ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Thursday, November 8, 2012

“ANG MAPUTING ANYO SA MADILIM NA BALAT”

Please like my official page hit this link https://www.facebook.com/Thesteffanoperales


DISCLAIMER: 2012 All Rights Reserved. Unauthorized use, copy, editing, reproduction, publication, duplication and distribution of the this article, without the authors explicit permission, is punishable by law. Subject to Philippine and International Copyright Conventions on Intellectual Property Right


Photo credit: Ardin Tuga

Written by: Steffano Perales
http://steffanoperales.wordpress.com/

    Dapat nakangisi ka palagi para nahahalatangtao ka. Ngipin mo lang kasi maputi sayo. O kaya try mo mag-suot ng reflectorized shirt yun tipong aakalain nila taga MMDA ba etoh o poste ng meralco? Hoy, baluga! hahaha hindi pare aeta yan yung galing sa bundok. Ba’t nasa ciodad yan? Eh di umiigib ng tubig! Haha
Whoa! Pare hanep and sexy oh! Patingin’, taena pare napaka exotic ng ganda haha. Sabi nila, and tunay na ganda nasa loob. Kaya ikaw, wag kang magla.lalabas!
Ilan lamang ang mga litanyang ito na kumitil ng tiwala sa sarili nila. Ang iyong mga halakhak sa kanilang mga balat ay katumbas ng sanlibong patak ng kanilang mga luha. Bakit ba kasi ganito ako ipinanganak? Noong araw ng pagsilang ko, naloka ang tatay ko. Katabi ko kasi ang mga kaldero, nalito siya kung alin ako dito. Mag.kaka wrinkles nga daw si Vicky Belo kung siya mag.rerepaso ng mukha ko. Mula noong kamusmusan ko, tampulan na kami ng tukso. Aeta daw kami. Kasing kulot ng noodles ng lucky me ang buhok namin. Buti pa nga ang noodles may sabaw, sabi ko. Kung magsasawa nga daw ang Pilipino sa paggamit ng petroleum gas (kasi naman kasing presyo na ata ng louie vitton bag ang gas ngayon). Kukunin daw kami ng proctor & gamble na endorsers ng bago nilang produkto. “Uling for the people” oh diba bongga?

Siguro lihim kang nagtataka na sa kabila ng labis na panlalait na bini.breakfast ko tuwing umaga nakuha ko paring tumawa. Oo naman no, magmumukmok ako ganon? Ayoko nga. Ngunit kawangis ng aking mga halakhak ay ang hinagpis sa aking mga mata. Nakakalungkot lang isipin na sa aking bayang sinilangan ay ikinakahiya ang aking itsura na animoy sakit na nakakahawa. Sa bawat lingon, ay nakatingin ang mapang.alipustang mga mata. Pero okay lang yun. I’m used to it. (wow English). Hindi na ako iiyak pa. Sino ba naman kasi ang sisisihin ko sa ganito kung itsura? Si poncio? Wag na baka busy siya.
Sabi nga ni Lady gaga; “I’m beautiful on my way coz god made no mistakes, I’m on the right track baby I was born this way” oh yeah who’s bad? (kay Michael Jackson pala yun)
Akmang-akma ang lyrico na etoh sa nararamdaman ko ngayon. Gumawa man ang diyos ng itsurang kasumpa-sumpa, pero walang dahilan para hindi ko ito ipagpapasalamat sa kanya. Napakaganda ng mundo para lang ikalungkot ko ang mukhang toh. Kailanman, ang tabas at anyo ay hindi naging basehan para tawaging maganda ang isang nilalang. Kung kasuklam-suklam ang aking ganda para sa kanila, ngumingiti lang ako, tumatayo at taas noong nagsasabing “hindi mo talaga ma.appreciate ang ganda ko, dahil pang.hollywood toh! Pak!) .
Wah ko care sa sinasabi ng iba. Dahil hindi ako nabubuhay para lang sa bulok na opinion nila. Ang mahalaga ang relasyon ko sa maykapal, ang pagmamahal ko sa aking pamilya, ang pakikipagkapwa tao at ang pagiging responsableng mamayan sa aking bansa.
Napaka.pampalakas loob para sabihin ang mga katagang ito.
Ngunit paano ang ibang mga kalahi ko na hindi namana ang kapal ng mukha ko?
Paano sila na walang lakas ng loob na lumaban at magsalita? Nais kung ituro sa kanila na tumayo sa sarili nilang mga paa, dahil walang sinuman ang magtatangol sa kanila kundi ang mismong mga sarili nila.
Bakit ba kasi sandamakmak ang mga taong walang ibang alam gawin sa buhay kundi ang manghusga. Naalala ko, pumasok ako sa isang fastfood. Kasunod ako ng isang matangkad, maganda at makinis na dalaga. Pagbukas ng pinto, “Good morning ma’am welcome po!” bati ng crew sa kanya. Pagdating sakin, “Bakit po?” sabi ng crew sakin. Akala niya siguro solicitor ako. “Kakain po ba sila?” pag.ulit niya. Ngumit lang ako, “ah hindi, siguro maglalaba ako, fastfood to diba?”

Hindi lang minsan nangyari sa akin ang ganito. “Diskriminasyon” magpahanggang libong beses ko na siguro naranasan ito. Ngunit, hindi ko kailangan ang awa nila, hindi ko kailangang patunayan na magaling din ako na maganda din ako. Isa lang naman ang munting hiling ko, “RESPETO”. Mahirap po ba ang hinihingi ko? Sadyang mahirap bang ibigay ang nais ng kalahi mo?
Hindi ko parin lubos maintindihan kung bakit napakababa ng tingin ng mga Pilipino sa aming mga baluga. Subukan mong sugatan ang makinang mong ganda, kung puting dugo ang lalabas saka ko masasabing tayo ay magkaiba. Minsan sana naisip mo rin na ang balat pinandidirihan mo ay tatak kung san ka nagmula.
Kailan tayo matutong pahalagahan ang bawat isa ng walang anumang pagtatangi sa kulay at itsura.
Kailan natin makikita ang kagandahan ng dilim? Ang kabutihan ng itim?
Pilipino ako, ipinagmamalaki ko ang kulay ng lahi ko. Ikaw? Anong halaga meron ang balat mo?
Please like my official page hit this link https://www.facebook.com/Thesteffanoperales


5 comments:

  1. Mabuhay tayong mga itim! Buwahahaha!

    ReplyDelete
  2. sad to say, discrimination rate here in the philippines is very high.. I'm also an advocate for Anti discrimination and I can say that its really difficult to educate people about it.. Good thing, anti discrimination ordinance has been signed and passed here in Cebu.. hopefully, the Congress will pass a bill for it... :)

    ReplyDelete
  3. I like this. Very simple yet it remind us to respect every human being. God created us equally and perfectly. There are people who are only looking on the outside attributes. Whatever looks we may have, the more important is our inner beauty.

    ReplyDelete
  4. I agree with anon, but let me just add this:

    no one is BETTER than anyone, we simply have DIFFERENT flavors and each person is unique in their own way. :)

    ReplyDelete
  5. super relate ako dito ...pero tama ka wala akong paki alam sa mga sasabihin ng ibang tao kasi hindi ko naman sila ikakaasenso .....ikababagsak ko pa sila and im very proud na ganito ang kula ko atlis kaya kong sabihin maputi ka lang kaya ka gumanda o gumwapo....hindi basehan ang kulay para manghusga.....dahil maputi ka nga kung ang budhi muh ay saksakan ng itim masahol ka pa samin.....itayo ang bandrea ng mga negra at negro and im proud im one of them......

    ReplyDelete