ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Saturday, November 10, 2012

Way Back Into Love (A Prologue)







Way Back Into Love





A Prologue



By: Rogue Mercado

Site:  www.roguemercado.blogspot.com



Author's Note: Hi! Rogue Mercado po. Newest resident author ng dark_ken. Una gusto kong magpasalamat kay dark_ken for letting me post way back into love here and second gusto ko pong humingi ng paumanhin sa mga technical errors na makikita niyo sa kwento. And lastly, bale 4 postings lang po ang 30 chapters ng kwentong ito, so i hope you enjoy :)


Criticisms are welcome :)







*****



"Ang ganda naman niyang tinutugtog mo." sabat niya sa lalaking nakasuot ng puti habang tumutugtog ito ng piano.



Umanagat ang ulo ng lalaking kanyang tinutukoy. And the guy flashed his killer smile. Yung tipong lahat ng babae o pusong babae na makakakita noon eh panghihinaan ng tuhod at kakabog ang dibdib. Sa tantiya niya ay nasa gulang 25 ito. Ang kabataan at kakisigan nito ay hindi maitatago sa kung anong kundisyon meron ang lalaking kaharap niya.



After that smile was a sudden shift of mood. Hindi na ulit ito nagsalita ngunit mababakas mo sa mga mata nito ang kalungkutang pumuno sa malamlam nitong mata. Humakbang siya papalapit dito para mas mapagmasdan pa ang mukha nito. Nakatitig lang ito sa kanya. When he first me the guy eh talagang natakot siya. There is something on the way he looks, the way he stared to be exact. Para siyang may hinahanap sa katauhan ko na matagal na niyang pinananabikan. But now, everytime he does that is something ordinary. Sa di niya malamang dahilan ay gusto niyang magpaubaya. Ito ay sapagkat sa bawat araw na magkakasama sila ay napagdudugtong niya ang kwentong kahit sino ay hindi maniniwala.


Nagsimula ito sa simpleng pagbanggit niya ng Eyeliner. Hanggang sa tinawag siyang "Moks". Hanggang sa iisang salita ay unti-unti nagkakaroon ng kahulugan, sa bawat salitang nabubuong pangungusap at sa bawat pangungusap na bumubuo ng isang kwento. At ayaw niya mang magkaroon ng interes ay nakita na lang niya ang sarili niya na matamang nakikinig sa bawat sasabihin ng misteryosong lalaki. Sa bawat putol-putol at palasak na mga pangungusap nito. At ayaw niya mang aminin ngunit gusto niyang makinig. Dahil naniniwala siya sa kuwento nito. Naniniwala siya sa kuwento ng isang.... baliw.


"Kanina ka pa pala diyan Moks, kantahin natin yung paborito nating kanta" bungad nito sa kanya ng matapos ang animo'y isang oras na titigan.



"Oo, ang ganda nga eh"sakay ko sa sinasabi niya. Araw-araw ay lihim niyang pinapagalitan ang sarili na kung bakit ay kailangan niyang sumagot sa walang kabuluhang mga tanong nito.




"Pero alam mo Moks, swerte ako sa iyo" saad nitong nakangiti habang tinitipa ulit ang piano.



"Bakit naman?" natatawang sagot niya dito.



"Kasi naka eyeglasses ka." sagot uli nitong nakangiti.



Yes he was right naka-eyeglasses siya pero ilang beses na siya nitong nakitang naka-eye glasses at ilang beses na rin nitong sinasabi sa kanya na swerte ito dahil nakasuot siya ng eyeglasses.



"Baliw ka tlga Balik-Pagibig" ngiting tugon niya. Hindi niya alam kung literal ba dapat ang ibig sabihin nun.


"Sabi ng Moks eh!' bigla nitong maktol ng marinig ang pangalang 'Balik-Pagibig' na siyang palayaw niya dito. The guy is so divine when he does that. Para itong nagseselos na gustong makatanggap ng yakap. But he controlled himself to do that.


'Ok... Ok fine" pagsang ayon niya dito



"Yan! Good, Baliw ka kasi. Lagi mo kong tinatawag ng Balik-Pagibig" ngi-ngiti-ngiting ulit ito.



At siya pa ngayon ang baliw? sigaw ng utak niya. Pero hindi naman niya iyon ikinagalit sa halip ay natutuwa siya na naaasar niya ito kahit sa ganoong kalagayan. 



"Bakit ayaw mo ba kasi ng Balik-Pagibig?" tanong niya dito na tila naubusan ng sasabihin. Para kasing gusto niya pa itong asarin lalo.



"Bakit naniniwala ka pa ba sa Pagibig?" balik tanong nito.


Hindi yata siya nagtagumpay. Sa bawat pagkakataon ay laging nagbibigay ng kakaibang pakiramdam ang mga tanong nito. Na para bang ang bawat salita at paghinga nito ay may kaakibat na lungkot at hinagpis.



"Oo naman bakit hindi?" sa wakas ay nakaipon na rin siya ng lakas ng loob para dayain ang kanyang ngiti nang dahil sa kakaibang kabog ng kanyang dibdib.



"Sinungaling" salungat nito sa kanya at matapos sabihin ito ay itinuloy ang pagtipa ng piano.



Hindi siya nakasagot. Gusto man niyang ipagpilitan ang kanyang sagot ay wala rin naman itong saysay.



"Hindi ka naniniwala sa pagibig kundi umaasa ka dito..." binigyan siya nito ng hungkag na ngiti at pagkatapos ay dahan dahang pinatugtog ang isang musika.


"...Umaasa ka na sana mangyari sa iyo ito. Tulad ng hangin na hindi mo man nakikita ngunit alam mong binubuhay ka sa iyong bawat paghinga. Umaasa kang sana.... Sana may totoong Pag-ibig ....yung kahit minsan gusto mong maranasan na tumitibok ang puso mo hindi dahil sa bawat paghinga kundi dahil may iisang taong bumubuhay dito" pagpapatuloy niya na nagsisimula ng lumuha.



"...Alam mo Moks ikaw na sana yun eh.... kasi walang silbi yung huminga at mabuhay para sa sarili kung sa bawat pintig ng puso ko sinisigaw nito ang pangalan mo.. Ang sakit... sobra." nangingig na ang boses nito na sa wari niya ay tumulay papunta sa mga kamay nito ngunit tila may isang pwersang nagtutlak dito na ipagpatuloy ang nasimulang musika.




Nanatili siyang nakatulala sa kanyang kinatatayuan at nakuntento na lamang siya sa tanawing nakikita itong umiiyak habang tinutugtog ang musika sa piano. Kung tutuusin ay dapat hindi siya nagpapa-apekto, trabaho niya ang obserbahan ang kung anomang senyales na bumubuti na ang kalagayan nito. He is getting a positive result from the patient pero kabaliktaran naman ata sa nararamdaman niya ang bawat salita na parang palaso na tumatagos sa kanyang puso. Parang may kung ano sa kanyang konsensiya na na nagpupwersang maawa at magalit sa sarili.



Paulit-ulit ang mga sinambit nito sa kanyang utak. Lalo na ang mga huling salita nito. "kasi walang silbi yung huminga at mabuhay para sa sarili kung sa bawat pintig ng puso ko sinisigaw nito ang pangalan mo.. " Gusto ng rumagasa ng kanyang mga luha sa bawat pagkakataon na naririnig niya itong magsalita ng mga bagay-bagay.... mga bagay-bagay tungkol sa pagibig. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit tinagurian itong "Balik-Pagibig". Laging namumutawi dito ang mga katagang patungkol sa pagsisisi, mga kuwento ng pagkabigo at mga salaysay ng kaganapang siya ring dahilan kung bakit tinakasanan ito ng sariling katinuan.



"Umiiyak ka ba?" basag nito sa kanyang pagkatulala.



"Ano iyon Moks?" balik tanong niya dito na siya niyang ikinabigla. Ngayon niya lang kasi tinawag na Moks ito kahit na anong pilit nito sa kanya na huwag niya dapat tawagin itong Balik-Pagibig.



"Moks alam mong ayokong umiiyak ka." seryosong nakatingin ito sa kanya. Hindi niya alam kung matatawa siya sa sarili kung bakit sinasakyan niya ang isang baliw. Kung bakit kailangan niya makiiyak sa hinagpis na nararamdaman nito. Ngunit ang kanyang mga katanungan ay hindi sapat para tumigil siya sa responsibilidad na pangalagaan ito, kahit na ang ibig sabihin nito ay kailangan niya pang sakyan kung ano ang lumalabas na mga salita rito.




Dahan-dahan naman itong tumayo at humakbang papalapit sa kanyang kinatatayuan. Ang bawat paghakbang nito papalapit sa kanya ay parang kaakibat ng pagtaas baba ng kanyang dibdib para huminga ng malalim. Nang makarating ito sa kanya ay unti-unting lumapit ang katawan nito sa kanyang katawan. Ang lungkot na kanyang nararamdaman ay biglang napalitan ng matinding kaba na nag-aabang ng mga susunod na mangyayari sa bawat pagtakbo ng segundo.



Nabigla siya ng bigyan siya nito ng isang yakap. Yakap na sobrang init at madiin. Ang panandaliang pananahimik nito ay nawala ng tinangka nitong magsalitang muli.



"Kakantahan na lang kita..." tila inosenteng wika nito habang yakap yakap siya. Napilitan na rin siyang tugunin ang yakap nito. Nararamdaman niya ang init ng mga braso nito sa kanyang katawan.



At nagsimula na nga itong kumanta. Isa ito sa mga unang pagkakataon na maririnig niya itong umawit.



"I've been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed, 
I've been lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on " bungad nito habang kasalukuyan pa rin siyang niyayakap.


Sa di malamang dahilan ay namalayan niya ang sariling sumasabay sa himig ng awitin at matapos nitong kantahin ang unang parte ng kanta ay nagawa niyang ituloy ang mga susunod na liriko.


"I've been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need 'em again someday,
I've been setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind" tugon niya rito at tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. Sobrang sakit ng nararamdaman niya. At hindi niya alam kung bakit nagagawa niyang umiyak dahil lang sa iisang kanta at sa iisang taong hindi naman talaga sinasadyang sabihin ang mga iyon.



Nais pa sana nitong magpatuloy ng bigla niya siyang kumalas sa pagkakayakap nito sa kanya at mataman niya itong tinitigan. Sa wari niya ay nabigla rin tio sa kanyang ginawa ngunit mas maganda ng bumalik siya sa kanyang sariling bait bago pa man siya masadlak sa kung anong hiwaga mayroon ang kantang iyon.



"Moks? Bakit? May nagawa ba akong masama?" tanong nito sa kanya.



"Hindi ako si Moks, ako si Nurse mo diba? Yung nag-aalaga sa iyo." kinuha na niya ang bitbit niyang medical papaer para isulat ang mga naobserbahan niyang ikinilos nito.



"Paano mo aalagaan ang isang taong matagal ng sumuko sa buhay niya Moks?" naupo ulit ito sa harao ng piano at tinugtog ang kaninang inaawit nito.



Nabigla siya sa tanong nito na para bang normal na taong kinukwestiyon ang kanyang trabaho. Kaya mas pinili niyang sagutin na lang ang huling sinambit nito.




"Hindi ako Si Moks.. Ako si Nurse Rico"




Itutuloy...

6 comments:

  1. Waw! NOt your typical love story! Chapter 1 pls. :)

    ReplyDelete
  2. Hi Frost King!! Dont worry youll get Chapter 1-13 later at 7 :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. Im sorry but im curently at chapter 18 ryt now. :)

      i love your story btw. Heart breaking, and for some reason, i had a hard time breathing while reading it. xD

      Delete
  3. Naiiyak ako na ewan! mix emotions! :) sana po mabilis magawan ng chapters!
    keep it up!

    ReplyDelete
  4. maganda ung story na to. Nabasa q kc ung ep20-30 sa isang blog pero d q siya naumpisahan. D rin aq nakapag comment dun. So dito nalang. Hehehe

    ReplyDelete
  5. maganda talaga ung story na to, nabasa q kc ung chapter 20-30 dun sa isang blog pero d ako nkapag comment kaya di2 nlang. Tsaka babasahin q dito ung chapter 1-20

    ReplyDelete