ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Friday, November 2, 2012

I danced with my Father again.

 http://steffanoperales.wordpress.com/

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Any resemblance to a story, places, name of a person living or dead is purely coincidental.
It’s late night. Where have you been?
I’m tired for your interrogations.
Hindi gawain ng isang matinong studyante ang umuwi ng dis.oras na ng gabi. He exclaimed.
I paused. Deep Sigh.
I went bar hoppin’
Cool. At hindi mo man lang iniisip na may nag.aalala sayo? Anong meron sa sa bar na yan hah?
Nag.alala? I smirked.  Ikaw? Kelan pa? and you wanna know what’s  behind the bars hah? Marami.
Dito ko nahahanap ang pagmamahal ng isang pamilya na wala ako.
He was caught off guard.
I’ll ask yaya to prepare the food for you. Pagkalma niya.
I’m still full.
I cooked your favourite lobster.
Great.
You’re eating?
No.
Ganito kami mag.usap ng Dad ko. Laging nagbabangayan, malamig at walang gana. Nasanay na rin ako. I was 12 years old when mom left . A horrible accident took her from us. It has been 9 years now. We were a happy family back then, very happy. My tears stream down on my face while looking our family picture. What a beautiful portrait, but it pains me so much how sorry we are now.
“Tok..tok..tok”
I said am not hungry!
Pwede ba akong pumasok? si yaya Estela. Bata pa lang ako siya na ang nag.aalaga sakin at siya na ang naging takbuhan ko simula ng mawala ang mommy ko.
I opened the door.
May problema ba anak? Bungad niya.
Wala po. tipid kong sagot.
May gusto ka bang sabihin? makikinig si yaya.
I remained silent.
Alam mo nak, kanina ang aga dumating ng Dad mo. Siya pa mismo ang namalengke para ipaghain ka ng paborito mong….................
Hindi ako interesadong malaman ang kahit na ano tungkol sa kanya. Excuse me ho, matutulog na ako. I cut.
Ganon ba. Ah sige. Basta kung kelangan mo ng kausap nak andito lang ako.
Salamat. I closed the door.

Ganyan si yaya, lagi siyang gumagawa ng paraan para mapalapit uli ako sa ama ko. Pero imposible na atah yun. Pano ba naman ako mapalapit uli sa kanya, kung siya mismo ang nagtulak sakin para lumayo. Oo, we live under the same roof, pero parang napakalayo parin namin sa isat.isa.
————————————————————
Kinabukasan. Kakauwi ko lang mula school.
Good evening nak. Halika upo na kumain kana. masiglang bati ni yaya.
Anong meron? my bafflement. 
Alin nak?
Bakit tatlo ang plato?
Im joining you for dinner. Si dad bigla nalang sumulpot.
You eat dinner here after 9 years. What’s with the sudden change?
I want to make it up to you. I badly miss my baby boy.
Why not just get your ass down here and eat. I’m kicking off my night, don’t ruin it.
__________________________________________________________
Sa araw na toh. I commemorated my mom’s death anniversary. Nawala ang antok ko. Kaya naisipan kung magpahangin muna, mag.respire sa garden ng mom ko. I lit a cigar, puff it and sip my scotch on the rocks.
So you smoke. si Dad mula sa aking likuran.
Maraming kang hindi alam sakin.
Lit another cigar. Puff it, as I stare at moms ornaments.
Patay sindi ka, masama sa katawan yan.
Don’t act as if you care.
I do care.
You don’t even know what does it mean. My sarcasm.
Hindi ko alam na gabi kana pala umuuwi.
Talagang hindi mo malalaman dahil wala kang pakialam sakin.
It’s risky to go home late these days, maraming masasama ang loob na naglipana.
Lalaki ako, wala naman sigurong gagahasa sakin.
He chuckled. Hindi ko alam kung bakit nagkikipagusap ako ngayon sa kanya.
I  just  fear for  your safety.
I’m no longer a kid, I can handle myself. Now if you’ll excuse me, I need a massive rest.
I’m sorry son.
 I was flabbergasted. Hindi dahil sa sorry na narinig ko. Kundi antagal ko nang gustong marinig ang salitang “son” mula sa kanya.
Patawad dahil nakalimutan kung may anak pa pala ako. He said in cracking voice.
Dont be. I understand. Lagi namang ganun. Sayo na  rin nanggaling,  nakalimutan mo na andito pa pala ako, nakalimutan mo na may anak kapa pala na kailangan ng gabay mula sa isang ama. Don’t worry, the feeling is mutual. Dahil once in my goddamn life muntikan ko naring nakalimutang may tatay pala ako.
Anak, pakinggan mo ako kahit ngayon lang. He begged.
I’ve done that. But you chose not to. Hanggang sa mapagod ako. Now if you’ll excuse me, I need to sleep. Sabay talikod.
He turned back and grabs my arm.
S…son.
Don’t touch me!
He loosens up.
I gave him a grieving stare. Yumuko siya. Hindi niya maatim na tingnan ang anak niya mata sa mata.
Hinablot ko ang kamay ko mula sa pagkahawak niya at tumalikod kahit kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata.
I love your mom so much. He opted.
I stopped.
Minahal ko siya higit pa sa buhay ko. Siya ang dahilan kung bakit walang paglagyan ang aking saya tuwing umaga. Siya ang dahilan ng bawat ngiti ko. Buong mundo ko umikot sa mommy mo. Naalala ko noon, we once promised to be a backbone in our waterloos, to remain on each side and cherish every second of our lives together. Walang iwanan. Pero umalis siya, iniwan niya parin ako.
Humahagulhol si Dad. Ang iyak na narinig ko nung gabing nawala si mom.
The night your mom left, nawalan na rin ng direksyon ang buhay ko. Sobrang sakit, hindi ko alam pano magsimula ulit. I was consumed too much by my grief. I took all my remorse. Hindi ako nagkaroon ng lakas na lumaban. Nag.mukmok ako, I kept myself busy sa kompanya to aid my oblivion at the lost of your mom  at dahil dun  nakalimutan ko ang baby boy ko. Patawad anak dahil naging mahina ako. Im so sorry dahil inisip ko lang noon ang sarili ko.
Napako ako sa kinatatayuan ko. Di ko alam pero may namumuong luha sa aking mga mata na matagal ng gustong kumawala.
Your sorry is too late Dad.
I know son. Pero bigyan mo ako ulit ng pagkakataon. Kahit konti lang anak. Kasalanan ko kung bakit ka naging ganyan. Kasalanan ko…he cried.
When I was in grade level,  my most hated day is family day. I responded.
Hindi ko alam kung bat nagkukuwento ako ngayon sa kanya pero siguro oras na rin para ilabas ko sa kanya ang lahat ng sama ng loob ko na  kinimkim sa maraming taon.
Naiinggit ako sa mga kaklase ko dahil kumpleto sila kapag family day sa school. I felt my tears streaming down.
Pero naintindihan ko dahil busy ka sa work mo. Sa murang edad ko pinilit kong inintindi na mas mahalaga ang oras mo sa trabaho kesa sakin na anak mo. Kahit na lungkot na lungkot ako  pag.gising ko tuwing umaga dahil walang Daddy na hahalik sa pisngi ko.
Nung iniwan tayo ni mommy, hindi lang naman ikaw ang nagluksa, ako rin naman. Ilang taon na ba nang nawala si mommy? Mga 9 years na rin. Pero sa 9 years na yon hindi lang ina ang nawala sakin, iniwan mo rin ako, though I live with a luxurious life pero hindi naman yung ang kelangan ko eh.
When I was circumcised you were not even there. Nung unang nanligaw ako, wala ka para mahingan ko ng payo. Wala ka sa mga pagkakataong kelangan ko ng father figure. Ni hindi mo nga alam kumusta ako sa school eh. Lagi akong nagsisikap para makakuha ng awards at medals sa school sa pagbabasakali na darating ka at aakayat ako sa entablado kasama ka. Ang saya saya siguro nun.
Lahat ginawa ko para mapansin mo. Simple lang na naman ang pangarap ko, na sana isang araw ipagmalaki mo ako at maiparamdam mo  sakin na mahalaga rin ako sayo.
Pero pagod na pagod na ako. Lahat ng tampo ko noon ay galit na ngayon sa puso ko.
A-ano ba tong nagawa ko sayo steff?
Nilingon ko lang siya tuloy parin ang agos ng luha niya. Tumuloy na akong pumasok para magpahinga.
————————————————————————————————————
The next morning….I went down stairs.
Ya, kaninong mga gamit tong nasa table?
Kaya daddy mo yan nak. sagot ni yaya Estela.
Aalis na naman siya.
Hindi nak, ako maghahatid niyan mamaya sa hospital.
Natigilan ako sa narinig ko.
Hospital? S-sino?
Hindi ba nasabi kagabi ng Daddy mo sayo?
Ang alin?
Sinabi na kasi ng doctor niya na kelangan na niyang i.admit para sa series ng therapy niya.
Therapy? Anong nangyayari ya?
Diyos ko nak pasensiya na. Naku lagot ako neto bat ko sinabi sayo, ang daldal ko talaga. Akala ko kasi nasabi na ng dad mo sayo nung nag.usap kayo kagabi.
Lalo akong kinabahan.
a..anong nang.y.yari ka Daddy ya? Nauutal kong tanong.
Nakatayo lang si yaya. Hindi alam kung anong sasabihin.
Yaya Estela, anong dapat kong malaman?  Sigaw ko.
Nakita kung tumulo ang luha ni yaya.
Akala ko nak alam mo na. Anak, may leukaemia ang daddy mo.
Nanlumo ako sa narinig ko. Parang akong binuhusan ng malamig na tubig. Diko alam anong magiging reaction ko. Nakatitig lang ako sa sahig. Hanggang sa naramdaman ko ang yakap ni yaya.
Kailan lang to ya? hikbi ko.
Matagal na anak. Ayaw niya lang malaman mo, ayaw niyang mag.alala ka.
Righ then. Wala na akong inaksayang oras. Umakyat na ako sa taas para magbihis, kelangan kong pumunta sa hospital. But as I walk  through along the hallway napansin kong nakabukas ang kwarto ni mommy ko. Naisipan kong pumasok. Daha.dahan. Matagal na rin siyang nawala pero  naaamoy ko parin ang pabango niya. One photo caught my attention, ang cute ng ngiti ko sa picture katabi silang dalawa. May nakasulat sa likod neto.
“Today is our prince’ birthday. Our baby Steffano is turning four. Miguel is so proud of his son. He can’t hide it in his eyes. You know what, he personally arranged this party for his baby boy’s special day. Last night, he slept late for his was busy for the last minute preparations. He was very excited more than I was, he even cooked the food. Happy birthday to our baby boy!”
Bumuhos lahat ng emosyon ko pagkatapos mabasa ang nakasulat sa picture. Bumalik lahat ng masasayang alaala, ang mga masasayang mukha ng pamilya ko, na pumawi ng lahat ng galit meron ngayon sa puso ko.
————————————————————————————————
I am now standing  infront of the glass door. Mula dito nakikita ko sa loob ang ama ko, nakalatay sa kama habang nakakabit ang mga apparatus sa katawan niya. Hihintayin ko nalang siyang magising sabi ng doctor. Pumasok ako. Nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit sa higaan niya, natatakot ako sa kondisyon ng Daddy ko.  
I held his hand.
Hey big boy! Sambit niya. Napangiti ako.
Shhh…the doctor said you should take a rest. Don’t talk.
Son.
Ang kulit mo, matulog na sabi eh.
He chuckled.
Anak pataw…..
You’re forgiven. I cut him short. 
and I’m so sorry too Dad. Wala na ang galit sa puso ko.
I am very sorry. Gusto ko gumaling ka kaagad, dapat bumangon kana agad jan, magsisimula tayo ulit.
He cried. Pero iba ngayon, kasi alam ko masaya siya.
Ang pangit mo pala kapag umiiyak ka Daddy. biro ko.
Haha ang sarap naman pakinggan nun.
Alin ang pangit?
Hindi yung Daddy.
Haha sabay kaming nagtawanan.       
I love you dad.
I love you son.
Life is temporal. We should not lay a room for hatred. We should cherish every second of it. We must forgive and forget, start moving forward. Don’t waste life. We should appreciate little things in life. Every day, we should make our family feel how lucky we are to have them. Either whole or a broken family, it doesn’t matter. What counts most is how you live it. At the end of the day, we will all face the creator, perhaps he’ll ask you this….
Did you enjoy my gift?
Yes. I lived my life to the fullest.
THE END.

4 comments:

  1. Mahirap magpatawad lalo na pag ilang taon mo nang inipon ang galit at sama ng loob.

    ReplyDelete
  2. i remember my papa.. napaiyak mo ako steffano... nakarelate ako nito.. super :)

    ReplyDelete
  3. Grabe ka steffano, bakit mo ako pinaiyak.... but, buti napatawad mo na ang dad mo. and stay healthy ha. :)

    ReplyDelete
  4. very nice. i cried. got related to the story.

    ReplyDelete