ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Saturday, November 3, 2012

Elemental Heroes: Origins - Chapter 5

HELLO EVERYONE! I'M BACK! :)

Before anything else, first, I just wanted to thank first Anonymous (kung sino ka man talaga, hehe.) and Moon Sung-min for their critics sa aking past four chapters. I will also change the names of Nadare to Vulcan and Resshin to Ryuu to grant their wish of using Anime names. Nag-research na po ako sa mga names. Explain ko na lang po kung gusto niyo. Hehe.

Second, may mga character modifications lang po akong binago sa story line. Na-change ko na po siya last month at nagsabi po ako. Hehe.

Third, kay Kuya Ken (belated belated Happy Birthday!) for having this opportunity to expose my high school dream come to life. Susuko na sana ako at first because of the critics pero you lift me up. Thank you!

And lastly, sa inyong lahat na nag-aabang sa Chapter 5 ng story ko, THANK YOU po sa paghihintay. Comments and suggestions po are welcome after you read the story. Thank you.

HERE WE GO!

----------------------------------------------------------------------------------------------


DISCLAIMER: The events depicted in this story is fictitious. Any similarity to any person living or dead is merely coincidental.

CHAPTER 5 - 'GENESIS'


VULCAN

'LOLO!' tawag ng munting prinsesa kay Master.

'RUANA APO!' giliw naman na pagsagot niya. 'Celebes, bakit kayo naparito? Hindi ba dapat nag-aaral na siya ng PYROTECHNIQUES kay Drakon?' tanong nito kay Ina, ang mahal na reyna ng Protoatlantika.

'Nagpupumilit kasi ang apo niyo na sa inyo magpaturo. Mas mabait ka raw kesa sa kapatid mo!' sagot ni Ina na may biro.

Si Ruana ay limang taong gulang ng nalaman ng Elemental Council na isa siya sa mga tinakdang Elemental Guardian ng planet Gaia. Ngayong walong taon na siya, nagsimula na siyang magsanay para sa kanyang propesiya.

Gayunpaman, ang pagiging masiyahin at pagiging bata ng aking kapatid ay nanalig kesa sa ito'y mag-seryoso sa kanyang pagsasanay. Si Lolo, ang aking master, Ryuu, ang naging gabay sa aking kapatid.

Sa ensayo...

'Ruana! Bumalik ka na sa pyro drill mo!' utos ni Lolo, ng napansin niyang naglalaro na ang apo ng kanyang manika.

'Lolo naman o! Minsan na nga lang maglaro. Saka, bakit ko pa kailangan magsanay? Para saan po? Naging prinsesa ako ng kaharian, hindi mandirigma.'

'Maiintindihan mo rin ito balang-araw apo. Bumalik ka na sa iyong pyro drill.'

Hindi nagpatalo sa pride ang munting Fire Guardian. Walang anu-ano'y nakaisip siya ng ideya para makalusot sa kanyang pagsasanay.

'Lolo, ikwento mo muli sa akin ang alamat ng Elementon. Sige na po! Nababagot na ako dito e! Sige na Lolo!' pangungulit ni Ruana kay Master Ryuu.

'Anak ng dragon! Pang-ika-dalawampung beses ko ng ikinuwento sa'yo ang alamat kagabi a. Iba na yan apo ha!' biro nito kay Ruana.

'Sige na Lolo! Bagot na bagot lang talaga ako ngayon sa pyro drill ko.' pagmamakaawa nito.

Dahil sobrang bait ni Master Ryuu sa kanyang apo, pinagbigyan na nito ang hiling. 'O s'ya, o s'ya. Sige na. Ikukuwento ko muli ang alamat ng Elementon.'

'Yehey! Salamat Lolo. Wala kang ibang katulad.'

At si Ruana ay umupo sa may paanan ni Master at makikinig.

GRAND MASTER RYUU
Ayon sa alamat, ang sagradong bato ng Elementon ay nilikha ng unang apat na Elemental Guardians, na ngayo'y kilala na natin bilang Elemental Spirits. Si Fu, isang aerokinetic archer ng Southern Acropolis; si Agnius, isang pyrokinetic wizard ng Protoatlantika; si Sui, isang hydrokinetic healer ng Electroatlantika; at si Bhumi, isang geokinetic swordsman ng Northern Acropolis: sila ang apat na bumuo ng buhay sa planetang ito.

Para panatilihin ang kapayapaan sa Gaia pagkatapos ng unang digmaan ng sinaunang Elemental Guardians, naglabas sila ng napakalakas na enerhiya galing sa kalawakan at pinag-sama-sama ang kanilang kapangyarihan na siyang mag-uugnay sa kanilang pagkakaibigan at kanilang mga pinanggalingan. At dito nabuo ang Elementon.

Itinakda ni Agnius, ang nangunguna sa mga Guardians, ang isang ritual na mangangalaga sa pinaghati-hating mga piraso ng Elementon na siyang papalit sa kanila kapag nawala na sila. Dito naman pinanganak ang paghahanap ng mga Elemental Guardians sa bawat panahon ng ating mundo.

Pero Lolo, paano ninyo nalaman na isa ako sa mga itinakda?'

Ang napipiling mga Elemental Guardian ay natatakda kapag ang buwan ay naging apat. Kapag ang sanggol ay isinilang sa pagkakataong ito, isa ka sa apat na susunod na magiging tagapagtanggol ng Elementon.  Hahanapin ka ng mga tinakdang Elemental Council ng planeta at doon, magsisimula ang iyong paglaki bilang isang ganap na Elemental Guardian...

ANA ALBAY

'Lolo...' ang nabanggit ko ng magising ako.

Hindi ko namalayan ang oras simula no'ng huli kaming nagkatapat ng motor na 'yon.

'Nasaan ako? . . . Aray!' ng napansin kong naka-benda ang aking mga sugat. Napaltan na rin ako ng damit. Nasa isang silid ako, na may terrace sa labas kita ang dagat.

Maya-maya lamang may pumasok sa aking kwarto. Isang matandang katulong na mukhang matagal ng naninilbihan sa bahay na ito.

'Aba! Gising ka na pala iha. May dala nga pala akong pagkain. Nagbabaka-sakali na gumising ka na at makakakain ka na. Kamusta na ang pakiramdam mo? Ako nga pala si Judy, ang katulong ni Sir Benjamin.'

'Nay Judy, nasan po ako? Sir Benjamin? Sino siya?' tanong ko sa mabait na matanda.

'Nasa rest house kayo ni Sir. Nakita ka niya kanina sa tabing-dagat, sugatan at walang malay. Umalis lamang siya para bumili ng mga damit mo.'

Ano na naman ba ang pinasok mong sitwasyon Ana! At sino naman itong lalaking nakahanap sa akin. Dapat maging mapagmatyag. Baka isa siya sa mga nagbabalat-kayo para hulihin ako.

BENJAMIN CASIÑO

'Sir, mga P2000 lahat po.' may pagka-flirt na pagsasabi ng kung magkano ang nabili kong mga damit.
'Here miss.'

Habang binibigay ko ang cash ko sa kanya, may isiningit siyang papel sa aking mga kamay na may nakasulat.

SIR, TAWAGAN MO AKO SA NUMBER NA 'TO. 09*********. XOXO

'Thank you Miss. How delightful you are!' At kinuha ko na ang binili kong mga damit.

'Mga babae nga naman o, gagawa at gagawa ng paraan para makama ang mga tulad ko.' pagkalabas ko ng Department Store.

Actually ang mga damit na ito ay damit pang-babae. Ibibigay ko dun sa babaeng niligtas ko kaninang hapon sa tabing-dagat.

By the way, ako nga pala si Benjamin. Benjie na lang for short. 20 years old, matangkad, maputi, built, mayaman, at higit sa lahat gwapo. Matatapos na ako ng Law this year sa isang kilalang Law school sa Manila. Nagbakasyon lang ako dito sa Lucena for a vacation. By the second week of January, babalik na ako sa amin.

Ewan ko ba kung bakit Law ang kinuha ko, sabi kasi ni Mama, mas madali ko raw maha-handle ang kompanya kapag abogado ako. Siguro para alam ko ang pasikot-sikot ng business law.

Anyways, excited kong makita ang girl na niligtas ko kaninang hapon sa tabing-dagat. Hindi ko maipaliwanag pero she reminds me of my girlfriend who had passed away five years ago.

Ganito kasi yo'n...

Papunta pa lang ako sa aming rest house when I see smoke, campfire smoke sa tabing-dagat. Napaka-itim niya na parang maraming plastic ang sinunog. Dahil curious ako sa nakita ko, gusto kong malaman kung ano 'yon. Pinarada ko ang aking sasakyan malapit do'n.

Pagkadating ko sa tabing-dagat, napansin ko ang isang babaeng walang malay at sugatan malapit sa nag-uusok pang pinagsigaan.

Tinulungan ko siya. Naluha ako ng nakita ko ang mukha niya. Kamukhang-kamukha siya ni Arianne. Dinala ko siya sa sasakyan at kumaripas na ako ng takbo sa rest house para siya'y matulungan.

Sa rest house . . .

'Yaya Judy, tulong.'

'Sus ginoo! Sino ang babaeng yan Sir Benjamin? Bakit sugatan siya?'

'Mamaya ko na lang po ikuwento lahat. Pagamot na lang po siya sa kwarto ko. Salamat po.'

ANA ALBAY

Napaka-tahimik ng aking silid. Tanging ang pag-urong sulong ng tubig sa mabatong bangin ang naririnig ko.

'Vulcan . . .' tawag ko sa aking kapatid. 'Naririnig mo ba ako?' tinatawag siya sa aking isipan.

Lumabas ako at nagtungo sa terrace ng kwarto. 'May mga dapat pa ba akong malaman bukod sa pinakita mo sa akin kanina?'

 VULCAN
 
Muli kong narinig ang tinig ng aking kapatid. Ramdam ko ay naghahanap pa siya ng informasyon, mga kasagutan sa tanong niya, kung ano pa ang dapat pa niyang malaman sa nakaraan.

Walang anu-ano'y nagpakita ako kay Ruana. Pinalibutan ko siya. Nag-ilaw ang kanyang mga mata at dito pinakita ko sa kanya kung ano ang dapat niyang gampanan sa digmaang naiwan namin limang taon ang nakalilipas.
---------------------------------------------------------------------------------------------
Ang Gaia ay tulad din ng Earth, may buhay na masayang pinaghahatian ng mga nakatira dito. Ang sagradong bato ng Elementon ang nagsisilbing life source nito. Sa bawat paglipas ng panahon, ito ay lumalakas dahil sa pangangalaga ng mga Elemental Guardians, ang mga tagapagtanggol ng mga bato.

Ang Elementon ay nahahati sa apat: ang Aeron, hangin; ang Hydron, tubig; Pyron, apoy; at ang Terron, lupa. Ayon sa alamat, ang apat na representasyon ng Elementon ay nakadestino sa apat na sulok ng Gaia.

Ang Aeron ay nasa Southern Acropolis kung saan lahat ng aero-type Gaians ay nakatira dito. Ang Hydron naman ay nasa pagitan ng Limnoatlantika at Electroatlantika, where all hydro-type Gaians reside. Ang Pyron ay situated sa pagitan ng Protoatlantika at Neutroatlantika, where all pyro-type and gifted Gaians live in harmony. And lastly, ang Terron, ay nasa puso ng Northern Acropolis, kung saan nakatira ang malalakas na geo-type na Gaians.

Naging magulo lang naman ang lahat ng ang Chaos Empire ay pumasok at lumusob sa ating planeta. Pinamunuan siya ni Prinsipe Darken, anak ng may sakit na si King Villion ng Anur Transyl. Gusto niyang kunin ang apat na piraso para ang ama ay lumakas at gumaling sa kanyang sakit.

Kapag nakuha ang Elementon sa maling mga kamay, magugunaw ang Gaia at ang cycle ng Elemental Guardians might not to exist.

BENJAMIN CASIÑO

'Sir Benjamin, mabuti't dumating na kayo. Gising na po pala ang inyong niligtas na prinsesa sa taas.' biro ni Yaya Judy.

'Yaya Judy talaga o! Meet ko lang siya upstairs. Paghanda mo kami ng masarap mong ulam. Thank you.' excited na pagsagot ko sa kanya habang papaakyat ako sa taas.

Paglapit ko sa pintuan ng aking kwarto kung saan narito ang babaeng bumalik ng pag-asa sa aking makita kong muli ang aking minamahal, may kaba akong nararamdaman sa aking puso. Ewan ko ba kung bakit ganito pero I forgotten na may girlfriend akong iniwan sa Manila, si Isabel.

'Kaya mo 'to Benjamin Casiño! Ikaw pa! Sa gwapo mong ito, baka hindi siya makapag-salita.' sa isip ko.

Pagkabukas ko ng pinto sa silid, nagulat na lang ako na siya ay kinakain ng apoy. Nakalutang siya, parang napo-possessed.

Nakatayo lamang ako no'n at hindi makakibo.

ANA ALBAY

Nakabalik na ako sa plane of existence. Nang makatalikod ako, may tao palang nakakita sa akin. Isang lalaki, gulat na gulat sa nasaksihan niya.

Paano ko maipapaliwanag sa lalaking ito ang nangyari ngayon? Nagha-hallucinate siya? Hindi ito maniniwala.

'Kanina ka pa ba dyan?'

Hindi siya sumasagot sa akin.

'Ruana . . .' tinig ni Vulcan. 'Umalis ka na dito. Delikado kung may makakaalam ng iyong pagkatao.' pag-aalala sa akin ni Vulcan via astral plane.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Walang anu-ano'y, tumalon ako sa terrace.

Nagising ang diwa ng nakatayong lalaki, at tangkang sasambutin ako. 'Teka! Sandali! Itigil mo yan!'

'AAAHHHHHH! VULCAN! TULUNGAN MO AKO!' paghingi ko ng saklolo sa aking kapatid.



To be continued . . .



4 comments:

  1. ang ikli..nothing exciting yet..can't quite understand the story flow yet..suggestion, di masyadong maganda yung palipat lipat ng pov..specially in this kind of story..this is not a play after all, it does not have scripts..the protagonist is story-telling..i think it only causes confusion..but i think i kinda understand why it is like that..maybe, just maybe, you are thinking of what is happening in the story rather than what is happening to the protagonist..and maybe one of the reason why it is also like this is because you are a guy and ruana is a girl, and you are having a hard time deciphering those emotions of a girl..well it's just insights..i still find your story interesting..so wag ka sana mawawalan ng gana magsulat..and if i'm right, ryu is japanese name for dragon..

    ReplyDelete
  2. nice....sana makapagupdate agad.....

    ReplyDelete
  3. Hehe! TAMA po. Ryuu is a Japanese term for a fire dragon.
    Thank you po for your comment. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. walang anuman. hope you don't take my comments negatively.

      Delete