The Ring
A Short Story
"Baby, I want a ring..." sabi ni Diether kay Alex.
"Why ring Baby?" tugon ni Alex
"Look..." sabay lahad ng kanyang kamay sa kasintahan
"Three years na tayo..." dugtong pa nito.
''Okay... I'll give you what you want..." pangako ni Alex
"Thank you Baby! I love you!"
Tatlong taon na silang nagsasama. Kung titignan mo sila, isa itong tipikal na relasyon. May saya, lungkot, away, bati, suyuan.
Wala talagang relasyong walang imperfections.
Si Diether.
Maloko siya. Lagi siyang nakakapagpatawa ng ibang tao.
He's also smart.
Isang volleyball player. Gwapo pa.
Thoughtful and sweet.
Kaso, suimpungin.
Mabilis magbago ang mood. And he's very materialistic.
Para sa kanya, maipapakita lang ng isang tao ang pagmamahal sa pagbibigay ng mga bagay na gusto niya.
SI Alex.
Gwapo.
Matipuno.
A total gentleman.
Sweet and caring siya when it comes to his special someone.
Lagi siyang nag-aalala sa taong pinakamamahal niya kahit na saglit lang silang magkalayo
He's the man of everyone's dream.
He's perfect for someone who really deserves him
Yan ang mga katangian na nagustuhan nila sa isa't-isa....
Flashback
"Baby, I want us to be married already..." sabi ni Alex isang gabing magkasama sila
"Me too Baby... Gusto ko na ng assurance... " tugon ni Diether
"Para saan naman?"
"Para tayo na talaga forever... matagal naman na tayo... it's been already three years..."
"And besides, we deeply know each other...."
"So it means?"
"Yes Baby... magpapakasal na tayo...."
"Agad-agad? Di ka pa nga naga-ask eh..."
"Okay Baby... Wait for the date..."
End of Flashback
May 20, 2012
"Happy Birthday Diether!"
Paulit-ulit na bati ng mga tao sa kanya. Text man, wall post, tawag o personal.
Pero hindi parin siya binabati ni Alex
"Why Baby..." tanong nito sa sarili niya habang binabasa ang mga texts
Then the night came. It is one of the most important dates in his life.
His birthday.
Ginanap ito sa isang clubhouse.
Madami na ang mga bisita.
Medyo maingay dahil nasa gilid lamang ito ng highway. Sumabay pa ang maiingay na tugtugin sa party.
"Here's the celebrant!" sabi ng Emcee
"Are you ready to open the gifts?" tanong pa nito
Tango lamang ang isinagot niya.
Napansin niya ang isang malaking asul na kahon. Mula ito kay Alex.
"Bakit ganon? Nandito yung regalo niya pero wala siya?" tanong nito sa sarili niya
Isa-isa niyang binuksan ang mga regalo. Natuwa naman siya sa mga natanggap niya.
Huli niyang binuksan ang regalo ni Alex, pero bago pa man niya tuluyang mabuksan ito...
"Mr. Celebrant, may naghihintay po pala sa inyo sa labas..." sabi ng Emcee
"Sino naman po?" tanong ni Diether
"Tignan niyo nalang po..."
Nagtaka naman ang mga bisita at maski na rin si Diether.
Lumabas siya.
Kinakabahan.
"Baby! Happy Birthday!" magiliw na bati ni Alex sa kasintahan pagkalabas nito.
Agad naman tumakbo si Diether palapit kay Alex upang yakapin ito.
Matagal silang nagkayakap.
Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid nila.
"Look up Baby...."
Bigla naman may pumutok.
Isang firework.
Napaiyak naman si Dietehr sa nakita.
"What are you waiting for? Buksan mo na yung gift!" sabi ni Alex.
Binuksan ito ni Diether, ngunit mukhang hindi siya masyadong nasiyahan sa nakita.
Isang Teddy Bear.
Inihagis niya ito sa pagaakalang makakatanggap siya ng singsing mula sa kasintahan. Ikinagulat ito ng mga tao. Malapit na kasi sa mismong highway ang Teddy Bear
"I thought you'll be giving me a ring?" sabi ni Diether
Lumapit si Alex sa Teddy Bear at akmang pupulutin ito
"Yakapin mo kasi mu-----"
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Baby,
Happy Birthday!
Alam kong hindi mo nagustuhan yung regalo ko... Pero diba sabi nga, 'Don't judge a book by it's cover'?
Kung hindi mo pa yan nayayakap, pwes gawin mo na ngayon Baby...
Nasa ospital sila Diether ngayon.
Kasalukuyan niyang binabasa ang sulat na kalakip ng regalo ni Alex sa kanya.
Niyakap niya ang Teddy Bear sa unang pagkakataon.
Lumabas ang isang singsing.
Will you marry me?
Biglang sabi ng Teddy Bear. Naka-record ang boses dito ni Alex.
Napaluha naman siya sa natanggap.
Don't cry Baby... Alam ko naman iiyak ka kapag nalaman mo na talaga yung totoong regalo ko...
As I have promised, bibigyan kita ng singsing.. And diba kelangan mag-ask pa ako? SO ayan na...
Will you marry me?
Nilapitan niya si Alex na nakaratay sa higaan... Walang malay...
"Yes Baby...." lumuluhang sabi nito habang hawak ang kanyang kamay. Ginawaran din niya itop ng isang halik
Naka-set na ang lahat Baby... Bukas na bukas din ang kasal natin...
So, rest now Baby... I love you! I lvoe you soooooooooooooooooooooooo much! Magiingat ka palagi ha? Don't be so stubborn. Take good care of your self. Bukas, madadagdagan ang special days ng buhay mo :) I love you soooooo much!
Baby ;*
Lalong pumalahaw ng iyak si Diether. Laking panghihinayang niya sa nangyari.
Isinuot niya ang singsing. Kapareho nito ang singsing na suot ni Alex. May tig-kalahating puso na kapag pinagdugtong mo ay magiging isa.
"I love you Baby..." at niyakap niya si Alex
Wala siyang ibang magawa kung hindi alalahanin ang lahat ng nangyari sa kanila.
"It was our first date... Actually, nakakahiya tayo nun... natapon ko kasi syao yung gravy...at sakto pa sa pants mo...tawa lang tayo ng tawa..."
"Tapos, may time na pumunta tayo sa bar... It was my 23rd birthday... sabi mo, mag-c-CR ka lang... pero, nagpunta ka sa stage... bigla mo akong kinantahan... If I'm not mistaken, Your Guardian Angel yung kinanta mo..."
"Pauwi tayo nun... galing sa isang party ng close friend natin.. Sa sobrang kalasingan, natapilok ako. Hindi ko kinaya ang maglakad pa... So, in the end, binuhat mo ako papunta sa bahay... Inasar mo pa ako na parang tingting lang ang buhat mo..."
"Nasa Boracay tayo noon... Nagpaunahan tayong makalangoy sa malayo.. Pero bila kang sumigaw... Nalulunod ka na nun... Nilapitan angad kita... Pero, ginugood time mo lang pala ako... Tsaka ko lang naalala nun na gold medalist ka pala sa swimming kaya there's no chance to have a reason para malunod ka..."
"Buong vacation every year, magkasama tayo... pumupunta tayo sa iba't ibang lugar just to watch the sun rise and set..."
"Sa lahat ng concerts ng favorite artists natin, naonood tayo ng sabay..."
"Sa bawat laban mo sa basketball, nandun ako. Ikaw naman, nandyan lagi kapag may competition ako..."
"At marami pang ibang nangyari... pero eto ngayon, birthday ko... bukas kasal na natin..."
Biglang tumigil sa paghinga si Alex. Tumunog ang respirator.
Ilang sandali pa...
"Time of death: 12:51 A.M. May 21, 2012"
Sa araw sana mismo ng kasal nila, namatay si Alex.
Dumaan ang halos dalawang linggo, dumating na sa huling hantungan si Alex
''I loved this guy so much. No other words can explain my feelings for him. May 21, kasal na dapat namin. Pero dahil sa akin, nawala siya. Dahil sa paghagis ko sa Teddy Bear na 'yun, nasagasaan siya ng truck. Sobrang pagsisisi ko. Napaka-materialistic ko kasi. Kung hindi ko sana hinagis yun, baka kasama ko pa siya ngayon. Baka nagsasaya na sana kami ngayon. Pero huli na ang lahat. Heaven knows how much I love him."
Iyan ang mga huling mensahe ni Diether sa misa para kay Alex.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Minsan gusto kong titigan ka...
Minsan naman gusto kng kausap ka...
Pero madalas gustong gusto kong kasama ka...
Minsan naman gusto kng kausap ka...
Pero madalas gustong gusto kong kasama ka...
Pero dahil wala ka na, ang kaya ko na lang gawin ay ang isipin ka...
Mahal na mahal kita...
Bigla naman tumugtog ang isang kanta sa paligid niya habang nakaupo sa harap ng himlayan ni Alex
Your Guradian Angel...
WAKAS
Author's Note
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hello ;) So, here's another short story. Hindi ko pa po kasi ma-a-update yung When A Gay Man Loves, kaya ito muna... Medyo naging mahirap kasi para saking yung linggo na 'to... Kakagaling lang kasi sa break up... Sorry sa mga mapapaiyak...
Enjoy reading!
Leave your feedbacks ;D
i so love the flow of the story, minsan talaga sa buhay dapat mo pahalagahan at mahalin kung ano ung meron ka now. Wag mo isipin o bigyan ng halaga ung mga bagay na wala ka.. Kc bandang huli malalaman mo lang ung totoong halaga ng isang bagay o tao kung wala na xa.. Make the best out of everything..nakakaiyak super EKSAHERADA hehehe.. Robz 26yrold here, i love you my bestfriend slash my other half my baby LANCE..14yrs na kami magbestfriends and now 3months pa lang kami oficialy magpartner hehehe.. Guys, Wish us hapiness...i hope ma share ko ung lovestory namin ni lance hehehe..1 of dis day :)
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
DeleteTama Kuya Robz :D Sana tumagal pa po kayo ni Kuya Lance :) (May Kuya na talaga eh 'no?)Hmm, good luck po sa relationship niyo :) Thank you for reading :D
Deletekapag talaga emotional ang writer at the current, di rin maiwasan ang magsulat ng malungkot..tsk..parang ganito rin yung story ng father and son..the father gave his son a bible with the same price as the car the son had wanted..tsk..
ReplyDeleteTama! In this way, nakakapagexpress din po kasi ng emotion.. kesa naman humagulgol magdamag, magsulat nalang ng story... nailabas ko na hinanakit ko, nakapagbigay pa ko ng story for the readers. Thank you for reading :D
Deleteyup! i remember nga pla ung FATHER AND SON story. haizt buhay nga aman, ang pasisi laging nasa huli. parang related dun sa ipinost ko sa fb ko khapon na message.
ReplyDeleteKasi naman si Diether, hinagis pa yung teddy bear :( ... Thank you for reading :D
Delete:( teary eyed na naman ako.. di ko matanggap ang pangyayari..bakit pa kailangang mamatay ni Alex? :(
ReplyDeleteganun po talaga Ate Marshy :) Para matuto din si Diether... At si Alex naman po, biktima lamang ng aking malikhaing isip :) Thank you for reading :D
DeleteOh.em. Grabe kalungkot nmn. I like the story.
ReplyDelete