“I never knew how to worship until I knew how to love.”
–Henry Ward Beecher
Part One: Heart Sounds
One
“Oh – once in your life you find someone.
Who will turn your world around.
Bring you up when you’re feeling down.”
-Heaven / Bryan Adams
"May naadmit pala tayo kaninang madaling araw...lalake."
"Nasaan na po mam?"
"Nasa RM203. Sayo ko na lang i-endorse para lahat kayo tatlo ang hawak. Madami ang na-discharge kaninang umaga."
"Sige po Mam...salamat. Mamaya po pupuntahan ko agad pagkabasa ko sa chart nya."
MALIBAN pa sa dalawang pasyenteng hawak ko, pangatlo ang naadmit kanina. Ayon sa chart ng bago kong kliyente, Construction Worker daw ito at dalawampu’t anim na taong gulang. Wala pa ring dumadalaw rito ayon na rin sa mga kasamahan kong Nurse. Base din sa kanyang interview, magsolo lamang daw itong naninirahan dito sa Maynila. Isinugod sya ng mga kasamahan sa trabaho matapos na mabagsakan ng pader ang kanang binti nito habang natutulog.
Hindi naman nabali ang kanyang buto ngunit dahil sa pressure, namaga at nagtamo ng ilang mabababaw na sugat ang kanyang binti. Nang sapitin ko ang kanyang kwarto ay dahan-dahan ko itong binuksan at tahimik naman akong sinalubong ng kapaligiran kasama na ng hangin na nagmumula rito. Dalawa ang kama sa silid at may kaliitan ang kwarto kaya naman sapat lamang sa sampung katao ang buong lugar. Agad kong namataang natutulog ang pasyente sa kaliwang kama malapit sa bintana kasama ng kurtina nitong patuloy na isinasayaw ng hangin. Samantalang bakante naman ang higaan na nasa tabi nito. Alam kong nagpapahinga ang pasyente ngunit lumapit pa rin ako ng bahagya dito upang masiguro kung natutulog nga ito. Pinagmasdan ko ang army-cut na style ng kanyang buhok at agad ko ring napansin ang nunal nito sa mukha na nasa pagitan ng kanyang ilong at labi na kung hindi mo titingnang mabuti ay hindi mo talaga mapapansin.
Bago pa man ako magtagal sa kwarto ay pinasya ko na ring agad na umalis at bumalik na lamang muli. Upang hindi ko rin ito maistorbo. Nang akma naman akong tumalikod ay bigla naman itong nagsalita upang kunin ang aking atensyon.
"Dok’."
Mahina nitong sinambit na bago pa lamang iminumulat ang mga mata. Mabilis ko syang nilingon.
"Magandang umaga."
Bigla pa akong kinabahan dahil sa hindi ko talaga sigurado kung nahuli nya akong nakatingin sa kanya kanina. Pumasok rin sa aking isipan kung bakit ko ba iyon ginawa.
"Hindi po ako Doktor. Nars po ako Sir."
Tugon ko sa kanyang ng nakangiti. At dito ay muli na akong lumapit sa kanya.
"Pasensya na po Dok-..."
Bigla itong natigilan at matapos ay bahagyang natawa.
Kinamusta kong agad ang kanyang paa. Ang kanyang pakiramdam. Bagay na araw-araw kong ginagawa sa aming mga kliyente. Kliyente, dahil bilang isang Nurse ay obligasyon namin na sila ay pagsilbihan at ang pagtawag sa kanila ng salitang pasyente ay hindi magandang pakinggan. Pakiramdam ko na lalo silang magkakasakit kung iyon ang itatawag namin.
Unti-unti nyang iniangat ang kanyang katawan at kahit pa mabagal nya itong sinimulan ay hindi ko sya dito natulungan. Hindi ko alam kung bakit ako natigilan. Matapos nito ay patuloy na syang nagsalita. Namamaga pa raw ang kanyang paa at sa tuwing madadampian ito kahit na ng tela, ay agad na sumasakit. Bagamat kasama sa aking trabaho ang sya ay usisain ay hindi na ako masyadong nagtanong pa dahil sya na mismo ang patuloy na nagkukwento na pabor din naman sa akin. Nabanggit din nito na lumuwas daw sya ng Maynila upang maghanap ng trabaho. Magsolo lamang daw sya at nasa probinsya ang kanyang buong pamilya. Habang patuloy sa pagsasalita ay sya namang dating ng kanyang pananghalian mula sa dietary.
Tinulungan kong ihain ang mga pagkaing dumating habang patuloy pa rin ito sa pagsasalaysay. Sa tuwing ‘di ko sinasadyang matingnan ang kanyang mukha ay mabuti nya naman akong tinititigan, talo din naman ako sapagkat mabilis ko ding iniiwas ang aking mga tingin. Maaliwalas ang kanyang mukha at halata dito na masayahin talaga syang tao.
"Nakakahiya naman po...kumakain ako at kayo hindi..."
Sambit nito habang nakangiti pa rin sa akin. Nang masulyapan kong muli ang kanyang mukha ay bigla ko namang napansin ang isang butil ng kanin sa taas ng kanyang mga labi.
"Okay lang yun...huwag mo na pati akong po-in. Mas matanda ka pa sa akin. Twenty-five lang ako..."
Ngisi ko dito.
"Ah..ganun po ba?"
Bago ko pa malimutan ay ipinainom ko na sa kanya ang dala kong mga gamot, nakakain na rin naman sya at tamang oras na din naman upang ito ay kanyang inumin. Nang kinuha nito mula sa akin ang unang gamot at akma ng iinom ng tubig ay bigla ko itong pinigilan.
"Wait lang..."
Kinuha ko ang butil ng kanin sa kanyang bibig at mabilis na inilagay ito sa tray ng kanyang pagkain. Hindi ko naman napigilan at hindi ko rin alam kung bakit ko iyon ginawa.
"Ah."
Tugon nito sa akin. Hindi ko alam kung nahiya ba sya sa akin o nairita.
"Salamat po..."
Dagdag pa nito.
Tumango naman ako at sinabing tutuloy na. Babalik na lamang ulit sa oras na muli na syang iinom ng gamot. Nang makatalikod na ako ay muli na naman nya akong tinawag.
"Nars Sir, ano nga po ulit ang pangalan nyo?"
"Ulit? Hindi ko pa sinasabi ah’. Angelo."
Nakangiti kong sambit.
"Viktor ‘no?"
Pahabol ko pa sa kanya.
Tumango lamang ito sa akin.
"O' nga pala...huwag mo nang inumin yang softdrinks na yan ha?"
Turo ko sa bote nang Royal na nasa ibaba ng kanyang kama.
"Ah' okay po. Kasi yung nanay ko po yan ang pinaiinom sa amin kapag may lagnat kaming mag-kakapatid...at pinakakain din kami ng Skyflakes..."
Paliwanag nya sa akin.
"Ha ha!"
Hindi ko napigilang matawa sa kanyang mga sinabi dahil noong bata ako ay biktima rin naman kami ng ganoong paniniwala.
"At isa pa, wala ka namang lagnat..."
Dagdag ko.
“Paano nyo po nalaman?”
Nagulat ako sa kanyang sinabi kaya naman agad kong kinuha ang dala kong thermomether at inilagay ito sa kanyang kili-kili. Nakalimutan ko talagang kunin ang kanyang mga vital signs. Mabuti na lamang at ipinaalala nya sa akin ang aking trabaho. Kinuha ko ang kanyang respiration habang nagpapanggap na binibilang ko ang kanyang pulse rate.
"Minsan nga po e' kung sino ang may sakit ay sya yung kinaiinggitan namin. Kasi sya ang may extra pagkain...hehe...hindi pala maganda yun..."
Pagpapatuloy nito sa naudlot nyang kwento.
“Shhh.”
Sambit ko sa kanya ng magsimula na akong kumuha ng presyon ng kanyang dugo.
Pinangangambahan kong patuloy syang magkukwento ngunit hindi na nito dinagdagan pa ang kanyang mga sinabi.
“Salamat po.”
Narinig kong malumanay nyang sinambit ng matapos kong makuha ang kanyang blood pressure.
Nagpatuloy na akong dumiretso patungo sa pintuan at hindi ko na ginawa pang lumingon dahil ayoko rin namang makita nya akong naka-ngiti. Nang maisara ko na ang pinto at masimulan ko ng mag-lakad paalis sa lugar ay kasalubong ko naman ang apat na kalalakihan na sigurado akong patungo sa kwartong aking nilabasan. Tila mga kasamahan nya sa trabaho dahil sa tipo ng kanilang kasuotan.
Nang mapatingin ako sa orasan, napansin kong mahigit thirty-minutes rin pala akong nagtagal sa loob ng hindi ko namamalayan.
Hindi ko alam kung ano ang kasalukuyang nangyayari sa akin, ngunit nasisiguro ko na ang aking pakiramdam bagamat kinakabahan at naguguluhan, ay natutuwa.
Itutuloy....
Nice start. :)
ReplyDeletepamilyar sa kin ang kwento, dati na to sa bol diba.. =Dereck=
ReplyDeleteYep derek. Ako rin si Jubal. :) Pinapost ko lang dito kay Kenji para mabasa rin ng iba. Hehe. Thanks Dereck. ^_^
Delete-Patrice Marco
Ang ganda po ng simula!! aabangan ko din itong kwentong ito :))
ReplyDeleteparang nabasa ko na e2. but then aabangan ko pari. he he he . nice one! P. V. SNA PALAGE MAY UPDATE.
ReplyDeleteMukang interesting to ha.. Nice.. Aabangan ko dn to.. :)
ReplyDeleteParang maganda..aabangan ko to. Pareho pa kami ng nunal ni viktor...hehe
ReplyDeleteseems like a good story. i really like the way you infused the duties of nurses and how they do their sop's at work. informative to those who doesn't know these kinds of stuff. keep up the good work and i'll be looking forward to this.
ReplyDeleteGood start... well written :3
ReplyDeleteSeems this one is interesting... I can't wait for the next one :)
Salamat po. Yung iba baka nabasa na ito kasi nag-run ito sa BOL noon. Thanks sa lahat. :)
ReplyDelete-Patrice Marco
Mukhang isip bata si Viktor kuya pogi. Tama ba? nabitin ako hahaha! na-love at pers sayt si Angelo, hanep! next na po..
ReplyDeleteri
asar lang ung ending neto pero sobrang ganda ng pagkakasulat..dame kilig moments ang tumatak,wagas ang peg hehehe
ReplyDelete