ubo (sino yun?) Si tomboy Kenji yun haha. Tanungin niyo nalang siya kung bakit ubo tawag ko kanya. Lmao. I appreciate feedbacks, wag kayong tamarin, wala naman yata ngccoment dito haha parang wala namang ngbabasa.   

Please follow me on twitter and Instagram  @iamsteffano. 
You can visit my blog hit the link http://steffanoperales.wordpress.com/ 
and do like my official page on facebook https://www.facebook.com/Thesteffanoperales

Ewan ko ba ang aga ko nagising ngayong araw na to. Ang sarap talaga ng gising ko, katabi ko kasi natulog last night si Angel locsin yun oh aha! (ambisyo lang lols)  It seems there is something I have to chase for. Kaya nag-gayak na ako para bumili ng paborito kong breakfast ang walang kataposang palabok. Paglabas ko kakaiba yung pakiramdam, ang sarap pala gumising kapag umaga, you’ll witness the invigorating sunrise, ang sigaw ni manong “taho!”, ang halakhak ng mga paslit  papuntang school na first time yata maka-attend ng flag ceremony aha, ang ibat-ibang sigaw ng mga tindera na naglalako ng kani-kanilang paninda,  ang buhos ng mga mamimili na groggy look at sabog pa ang mga buhok, pagkagising yata  tumayo agad papuntang palengke lols, at higit sa lahat ang infectious na mga ngiti nila, nag-mouthwash man sila o hindi, hell who cares? Basta gustong-gusto ko nakikitang nakangiti sila,   nonchalantly nakangiti na rin pala ako. Aminin mo, sa Pilipinas lang merong ganito.
“Good Morning”! ang bati sa akin  ni tatang malabon, hehe siya ang nagluluto ng paborito kong pancit. “Ne ibalot mo na yung palabok ni pogi” nakz ang lakas talaga makapambola ni tatang (sabagay totoo naman haha yun oh!).  Kakatapos ko lang mag-breakfast i am now heading to astro  park para mg.jogging.  Pumara muna ako ng.jeep papuntang park (tamad kc ako eh) but there was a thing caught my attention¸ may nakasulat kasi sa jeep sabi “You are a blessing” it touches my heart yeah it really does lalo tuloy gumanda ang umaga ko. Sakto naman ang song na tumutugtog sa ipod ko “what a wonderful world”. Habang binabagtas namin ang daan hindi ko maiwasang di tumingin sa nadadaanan ko. May nakita akong magbobote, may napulot siyang pagkain tapos inabot niya dun sa isang matandang pulubi. May nadaanan kaming  tumirik na besta van, biglang nagsilabasan ang mga tricycle driver sa toda nila at nagtulungang itulak ang van. (Bayanihan tawag dun) Pagdating namin sa crossing sira yung traffic light tsk naku congestion na nman toh, pero may lalaking bumaba sa kotse niya pumunta siya sa gitna at nag-ala traffic enforcer, gumuhit ang ngiti sa lahat ng motorista, maging ako lubos akong natuwa. Pagkababa ko sa jeep pumunta muna ako sa 7eleven para bumili ng Gatorade. Upon my entourage at the park I felt fresh air against my face, it’s very soothing, and it sent me forth to nostalgia. I saw couples warming up, senior citizens performing tai chi,  and others saying happy morning to each other. While jogging, napansin ko ung madungis na bata  na bumubuntot sakin. “Bakit? tanong ko. “akin na po yung bote ng Gatorade kuya pagkatapos mo” sagot ng bata.  I smirked, yun lang ba? Anong gagawin mo sa bote?, “Ibebenta ko po keysa naman ikakalat niyo lang”. I chuckled, “sige hintayin mo ako” takbo ulet ako sa oval. It’s been 15 minutes passed pero nasa bench parin ang bata (nakaramdam ako ng awa, lumapit ako), “Hindi kaba nagugutom?”, (yumuko lang siya), “gusto mong kumain?” ulet ko. “mamaya na lang ako kakain kapag nakabenta na ako ng bote”. “gusto mo kumain kasama ko?  Gusto mo mag.jollibee?”, “wag nalang po, kayo nalang”, “ang arte mo naman, sige ka baka ma.bago isip ko nyan”. (pansin kung nahihiya yung bata) “hmmn gusto mo ng pera?”, “sabi po kasi ni mama wag daw ako tumanggap ng pera na hindi ko  pinaghihirapan.” sambit niya. Tumagos sa puso ko ang sinagot ng paslit. Kaya nakaisip ako ng idea. “Hmmn ganito, nalang iiwanan ko sayo yung cellphone ko bantayan mo habang ngjojoging ako, tapos may premyo ka sakin mamaya, cool kaba dun? Sumilay ang ngiti mula sa kanyang inosenteng mukha, ewan ko kung anong pumasok sa kukoti ko at ipinagkatiwala ko ang cellphone ko sa isang paslit na hindi ko lubosang kilala. Time check, 7:30am bumalik ako sa bench, andun parin yung bata hawak-hawak yung cellphone ko at etoh pang malupet nakabalot pa ng tissue. Haha. “Bakit binalot mo ng tissue yung phone ko?, “marumi po kasi yung kamay ko eh”, “ano kaba ok lang yun hindi naman ako maarte masyado, medyo lang” , sabay abot ko ng Jollibee food sa kanya “Oh eto premyo mo, iuwi mo yan sa family mo hah!” , “salamat kuya ”, “no worries, teka bakit sa lahat ng  tao dito  sa park ako yung pinili mong buntutan? I asked. “nakangiti po kasi kayo” sagot ng bata.
Now, Im off to my apartment still thinking what the poor kid just said. Kahit pala gaano ka miserableng buhay meron tayo,  hindi natin dapat ipagdamot ang kakarampot na ngiti. Bakit kelangang ngumiti? Eh, pangit kana nga sisimangot kapa, kumusta kana man?
 Dahil sa simpleng ngiti nagbibigay ito ng kakaibang kulay sa mundo ng mga simpleng tao. Each day, is a brand new day, an amazing gift to treasure. We might experience tons of difficulties in our lives, but we have million of reasons to smile.  A genuine smile while walking along our own runways, our own world. At sana, nakangiti ka habang binasa to, bahala ka magkaka –wrinkles ka niyan.




Wednesday, October 17, 2012

Mga bro, Ermat ko nga pala


You can visit my blog hit the link http://steffanoperales.wordpress.com/ and do like my official page on facebook https://www.facebook.com/Thesteffanoperales or you can follow me on twitter @iamsteffano. 
  All Rights Reserved. Unauthorized use, copy, editing, reproduction, publication, duplication and distribution of  this article, without the authors explicit permission, is punishable by law. Subject to Philippine and International Copyright Conventions on Intellectual Property Rights.



Pinagtatawanan ako ng mga barkada ko. Bukambibig ko daw kasi ang nanay ko. Bakit daw ba kasi diko maiwan.iwan etong pobreng ermat ko. Kasi daw matanda na, naghihingalo pa ang laspag na ganda, amoy basura at higit sa lahat wala nang pera. Gayunman, ni minsan hindi ko ikinakahiya ang nanay ko. Isa lang ang laging sinasagot ko sa kanila, “Ewan ko ba tol, siguro dahil magkadugtong ang aming mga bituka”. Pero alam mo, yun din ang akala ko. Gaya mo, gaya ng mga kapatid ko, lumisan ako kelangan eh.
Matagal ko na ring hindi nakikita ang nanay ko. Oo, nasa ibang tahanan ako. Malayo sa kanya, ngunit sadyang napakalapit ang mga panaghoy ng aking ina. Ang panglalait ng mga tanginang kapit.bahay niya. At ang lasong dala ng mga mapagkunwaring bisita. Mula nong kamusmusan ko, ipinangako ko sa sarili ko na isang araw aangat din ang antas ng tahanang kinamulatan ko. Sabi ko, higit akong mag.aaral ng wasto at kakayud ng husto. Ngunit kaakibat ng aking pag.angat ay paglisan sa piling niya, pano kasi wala siyang pera. Kelangan ko ng maraming pera. Nampucha naman kasi ba’t ang hirap yumaman.
Heto na, uuwi na ako, kumusta na kaya ang mudra ko?
Nadatnan ko si ina sa loob ng lumang kubo kung saan isinilang ang isang Ako. Antagal niyang hinintay ang pagbabalik ko, sobra. Bumungad sakin ang isang matamis na ngiti at mapangalagang bisig na minsang naging kanlungan ko. Sa kanyang nangungusap na mga mata batid ko ang luha sa pilit niyang mga ngiti. Nalulungkot ako dahil gaya ng iba niyang mga anak lumisan ako at piniling manirahan sa ibang tahanan. Nalulungkot ako dahil sa mga banyang nakikinabang sa galing at talino ng aking mga kapatid na siya ang may turan. Patawad po ina para sa aking mga kapatid na patuloy kapa ring ninanakawan. Umiiyak ako dahil sa dumi at usok na iyong nalalanghap na kagagawan ng sarili mong mga anak. Naghihinagpis ako dahil sa labis na pambababoy nila sa samyo mo’t ganda. Heto na ako ulet ma, nagbabalik na ako. Tutulungan kitang tumayo muli. Kasama sila ate at kuya, sisikapin naming umangat tayo sa marangal na pamamaraan ng alam kong iyong labis na ikakatuwa. Siya nga pala ma, may mga kasama ako, mga barkada ko po.
Mga bro, nanay ko nga pala si Pilipinas.
THIS WORK IS INSPIRED BY A MASTER PIECE “MINSAN MAY ISANG PUTA” WRITTEN BY MS. MIKE PORTEZ

Tuesday, September 11, 2012

How to kiss? The top Ten erotic tips


You can visit my blog hit the link http://steffanoperales.wordpress.com/
and do like my official page on facebook https://www.facebook.com/Thesteffanoperales 

you can follow me on twitter @iamsteffano. 

Author: Steffano Perales
Writer’s note: You are about to read an article that contains words and details that might sound inappropriate  to your conservative radar. This is strictly for adults and adults at heart only. If you are below 18 years old, get the hell outta here. These tips are user-friendly (hope  it will do  in  our environment). It address to all types of gender, straights, gays, lesbians and bisexuals. Really? Crap yeah! All of us can poshly stimulate our orgasms. You guys can rock on in here. I am not promoting lollapalooza anyway

A kiss is the act of pressing one’s lips against the lips or other body parts of another person or of an object. Cultural connotations of kissing vary widely. Depending on the culture and context, a kiss can express sentiments of lovepassionaffectionrespectgreetingfriendship and good luck, among many others. (Say amen to  Wikipedia-source)
Kissing a person is the best way to express your feelings that words aren’t enough to describe.  If you are currently in vocabulary crisis, oh man, you don’t need a Miriam Webster. Kiss her outright; BTW, ask her permission first. If you won’t? Expect a slap or wine on your face (with glass debris in it). Kiss is the world’s sweetest intrusion as no one will refuse and accuse you of trespassing.  Well, only if that person you’re kissing tastes good. If not?  naahh..urrh.
Everyone has their own way of kissing. Nail it as your signature. Make your kiss as if your partner thinks it’s food;  food which she has been longing to devour. As if she’ll die without it. A kiss that’ll make her moan and grunt like music to your ears.  A kiss that only you can bestow to her and no one else.
In the span of modernization, kissing has hundreds of ways in development. We just have to add spices to it. If kissing is a sport? Then  I’ll say hello to Olympics. I guess everyone will be very athletic then.  ^_^
Alright… I’m knocking it off. I know you guys are so excited for these tips. Here they come, fasten your seatbelts, hold your toothbrush. The following hints are obviously unsolicited.  Whether you abide to these or not, it doesn’t matter.
  1. Take the lead- You and your partner are kissing. You gently start to take control by placing your hands on either side of her face, holding her cheeks and guiding her lips. In doing so, you are in control of the amount of pressure and motion of her mouth; and, in turn, she feels the warmth of your hands. This can be especially good if your partner’s mouth is too loose or open for you. Then it is your responsibility to kiss her as you LOVE TO BE KISSED.
  2. Get him/her to follow your lead- Stop when you want and tell your partner, ‘I just love kissing. It’s the one thing that gets me __ [fill in the blank; for example, you might add the word ‘hot’ or’ turned on’. Then look at her and, ‘Will you show me what it feels like to kissed by me?’
  3. Introduce a fantasy- tell him/her that you had a dream the other night about how she was kissing you—and it was fabulous.  Whether or not you actually had this dream (we lie sometimes, admit it). What you need to do is have an idea about what you want to ask for. So think ahead as to how you want to blend the new kissing style or technique you want with what he/she already does. That way, you’re not asking for a completely different thing and won’t risk offending one’s ego. If  you can’t manage to explain what fully using your dream, tell her, ‘You did something like this’ and then show her what you want.
  4. Praise your Partner- let you partner know when he/she has kissed you right. If he/she does something you really like, repeat it on him/her and ask if it feels as good to her as it did to you. To tweak her style, it’s important that you use one-word directions, such as ‘lighter,’ left,’ ‘right,’ etc. Men have shared with me that sentence-long guidance feels like criticism, while one-word comments sound like gentle direction. Remember that while you may feel that the more you tell, the better, she will be hearing your words through her own sexual gender filter.
  5. Repeat- don’t assume that one time though will work. Men often need reminding (yes, even when it comes to  better kissing and better sex). Repeat exercises 1-2 as often as necessary. And enjoy!
  6. Great breath- This is very important. Make sure you brush before going out on your date.  There is nothing worse than kissing someone with bad breath. If your date consists of having something to eat before the actual kiss, make sure you have a mint on hand to take right after you finish eating. Don’t take the mint just before the kiss or chew on gum. You don’t want to have something in your mouth when you kiss.
  7. Moist lips (even for men)- You want your lips to be slightly moist when you kiss. Run your tongue over your lips once before you kiss. Don’t wear lip gloss because it tends to make the kiss too gooey.
  8. Positioning- Stand close to your partner. As the two of your move closer together, tilt your head slightly. If you can see which way your partner’s head is tilting, tilt your head slightly in the opposite direction.
  9. Close Eyes (it’s awkward if its open)- Just before your lips meet, close your eyes. Some people prefer to leave their eyes open during the kiss. But until you know what your partner prefers, it is best to close your eyes.
  10.  Tongue-  place the tip of your tongue on the tip of your partner’s tongue. Do not force yours too far into her mouth. If you wish you can play with her tongue by circling her with your own. Have fun; explore more if you want to.
This blog was written to enhance relationships and add sparkle to romance; not to promote porno (clear enough? ^_^)
There you have the top 10 tips. Need more?   Email me.   No partner for practice?Call me maybe. (kidding. )