ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, November 4, 2012

4 Minahal ni Bestfriend : Desperado part 4



            Kamusta po sa inyong lahat?! ^_^

            Ayan, una, meron po akong surprise sa inyong lahat. Kaso pagpasensyahan nyo na ang nakayanan ng aking abilidad. Wag sana ako mahusgahan. Hahahaha. Anyway, its for you guys! ^_^

            Pangalawa, ay gusto ko humingi ng pabor. Hahaha! Pa follow naman po ng blog.. Heheheh. Sige na :P Hahaha!! And nga pala guys, you can add me up on fb pa din. We have a growing community sa fb and I hope ay i-add nyo ko ng mai-add ko din kayo sa ating group. We will be having events soon so sana sumali po kayo. :) Ito po ang link ng aking fb acct. :)  http://www.facebook.com/kenji.bem.oya PAKIUSAP lang po na magpakilala lang kayo upon adding para ma add ko na kayo agad sa group :) Thanks!! So.. ito na!!

              Pangatlo, ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie,  at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO,  cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.


             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.




             Okay, Una sa lahat, sa mga nagbasa ng announcement ko sa taas, ay may surpresa po akong handog para sa inyong lahat. Sana lang ay magustuhan nyo ito. Pagpasensyahan nyo na din po ang aking nakayanan. ^_^v






“Geoff?”, gulat kong bungad. Napansin ko naman agad ang biglang gulat nito ng makita ako.

“Sinundo nya ako eh.”, nakangiting sabat ni Cedric sa akin.

“Uy! Happy monthsary pala sa inyo.”, bati ko.

“Eh kung magbihis ka na kaya? Dali, sabay sabay na tayo.”

“Mauna na kaya kayo?  Ang aga pa, oh! Tsaka baka madistorbo pa ko sa inyo.”, sarkastiko kong biro kay Cedric. Napatingin naman silang dalawa sa orasan.

“Sure? Oh, paano, mauna na kami, ha.”, biglang tayong paalam sakin ni Cedric.

“Hindi, hintayin na natin sya.”, biglang sabat ni Geoff.

“Hah?!”, sabay na sagot naming ni Cedric.

“Hindi ka naman siguro matagal magbihis, diba?”, tanong ni Geoff sakin.

“O-o?”, sagot ko.

“Oh, sya! Bilisan mo na kasi! Kung nagbihis ka na kaya kanina pa?”, pagtawa ni Cedric.

Matapos ko magbihis ay sabay sabay nga kaming tatlo umalis papuntang trabaho. Kitang kita naman sa mga mata ng dalawa ang labis na kasiyahan. At ano pa nga ba magagawa ko? Ang kiligin kunwari para sakanila. Kahit ang totoo, sobrang naiilang na ko dahil sa di matantong selos.




Nang makarating kami sa bar ay agad naman kaming sinalubong ni Rovi.

“Himala! Ang aga mo!”, bati ni Geoff kay Rovi.

“Uy, pre.”, tugon nito.

Sinaluduhan ko naman ito. Pero ng papasok na ako ay hinablot ako nito.

“May naghihintay sayo sa loob.”, bungad ni Rovi.

“Huh?! Sino?”

“Ewan ko. Basta hinahanap ka, eh.”

Curious na curious naman akong pumasok ng bar. At pagpasok ko nga ay naabutan ko ang isang lalake na nakaupo na sa bar. Nakita ko naman na nakatingin sakin si Cedric na parang nagulat ba o nagtataka.

“Oh Nikko!”, gulat at taka kong bati.

“Uy Cyrus!”, bati rin nito.

“A-ang aga mo ata? Sarado pa kami, oh.”, pagtawa ko.

“Oo nga, eh. Mukhang napaaga ako.”

“Obviously. Too early nga eh! Maglilinis pa lang kami, oh.”, pagsingit ni Rovi sabay tawa at tingin sakin.

“O-oo nga.”, pag sang ayon ko.

“Naku, pasensya na. Don’t mind me. Sige, labas na lang muna ako. Balik na lang ako pag bukas na kayo.”, pagtayo ni Nikko.

“Oh diba, nangonsensya ka pa. Umupo ka na dyan. Kunin ko na lang order mo muna. Kaso drinks muna, ha!”, pagtawa ko.

“Nakakahiya naman.”, hiya nitong sabi.

“Nahiya ka pa, ah! Basta wag masyado, ha! Hinay sa inom! Ang bigat mo pa namang buhatin.”, pagbibiro ko. Mukha namang mas lalo nahiya ito.

“Sige, Iced tea na lang muna.”, awkward na sabi nito.Natawa naman ako.

Habang naglilinis kami ay di ko maiwasang hindi mapatingin kay Nikko. He was wearing black jeans, white v neck shirt, and vest. Marami na akong nakitang naka ganto pero iba ang dating sakanya. Maybe because toned ang ichura ng katawan nito at sa unang tingin mo pa lang sakanya, sosyal at anak mayaman na.

Hindi ko naman napansin na sa pagkakatingin ko kay Nikko, ay nakatingin na rin ito sa akin. Nahiya tuloy ako bigla.

Nang matapos makapaglinis ay agad nagsarili ng table sila Geoff at Cedric. Niyaya nila akong umupo sa kanila ngunit hindi na ako umupo pa. Maiinggit lang nanaman kasi ako at isa pa ay may bisita? Bisita nga ba o customer? Kasi andyan si Nikko. Tapos.

“Grabe pala ang paglilinis nyo dito.”, bungad ni Nikko sakin habang kunwari ay nag aayos ayos ako sa bar.

“Hah? Ah, oo. Syempre kailangan malinis mabuti para di nakakahiya sa mga tao. Tsaka mapapagalitan kami pag madumi dito.”

“Hhmmm… Gaano katagal ka na dito?”

“Mag iisang taon na din ata.”

“Ata? Di ka sure?”, biro ni Nikko.

“Hmmm. Kasi last year ng April ako dito.. so… Hala! Lampas isang taon na pala!”, gulat kong tanto. Natawa naman ng bahagya si Nikko.

Nagkausap pa kami ni Nikko ng kaunti dahil na rin sa mamaya maya pa naman ang opening namin. At isa pa ay wala rin naman akong gagawin na. Kesa naman titigan ko na lang sila Cedric at mamatay ako sa selos at inggit.

Napag alaman kong kaya madalas nag iinom si Nikko mag isa dahil daw sa problema nito sa pamilya at trabaho. Lalo na daw sa trabaho. Madalas daw sya pinepressure ng kanyang amo sa trabaho. At kahit anong galing pa nya daw sa trabaho ay para naman ding walang katapusan ang expectations ng amo nito kaya lagi itong minamata.

Pero dahilan ba yun para magi nom ka na lang gabi gabi? Well, iba iba naman ang mga pananaw ng tao. At tsaka yun ang labasan nya ng stress eh. Bakit ba ako nakikialam?

“So you’re into guys pala?”, preskong sabi ni Nikko.

“Huh?!”, sarkasti ko kong sagot.

“Well, kung di ka sana masyadong obvious kakatingin sakanila, hindi ko mahahalata.”, pagngiti nito sa akin sabay tingin Kayla Cedric at Geoff sa di kalayuan. Nakaramdam naman ako ng hiya bigla.

“Hindi ah! Tintingnan ko syempre yung pinto! Baka may pumasok lang na customer!”, defensive kong sagot. Ano to?! Feeling close!

“Ok, sabi mo eh.”, simpleng tugon nito.

Napatahimik naman ako bigla.

“Am I that obvious?”, medyo ilang kong tanong.

“So you are into guys! Interesting. Di halata sayo, ha!”, pagtawa ng bahagya ni Nikko. Namula naman ako bigla. Kulang na lang kasi sabihan ako harap harapan ng hambog na ito na bakla ako. Well, partly true naman pero syempre…

 “Oh, and yes. It’s that obvious.”, dagdag nito.

“Hay, akala ko ako lang ang naka notice!”, biglang singit ng isang boses. Si Rovi.

“And you are?”, tanong ni Nikko.

“Rovi. Gitarista dito. And you’re that obvious as well.”, sagot ni Rovi kay Nikko.

“Huh?”, gulong tanong ko sa dalawa.

Tiningnan lang ako ng dalawa sabay tawa. What the hell are they talking about?

“Oh, sya. Maiwan ko muna kayong dalawa. Rehearse muna kami.”, biglang iwan samin muli ni Nikko.

“Ano daw?”, tanong ko.

“Wala.”, sabay bigay ng isang malokong ngiti.




Katulad ng mga nakaraang gabi ay marami pa din kaming tao. And as usual, pagod nanaman ako. Ang tanging napansin ko lang ay ang napaka obvious na kakaibang energy nila Cedric at Geoff sa pagtratrabaho ngayong araw na to. Kasi naman parang cinecelbrate ng lahat ang monthsary nila.

Dumaan ang gabi at nakalimutan ko ng customer/bisita ko nga pala si Nikko. Dahil na rin siguro sa dami ng tao. Naalala ko na lang ito pag napapadaan ako sa pwesto nito sa bar at kung nagkataong ako ang kumukuha ng order nito. Sana naman huwag sya uminom ng marami ngayon. Ang bigat nya kasi, eh.

Pagtapos ng trabaho…

“Cyrus, mauna ka na lang umuwi, ah!”, ngiting bungad ni Cedric sakin.

“Oh, eh bakit?”, kunwari kong di alam.

“Eh, alam mo naman… Monthsary.”, kilig na kilig na sabi ni Cedric.


“Pumayag ka na. Ibabalik ko naman tong bestfriend mo.”, pagdagdag pa ni Geoff.

As usual, twing monthsary nila ay hindi umuuwi si Cedric dahil may date pa ang dalawa.

“Oh sya, ingat na lang kayo.”, ngiti ko.




 Hanggang sa natapos na nga ang trabaho.

“Oh, asan ka na?”, pagtanggap ko ng text mula kay Cedric. Kakalabas ko pa lang ng bar noon at kasalukuyang naninigarilyo.

“Eto, kakalabas lang. Yosi. Pauwi na.”, pagreply ko.

“Huh? Ngayon ka pa lang uuwi?!”

“Oo. Eh kung tumulong sana kayo sa paglilinis bago kayo umalis edi sana maaga kaming nakauwi. Hehe.”, pagbibiro ko.

“Ay, sorry! Babawi na lang ako pag uwi. Txt mo ko pag nakauwi ka na, ah.”

“Opo”

“Ingat ka, ha. Txt mo ko ha!”

Kikiligin na sana ako sa mga text ni Cedric ngunit naisip ko na magkasama sila ngayon ni Geoff. Gawd knows kung nasaan sila at kung ano ang ginawa nila. Kaya naman agad kong isinilid sa bulsa ko ang aking cellphone.

Pauwi na sana ako ng maisipan kong magpahangin sa pier. It was the perfect view kasi kung gusto mo magmoment. Kaya naman dali dali akong sumakay papunta sa pier.

Pagdating ko doon ay wala na rin halos tao. Hindi naman ako natatakot kahit pa mag isa dahil wala namang mahoholdap sakin kung nagkataon. Kung may balak sila pagtyagaan ang ngarag kong cellphone, edi go.

Napaupo ako sa pantalan kung saan tanaw na tanaw ko ang karagatan at ang kalangitan. Napabuntong hininga ako sa ganda nito. Hindi nakakasawa.

Naalala ko bigla si Cedric at ang mga pinag usapan namin kanina sa mall. Napangiti ako ng bahagya.

“Elmo…”, nasambit ng bibig ko.

Actually sinisisi ko si Elmo sa mga nangyari sa buhay ko. Minahal ko sya ng lubos pero hindi ko alam bat nagkaganito kami. I can’t remember what happened between us. Basta nagising na lang ako. Wala na. Tapos na…


“Elmo…”, bigla kong gising ng marinig ko ang pangalang yun. Nasa bahay na pala ako. Nakatulog ng di ko namamalayan.

Agad kong kinuha ang cellphone ko. Nakita kong 4:45 pa lang ng madaling araw. Ramdam ko ang pawis na grabe naman talagang tumatagktak sa katawan ko. Hinubad ko ang tshirt ko at nagpunas ng pawis. Hindi ko maalala ang panaginip ko. I just remember na may nagbulong ng pangalan ni Elmo.

Beep. Beep.

“Gising ka pa men? Bahay ka na ba?”, pagtext sakin ni Cedric.

“Oo. Nakatulog ako di ko napansin. Pagod eh.”

“Oh, bkt? May problema ba? Kaw talaga, oh. Kala ko wala ka pa sa bahay.”

“Wala naman. Bat gising ka pa?”

“Nandito kami hotel ni Geoff. Tulog na ang mokong.”

“Ganun ba. Matulog ka na. Late na. Malamang pagod ka. Hahaha!’

“Oo nga eh. Pinagod ng todo. Hahaha!”

Badtrip.

Hindi dahil sa text ni Cedric. Pero kundi dahil hinahayaan ko ang sarili kong masaktan na lang. I used to be happy. Alam ko yun. Ano nga ba ang nangyari sa amin ni Elmo noon? Bat hindi ko matanggap kung ano man ang nangyari? Bat ganun na lang gusto ko kalimutan ang mga nangyari?

“Huy. Tulog ka na ba? Bat di ka na reply?”, tanggap ko muli ng text.

“Oo. Enjoy ka na lang jan. Tulog na ako. Maaga pa ko bukas, eh.”, pagreply ko.

“Ganun ba. Cge, gudnyt. Txt mo ko pag gising mo, ah.”


Kinatanghalian pag gising ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko para magtext nga kay Cedric na gising na ako. Ngunit pag kuha ko namn ng cellphone ko ay may text na agad ako mula sakanya at binabati ako ng Good Morning.

Hindi ko alam pero bahagya lang ako napangiti.

“Aga ko naman magluto ng hopia.”, bungsal ko sa sarili.

Pagkagising ko ay ginawa ko na muli ang trabaho ko sa hapon, ang pagtitinda ng mais.

Pagtapos naman ay umuwi na ako upang makapagpahinga para sa trabaho ko mamayang gabi.

Araw araw na paulit ulit na Gawain. Nakakabagot, nakakainip. Parang wala na lang bago sa buhay ko. Parang routine na lang ang lahat. Nakakapagod.

Nang matapos na ako makaligo ay hihintayin ko na dapat si Cedric ngunit naalala ko na hindi nga pala ako nito masusundo dahil sa magkasama sila ni Geoff.

Halos tulala akong nagbyahe papunta sa trabaho. Hindi na rin kasi ako nakatulog ng maayos nung nagising ako. Idagdag mo pa ang pagod ko sa pagtitinda.

Pagpasok na pagpasok ko ay andoon na sila Geoff at ang banda. Si Cedric naman ay nakaupo sa table sa harap ng stage. Animo’y nasa alapaap habang nakikinig sa rehearsal ng banda. Ako naman ay dumiretso na sa bihisan sa likod ng stage.

Magbibihis na sana ako ng biglang may naramdaman akong yumakap mula sa likod ko. Napaigtad naman ako dahil sa gulat.

“Nyemas ka! Kala ko kung sino!”, yamot kong sabi ng malingon ko kung sino ang yumakap. Si Cedric.

“Nagusutuhan nya yung gift…”, emosyonal na sabi ni Cedric.

“Ah…”, natameme kong sagot.

“Oo, hindi ko malilimutan kung paano nya ko tingnan ng mabuksan nya ang regalo ko.”

Humarap ako sakanya. He looked so happy.

“Edi ayos!”, pilit kong pag ngiti.

“Ayos talaga!! Kaya salamat, ha… Dabest ka talaga…”, malambing at mahinahon na sabi ni Cedric.

“Hah. Wala yun.”, simple kong sagot.

“Ito naman parang di masaya!”, pagbibiro ni Cedri.

“Hindi ah! Ayos nga eh! Edi more pogi points ka kay Geoff!”, kunwari kong tawa.

“Salamat talaga, ha!’, ngiting sabi ni Cedric sabay labas uli ng dressing room.

Napatingin lang ako sa salamain pag labas ni Cedric. I don’t know how to feel anymore. Masaya ako dapat para sa bestfriend ko. Pero paano? Kung sya ang tinitibok ng puso ko?

Tulala akong lumbas ng dressing room at nagpunta ng bar. Hindi ako tumingin sa mga tao sa paligid. Lalo na kaila Cedric. Pinilit kong wag tumingin kahit kanino at naglakad papunta na lang sa bar.

“Ahem..”, rinig kong may umubo habang nagaayos ng mga alak.

“Hindi mo talaga ko papansinin?”, rinig ko.

“Uy!”, gulat kong tugon sa boses. Bigla akong napatingin sa orasan.

“Ang aga pa, ha! Huwag mong sabihin hindi mo nanaman alam ang oras ng bukas dito?!”

“Hindi. Wala lang kasi ako mapuntahan. Balik na lang ako?”

“Kinonsensya mo nanaman ako. Upo ka na dyan.”

“Mukhang malalim iniisip mo, ha. Kanina pa ko nakaupo dito, ni di mo man lang ako napansin.”

“Huh, wala. Pagod lang.”, simpleng tugon ko.

“Oh, andito ka nanaman?”, biglang sulpot ng boses. Si Rovi.

Nginitian lang ito ni Nikko.

“Huwag mo sabihin hindi mo pa din alam kung anong oras nagbubukas dito?”, malokong biro nito.

“Sinabi ko na yan.”, pahapyaw ko.

“Oh.”, ngiti nanaman ni Rovi sabay saludo at lakad palayo.

“Masama ba pumunta ng maaga?”, tanong sakin ni Nikko.

“Hindi naman. Kaso ganun ka ba kauhaw sa alak?”, sarkastikong tugon ko.

“Wala lang kasi mapaglabasan ng stress.”,

“Ah.. Oh, pano. Maglilinis na muna ako, ha. Dyan ka muna.”

Hindi ko na ulit napansin si Nikko aside sa pag oorder ito at ako ang nagkakataong nakakakita sakanya. Naging sunod sunod din ang mga gabing “maaga” sya.

Isang araw pag pasok ko.

“Surprise, surprise… Andito ka as usual..”, biro ko pagkita ko kay Nikko sa entrance ng bar.

Papasok na sana ako ng..

“Hin-di ka ba papasok?”, takang tanong ko?

“Di pa kau bukas, eh.”, parang batang ngiti nito.

“At ngaun mo pala talaga narealize yan, ha! Sige na. Pasok na dun. Daig mo pa ko na empleyado, ha..”, pagbibiro ko kay Nikko.

Hindi ko napansin. It has been 2 weeks na inaraw araw ni Nikko ang pagpunta sa bar. Except siguro pag off ko ay yun ang araw na di ko sya nakikita. Medyo kinakausap kausap ko na rin sya ng mas matagal. Hindi tulad noon na talagang customer na uhaw sa alak ang tingin ko sakanya.

Napansin ko din na hindi puro alak ang inoorder nito. I mean, hindi lagi. Minsan ay juice lang ang inoorder nito. O kaya naman sa isang gabi ay dalawa o tatlong shot lang iniinom nito.

Nikko is a nice guy after all. Medyo presko nga lang at ang taas ng bilib sa sarili. Slightly conceited pero pag tumagal-tagal ay makakasanayan mo rin. Harmless naman kasi.

“May order dun.”, tapik sakin ni Rovi pagtapos ng set nila. Medyo natulala kasi ako kakaexplain sa inyo.

“Huh? Saan?”, paglinga linga ko.

“Doon!”, sabay turo sakin ng isang customer na nagtataas ng nakasinding lighter.

“Dapat sayo, self service ka na, eh. Kulang na lang sayo time card, eh.”, pagbibiro ko sa customer. Si Nikko.

“Gwapo kong toh?”, tugon ni Nikko.

“Ikaw naman na kasi yan. Kikitilan ko talaga ng buhay ang kumontra!’ ngiti ko.

“Kukunin mo ba order ko o magtatawanan na lang tayo?”, biro ni Nikko.

“Ay! Oo nga pala. Ano nga sayo ulit?”

“Yung hinahanap ko kasi, wala sa menu nyo.”, pagsscan ni Nikko sa menu.

“Alak ba? May mga alam akong cocktails na wala dyan. Ano ba hinahanap mo? Baka alam ko.”, ngiti ko.

“Hmmmm…”, pagkunot noo ni Nikko.

“Bilisan mo kaya! Ang daming customer, oh!”

“Alam ko na!”, ngiti nito.

“Oh, ano nga!”

Tumingin si Nikko sakin at naglabas ng papel at ballpen at may sinulat at abot sakin. Tinupi nya pa talaga muna.

“Oh, ano to?!”, taka kong tanong.

“Papel. Malamang.”

“Anong gagawin ko dito? Tapos na ang set ng banda. Kung gusto mo magrequest, hintayin mo ang next set.”

“Basta yan order ko.”

“Ano nga to?”

“Buksan mo kaya!”, masungit na sabi nito.

Ako naman si bukas ng nakatiklop na papel.

“Number mo.”- yan ang nakasulat. Hindi ko alam pero gusto kong tumawa na parang naiihi na ewan.

“Ahaha! Ano to?”, tawang tawa kong sabi kay Nikko.

Pagtingin ko naman sakanya ay hindi ito tumatawa.

“Pwede bang mahingi number mo?”, seryosong sabi nito.

Bigla kong binawi ang tawa ko at parang nakaramdam ng konting ilang.

“Ah.. eh.. Sus! Yun lang pala!”, taranta kong sabi sabay sulat ng number ko sa papel.

“Oh, ok na, ha! Susko ka! Number lang pala.”, sabay talikod kay Nikko. Bahagya naman akong napangiti.

“Uy! Teka!”, pagtawag nito sakin. Agad akong lumingon.

“Oh?”

“Iced tea.”

“Huh?”

“Iced tea order ko. No ice, ha!”, ngiti nito.

Napaniling na lang ako at tinanguhan sya. Agad ko naman naalala ang biro ni Rovi noon na “Iced tea na walang ice”. Hindi ko alam pero somehow parang nagets ko na yung sinabi nyang yun. Ahi!

“Kailangan talaga nakangiti?”, biglang bungad ni Rovi habang kinukuha ang Iced tea na walang ice ni Nikko.

“Syempre naharap ako sa mga tao. Kailangan masigla ang ichura ko.”, sagot ko.

“Lelang mo! Nanliligaw na ba?”, casual na tanong ni Rovi.

“Paano manliligaw eh may boyfriend yung tao.”

“Huh? May boyfriend si Nikko?”

“Hah! Anong si Nikko? Malay ko!”

“Aah.. Akala mo si Cedric. Si Nikko kako. Tanga.”

“At tanga pa talaga ako, ha! Ikaw kaya to! Ligaw ka dyan! Hindi naman katulad ko yung tao.”

“Ay! Tanga nga.”, iiling iling na sabi ni Rovi sabay lakad palayo.

“Nu kaya yun!”, sarkastikong bulong sa sarili.



Natapos ang gabi na busy pa rin kami as usual. Pagod. Pero somehow, hindi na gaano. Medyo masaya na rin kasi may nakakausap na ako sa trabaho. Hindi yung pag spare time ko ay sangkaterbang hopia ang niluluto ko sat wing pinagmamasdan ko sila Cedric at Geoff. Ngayon ay medyo nalilibang ako dahil na rin siguro kay Nikko.

“Oh, uwi na.”, ngiti ko kay Cedric sabay abot ng plastic na may pagkain sa loob.

“Oh, baka naman…”, inis na sabi ni Ced.

“Okay lang ako. Sige na. Uwi na.” Sabay dahan dahang pagtulak sa likod ni Ced pauwi.

“Cyrus!”

“Uwi na sabi. Uuwi na yan. Good night!”



Pagpasok ko ng bahay ay agad akong nagpalit ng damit at nakatanggap ng text. Malamang kay Cedric.

“Tutulog ka na?”

“Hindi pa.”, sagot ko.

“Pahinga ka na. Alam ko pagod ka.”

“Hindi naman. Okay lang.”

“Nye hindi ka ba nagsasawa sa trabaho mo?”

“Hindi naman. Kasama naman kita. Tsaka recently hindi. Ansaya kasi kausap ni Nikko.”

“Huh?”

“Oo.”

“Huh?!”

“Anong huh?”, pagreply ko.

“Hoy! Sino ba katext mo dyan!”, biglang litaw ni Cedric mula sa bintana ko na syang kinagulat ko.

“Oh! Katext lang kita, ha!”, sagot ko.

“Huh?”, blangko at takang tanong ni Cedric.

Agad nagvibrate ang phone ko. Aligaga ko namang binuksan ang message.

“Si Nikko to eh.”


39 comments:

  1. done :)
    scanning hahahahah
    -yume

    ReplyDelete
  2. Ganda!!! Nikko-Cy na ako.... Ang cute nila dalawa... Si cedric malandi lng.. Bahala xa.. Hahaha

    ReplyDelete
  3. my god,.,, kinikilig tlga ako dito,., wag ka na cyrus kay cedric,., kay nikko knlang or kay rovi,., san kpa,., dun kna sa 2,.,hahahaha,.,.

    ReplyDelete
  4. Waiahaha ang cute tlga ng kwentong 2!

    ReplyDelete
  5. yan kasi hindi binabasa ang pangalan ng katext assumero!! hahaha!!

    ReplyDelete
  6. nakakaexcite to!! go nikko!! :D

    ReplyDelete
  7. HAHAHA... xciting! update na! hehehe habang walang duty :] at makakaconcentrate sa pagbabasa... galing galing

    ReplyDelete
  8. haha.. nakakatuwa.. kinikilig ako.. hanggang tenga ang ngiti ko habang binabasa to... ewn ko kung bakit pero sobrang nakukyutan ako dito... hahaha... silent_al

    ReplyDelete
  9. Huli ka Cyrus!hahaha!!ayan na si Nikko..be ready Cedric :D

    ReplyDelete
  10. wow ganda another hit nanaman.. galing mo talaga Mr. dark ken keep it up po.. standing ovation for you:)

    ReplyDelete
  11. next chapter please..next chapter na..hahaha..sobrang kilig nitong chapter na to..move over cedric..nikko is here..hahaha..

    good job ken..good job..

    -J

    ReplyDelete
  12. teka..ano nga ba ibig sabihin ng ice tea with no ice?

    -J

    ReplyDelete
  13. Shitness brix! Lalong nkakakilig ng pumasok na sa picture si nikko. :D Labhet. :D

    ReplyDelete
  14. ang sweet...

    ReplyDelete
  15. Nice ang ganda ng story grabe talag si ken ang galing..
    Nice parang bagay na bagay si nikko and cyrus pero parang bagay din si rovi and cyrus. hahahaha
    nexzt na po. more power!

    ReplyDelete
  16. hahaha kaloka wagas maka tanga hehehe

    kilig much, torpe si nikko biruin mo naka weeks na bago makuha ang digits :")

    XOXO "ARSTEVE"

    ReplyDelete
  17. go go go papa nikko, ligawan mo na si papa cyrus...lakas ng kilig to the max..xcited much next chapter na please.^_^.robz here 09207993751

    ReplyDelete
  18. Idol kenjie nabitin naman ako, galing talaga!! ツ

    -devi

    ReplyDelete
  19. Infairness kinilig talaga ako sa chapter na to..at least ngaun may Nikko na si Cyrus..

    ReplyDelete
  20. Aw! Shutanginangbeks! Hahahaha epic fail si cyrus. LOL pero grabi. Galing ni author talaga. Ayos! Next na, next na ....


    -gian

    ReplyDelete
  21. I can sense nagkakaroon na ng team nikko, team cedric and team rovi ah!

    ReplyDelete
  22. Kuya Kenji ang ganda ng boses mo ! nakakainlove :))))

    ReplyDelete
  23. Ang hina makahalata ni Cedric hahahaha. Pero the best ka talaga kuya kenjie, isa ka sa mga writers na magaling gumawa ng mga ganitong klase ng istorya. :)))

    ReplyDelete
  24. akala ko rovi ako nung una.. pero i go for nikko na din...

    ReplyDelete
  25. Ang title ng chapter na ito ay "Huh?!" Hahahah

    ReplyDelete
  26. kasi kasi nman eh.. c nikko nlng.. :p

    ReplyDelete
  27. bakit ba ganun may mga taong manhid talaga hahaha...
    sabagay kahit ako nagkaganyan din hehehe...
    nabubulag kasi tayo sa taong kinababaliwan ng puso naten...
    kaya hindi naten namamalayan na meron na palang taong nasasaktan dahil sa pagkamanhid naten...

    dee azrael a.k.a aq xi az

    ReplyDelete
  28. idol! idol! IDOL!

    sarap naman ng video na un idol, kea idol na idol kta eh haha
    isa pa!

    xa nga pla, comment sa kwento...hmm...
    i like nikko, nkakatawa ung last scene haha inaakalang iba katxt un pla c nikko
    cute ^w^

    ReplyDelete
  29. WOW!! :D kinilig me! hehe

    @iamkljan

    ReplyDelete
  30. wow! :D kinilig me! Grats Mr.Authur :D

    @iamkljan

    ReplyDelete
  31. Go Nikko! Go Nikko! Go! Hahaha pinakilig m nnmn kmi ken. Iba k talaga! More

    ReplyDelete
  32. Nikkocyrus tandem...kinilig ako sa kanila..

    ReplyDelete
  33. hahahaha..ang cute cute nung last part!^^

    kakatuwa talaga c cyrus!like q na siya..hehe

    -monty

    ReplyDelete