ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Tuesday, November 6, 2012

The beautiful Criminal (Teaser)


                                                    Written by: Steffano Perales
                                               http://steffanoperales.wordpress.com/

Hawak ko ngayon ang bluebook na naglalaman ng sensitibong impormasyon para sa isang mahalagang misyon.

“Have a seat Gentlemen” ang bungad ng amin ng Division Director.

Nasa loob kami ngayon ng isang silid na napapaligiran ng conventional monitoring screens. Sumindi ang wall-sized monitor at isa-isang nagsilabasan ang mga imperatives hudyat ng simula ng aming briefing.

 “Limang araw mula ngayon ay gaganapin ang ASEAN Outsourcing Summit International.  ang papapatuloy ng Division Director.
“February 20th that is Tuesday, Standard Pacific time PM 1800 ang nakatakdang oras ng paglapag ng private plane sa NAIIA Terminal III. Ang SVIP (Super-very important person) ay mananatili sa bansa sa loob lamang ng 72 hours. You got 82 hours to finalize the tactical plan. “


Your mission is to protect the prime minister, is the order clear?

Copy sir.


Nanumpa ako sa isang mahalagang tungkulin. Ang tungkuling protektahan ang mamayan at pamahalaan. Ito ang hiling ko mula nung namulat ako sa kamusmosan. Oo, naabot ko na ang pangarap ko. Isa na akong deputy officer  ng High-Intelligence Bureau ang pribadong hukbo ng sandatahang lakas ng Pilipinas.
 Medalya at Karangalan. Akala ko sapat na ang mga yun para lubosan akong maging masaya, pero bakit parang may kulang?


Ako si Caleb Steffan, Sabi nila nasa akin na lahat ng katangian para makuha ang  sino mang gustohin ko. Sana ganun lang kadali. Bakit parang hirap maging masaya? 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang panibagong assignment muli ang naitalaga sa aking posisyon.


“You got somethin’ to do” ang bati sakin ng pangulo ng supreme tribunal “Nasa loob ang lahat ng impormasyong kailangan mo”  sabay abot niya sakin ang envelope.


“Maraming Foreign Diplomats ang inaasang dadalo”  pag-simula niya  ng charge endorsement.
“Dadaan ang convoy ng SVIP sa sec. avenue apat na kilometro ang layo mula sa terminal, titigil ang escorts sa Holy Spirit High School upang salubungin ang parade, bababa siya mula sa bullet proof car upang makipagkamay sa mga madre. Ang signature shake hands ay tatagal ng 48 seconds. Minuto lang ang itatagal ng target sa labas ng sasakyan at yun lang ang pagkakataon mo. Check out the satellite image on the screen, dito sa defunct overpass ka nakapuwesto 70 degrees northwest. You have 40 seconds  to get the shot.


Your mission is to kill the prime minister…….. is the order confirmed?


“Very much”

Tayo ay nakatira sa isang masalimuot na mundo. Bawat galaw ay dikta ng tiwaling gobyerno..Lahat ng bagay ay pinapaikot ng pera. Lahat madumi, walang ng malinis. Hindi ko alam ang pangalan ko. Hindi ko alam kung saan ako nagmula. Wala akong pamilya. Pumapatay ako para buhayin ang sarili ko. Kapalit ng malaki mong halaga ay ang linis ng trabaho ko. Bahagi ako ng isang organisasyon ng  mga highly trained assassin’s  ang “supreme tribunal”. Bawat kalabit ng gatilyo ko ay katuparan ng mithiin ko. Sisingilin ko ang lahat ng mga taong naging dahilan ng galit at puot sa puso ko.  Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay darating ang taong magbibigay sa akin ng halaga at ituro sakin muli ang salitang hindi ko kailaman man naramdaman, ang pagmamahal at ang sumaya. 



THE BEAUTIFUL CRIMINAL...KILLS SOON.

NOTE: Hi there! this is my first ever series kung matutuloy. I appreciate feedbacks. Kelangan ko po ng inspirasyon, kaya kung ayos lang po sana leave your comments negative or positive it maybe ayos lang sakin. Sana po nagustuhan niyo ang silip sa story ko. Alright, tell me  how do you find it?


11 comments:

  1. it's nice to know na gumawa ka na rin Steffano ng series..i think that this is gonna be a very interesting story :)

    ReplyDelete
  2. At super excited ako.. Hala! Dapat matuloy to! Okay? Hhahaha.. Demanding much? :P

    ReplyDelete
  3. wow exciting ang story na to ah..let's see kung ano ang mga mangyayari although may thoughts na ako in mind on how this story is..pero i know there will be twists and turns..

    good job steffano.. :)

    -J

    ReplyDelete
  4. Parang PHR series lang sya..nice po..

    ReplyDelete
  5. Be looking forward for your updates. :)

    ReplyDelete
  6. Nice...hmm..magiging maaksyon gaya ng Hitman yung story?tapos medyo may pagka mr and mrs smith...wahh..
    -caranchou

    ReplyDelete
  7. Nice...hmm..magiging maaksyon gaya ng Hitman yung story?tapos medyo may pagka mr and mrs smith...wahh..
    -caranchou

    ReplyDelete
  8. Very nice!!! ORIGINAL ka, sana ituloy mo ito.. napaka astig siguro nito... suspense...wooooooo!!!! I LOVE ITTTT!!!!!

    -itsRegie

    ReplyDelete
  9. Uo NqAh hOpe m2Loy 2ng Story Mo, ka excite kaya Update agad, hehe! ^-^

    ReplyDelete
  10. hope matuloy to.. title pa lang catchy na..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete