ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Monday, November 12, 2012

Ang Mang-Aagaw 18




There was an awkward silence. Hindi nila alam kung sino ang mauunang magsalita. With Kenji's face painted in deep rep, Jhaspher could easily tell that he was surprised with what he heard. Hindi maipaliwanag ni Jhaspher ang sarili. Para bang ang dali sa kanyang sabihin ang lahat ng yon, kung tutuusin ay wala pa silang ilang buwan na magkasama pero tila ba ay napakagaan na ng pakiramdam nya. Hindi nya rin masabi kung bakit parang napakalakas ng atraksyon na kay Kenji, ito kaya ang patunay na isa syang beki bago pa man mawala ang kanyang ala-ala? Bigla nalang syang napangiti nang pumasok sa kanyang kukote ang hinuhang ito:

Kapag ang bakla ba nagkaamnesia, bakla pa rin?Muli syang napatulala kay Kenji.

So-sorry,” nauutal nyang sabi.

So-sorry saan?”

Sa na-nasabi ko,” at bigla syang napayuko.

Kenji finally got to his feet again. He was like a curious kid rooting for all explanations Jhaspher has to give him. Does the latter really have to explain himself? Or he just wants to be sure to avoid assuming?

A-anong ibig mong sabihin sa nasabi mo na..”

Na?” pagputol ni Jhaspher.

Their eyes met. Kenji wants to faint. Ang lamig ng bahay nya pero nagpapawis sya sa init, pakiramdam nya'y umiiyak na ang kanyang kilikili.

Na gu-gusto mong..,” nanginginig nitong sabi.

Inaalagan kita?” Dugtong ni Jhaspher.

O-oo,” sagot nya sabay tanong.

Tumahimik si Jhaspher.

Yes. Hindi ko alam kung sino ako or ano ako in the past maliban sa mga sinabi mong nagtatrabaho ako sa LVC at ang pangalan ko ay Jhaspher. Pero alam ko, sa ilang buwan na pamalalagi ko sa bahay mo, na masaya ako. Masaya ako sa mga simpleng bagay na ginagawa mo at sa mga nagagawa ko para sayo,” mahinang sabi ni Jhaspher.

Ba-bakit ka masaya?”

Kenji fished for more. Hindi nya alam pero parang lullaby na nagduduyan sa kanya para managinip ang mga salitang iyon ni Jhaspher. Kenji was panting. Jhaspher was also flushing in deep red despite his sexy chocolate complexion.

Da-dahil gu-gusto kita kasama,” nahihiyang sabi nito.

Ba-bakit mo ko gusto kasama?”

Hi-hindi ko rin alam,”

Kenji let a sigh. He was then again, panting.

Dahil mabait ka. Dahil inaalagaan mo ako. Dahil nandyan ka lang para sa akin,” dagdag ni Jhaspher.

Dahil lang ba don?” tanong ni Kenji

A-ano bang gusto mong marinig?” tanong ni Jhaspher.

Kenji spoke no more. He was then staring at Jhaspher's eyes.

“No-nothing,” sagot ni Kenji.

Jhaspher smiled.

“Oo,” sagot nito.

Nabalot ng pagtataka si Kenji sa OO na iyon ni Jhaspher. He doesn't know what he means. He frowned.

“Oo, nandito ako kasi gusto kita kasama. At gu-gusto kita,” Jhaspher then fainted in deep red.

Kenji couldn't help but to flash a smile. Seconds after, they found themselves kissing.

Huminto sila at nagtitigan. Naglock ang kanilang mga kamay. Ramdam nila sa kanilang mga sarili ang malakas na pagpintig ng kanilang mga puso.

“It feels so good,” sabi ni Kenji.

Tumango si Jhaspher. “Does that mean gusto mo rin ako?”

“From the start,” tugon ni Kenji.

They both grinned. Alam nila na sobrang kilig ang kanilang nararamdaman.

“I'm thinking what I have to be here and deserve you,” Jhaspher replied while having his hand brushing Kenji's hair.

“What you deserve? Everyone deserves to be happy. Yun ang alam ko. Maybe, you deserve this time, I mean we deserve to be happy this time,” naiiyak na sabi ni Kenji.

They kissed again. Tumayo sila at magkahawak kamay na tinungo ang kwarto. Mabilis nilang itong isinara. Kenji grabbed Jhaspher and kissed him torribly. They could feel each other. Ramdam nila ang kanilang mga laway na napapasa sa isa't-isa. They felt passion. They were burning. Jhaspher instantly grabbed Kenji's arms and pushed him to the door.

“Hindi ko alam, Bem. Basta ang alam ko, this feels to good to stop. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong ibigay, just hold me at makikita natin kung hanggang saan tayo aabot. Basta ang alam ko lang gusto kitang makasama. Ngayon, hanggang sa pagtanda,” pabulong na sabi ni Jhaspher.

Tumulo ang kanilang mga luha. Muling nagtama ang kanilang mga labi.

“Gustong-gusto kong hinahawakan mo ako. I feel like a woman. Hindi ko alam. Just keep on holding me, and never let me go,” malanding sabi ni Kenji.

Mabilis na inangat ni Jhaspher ang mga kamay ni Kenji at matagumpay nyang naalis ang damit nito. He's on working on his pants. Hindi sya huminto hanggang sa malaglag lahat ng tela sa katawan nito.

“I won't let this go,” at nagtama ang kanilang mga labi.






Kalbo! May bisita ka!” sigaw ng warden.

Mabilis syang lumabas at nakita si Aldrin na nakaupo sa visitor's area.

“Sir Charles..”

“A-Aldrin.”

Aldrin eyed his former boss. Kita ang pagpayat nito. Hindi nya alam kung bakit pero hinuha nya na maaring dala lang ito ng stress.

“Ka-kamusta ka po, Sir?”

“Bu-buti naman nadalaw ka, eto hindi ako okay. Ang pamilya ko hindi pa nakakarating. Ilang linggo na rin ako rito,” nangingiyak na sagot nito.

Nakaramdam si Aldrin ng guilt.

“A-ano po bang nangyari Sir? Nagulat nalang ako nang malaman ko na nandito kayo. At sa akin na po nila ibinigay ang pagmamanage ng restaurant. Ang bilis po ng mga pangyayari,” sagot nito.

Napabuntong hininga si Charles.

“Hindi ko rin alam pero pauwi ako, may pulis na humarang sa akin at puno na ng shabu ang bag ko. Malinaw to, naset-up ako. Kailangan ko ng tulong,” may pagmamakaawa sa kanyang tono.


“A-anong tulong po?”

“Yung CCTV. Narecord ng CCTV lahat. So ibig sabihin lahat ng pumasok sa locker natin ay kita. Makikita don kung sino ang naglagay ng shabu at nagset-up sa akin. Tulungan mo ako Aldrin, kailangan kong makalaya.

Nagitla si Aldrin sa narinig. Kung sakaling makuha ang CCTV ay lalabas na sya nga ang naglagay ng shabu sa bag ni Charles. Tiyak na malilintikan sya. Mabilis na gumana ang kanyang utak. Hindi sya nagpahalata.

“Yun nga po ang problema, Sir. Ang totoo po ay hinanap ko ang CD. Pero sa hindi malamang dahilan ay wala po ang CD para sa araw na yon,” pagsisinungaling ni Aldrin.

Napapalatak nalang si Charles.

“So set-up talaga. Hindi ko na alam ang gagawin ko.”

Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na rin si Aldrin. Kailangan nyang makuha ang CD para hindi masira ang kanyang ginawa.

Mabilis nyang kinuha ang kanyang cellphone. He instantly called someone.

“Hello?”

“Hello, si Aldrin po to. Nakalimutan ko pong sabihin na may CCTV sa locker.”

“Putangina naman. Ang tanga mo. Sana una palang sinabi mo agad para di na umabot sa ganito!”

Napalunok si Aldrin.

“Ms.Dalisay, gagawan ko po ng paraan,”

“Dapat lang Aldrin. Kung di mo aayusin yan at magkaroon ng bistuhan, sinisiguro ko sayong wala kang tulong na makukuha sa amin ni Philip,” may pagbabanta sa boses nito.

“O-opo. Ga-gawan ko po ng paraan,” namuo ang pawis sa kanyang ulo.

Muli syang napalunok.




You have to do this for the family, Roj.”

“Dad! I won't,” pagmamatigas nito.

“Anak, you have to do this. Alam mo ang stocks ng kumpanya.”

“Ano ako? Alahas? Na isasangla nyo para lang kumita? Para lang magkapera?”

“Think of the long term benefits na magagawa nito para sa atin, isipin mo kami ng Mama mo, Roj. Wag matigas ang ulo!” nagsisimula ng magalit ang kanyang ama.

“How about me? Paano naman ako sa bargain na yan? Kayo ang magbebenefit tapos ako ang kawawa?”

“It's about time you get married anak. Di ka rin bata. And Adia is a very beautiful lady,” pagkumbinsi sa kanya ng kanyang ina.

“I won't. Hindi ako business. Anak nyo ako. Tao ako! Kaya wag na wag nyong sabihin sa akin kung paano ko papatakbuhin ang buhay ko!”

Mabilis na tumayo si Roj sa kanyang kinauupuan.

“Wala kang kwentang anak!”

Nagpantig ang tenga nya sa narinig.

“Mas wala kang kwentang ama!”

Mabilis na nadampot ng kanyang ama ang baso at inihagis sa kanya. Mabuti nalang at may taglay syang liksi kaya nakaiwas ito.

“Wala kang kwentang ama! Puro pangsariling sarap lang ang nasa utak mo! Hindi nyo iniisip kung sasaya ba ako sa kasal na yan!”

Mabilis syang umakyat ng kwarto.

“Sa ayaw at sa gusto mo! Ikakasal ka kay Adia sa mas madaling panahon!”

He slammed the door.

He tried to call Philip, but the latter didn't answer. Patuloy nalang syang umiyak.

Itutuloy...



















5 comments:

  1. OMG! OMG!! Odiba kinilig si ako talaga.. Hahahaha..

    OMG! Aldrin! Get that CD! Hahaha. lagot ka kay Mama D.

    And Roj, wag ka pakakasal ha.. please?

    ReplyDelete
  2. si ken sa kwebto tlgang my feel like a woman pa ha..hahaha...naku mukhang mabibisto pa sila aldrin

    ReplyDelete
  3. Hm. Bet ko yung "Pag ba ang bakla nagka-amnesia, bakla pa rin? Hahaha. Alam na! May gamot pa pla. Lol.

    Tunay ngang npkalandi ni kenji. Charot!.

    Yieh. I want more. Next please. :D

    ReplyDelete
  4. OMG! kailangan sirain ang ibidensya kung di yari na hahah.. XD

    i like the love scene hahha.. kinilig ako dun huh :)

    kudos ke pareng ROVI :)

    ReplyDelete
  5. natuwa ako sa mga characters dito :D

    Kenj, kelan mo tatapusin ang MNB 4? di ko sisimulan gat di natatapos para di bitin. hehe

    ReplyDelete