by: Zildjian/ Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
WEW!!!!!!!! HAMBACK!!! Hihihihi Kamusta na kayo mga paps? Medyo matagal-tagal rin akong nahimlay noh? Hihihi Ngayon balik na naman ako sa pagsusulat ko dahil tapos na ang pagpapahinga ko. Medyo nareformat ko na nang konte ang 2mb kong utak kaya lang may mga nakapasok ulit na virus kaya pagpasensyahan niyo na ang mga typos ko. Syems! Kapag walang typos meaning hindi ako yon HAHAHAHA
Ito na po ang Prologue nang Make Believe ito ang unang pagkakataon na gumawa ako nang prologue sa estoryang likha ko kaya sana ma-enjoy niyo. Simula na ulit ng panibago kong series naway magustohan niyong lahat ang bagong gawa kong ito.
At tulad ng lagi kong ginagawa every other day po ang posting ko nang storya ko. Hindi ito mahabang series ngayon siguro 9 to 10 chapters lang per story para di kayo tamarin. Hihihihi Sa mga nag-email sa akin at nangumusta doon well well well!!! ITO NA AKO!! :D
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
“Ano ba ngayon ang balak mo?” Wika ni Lantis na ngayon ay kasama ko nang nangungupahan sa bahay na tinutuluyan ko.
“Wala.” Matipid kong sagot dito dahil sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi na ako makapagisip ng tama sa sobrang dami nang mga nangyaring hindi maganda sa buhay ko sa mga nagdaang buwan.
“Ganun nalang ulit? Wala kang gagawin dahil natatakot kang harapin ang problema mo?” Wika nito na may bahid ng pagkainis sa boses niya. “C’mon Ken, wala kang mapapala kung iiwas kalang sa problema mo. Ikaw lang din ang masasaktan.” Wika pa ulit nito. Hindi ko naman masisisi si Lantis kung bakit tila asar ito ngayon sa akin. Alam niya ang lahat ng nangyari sa buhay ko dahil sa naging close ko na rin ito sa loob ng ilang buwan naming pagsasama sa isang apartment.
“Hindi ako natatakot na harapin ang problema ko.” May diin kong sagot sa kanya. “May rason si Nhad kong bakit niya iyon nagawa sa akin.”
Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko mula sa kanya. Malamang nahihirapan na rin itong paliwanagan ako dahil paulit-ulit nalang kami sa ganitong diskusyon.
“At anong rason naman iyon? Iyong pekeng relasyon mo sa best friend mo na hindi mo sinabi sa kanya?”
Hindi ko alam kung bakit pero kahit ngayon tuwing maririnig ko sa ibang tao ang tungkol sa nangyari sa amin ng best friend ko nasasaktan ako.
“Lantis..”
“It was not your fault that you fell in love with your best friend. Hindi lang ikaw sa mundong ito ang nahulog sa matalik niyang kaibigan. Besides, past na yon dapat hindi na binabalikan yon . Hindi excuse ang nakaraan mo para gaguhin ka niya.” Pagputol nito sa sasabihin ko.
“Nagkita kami ni Martin.” Ang mahina kong wika.
Kita kong bahagya itong natigilan at napako ang tingin sa akin na puno ng katanungan sa kanyang mga mata. Alam ni Lantis ang mga pinagdaanan ko bago pa man siya lumipat sa apartment na tinutuluyan namin noon ni Martin. At nakita nito lahat ng kamisareblehan ko nang magkahiwalay kami ng landas ng matalik kong kaibigan dahil sa isang pagpapanggap.
“Wag mong sabihin na iyon ang dahilan?” Ang di nito makapaniwalang sabi.
“Hindi ko pa pala talaga tuluyang nakakalimutan siya. Mahal ko parin si Martin kahit na marami ng masasamang nangyari sa amin. Kahit na may Leonard nang dumating sa buhay ko. Hindi ko naibigay ng buo ang sarili ko kay Nhad at iyon ang rason kung bakit nangyari ang lahat ng ito sa amin ngayon.” Mahabang wika ko dito.
“Pero ikaw narin itong nagsabi na hindi ka niya kayang mahalin. Bakit mo pa pinipilit na itali ang sarili mo sa kanya. Maraming tao ang handang suklian ang pagmamahal mo Ken pero hindi kasama doon si Martin.” Ramdam ko ang awa’t pag-alala sa boses nito. Naging matalik ko na ring kaibigan si Lantis. Sa loob ng anim na buwan siya ang dumamay sa akin. Siya ang umintindi at nakinig sa mga hinaing ko sa buhay.
“Naramdaman kong minahal din niya ako. Siguro, tulad ko natatakot lang din siya sa mga pweding mangyari sa amin. Siguro natakot siya na baka…..”
“Make believe.” Pagputol nito sa iba ko pa sanang sasabihin. “Iyan ang problema nating lahat. Gusto nating paniwalaan ang isang bagay na alam naman nating hindi totoo. Sige nga Ken, papaano mo mapapaniwalaan ang lahat kung alam mo na sa umpisa pa lang isa lamang itong pagpapanggap?”
Hindi ako nakasagot sa tinuran nito.
“Walang magandang maidudulot iyan sayo Ken. Lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo dahil sa paniniwalang minahal ka niya kaya hindi mo magawang maibigay ng buo ang sarili mo sa mga taong handa kang mahalin ng totoo.”
Muli, hindi ako nakapagsalita dahil lahat ng sinabi nito ay tumagos sa akin. Sobra kong pinaniwalaan ang mga pinakitang pag-aalala at pag-aalaga sa akin ni Martin noon at inakala o mas tamang sabihin na pinaniwalaan kong may nararamdaman din ito sa akin.
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Lantis.
“Dapat ko bang kausapin si Nhad?” Pagbasag ko sa katahimikan.
“Kung wala ka naman talagang nararamdaman sa tao, wag mong ipagkait sa kanya ang katotohanan. Wag kang maging selfish sa kanya. He deserves to know how you feel because committed ka sa kanya. Hindi tama na hahayaan mo lang siyang kainin ng galit niya sayo para lang bitiwan ka niya. Be fair Ken!”
Ito ang ugaling nagustohan ko kay Lantis. Hindi ito one sided na tao kahit kaibigan ka pa niya kapag nakita niyang ikaw ang may kasalanan ay hindi ka niya kakampihan. Ayaw nito nang may nasasaktan o may natatapakang tao.
Buong gabi kong pinag-isipan ang lahat ng mga napag-usapan namin ni Lantis at doon ko napagtanto na dapat ko ngang kausapin si Nhad para ayusin ang gusot na ako rin mismo ang may likha.
Alam ko ang mga posibleng mangyari sa gagawin kong pakikipag-usap sa kanya. Masasaktan ko siya doble pa sa pasakit na nararamdaman niya ngayon pero ito lang ang tanging paraan para maayos ko ang lahat.
Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan matapos tingnan ang aking relos. Nalalapit na ang pagtatagpo namin ni Nhad at ngayon ko na balak tapusin sa amin ang lahat. Alam kong mahihirapan akong kumbinsihin siya na para rin sa kanya ang gagawin ko pero handa akong tanggapin ang lahat ng galit niya ngayon kung iyon lang ang tanging paraan para makabawi ako sa kasalanan ko sa kanya.
Sa isang resto bar ko naisipang makipagkita kay Nhad ito ang resto bar na paborito naming dalawa at dito sa resto bar din na ito nagsimula sa amin ang lahat kaya nararapat lang na dito na rin namin tapusin ang kung anu mang meron kami.
Hindi nga ako nito binigo sa oras dahil saktong seven thirty ng gabi tulad ng aming napag-usapan ay nakita kong pumasok ito sa restaurant. Nang magsalubong ang aming tingin ay muli kong nasilayan ang may bahid ng galit na mga mata nito.
Agad akong inalipin ng kaba at nagsimulang magrigudon ang aking puso. Akala ko handa na akong harapin sya at magiging madali lang ang lahat, ngunit tila mali pala ako. Iba pa rin pala kapag kaharap mo na ang taong sa huli ay alam mong masasaktan mo.
Ang akala ko noon ay matututunan kong maibigay ng buo ang sarili ko kay Nhad pero ang totoo gusto ko lang matakasan ang nararamdaman ko sa best friend ko sa madaling salita naging user ako. Ginawa ko siyang rebound sa loob ng tatlong buwan naming relasyon at ngayon sa pangalawang pagkakataon ay masasaktan ko na naman ang taong walang ibang ginawa sa akin kundi ang mahalin ako.
“Anong drama mo ngayon?” Wika nito nang makaupo sa harap ko.
“Gusto kong mag-usap tayo.” Mahina pero may paninindigan kong sabi.
“Mag-usap? What for?” Ramdam ko ang sarkasmo sa tono ng pananalita nito. “The damage has been done. There’s no need for pity talks Ken.”
Hindi ako nakaimik. Wala akong maapuhap na rason para mapakalma ko siya at hayaan akong magpaliwanag.
“Binigay ko naman ang lahat di ba? Minahal naman kita di ba? Isn’t it enough para mahalin mo rin ako? Ano ba ang meron kay Martin na wala sa akin? Ano ba ang kaya niyang ibigay na di ko kayang ibigay sayo?”
“Nhad hayaan mo akong magpaliwanag.”
“Bullshit Ken! Hindi ko kailangan ang paliwanag mo.” May diin nitong sabi mabuti nalang at kulang na ng tao ang restaurant sa mga oras na iyon.
“Kailangan Nhad. Kailangan kong maipaintindi sayo na magkakasakitan lang tayo ng husto kung ipipilit pa natin ang relasyon na ito. Nanggaling na mismo sa ‘yo, the damage has been done and we cannot do anything about it.”
“Dahil nga sa ayaw mo akong bigyan ng puwang d’yan sa lintik na puso mong yan. Ginamit mo lang ako! Masaya ka na? Simula’t sapul hindi mo naman talaga ako minahal ng totoo dahil hanggang ngayon nakatali ka pa rin sa Martin na yon!” May bahid ng panunumbat nitong wika. “Unfair ka Ken! Napaka-unfair mo! Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon.” Dagdag pa nitong wika.
Ramdam ko ang ibayong sakit sa mga mata nito at sa totoo lang hindi ko kayang makita na nasasaktan siya dahil wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako. Oo, nakagawa siya nang pagkakamali pero hindi ko siya masisisi dahil ako ang nagtulak sa kanya para magawa niya iyon. Ito ang rason kung bakit gusto kong maayos kaming maghihiwalay. Ayaw kong sirain niya ang buhay niya nang dahil sa akin.
“Inaamin ko naging unfair ako sayo. I did my best to give you the love that you deserved Nhad, pero sadyang kay hirap turuan ang puso. Kaya ako nandito at hinarap ka ngayon para pakawalan ka sa pagkakatali mo sa akin. Ayaw kong matulad ka sa akin Nhad.” Mahaba at may bahid ng lungkot kong sabi.
Doon na dumaloy sa mga mata nito ang luhang kanina pa nito pinipigilan. Mga luha na dala ng lungkot at pighati. Hindi naman ako bato para hindi ako makaramdam ng awa sa mga oras na iyon para kay Nhad.
Hindi ito umimik at nanatili lamang na nakayuko. Isa-isang nagbabagsakan sa mesa ang mga butil ng luha nito. Sobrang bigat ng pakiramdam ko sa mga oras na iyon hindi ko alam kung anu ang gagawin ko para ma-comfort ko siya sa sakit na ako mismo ang lumikha.
“Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin Ken?” Maya-maya ay wika nito sa akin gamit ang malumanay na nitong boses. Walang bahid ng galit akong nabakasan sa boses nito na lalo pang nagpadagdag ng guilt feelings ko.
Inabot nito ang dalawang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa at marahang pinisil.
“I-I can undo things for us Ken. Aayusin ko ang relasyon natin dahil mahal na mahal kita. Just give me another chance.” Ang wika nito.
Wala akong mahupahap na isasagot sa kanya. Natatakot ako na baka kapag nagbitiw ulit ako nang salita ay lalo ko pa siyang masaktan dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko na siya pweding mapagbigyan. Gusto ko munang makapagisa at makapagisip. Gusto ko munang ayusin ang buhay ko at tapusin ang lahat ng issue na meron ako sa nakaraan ko bago pumasok ulit sa relasyon. Ayaw kong makasakit ulit ng tao at lalong ayaw kong manggamit ng tao para lang makalimutan ang isang pagibig na hindi natugunan noon ng taong gusto ko.
“Hindi kita mamadaliin this time Ken. Hahayaan kitang makapagisip at maayos ang anumang meron kayo nang dati mong best friend pero sana huwag mo naman akong bitawan. Maghihintay ako, hihintayin kita hanggang sa araw na handa mo nang ibigay ang pagmamahal mo.” Ramdam ko ang pagsusumamo sa boses nito.
“Walang kasiguraduhan kung kelan ako magiging handa ulit Nhad, ayaw kitang maghintay sa wala.” Nakayuko kong sabi. Hindi ko magawang makipagtitigan sa kanya dahil lalo lang nadadagdagan ang guilt feelings ko.
“Ken…”
“I’m sorry Nhad.”Iyon nalang ang naisip kong gawin ang tapusin na ang usapan namin habang kaya ko pa. Hindi ko kasi alam kung saan ako dadalhin ng awa ko para sa kanya.
Dali-dali akong lumabas ng restaurant na iyon nagbingi-bingihan sa pagtawag sa akin ni Nhad. Sobrang bigat ng pakiramdam ko hindi ko ginusto na makasakit nang tao pero nangyari parin at ang masama pa ang taong nasaktan ko ay ang taong nagmahal sa akin.
ur back ... yes may new very good story nana man ..
ReplyDelete