Kamusta po sa inyong lahat? ^_^
Natutuwa po ako sa mga taong sumusupport sa akin sa story na ito. Kaya muli, maraming maraming salamat po. :)
Pangalawa po ay, gusto ko humingi ng pabor. Hahaha! Pa follow naman po ng blog.. Heheheh. Sige na :P Hahaha!! And nga pala guys, you can add me up on fb pa din. We have a growing community sa fb and I hope ay i-add nyo ko ng mai-add ko din kayo sa ating group. We will be having events soon so sana sumali po kayo. :) Ito po ang link ng aking fb acct. :) http://www.facebook.com/kenji.bem.oya PAKIUSAP lang po na magpakilala lang kayo upon adding para ma add ko na kayo agad sa group :) Thanks!! So.. ito na!!
Pangatlo, ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO, cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, devi, dee azrael, iamkljan, Karen Paulino, readymymouth, Mike Ballarta, Marshy, Mr. Brickwall, gallegoK, Bert, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.
“Ced, ano ba?! Lasing ka lang! Tama na! Lasing na tayo pareho!”
“Edi mas maganda. Mas may lakas ka ng loob sabihin sakin ang totoo!”
“Ced!!”
“Ano nga!!”
At dahil na rin sa tama ng alak ay nakahugot na ako ng lakas ng loob.
“Eh paano kung oo?!”, pasigaw kong sagot.
“Putragis ka!”, galit na sabi nito. Tinulak ako nito kaya napahiga ako sa kama. Pumatong ito sa akin at kinwelyuhan ulit ako.
“Ano bang problema mo?!”
Nagulat na lang ako ng bigla akong halikan nito. Siniil ako nito ng halik. May pwersa at galit. Agad din itong kumalas at tiningnan ako mata sa mata.
“Yung totoo! Gusto mo ba sya?!”
Nabigla ako sa ginawa ni Ced. Naramdam ko agad ang pagtulo ng luha ko.
“Hindi. Hindi dahil ikaw ang gusto ko…”
Biglang para namang binuhusan ng malamig na tubig at pinainom ng suka si Cedric. Binitawan ako nito at umupo sa tabi ko. Napaupo na rin ako.
Tahimik.
“Anong sabi mo…?”, mahinang sabi nito. Ramdam kong nakatingin ito sa akin. Ngunit hindi ako makatingin. Kung kanina ay ramdam na ramdam ko ang pagkalasing, ngayon ay parang hindi na gaano.
Napaiyak ako.
Napabuntong hininga. Ito na rin lang kami, nasabi ko na.
Mabuti pang sabihin ko na ang lahat.
“I’ve been inlove with you since before. Noon pa kita mahal Cedric..”
Tiningnan ako ni Cedric. Parang bigla itong nalito.
“Ano?”
I instantly felt rejection. Napahawak na lang ako sa mukha ko dahil na rin sa hiya.
“Pero alam mong may mahal akong iba. Si Geoff..”
Naramdaman ko ang mas paglapit ni Cedric.
Binaon ko ang ulo ko sa tuhod ko habang nakaupo. Tumingin lamang ako sa ibaba. Niyapos ko naman ang binti ko ng mahigpit. Hindi alam ang sasabihin.
“Alam ko…”
“Eh alam… Pero.. Cyrus.. Bakit? Hindi pwede.”, sagot nito. Ramdam ko sa boses nito ang pagkalito at pagkabigla.
“Alam ko.”, tanging naisagot ko.
“Cyrus…”
“Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo din ako, eh. Alam ko ang lugar ko.”
“Cy, huwag na lang ako. Ang dami naman dyang iba.”
Nagpintig naman ako bigla sa narinig. Itinaas ko ang ulo ko at tiningnan si Cedric mata sa mata.
“Yun na nga ang di ko maintindihan, eh!! Meron namang iba, pero bat parang ayaw mo na may iba!”, galit kong sabi.
Hindi sumagot si Cedric.
“Lasing nga tayo.. Uuwi na ko.”, pagpapaalam nito.
“No!! Sinimulan mo toh! Wala akong balak sabihin ito, pero you made me say this! Kaya pakinggan mo ang mga sasabihin ko!”
“I’m sorry, Cy.. Hindi ko alam. Oo, medyo naiinis ako na baka magustuhan mo nga si Nikko. Hindi ko din alam bakit kaya huwag mo nang itanong. Pero.. Pero siguro kasi ay gusto lang kita ipagdamot dahil bestfriend kita, eh…”
“Anong gusto mong gawin ko? Mahal kita Cedric, pero hindi tayo pwede. Tanggap ko na rin yun. At wala akong balak makipaglaban dahil mali ito.”
Tiningnan lamang ako ni Cedric.
“I’m sorry. I’m sorry I made you feel that way.. If you like Nikko, then go. Total, mas kaya nya magbigay ng mga bagay kaso sa akin.”
“Bullshit!! It’s not about sa mga bagay na mabibigay. I don’t even care kung ano ang kaya nyang ibigay. All I care is kung ano ang kaya nyang iparamdam. Oo, aaminin ko. Ilang beses ko isinalarawan at umasa na sana ako na lang si Geoff. Na ako ang kaya mong mahalin katuad ng ginagawa mo sakanya. Pero hindi, eh. Ito yung totoo. Kaya gagawin ko lang ang kaya kong gawin.”
Tiningnan lang ako ni Cedric. Umiling ng bahagya.
“Do you really mean what you say”, seryosong sabi nito.
“Oo, Cedric. Kahit na mali.”, umiiyak kong tugon.
“I’m sorry pero Cyrus…”
Panandalian tong huminto.
“Magbestfriend tayo, eh. Ayoko mawala yun.”
Tiningnan ko ito.
“Wala namang nagbago, eh. Nasabi ko lang yung nararamdaman ko. Yun lang.”
“Pero…”
“Hindi ko to sinabi para may gawin ka about it. Huwag ka mag alala. Naiintindihan ko.”
“I’m sorry.”
Naging tahimik na kaming dalawa. Parang biglang nawala ang epekto ng alak. I was just crying and Cedric sat there na halatang nalilito.
“Umuwi ka na Cedric…”, nasabi ko na lang.
Tiningnan lang ako ni Cedric sabay tayo at labas sa bintana. Pagkalabas na pagkalabas naman nito ay napaluha ako lalo. Ngayon na wala na akong tama ng alak ay ramdam na ramdam ko na ang sakit. Nasabi ko nga, pero parang mas masakit. Dahil ngayon, alam nya na.
Nakatulog ako ng kakaiyak. Pero okay na rin siguro yung nangyari. I was able to tell Cedric what I feel. And for the first time ay naging tapat ako sa sarili ko. For once, I didn’t lie.
Kinabukasan ay wala akong pasok. Dahil na rin sa hindi nakatulog ng maayos ay nagsabi ako na hindi muna ako makakapagtinda ngayon. Buong araw lang ako naglagi sa bahay. Pinatay ko din ang cellphone ko. Nakahiga lang sa kama.
Hindi ko alam pero umaasa ako na puntahan ako ni Cedric. Kamustahin man lang ako dahil hindi ako makontak nito sa cellphone. Ayan na nga ba sinasabi ko kaya ayaw kong sabihin sakanya ang nararamdaman ko. Dahil ayaw ko man ay nagkakaroon na ako ng expectations.
“Cyrus!!! Bisita mo!!”, agad na pagsigaw ni Mang Berto. Agad agad akong tumayo mula sa kinahihigaan at bumaba. I knew it! Hindi rin ako kayang tiisin ni Cedric. After all, I am his bestfriend.
Nagmamadali akong bumaba ng bahay. Ngunit pagbaba ko ay nagulat ako sa nakita. Si Nikko.
“Hi!”, magiliw na sabi nito.
“Hi”, nagulat kong tugon.
Nagkatinginan lang kami. Tila ba confused kami sa nangyayari.
“So…?”
“Ay! Halika pasok! Sorry nagulat kasi ako andito ka. Tara, dun tayo sa taas.”, pagyakag ko.
Sumunod naman si Nikko hanggang nakarating kami sa kwarto.
“Pasensya ka na dito sa amin, ha. Barong barong lang dito, pero malinis to. Huwag ka mag alala. Lagi ko nililinis tong bahay namin.”, nahihiya kong sabi.
“Nako, wala yun. Ito pala ang kwarto mo. Ang liit ha.”
“Pero presko.”, biglaang bawi nito.
“Hindi naman kasi kami mayaman, noh. Mahirap lang kami.”
“Sorry. Na offend ba kita?”
“Hindi.”
“Sorry ulit.”
“Bat ka nga pala napunta dito?”
“Eh, hindi kayo open bukas ngayon, eh. Kaya wala akong mapupuntahan. Nagtext ako sayo kagabi, diba? Na magpapasama sana ako. Eh, tinatawagan kita kanina kaso nakapatay ang phone mo?”, pagpapaliwanag nito.
“Ah, wala. Tulog kasi ako kanina. Eh ayaw ko muna magpaistorbo.”
“Naiistorbo ba kita ngayon? Aalis na lang ako.”
“Sus! Nagdrama pa! Eh andito ka na nga.”, ngiti ko.
“Hindi, seriously, kung gusto mo magpahinga, pahinga tayo.”
“Huh?!”
Nagulat ako ng biglang nagtanggal ng sapatos at medyas si Nikko. Itinabi nito ang mga gamit sa lamesita ko at humiga.
“Pahiga ah.”
Napatulala lang ako.
“Oh? Di ka ba hihiga?”, takang tanong nito.
“Ayos ka din noh.”, ngiti ko.
Pagkahiga ko ay parang bigla akong nasikipan sa kama. Pagkatabi ko kasi si Cedric ay parehas kaming payat kaya di ko ramdam ang sikip. Pero dahil maganda ang katawan nitong si Nikko ay parang sinakop ng laki ng katawan niya ang kabuuan ng kama ko.
“Ay, masikip ba? Pasensya na, ha.”, pagumanhin nito sabay tagilid.
Ramdam ko ang hininga ni Nikko dahi sa nakatihaya ako at nakagilid ito paharap sakin. Hindi ko naman maintindihan kung bakit biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko.
Napalingon ako kay Nikko at nakapikit ito. Kitang kita ko tuloy ang haba ng pilikmata nito. Napansin ko din ang pagka kapal ng kilay at tangos ng ilong. Parang napaka inosente at ang amo amo ng mukha nito. Taliwas sa presko nitong paguugali.
“Pogi ba?”, nakapikit pa ring sabi nito.
“Hindi! Akala ko may lamok!”
“Wushu! lumang style na yan. Ang pogi ko, noh?”
“Matulog ka na nga lang.”
Nagising na lang ako na umuulan. Hindi naman kalakasan ngunit tama lang upang palamigin ang simoy ng hangin. Paglingon ko naman ay tulog pa din si Nikko. Sakto naman narinig ko na bumukas ang pinto. Malamang si Mang Berto yun na kakauwi lang galing trabaho.
“Oh, Tang, basang basa ho kayo, ha. Magpalit na ho kayo doon at maligo ng hindi kayo magkasakit. Ipaghahanda ko lang kayo ng makakain.”
“Salamat anak. Siya nga pala, pwede mo ba ako ibili ng gamot? Para atang lalagnatin ako.”
“Kasi naman tang, sabi ko sa inyo, wag na kayo pumasok muna. Tingnan niyo, pati yung ubo nyo, grabe nanaman.”
“Wala yan. Malakas pa ang Tatang mo.”
“Oh sige, ho. Hintayin niyo ako at bibili lang ako ng gamot.”
Sumugod ako kahit pa umuulan. Total, hindi naman kalayuan ang botika sa amin kaya madali lang din ako nakauwi.
“Oh, Tang, ito na ho ang gamot nyo. Teka lang ho at maghahanda na ako ng kakainin nyo. Pasensya na lang at itlog nanaman. Pero itlog na maalat naman to.”
“Buti nga may itlog pa, eh.”
“Pero may kamatis!”, pag ngiti ko.
Sa paghahanda ko ng pagkain ng Itang ay nakalimutan ko na nasa kwarto ko pala si Nikko. Kaya nagulat na lang ako ng bumaba ito mula sa aking kwarto.
“Oh, andyan pa pala yung bisita mo. Tara na, kumain na tayo. Sabayan niyo ako.”, yaya ni Mang Berto.
“Teka lang ho, Tang.”
Hinila ko pabalik ng kwarto si Nikko. Hindi alam ang sasabihin.
“Oh, bakit? At bat basa ka? Magpalit ka kaya baka magkasakit ka.”, alalang sabi ni Nikko.
“Wala yan. Pero ano kasi…”
“Ano nga?”
“Hmmm. Nakakahiya kasi.”
“Ano ba yun?”
“Ahm, sige ganito. Kung gusto mo, sasamahan kita sa labasan. May mga restaurant don. Don ka na lang kumain. Hintayin kita.”
“Ano?!”
“Eh kasi, nakakahiya eh. Yung pagkain kasi dito.”
“Oh bakit? Hindi ba pang tao pagkain nyo?”
“Loko! Eh kasi, baka hindi ka sanay sa pagkain dito. Tapos dito pa sa amin. Eh nakita mo naman tong lugar namin.”
“Sus! Akala ko naman kung ano! Tara na. Okay na okay ako dyan!”
“Huwag na. Nakakahiya.”
“Tara na. Nagugutom na rin ako, eh”, pag ngiti ni Nikko sabay akbay sakin.
Kumain kaming magkakasabay nila Tatang at ni Nikko. Ngunit hindi ko naman inaasahan na dito kakain si Nikko kaya ang usual na pang dalawang tao lang ang nasaing ko.
“Gutom ka pa?”, alala kong tingin kay Nikko.
Kumunot naman ang noo at ilong nito at tumango ng bahagya.
“Patay!”, sabi ko sa loob loob ko.
“Oh eto. Kain ka lang.”, sabay lagay ng kanin ko sa plato nya.
“Uy! Ano ka ba!”, gulat na sabi nito.
“Okay lang. Kumain naman ako ng tinapay nung lumabas ako papuntang botika. Sige na, kumain ka na dyan.”, pagsisinungaling ko.
“Share na lang tayo.”, nahihiyang sabi nito.
“Hindi na. Okay lang ako. Bisita kita dito.”, pag ngingiti ko.
Kahit medyo gutom pa ay nagkasya na ako sa mga ngiti ni Nikko. Nakakahiya nga kung tutuusin dahil alam kong hindi naman siya sanay sa ganito.
Pagkatapos makakain ay pinagpahinga ko na ang Tatang at naghugas naman ako ng pinagkainan. Si Nikko naman ay pinaghintay ko na lang sa kwarto. Nung papaakyat naman ako ay nagdala ako ng mainit na tubig paakyat.
Dahil na rin sa umuulan pa ay hindi na kami umalis ni Nikko. At pinandigan niya ang sinabi kong magpahinga lang dahil hindi na ako niyaya nito lumabas pa.
“Nabusog ka ba? Sabi ko kasi sayo, sa labas ka na lang kumain, eh. Okay lang naman maghintay ako.”, nahihiya kong sabi.
“Oo naman. Eh, ikaw? Nabusog ka ba? Eh halos wala ka nang nakain dahil binigay mo yung sayo sa akin.”
“Okay nga lang ako. Kumain naman ako kanina sa labas ng tinapay.”, ngiti ko.
“Oh, para saan yang mainit na tubig?”, tanong nya sakin.
“Ah, wala. Nalamigan ata ako nung naulanan ako kanina. Pampainit lang ng tyan.”
“Ahh. Ganun ba.”
Nagkwentuhan lang kami ni Nikko dahil na rin sa wala naman kaming ibang pwedeng gawin. Nakita ko nanaman muli ang Nikko na hindi presko. Ang Nikko na palatawa at palangiti.
Napatingin ako sa orasan, lampas alas onse na ng gabi.
“Ah, Nikko, ayaw ko sana maging bastos. Kaso alas onse na ng gabi. Kung gusto mo, pwede ka magpalipas dito ng gabi. Total, delikado din magdrive dahil lumalakas ang ulan. Pero kung di ka komportable dito, ihahatid kita?”, nahihiya kong sabi kay Nikko.
“Ano ka ba! Huwag mo nga ako isipin. Ako nga itong nang istorbo sayo, eh. Okay lang ba kung dito na lang ako matulog?”, nahihiyang tugon din nito.
“Oo naman. Kaso pagpasensyahan mo na lang itong lugar naming, ha.”
Hindi ko lubos maisip na ang isang tulad ni Nikko ay magtyatyaga sa lugar naming. Kasi naman, barong barong ang talaga ang bahay naming. Sobrang liit pa. Mga lumang kahoy at yero lamang ang pinagtagpi tagpi kaya naging bahay ito.
Nakahiga na kami ulit ni Nikko at patay ang ilaw. Nagkwekwentuhan lang kami habang umuulan. At habang lumalalim ang gabi ay mas lumalakas naman ang ulan.
“Ang saya naman dito sa inyo.”, bungad ni Nikko.
“Oo naman. Kahit mahirap, nakakaraos naman kami sa araw-araw. Okay na kami doon.”
“Eh teka, nagtratrabaho pa ang Tatang mo? Buti kaya niya pa?”
“Wala naman kasing choice. Gusto ko man siya patigilin eh hindi naman sapat ang kinikita ko sa bar. Magkano lang ba sahod ko doon? Buti nga at may sideline ako sa hapon.”
“Sideline?”
“Oo. Nagbebenta ng mais.”
“Hah?! Ibig mong sabihin, aside sa pagtratrabaho mo sa gabi, nagtratrabaho ka pa din sa umaga?”
“Ang slow, ha! Oo nga.”
“Grabe buti nakakaya mo! Hindi ka ba napapagod?”
“Buang! Syempre, napapagod. Kaso kung di ko gagawin yun, kawawa naman kami ni Mang Berto. Ang swerte ko nga sakanya kasi kahit hindi niya ko anak talaga, inaalagaan niya pa din ako.”
“You mean…?”
“Oo. Ampon lang ako.”
“I’m sorry.”
“Wala yun.”
“I hope you don’t mind, pero asan ang mga magulang mo?”, hiyang tanong nito.
“Ah… Sil…”
Natigilan ako sa sasabihin ko. Sino nga ba mga magulang ko. At paano ako napunta kila Mang Berto? Basta, natatandaan ko na lang, si Mang Berto ang kumopkop sa akin.
“Hindi ko alam, eh.”, casual kong sagot.
“Hindi mo alam? Hindi mo ba natanong?”
“Para saan pa? Pero hindi. Hindi kasi kontento na ako na si Mang Berto ang kinikilala kong magulang.”
“Aah.. Pasensya na, ang dami kong tanong.”
“Okay lang.”
“Masaya ka ba sa buhay mo?”
Napaisip ako ng bahagya.
“Hmmmm. Oo naman. Mahirap pero masaya.”
“Hindi mo ba hiniling na sana, iba na lang ang buhay mo?”
“Ang dami mo namang tanong.”, pagbibiro ko.
“Sagutin mo na lang.”
“Hindi. Masaya naman kasi ako kahit may mga pagkukulang sa buhay ko, eh.”
“Aah…”
“Yep.. Ganun.”, pagsagot ko.
“Eh, pwede magtanong?”
“Seriously? Yan talaga itatanong mo? Eh kanina ka pa kaya tanong ng tanong.”, pagbibiro ko. Napatawa naman ito ng bahagya.
“Sige na.”
“Ano ba yun?”
“Kaso medyo personal, eh. Okay lang?”
“Sige lang.”
“Bat wala ka pang partner? I mean, jowa, kasintahan, ka-irog.”
“Wow ha. Palalim ng palalim tagalong mo, ha.”
“Ano nga.”
“Tinatanong mo talaga yan?”, sarkastikong sagot ko.
“Aah.. Si Cedric nga pala gusto mo kaso…”
“Oh tama na! Alam ko na.”
“Sorry.”
“Puro naman to sorry.”, pagbibiro ko uit.
“Pero nainlove ka na ba dati?”
“Oo naman, grabe ka!!”
“Sino? Kwento mo naman…”, nakangising sabi nito.
“Eh bat ikaw tong kinikilig?”, pagtawa ko.
“Dali na.”
“Well.. Wag ka na kiligin kasi hindi happy ending yun.”
“Hah?”
“Ilang taon ang nakakalipas.. Si Elmo..”
“E-elmo?”
“Oo. Siya ang pinakamamahal ko noon. Sobrang nainlove ako sa taong yun.”
“Pero iniwan ka?”
“Hindi.”
“So kayo pa?”
“Hindi rin.”
“Ano?! Ang gulo naman nun!! Labo ah! Hindi ka iniwan, pero hindi na rin kayo?! Labo mo men!”, sabay bigay ng isang halakhak.
“He died.”, simpleng tugon ko.
Natahimik bigla si Nikko.
“Sorry. I didn’t mean to…”
“Hayaan mo na.”
“Pasensya na rin ang dami kong tanong.”
“Okay lang.”
Hindi ko namalayan na sa pagkukwento ko ng tungkol kay Elmo ay napaluha ako. Isa kasi sya sa mga nangyari sa buhay ko na sadyang hindi ko makakalimutan.
“Umiiyak ka?”
“Waa to. Naalala ko lang.”
“Kasi naman, ang dami kong tanong.”
“Matulog na tayo. Maaga pa ako bukas. Magtitinda pa ako. Sana naman hwag umulan na.”
Hindi na muling nagsalita si Nikko. Pero kahit hindi ko ito nakikita ay ramdam ko ang pagkabalisa nito. Malamang ay naguilty ito sa mga pagtatanong sa akin.
“Tulog ka na?”, pagtatanong ko.
“Di pa.”, maikling sagot nito.
“Okay na ko. Pasensya na rin kanina. Nadala lang ako.”
“Hindi. Ang dami ko kasing tanong, eh.”
“Okay na nga.”
“Nagugutom ako.”, biglang sabi nito.
“Ayan na nga ba sinasabi ko, eh! Sabi ko kasi sayo, kumain ka na lang sa labas kanina.”
“Ano ka ba! Nabusog naman ako. Kaso nagutom lang ako bigla.”
“Nako, merong bukas diyan na lugawan. Malinis naman doon.”
“Tara!”
Binuksan ko ulit ang ilaw at kumuha ng pera mula sa bulsa ng pantalon ko. Patay, paubos nanaman ang pera ko.
Naglakad kami papunta sa lugawan. Ngunit sa daan papunta doon ay hindi ko naman inaasahan ang makikita. Mga tambay na nagiinuman.
“Oh, Cyrus! Tagay muna dre!”, sigaw ng isang tambay.
“Sige dre, anong oras na, inuman pa din?”
“Hindi naman dre! Malamig lang. Masarap mag inom.”
Napatingin ako sa isa sa mga tambay. Alam kong nakita na ako nito ngunit hindi ako pinansin.
“Oh Cedric. Dito ka pala.”
kawawa naman si cyrus. T_T. pro alam ko mahal nia si cyrus :D
ReplyDeleteNaiinis ako sa mga taong hind risk taker , hindi sila marunong sumugal kaiinis ano naman kung mag-bestfriend kayo ?? God ang ganda ng capter na ito kasi nailarawan mo kuya yung dahilan kung bakit may one sided love sa mag-bestfriends , good job :)
ReplyDeleteWow...
ReplyDeleteGo go go nikko..
hay buti talaga wala ak0ng bestfriend.. Pero how i wish mer0n din.. Hahaha
ReplyDeleteAko kaya an0ng kaya qng sabihn at gawin kapag sobrang lasing na ako?
Takot kc ako sa pdeng maging outc0me..
Cy kay niko ka nalang, hamung tumulo ang laway sayo ni ced...sa sobrang jelli. wahahahaha
nakakabitin nmn.. ako n lang magmamahal sayu cyrus.. Pramis di kita sasaktan..
ReplyDeleteC nikko nlng kasi. Masokista cguro tong c cyrus. :)
ReplyDeletegrabe ang sweet naman...
ReplyDeletesana post agad ang susunod na episode
ay gumaganda na ang kwento >_<
ReplyDeletekeep it up Ken :")
ARSTEVE....
syempre bitin nanaman po kme..uu nga kuya ken agree ako sa kanila..si nikko na lg kase.hayaan na niya si cedric masyadong confused lng nyan sa buhay nya..haha..ganda tlga neeeto kuya ken
ReplyDelete-M
basta ang alam ko ang cute ni nikko..hehehe..update agad ken and kupad mo joke he he..
ReplyDeletenice flow of the story. he he he he
ReplyDeleteHaii. How sad. Wala nga bang magbabago sa samahan? Ewan nlang. Hahaha. Hirap talaga!
ReplyDeleteGo cyrus, kaya yan, nandyan nman si nikko. :D
hahaha kinilig ako ken sobra! sobra ka talaga hahahhaa.. love it.. sana wag na c cedric makatuluyan ni cyrus c nikko nalang sana kahit ma pagka presko pero mabait naman.. :) kaso abuso ha hahaha.. kawawa nmn c cyrus..
ReplyDeleteayoko muna magcomment tungkol sa mga characters kasi may mga unanswered questions pa ang bawat isa sa kanila kung bakit sila ganun..pero nice job ken..
ReplyDelete-J
:)
ReplyDeleteang bilis ng update, salamat sa mabilis ng upadate ken...gusto ko talaga itong 4 MNB, nasabi agad ni Cyrus ung pag-ibig niya kay cedric un nga lng sa di inaasahang pagkakataon, wla eh lasing lng kya nasabi. Dun ksi sa 2 MNB, dami paligoy ligoy hanggang sa dumating sa point na ung love nauwi sa galit, kya na bored ako dun pati sa 3 MNB...
ReplyDeleteedward
Good Job Ken..
ReplyDeleteSana buamlik yung pagiging magbestfried nila Cedric at Cyrus..
Good Job Ken..
ReplyDeleteSana buamlik yung pagiging magbestfried nila Cedric at Cyrus..
Ganda ng story. Mejo off lang pag nagiging inglesoro ang mga main characters especially Cyrus.
ReplyDeletewaaahhh.. kiligness kay Nikko at Cy.. hahaha.. so sweet..
ReplyDeletekeep it coming..!!!
God bless.. -- Roan ^^,
grabe nman si cedric di man lang talaga pinasin si cyrus...heart warming story..next chapter na agad please..
ReplyDeletekrisluv
Nkpagdecide n ako. C nikko n gusto ko para ss kanya...kaso parang me something...sana nxt chapter na.....
ReplyDeleteCnu magulang ni cyrus... mayaman cgro sya... basta yan hula ko. Huh... yap c nikko na lng ang para sa kanya.. at sana wag syang lokohin ni nikko kung di pa patay ko c nikko..
ReplyDeleteBoss ken nxt chapter na...
ReplyDeleteDaming pahula kuya ken ah!!
ReplyDeletemukang mahirap ata un sitwasyon ni ced at cy pero duda akong wlang nararamdamang higit pa sa magkaibigan si cedric. anyways ewan ko lang kung matitrigger ni nikko ang hidden feelings ni ced :P
next chapter please!! hihihi :D
Wahahahahahaha. LIKE! ^^,
ReplyDelete_ PANcookie
Im so eggcited na sa next chapter.. Nice one ken, keep up the good work!
ReplyDeletealam ko nagulo ang mundo ni Cedric sa nalaman niya, he would, soon, have questions, what if's and what about. I'm sure the friendship will be put to a test and a phase of moving away from the usual. These are probabilities. Another wonderful job by Mr. Kenji Oya. Clap! Clap! Clap!
ReplyDeletealam ko nagulo ang mundo ni Cedric sa nalaman niya, he would, soon, have questions, what if's and what about. I'm sure the friendship will be put to a test and a phase of moving away from the usual. These are probabilities. Another wonderful job by Mr. Kenji Oya. Clap! Clap! Clap!
ReplyDelete:] yay sana next chapter na hehehehe,,, gondo ha! :] keep it up
ReplyDeletenagkaaminan na..ngayon tikisan muna ng nararamdaman..hihi
ReplyDeletenaawa naman ako kay Cyrus buti nanjan lagi si Nikko..hmm..sinu kaya mamanukin ko sa dalawa? :D
i'm so eager to know Cyrus' past..dami na talagang mas aabangan!nice..very nice Ken ^_^
Wow!! Ang ganda ng chapter na to!!!
ReplyDeleteSana si Nikko na lang..please?
nakakainis ung taong nagtatanung-tanong tz pag sinagot m sya pa me ganang mag-inarte!magpapara-paramdam tz pag nahulog kna kasalanan mo pa at iiwanan k nlng..hay naku cedric ka...wawa nmn c cyrus ko! (cyrus ko?!haha)
ReplyDelete-monty
-