STAB
by ace_gonzales
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
“Nice one! That really
scares me!”
Natatawang koment ni Lianna. Kasalukuyan silang nanonood ng
horror film sa bahay nito. Wala kasi ang parents nito nang gabing iyon kaya
siya ang niyaya nitong makasama sa bahay ng mga ito.
“Yeah,right ! it looks so exciting…. In real life…” makahulugang
sabi nito saka humalakhak.
Napailing siya. Mukhang plano na naman nitong mantrip.
Muli niyang itinutok ang mata sa pinapanuod . Ganun din ito.
Na excite sila sa sunod na mga pangyayari sa pinapanuod kung
saan pinalakol ng serial killer ang babae sa ulo nito. Bloody ang eksenang
iyon.
Maya maya ay tumayo si Lianna at nagpaalam na magbabanyo.
Tumango lang siya habang tutok pa rin sa pinapanuod na pelikula.
Ilang sandalipa ang lumipas nang napansin niyang wala pa si
Lianna. Nagtaka siya.
’30 minutes na simula ng magpaalam yun a? bakit ang tagal nun?’
Biglang tumunog ang cellphone niya.
One Message Received.
Binuksan niya ang text.
‘Do you like what you are watching?’
Napakunot noo siya ng mabasa ang message mula sa unregistered
sender.
Naalala niya si Lianna.Tama! Maaring ito ang sender. Napangiti
siya habang nailing.
Itinutok na uli niya ang mata sa pinanunuod. Paganda nang
paganda ang eksena sa pelikula.Nagiging madugo at kagimbal gimbal na ang sunod
na mga nangyari na labis niyang kinapapanabikan.
Muling tumunog ang cellphone niya. May nagtext na naman.
Tiningnan niya kung sinong nagtext.
Si Lianna. Binuksan niya ang message na katulad din ng unang
natanggap niyang text.
Babalik nasana siya sa panunuod ng may naalala siya.
Tiningnan uli niya ang message na natanggap.
Hindi ganun ang magtext ang kaibigan niya. As far as she
remember, jejemon ito sa text. At nakakapagtakang hindi pa ito bumabalik.
Akmang magre-reply siya sa no. ni Lianna ng may nagtext na
naman.. Dali dali niyang binuksan ang message.
‘How’s the movie?’
Galing iyon sa unregistered number. Pagkabasa niya ng text na
iyon ay nagsunod sunod na tumunog ang cellphone niya.
5 Message Received.
Unregistered sender pa rin galing ang messages. Binuksan niya
iyon isa isa.
Nilukuban siya ng kaba at takot. Papaano nito nalaman ang
ginagawa niya? Mas lalo syang kinabahan sa huling message nito.
‘Do you wanna see a real bloody scene?’
Hindi niya alam kung bakit natatakot siya.Parang may mali.
‘Nasaan na ba si Lianna?’
Pinatay na niya ang pinapanuod at tumayo. Hinanap niya ang
kaibigan sa kwarto nito ngunit hindi niya ito makita. Saka niya naalaala na
nagpaalam nga pala ito sa kanya na pumunta ng banyo.
Habang naglalakad siya hindi niya mapigilan ang kabahan. Nang
nasa tapat na siya ng pintuan ng banyo ay dahan dahan niya itong binuksan.
Natutop niya ang bibig sa nakita.
Si Lianna.
Nakahandusay sa sahig at duguan. May gilit ito sa leeg at saksak
sa tiyan nito. Halos lumabas na ang mga bituka nito dahil sa dami ng saksak
nito.
Napaatras siya.
Napaharap siya nang may naramdaman siyang humawak sa balikat
niya.
Nanlaki ang mata niya ng makita ang isang taong namaskara at may
hawak na kutsilyo na nababalutan ng dugo.
“Sino ka?!!”
Hindi siya nito sinagot. Napaurong siya nang makita niyang
itinaas nito ang kutsilyo.
Wala na siyang ibang nagawa kundi ang sumigaw . . .
_______________________________________________________
At Abraham’s University.
“Oh my God ! Did you hear the news ,Diana?”
Bungad na tanong ng kaklase niyang si Liezel pagkapasok niya sa
kanilang classroom.
Napakunot noo naman siyang tumingin dito.
“News? So far, wala pa. Bakit meron na naman bang bagong
tsismis?”
“God ! Hindi tsismis! News na e!”
Binaba muna niya sa upuan ang kanyang bag. Napansin niya sa
labas ng room ang mga nagkakagulong estudyante.
“Anong meron, Liezel?” tanong niya ditto.
Napansin kasi niya ang mga schoolmates niya na parang di kanais
nais na pinapanuod sa mga cellphone ng mga ito.
“Si Lianna and Lorelyn natagpuang patay.”
“What?!!! Saan?” gulat niyang tanong ditto.
“Sa bahay nina Lianna. Tadtad ng saksak ang dalawa.tapos may
gilit sa leeg si Lianna. Wala naman makitang motibo ang mga pulis sa krimen.”
Nanghihina siyang napa upo sa silya. Parehas niyang kaibigan
sina Lianna at Lorelyn dahil pawing co-cheerleader niya ang dalawa.
Maya maya ay nagpasukan ang iba nilang kaklase para sa subject
ng umagang iyon.
“Diana!” tawag ni cheerlyn sa kanya.
Lumapit ito at nagsalita.
“Nabalitaan mo na ba?”
“Yeah,still can’t believe it ! I know they are being mean
sometimes but I never imagine that they will get killed in that way. Hindi pa
ba kilala kung sinong gumawa nun sa kanila?”
Hindi ito sumagot bagkus may ipinakita ito sa kanyang video mula
sa cellphone nito.
Video ni Lianna na pumasok sa banyo. Nagulat siya nang may
lumabas na lalaking naka maskara sa may kurtina ng banyo .Ginilitan nito sa
leeg si Lianna kaya hindi nito magawang makasigaw . Pagkatapos ay iniharap ito
at pinagsasaksak sa may tiyan. Nakakapangilabot ang ginawa nito. Halos
maglabasan na ang mga bituka ni Lianna. Hindi pa dun natapos ang video. Si
Lorelyn naman ang nakunan ng video na binukasan ang pinto ng banyo.
Kitang kita ang pagkagulat nito dahil natutop nito ang bibig.
Umatras ito. Hinawakan ito sa balikat ng nakamaskara. Napaharap si Lorelyn at
napaurong nang makita ang lalaking naka maskara . Ngunit pinagsasaksak na si
Lorelyn. Ang mas nakakapangilabot sa ginawa ng killer ay nung itinarak ang
kutsilyo sa kanang mata ni Lorelyn.
Hindi niya mapigilan ang maduwal sa napanood. Naaawa siya sa
nangyari sa dalawang kaibigan.
____________________________________________________________________
Kumalat sa buong campus ang naturang video ng pagpatay sa
dalawang cheerleader. Tinanong naman ng mga pulis sa mga istudyante kung saan
nanggaling ang video. Sinabi naman ng mga ito na galing ang video sa isang
Facebook page na may username na Anonymous Killer. Nakalagay din sa page nito
ang mga pictures ng dalawang biktima. Ibinalita na din sa mga ibat ibang
news station ang pagpatay sa dalawang college student ng Abraham University.
“Sa tingin nyo sino kaya ang maaaring gumawa nun kina Lorelyn at
Lianna?” tanong ni Mary ann.
Kasalukuyan silang nakatambay sa isang bench sa loob ng campus
at nagkukwentuhan kasama ang kanyang mga kaklase.
“Oo nga,Sino kayang may gawa nun? At saka sa tingin malaki
ang galit nun taong yun kina Lianna at Lorelyn.” Pahayag naman ni Jinky.
Napatango naman ako sa sinabi ni Jinky.
“I don’t think so”
Nagulat kami sa sinabi ni Cassandra.
“Bakit naman?” takang tanong ni Cheerlyn.
“Bakit nga naman ,Cass? May point naman si Jinky a?” sabi ni
Liezel.
Bumuntunhininga muna si Cassandra bago nagsalita.
“Kung matinding galit ang motibo nun kay Lianna at Lorelyn di
sana hindi na nito kinuhanan pa ng video ang pagpatay nito sa dalawa. It seems
like it’s a plan to kill an innocent lives. Look now, meron pang Facebook page
yung ‘serial killer’, and may youtube pa!”
“What do you want to say,Cass?” hindi ko mapigilang tanong kay
Cassandra.
“In my own views, that person wants fame. He wants attention
from the crowd and in order to get what he wants, he kills.”
Napaisip kaming lahat sa sinabi nito.May sense ang nagging
pahayag nito. Ang pagkuha nito sa aktwal na pagpatay ay isa ng ebidensya.
Naputol ang aming pananahimik ng may narinig kaming kantiyawan
sa kabilang bench.
“Michaela ,mag ingat ingat ka na, baka ikaw na ang sumunod kina
Lianna!!!” sigaw ni Cavin ,isang campus figure dahil sa galing sa basketball.
Tawanan naman yung mga nasa kabilang bench. Napakunot noo siya
nang makita ang binibiro ng mga iyon.
“Sino siya?” tanong niya sa mga kasama sabay turo sa
lalaki este beki na kinakantiyawan sa kabilang bench.
“uh? Di mo kilala, Diana?” takang tanong ni Liezel.
“Naku ! Liezel ,wag ka ng manibago! Pag di sikat, hindi kilala
ni Diana !” sabat naman ni Jinky.
“Oo nga! Baka nga kung di ako sobrang ganda ay di niyan ako
kilala!!” sabi ni Cheerlyn.
Nagtawanan naman kami sa sinabi nito.
“Seriously,He looks so familiar e.” sabi niya.
“ Siya iyong laging gustong sumali sa mga sayaw pero di naman
keri. Nag audition na din kaya yan sa Cheering pero hindi siya ipinasa ni
Lianna.” Sagot ni Cassandra.
“Feeler kasi siya, gusto laging magpasikat.” Pabulong na sabi ni
Cheerlyn.
Napatawa siya. Tumingin uli sila sa kabilang bench dahil narinig
nilang mas naglakasan ang hiyawan dun sa sagot nung tinawag na ‘Michaela’
“Excuse me,Michelle ang name ko, tandaan nyo yan” maarteng
sabi nito.
“Hoy,bakla!!! Michael ang name mo, ambisosya ka!” saka
nagtawanan na naman dun sa sinabi ni Cavin.
“Che?!” sabi nito saka maarteng naglakad.
Nagkatinginan silang magkakaibigan at sabay sabay na tumawa. . .
_______________________________________________________________
Kasalukuyan silang nagkaklase sa General Psychology ng araw na
iyon. Naging masaya ang discussion nila dahil laging nagpapatawa ang Professor
nila.Naputol ang pagsasalita ng prof nila ng may biglang tumunog na cellphone.
“Kanino yon?” tanong ng Prof nila.
Nagtaas naman ng kamay ang kaklase niyang si Melque.
“Ms. Pineda, alam mo na dapat mong I-silent ang cellphone mo
because that is not allowed during classes..”
“Im sorry po sir”
“Okay I forgive you but not next time”
“Yes Sir”
Ipinagpatuloy na uli ng Professor nila ang discussion. Hindi pa
ito nakakatatlong sentence ng magsalita si Melque.
“Sir,excuse po… announcement po.” Atubiling sabi nito.
“What is it,Ms. Pineda?”
Tumingin muna siya sa aming lahat bago nagsalita.
“Yung isa po nating varsity player ng basketball,si Cavin
Hachuela po…”
“What about him?” tanong ng Prof nila.
“He is found dead in his car in a parking lot. Yung malapit po
dun sa may isang disco bar. May gilit daw po sa leeg sa Cavin..”
“What?!!”
Nagkagulo sa loob ng kanilang classroom. Kanya kanyang tanong ,
reaction at comment ang maririnig sa mga kaklase niya.
“Oh god,Diana,nakakatakot na ang mga nangyayari sa mga
schoolmate natin!” sabi ni Cheerlyn sa kanya.Katabi niya ito sa upuan.
“Oo nga..”
Sakto naman tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang subject
nila. Isa isa na silang nagsilabasan at nag uwian.
___________________________________________________________________________
Katulad ng nangyari noong isang araw,may mga naglabasan din na
mga video ng pagpatay kay Cavin.
Kita sa video ang pagpasok nito sa loob ng kotse at kung paano
nito nagilitan sa leeg ang biktima.Kahit ilang segundo lang ang nilalaman ng
video na yun ay kinilabutan pa rin siya sa nilalaman nun.
Hindi tuloy niya maisip kung paano nasisikmura nito ang pumatay
ng isang inosenteng tao. Ngunit mas nakakapagtaka kung paano nito naisasagawa
ang pagpatay . . .
_____________________________________________________________________
Naglalakad siya nun pauwi nang tawagin siya ni Cheerlyn.
Katatapos lang ng klase nila sa Management kaya na isipan na niyang umuwi ng
maaga. Sa isang araw na lng niya ituturo sa mga cheerers ang sayaw nila.
“Uuwi ka na, Diana?” tanong nito sa kanya pagkalapit.
“Oo. Papahinga na lang ako sa bahay tapos gagawin ko na rin ang
assignment natin sa Management.” sabi niya dito.
“ Akala ko kasama ka kina Jinky mamaya. Magba-bar hopping daw
sila.”
“Hindi. Wala din akong plano sumama.”
“Pupunta ako mamaya sa inyo, papatulong na din ako sa assignment
natin. Pwede ba?” tanong nito.
“Sure,pupunta din kasi mamaya si Mary ann.”
“Sige. By 7:30 pm nandun na ko.”
“Okay,sige ha,una na ko”paalam niya ditto.
“Bye,Take care.
Nginitian niya lang ito.
________________________________________________________
“Ano bang tagal ng dalawang iyon,kanina pang 8pm a!”
Inis na inis na sabi ni Jinky sa sarili.Kanina pa siyang nag
aantay kay Liezel at Cassandra ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang mga
ito. Tinawagan niya ang mga ito ngunit parehas na hindi sumasagot.
Tinawagan na lang muna niya si Diana. Sinagot naman agad nito.
“Diana, si Jinky ‘to.”
“O, napatawag ka?” sagot nito sa kabilang linya.
“Nakaka inis kasi sina Liezel. May usapan kasi kami na pupuntang
bar pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang mga iyon.”sumbong niya ditto.
“Ano bang oras ng usapan nyo?”
“8:00pm but its 8:30 now.”
“Hintayin mo na lang sila, Jinky. Baka nasa daan na ang mga iyon
right now.”
“o, sige thanks !” nagpaalam na siya ditto at pinutol na ang
tawag.”
Minabuti niyang lumabas muna ng kotse para mabawasan ang
pagka-inip niya.Naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya sa bulsa
ng jeans niya. Dali dali niyang kinuha iyon at binasa ang message sa pag
aakalang isa sa mga kaibigan niya ang nagtext.
“Are you bored waiting for them”
From: unregistered number.
Nanlaki ang mata niya. Paano nito nalaman ang estado niya ng mga
oras na iyon.?
Napalunok siya.
Pakiramdam niya ay hindi siya nag iisa sa parking lot na
iyon. May narinig siyang mga kaluskos. Natakot siya kaya agad siyang pumasok sa
loob ng kotse niya. Dali dali niyang pinaandar iyon.Ngunit biglang tumigil iyon
na parang may tumamang matulis na bagay sa gulong nito.
‘Shit!!! Bakit na flat ?!!’
Nilukuban siya ng takot nang may nahagip ang mata niya sa labas.
Parang may nakita siyang naka jacket at may maskara.
‘Hindi… Maaaring guni guni ko lang iyon.’
Inilock niya ang pinto ng kotse at pumikit.Hindi niya mapigilan
ang sarili na mapaluha. Anytime pwedeng siya ang maging sunod na biktima ng
killer na iyon and worst ay mapapanuod ng mga kaibigan niya kung paano siya
napatay.
Nag-vibrate ang cellphone niya. Nagtext si Liezel at agad niyang
binuksan iyon.
‘D2 na me sa parking lot,nasaan ba u?’
Tumingin siya sa labas. Nakita naman niya ito. Napangiti siya.
Lumapit siya dito.
Napatili siya sa gulat nang may biglang sumulpot sa isang banda
at mabilis na sinaksak nito si Liezel sa dibdib. Napahandusay ito sa semento na
nakamulat ang mata.
Napaatras siya. Tumingin sa kanya ang naka-maskarang lalaki .
Hawak pa rin nito ang kutsilyo na may bahid nang dugo.
Akmang tatakbo siya nang biglang matalisod siya dahil sa taas ng
heels na suot niya. Pinilit niyang tumayo ngunit hinawakan nito ang buhok niya
at hinila.Naramdaman niya ang paglapat ng kutsilyo sa kanyang kanyang
leeg.
Ipinikit niya ang mata.
Tinanggal nito ang pagkakalapat ng kutsilyo sa kanyang leeg.
Akala niya ay hindi na nito itutuloy ang pagpatay sa kanya.Ngunit mas hindi
niya inaasahan ang sunod nitong ginawa.
Itinarak nito ang kutsilyo sa leeg niya tagos sa kanyang
lalamunan. . !
____________________________________________________________________
Natutop ni Cassandra ang bibig habang pinapanuod kung paano
pinatay ng serial killer si Liezel at Jinky.
Hindi niya makuhang makaimik lalo na ang gumalaw. Natakot
siyang baka marinig siya nito at isunod siya sa pinatay nito.
Nanginginig siya at pinagpapawisan sa nasaksihan. Nagtago siya
ng papaalis na ang killer. Mga ilang sandal pa ay lumabas na siya sa
pinagtataguan at lumapit sa dalawa na pawang kaibigan niya. Naaawa niyang
tiningnan ang mga ito.
Dali dali niyang kinuha ang cellphone at tinawagan si Diana na
agad naman nitong sinagot.
“Diana…”
“O, Cass, bakit?”
“Nasa bahay niyo ba ikaw?”
“Yup! Actually nandito si Cheerlyn at Mary ann. Napagkasunduan
kasi naming na gawin na lang ang assignment natin sa Management.”
“Pwede ba akong pumunta dyan?”
“Ofcourse ! Welcome ka dito.”
“Okay,I’ll be there at 15 minutes.” Pagkatapos ay pinutol
na niya ang tawag.
Mabilis niyang nilisan ang lugar na iyon. Hindi niya pansin ang
matang nagmamasid sa kanya.
________________________________________________________________
At Diana’s House.
“Guys, dadating daw si Cass!” excited niyang sabi kay Cheerlyn
at Mary ann.
“Talaga?” tanong ni cheerlyn.
Tumango siya.
“Tutal tapos na naman tong assignment,what if kung manood na lng
tayo ng horror film.” Suggest ni Mary ann.
“ Oo nga! May Wrong Turn ka bang movie,Dianne?” tanong ni
Cheerlyn.
“Yup. Hanapin nyo na lang dyan sa may case ng mga DVD.” Sagot
niya.
Maya maya ay dumating na si Cassandra. Mukhang wala ito sa
sarili dahil gulo ang buhok nito at parang may malalim na iniisip.
“Hey, Cass are you okay?” tanong niya dito.
Nagtuoy tuloy lang ito sa pagpasok hanggang maka upo sa sofa
kung saan naroon sina Cheerlyn at Mary ann.
“O, Cass bakit ganyan ang mukha mo?” tanong ni Cheerlyn dito.
Hind ito sumagot. Tanging buntunhininga ang sagot nito.
“Si Jinky at Liezel” Nagsalita din ito sa wakas.
“What about them?” tanong ni Mary ann .
“They’re dead.”
Nagulat kaming tatlo sa sinabing iyon ni Cassandra.
“What are you saying,Cass? Tumawag lang si Jinky sa akin ilang
saglit lang bago ka dumating.” Sabi niya.
“Hehehe,Is that a joke,Cass? Because if it is, I will be forced
to laugh.” Sabi ni Cheerlyn.
“ No,im not joking. Kitag kita ko kung anong nangyari.
Kakadating ko lang nun dahil may usapan kami nina Jinky at Liezel na magba-bar
hopping. Late kong nakadating dahil may inayos lang ako sa bahay. Sa prking lot
ako pumunta dahil narecieve ko ang text ni Jinkyna dun daw siya
naghihintay.Nakita ko pa ng bumaba si Jinky sa sasakyan niya para salubungin si
Liezel. Ngunit hindi ko inaasahan ng may biglang sumulpot nan aka maskara sa
isang tabi at sinaksak sa dibdib si Liezel. Pinatay din nito si Jinky. Nakatago
nun pero nasaksihan ko parin ang eksenang iyon na nagpakilabot sa kin. . .”
pagkukwento nito saka biglang umiyak.
Hindi sila nakahuma sa sinabi nito. Hindi nga ito nagbibiro.
Tumayo si Mary ann at nagpaalam na magpapahangin muna sa
labas.Sumunod ay si Cheerlyn na nagpaalam na magluluto lang ng makakain nila.
Naiwan silang dalawa ni Cassandra.
“You know, when I saw the serial killer parang pamilyar siya sa
kin.” Sabi ni Cassandra.
“What do you mean, Cass?”
“He stands so familiar to me. Yung tindig niya parang may
katulad. I just can’t recognized. But there’s something sure about the killer.”
“What?” tanong niya.
Tumingin muna ito sa kanya ng matagal bago nagsalita.
“He is not just into getting fame by killing. . . he is also
after us.”
Nagtigagal siya sa sinabi nito. There’s no doubt na matalino
talaga ito. May point na naman ang sinabi nito.
Ilang saglit ay nabasag ang katahimikan sa kanila dahil sa isang
sigaw. Galing iyon sa labas !
‘Si Mary Ann !’
Nagtakbo sila papunta sa labas. Nadatnan nila ang nakahandusay
na katawan nito sa damuhan. May saksak sa kaliwang dibdib nito at mulagat ang
mata.
Napasigaw silang dalawa ni Cassandra.
“Diana,tumawag ka ng ambulansya,bilis ! Humingi ka na din ng
tulong sa mga pulis !” tarantang utos nito sa kanya.
Agad siyang pumasok sa living room. Magda-dial na sana siya sa
telepono nang mapansin niyang putol ang extension nito.
‘Shit ! nakapasok na ata dito?!’
“D-d-diana…”
Lumingon siya.
Ganun na lang ang panghihilakbot niya ng malingunan si Cheerlyn.
Hawak hawak nito ang leeg na may hiwa at patuloy ang pag agos ng dugo nito sa
leeg.
“Cheerlyn…”
Tuluyan na itong natumba sa sahig. Napatili siya.
Mabilis naman na dumating si Cassandra.
“Diana,anong nang -?” napatigilan ito ng makita si Cheerlyn na
nakahandusay sa sahig.
Nakulong niya ang mukha sa palad. Napaiyak na sya. Dinig din nya
ang paghikbi nito.Muli siyang tumingin sa nakahandusay na katawan ni cheerlyn
pagkatapos ay kay Cassandra.
Parang nawalan ng kulay ang mukha nya sa nakita sa likod ni
Cassandra.
Isang lalaking nakamaskarang puti na may dalang kutsilyo.
“ Cass . . . s- sa likod mo. .” nanginginig niyang sabi dito
Nagtaka naman ito at humarap sa likod. Sumalubong dito ang
kutsilyo na dala ng lalaki at nasaksak ito sa dibdib.
Sumigaw sya sa takot. Natumba si Cassandra at ang mata’y
nakatingin sa kanya. Ngunit nagawa pa nitong magsalita.
“T-takbo…ka na…”naghihingalong sabi.
Tumingin naman sa kanya ang lalaking nakamaskara at humakbang
ito palapit sa kanya.
Nagsimula na siyang tumakbo.
Dumaan siya sa back door ng bahay nila. Muntik pa siyang
maabutan nito ng matalisod siya. Tuloy tuloy siyang tumakbo hanggang sa nasa labas
nila. Hingal na hingal na siya. Parang kakapusan na siya ng hininga sa
kakatakbo. Bumagal ang kanyang takbo.
Napansin niyang wala ng humahabol sa kanya. Tumigil siya sa
isang puno dun at huminga ng malalim.
‘Hay salamat wala na siya…’
Laking gulat niya ng bigla itong sumulpot sa tabi niya. Mabilis
siyang lumayo dito para tumakbo ngunit biglang nahagip ang kanang braso niya ng
tangkain siyang saksakin nito. Dahilan para matalisod siya sa damuhan.
Napapaurong siya ng makaupo.
“Sino ka ba talaga?! Ano bang kailangan mong hayop ka?!!” galit
niyang tanong dito.
Kung mamamatay na lang din siya ay lalaban na siya.
Bigla nitong inalis ang hood sa ulo nito at maskara sa mukha
nito.
Nanlaki ang mata niya ng makilala ito.
“Michael?” maang na tanong niya.
Hindi siya makapaniwala. Ito ang pumapatay all the time? Ngunit
papaano nito nagagawa iyo at bakit?
“Michelle ! yan ang name ko .Nagulat ka siguro no? You may not
believe that I can kill that easily.”
“Bakit?”
“Bakit? Tinatanong pa ba yan? Its very obvious that I want to
gain fame. And now I have it.”
“Pwede ka naman sumikat a.Hindi sa ganitong paraan. You are
killing innocent lives for Pete’s sake!” sabi niya dito.
“Im sorry, but this is the only way I could be famous.Not just
in our campus but also worldwide. Pinatay ko isa isa ang mga campus figure ng
Abraham University, kaya pag patay na kayo.Ako naman ang sikat.” Sabi nito at
tumawa pa na animo’y demonyo.
“Demonyong bakla!” sigaw niya dito.
“Say what you want since this is your last night on
earth,Diana!” tumawa uli ito.
Saka sinaksak siya sa tagiliran ng hawak nitong labaha.
Napasigaw siya sa sakit. Habang ito ay tuwang tuwa.
“Say goodbye to the world,Diana…” saka iniamba na siyang
sasaksakin uli nang biglang…
Napugot ang ulo nito.
Bagaman nanghihina siya , kita niya kung sinong gumawa nun.
Isang malaking lalaki na may maskarang itim at naka jacket. May
hawak itong bolo.
Narinig niyang nagsalita ito.
“.. nothing beats the original..” sabi nito saka muling
tumalikod.
Unti unting nagdilim ang lahat sa kanya. . .
____________________________________________________________________
“Anak, gising ka na !”
Pagkamulat niya ng mata niya ay natagpuan niya ang sarili sa
isang puting kwarto. Narinig niyang nagsalita ang mama niya. Tumingin siya
dito.
“Ma…” mahina niyang tawag dito
“Anak.,ayos ka na ba?” nag aalalang tanong nito.
“Okay na po,ma”
“Anak, you’re so fortunate dahil naligtas ka. Tanging ikaw lang
ang naabutan pang buhay. At tama bang ang serial killer ay si Michael De Pida?
E bakit pugot ang ulo niya?” tanong nito.
“Opo ma. Ikukwento ko na lang po sa inyo pag magaling na ko.”
“ O. sige,anak.Pahinga ka na lang muna” sabi ng kanyang
Mama.Binantayan naman siya nito.
Pumikit siya.
“Nothing beats the original”
Tama siya ng dinig. Iyon ang sinabi ng lalaking pumugot sa ulo
ni Michael bago pa siya patayin nito... Pilit niyang binalikbalikan ang sinabi
ng lalaking iyon.
May nabuong mga tanong sa isip niya.
‘Sino kaya siya? At anong ibig sabihin nito sa sinabing ‘nothing
beats the original?Isa ba siyang serial killer?’
‘Hmm. . mukhang hindi pa dito nagtatapos ang lahat…’
THE END
Like ko to. parang scream lalo na yung line sa ending na nothing beats the original ;) Good work.
ReplyDelete