ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, November 4, 2012

Revelations: Teaser/Epilogue



Bago ang pangalawang yugto sa buhay anng kambal na sina Clarence at Carlsen nang Exchange of Hearts inihahandog ko muna ang isang kwentong kikiligin at kapupulutan niyo nang inspirasyon sana ay tangkilikin niyo rin ito gaya nang iba ko pang ginawa, at angpapasalamat ako kay Kuya Kenji sa supporta at sa mga payo... para sa mga tagasubaybay mo lang ang seryeng ito, more power sa inyo at sa DarkKenStories.

Enjoy po...

Revelations
by Caleb Uriel Tan
Isang magandang gising kapiling mo ang mahal mo sa kama, pagmulat palang anng mga mata mo madarama mo na ang maaliwalas na paligid lalo na kung kayakap mo ang taong araw-araw ay nagpapasaya sayo. Yung nagpapangiti sayo tuwing umaga, na wala ka nang ibang rason kung bakit ka pa gumigising kung hindi siya.

Ako nga pala si Dom,28 years old na ako. Lahat nang kasabayan ko may sarili nang pamilya, sana magsimula na. Nagising ko ang katabi ko, kay gandang pagmasdan ang pagmulat nang kanyang mga mata, ang Makita ang kanyang mga labi na tyak mahuhumaling ka.

“Gising na pala ang Yeu (mahal sa isang lenguahe) ko” sabi nang katabi ko.

“Oo, kanina pa kita pinagmamasdan” sagot ko na ngti lang nang ngiti sa kanya.

Napaupo siya, at dun ko ulit nakita ang matikas niyang pangangatawan, yung tipong manghihina ang tuhod mo pag nakita ang mga ito, pinaupo niya rin ako at nagdikit muli ang aming mga katawan na di naman nahuhuli sa kanya.

“ughm…” sabi niya.

“may tanong ka ba Yeu ko?”

“Magtapat ka sakin ha… gusto kong malaman ang totoo…” sabi niya sa akin.

Sa loob loob ko ako ay nagulat pero hindi koi to ipinakita, I know he trusts me at matatanggap niya kung ano man ang sagot ko.

“Anu yun mahal ko?”

“Ug… Ilan ba ang MINAHAL mo bago ako?” sabi niya sa pinaka mahinang paraan.

Napatahimik ako bigla.

“Apat.” Sabi ko na walang pagaalinlangan.

“pwede ko bang malaman ang mga pangalan nila?”

“si First Dance, si First Kiss, si First Sex, Tsaka si Bestfriend…”


_Abangan_

3 comments:

  1. Bakit ang tagal ng update sa exchnges of heart..

    ReplyDelete
  2. di pa nakikipag-usap sakin sina Clarence at Carlsen eh... may pinagdadaan konting hintay nalng po :(

    ReplyDelete
  3. ang cute nung apat na names ng ex
    nya!!^^

    -monty

    ReplyDelete