Author's Note:
Thank you po sa mga nagbasa at nag-iwan ng kwento!!
-Chris Li
Strange Love 06
---Jaime
Kanina
pa ako hindi mapakali at gustong-gusto ko na umuwi sa bahay nila Mikael. Baka
nag-aalala na sila ni Tita Jean dahil wala pa rin ako at dis oras na ng gabi.
But, I could not resist the person who called my name kanina sa school. When I
saw him, all of my worries were all gone. Siya ang sagot sa lahat ng aking
iniisip kanina at alam ko he will not let me down.
I
can't help myself but to continuosly fidget inside the car. Kung may feature
lang sana ang mga kotse na tumatagos sa kahit anong bagay ay hindi ko na
kailangan pang maghintay sa gitna ng kumpulan ng mga kotse. There has been a
pile up dahil sa nagbanggaang truck at van at there's no other way para
makaalis dahil wala nang ibang ruta. Naaawa man ako sa mga biktima ng aksidente
ay hindi ko pa rin mapigilang mainis.
"Apo, I can't
help but notice na hindi ka mapakali kanina pa. Ano bang problema?" It was
my lolo who broke the silence.
Lolo
Anthony found me while he was about to leave the school pagkatapos ng meeting nila
ng board. Malapit na kasi ang anniversary ng school kaya daw nagpunta siya rito
para asikasuhin na ang mga activities. He is the reason kung bakit hindi ako
napapahamak sa tuwing may ginagawa akong kalokohan. As the owner of the school
hindi rin naman niya tino-tolerate ang maling behavior ko pero matigas talaga
ang ulo ko. I am a dirt in his name but he never showed me that he detests me,
instead hindi siya nagsasawa na payuhan ako.
"Nag-aalala kasi
ako Lolo, doon sa pamilyang kumupkop sa akin. Malamang po hinahanap na ko ng
kaibigan kong yun", malungkot kong tugon kay Lolo.
"Ah… Kaya ba ayaw
mo rin sa akin muna tumuloy habang hindi pa naaayos ang tampuhan niyong
mag-anak ay dahil dito sa pamilyang nagpatuloy sayo?"
"Lo, hindi lang
naman tampuhan ang meron samin ng magulang ko eh. Tama po kayo na sila ang
dahilan kung bakit hindi ko magawang pumayag na tumira sa inyo. Lalong-lalo na
hindi nila alam kung nasaan ako ngayon. Malamang galit na yun si Mikael sa
akin, Lolo. I should have left a note bago ako umalis pero hindi ko naman kasi
inaasahan ito eh.", mahabang paliwanag ko at nagbuntong hininga.
"Mukhang mahalaga
sa iyo itong kaibigan mong si Mikael ha. Napansin ko kasi hijo, na palagi mo
siyang bukang-bibig kanina pa. ’Bagay ito kay Mikael' … ’Paborito ito ni
Mikael' … ’Sana nandito…."
" Si lolo talaga,
syempre kaibigan ko yun eh at isa siya sa mga taong nagpabago sa akin. Alam
niyo naman po diba na I'm always seeking for affection kasi nakukulangan ako sa
binibigay ng parents ko sa akin. My friends showed that to me, especially
Mikael."
"Kaibigan lang ba
talaga apo? Hahahaha!! Biro lang, ayan sa wakas makakadaan na tayo. Don't worry
Jaime, I'll explain everything to your friend."
Sa
hindi malamang dahilan, wala akong naisagot kay Lolo. Namula pa nga ata ako
nung nag-simula siyang tumawa. Matapos naming malagpasan ang bottleneck ay
tuloy-tuloy na rin ang naging byahe. Puno ng kaba ang aking dibdib dahil na rin
sa pag-aalala kung ano bang sasabihin sa akin ni Mikael. Isa pa ay sabik na
sabik na rin akong makita siya. Marahil kasi inisip ko na pagkatapos ng klase
niya ay marami kaming oras na makakapag-kulitan pero naiba ang sitwasyon.
It
was already past midnight noong nakarating kami ni Lolo sa tapat ng bahay nang
aking kaibigan. Pabilis nang pabilis ang pintig ng puso ko mula sa pagbaba ko
sa kotse. Kasunod ko sa aking likuran si Lolo dahil tinulungan niya akong
bitbitin ang mga pinamili namin.
Tok!Tok!Tok!
Nagulat
ako sa ginawa ni Lolo, dapat ay bubuksan ko na ang pinto gamit ang spare key nila
Mikael sa bahay.
"It's proper this
way, kesa bigla na lang tayo papasok at manggigising ng tao.",
pagpapaliwanag niya sa akin.
"Sino
yan??", pagtawag ni Tita Jean sa kabilang pinto.
"Tita… Si Jaime
po ito…", mahinang tugon ko sa kanya.
"Naku, ikaw na
bata ka! Saan ka ba nagsusuot??", mabilis niyang tanong habang binubuksan
ang pinto.
"Magandang umaga
ho, pasensya na kayo at nahuli nang uwi itong aking apo. May konting aberya
kanina noong pauwi na kami." Si lolo ang unang sumagot sa ina ni Mikael.
Kitang-kita
sa mukha ni Tita Jean ang konting pagka-gulat. Siguro dahil hindi niya expected
na may kasama ako.
"Tita Jean, si
Lolo Anthony po. Sorry po at hindi ako nakapag-paalam. Dapat po talaga ay
sasabayan kong umuwi si Mikael kanina dahil nabagot ako at mag-isa lang po ako.
Nakita po ako ni Lolo sa labas kaya naman…"
"Tsaka na natin
pag-usapan yan Jaime. Papasukin mo ang Lolo Anthony mo at nang makapag-kape
muna. Pagpasensyahan niyo na ho itong bahay namin Ginoo.", pagputol sa
akin ni Tita Jean.
"Maraming salamat
nalang ho, sa susunod na lang tayo mag-kape at kailangan ko na rin umuwi. Kayo
na po sana ang bahala dito sa apo ko. Ako na po ang bahala sa lahat ng gastusin
niya. Maraming salamat sa pagpapa-tuloy niyo sa aking apo. Ayaw naman kasi niya
sa akin na tumira at mukhang mas gusto sa inyo. Kayo na lang din ho muna
magpasensya sa kapilyuhan ng batang ito.", buong giliw at ngiting tugon ni
Lolo kay Tita Jean.
"Wala ho yun, sa
totoo lang natutuwa ako at narito ang anak niyo dahil dadalawa lang kami ng
anak ko dito. Parang anak na rin ang turing ko sa mga kaibigan ni Mikael kaya
wag po kayo mag-alala.", magalang na pagsisiguro ni Tita Jean sa aking
lolo.
"Mabuti naman
kung gayon. Sige ho mauuna na ako. Apo, pakabait ka, ok?"
"Sure thing Lo!
Ingat po sa pag-mamaneho."
Hinatid
ko nang tingin ang kotseng minamaneho ng lolo ko bago ako pumasok ulit. Ramdam
ko pa rin ang hiya kay Tita Jean nung pumasok ako.
"Sorry po talaga…",
nakayuko kong sambit.
"Jaime… ok na yun
sa akin. Ang mahalaga eh narito ka na. Huwag ka na mag-alala ha? Mag-pahinga ka
na…"
"Opo, si Mikael
po??", alangang tanong ko sa kanya.
"Nasa kusina,
doon na naka-tulog dahil hinihintay ka kanina pa. Matutulog na ko ha. Ikaw na
bahalang mag-palipat kay JM sa kwarto niyo.", sabay haplos sa pisngi ko at
bahagyang pinisil.
Sobrang
guilt ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon, lalong lalo na malaman kong sa
kusina na naka-tulog si Mikael. Dahan-dahan akong nag-lakad papunta sa lamesa
at tinignan ang aking kaibigan. Marahan ko itong ginising, medyo takot din sa
sasabihin nito at kung galit ba ito sa akin.
"Bunso… gising
na. Nandito na ako oh, doon na tayo mag-pahinga sa kwarto mo…", malumanay
kong isinatinig sa natutulog na si Mikael. Ilang yugyog pa sa balikat nito at
nagsimula na itong magising.
Tinignan
niya ako, halo-halong emosyon ang nakita ko sa kanyang mga mata nung tinignan
niya ako. Wala akong mahanap na salita para sabihin sa kanya, para akong
nawalan ng kakayahang magsalita sa mga tingin niyang iyon. Mga tingin na
nagtatanong, na may galit at lungkot, na tumatagos sa kaluluwa ko. Hiyang-hiya
ako kay Mikael at alam ko ang pagkakamali ko, gusto kong lamunin na ako ng lupa
dahil sa nagawa kong ikina-dismaya niya.
Siya
na ang kumalas sa pagkaka-titig at tumayo.
"Kumain ka na Kuya?
Ipinagtabi ka namin ni Inay nang niluto ni Jun kanina.", matabang nitong
salita.
"B-busog na ako
Bunso… T-tara na sa kwarto para makapag-pahinga ka na.", utal-utal at
mahina kong naisagot sa kanya.
"Ikaw bahala.
Sige mauna nako sayo."
Hindi
katulad kanina, ni hindi na niya ako tinignan o nilingon man lang. Naiwan ako
sa kusina na nakatulala at walang magawa. Ang tagal kong nakatayo kung saan ako
iniwan ni Mikael. The blame is on me… kahit pa sabihin kong wala akong
cellphone para makapag-text man lang. Sa mga tingin na yun sa akin ni Mikael,
naramdaman kong lame lahat ng explanation ko sa nangyari.
Sa
hiya hindi ko na nagawang pang sumunod sa kwarto niya. Itinabi ko sa isang
sulok ang mga pinamili namin ni Lolo Anthony at nagbihis. Humiga ako sa sofa
nila pero hindi kaagad nakatulog.
" You've messed
up, Jaime…", bulong ko sa aking sarili.
Pilit
kong iniisip ang paraan para makabawi kay Mikael. Kung paano ako magpapaliwanag…
kung hahayaan niya sana akong gawin iyon. Paulit-ulit na sumisiksik sa isipan
ko ang mga tingin niya sa akin. Ang laki ba ng kasalanan ko at ganoon na lang
epekto sa kanya?
Isip
nang isip pero wala naman nabuong plano.Sumuko na lang din ako sa paghahanap ng
pwedeng gawin at pumikit na lang.
Bahala na lang…
Lumipas
ang ilang linggo ngunit wala pa rin kaming imikan ni Mikael.Kapag nasa bahay
bihira itong lumabas ng kwarto at kadalasan kapag pareho kaming walang pasok ay
lalabas ito at gabi na babalik. Nagpatuloy ang pagtulog ko sa sofa nila at
kahit si Tita Jean ay nagaalala na pero piniling wag na lang makialam. Siguro
alam niyang lilipas din ang tampuhang ito pero para sa akin the more na
tumatagal mas lalo akong nalulungkot. Hindi ko akalain na ganito siya katindi
magtampo.
Kahit
sa school ay walang pinagkaiba. Tanging si Jun lang at ang iba naming mga
kaklase ang kinakausap niya. Hindi naman masasabing ini-ignore niya ako dahil
wala din naman akong ginagawang way para makapag-usap kami. Minsan nga naiirita
na din ako sa nangyayari. Hindi ako marunong manuyo ng tao.
Isang
linggo bago mag-semestral break ay kinausap ako ni Tita Jean. Nagpaalam itong
uuwi sa kanilang probinsya. Baka raw abutin siya ng ilang araw doon kaya
ibinilin na niya sa akin ang bahay at ang pagtingin sa kanyang anak.
"Jaime,
ikaw na bahala dito ha? Nasabihan ko na din naman si JM tungkol sa pag-alis ko.
Kailangan ko kasi talagang tulungan yung kapatid ko sa pag-aasikaso ng kanyang
kasal."
"Opo,
ingat po kayo Tita", matipid kong sagot.
"At…
ayusin niyo na sana ng anak ko yung tampuhan niyo. Masyadong matagal na yan.
Malalaki na kayo, kaya walang dahilan para pairalin niyo pagiging immature
ninyo. Kung Pride ang paiiralin niyo malamang matapos na nga ang pagka-kaibigan
niyo. Gusto mo ba yun?"
"Hindi
po.Pero kasi Tita…"
"Wala
ng pero-pero,Jaime. Siya aalis na ako, sabihin mo na lang kay JM pagkauwi.
Mag-iingat kayo dito. Mga bilin ko ha? Wag kalimutan!", seryosong
pagpapa-alaala sa akin.
Naiwan
na nga ako sa bahay na naka-tanga sa pintuan at maghihintay sa taong ni hindi
man lang ako kinakausap na para bang napakalaking kasalanang nagawa ko. Alam ko
naman may mali ako pero nakakainis na ang nangyayari para nga patagalin pa ng
ganito.
Sa
inis at init ng ulo ko ay itinulog ko na lang ang lahat habang hinihintay ko
siya. Mamaya na lang ako mag-luluto pagdating niya para malaman ko kung ano
gusto niyang kainin. Pumunta ako sa kanyang kwarto at humiga sa kanyang kama.
Sa totoo lang kaya naman talaga ako naiinis dahil sa miss na miss ko na siya.
Sa ilang linggo na hindi niya ako kinakausap pero sa ibang tao ay malaya siyang
nakikipag biruan at tawanan ay talaga namang nakakapagpa-selos sa akin.
Naiinggit ako sa kanila kasi nakakakuha sila ng ngiti mula kay Mikael pero sa
akin ni sulyap man lang o kahit ano, WALA.
Noong
una ayoko pa aminin sa sarili ko na naiinggit ako at nagseselos lalo na kay
Jun. Alam ko walang ginagawang masama si Jun kay Mikael pero since mas close
sila ngayon kesa sa akin para bang kinurot ang puso ko na hindi ako kabilang sa
nakakapagpasaya kay Mikael. Na akong "Kuya" niya mismo ay hindi
makuhang kausapin siya ng malaya tulad dati.
"Ano
ba kasing problema bunso? Ganun ba kalaki yung ginawa ko at ganito na tayo
ngayon?", parang tanga lang na kinausap ang unan ni Mikael. Pathetic
Ipinikit
ko na lang ang aking mga mata at niyapos ang unan ni Mikael at pina-anod na
lang ang diwa ko kung saan para maka-tulog.
---Mikael
Ngayon
na nga pala ang alis ni Inay, hindi na ko sumama kasi meron pa akong pasok at
ang sem break ay sa susunod na linggo pa. This also means that I'd be spending
the break with Jaime at home. Wala naman maganda doon dahil para kaming
estranghero sa isa't isa ngayon. Naghintay ako na magsalita siya at kausapin
ako but it didn't came. Kaya naman hindi rin ako nag aksaya ng panahon at
gumawa ng paraan para maayos itong tampuhan na ito.
Alam ko naman na
kaibigan lang ako ngunit kargo namin siya kaya ganun na lang ang pag-aalala ko
sa kanya.
Malapit nang matapos
ang klase ko para sa araw na ito pero ayoko pqng umuwi dahil na din sa kanya.
Uuwi ka nga sa bahay na parang ikaw lang ang tao, mas lalo lang ako maiinis.
Ngayon nakikita ko na kung gaano siya ka-selfish at hindi ko hahayaan at
ibibigay sa kanya ang satisfaction nang pagiging brat.
" Junjun! May
lakad ka ngayon? Sama naman ako, wala naman ako gagawin sa bahay eh.",
pag-aaya ko kay Jun habang nagliligpit ito ng mga libro nya. Tinignan niya ako
ng may pagtataka at akmang may sasabihin pero tumigil ito bago tuluyan nagsabi.
"Wala akong lakad
pre pero sige saan ba tayo pupunta?",pagsasalita nito habang nakatingin sa
mga gamit niya kanina pa niya pilit inaayos pero hindi niya maipag kasya sa
kanyang bag.
Tumayo ako at
nilapitan ang kaibigan kong napapakamot na ng ulo sa magulo niyang gamit.
"Ako na nga
mag-aayos nyan! Tabi nga! Ang laki ng problema mo eh no?"
"Hehehe! Ang
yabang mo ah! Tignan nga natin ang galing mo."
Kinuha ko lahat ng
gamit nya sa armchair at saka ito ipinasok sa bag niya. Napatanga si Jun sa
ginawa ko at hindi ko na hinintay pang mag-react ito at patakbong lumabas sa
room. Ang bagal kasi niya eh. Naiinip na ako at gusto kong mag-enjoy bago
umuwi.
"HOY KUMAAAG!
Saan ka ba pupunta, langya ka ang mga gamit ko kawawa naman!", pahangos na
paghabol sa akin ni Jun.
"Hahahaha!! Doon
ko na ito aayusin kapag na kay Buknoy na tayo. Let's have a joyride, Jun!"
"ADIK! Sagot mo
ang gas ni Buknoy!"
"Ayaw ko nga.
Wala ako pera, aayusin ko na nga gamit mo eh. Mahirap kaya gawin yun!"
Sa puntong ito ay
pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante dahil para kaming bata na
nagtatakbuhan sa corridor. Naguunahan pa kaming bumaba ng hagdan na parang mga
tanga. May ibang nakikitawa sa kalokohan namin meron din ibang maarte kung
tumili pag nabangga namin ni Jun.
Ngayon lang ulit ako
nakapag-kulit ng ganito. Hanggang sa school ground ay naghihilahan kami sa
gamit nya kaya yung iba niyang papers ay nagsisiliparan na. Syempre ako,
nagpaka-pilyo at hinayaan ko sya ang magpulot ng mga nahulog niyang gamit.
HAHAHA! evil!
Napatigil na lang ako
sa kakatawa at pagtakbo noong matisod ako sa ugat ng isang puno. Buti na lang
wala pa si Jun kundi malamang eh ang lakas ng tawa ng mokong na iyon. Tinignan
ko ang puno na dahilan ng aking pagka-tisod. Dito pala ako dinala ng
pagkakataon habang ako ay tumatakbo.
Sa Tree House.
……Itutuloy
wow sulit yung pag hi hintay q! galing.... sana mabilis lang yung pag post ng nxt chap pls???!!!
ReplyDeletetnx author....
hay tampuhan...
ReplyDeletesana mag peace na sila...kaso ang ending pala hindi rin sila :(..
tnx po mr. author...
wat do u mean na di cla mag kaka 2loyan?
Deletealam mo na ba buong kwento?
sad nman pala...haiz!
Hey guys! Hindi pa po ito tapos :)
Deletemaraming salamat po sa pagsubaybay. Nakakatuwa po talaga!
Hey guys! Hindi pa po ito tapos :)
Deletemaraming salamat po sa pagsubaybay. Nakakatuwa po talaga!
Inaabangan ko talaga to :) ang ganda
ReplyDeleteTHUMBS UP CHRIS!
pambhirang tree house yan nabitin ako!hahaha!!
ReplyDeletesana wag abutin ng new year pag update mo!!hahaha!!peace!
nakakaloka yung tikisan ng dalawang to..well exciting na..
update!update!update!! :D
pambihirang tree house yan nabitin ako!!hahaha!!
ReplyDeletesana naman di abutin ng new year ang pag update mo Li!haha!peace bro!
nakakaloka yung tikisan ng dalawa..well exciting na to..sinu kaya bibigay??
update!update!update!! :D
super hooked to this one...
ReplyDeletenice intro and can't wait to know more about Zach... hahahaha
God bless.. -- Roan ^^,
MUCH EXCITED FOR THE NEXT CHAPTER... PLS UPDATE ASAP! I cant wait...
ReplyDeletetnx chris!
WOW!!! exciting ang susunod na story!! :D can't wait to read it :D
ReplyDeleteC fafa zach ko chrissyyy??? :(((
ReplyDeleteTagal naman. BadtRip. Arte2 neto ni JM mana sa author na nagmana din sakin. Hahahaha
Che