Way Back Into Love
(Chapter 1- Chapter 13)
Rogue Mercado
Site: www.roguemercado.blogspot.com
**********
Way
Back Into Love
Chapter
1
Rogue
Mercado
*****
"Ang ganda naman niyang tinutugtog
mo."
Umanagat ang ulo ng lalaking kanyang
tinutukoy. And the guy flashed his killer smile. Yung tipong lahat ng babae o
pusong babae na makakakita noon eh panghihinaan ng tuhod at kakabog ang dibdib.
"Moks kanina ka pa ba diyan?"
tanong nito
"Hindi naman Moks" tugon niya
dito.
"Halika kantahin natin ng
sabay?" mungkahi ng lalaki sa kanya.
"Haha. Kahit kailan... Red
Antonio.. hindi ka talaga nagsasawa sa kantang iyan" pang-aalaska niya sa
matalik na kaibigan.
"Adrian Dela Riva slash... Moks...
Kahit kailan hindi ako magsasawa sa kanta na to. Alam mo yan" pagsalungat
naman ni Red sa kanya
"I Know Right? Eh yan na yata ang
Lupang Hinirang ng buhay mo eh? Sabi mo sa akin Theme Song natin yan tapos
nalaman ko na lang yan rin pala theme song niyong dalawa ng girlfriend mo"
kunwari ay nagtatampo siya dito pero alam naman niyang paboritong talagang
awitin ni Red ang kantang iyon. Samakatuwid eh ito pa nga ang nag mungkahi na
iyon na ang official theme song nilang magbest friend. Tulad niya ay musically
inclined rin itong si Red. Nakahiligan na nilang kumanta dahil simula bata pa
sila, itong si Red ay sumasali sa amateur singing contests sa barangay nila
samantalang siya eh member ng choir. Divine Diva lang ang peg. Char.
But seriously, musika talaga ang
nagbond sa kanilang dalawa bukod sa pagiging magkapit bahay nila at hindi
maitatangging close ang pamilya nila. Kaya nga ito rin mismo ang pinaka unang
taong nakatanggap ng sekswalidad niya. Si Red, ang kanyang bestfriend ang
siyang pinaka unang taong sinandalan niya when he decided to come out of the
closet. High school siya noon and that was a critical phase of his life dahil
saka niya naamin ang katotohanan sa sarili niya kung kailan pa alam ng lahat na
straight siya. Pero hindi niya pinagsisisihan iyon at laking pasasalamat niya
na nandyan ang matalik na kaibigan niya para damayan siya... sa hirap o
ginhawa.
"Nagseselos ka Moks?" biglang
pagbasag nito sa kanyang pagbabalik tanaw. Itinigil nito ang pagtugtog ng piano
at bumaling sa kanya. At ang loko ngising demonyo lang talaga.
Bigla naman siyang namula ng todo sa
sinabi nito. Paano naman kasi eh simula ng inamin niyang hindi siya straight
ito talaga mismo ang nang issue na baka nagka gusto na siya rito. Dun siya
nahihiwagaan kay Red. Inaasahan niya kasi na bigla na lang tong iiwas o kaya
pandidirihan siya pero ito mismo ang nagsabi na tanggap siya nito kahit sino pa
man siya at siya lang ang Moks niya. Pwede siyang kiligin. Pero alam niyang
hindi pwede dahil una sa lahat straight ito at walang posibilidad na magkagusto
ito sa tulad niya. Sadya lang talagang alaskador tong best friend niya.
"Alam mo Mr. Red Antonio.. Ngayon
ko lang napatunayan na ang kapal talaga ng pagmumukha mo" pagtataray niya
dito sabay irap ng mata niya. Sa totoo lang yung tawagan nila ng Moks, eh
galing sa expression niya na makapal ang mukha.
Ok din naman si Red if you have to
exclude his gender preference. Sa edad 17 eh di maikakailang matipuno na ang
pangangatawan nito. Kayumanngi ang balat nito at ang katamtaman ang iksi ng
buhok, lalaking lalaki kumbaga.
"Nagseselos ka eh..." pilit
pa rin na Red na ngayon ay nagsisimula ng humakbang papalapit sa kanya.
"Hindi ah!" pinagsalikop niya
ang kanyang dalawang braso para lang ipakita na hindi siya interesado sa
pangaalaska nito.
"Moks alam ko... Nagseselos ka
eh" wika nito na kanina pa pala nakalapit na rin ito sa kanya.
At sa puntong ito eh nakatitig sa kanya
ng mariin si Red. This is what he hates the most, yung tititigan siya nito na
parang wala ng bukas! Sa lahat ng taong nakilala niya si Red lang kasi yung
alam niyang may matang ganun yung tipong pag masaya ito o malungkot sobrang
expression ang makikita mo sa mata nito. Kaya sinisikap niyang iwasan ang mga
titig nito just to avoid sending him a message. Ayaw niya namang isipin na
totoo nga ang hinala nito na nagkakagusto siya dito.
"Assuming much lang? Sabi ng hindi
eh" tinalikuran niya to para hindi niya salubungin ang mata nito.
"Eh bakit hindi ka makatingin sa
kin ng diretso?" nanunukso pa rin ang boses nito.
Hindi na siya nagsalita dahil totoo
naman eh. Sa hindi maipaliwanag na dahilan eh ayaw niyang tumingin dito ng
diretso kapag nanunukso ito ng ganun. Pumunta ito sa harapan niya at nangiinis
na naman na tinititigan siya.
"Sabi ko na nga ba nagseselos ka
eh... Sige ibahin na lang natin ang theme song natin.. Ahm Bawal na Gamot na
lang kaya" sinabayan nito ng nakakalokong tawa ang nakakatwang suhestiyon
nito.
Hindi niya napigilang tumawa na rin sa
pinagsasasabi nito. Bestfriend niya nga talaga si Red. He never fails to make
him laugh kaya nga ganun na lang ang pagpapahalaga niya sa kaibigan.
"Oh eh bakit naman Bawal na
Gamot?" tuloy pa rin ang pagtataray niya kahit natawa na siya sa sinabi
nito
"Kasi ako iyong Bawal at ikaw ang
Gamot ko Hahaha.... O tingnan mo kahit sa kanta perfect match tayo... tayo na
lang kaya?"
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib
niya ng marinig ang mga huling sinabi nito. Hindi niya naiwasang pamulahan ng
mukha sa sinabi nito. Sa tagal ng panahon na lagi siyang inaalaska nito ng
ganun eh noon lang nito sinabi ang mga katagang iyon. Kumbaga sa musika para
siyang na LSS sa sinabi nito "tayo na lang kaya?"...tayo na
lang kaya?"...
"Whatever that is so illogical..
Ano naman kaya yun? Bawal tapos Gamot.. Anong konek? Nakatira ka yata ng
Marijuana." singhal niya dito kahit sa totoo eh kilig na kilig yata siya
sa pinagsasasabi nito. Ito ang kauna-uanahang pagkakataon na lumakas ang
pagkabog ng dibdib niya sa pangaalaska nito.
"Ah illogical pala ah.. Eh bakit
ka namumula? Saka bakit hindi ka makatingin sa kin ng diretso Moks?"
hinahawakan na nito angmukha niya at pilit na na pinupwersa na ilihis patungo
sa mga mata niya
"Aray! Red Antonio Ano ba! hindi
ka na nakakatawa!" nagsisimula na siyang mairita sa pang aalaska nito.
Pero hindi natinag si Red at talagang
pinihit ang ulo niya.
"Ayan nakatingin na siya sa akin
tapos nagba blush pa" tawang demonyo ni Red habang tinititigan siya.
"Moks naman kasi eh!!!" para
siyang kawawang sisiw na nagmamaka-awang palayain ng lawin. Syempre kung
pisikalan ang usapan, talo talaga siya dito.
"Wag mo ng pilitin kumawala...
Ayaw mo talaga akong tingnan Moks? Sayang o ganda ng view" sabay kindat sa
kanya ni Red na talagang nagpapa torete na sa pagkabog ng dibdib niya.
"Ayaw nga Moks eh... Please ayoko
ngang tingnan ka.. Nasisira kinabukasan ko" nagmamaka-awang
nagtataray lang siya ng mga oras na iyon.
"Ah ganun pala ah sige mas lalo
kung sisirain kinabukasan mo!" giit nito sabay hapit sa kanya sa baywang
at yakap sa kanya.
Nagulantang siya at hindi niya
napigilang manlaki ang mata. Sa tinagal tagal ng pagiging magkaibigan nila eh
ngayon lang siya nakalapit ng ganito sa katawan ni Red. And he can feel his
warmth.
"O ayan.. ayaw mo pa kong
tingnan?" seryosong bulong ni Red na ngayon ay titig na titig sa kanya. Sa
di maipaliwanag na dahilan eh alam niyang parang kinakapos na rin Si Red sa
paghinga. Nararamdaman niya ang init ng hininga nito.
"Ayaw!!!' sumigaw siya para
madistract ito.
"Eh yung bawal na gamot ayaw mo
yun?" si Red
"Ayaw!" simangot niya dito
"Eh ako Moks?... ayaw mo na
sakin?" tila naglalambing lang ito sa kanya na para bang magkarelasyon
sila. Kung hindi lang proven na straight itong si Red eh matagal na niya itong
pinaghinalaan. Lalo na ngayon na kakaiba ang pinag-gagagawa nito.
Nagdalawang isip na tuloy siya kung
anong sasabihin niya.
"Moks naman eh... Naiinis na
ko!!!" sigaw niya ulit dito. Talagang para lang silang tanga sa ayos nila.
Ang braso nito ay nakayapos sa kanya kaya at isa naman ay nakahawak naman sa
likod ng ulo niya.
"Ok... Relax.. To naman para
naglalambing lang eh. Ang sungit pero ang sarap" tatawa-tawang sabi nito
sa kanya sabay bitiw sa katawan niya
"Anong sarap pinagsasasabi
mo?" baling niya dito
"Ang sarap asarin? bakit anong
sarap ba iniisip mo Moks?" balik tanong nito sa kanya.
Napatingin siya dito at hindi siya
nagkamali. Ngiting demonyo na naman ang loko.
"Ewan ko sa iyo aalis na ko... Una
na ako sa school." tinalikuran niya ito at akmang kukunin na niya ang bag
nang pigilan siya nito.
"Oh sandali....sandali.. Relax..
Sus... Hindi ka na malambing Moks ah.. tatanda ka ng mabilis niyan sige
ka" pagpigil ni Red sa kanya ng tangkang hahablutin na niya ang bag sa
ibabaw ng piano.
Talagang hindi kumpleto ang araw ni Red
pag hindi niya naaalaska si Adrian. Kahit ganun ito ay kumportableng
kunportable siya sa rito at sa sekswalidad nito. Noong mga panahong inamin nito
sa kanya ang tunay na pagkatao nito ay hindi niya maitatangging nabigla siya,
akala niya kasi eh ang pagkalampa at pagkalamya ni Adrian eh pansamantala
lamang. Hindi niya akalain na pusong babae talaga ito. Hindi niya rin
maikakaila na isang bahagi ni isip niya ay gusto ng mailang dito ngunit
nananaig pa rin ang pagiging matimbang nito sa puso niya. Hindi na yata siya
makakahanap ng sobrang bait as in sobrang bait na kaibigan tulad ni Adrian.
Noong niligawan niya ang girlfriend
niya eh si Adrian ang ginawa niyang mastermind ng lahat ng plano sa panliligaw.
Kung tutuusin mas lalaki pa ito sa kanya pag dating sa mga bagay na ganun. Ito
ang nagturo sa kanya ng maaari niyang gawin para mahulog sa kanya si Sabrina,
ang girlfriend niya ngayon at syempre si Adrian din ang dahilan bakit napasagot
niya ito. May mga pagkakataon pa na hinarana niya sa isang restaurant ang
girlfriend niya at si Adrian ang pinag gitara niya. Pareho kasi silang mahilig
tumugtog ng kung ano-anong musical instruments at higit sa lahat mahilig silang
kumanta. Naaalala niya rin yung isang punto na pinag suot niya ito ng
Santa Claus costume noong nakaraang pasko at alam niya ang dinanas nitong hirap
para magsuot ng patong patong na damit at sumayaw sayaw sa harap ni girlfriend
niya. Kaya pinagpapasalamat niya na sa dinami dami ng tao sa mundo si Adrian
yung ibinigay ng Diyos sa kanya na maging matalik na kaibigan.
Pinagmasdan niya ng maigi ang matalik
na kaibigan habang umuupo ito sa sa harap ng piano. Sa totoo lang, hindi naman
magpapahuli ang kaibigan niya kung hitsura din lang ang paguusapan, yun nga
lang napaka -conservative ng hitsura nito. Yug buhok,nahati sa gilid at kung
hindi niya alam na wax ang ginagamit ni Adrian eh baka napagkamalan niyang
pomada ang gamit nito. Suot suot nito yung oversize sigurong eyeglasses gawa ng
may sira ito sa mata. Ilang beses na niyang kinumbinsi na mag contact lense na
lang ngunit tumanggit ito. Mas komportable daw ito sa eyeglasses niya.
Tinatawag niya nga itong "Ninoy" minsan dahil sa magkaparehong
magkapareho ang sukat at hugis ng salamin nito sa yumaong senador.
Sa tuwing magkakasama sila nito, pinaka
paboritong bonding nila ang kumanta habang tumutugtog ng piano o kaya naman pag
lalabas sila at yayayain niya ito eh mag vi-videoke sila. Masaya siya pag
kasama niya ang matalik niyang kaibigan at hindi siya mapakali kapag hindi niya
makita kahit anino man lang nito.
"O ano na?" agaw atensyon
nito sa pagmumuni-muni niya
"Anong ano na?" balik tanong
niya kay Adrian.
"First day natin sa college? Ayaw
ko naman malate tayo Moks no.. Tara na!" pangungulit nito sa kanya.
"Moks naman, may 10 mins pa tayo
isang tricycle lang naman yun. Excited ka lang? o Excited kang makita
siya?" may halong konting pagdaramdam ang tanong niya dito.
Sa totoo lang ewan ba niya kung bakit
nagagawa niya ang mga bagay bagay na ganun pag nandiyan na ang best friend
niya. Minsan nga nagdududa na rin si Sabrina sa attachment niya kay Adrian at
pinagselosan ito. Hindi pa naman umabot sa punto na nag away sila ng gf niya
pero ang alam niya ay masaya siya pag naaasar niya ito. Pano hindi niya matiis,
ang cute kasing tingnan lalo na pag umuusok na ang ilong nito sa galit.
Nabigla naman si Adrian sa tanong ni
Red ngunit pinili niyang ipagkibit balikat ang nais tumbukin ng tanong nito
kaya pinagpasyahan niyang ipagpilitan na umalis sila.
"Ang gusto ko lang naman Moks eh
seryosohin natin ang college kasi ibang iba siya sa high school
diba?"paglilihis niya rito.
"Ok fine, Mr Dela riva este Moks
ko... Ikaw na ang boss punta na tayo pero..." pambibitin nito sa kanya.
"Pero???" taas kilay na tugon
niya dito
"Syempre Bonding muna!" sagot
ni Red habang pinatugtog ng daliri ang piano.
Napapangiti siya tuwing ito ang
nakaka-alala ng 'bonding'. Yun yung tawag nila sa sabay nilang pagkanta bago
pumasok sa eskwela. Ritwal na yata nila yan. Ewan. Siguro sanay lang sila ni
Red na pinapagaan ng musika ang buhay.
"Ok pero punta na tayo after?
Ok?"
"Ok sure!" excited na sagot
nito at agad na tinipa na ang piano. Sinimulan niya ang kanta.
"I've been living with a shadow overhead, I've been
sleeping with a cloud above my bed,
I've
been lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to
move on "
Tumingin
si Red sa kanya at pagkatapos ay nagpakawala ng isang ngiti.. Sinuklian naman
niya ito at kapagdaka ay sinimulan naman nito ang susunod na mga liriko.
"I've been hiding all my hopes and
dreams away, Just in case I ever need 'em again someday,
I've been setting aside time, To
clear a little space in the corners of my mind"
At pumailanlang ang boses nila at ang
tugtog na galing sa piano.
"All I wanna do is find a way back
into love. I can't make it through without a way back into love. Ooo
hooow "
"I've been watching but the stars
refuse to shine,
I've been searching but I just don't
see the signs,
I know that it's out there,
There's gotta be something for my soul somewhere"
There's gotta be something for my soul somewhere"
"I've been looking for someone to she'd some light,
Not somebody just to get me through the night,
I could use some direction,
And I'm open to your suggestions. "
"All I wanna do is find a way back into love.
I can't make it through without a way
back into love.
And if I open my heart again,
I guess I'm hoping you'll be there for me in the end!"
"There are moments when I don't know if it's real
Or if anybody feels the way I feel
I need inspiration
Not just another negotiation"
"All I wanna do is find a way back into love,
I can't make it through without a way back into love,
And if I open my heart to you,
I'm hoping you'll show me what to do,
And if you help me to start again,
You know that I'll be there for you in the end"
And if I open my heart again,
I guess I'm hoping you'll be there for me in the end!"
"There are moments when I don't know if it's real
Or if anybody feels the way I feel
I need inspiration
Not just another negotiation"
"All I wanna do is find a way back into love,
I can't make it through without a way back into love,
And if I open my heart to you,
I'm hoping you'll show me what to do,
And if you help me to start again,
You know that I'll be there for you in the end"
Natapos ang kantang napangiti silang
dalawa. Ngunit biglang sumeryoso ang mukha ni Red habang nakatitig uli sa
kanya.
"O anong meron Moks? Ayan ka na
naman ah, may dumi ba sa mukha ko?" sabad niya dito na titig na titig pa
rin sa kanya.
"Kasi..."
"Kasi?..." tanong niya dito
Hindi siya nakakuha ng sagot ngunit
nakatitig pa rin ito sa kanya na waring tinitimbang ang kanyang susunod na
reaksyon kapag itinuloy nito ang sasabihin niya.
"Kasi Ano Red Antonio?"
pagpupumilit niya dito ng walang nakuhang sagot
"Kasi Moks pag kinakanta mo yung
theme song natin.. Gu..gusto kong kalimutan na best friend kita... kahit
sandali lang" seryosong pagpapatuloy ni Red sa sinabi niya.
Hindi siya makakilos sa
kinauupuan at ang pagkabog ng dibdib niya ay unti -unti bumalik. Nakatulala
siya at ngayon ay sinasalubong ang titig ng best friend niya. Parang inaarok
nila ang gustong sabihin ng isat-isa hanggang sa namamalayan niyang pilit
tinatawid ni Red ang distansiya sa pagitan nila. Titig na titig pa rin ito sa
kanya at ng akmang bababa na ito para gawaran siya ng isang bagay na ni sa
hinagap ay hindi niya akalaing posibleng mangyari sa pagitan nila.
"Ahem!" basag ng isang
baritonong boses sa tensyon na namamagitan sa kanila.
Para siyang binuhusan ng isang baldeng
yelo. At nang tingnan niya si Red ay alam niyang bigla itong namula at parang
hindi alam ang gagawin.
"Ah bro nandito ka na pala...
Papunta na rin sana kami ni Moks sa school.. Tamang tama sabay na tayo"
wika ni Red sa kakapasok na lalaki.
Humakbang ang kakapasok na lalaki
papunta sa kinaroroonan nila. Nalilisik ang mata nito at hindi man lang
nagaksaya ng panahon na sagutin ang sinabi ni Red. Pagkarating na pagkarating
sa kanilang kinauupuan ay agad na hinablot nito ang kamay na Adrian at
pwersahang pinatayo.
"Get you ass up there at pumunta
na tayong school. I went to your house para daanan kita pero nandito ka lang
pala....... hon" malamig na bati nito sa kanya. Halatang naiinis sa
naabutan niya
"Ahm Jake kasi.." nauutal
niyang tugon dito
"Jake?" putol nito sa
paliwanag niya
"Im sorry hon... nakalimutan ko
lang kasi na pupunta ka pala sa bahay"
"Enough of your excuses lets
go...... bago mo pa makalimutan na may boyfriend ka" singhal nito sabay
marahas na hatak sa kamay niya.
Walang nagawa si Adrian kundi ang
magpahila kay Jake. Panandalian niyang tinanguan si Red tanda ng pagpapa-alam
dito. Sinuklian naman nito iyon ng isang pagtango ngunit mababakas sa mukha
nito ang kalungkutan.
Kinuha na rin ni Red ang kanyang bag at
pumunta siya sa terrace ng kanilang bahay para tanawin ang papalabas na
magkasintahan. Huminga siya ng malalim at may ibinulong sa sarili.
"There goes my life and my
everything"
Itutuloy...
Way
Back Into Love
Chapter
2
Rogue
Mercado
Mabibigat ang yabag na nagsimula nilang lakarin ang daan papunta
sa kanilang unibersidad. Hindi pa nga nagsisimula ang klase eh para atang sira
na ang araw nilang dalawa. Jake Marcos is their high school campus crush, lahat
ng babae at bakla nagkakandarapa na yata dito. Masyado siyang matangkad at
matipuno sa kanyang edad at kung tutuusin eh magkakasing gulang lang sila nila
Red, ang kanyang bestfriend. But the yummy beefcake was revealed to be a
bisexual. Sinong mag-aakala na ang notorious na womanizer eh magkakagusto sa
kagaya niya, sa kagaya niyang nerd daw at parang may sayad ang utak. Pero
sinong mag-aakala na ang fairytale eh nagyayari sa totoong buhay. Kung saan ang
damsel in distress eh nakasuot ng oversized na eyeglasses, laging naka loose na
maong at walang korona samantalang ang knight and shining armor eh laging
nakasuot ng V-neck na tshirt at spike ang buhok. Nasa ganoon siyang pagiisip ng
unti-unting tangayin ng nakaraan ang kanyang pag-iisip.
"Hoy baklang ladlad, musta na buhay" bati sa kanya
minsan ng isang estudyanteng siga sa kanilang eskwelahan.
Hindi niya ito pinansin at patuloy na naglakad. Kung bakit kasi eh
hindi niya kasama si Red ngayon. He was the President of Supreme Student
Council at kahapon lang siya naiproklama. When he won, he gave his thank you
speech at kasabay niyon ang pag amin sa kanyang sekswalidad. Gusto niya kasing
magbigay inspirasyon sa mga kagaya niya na hindi hadlang ang sekswalidad ng
isang tao sa kanyang pangarap sa kahit anumang larangan.
Marami ang nadismaya syempre, akala nila kasi isa lang siyang
mukhang lalampa lampa lang na naging Presidente ng campus dahil sa talino at
pagpupursige yun pala may iba siyang pinaglalaban. Sa kabila nito, mas
matimbang ang mga taong nagpakita pa rin ng supporta. At ang ibang kaibigan
niya, ayun tinalikuran siya maliban na lang siguro kay Red, yung matalik niyang
kaibigan na unang nakaalam ng lahat.
"Hoy bakla kinakausap kita!" sigaw ng barumbadong
estudyante at hinawakan siya sa braso. Tantiya niya eh 4th year student ito
kaya ganun kaangas.
"Excuse me but this is not my thing if you have a complain
about me lets talk in my office" malumanay niyang tugon dito. Hindi siya
eskandaloso para patulan ito.
"Hanep ka pala ah, tangina mo tinalo mo yung kapatid ko sa
presidency eh kung tutuusin wala naman magagawa ang baklang katulad mo sa
school eh. Ano bang pinagmamalaki mo ah" umuusok sa galit na turan na
lalaking kaharap niya. Kaya naman pala ganun na lang ang galit nito sa kanya
dahil siguro sa pagkatalo ng rival niya sa kandidatura.
"You can always ask for a recount and
I believe that the results are valid" giit niya dito ngunit sa
malumanay pa ring boses
"Ah recount pala ah, recount mo yung mukha mo!!" sigaw
nito sabay igpaw ng kamao sa mukha niya.
Naginit ang kanyang pisngi at nararamdaman niyang parang mahihilo
na siya. Medyo nagdidilim na ang paningin niya nang maaninag niya ulit ang
lalaki na pumatong sa ibabaw niya and was ready to give him again a punch on
his face. Pumikit na lang siya, waiting for the next thing to happened.
At ng ilang segundo ay nakita niyang bumagsak ang lalaki sa
katawan niya. Naaaning niyang may dalawang kamay na bumuhat sa lalaking
sumuntok sa kanya na ngayon ay nasa ibabaw niya at napahiga.
He heard a conversation.
"Pagbabayaran mo ng malaki ang suntok na ginawa mo sa
kanya"
"Tangina! sino ka ba? huh?"
"Boyfriend niya! At tangina mo hindi mo alam ang kinakalaban
mo" sigaw nito sa lalaki sabay suntok dito.
Yun lang ang natatandaan niya and the next thing he knew, nagising
siya sa school clinic na may pasa sa mukha. And someone is holding an ice
bag and pressing it to his face.
"Aray! Red dahan-dahan!"sigaw niya sa matalik na
kaibigan, alam niyang ang matalik kaibigan niya ito pero ang weird lang kasi
bakit kaya nagpakilala itong boyfriend niya. He remembered the last
conversation
"Sorry! Ok ka lang ba? Masakit pa ba yung tama sa iyo?"
sagot nito sa kanya.
And he was stunned when he realized na hindi si Red ang kausap
niya kundi ang kaklase nilang si Jake. Jake Marcos is a silent student, sobrang
tahimik nito sa klase nila and everyone regarded him as an anti social. Gwapo
daw sana pero suplado.
"Ah yeah Ok na ko... Nandiyan ka na eh" mabilis niyang
sagot.
Saka lang niya na realize na he said a flirting line. Siya lang
siguro ang may pasa na nagagawa pang makipag landian.
"Haha Yeah and Im glad na nakita ko yung mokong na sumuntok
sa iyo, Mr. President" and he chuckled.
Yun na siguro yung pinaka magandang tawa na narinig niya. There is
something in his laughter na parang ang gaan gaan sa pakiramdam.
"Ano na pala nangyari sa kanya?"
"Well, he was sent to the guidance's office, I reported
him"
"Hindi ka na sana nag abala Jake, saka naiintidihan ko, galit
siya kasi natalo yung kapatid niya sa Presidency, Im really thinking to
withdraw on my post"
"Nagpapatawa ka ba? Eh di kung magreresign ka sa
pagkapresidente sinayang mo boto ko" pangongonsesnya nito sa kanaya
Lihim naman siyang kinilig sa pag amin nito.
"Well thanks at least nakilala ko yung isa sa mga bomoto
sakin. Im lucky enough na niligtas pa niya ako"
"Wala yun" pagpapakumbaba nito
Katahimikan.
Parang tinantantiya nila ang isa't isa nang may ilang segundong
nakayuko ito at nang mag-angat ang mukha ay nagtama ang kanilang mata.
"May tanong sana ako sa iyo Mr. President"
"Mr. President ka ng Mr. President... Adrian na lang.. Parang
hindi naman tayo magkaklase" tugon niya dito para maging kumportable sa
kanya.
"Sorry hehe... Adrian may tanong sana ako"
"Sure ano yun?"
"Narinig mo ba ang lahat ng sinabi ko kanina bago ka nawalan
ng malay?"
Naalala niya ang huling usapan bago siya mawalan ng
malay. "Boyfriend niya! At tangina mo hindi mo alam ang kinakalaban
mo" .... Sasabihin niya kaya dito? Maybe not. Nakakahiya baka naman iba
lang talaga pagkakadinig niya.
"Ahm Wa... Wala naman. Sobrang sakit na nung ulo ko nun
eh" pagsisinungaling niya.
"Ah sayang naman.." sagot nito na medyo malungkot ata sa
tugon niya
"Bakit ano ba iyon?" tanong niya dito
"Ah? Wala... Wala ... nevermind" sagot ni Jake at
pagkatapos ay ngumiti ng makahulugan.
"O,k ako may itatanong sana ako" wala sa sarili na wika
niya rito. Lihim nga niyang pinagalitan ang sarili dahil wala naman talaga
siyang itatanong.
"Sure basta ikaw"
Namula ang mukha niya sa tinuran nito at mas lalo siyang
kinabahan. Ano ba ang itatanong niya talaga, eh wala naman siyang maisip.
Number ba? Fb account? Bago pa siya sa mundong ganito at hindi niya alam kung
anong gagawin sa sandaling kinikilig siya.
"Ah eh...Ahmmm ehh.." nauutal na sagot niya. 'Patay ...
nahihilo pa ata ako' bulong niya sa sarili
Nakita niyang nakakunot lang ang noo nito na nagaabang sa susunod
niyang sasabihin.
"Ahm... Naniniwala ka ba sa fairytale?"
Huli na ng marealize niya ang pinagsasasabi niya. Tanga-tangahan
lang. Epekto siguro ng sobrang hilo at sobrang review niya sa World Literature
nila. Kakainis. Kaya kinakabahan na inaabangan niya ang magiging reaksyon nito.
Tumawa to ng malakas. He seems amused sa sinabi niya. Samantalang
siyang pulang pula sa sobrang hiya.
"Oh huwag kang magblush and yes naniniwala na ko sa fairytale
and I think nakita ko na yung makakasama ko sa happy ever after" seryoso
nitong sagot sa kanya at bigla siyang kinindatan.
Kung sound system lang ang pagtibok ng puso niya malamang pwede na
siyang magpatayo ng disco bar. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Gusto
niyang sumigaw sa kilig ngunit tanging pamumula lang ng mukha ang senyales na
tuwang tuwa siya sa sinasabi nito.
"Ahem!"
Nasa ganoon silang tagpo ng pumasok si Red sa clinic. Kahit kailan
talaga panira lang ng moment ang best friend niya. Lihim niya itong inirapan ng
pumasok ito. Magkakaklase rin sila at nasa iisang section.
"Moks Ok ka lang ba" nagaalalang tanong nito sa kanya ng
makalapit sa kama niya.
"Yeah Ok lang ako, ahm buti dumating si Jake" sagot niya
dito
"Masakit pa rin ba Moks?" tanong ulit nito na hindi
pinansin ang sinabi niya. Sa eksenang iyon para ngang naa-out of place si Jake.
Tiningnan niya ito at seryoso lang nakamasid sa kanila.
"Ok na ako, actually dapat pumunta na tayo sa klase natin
at..." hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng akmang tatayo siya ay
bigla siyang natumba. Sinalo siya ni Jake at akma naman sanang sasaluhin siya
ni Red ngunit naunahan lang nito. Nagkatitigan sila ni Jake ng matagal. Sa di
maipaliwanag na dahilan eh parnag kanina pa namamagneto ang mata nila sa isa't
isa.
"Huwag mo ng pilitin kung di mo pa kaya" nagaalalang
wika ni Jake sa kanya. Pagkatapos ay inalalayan siya nitong humiga ulit. Pinili
na lang niyang maupo kaysa ang humiga. Pakiramdam niya kasi eh mas lalo lang
siyang mahihilo pag ganun ang ayos niya.
"Kaya ko naman siguro.. Ahm inom na lang siguro akong tubig..
Mawawala rin to"
Nakita niyang pumunta si Red sa water dispenser para kumuha ng
tubig at si Jake naman ay binuksan ang bag niya.
"Ito Moks oh" alok ni Red sa basong may tubig
"May energy drink ako dito kung gusto mo" nakangiting
alok din ni Jake sa kanya
"Pre, tubig nga raw diba" baling ni Red kay Jake
"Bka naman kasi Pre mas gusto niya talaga ng energy
drink" sagot nito kay Red.
"Bat, ano ba magugustuhan niya sa Energy Drink kung hindi
naman iyon ang kailangan niya?"
"Sa tingin mo ba mapupunuan ng tubig lang ang pangangailangan
niya?"
Nakita ni Adrian na pareho ng nakapwesto ang kamao ng dalawa.
Halatang kanina pa nagpipigil sa isa't isa. At maling galaw lang ng isa sa
kanila eh alam niyang gulo na ang kasunod.
"Tama na nga iyan, hindi na lang ako iinom. Maybe mamaya na
lang ako lalabas. Pahinga na lang ako" tumagilid siya ng higa at hindi
niya alam kung matatawa siya o hindi sa mga narinig niya. Parang baliw lang
talaga tong si Red at kailangan pa talagang makipag away. Kung tutuusin nga eh
hindi naman ito ganun ka over protective noon. Simula lang nung umamin siya sa
kanyang kasarian. Sabi nito eh kailangan daw eh pag may manliligaw sa kanya
kailangan pasado muna sa kanya.
And that was the start of it. Yun yung Once Upon a Time ng fairy
tale niya. He and Jake have been in a relationship since 3rd year until now.
"You seemed enjoying kanina" basag ni Jake sa pagbabalik
tanaw niya.
"Huh?" wala sa sariling tugon niya.
"I mean you and Red?" balik tanong nito
"Hon? Nagseselos ka ba?" tanong niya rin dito.
Naglalakad sila papuntang school imbes na mag tricycle, sabagay malapit
lang naman medyo mabilis lang pag nag tricycle sila
Hindi ito sumagot at mabilis na lumakad. Humabol naman siya para
maabutan ito.
"Uy hon!"
Tumigil ito at tinitigan siya sa mata.
"Yun na nga eh..." simula nito at sinabayan ng buntong
hininga. "Alam kong best friend mo si Red pero hindi ko maiwasang
magselos" pagamin nito habang nakatingin ito sa malayo.
"Hon naman" medyo natatawa siya sa ikinikilos nito. Pag
nagseselos kasi ito at inaamin sa kanya eh hindi makatingin ng diretso at
parang nahihiya. Kaya hinawakan niya ang kamay nito at pinisil tanda na wala
siyang dapat ipagalala.
"Ikaw kasi..." pinisil na rin ni Jake ang kamay niya..
"Wag ka naman magselos sa taong walang laban sa iyo"
paninigurado niya dito
"Kung hindi lang kita mahal eh" ngiti ni Jake ng marinig
ang sinabi niya.
"So tara na?" yaya niya dito.
Wala siyang nakuhang sagot dito at tinitigan lang siya nito ng
marrin.
"Hon naman eh, alam mo namang ayaw ko ng tinititigan
ako"
"Naniniwala ka ba sa fairytale?" bigla na lang tanong ni
Jake sa kanya.
Hindi niya alam kung matatawa siya sa biglaang tanong nito o
maguguluhan siya. Biglang bigla ay bumalik ulit ang eksena noong siya ang
nagtanong ng ganun.
"Bat mo naman natanong at saka bakit ganyan ka makatitig
hon?" tanong niya dito
"Gusto ko lang kasing i-ukit ang mukha mo sa isip ko para
lagi kong maiisip na hindi lang Once Upon a time nagkita tayo at magkakatotoo
ang happily ever after" sabay kindat nito sa kanya.
Sa isang sulok ay lihim na nagmamasid si Red at kung maaari lang
sana niyang sabihin ang isang bagay tungkol kay Jake eh matagal na niyang
ginawa. Lihim siyang napabuntong hininga.
Itutuloy....
Way
Back Into Love
Chapter
3
Rogue
Mercado
"Music is not a just a utility
when you had your stupid break up or when you want to play a song along with
your drunkard buddies. Music is a way of expression. Whether your sad, feeling
dull, excited, exaggerating, stupid, wants to be a murder or perhaps horny.
Music finds a way. Music is an art, literature and science in one. Music contains
evolution on how the history has been." mahabang litanya ng propesor nila.
They took Conservatory of Music in a
prominent University in their place. Ngayong first year pa lang sila eh wala pa
silang majors. Red would like to major in Piano dahil gusto pa nitong hasain
ang galing sa pagtugtog nito while Jake would major in Voice. Napagusapan na
rin nila ito bago pa sila tumuntong ng kolehiyo.
"Hon anong balak mong kunin pag ka
graduate natin" minsang tanong ni Jake sa kanya ng sila ay magrecess.
"Ahm... Hindi ko pa alam hon,
ikaw?" tanong niya ulit dito.
"Gusto ko sanang kumuha ng
Conservatory of Music hon.. pero mas gusto kong kunin kung anong course ang
gusto mo?" seryosong saad nito.
"Huh? Bakit naman hon? Kung ano
yung talagang gusto mo then you need to follow your heart"
"Well, alam mong utang na loob ko
sa iyo ang lahat kaya natutunan kong kumanta. Ang galing kasi ng voice coach
ko"wika ni Jake sa kanya sabay kindat at yakap. Nasa open field sila ng
oras na yun at naglatag lang sila ng kapirasong tela para mahigaan.
"Bola!" saway niya dito
habang itinatago ang pamumula ng mukha. Noong naging sila kasi ni Jake ay
nadiskubre niyang magaling pala itong kumanta. Minsan pag tinatawagan siya nito
sa telepono ay kinakantahan siya nito. And unexpectedly, laging "Way Back
Into Love" ang kinakanta nito sa kanya.
And when he knew about this hidden
talent eh kinumbinsi niya si Jake na sumali sa mga programs. From a single
intermission eh unti-unti itong nakilala as "Singing heartrob"
lumalakas kasi ang appeal nito kapag kumakanta. Minsan nga eh nagkakanda putol
na ang ugat ng mga babae at baklang humihiyaw sa pangalan nito kapag nagsimula
na itong kumanta sa entablado.
At siya naman, ayun. Kabilang sa mga
audience at kapag napapadako ang tingin nito sa kanya eh bigla itong kikidat at
ngingiti ng todo. Pag tapos nito ay pupunta siya sa back stage at siya ang taga
dala ng tubig, taga punas ng pawis at taga dala ng kung anong kailangan nito.
May isang beses nga rin na hindi ito nag perform sa isang programa nila sa
paaralan dahil lang sa hindi siya naka panood. Isa yata yun sa matinding pinag
awayan nila. At kapag ganung galit na ito ay tatahimik na lang siya dahil once
in a blue moon lang talaga ito magalit.
"Alam mong pagdating sa iyo lagi akong
seryoso" giit nito at saka siya niyakap. "Salamat at dumating ka sa
buhay ko Adrian. Salamat at totoong may fairytale" pagpapatuloy nito na
sinabayan pa ng kaunting hagikhik.
"Hon baka may makakita sa
tin" asiwa niyang tugon dahil nasa open field sila at hindi naman yata
nararapat na para silang normal na magkasintahan na nag P-PDA lang sa isang
beach.
"Hayaan mo sila hindi sila kasali
sa kwento natin" pagpupulilit nito na hinigpitan ang yakap sa kanya.
"Hon naman eh" reklamo niya.
"Wala naman tayong ginagawang
masama hon diba?" tanong ni Jake sa kanya na kumalas ng konti.
"Eh kasi...." namumula na
siya. Sa sobra ba naman kasing titig nito sa kanya.
"Oh baka gusto mo gumawa tayo ng
masama hon? haha" makahulugang tugon nito at sinabayan pa ng nakakalokong
tugon.
"Nakakapikon ka na Jake
Marcos" kunyaring singhal niya dito at tumayo na akmang aalis.
Ngunit mabilis ang mga kamay nito na
humila sa kanya para mapaupo siya ulit.
"Aray! ang sakit nun ah" wika
niya dito
"Alam mong nagiging Hitler ako hon
pag gusto kong gumawa ng masama" kinindatan ulit siya nito at niyakap ng
mahigpit.
Kinakabahan siya sa susunod na
mangyayari. Paano na lang kung may gawin ito doon at makita ng ibang tao?
Dahan-dahang bumaba ang ulo nito para
tawirin ang munting distansiya sa pagitan nila. Nakapikit ito. Napapikit na rin
siya. Nahihintay sa kung anong gagawin nito.
"Moks! Time na. Balik na tayo sa
room" biglang singit na Red na hindi niya namalayang nasa tapat na pala
nila. Nakangiti itong naka nakatingin sa kanilang dalawa. Nakita naman niyang
parang nadismaya si Jake. Ewan ba niya kung magpapasalamat siya kay Red sa
panahong ito. Simula nung naging sila eh hindi naman siya nakarinig ng kahit
anong pagtutol kay Red. Basta lang ito ngumiti at sinabi niyang masaya siya
para sa kanilang dalawa ni Jake.
Dahil sa nakaugalian nilang pagbanggit
sa fairy tale na yan eh minsan tinuturing na niyang witch itong si Red. Paano
ba naman kasi eh saka lang susulpot bigla yan sa mga panahong nagsasarili sila
ni Jake. Pambwisit lang eh. Ngunti sa kabila nito ay hinid niya minamasama ito
dahil alam niyang kapakanan lang niya ang iniisip ng matalik na kaibigan.
So ngayon, narito na sila sa isang
pamantasan para tuparin ng unti-unti ang kani-kanilang pangarap. Sinabi niyang
Conservatory of Music rin ang gusto niyang kunin kahit na may isang parte ng
katauhan niya ang gustong maging isang Nurse. Hindi niya alam kung bakit ngunit
parang gusto niyang tahakin ang landas na hindi kasama ang musika. Ngunit taliwas
sa kagustuhan ay una sa kanyang prioridad si Jake at dahil may alam naman siya
sa musika eh yun na rin ang kinuha niyang kurso.
Ngunit gaya ng ibang mga mag aaral na
nakakaranas ng krisis sa kursong pinili nila ay hindi niya maitatangging
nag-aalala rin siya sa sariling kapakanan. Gusto kasing mag major in Voice ni
Jake at hindi niya ata kakayanin iyon. Siguro nga ay nabiyayaan siya ng boses
ngunit hindi siya nabiyayaan ng kapal ng mukha para magpamalas ng galing sa
harapan ng libo libong tao.
Ayon sa kaniyang propesor, na siya ring
adviser ng NASUDI, grupo ng mga mang aawit. Iniluluwal daw sa kanilang klase
ang mga susunod na tagapag tanghal, mga susunod na titingalain sa campus, mga
susunod na babansagang the next big thing. Marahil ay totoo, dahil nung
acquaintance party lang nila ay nagtanghal sa harap ng mga freshman ang isang
graduating member ng NASUDI at para lang talaga itong artistang hinihiyawan
dahil na rin sa kalibre ng boses nito. Napag-alaman niya rin na may nag alok na
palang kumpanya para kunin itong talent at maging professional singer.
Naputol ang kanyang pagninilay nilay ng
may lumapit sa kanyang grupo ng mga lalaking nakasuot ng pink na T-shirt.
Kasalukuyan siyang nasa isang bench sa canteen.
"Ikaw ba si Adrian Dela Riva?"
tanong ng isa sa kanila. Sa tantiya niya ay senior ito at isa ring binabae.
Gayunpaman ay hindi mo mahahalata ito sapagkat napakalalaki itong kumilis. Yun
nga lang malakas lang talaga ang pang amoy niya. Call it gaydar. sigaw
ng isip niya. Ngunit ang mas malaking katanungan ay kung bakit nito alam ang
pangalan niya at anong kailangan nito.
"A... ako... nga po" tugon
niyang kinakabahan
"And you are GAY?" tila may
halong sarkasmo ang tinig nito
"Yes" maikli ngunit sigurado
niyang sagot. When he came out of the closet, he had never been sure in his
life like this before. Kaya pinapanindigan niya ang sagot niya sa tanong na
iyon.
"Ok great sumama ka sa amin para
huwag ka ng masaktan" mabilis na sagot nito at saka siya pintalikod at
pinosasan.
"What?" naguguluhang tanong
niya ng sunggaban siya ng mga lalaking kasama nito at hawakan sa braso para
hindi siya makagalaw. Matapos nun ay piniringan siya sa mata para hindi
niya makita kung saan man siya dadalhin.
"Saan niyo ko dadalhin"
mangiyak ngiyak na sigaw niya rito.
"Basta"
At nakarinig siya ng tawanan sa ibat
ibang sulok ng school canteen. Is this some kind of a joke? Or perhaps
this is what they called bullying in college? tanong niya sa sarili
habang lumalakad ng paunti-unti at inaalalayan ng dalawang kamay.
Makalipas ang ilang minuto ay pinahinto
siya sa isang lugar. Pakiramdam niya ay parang maraming tao at malamig ang
hangin na humahaplos sa kanyang balat.
Unti-unting kinalag ang posas sa
kanyang kamay ngunit nanatiling siyang nakapiring ng panyo.
Ok guys, before I proceed I would like
to welcome both of you to Pink Party.
Guys? Both? So hindi siya nagiisa dito?
Sino na naman kaya tong tulad din niyang nabiktima ng kalokohang ito? sigaw ng isip niya.
"Guys..." agaw atensyon uli
ng nagsalita kanina na siya ring hula niya na humuli sa kanya.
"Guys Pink Party is a Gender
Sensitivity day which means celebrating the individuality of each student. Kaya
naman we are here to witness a wedding as part of this celebration"
What? Wedding? At sino naman kaya ang
papakasalan kuno niya? sigaw ulit ng isip niya. Ngayon
alam niyang isa itong mock wedding at ang lahat ay kunwa-kunwarin lang bilang
parte ng selebrasyon Pink Party, isang university wide event kung saan
ginigising ang indibidwalismo ng bawat kasarian lalo na ang Third Sex.
"Tang ina nyo makawala lang ako
dito! lagot kayo sa akin!" boses na ito ng lalaki. Siguro ay gayan rin
niya ay basta na lang hinuli tio at piniringan. Tanging mga halakhakan naman
ang sinagot ng mga taong sa tingin niya ay nakapalibot sa kanila.
"Easy man! if you dont want this
to be hard for both of you and would like to get out of this you need to finish
the ceremony" boses ulit ito ng lalaking nagposas sa kanya. Waring
kinakausap nito ang lalaking sumigaw kanina.
"So if you want to see what we
have prepared for both of you, you can help each other to remove the
scarf" pagpapatuloy ng lalaki kanina at iginiya ang mga kamay nila sa
isa't isa. Nahahawakan na niya ngayon ang panyong nakapiring sa isang lalaki at
ganun din ito sa kanya. Lumakas ang pagtibok ng dibdib niya.
Syet ano ba tong pinasok ko? sigaw ng isip niya. Kanina pa nga siya natuturete kung sino ang
lalaking kaharap niya. At dahan dahan ay ibinababa na ng estrangherong lalaki
ang panyong nakatabing sa mata niya. Kaya napilitan na rin siyang gumalaw para
tanggalin ang panyo na nakatakip sa mata ng kaharap niya. Kasabay nito ay
biglang pumailanlang ang isang kanta sa background:
Its a Colbie Caillat Song.
Take time to realize.... that your
warmth is crashing down on in
Take time to realize.... that I am on
your side didnt I, Didnt i tell you?
At unti-unti ay naaninag na niya ang
misteryosng lalaking papakasalan niya.
"Moks?" pagkumpirma ni Red sa
kanya.
"Moks?" sabay niyang tanong
Ilang munton rin silang tulala sa isa't
isa habang ang mga tao ay nakapalibot sa kanila ay nagkakantiyawan. Lahat ng
mga ito ay naka suot ng t-shirt na kulay Pink na may kanya-kanyang tagline
lahat ay patungkol sa Gender Equality. Sa harap nila ay isang munting altar at
may isang pekeng pari na nakangiti sa kanilang dalawa. Habang patuloym pa rin
ang musikang maririnig sa kapaligiran.
If you just realize what I just
realized....
Then we'd be perfect for each other...
And we'll never find another ....
Just realize what I just realized ...
We'sd never have to wonder if we missed
out on each other now...
Lumapit ang lalaking sa may pakana ng
lahat at ibinigay ang bouquet ng rosas kay Red.
"O pre ano pang hinihintay mo,
ibigay mo na sa kanya" kantiyaw ng lalaki kay Red.
Dahan dahanng ibinigay ni Red ang
bulaklak sa kanya. Naguguluhan man sa nararamdaman ay tinaggap niya ito.
"O Red anong masasabi mo kay
Adrian" bungad ulit ng lalaki.
Kinuha ni Red ang microphone at
nagsimulang magsalita.
"Ahm.... Moks.. Hindi mo alam kung
gaano ko katagal hinintay ang araw na to. Kahit alam kong pagkatapos nito
masasaktan lang din ako" pagtatapos nito.
Namumula ang mga mata ni Red na
nakatingin sa kanya samantalang hindi magkamayaw ang mga tao sa pagsigaw sa
sobrang kilig.
"Ok so wag na nating patagalin pa,
seems like this is not a mock wedding after all" singit ng lalaki kanina
at saka bumaling sa kunwa-kunwariang pari na nasa harap nila. "Father
please proceed" pagbibigay senyales nito sa pari.
"Before I start this ceremony,
Gustong kong malaman kung may nasasagasaan ba tayong tao dito? At kung sino man
ang tutol ay maari ng magsalita at humakbang palapit dito' panimula ng pari na
parang totoong kasal ang magaganap.
"Ako!" sigaw ng isang lalaki.
At unti-unting naaaninag ni Adrian ang
taong tumatakbo papalapit sa altar.
Si Jake.
Way
Back Into Love
Chapter
4
Rogue
Mercado
"Jake?" sigaw ko nang
lubusang makita siyang humahangos. Nakasuot ito ng Pink T-shirt na may
nakasulat na 'Will you marry me?'.
"Nakita kasi kita sa plasma TV
kanina, hindi ko akalain na ikaw yung maisasali sa mock wedding" paliwanag
nito ng tuluyang mabawi ang hininga matapos ang pagtakbo. "Hon, hiniram ko
pa tong shirt makapasok lang dito sa venue ng Pink Party" pagpapatuloy
nito.
Kasalukuyan silang nasa Del Pilar Bldg
kung saan ang buong bulwagan ay nabahiran ng kulay Pink, pink balloons, pink
curtains pati ata yung wedding cake ay kulay pink na nakahanda pa mismo sa loob
ng bulwagan. Para talagang reception sa isang kasal. Hindi niya rin akalain na
makikita pa yung event sa plasma TV. Siguradong bulong bulongan na ito sa
unibersidad kinabukasan.
"Excuse me, pwedeng malaman kung
sino ka? Ginugulo mo ang selection process namin. Napili namin tong dalawang to
when we spotted them during the enrollment" singit ng lalaking may pakana
ng lahat.
"My name is Jake Marcos ako po ang
boyfriend niya"pag amin nito.
Nagsigawan ang lahat, dumami ang bulong
bulungan at noon lang niya napagmasdan si Red na nakatitig sa kanya na parang
nagmamakaawa ng sobra.
"So why are you here? That doesnt
make any sense. This is only a mock wedding. Bakit sobra kang apektado?"
sarkastikong tanong ng lalaki.
"Kasi po... ayokong palampasin ang
pagkakataon na masabi ko sa kanya, sa harap ng maraming tao... na mahal na
mahal ko siya at sa araw araw na nakikita ko siya, lalo akong naniniwala na
totoo talagang may fairytale" sagot ni Jake sa lalaki.
Tila naman dumagundong ang buong
bulwagan sa sigawan ng mga tao. Hindi siguro akalain ng mga ito na mas lalong
magiging kumplikado ang sitwasyon sa pagdating ni Jake.
"Well I guess this is the most
exciting mock wedding Ive ever seen" ngiting wika ng lalaki
"What can you say father?"
baling ulit nito sa pekeng pari.
"Kung ganun eh sundin natin ang
tradisyon sa ganitong kasal. Adrian, sino nga ba ang pipiliin mo? "
malumanay na tanong ng pari.
Sa pagkakataong iyon ay gustong gusto
niyang batukan ang pari. Kung pwede lang sanang mag walk out sa event na iyon
na hindi siya nagmumukhang bastos sa harap ng ibang tao. Pero bakit kailangan
siyang mailagay sa posisyong ganito? Kung saan kailangan niyang pumili sa
pagitan ng best friend at ng boy friend niya. Kung tutuusin ay dapat hindi siya
mahirapan ngunit parang dinudurog ang kalooban niya kapag nakikita niya si Red,
na sobrang lungkot at parang alam na alam na ang susunod na sasabihin niya.
Lumingon siya kay Jake at bakas sa mata
nito na nagaantay rin ito ng sagot. Lumingon ulit siya kay Red at nakatitig pa
rin ito sa kanya. Mistulang pinasakan ang bibig ng lahat ng mga tao sa Building
at lahat nakatuon sa kanya ang atensyon. Naghihintay sa kung ano ang unang
lalabas sa bibig niya.
"Im sorry" wika niya kay Red.
Yumuko ito at pagkatapos ay tumingin
ulit sa kanya. Ngumiti halata mong napipilitan lang. Napansin niya ring
namumula na ang mata nito.
"Sabi ko na nga ba masasaktan lang
din ako kasi.... kasi best friend mo LANG ako" pagbibigay diin nito sa
sinabi sa kanya.
Lumapit ito para yakapin siya ngunit
parang namanhid ang kanyang katawan sa mga sinabi nito. Niyakap siya nito ng
sobrang higpit... sobrang higpit na akala mo ay iyon na ang huling pagkikita
nila. Pagkatapos ay bumulong ito.
"Nga pala Moks... Naniniwala rin
ako sa Fairytale.. pero ayokong maging kontrabida ng happy ending mo.."
wika ni Red sabay alis sa kinatatayuan niya. Nakita naman niyang tinanguan ni
Red si Jake na parang tanda ng pagpaparaya.
Masyado na siyang naguguluhan, parang may
malabo. Hindi kay Jake kundi sa kanilang dalawa ni Red.
"Hon" agaw atensyon sa kanya
ni Jake na abot tainga ang ngiti. Ngayon lang niya napagmasdan ang hitsura ni
Jake kapag naka Pink na T shirt ito. Gwapong-gwapo. Nasanay kasi siya na lagi
itong naka polo at kalimitang kulay gray lang ang kulay halos ng mga damit
nito.
"Hon.." pinilit niya tumbasan
ang ngiti nito. Ayaw niyang palabasin na parang nagsisisi siya sa desisyon
nito.
Nagpalakpakan ulit ang mga tao, yung
iba naman ay sumisigaw ng Aaaaawwww, tanda ng nakikisimpatiya kay Red.
Gayunpaman, ay tinutukan pa rin ng lahat ang mga susunod na pangyayari.
Nakakatawa ngunit dapat sana ay masaya
siya sa naging kinahinatnan. Una, straight ang best friend niya at may
girlfriend. Pangalawa, boyfriend niya si Jake at Pangatlo, there's nothing
romantic in between him and Red, sadya lang sigurong masyado siyang na-attach
kay Red kaya naghahallucinate na tuloy siya na baka.... baka higit pa sa
pagkakaibigan ang nararamdaman nito. pagninilay nilay niya.
"Tang Ina!" sinuntok ni Red
ang dingding ng makarating sa isang sulok na bahagi ng campus.
Anong nangyayari sa sarili niya. Hindi
naman siya dating ganito. May girlfriend siya at si Adrian naman ay may
boyfriend. Boyfriend nga ba? Aaaaaaarrgh! Bakit kasi hindi niya pa sinabi
noon. para siyang tangang pinapagalitan ang
sarili
At unti-unti ay tinangay ulit ng
nakaraan ang kanyang diwa. Ilang taon na ang nakakaraan.
Sinundan niya si Jake ng lumabas ito sa
clinic. Alam niyang gusto lang naman tumulong ng tao kay Adrian at ito pa nga
ang nagligtas ng buhay ng matalik na kaibigan. Nandoon na sana siya ng mga oras
na iyon, nahuli nga lang ng dating. Nakita na lang niya na buhat buhat ni Jake
si Adrian. Marahil ay nawalan na ito noon ng malay. Kaya naman nagdesisyon
siyang sundan ito para makapagpaumanhin sa inasal at pasalamatan sa kabaitan
nito at pagligtas kay Adrian.
Nagtungo sa CR si Jake at tuloy tuloy
na pumasok sa cubicle. Nagtangka sana siyang tawagin ang pangalan nito ngunit
nauilinigan niyang kinuha nito ang isang cellphone at parang pasikretong
tumawag kaya pumasok sa cubicle. Napagpasyahan niyang pumasok sa katabing
cubicle nito. Dahan dahang idinikit niya ang tainga sa dingding at nakinig sa
usapan ni Jake at ng tao sa kabilang linya. Ngunit dahil na rin siguro sa ingay
sa labas ng banyo eh tanging boses lamang ni Jake ang naririnig niya.
"Oh Bakit ka
napatawag.......?" bungad ni Jake sa kausap
".....Oo, nagawa ko na yung
pinapagawa mo.. Sana naman maganda ang kalalabasan nito for both of us.....
....Makikinabang? Sigurado ka? Tingnan
mo nga yung hitsura nung baklang iyon? Ang baduy pumorma, hati ang buhok sa
gilid na parang si jose Rizal!" natatwang insulto ni Jake na patungkol kay
Adrian.
"You better know what you are
doing at hindi ko lang talaga alam kung makikinabang ako sa baklang iyan.. Tang
ina .. Ano ako papatol sa kapwa ko.. Nakakdiri na nga lang tingnan yung
pagmumuka niya at kung makikita mo lang kung paano namumula iyong mukha niyan
kapag kilig na kilig sa kin. Sus... Matatawa ka na mandidiri" pagpapatuloy
nito
"Sige.. sige, I'll call you for
more updates. Bye babe"
Yun lang ang narinig niya mula rito at
lumabas na ito sa banyo. Mula noon ay sumisidhi lalo ang pagnanasa niyang
sabihin ang lahat ng narinig kay Adrian ngunit huli na ang lahat. Nalaman
niyang nahulog na ng tuluyan sa bitag ni Jake ang matalik na kaibigan. Naging
sila ng hindi siya tumututol. Muli ay unti-unti niyang naalala ang sinabi nito
isang araw na pumunta ito sa bahay nila.
"Moks!! Moks!!" sigaw nito sa
kanya.
"Oh Adrian Dela Riva! Anong
problema!'" bati nito sa kanya
"Hoy! Red Antonio, hindi ako sanay
na tinatawag mo ako sa buong pangalan ko ah!" singhal nito sa kanya
"Sorry naman Moks, gusto ko lang
malaman kung hinahanap hanap mo yung lambing ko eh" nakangitng turan niya
dito sabay kindat.
Pinamulahan ng mukha si Adrian. And he
loves seeing his best friend like that. Gustong gusto niyang apektado ito lalo
na kapag ganung nilalandi niya ang best friend niya. Simula nung nalaman niya
ang lihim na plano ni Jake kay Adrian ay sinimulan niyang mas lalong lumapit
kay Adrian para protektahan ito. Noong una ay gusto iya lamang ilayo ito kay
Jake ngunit natagpuan niya ang sarili na nasasaktan sa bawat oras na magkasama
ang dalawa at sa bawat atensyon ipinupukol ni Adrian kay Jake. Kung selos ang
tawag dun hindi niya alam at ayaw niya nang malaman. Sapat na sa kanya ang
pakiramdam na sobrang saya kapag nasa tabi niya ito.
"Nakakainis ka naman Moks eh"
inirapan siya nito
"Biro lang! to naman eh, kinikilig
ka na naman" tawang tawa siya habang inaasar ito
"Hindi na nakakatawa Red Antonio,
bahala ka sa buhay mo aalis na ko, may importante pa naman sana akong
sasabihin!" galit na sagot nito sa kanya.
Hinabol niya ito at niyakap. Nang
nagpupumiglas pa rin si Adrian ay talagang kinarga na niya ito at itinapon sa
sofa.
"Araykop.... Arrrrgggghh!!
Nakakainis ka na Red Antonio!!!!' sigaw nito sa kanya at umuusok na ang ilong
sa galit.
"Lambing ko lang naman iyan
Moks" sagot niya dito sabay mabilisang pumunta sa sofabed at niyakap ito.
"Wag ng magagalit ang Moks ko" patuloy niyang pagaalo dito.
"Ikaw kasi eh!" simangot nito
sa kanya habang nakakulog sa mga bisig niya.
"O ano na ba kasi ang sasabihin mo
Moks ko?" tanong niya kay Adrian.
"Paano ko masasabi ng maayos eh
nakayakap ka sakin?" pagtataray nito sa kanya.
"Wag ka na nga choosy, swerte ka
nga at may gwapong nakayakap sa iyo." wika niya dito at mas lalo niyang
hinigpitan ang yakap niya dito
"Moks, seryoso na nga!" pikon
nitong sagot sa kanya
"Eh seryoso naman akong nakayakap
sa iyo ah" pamimikon niya pa kay Adrian.
"Moks..."seryoso at matipid
na sagot ni Adrian sa kanya
"Bakit Moks ko?" tanong niya
dito
"Kami na ni Jake" pagamin
nito sa kanya
Para siyang sinabuyan ng isang baldeng
tubig sa narinig. Gustuhin niya mang kontrolin ang katawan ay bigla siyang
kumalas sa pagyakap nia kay Adrian. Hindi niya napigilan ang sariling
madismaya. Gustong gusto na niyang sabihin kay Adrian ngunit hindi niya magawa
dahil simula ng makilala na nito si Jake ay kay Jake na umikot ang mundo nito,
yung tipong lahat talaga ay ginawa nito para kay Jake. Mula sa pagpupurisge
nito na maipasok si Jake sa bawat program para kumanta eh ginawa nito.
nakinabang din ang moko dahil naging sikat ito sa campus nila. Kapag may mga
assisgnments sa klase eh si Adrian na rin ang gumagawa. At tuwing recess, si
Adrian ang bibili ng pagkain para sa kanila. May isa pang pagkakataon na
nagkasakit na at lahat si Adrian sa sobrang kapaguran, pinagsasabay sabay
nito ang pagiging Presidente ng campus, pagiging top student at pagiging
karelasyon ni Jake. At ng maospital ito, wala si Jake at kumanta daw sa kung
saan. Ngunit naiintindihan ito ni Adrian at wala man lang siyang makitang bahid
ng pagdududa kay Adrian. Dahil alam niya at nakikita niya, na mahal na mahal
nito si Jake.
Hindi siya nakapagsalita ng marinig ang
rebelasyon ni Adrian tungkol sa kanilang dalawa ni Jake. naumid ang dila niya
at tila bigla siyang nawalan ng gana ng araw na iyon.
"Uy Moks.... Bat natahimik ka?
Hindi ka ba masaya para sa akin?"
"Masaya" wala sa loob na
sagot niya dito.
"Parang labas naman sa ilong iyan
Moks? Uyyy... Moks..."
"Mahal mo ba talaga si Jake?"
paninigurado niya dito
"Oo Moks.. Mahal na Mahal.. Sa
kanya na umiikot ang mundo ko"
Tagos sa buto lahat ng pinagsasasabi ni
Adrian noong araw na iyon. Mahal na Mahal. Nakaramdam siya ng sobrang
kalungkutan. Para siyang naputulan ng hininga.
"Hindi ko talga alam ang sasabihin
Moks"
"Ang daya mo naman Moks eh... Ako
nga todo suporta nung naging kayo ni Sabrina" maktol nito sa harapan niya
"Iba naman kasi kami Moks.. iba
kayo" pagsalungat niya dito
"Ang labo mo naman Moks...
Natitiis mo na ko ngayon" wika ni Adrian sabay simangot sa kanya
Tiningnan niya si Adrian ng araw na
iyon at daig pa niya ang namama-alam dito habang inuukit sa memorya niya ang
bawat detalye ng mukha nito.
'Halika nga dito" yaya niya kay
Adrian papunta sa tabi niya
Sumunod naman ito at tumabi sa kanya
ngunit nanatili lang itong nakasimangot. Niyakap niya uli ito at ihiniga sa
kanyang dibdib. Hugging Adrian satisfies him. Yung tipong gusto na niyang
patigilin ang ikot ng mundo kapag magkasama sila. Sumunod naman ito sa gusto
niyang mangyari ngunit alam niyang malungkot pa rin ito.
"Mahal mo ba talaga siya?"
tanong niya ulit kay Adrian.
"Mahal Moks.. sobra"
pagkumpirma nito.
"Sige na nga.. You have my
blessing" tugon niya dito
"Talaga Moks? Yes! Sabi ko na nga
ba hindi mo ko matitiis eh " wika nito sa kanya at napahigpit ang yakap
nito.
"Yun na nga ang masama Moks eh...
Hindi kita matiis" malungkot niyang tugon
Natapos na ang seremonya sa Pink Party
kanina at talagang sobrang saya niya. Ikinasal na siya kay Adrian. At kahit pa
peke ito ay hindi niya alam kung bakit ganun siya kasaya. Nasa kalagitnaan siya
ng pagmumuni-muni ng tumunog ang kanyang cellphone.
"Jake" boses ng babae ang
unang sumalubong sa kanya.
"Oh napatawag ka?" sagot niya
dito
"Nagustuhan ko iyong ginawa mo
kanina. Ipagpatuloy mo lang iyan. Dahil mas magandang durugin mo ang puso niya
sa pinaka masakit na paraan."
"Nakokonsensya na ko.."
nagpakawala siya ng buntong hininga pagkasabi nito
"Oh cmon Jake, you dont play the
game here... You know how much you will lose if you withdraw the contract
besides wag mong sabihing nainlove ka na sa baklang iyan.. Alam nating dalawa
na halos isuka mo siya noon"
Pinindot niya ang End button.
Itutuloy...
Way
Back Into Love
Chapter
5
Rogue
Mercado
"Best Wishes!!!" bati sa kanya ng mga estudyanteng nakakasalubong niya nitong umaga.
Marahil ay talagang na-ibroadcast ang
nangyaring mock wedding kahapon sa mga plasma TV sa unibersidad. Ang
weird nga lang ng pakiramdam niya dahil sa halip na lumulutang siya sa saya ay
may nakakapa siyang lungkot sa puso niya. Ngunit napapangiti pa rin siya tuwing
maaalala ang naganap na kasal kahapon, ang palitan nila ng I do, yung pagsuot
ng singsing ni Jake sa kanya at ang nakakabinging palakpakan ng mga tao
matapos ang seremonya. Sa audience, marami siyang nakitang umiiyak
marahil ay sobrang nakarelate ang mga ito o naantig sa kasal-kasalan.
Kinuha niya ang cellphone at pumunta sa
contacts menu. He wanted to call the number registered as 'Moks'. Ngunit
masyadong takot ang kamay niya para pindutin ang call button. Matapos ang
nangyari kahapon ay hindi niya alam kung paano haharapin si Red. Gusto niyang
sabihin sa sarili na ayos lang ang lahat, straight si Red at alam nitong
boyfriend niya si Jake. Normal lang ang nangyari kahapon at alam niyang
suportado siya ni Red dito. Ngunit sa tuwing bumabalik sa memorya niya ang anyo
ni Red kahapon ay hindi niya maiwaksi ang isang parte ng isipan niya na
nagui-guilty sa nangyari.
Napatigil siya sa harap ng isang
bulletin board. Ito marahil ang opisina ng BABAYLAN, isang organisasyon sa loob
ng kanilang campus na nagtataguyod sa karapatan ng mga Third Sex. Isang state
university ang pinasukan nilang pamantasan kaya hindi maikakailang tadtad ng
clubs, organizations, fraternities and sorrorities ang naturang unibersidad.
Sila rin ang may pasimuno ng Pink Party kahapon at syempre ang nanguna sa mock
wedding. Tiningnan niya ang mga larawan sa bulletin board at sa pinaka gitnang
parte nito ay ang larawan ng naganap kahapon. The picture was captioned with
"Just Married".
Lihim siyang napangiti, sa larawan kasi
naka angkas siya sa likod ni Jake na dala-dala ang mga rosas. Ang isang larawan
naman ay nakuha ang eksenang nagsusubuan sila ng cake. The moment was perfect.
Sinabayan pa ito ng Way Back Into Love na kanilang theme song. Napadako ang
kanyang mga mata sa isa pang larawan, dito naman ay katabi nila ang Pangulo ng
BABAYLAN, si Lloyd dela Cruz. Siya rin yung lalaking nagposas sa kanilang
dalawa ni Red at nagdala sa venue. Naikwento nito sa kanya na sila ang naging
subject ng mock wedding dahil nakita sila as perfect subject noong enrollment.
Natatandaan niya rin na magkasama sila ni Red na nagpa-enroll dahil hindi
nakasama si Jake. Kumanta raw kasi ito sa isang wedding ceremony kaya nagpasama
na lang siya kay Red. Ito rin yung panahon na nabigla si Red dahil nagpalista
na rin siya sa mga estudyanteng kumuha ng Conservatory of Music, ang buong
akala kasi nito ay sa Nursing department siya pupunta.
Aalis na sana siya sa kinatatayuan niya
ng may pares ng mga kamay na tumakip sa kanyang mga mata.
"Ready for the honeymoon?"
boses ng isang lalaki.
"Hon?"
Unti-unting natanggal ang mga kamay na
nakatakip sa kanyang mga mata. Pumihit siya paharap sa pinagmulan ng boses at
hindi nga siya nagkamali ng hinala.
"Alam na alam mo talaga ang amoy
ko no?" tudyo ni Jake sa kanya.
"Hindi kaya ang gaspang lang
kasi" pang aasar niya rin dito
"Paanong hindi gagaspang eh
nagkaka-kalyo kamay ko pag hinahawakan mo" pang aasar pa rin ni Jake sa
kanya.
"Haha. Adik!" sagot niya dito
Tiningnan niya ng maigi ang kamay ni
Jake ngunit wala ang singsing na ibinigay niya rito kahapon sa mock
wedding.
"Ahm.. hon.. yung..." hindi
niya natapos ang sasabihin habang nakatingin ang mga mata niya sa kamay ni Jake
"Ah yung singsing ba hon?
Tinanggal ko kasi bago ako matulog hindi ko naibalik kahapon" depensa ni
Jake
"Ah Ok." matipid na sagot
niya.
"Hon mamaya ah" si Jake sabay
kindat sa kanya.
"Mamaya ka diyan. Kahit kailan
Jake talaga.. Hindi ko na gusto ang takbo ng isip mo. Pekeng kasal lang iyon
tapos humihingi ka ng honeymooon!" singhal niya dito at tumingin sa
malayo. Hindi kasi siya makatingin ng diretso dito.
"Hon, hindi naman yung honeymoon
ang tinutukoy ko eh, yung audition natin sa NASUDI" natatawang sagot ni
Jake sa kanya.
Pinamulahan siya ng mukha. Nakakainis
lang. Bakit ba kasi honeymoon ang iniisip niya? Mamaya na nga pala ang
auditions sa NASUDI ang tanyag na music club sa unibersidad. Pangarap kasi ni
Jake na makapasok dito dahil na rin sa naging resulta nga mga dating miyembro
nito. Ang NASUDI kasi ang nagsisilbing daan para sa mga estudyanteng magaling
kumanta na nagbabalak maging propesyunal sa larangang ito.
"Pero hon pwede rin naman yung
iniisip mo" si Jake ulit na nakangiti ng nakakaloko
Before he can react, Jake pinned him on
the wall. Kabadong-kabado siya dahil baka may makakita sa kanila sa ganoong
ayos.
"Hon...." singhap niya ng
makitang halos dikit na dikit na ang katawan at mukha nila sa isa't isa.
Hindi sumagot si Jake ngunit nakita
niyang bumababa na ang ulo nito. He closed his eyes waiting for what will
happen next ngunit bigla silang nabulabog ng tumunog ang cellphone ni
Jake.
"Im sorry hon have to take this
call" wika ni Jake ng bigla itong kumalas sa pagkakaipit sa kanya sa
pader.
Tumango lang siya dahil hindi niya alam
ang isasagot dito. Nginitian naman siya ni Jake ng makitang parang kabadong
kabado pa rin siya. Lumayo ng konti si Jake mula sa kinatatayuan at
dumistansiya upang hindi siya marinig ni Adrian.
"Hello?" bungad ni Jake sa
kausap
"Its actually extra
ordinary when you always say hello even if you know that Im the one
calling" sagot ng babae sa kabilang linya.
Naihilamos ni Jake ang kamay sa mukha
ng marinig na naman ang boses ng babaeng iyon. Siguro noon, hearing her voice
would be divine pero ngayon para itong musika ng kamatayan.
"What do you want?"
iritableng tanong niya dito
"Jake... Jake... dont be too
obvious na parang iritado ka sakin pag tumatawag ako. You wont like it if its
my turn to be irritated to you"
"Wala akong panahon makipaglaro sa
iyo, sabihin mo na ang gusto mong sabihin"
"Ikaw naman bat masyado kang
nagmamadali? dati rati you would beg me to stay on the line while we are
having... you know... sex on phone" boses uli ng babae na sinabayan pa
nito ng demonyong halakhak
"Just tell me what do you
want?"
"I always want you to do the same
thing. That fag, Adrian. I just want to make sure that you will do the plan as
instructed"
"What if makipagkalas na lang ako
sa kanya and why do I need to do all those things?"
"Because you dont have a choice my
dear Jake. I want an epic downfall for Adrian. yung tipong mas gugustuhin
niyang magpakamatay kaysa ang mabuhay. You.... Breaking up with him is so
elementary. Its only 5% of the actual plan. Of course you will need to break up
with him nandun na tayo but wouldnt it be sweet kung mawala lahat lahat sa
kanya?"
Mas pinili ni Jake na huwag sumagot. He
glanced at Adrian. Nakaupo ito at tinitingnan siya. Nang makita nitong lumingon
siya ay ngumiti ito. He looks so innocent, so fragile and so vulnerable. The
thoughts of seeing him cry makes him weak. Hindi niya alam ang gagawin sakaling
umiyak ito.
"Are you still there Jake? Dont
worry makukuha mo na yung ultimate dream mo, you will be part of NASUDI, be
famous singer in the University and eventually be a famous singer in the
country. Diba yun naman ang gusto mo? You will do aaaanything for fame. At saka
unfair naman siguro kung mag ba-back out ka sa contract natin. Besides,
nakinabang ka na ng husto sa baklang iyon and I also included my body in the
deal."
"Ok. I will do whatever you want.
Pero wag ngayon please. Nakikiusap ako" nagmamaka-awang sagot ni Jake and
he glanced again at Adrian's direction.
"Jake...Jake.. That is the reason
why I called. Start the plan. Break the faggot's heart and that's it we're
done'
"Please" hopeless niyang
sagot
"No. You need to do it now if you
dont want me to shatter your dreams to pieces. Remember, NASUDI."
"Ok." tanging naisagot niya
"Good boy. Galingan mo mamaya
ah" at sinundan nito ng tawa ng demonyo
And the call ended. Bumalik siya sa
kinatatayuan ni Adrian and he cant even dare to look at him straight in the
eyes.
"Hon , may problema ba? Namumutla
ka ata?" tanong ni Adrian sa kanya
Nagpakawala siya ng buntong hiniga bago
sumagot. "Ok lang hon pressured lang siguro mamaya"
"Hindi ka nag iisa hon, pressured
din ako eh" simpatiya nito sa kanya
"Hon.." hindi niya naituloy
ang sasabihin
Bakit hon?"
"Payakap naman ako oh." wika
niya dito
"Dito hon?" nagaalangang
sagot ni Adrian sa kanya siguro ay nagaalalang baka may makakita sa kanilang
estudyante gayung nasa hallway pa naman sila.
Truth is, wala siyang pakialam. Gusto niya
lang tong mayakap sa pagakakataong iyon.
"Please hon" pagsusumamo niya
dito.
Agad naman itong tumalima. At niyakap
niya ito ng mahigpit.. sobrang higpit na ayaw na niya itong bitawan. Hirap na
hirap na siya sa sitwasyon niya.
"Hon" tawag niya ulit dito
habang nakayakap ito sa kanya
"Hmm??" si Adrian.
"Wag ka ng maniwala sa
fairytale" sagot niya dito
"Bakit naman hon?" malambing
nitong tanong sa kanya habang nakayakap pa rin ito.
"Kasi may mga kwentong ang sarap
paniwalaan ngunit sobrang layo sa katotohanan" sagot niya
He was praying that Adrian would react
violently. Gusto niyang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya and ask him again
what's wrong?. Gusto na niyang sabihin lahat-lahat dito. But Adrian did not
dare to move, sobrang higpit pa rin ng pagkakayakap nito sa kanya.
"Ang lungkot nga ng ganun noh,
yung tipong pagsapit ng alas dose si Cinderella at si Prince Charming natapos
ang pagsasayaw dahil kailangan na ni Cinderella na bumalik sa katotohanan"
sagot nito sa kanya na tila itinuring lang na isang biro ang sinabi niya kanina
"Sana nga hindi na tumakbo ang
oras ngayong yakap kita Hon. Para hindi na bumalik sa katotohanan si Prince
Charming at para hindi na niya masaktan si Cinderella." mahinang bulong
niya dito
Kumalas ito sa kanya ngunit ang mga
mata ni Adrian ay hindi nagtatanong kundi natatawa.
"Hon naman, parang baliktad naman
yata yung sinabi mo ah" natatawang sagot ni Adrian.
Nginitian niya ito. It didnt worked.
Gusto na niyang sabihin direkta dito na masasaktan lang siya kapag pinagpatuloy
pa nitong mahalin siya. Pero wala siyang lakas ng loob para sabihin dito ang
lahat dahil alam niya ang magiging kapalit ng pinaplano niyang pagbubulgar.
"Hon? Umiiyak ka ba?"
inosenteng tanong nito sa kanya. Marahil ay napansin nitong namumula na ang
mata niya. Tila naman may isang bagay na bumabara sa lalamunan niya sa tuwing
makikita niya kung gaano kainosente ito magtanong. Sa tuwing maiisip niya kung
gaano ito masasaktan pag unti-unting naisakatuparan ang plano.
Niyakap niya ulit si Adrian. Hinimas
niya ang buhok nito at saka hinalikan sa noo.
"Hon. Lagi mo lang tatandaan na
Mahaaaal na Mahal na Mahal kita. Sobra." wika niya dito habang mariin na
pinipikit ang mata para mapigilan ang luhang nagbabadyang malaglag.
"I love you too hon" marahang
sagot ni Adrian sa kanya.
"Sige na hon. Ihahanda ko na yung
minus one natin mamaya sa Auditons"
"Ok hon kita na lang tayo
dun" si Adrian.
Pinagmasdan ni Adrian na lumayo si
Jake. Napakasuwerte niya talaga dito, paano kasi sinasakyan talaga nito ang
kabaliwan niya lalo na kapag paulit-ulit nitong binabanggit ang salitang
fairytale. Hindi nga siya makapaniwala na may lalaking kagaya ni Jake na
magmamahal sa kanya. Kaya naman ipinangako niya sa sarili na kung anong kurso
ang kukunin nito ay yun din ang kukunin niya at kung anong gusto nito ay yun
din ang susundin niya. Kaya kinakabahan man ay pipilitin niyang mag-audition sa
NASUDI at kung tutuusin ay pagkakataon na rin niya ito para ipakita niya sa
ibang tao ang talento sa pagkanta.
Nagpasya siyang maglakad-lakad ultit at
maaga pa naman para sa Auditions ng Club, mamayang 10 pa ito at habang alas 7
pa lang ay sasagap muna siya ng preskong hangin at magmumuni-muni. Napiling
piece ni Jake ang The Man Who Cant be Moved ng The Script. Bagay naman dito
cause Jake has a husky voice. Ngunit kinakabahan man ay naglakas loob na lang
siyang piliing kantahin ang Stronger ni Kelly Clarkson. Nagtaka nga rin si Jake
kung kaya niyang kantahin iyon ngunit kumpiyansa naman siya boses niya. May
narinig rin kasi siya na mas pumapabor ang director ng NASUDI sa mga pop
singer.
Nasa malalim siyang pagiisip ng
kakantahin niya ng may narinig siyang sumigaw ng pangalan niya.
"Adrian!!!" boses ito ng
babae
Napalingon siya sa direksyon ng boses
nakita niya si Sabrina at Red na nakaupo sa isang bench. Nagdalawang isip pa
siya kung lalapit o hindi lalo na ng makita niya si Red na nakatitig ng seryoso
sa kanya. Napagpasyahan na lang niyang lapitan ang dalawa.
"Adrian!" sigaw ni Sabrina ng
makalapit siya sa dalawa. Si Sabrina ang long time girlfriend ni Jake at dito
na rin ito nag-aaral.
"Oh Musta Sabrina?" sagot
niya sa mainit na pagtanggap nito. Sinadya naman niyang huwag munang pansinin
si Red.
"Ay naku ito problemado sa Moks
mo.. Paano naman kasi kanina pa yata bad trip. buti na lang nakita kita kasi
iiwan ko muna yan may mahalaga lang akong lalakarin baka naman sakaling
magsalita na mamaya ngayong makakausap ka na" masayang tugon sa kanya ni
Sabrina
Si Sabrina siguro ang pinaka maunawaing
girlfriend ni Red. Paano naman kasi eh nasasakyan rin nito ang mood swings ni
Red. At kahit naba-bad trip minsan si Red eh hindi nito sinasabayan bagkus ay
inuunawa nito ang kasintahan. Kaya naman ng ibinalita ni Red na sila na ni
Sabrina ay wala siyang patumpik tumpik pa na nag thumbs up dahil alam niyang si
Sabrina ang pinaka perpektong girl friend para sa best friend niya at alam
niyang magiging masaya ang dalawa.
"Oo sige ba... Teka san ka ba
pupunta?" tanong niya kay Sabrina
"May aasikasuhin lang akong
importanteng plano" si Sabrina sabay kindat kay Adrian.
"Ok! hehe. Tiyak magugustuhan yan
ni Moks" natatawang sagot niya dito. Binalingan niya ulit si Red ngunit
hindi man lang ito ngumingiti at seryoso pa ring nakatitig sa kanya.
"Sige Adrian, maiwan muna kita
saglit" pagpapa-alam ni Sabrina sa kanya.
"Sure" tinanguan niya ito
"Bye babe" nagpaalam si
Sabrina kay Red at humalik sa pisngi para namang tuod na walang pakiramdam
itong si Red
Humakbang papalayo si Sabrina sa dalawa
at dinukot ang cellphone.
"Jake.. Do the plan as instructed.
The fag is getting on my nerves" at pagkatapos ay ibinaba niya ang
cellphone. Nilingon niya ulit ang dalawa at kumaway kay Adrian, she flashed her
sweetest smile to her long time rival.
Way
Back Into Love
Chapter
6
Rogue
Mercado
Katahimikan.
Yun ang namayani sa kanila matapos
umalis si Sabrina. Walang nagtakang bumasag ng katahimikan na kanina pa
namamayani. Sa tanan ng pagkakaibigan nila, ito ang kaunaunahang pagkataon na
nagsama sila na parang may mali, may hindi maintindihan, may mga tanong na
kailangang sagutin ngunit alam nila parehong natatakot sila sa sandaling malaman
nila ang katotohanan.
"So how was the wedding?"
bungad ni Red na nakatingin pa rin sa malayo.
"Masaya Sobra" matipid niyang
sagot. Hindi man niya aminin ay nasaktan siya sa malamig na pakikitungo nito sa
kanya at ito rin ang isa sa mga pagkakataon na hindi "Moks" ang unang
salitang lumabas sa kanya.
"Ok." matipid na sagot rin
nito
Katahimikan.
Hindi niya alam ang sasabihin kay Red.
Gusto niyang magtanong kung bakit ito nagkakaganun. Bakit ba parang sobrang
apektado siya ng nangyari kahapon.
"Alam mo ba yung feeling ng
mainlove?" biglang basag sa katahimikan ni Red.
"Oo naman. Diba dapat pareho na
nating alam yan Moks? Nung nakilala ko si Jake, yun yung panahon na
naintindihan ko yung pakiramdam na iyon, at ganun ka rin kay Sabrina
diba?" pagkumpirma niya sa matalik na kaibigan
"Akala ko rin Moks eh hanggang sa
nagising na lang ako isang araw iba na pala ang mahal ko"
"Alam ba ni Sabrina to?"
tanong niya
"Hindi. Wala akong balak
ipaalam" malamig na tugon nito
"Ang tanga mo Moks. Alam mong
masasaktan si Sabrina kung ipagpapatuloy mo yan" mahina ngunit puno ng
galit na wika niya dito. Kung meron mang kasing tao na naging saksi kung gaano
kamahal ni Sabrina si Red ay siya yun. Kung ganito man ang problema ni Red ay
hindi niya dapat idamay si Sabrina. She doesnt deserve this.
"Siguro nga tanga talaga ako Moks.
Kasi yung taong iyon.. Yung tanging taong nagpapatibok ng puso ko, hawak ko na
sana siya eh.. ganito lang kalapit oh... kaso naging duwag ako.... pinakawalan
ko pa...." natigil ito ng saglit at kinusot ang mata.
"....Kaya eto ako ngayon,
nasasaktan... Dahil alam kong hindi ko maibibigay ang sayang naibibigay ng
ibang taong mahal niya...."
"...Pero alam mo Moks, yung taong
iyon nagagawa ko pa rin siyang mahalin kahit sa malayo.. Yung tipong ... Yung
tipong pasikreto ko siyang pagmamasdan at ka....kapag nakangiti siya, ngingiti
na rin ako... buo na ang araw ko.. Kahit sa araw-araw na iyon, ginigising
ko ang sarili ko sa katotohanan na hindi ako dahilan ng mga ngiting iyon"
nagsimula ng tumulo ang luha ni Red. Nakita niyang inilabas nito ang sombrero
at itinakip sa ulo para maitago ang mga mata nito. Kasabay ng pagyuko nito ay
nakita niyang tinangka muli nitong pahirin ang luhang gustong kumawala sa mga
mata nito
Gusto niya sanang bigyan ng panyo ang
matalik na kaibigan ngunit hindi siya makagalaw. Waring idinikit siya sa upuan
habang patuloy na nagsasalita si Red.
"Kung sino man tong taong to, ang
swerte niya pala Moks. Pero tutol pa rin ako sa ginagawa mo. Bakit hindi mo
sabihin ang totoo kay Sabrina. Its unfair on her part. At bakit hindi mo
maaamin sa taong to na mahal mo siya. Moks, kaibigan mo ko. Tutulungan
kita" pagbibigay simpatiya niya dito
"Wag na Moks. Ang alam ko kasi
masayang masaya siya ngayon. Ayokong maging dahilan ng kalungkutan niya. Saka
isa pa baka isipin niya ako ang kontrabida fairytale niya. Alam mo Moks, kaya
ko naman sana ang wala siya.... yun nga lang, hindi ganun kasaya" sinundan
ng isang matabang na ngiti ang mga sinabi ni Red.
Unti-unti na ring tumulo ang luha niya.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nararamdaman niya ang paghihirap ni Red.
Nararamdaman niya ang paghihirap ng puso nito. Gayunpaman, hindi niya lubos
maisip bakit ganun siya kaapektado sa mga sinasabi nito. Gusto niya sanang
maging matatag para sa matalik na kaibigan ngunit heto siya nakikiiyak na rin
dahil nakakaramdam rin siya ng sakit.
"Oh bat ka umiiyak? Halika nga
dito" wika ni Red at hinila ulit siya sa kamay para mayakap.
Humilig siya sa mga balikat nito ngunit
patuloy pa rin siya sa pagiyak. Sa hitsura nila ngayon ay para siya na ang may
problema. Siguro nga ay talagang mas malakas si Red sa kanya sa aspetong
ganito. Dahil nagagawa pa rin nitong ngitian siya,yakapin kahit may dinadala
ito sa dibdib.
" Ssssshhhh... tahan na...alam
mong ayaw kong nakikita kang umiiyak eh" marahang pagalo nito sa kanya.
"Kaw kasi Moks eh... ang drama
mo.. kaw na nga tutulungan eh" maktol niya dito. Hindi niya alam kung
bakit siya pa may ganang magalit gayung hindi naman siya ang may problema.
Natawa lang ito. Marahil ay hindi rin
nito inaasahan na ganun pa ang iaasal niya sa kabila ng pagtatapang-tapangan
niya kanina.
"Sino ba kasi siya Moks? Bakit
ayaw mo siyang ipakilala" naiiyak pa rin na tanong niya habang nakayakap
pa rin siya dito.
"Ikaw."
Bigla siyang kumalas sa yakapan nila.
"Ano? Pakiulit nga ang sinabi
mo?" naguguluhang tanong niya
"Gustong kitang tanungin Moks..
Ikaw? Bakit gugustuhin mo siyang makilala?" sagot ni Red sa kanya.
Lihim siyang bumuntong hininga, akala
niya ay kung ano na ang pinagsasasabi ni Red. Sinagot niya ang tanong nito
"Dahil gusto nga kitang tulungan
Moks... Gusto kong sabihin sa kanya na ang swerte niya may nagmamahal sa kanya
na katulad mo"
Natawa na naman ito
"Makikilala mo rin siya. Sa
ngayon, sikreto lang muna natin to ah?" seryosong tugon ni Red
"Paano si Sabrina?" balik
tanong niya
"Ako na ang bahala, ipapaalam ko
na rin sa kanya, kumukuha lang ako ng tiyempo Moks" paninigurado ni Red
"Sige ikaw ang bahala"
Namayani ulit ang katahimikan at ng
lumingon ulit siya kay Red ay titig na titig ulit ito sa kanya.
"Iyan ka na naman Moks ah.. Ano na
naman iyang titig mo"
Ngumiti lang ito at pagkatapos kinuha
ni Red ang salamin na naka tabing sa mata niya.
"Moks, bakit?" tanong niya
dito
"You know what, you look better
without these eyeglasses"
"Akin na nga iyan, puro ka talaga
kalokohan" depensa niya para maiwasan ang pamumula ng muka niya
Lumingon ulit siya dito ngunit
nakangiti na ulit ito ng matamis sa kanya.
"Iyakin" asar ni Red
"Ikaw kaya nauna" pangaasar
niya din.
"So tutuloy kayo sa Auditions
mamaya Moks?" biglang tanong nito sa kanya
"Oo, kailangan nandun ako para kay
Jake" sagot niya
"Pwede ba minsan, yung laban mo eh
para sa sarili mo naman?"
"Moks...." pagkasabi niyon ay
tinitigan niya rin ito. Titig na humihingi ng simpatiya
"Ok.. Ok.. Ang laban niya ay laban
mo. Fine"
"Iyon naman pala eh" asar
niya ulit kay Red.
"Galingan mo mamaya ah, manonood ako"
"Kinakabahan ako Moks, para kasi
akong makikipag paligsahan sa mga beterano mamaya. Dinig ko, puro magagaling
ang makakalaban namin mamaya, baka hindi ako pumasa."
"Sus.. Kaw pa.. Eh ako nga na
sobrang galing eh tinalo mo sa amateur contest natin noon.. Sila pa kaya. Ako
yata ang number one fan mo! Lahat sila panis sa Moks ko!" wika ni Red na
nagpatibay ng kalooban niya.
"Ano ba kakantahin mo Moks?"
tanong ulit ni Red sa kanya
"Stronger, Kelly Clarkson"
medyo alangang sagot niya dito
"Stronger? Sigurado ka? Pop yun
Moks at saka diba ballad ang forte mo?" tanong ulit nito sa kanya
"Eh Ok naman daw yun sabi ni Jake
eh saka ang alam ko eh Pop lover yung Director ng NASUDI" pagkumpirma niya
"Kaw bahala pero giving a male
version of a pop female song eh mahirap. Nag rehearse ka na ba?" tanong
ulit nito. Bakit kasi hindi niya kinunsulta si Red tungkol dito. Dati rati kasi
ito lagi kinokunsulta niya noong nahilig pa siyang umawit sa mga amateur
contests sa baranga nila.
"Hindi pa nga eh. Kaya kinakabahan
ako Moks" nagpakawala siya ng buntong hininga
"Gusto mo kantahan na lang kita?
Bonding?" tanong nito sa kanya
"Sige ba!" excited niyang
sagot. Matagal na rin kasing hindi sila kumakanta ng sabay dahil nitong mga
nakaraaang araw eh hindi na siya nakakapunta sa bahay ng matalik na kaibigan.
"Anong kakantahin natin?"
tanong niya kaagad
"Ako Moks. Ako.. Ako lang ang
kakanta para sa atin. dapat makinig ka lang baka masyadong mapressure boses
mo."
"Daya!!" yun na lang ang
nasabi niya at tumahimik na lang at nagaabang kung anong kakantahin ni Red.
Kung tutuusin eh namimiss na rin niya ang boses nito na kumakanta. Ganun na rin
katagal na hindi niya narinig ang pagawit nito.
Kinuha nito ang gitarang nakasandal sa
paanan ng bench at nagsimulang tumugtog habang titig na titig ito sa kanya ay
binigkas nito ang liriko ng kanta
"Nais kong malaman niya Nag
mamahal ako Yan lang ang nag-iisang pangarap ko Gusto ko mang sabihin
Di ko kayang simulan Pag nagkita kayo Paki sabi na lang"
Di ko kayang simulan Pag nagkita kayo Paki sabi na lang"
"Paki sabi na lang na mahal ko
siya ,Di na baleng may mahal siyang iba
Paki sabing 'wag siyang mag-alala, Di ako umaasa ,Alam kong ito'y malabo"
Paki sabing 'wag siyang mag-alala, Di ako umaasa ,Alam kong ito'y malabo"
"Di ko na mababago Ganun pa
man paki sabi na lang...."
"Sana ay malaman niya Masaya na rin ako, Kahit na nasasaktan ang puso ko
Wala na 'kong maisip na mas madali pang paraan
Pag nagkita kayo ....Paki sabi na lang"
"Paki sabi na lang na mahal ko siya Di na baleng may mahal siyang iba
Paki sabing 'wag siyang mag-alala Di ako umaasa, Alam kong ito'y malabo"
"Di ko na mababago....Ganun pa man
paki sabi na lang...."
Naiiyak na naman siya na natapos ang
kanta. Pinagmasdan niyang mabuti si Adrian at dahil dito ay pinigil niyang
muling maiyak sa harapan nito. Alam kasi niyang iyakin tong matalik na kaibigan
niya. Noon kasi kapag umiiyak siya dahil napalo ng nanay niya, iiyak na rin
itong si Adrian at mas malakas pa sa kanya ang iyak. Kaya imbes na ito mang-alo
sa kanya ay siya ang nagbibigay ng effort para patahanin ito.
"Moks.." nagsalita muli siya
"Ang ganda ng kanta mo Moks. Sana
nga masabi mo na sa kanya ang nararamdaman mo.. Im sure hindi rin niya
palalagpasin ang pagkakataon na mahalin ng isang taong kagaya mo"
"Sana" matipid niyang sagot
dito
"Teka anong oras na ba?"
tanong ni Adrian sa kanya
"Ahm, malapit na magalas diyes...
bakit?"
"Shit. Malapit na magsimula yung
Audtions" kinakabahang wika ni Adrian sa kanya
"O ano pa ang hinihintay mo,
pumunta ka na sa Auditorium Moks. Diba dun yung Auditions?"
"Oo nga pala. Moks manonood ka
diba?"
"Oo naman pero pupunta muna ako sa
first class ko but i'll find a way na makahabol. Pang ilan ka ba sa
magpeperform" tanong niya dito
"Ahm 5 lang daw kami at number 5
din yung nabunot ko nung pumunta ako sa office nila isang araw."
"Ok great, makakahabol ako niyan.
Basta galingan mo!"
"Kaya ko kaya Moks?"
nagaalinlangang tanong ni Adrian
"Magtiwala ka lang sa galing mo...
Saka.." hindi niya na naituloy ang sasabihin niya
"Sandali si Jake itetext ko.
Co-confirm ko kung nanudn na siya" putol ni Adrian sa sinasabi niya.
Kapag si Jake talaga ang pinaguusapan
eh aligaga itong si Adrian. Kung pwede lang sanang siya na lang yun pero hindi
makita ni Jake kung gaano siya kaswerte kay Adrian.
"Anong sabi?" tanong niya kay
Adrian ng matapos na itong magtext.
"Nandun na daw siya Moks. So bale
pupunta na lang din ako dun"
"Asan na yung minus one mo?"
tanong niya ulit kay Adrian. Minsan kasi eh makakalimutin ito kaya naman laging
siyang tagapag pa-alala ng mga bagay bagay na nakakaligtaan nito.
"Si Jake yung nag edit at nag burn
nung CD Moks, nasa kanya na yun"
Sa di maipaliwanag na dahilan ay bigla
siyang kinutuban ng masama. Wala na siyang nagawa kundi tingnan si Adrian
habang unti-unti itong lumalakad papalayo sa kanya.
Itutuloy...
Way
Back Into Love
Chapter
7
Rogue
Mercado
"Are they all here?" puno ng awtoridad na tanong ni
Director Lee Montano. Siya lang naman ang tinatawag nilang "Monster",
ang tagapag sala at taga hubog ng kakayahan sa pagkanta ng mga miyembro ng
NASUDI. Halimaw sa galing at halimaw din kung mangbuska ng tao. Taon-taon ay
nagdaraos ng Audition para sa NASUDI upang palitan ang mga miyembro nitong
isa-isa ring nagtatapos sa kolehiyo. Ika nga nila "Many are called but few
are chosen" dahil alam ang reputasyon at galing ng Direktor sa larangan ng
musika ay kalimitan sa hindi ay natatakot sumubok ang mga estudyante kahit na
nga ang kumukuha ng kursong Conservatory of Music ay ayaw mag-audition sa
organisasyong ito.
Dagdag pa sa kalibre ng nasabing
Direktor ang koneksyon nito sa mundo ng showbiz. Kaya naman hindi maikakailang
kapag naging apple of the eye ka ng Direktor at ikaw ang naging paborito ay
hindi malayong ipasok ka niya at ihanay sa mga sikat na mangaawit ng
henerasyon. Syempre, hindi rin maitatanggi na kung isa kang miyembro ng NASUDI
ay isa ka rin sa tinatawag na "elite circle" mga samahan ng
estudyanteng sikat sa campus dahil sa talino, dahil sa ganda o kakisigan, dahil
sa pagiging matalino o dahil sa galing sa pag -awit at pag sayaw.
"The 4 neos are here" tugon
naman ng senior member ng NASUDI. 'Neos' o neophytes ang tawag nila sa mga
estudyanteng gustong subukin ang kapalaran sa NASUDI.
"Four? I thought we have five?
What happened to the other loser?" sarkastikong tanong nito
"Well, Its ordinary when people
would surrender at the last minute of the show without...." naputol ang
sinasabi ng isa sa miyembro ng NASUDI.
"Without even trying? Yes. Its not
actually ordinary, call it tradition. Their unprofessionalism just
bores me to death." malamig na tugon nito sa protege.
"You think that the next big thing
would be among these 4?" tanong ulit nito sa kanya.
"I have my hopes that there is,
well if none then this might be the downfall of NASUDI after you graduate"
baling ni Director Lee sa babaeng kanina pa niya kausap.
"We have many members in the club
and why not choose my successor among them?"
"Martha, Im searching someone who
is as excellent as you and you know the difference between Excellence and
Average right? Besides, I also had plans of maybe, removing some members and
replacing them with better ones. Those who can sing, dance and have the guts to
let it out" sagot niya kay Martha, ang star ng NASUDI.
"Direk... Dont you think its a bit
harsh to just remove someone in the club? I mean its their dream for Christ
Sake" mariing tutol ni Martha sa balak ng Direktor.
"That's life, Survival of the
Fittest, Elimination of the Weakest" may himig sarkasmo na sagot niya
dito.
"Hi Tito!" bungad ng babaeng
biglang pumasok sa Auditorium
"Sabrina? My favorite pamangkin.
So how's my girl?" bati ni Director Lee sa pamangkin.
"Tito ah.. You are not making
reply on my texts na.. Kakainis ka" maarteng pagtatampo nito sa kanya
"Pagpasensyahan mo na ang Tito mo
Sab. Im kinda busy. But I will try to read it later OK? Mamaya rin lang ako mag
che-check ng phone"
"Ok tito but can I ask you a
favor?"
"Anything para sa paborito kong
pamangkin"
"Ok tito, just read my current
message in your phone. I wont take NO for an answer ah its a special
request"
"Sure thing... babawi ako.. Busy
lang talaga these past few days pamangkin"
"Ok tito. Thank You po"
"Your welcome hija... by the way
manonood ka ba ng Audition?"
"Wag na lang siguro Tito... Alam
ko naman ugali mo.. Baka naman okrayin mo lang lahat ng neos here eh"
"I cant help it hija, alam mo
naman ang Tito mo.. Metikoloso pag dating sa mga singers"
"I know Tito but Im interested on
your Neos, pwede ko ba sila makita?"
"Nandun sila sa back stage,
sweating out of panic. Haha"
"Sige Tito mauna na ako"
Humakbang si Sabrina pataas ng
entablado at nagtungo sa may bandang gilid nito. Iniluwa naman siya ng
kurtinang nakatabing sa dressing room ng mga neos at agad na hinagilap ng
kanyang mga mata si Jake. Nang makita niya ito ay agad niya itong nilapitan.
"Jake."
"Sab?"
"The one and only."
sarkastikong sagot niya rito
"Bakit ka nandito? Wag mong
sabihing manonood ka rin ng Auditions?" tanong ni Jake sa kanya.
"Why not? I cant purposely wait sa
mga susunod na mangyayari"
"Magtataka siya kung bakit ka
nandito"
"Magtataka? For all I know eh we
are like.. Super Bff.. Botong boto ang baklang iyon sa akin para kay Red. Eh di
pag nagtanong siya sasabihin ko na Im here to support him, Im always good at
moral support and even..... oral support" makahulugang sagot niya dito
sabay hawak at pisil sa pinaksensitibong bahagi ng katawan ni Jake.
"Stop that, baka may
makakita."
"What? Haven't you tried public
sex before?"
"Kung gusto mong ituloy ko ang
pinaplano mo, you need to get out from here now" mariing sagot sa kanya ni
Jake
"Pinaplano NATIN Jake... Please
dont wash you dirty linen in front of me.. Hindi bagay sa iyo ang
magbait-baitan. But Ok.. sige pagbibiyan kita... I will just suit myself
outside and watch the show that we both planned. Hahahaha" pagkasabi nito
ay lumabas na si Sabrina sa back stage.
Lumingon- lingon si Jake kung may tao
bang nakarinig sa usapan nila. Buti na lang at ang iba pang mga neos ay masyadong
naka pokus sa kani-kaniyang piyesa. Ang iba sa mga ito ay naka head phones,
siguro ay pina practice ng mga ito ang kakantahin mamaya. Tiningnan niya ang
relo sa kamay niya, its almost 10:10 at wala pa rin si Adrian. Gusto niyang
matuwa kung sakaling hindi na ito dadalo pa sa Auditions. Maya-maya pa ay
pinatawag silang lahat papunta sa entablado.
Apat lang silang kalahok sa araw na
iyon, pang lima sana si Adrian ngunit wala pa ito. Kinakabahan siya hindi sa
magiging outcome ng performance niya mamaya kundi sa kung anong pwedeng
mangyari kay Adrian. Nagsimula ng magsalita ang Director ng NASUDI.
"So from 5 down to 4?
Interesting." panimula ng direktor.
".... I just want to congratulate
you all that being on that stage means that you had great courage not blend in
but to stand out" pagpapatuloy nito.
"....Im also quite impressed that
you four actually cared for you future and that also rings a bell that you have
the passion to sing... but of course enthusiasm and passion without skills is
like hoping that Santa Claus is real. Im searching for someone who can do the
vocals, the routine and the swag. Do you all understand me?"
"Yes Sir" sabay-sabay na
sagot nilang apat.
Tatlo silang lalaki at isang babae na
naglalaban-laban para maging miyembro ng NASUDI. Ang isa dito ay isang
estudyante galing sa Business Department. Ang isa pang lalaki naman ay galing
naman sa College of Eduation at ang nagiisang babae ay kumukuha ng kursong
Development Communication.
Naputol ang kanyang obserbasyon sa mga
kalahok ng biglang iniluwa ng pinto ng auditorium si Adrian. Para siyang
pinanghinaan ng tuhod ng makita itong para sobrang pagod at hapong-hapo na
tinakbo pa yata ang Auditorium. Dahil sa nalikha nitong ingay ay napalingon ang
lahat kay Adrian at kasabay nito ay napatingin na rin ang Direktor sa kanya.
Halos lahat ng mga mata ay sa kanya nakatutok.
"You are 10 mins late from the
call time"
"Im sorry Sir I have to..."
hindi na niya naituloy ang sasabihin ng iminuwestra na nito ang kamay.
"Shut Up, the only excuse you can
give me is that you are already dead. But if you can still breath then the
details of your stupidity do not interest me." kalmado ngunit
nakakainsultong tugon nito sa kanya.
"Im really sorry Sir but I promise
I wont disappoint you" puno ng determinasyon niyang wika dito
Director Lee stared him for a couple of
seconds. Waring tinatantiya nito ang kredibilidad ng kanyang sinabi. Pagkatapos
ay sinenyasan siya nitong umakyat sa entablado at tumabi sa pila ng mga
kalahok. Wala siyang masyadong taong nakita sa loob ng Auditorium liban sa
kanilang lima, sa Director, sa isa pang miyembro ng NASUDI na sa pagkakakilala
niya ay nagngangalang Martha at nakita niya rin si Sabrina. Nginitian siya nito
at binigyan siya ng 'thumbs up sign' tanda ng suporta sa kanya.
"Ok so as I was saying, there is
no definite on this competition, I can accept all of you guys in my club at the
same time I can reject all of you if I decided that you are a bunch of trying
hard singers who wanted to be fame whores. I need a talent that I could
expose not only to this university but also to the world. Do you understand
me?" tanong nito ulit sa kanila
"Yes Sir" sabay sabay na
pagsagot nila na wari ay nasa isang military training.
"Great so, contestant number one
you stay here and others... wait for your turn."
Pagkarinig nila nun ay agad na silang
pumasok sa back stage habang naiwan naman ang unang kalahok para kumanta.
"Hon nadala mo ba yung burned
CD's?" tanong niya kaagad kay Jake
"Oo hon naipasa ko na dun sa
nagooperate ng sound system." pagkumpirma naman nito
"Ok ka lang ba? Ayos na ba yung
kakantahin mo?" tanong niya ulit dito
"Ayos na hon.. ikaw ayos ka lang
ba?" tanong rin ni Jake sa kanya
"Basta alam kong ayos ka, ayos na
rin ako" pagbibigay niya ng assurance dito
Naputol ang kanilang paguusap ng
tawagin na ang ikalawang mang-aawit. It was Jake's turn.
'Hon... makinig ka sa akin ng
mabuti" baling sa kanya ni Jake
".... kahit anong mangyari...
kahit anong magbago sa akin... Mahal na Mahal Kita.. tandaan mo yan"
pagpapatuloy nito at hinalikan siya sa noo. Napapikit naman siya para namnamin
ang mga sinabi nito sa kanya
Lumakad na si Jake papunta sa gitna ng
entablado nakita niya si Sabrina sa may bandang kaliwa at ng magtama ang
kanilang mata ay tumango ito tanda na dapat niyang isakatuparan ang plano.
"So what is your name?" pukaw
ng direktor sa kanyang atensyon.
"Im Jake Marcos by the way
Sir" magalang niyang tugon dito
"Ok Jake, what did you prepare for
my ears?" tanong ulit ng direktor
"Im going to sing, The Man Who
Cant Be Moved by The Script"
"A pop R&B? Interesting choice
and you know that the Script is an Irish Band"
"Yes Sir"
"And how positive are you that you
can sing that song?"
"100% Positive Sir"
"Great Confidence but let's see
what you got. Hit it!"
Pagkatapos ng mga huling salita ng
direktor ay pumailanlang na ang musika sa buong Auditorium. Pumikit siya para
namnamin ang musika na naririnig ng kanyang tainga. At nagsimula na siyang kumanta:
Going back to the corner where I first
saw you
Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Saying if you see this guy can you tell him where I am
Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Saying if you see this guy can you tell him where I am
Tiningnan niya si Adrian, at nakita iya
mataman itong nakikinig sa kanya. Ipinagpatuloy niya ang kanta.
Some try to hand me money, they don't
understand
I'm not broke I'm just a broken hearted man
I know it makes no sense, but what else can I do
How can I move on when I've been in love with him
I'm not broke I'm just a broken hearted man
I know it makes no sense, but what else can I do
How can I move on when I've been in love with him
Naluluha siya ngunit hindi niya
ipinahalata. Dahil ang kantang iyon ang simula ng pagbabago ng lahat-lahat.
Parang mabilis na nag replay ang utak niya habang kinakanta niya ang awiting
ito. Nung una silang nagkita noong high school. Noong ipinagtanggol niya ito sa
lalaking sumuntok sa kanya. Na kung tutuusin ay dapat gawa-gawa lang ngunit
galit na galit siya noong oras na iyon sa lalaking sumuntok sa mukha nito. Yung
mga panahong binibilhan siya nito ng pagkain. Yung panahong pinupunasan nito ang
pawis niya. At noong panahong sabay nilang kinakanta ang 'Way Back Into Love'.
Ipanagpatuloy niya ang koro...
'Cause if one day you wake up and find
that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'd see me waiting for you on the corner of the street
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'd see me waiting for you on the corner of the street
Sana nga ganoon lang kadali ang lahat
tulad ng kinakanta niya. Na sa sandaling magkasala na siya at bigla siyang
mamiss nito ay babalik lang si Adrian sa mga panahong una silang nagtagpo. At
kung mangyari yun, itatama niya ang lahat. Itatama niya lahat ng kasalanan at
kasinungalingan niya dito.
At hindi niya namamalyan na natapos na
ang kanta. Tumalikod siya para pahirin saglit ang luha ng kanyang mga mata at
ng humarap siya ay nakita niyang nakatayo na ang Director ng NASUDI at
pinapalakpakan siya. Tumingin siya sa gilid ng entablado at nakita niyang
lumuluha rin si Adrian habang pumapalakpak. Ngunit tiningnan niya na ito ng
matalim, isang matalim na titig na nagsilbing hudyat ng lahat. Dahil ng matapos
ang kanta, hindi na siya ang Jake Marcos na kilala nito.
Biglang-bigla ay nakita rin niyang
nagbago ang reaksyon ni Adrian dahil sa titig niya. Napuno ang mukha nito ng
pagtatanong at wari itong naguguluhan sa inasal niya ngunit wala na siyang
magagawa. Mangyayari ang dapat mangyari.
"You have a very nice vocals. You
see, Im actually searching for a modern version of a rocker guy and I think you
fit the job description. Mr. Marcos you undeniably, impressed me"
pagtatapos nito
He bowed with bliss. Ito na ang simula
ng pangarap niya. Tinangka niyang huwag ng lumingon pa. Dahil sa sandaling ito,
pinapatay na niya ang konting konsensya na natitira sa pagkatao niya. Bumaba na
siya sa entablado at nagtungo sa likod ng Director kung saan nag hihintay din
si Sabrina at ang unang kumanta kanina.
Nang makababa siya ay kinuha niya ang
kanyang sun glasses at isinuot ito. That is the very first self defense he
could think of andthe show went in a speed of light. Before he knew it. Natapos
ng kumanta ang ikatlo at ika-apat na kalahok sa auditon at tulad rin niya. Both
of the other contestants received a good review on their performances.
"Well, Im quite impressed with the
batch of neos today that it would really ruin my day if the 5th performer will
screw whatever song he chose"
Lumakad na si Adrian sa gitna ng
entablado at humarap sa Direktor.
"So Mr. Tardy 5th Performer. What
will be your anthem for today"
"Ahmmm.. S...Str..Stonger po"
kinakabahan niyang sagot. Para siyang maiihi sa nerbyos. Ginalugad ng kanyang
mata ang buong Auditorium, nakita niya si Jake na nakasuot ng sun glasses at
wala man lang siyang makitang ekspresyon sa mukha nito.
"Stronger? By Kelly Clarkson? What
a brave choice.... You know how much difficult it is to give a male touch to a
female song"
"O.oo...opo" nauutal na siya.
Hindi niya alam kung bakit hindi niya makumplete kahit ni isang kataga na
lumalabas sa bibig.
"Your song is stronger but from
the way you speak, it seems like... you are the contrast of what you are about
to sing"
"I...I...Im So...sorry"
nauutal na naman niyang sagot
"Whatever, just give me the
beat"
Biglang sumambulat sa buong auditorium
ang isang nakakabinging tunog. Para itong tunog ng mikroponong nasobrahan sa
echo. Tinakpan ng bawat isa ang kani-kanilang tainga.
"God!! What is that sound?"
singhal ni Director Lee sa operator ng sound system
"Ito po yung laman CD, yung
naisubmit na audition piece niya" sigaw naman ng operator ng napatay ang
nakakabinging tunog mula sa burned CD.
Lumingon ang Direktor sa kanya ng may
bahid ng pagtatanong at galit sa mukha. Hinagilap ng mata niya si Jake ngunit
nakayuko lang ito. Hindi na niya alam ang gagawin.
"It did worked" bulong ni Sabrina sa sarili niya habang nagpukol ng mala-demonyong
ngiti kay Jake.
Itutuloy....
Way
Back Into Love
Chapter
8
Rogue
Mercado
Shit! namura at nasapak ni Red ang sarili ng makita ang kanyang
wristwatch, its almost 11:00. Ni hindi niya namalayan ang oras kanina ng
pumasok siya sa klase. Ang sabi niya kay Adrian ay hahabol siya sa Auditions
ngunit ang kaso nga lang ay nagbigay ng suprise quiz ang teacher niya and he
cannot afford to lose an examination. Ngunit malas niya, dahil sa bawat tanong
na nasa test paper ay wala siyang alam. Dagdagan pa ito ng paglipad ng isip
niya.
Iniisip niya kung ayos lang ba si
Adrian. Iniisip niya kung naka-kanta ba ito ng maayos. Iniisip niya ang tangang
Jake na yan na boyfriend pa rin niya hanggang ngayon. Si Sabrina na wala pang
alam sa nangyayari at nararamdaman niya. At kung ano-ano pa. Mababaliw na ata
siya at kung hindi lang niya nakita kaagad, Adrian dela Riva na ang maisasagot
niya sa patlang ng Test paper. Everything is killing him. Yung isiping laging
kasama ni Adrian si Jake at hindi ito ligtas habang nasa kamay ng gagong iyon.
Hindi niya maatim isipin na sa loob ng apat na taon ay nagawa niyang
kunsentihin ang relasyon ng dalawa. Aminado na siya ngayon na nagseselos siya
and he is more than sure na higit pa sa matalik na kaibigan ang tingin niya
dito. And it kills every veins in his heart whenever he sees Adrian smiling in
the arms of that asshole. Siya dapat yun. Ngunit kahit kailan, hindi niya
maibibigay ang kaligayahang yun. Yun ang katotohanan. Ang katotohanang hindi
siya ipinanganak na Jake Marcos... He is Red Antonio.
Humahangos na tumakbo siya papuntang
Auditorium. Kung sino man siguro ang nagtayo ng mga building doon ay mapapatay
niya ng di oras. Their building and the Auditorium are at both ends of the
University. At napaka-imposible ng 5 minuto para makapunta dun. Time Check, its
11:05. Limang minuto na nga ang nakakalipas ngunit nasa kalagitnaan pa lang
siya ng pagtakbo niya. This seems to be the longest run of his life. Parang
life and death situation. Nangako siya kay Adrian na manonood siya and he
cannot miss the event. Never. Gusto niyang ipakita kay Adrian na nandyan lang
siya pag kailangan siya nito. Nandiyan lang siya sa tagumpay nito. Dahil kahit hindi
siya ang itinitibok ng puso nito gusto niyang maging karugtong man lamang nito.
Kahit isa lang siyang best friend. Kahit siya lang ang Moks nito.
"Moks" naibulong niya sa
sarili.
Yun ang tawagan nilang magbest friend.
Kapag tinatawag niya itong Moks. He felt a sense of possession. Kaya
minsan dinadagdagan niya ito ng "ko". To make it "Moks ko".
Hindi naman nagrereklamo si Adrian. Though hindi niya ito narinig na nagtawag
ng 'Moks ko' sa kanya. But its alright, naiintindihan niya. But if
Adrian only knew na lahat ng sweetness niya para dito ay may bahid ng malisya.
When he will pull Adrian to hug him ay kuntentong-kuntento siya. Parang gusto
niyang patigilin ang ikot ng mundo kapag yakap niya ito. He doesnt want to let
go. No. He is afraid to let go. Dahil sa oras ng mangyari yun, hindi na uli sa
bisig niya si Adrian. He already belongs to someone else. Someone he really
loves.
Naalala niya ang mock wedding. Sobra
siyang nasaktan ng lumabas sa bibig nito ang "Im Sorry". Para siyang
na-busted right there and then. Gusto niyang aminin dito na na, Moks..
Mahal na Kita... Higit pa sa Kaibigan. Pero naumid ang dila niya. He
was rejected, right at that moment. Paano pa kaya if he confessed his feelings
to him? Talking about effects. Adrian doesnt only affected him emotionally but
also sexually. May isang beses na he was seeing an FHM magazine but he wasnt
able to have a boner, hindi katulad ng dati. He rested on his bed that day and
all of a sudden, Adrian's image flashed in his mind. But this time, nakahubad
daw siya and Adrian. And they are doing something more than he could imagine
two bestfriends could. And slowly he had an erection. And that night he
exploded in euphoria.
Shit. Minura
niya ulit ang sarili niya. Tama bang tigasan siya habang
tumatakbo papuntang Auditorium? Shit.
"So What now?" iritableng
tanong ng Direktor sa kanya.
"Im sorry, my bad Sir.. Im
really.." naghihinang sagot ni Adrian sa direktor. Hindi niya na alam ang
gagawin. Siguro ay nagkamali lang si Jake sa nakuhang CD kaya nagkaganun ang
lumabas sa sound system. He wont blame Jake because of what happened. Kailanagn
niyang umisip ng paraan para matapos na ang Auditions na to.
"Oh please enough of your excuses.
Your Sorry is a Shit. People on the world think that apology is a super glue
when in fact it cant fix things that are already broken. Nakukuha mo ba ako?
Your sorry cant fix the CD. If you are playing a prank on me you
better...." hindi natapos ng direktor ang sinasabi ng dumepensa siya.
"No Sir. Hindi po. I thought
na..." hindi na rin niya natapos ang sasabihin ng sumingit ulit ang
Direktor.
"You thought? You thought na OK
ang CD? .....Oh please.. Thats a pathetic excuse. Marami ang namamatay sa
maling akala. Well in your case, babagsak ka sa maling akala. I can even tell
now that you lost your chance without even bothering to listen to your equally
pathetic voice."
"Sir...."
"Tell you what..... this day is
the day you insulted the music industry.. You think that this is only..... ONLY
I repeat... only an Audition? This is not an Audition honey... This is the
first step to being famous... to being a celebrity. And for some God Damn
obvious reason, this not just or only an Audition.. You... You dont care about
Music.. You take your voice seriously that you thought a golden voice would
only matter and a broken CD would just be a minor, superficial mistake. But you
know what? being a singer requires more than a pair of mutant lungs. Its
not just about vocal chords. But its how you show your emotions through lyrics
and melody. You.... The Tardy 5th performer unprepared of his piece prides
himself to pass this Auditions like its only an ordinary screening of
an obscure barangay contest. Kung ganun ang akala mo bakit hindi ka
na lang mag-Kristo sa sabong. They dont require a burned CD there?"
mahabang insulto nito sa kanya... He was never insulted like that in his entire
life.
Lahat ng tao sa Auditorium ay
nakatingin sa kanya. At kung hindi niya pa napigilan ay talagang maii-ihi na
siya sa pinaghalong nerbyos at pagkapahiya. He always cared about music. Ang
kanyang ama ay isang pianista sa simbahan ng kanilang Barangay ngunit ng
mamatay ito noong walong taong gulang siya ay nalugmok ang piano sa kanilang
bahay bagaman marunong siyang tumugtog ay tumimo sa kanyang isip na gusto ng
ama niya na maging isa siyang mang-aawit. Na ang musika ay ituring niyang
kabigan dahil ito ang magliligtas sa kanya sa oras na wala na siyang kakapitan.
Nang silang dalawa na lang ng kanyang
ina ang naiwan ay nagsanay siya ng husto upang maenhance ang voice quality
niya. Hindi naman siya nabigo at nakapasok siya bilang isang choir member ng
kanilang simbahan. Hindi naging mahirap ang pagsasanay dahil nandyan naman si
Red na isa rin sa tumulong sa kanya na magsanay sa pag awit. Noong panahong
iyon ay parang pagkain lang niya ang pageensayo at dahil rin dito ay tumimo sa
kanilang magkaibigan na ang pagkanta ng sabay ay ang kanilang
"bonding".
Ngunit heto siya at pinagsasabihan ng
isang tao na wala siyang kwentang mang-aawit at itinatakwil siya ng musika.
Gusto na niyang umiyak. Ngunit pinigilan niya dahil may gusto siyang patunayan
sa Direktor. Gusto niyang kumanta. Gusto niyang ipakita dito na hindi siya
basta susuko at gusto niyang patunayan na isa siyang mang-aawit. Sa isang iglap
ay hinagilap ulit ng mata niya si Jake. Naka-sun glasses pa rin ito ngunit
kagaya ng nauna niyang pagkakita dito ay wala pa rin siyang mabakas na emosyon
sa mukha nito. Bagamat inukit niya sa kanyang isipan na walang kasalanan si
Jake ay hindi niya maiwasan ang magtanong. Hindi niya maiwasan ang magtanong sa
pamamagitan ng kanyang mga mata kung ano ang nangyari. Ngunit hinid na ito
mahalaga, dahil alam niyang walang kasalanan si Jake.
Nahagip rin ng mata niya si Sabrina.
Ang mukha nito ay puno ng lungkot na nakatingin sa kanya. Buti pa si Sabrina
nakikitaan niya ng simpatiya ngunit ang Director na nasa harapan niya ay walang
kagatol-gatol na ininsulto siya at kwinestyon ang pagibig niya sa musika.
Hinagilap rin ng mata niya si Red ngunit wala ito, hindi nito tinupad ang
pangako na manonood ito. Would it make a difference kung nandito si Red? Baka
naman kasi kapag narinig nito ang sinabi ng Director ay bigla itong sumugod at
atakehin ang Director sa mukha. Red is overprotective to him. Noong highschool
pa sila at umiyak siya dahil sa hindi na tinanggap ng kanyang guro ang project
niya sa Biology ay sinugod nito ang guro niya at nag demand na tanggapin ang
kanyang proyekto. Hindi naman siya nabigo at tinanggap ulit ang kanyang
proyekto. Yun nga lang nasuspendi si Red sa eskwelahan at nagka black eye ang
kanyang guro.
"So you will just stand there? And
make us wait like you are the most followed celebrity on twitter? What do you
think of yourself? A star?" basag ng Director sa pagbabalik tanaw niya.
Kanina pa nakakuyom ang kamao ni Jake
habang pinapakinggan ang mga salita ni Director Lee kay Adrian. Kanina pa niya
ito gustong patikimin ng suntok niya. Kung pwede lang sana. But punching the
Director on his face would mean jeopardizing his future. Nandito na siya, ilang
hakbang na lang at sisikat na siya, initially in the campus and eventually the
greatest singer in the country. But when he looks at Adrian, his imagination
was different. Nai-imagine niyang masayang masaya daw sila ni Adrian na magkayakap.
Nai-imagine niya ang mock wedding. Kung gaano ito katotoo ng mga oras na iyon.
Parang sirang plaka na paulit-ulit ang theme song nila na Way Back Into Love.
At habang paulit-ulit ito sa kanyang utak ay para siyang pinanghihinaan ng
kalamnan, seeing Adrian almost fainting of shame. Ngunit ang pinakamasakit sa
lahat.... ang pinakamasakit sa lahat ay wala siyang magawa... wala siyang
magawa dahil wala ng pag-asa pang natitira para maging maayos ang lahat. Ito na
ang katapusan ng pagpapanggap niya bilang boyfriend ni Adrian. He chooses fame
kapalit ng totoong itinitibok ng pusok niya. Kanina pa niya gustong
sabihing, Ako ang may kasalanan.. Ako ang nagedit ng CD. Sinadya ko
yun.. Plano namin ni Sabrina iyon. But he just cant... He is
powerless.
Liningon niya ng sandali si Sabrina and
she is staring at him. Waring binabasa nito kung ano man ang dinidikta ng
kanyang konsensiya. Parang walang silbi ang sun glasses para ikubli man kung
ano ang iniisip niya. From the way she stares at him, alam niyang pinapaalala
nito ang kasunduan.
And he will continue the plan as
instructed.
"What is your name? Mr 5th Tardy
Performer?" basag ulit ng Direktor sa katahimikan niya. Dahil hindi na
talaga niya alam ang gagawin at kung ano ang isasagot.
"A..A...Adri-an p..po."
pautal utal niyang sagot.
"Adrian? Im sorry I just
remembered to ask for your name at this moment because I am too overwhelmed by
the fact that you are tardy and the worst performer I encountered, Mr. 5th
Tardy Performer"
Wala siyang isinagot dito ngunit
unti-unti ng namumuo sa gilid ng mga mata niya ang luha. Hinugot niya ang
kahuli-hulihang lakas ng loob sa katawan niya para pigilan lang ang pagbagsak
nito.
"Ok so this will be the ultimatum
and Im being nice because the previous neos did a great job and of course
except you. If you cannot think of any decent response other than your
apologies and your crumpled face then I suppose this Audition is over and you
will bring home the loser's bacon"
"I will do an acapella"
mabilis niyang sagot. Siguro ay nakipag-cooperate ang adrenaline rush niya at
nailabas ang kahulihulihan niyang kumpiyansa sa sarili. His answer sounded
confident enough para hindi siya mautal ulit. Ngunit matapos nito ay gusto
niyang bawiin ang sinabi niya. Dahil kasabay ng binitiwan niyang sagot ay wala
na ulit ang kanyang lakas ng loob. Acapella for a Pop Song? tanong niya
sa sarili
"Acapella for a Pop Song?" ulit ng Director sa tanong niya sa
kanyang sarili.
"Y..y..Es Sir" bumalik ulit
ang pagkautal niya.
"Very Groundbreaking. But I'll
give you a chance. Perhaps, you can still create a miracle out of your thick
eyeglasses and that lumpy pants" pagayon nito sa kanya at sinabayan pa ng
pangiinsulto sa kanyang suot.
Namayani ang isang katahimikan at
pagkatapos ay ipinuwesto na niya ang mikropono sa tapat ng kanyang bibig.
Pumikit siya at nagdasal sa maykapal na magkaroon siya ng atake sa puso
pagkatapos ng gagawin niya. Dahil ang pag-awit ng isang pop song ng walang
tugtog ay parang pagpapatiwakal. Sinimulan na niyang kumanta.
"Y....y...you kno.....kno..wWw
d....da....be....be..bedd feel....ees war....mer.... Sle...Slee....epin...gggg
he...re ..alo...ne.... You kno...wWw Im dr...dr..ea...ming colors.... And do
the thi....ng I wa....nt..." hindi niya
alam ang nangyayari. Hindi niya alam kung bakit siya nauutal at kung bakit wala
sa tono ang kanta niya. Ngunit ang mas lalong hindi niya maintindihan ay kung
bakit siya sumasayaw gayung wala namang tugtog at acapella version lang nag
kanta niya. Ngunit pinagpatuloy niya at sa oras na ito.... Umiiyak na siya..
"Tttt..hinkk yy..yy.you ..gottt...
t...the... best ooo..ff me.... " Pagkautal
pa rin ang lumalabas sa bibig niya at ganun pa rin siya, mukhang tanga. Ang
pinagkaiba nga lang ay umiiyak siya na kumakanta habang sumasayaw.
"Stop it" biglang singit ng
Direktor sa kanya.
Tumalima naman ang katawan niya ngunit
hindi ang mga mata niya. Patuloy pa rin siya sa pagiyak and its even worst.
Gawa siguro ito ng sobrang pagpigil nya sa pagiyak. Tiningnan niya ang Direktor
at bago pa man ito magsalita ay alam na niya sasabihin nito.
He's the Mr 5th Tardy Performer who
lost.
Lakad-takbo na lang ang ginawa ni Red
para makapunta sa Auditorium. Sumasakit na ang mga paa niya at bandang baba ng
kanyang tiyan. Hindi na niya kayang tumakbo pa ng mabilis. Kanina pa rin niya
minumura ang sarili niya sa sobrang inis dahil wala man lang silbi ang mga
E-jeepney sa loob ng campus para masakyan. Dagdag pa sa bigat ng kanyang
katawan ang bag at ang gitara na dala-dala niya.
Malapit na siya. Natatanaw na niya ang
pinto sa Auditorium. Mabilis niyang tiningnan ang wrist watch at maga-alas dose
na. Binilisan pa niya ang pagtakbo at alam niyang makikita na niya ulit ang
matalik na kaibigan na kumakanta sa itaas ng entablado.
Binuksan nya ang pinto.
Sumalubong sa kanya ang katahimikan.
Wala ng tao. At napaka-klaro na hindi
niya naabutan ang Auditions. Inaaninag niyang mabuti ang buong paligid. Sobrang
dilim at ang tanging naiilawan lamang ay ang stage. Nang titigan niya ito ng
mabuti ay may naaninag siyang nakatayo. Tiningnan niya itong mabuti at saka
lumapit. Unang rumehistro sa isip niya ang isang hugis ng lalaki. Sa patuloy
niyang paghakbang ay nakita niyang nakasuot ito ng eyeglasses. At ng malapitan
niya ng husto ay nakilala na niya ang estranghero. Si Adrian.
"Moks?" bati niya dito.
Tulala si Adrian ngunit lumuluha ang mga mata nito. Sa ganoong hitsura nito ay
gustong gusto na niya itong lapitan at yakapin ngunit pinigil niya muna ang
sarili niya.
Lihim na pinunas ni Adrian ang luha ng
lubos na bumalik ang ulirat nito at ng makita siya. Nginitian siya ni Adrian.
Bagay na sobrang kakaiba kapag umiiyak ito dahil kapag naabutan niya itong
umiiyak ay mas iiyak pa ito ng todo.
"Moks anong nangyari" tanong
niya ulit dito.
"Ang saya Moks. Ang saya! Sobrang
saya! Ang bait-bait ni Director Lee.. Pinalakas niya ang loob ko tapos kumanta
ako Moks.. Sobrang ganda nung CD Moks! Hindi siya sira! Tapos nagpalakpakan
sila. Pero bago yun, kumanta si Jake... Ang ganda nung boses niya... Kumanta
yung iba... May kumanta rin na iba.. Ang gaganda lahat ng boses nila. Pero
siyempre mas maganda boses ko! kaya nga pumalakpak sila... Ang bobo ko talaga.
Hahaha... Tapos Moks... Nakapasa ako Moks.. Ang galing galing ko talaga Sobra!
at saka Moks..."
"Hindi ka pumasa." malamig
niyang tugon dito.
Doon na umiyak ng todo si Adrian. At ng
makita niya ito ay ibinalibag niya ang hawak na gitara. Tumakbo siya sa itaas
ng entablado.. At hinawi ni Red ang mga kamay na nakatakip sa mukha ni Adrian.
Tinitigan niya ito.
"Moks sorry... hindi ako
pumasa." umiiyak pa rin ito kahit hawak-hawak na niya ang dalawa
nitong kamay. Tinitigan niya ito ng mariin, ng may halong lungkot at galit sa
nangyari sa matalik na kaibigan. Pagkatapos ay hinawakan niya ang pisngi nito.
At ang susunod niyang ginawa ay hindi na niyang kailangan isipin pa kung tama o
mali.
Hinalikan niya ito. Hinalikan niya si
Adrian.
Ngunit matapos na magdampi ang kanilang
labi ng ilang segundo ay bigla siya nitong itinulak ng malakas. Para siyang
natauhan sa pagkakatulak nito at nakabawi sa bilis ng pangyayari. Lumapit si
Adrian sa kanya at sinampal siya ng malakas.
"Im Sorry" tanging nasambit
niya.
Itutuloy.
Way
Back Into Love
Chapter
9
Rogue
Mercado
Sabrina Malvarosa is one of the kids in
town who doesn't like bringing cash in their wallet. She always have her credit
cards with her. Dahil wala siyang panahon na humawak ng mabahong pera at
magbilang pa nito sa kanyang wallet. She was always used to swipe the card on
machines. Kaya nga kung sino man raw ang mapapangasawa niya ay tiyak na jackpot
sa kanya. And it was indeed a fact. Her father is a business tycoon while her
mother, an acclaimed socialite was once a ramp model who earned so much
reputation in the showbiz industry. She was quite popular because of her
family's prestige. Kaya nga marami ang nagbabalak kaibiganin siya dahil sa
kanilang koneksyon at dahil sa kapangyarihan.
She thought everything is perfect. She
is living like a queen. Lahat ng kailangan niya ay nakukyha niya with just a
snap. Laki sa layaw, sunod ang luho. But at some point in her life, she met a
guy named Red Antonio. In their high school years, isa itong magaling na
mang-aawit at talaga namang nahulog siya ng husto dito. She was always there.
Sa mga amateurs na sinasalihan nito, sa mga programs kung saan ay may
intermission numbers at kumakanta rin ito. She collected many of his photos.
Lahat yun ay araw-araw niyang tinitingnan and silently, she knew to herself
that she was in love with the guy. The turning point of her fantasies happened
when they were introduced in a program being held in their campus. Siya ang
Presidente ng Women's Circle at kailangan nila ng estudyanteng aawit sa
programang inihanda nila. Syempre, si Red agad ang pumasok sa isip niya kaya
hindi siya nagsayang ng panahon at agad siyang nagpakilala dito. hindi niya
sinayang ang panahon na mapalapit dito sa kalagitnaan ng preparasyon nitong
kumanta. Lagi siyang nakaantabay kapag nageensayo itong kumanta. She's always
there to offer him sandwiches, water, energy drink, whatever. Gusto niyang
inaalagaan nito.
But then she also met that faggot,
Adrian dela Riva. At first, he likes the idea na ang baklang ito ang best
friend ni Red. Kung ganun, hindi siya mahihirapan na mas lalong mapalapit kay
Red. The dorky gay was a blessing at first. Totoong tinulungan siya nito na
mapalapit kay Red at ganun din naman ang ginawa ng Adrian na iyon kay Red. He
made Red see her as Ms Perfect, ang pinaka perpektong girl friend para kay Red.
Kung tutuusin ay talagang nakakatawa ang baklang iyon sa mga pinag-gagagawa
nito para lang maplease si Red nung nililigawan siya. Hindi niya makakalimutan
ang pagsuot ng costume ng baklang iyon at sumayaw-sayaw sa harap niya. Adrian
was the best utility ever. Talagang na-maximize niya ito ng husto para maging
matagumpay ang relasyon niya kay Red.
But she noticed one thing.
Hindi kayang pabayaan ni Red si Adrian.
May mga oras na hindi siya sinisipot nito sa napagusapan nilang date dahil lang
daw may emergency sa bahay nila Adrian, hindi ito sumipot sa birthday niya noon
dahil daw may sakit si Adrian, hindi ito sumipot ng 1st anniversay nila dahil
daw may performace si Adrian sa simbahan. Dinagdagan pa ito ng picture ng
baklang Adrian na yan sa wallet ni Red, picture ni Adrian sa cellphone ni Red
at picture ng Adrian na yan sa kwarto ni Red. Nalaman niya rin na bumili ng
singsing si Red at akala niya ay sa kanya ito ibibigay ngunit ibinigay niya ito
kay Adrian noong graduation nila. At ang hindi niya maatim sa lahat ay ng
marinig niya mula sa mga labi nito na mahal nito si Adrian isang araw habang
natutulog ito sa kandungan niya. Tangina!!! Napapamura siya pag naiisip niya
yun. Puro na lang Adrian.. Adrian.. Adrian.. Paulit-ulit. Nakakasira na ng
tainga.
Kaya naman she deviced a plan. Hindi
niya masasaktan si Red dahil mahal na mahal niya ito and of course Red was her
property. Pagaari niya ito at hindi ng baklang Adrian na yan. Walang magagawa
ang baklang iyon para agawin ang pinakamamahal niya. Never. So she carefully
used her brains para planuhin ang pagbagsak ng Adrian na yan. Gusto niyang
masadlak ito sa putik, yung tipong hindi na ito makakabangon para naman mawala
na ito sa eksena at siya na lang ang pansinin ni Red. She thought of hiring a
killer para maisagawa ang plano ngunit its too speedy. She wanted a torture
first before Adrian's epic downfall. Yung unti-unti itong mamamatay sa sakit na
nararamdaman nito.
She thought of several options kung
paano niya maisasagawa ang plano. And there came Jake Marcos, isang ambisyosong
estudyanteng nangangarap maging NASUDI member. Nililigawan siya nito noong high
school pa lang sila but she declined. People like Jake are parasites that would
suck the blood out of her. Kaya naman she decided to use the same medication.
Gagamitin niya ito para kay Adrian. Gays have one sole weakness. Lalaki. Yun
ang pagkaka-alam niya. Oh how she hate gays! Kung tutuusin, mga trying hard na
babae lang naman sila na hindi kailanman magkakaroon ng magkamatris.
Nakiki-agaw sa mga lalaki na kahit kailan ay hindi magiging kanila. Kung siya
lang ang Diyos, pinatamaan niya na ng kidlat ang mga bakla sa mundo.
As expected, Jake Marcos succumb to the
plan. Ang unang offering ay ang pagiging kabit nito while she is in a
relationship with Red syempre ang pagiging miyembro ng NASUDI ay susunod na
lang pag nakatuntong na ito ng kolehiyo. Revenge is best served when
its cold, ika nga nila. Kaya nga isasakatuparan ang lahat ng plano as soon
as tumuntong sila ng kolehiyo at makapasok si Jake sa NASUDI. They made it.
Nagawa nilang ipahiya si Adrian. Her Tito was the perfect person para matanggap
nito ang pinaka nakakahiyang mga salita sa tanan ng kanyang buhay.
"Ano iyang iniinom mo?"
tanong ni Jake sa kanya ng makita siyang uminom ng dalawang malalaking kapsula
ng gamot. They just finished their casual sex session. Yun ay isa lamang sa mga
ordinaryong pagtatagpo nila ni Jake para palabasin ang init nila sa isa't isa.
"Its none of your business."
tugon niya dito.
Sa totoo lang hindi niya rin alam ang
iniinom niya. Their family doctor said that it is an emotional
stabilizer. She was diagnosed with Pyromania. Mahilig kasi siya sa apoy. Hindi
niya alam kung bakit. When she was 10 years old ay siya ang may kagagawan kung
bakit nasunog ang kusina nila. She also have a burn in her feet ng tangkain
niyang lutuin ang sariling paa sa kandila. No one knows about this except her
family at siya. No one has to know. Lalong-lao na si Red dahil baka layuan siya
nito sakaling malaman nitong may deperensya siya. Pero walang diperensya sa
kanya. Wala. Si Adrian, ito ang baliw. Dahil gusto nitong agawin si Red.
"Jake, I want you to proceed to
the 2nd plan" agaw pansin niya dito
"What? Kakatapos lang natin ng unang
plano. Can you at least give it a break"
"Break? Bakit ano ba pinaplano
natin? Prayer Meeting? Kailangan ng break? At saka kakatapos lang din naman ng
oath mo sa NASUDI ah. Can you just, look around you?"
Kasalaukuyan silang nasa kuwarto ni Jake.
Kuwarto niya ito sa NASUDI Bldng. Lahat kasi ng miyembro nito ay may sariling
kuwarto. May mga pagkakataon kasi na may late rehaersals sila at hindi na nila
kailangan pang umuwi o mag commute dahil mayroon silang tutulugan sa loob mismo
ng campus. Kung iisipin nga ay pwede na silang tumira dun.
"Pero parte to ng
napagusapan" salungat ni Jake
"Oo nga.. at napagusapan natin na
gagawin mo ang lahat lahat pag nakuha mo na ang gusto mo"
Wala na naman siyang nagawa kundi
tumango sa gustong mangyai ni Sabrina. Its a point of no return. Hindi siya
pwedeng sumagot ng "Hindi" dapat puro Oo. Sa totoo lang ay hindi siya
makapag concentrate kanina pa dahil sa nangyari sa Auditions. Ito lang ang
laman ng ulo niya. Paulit-ulit na bumabalik ang eksena sa Auditorium. Sa
kanyang imahinasyon, binabago niya ang mga nangyari. Nakapasok siya sa
Auditions, Nakapasok din si Adrian, Napahiya si Sabrina. Nakapasok si
Adrian, Nakapasok siya sa Auditions, Hindi nakakanta si Sabrina ng maayos.
Nakapasok siya sa Auditons, Nakapasok din si Adrian, Hindi nakakanta si Sabrina
dahil sira ang CD.
Ngunit alam niyang kahit anong
pagbabago pa ang gawin niya walang mangyayari. Dahil nangyari na ang dapat
mangyari.
"Oo sige.. gagawin ko ang susunod
na ipagagawa mo"
"Good." wika ni Sabrina sabay
humalakhak ng parang demonyo. Humiga siya sa tabi ni Jake at niyakap ito.
"Demonyo" wala sa loob na
wika ni Jake sa kanya. Huli na para bawiin niya ang sinabi niya rito.
Umupo ulit si Sabrina katabi ni Jake at
kumalas sa pagkakayakap niya dito. Ngunit ng tingnan ni Jake si Sabrina ay
parang wala naman itong kaemo-emosyon.
"Tama ka demonyo nga ako, kaya wag
mong subukan ang kademonyuhan ko" wika ni Sabrina sa kanya.
She reached again her medicine at
pagkatapos ay uminom ng dalawa pang kapsula.
Kanina pa siya tulalang tulala sa
harapan ng piano. Nakauwi na siya ng bahay ngunit hindi niya alam kung paano
nga siya eksaktong nakauwi roon. Suot pa rin niya ang damit niya kanina ngunit
wala siyang pakialam dahil masyadong busy ang utak niya sa pag-alala ng mga
naganap kani-kanina lang.
"Tell you what..... this day is
the day you insulted the music industry.. You think that this is only..... ONLY
I repeat... only an Audition? This is not an Audition honey... This is the
first step to being famous... to being a celebrity. And for some God Damn
obvious reason, this not just or only an Audition.. You... You dont care about
Music.. You take your voice seriously that you thought a golden voice would
only matter and a broken CD would just be a minor, superficial mistake. But you
know what? being a singer requires more than a pair of mutant lungs. Its
not just about vocal chords. But its how you show your emotions through lyrics
and melody. You.... The Tardy 5th performer unprepared of his piece prides
himself to pass this Auditions like its only an ordinary screening of
an obscure barangay contest. Kung ganun ang akala mo bakit hindi ka
na lang mag-Kristo sa sabong. They dont require a burned CD there?"
"Do you know why I gave you a
chance kanina? I always shut the door to people who doesnt know the word
punctuality. But you came with a biggest speech saying that you wont disappoint
me. I also admire people who are brave enough to tell that. So I made an
exception, I let you join the other four TALENTED neos to fight your way to
NASUDI. You disappointed me more than anybody else in this stage. It turns out
that you are not a singer after all. Youre pretentious and uhm....
stupid"
"You lost and I am admitting all
of the four candidates in NASUDI. Congratulations guys"
Nagsilabasan ang lahat ng kalahok sa
Auditions at nakita niyang nauna si Jake na lumabas ng bulwagan. Nakita niya
rin si Sabrina na lumabas kasama nito. Ngunit wala siyang kakayahang humakbang
para lumabas na rin. Natagpuan na lamang niya ang sarili na nakatayo pa rin sa
entablado habang tuloy-tuloy ang pagiyak.
Pumasok ang isang tao sa Auditorium.
Alam niyang si Jake iyon at babalikan siya. Ngunit si Red ang naaninag ng
dalawa niyang mga mata. Naging mabilis ang mga pangyayari. Hawak ni Red ang
katawan niya at bigla siya nitong.... hinalikan.
Naubos na siguro ang luha niya kanina
kaya tulala na lang siya ngayon. Hindi na siya makaiyak. Gustuhin niya man ay
hindi na kaya ng magang-maga niyang mga mata. Bigla siyang bumalik sa sariling
katinuan ng makita niya ang kanyang nanay na pumasok sa kuwarto kung saan
nakalagay ang piano ng yumao niyang ama.
"Anak" tawag nito sa kanya at
sabay pag upo nito sa tabi niya.
"Ma, andyan ka pala"
"May problema ba tayo anak?
Nandito lang si Mama, makikinig sa mahal na mahal niyang anak"
Napangiti siya. Konting pag-aalo lang
nito sa kanya o kaya paglalambing ay natatawa na agad siya at hindi mapigilang
sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Dalawang tao lang naman ang nakakagawa nun,
ang nanay at si.... si Red.
"Wala naman Ma, ayos lang po
ako"
"Anak alam kong hindi ka ayos,
isang tingin ko pa lang sa iyo alam kong may mali na"
"Hindi .... Hindi po kasi ako
nakapasa Ma....sa NASUDI" nag-aalangang sagot niya dito. Alam kasi ng Mama
niya ang plano niya na sumali sa NASUDI
"Yun lang ba ang problema
nak?" tanong uli nito
Bumuntong hininga siya. At pagkatapos
ay inihanda ang sarili na aminin ang isa pang problema.
"Si Red po Ma.."
"Bakit may ginawa ba sa iyo si Red
anak?" tanong nito na wari ay nababasa ang kanyang isip.
Patay. Hindi naman niya masasabi na
hinalikan siya ni Red. bulong niya sa sarili
"May hindi lang po kami
napagkasunduan Ma." pagpapalusot niya
"Ano ang balak mo ngayon? Hindi mo
ba siya kakausapin?"
"Gusto ko na po siyang iwasan
Ma"
"Yun ba talaga ang gusto mo
anak?" tanong nito ulit sa kanya.
Katahimikan.
Hindi siya nakasagot. Dahil hindi rin
siya sigurado kung yun din ba ang gusto niya. Hanggang ngayon hindi niya pa talaga
alam kung bakit hinalikan siya ni Red.
"Alam mo anak. Yang piano na natin
kahit kailan hindi yan pinapabayaan na Papa mo dati" biglang basag ng Mama
niya sa katahimikan na namayani. Gunit hindi niya alam ang motibo nito sa
pagsingit ng ganung paksa.
"...Sabi ng Papa mo nun, hindi
pwedeng masira kahit isa man lang sa keys ng piano.. Kasi makagawa ka man ng
musika mula dito... parang may kulang.. parang may nawawala.... Kayo ni Red
anak... ganun kayo... alam mo bang noong bata kayo halos hindi na kayo
mapaghiwalay kung asan ka, andun din itong si Red. kapag kumakanta ka..
kumakanta rin itong si Red... Alam mo ba nung kinder kayo, yung nursery rhyme
na 'chikading' ....ang sarap nyong pakinggan nun.. Kasi ikaw kinakanta mo yun
tapos magra-rap itong itong si Red ng parehas na kanta..." matamis na
ngiti ng kanyang Mama.
Hindi na rin niya napigilang tumawa sa
kwentong iyon ng kanyang Mama. Hindi niya ma-imagine kung anong hitsura nila
nun.
"Anak... Hindi mo napapansin pero
parehas kayong nkakagawa ng magandang musika... Kung may nagawa man siya sa iyo
at hindi mo nagustuhan alam ko madadaan naman ang lahat sa maayos na paguusap..
Anak, kapag magdesisyon kang iwasan si Red.. Kailangan mong ihanda ang sarili
mo sa posibilidad na baka isang araw may hanap-hanapin kang kulang sa pagkatao
mo" pagtatapos ng kanyang ina.
Sa mataman niyang pakikinig sa kanyang
Mama ay lubusan siyang naliwanagan. Oo nga at hindi niya inaasahan ang paghalik
nito sa kanya pero hindi naman siguro sapat iyon para pahirapan niya si Red sa
pamamagitan ng pagiwas dito. Kapag nagkaharap sila ulit ay alam na niya ang
sasabihin dito.
Tumayo na ang kanyang Mama sa
kinauupuan nito at pumunta sa kanyang likod at niyakap siya. Ganun siya kamahal
ng kanyang Mama. Kaya naman kahit gaano nababagabag ang isip niya o kanyang
damdamin, isang yakap lang nito, nawawala na ang lahat ng suliranin niya at
bigat ng dibdib.
Lalakad na sana ito palayo ng bigla
itong magsalita.
"Anak.... tungkol pala dun sa
NASUDI, hayaan mo na muna. Saka hindi lang naman iyon ang huling Audition diba?
At kung ano man ang nasabi sa iyo, wag mong didibdibin dahil kahit hindi ka
natanggap dun, hindi iyon malaking kabawasan sa pagiging mang-aawit mo at lalo
na sa pagkatao mo. Hindi ka man naging miyembro ng NASUDI, ikaw pa rin naman si
Adrian Dela Riva, yung naging choir member, presidente ng paaralan niyo nung
high school, yung best friend ni Red at syempre yung nagiisang anak ko"
malambing nitong tugon sa kanya.
Nginitian niya ito ng matamis. Siya na
siguro ang the best Mama in the world. Napaka-maunawain at napaka-maalagang na
Ina. Parang nawala lahat ng bumagabag sa kanya ng marinig niya ito.
Tinitigan niya ang piano. Pumikit siya
at kinapa kung nasasaktan pa rin siya sa mga nangyari sa kanya. Ngunit wala siyang
mahagilap. Parang kusang loob din na kinapa ng kamay niya ang piano at
pagkatapos ay tinipa ito ng kanyang mga daliri.
"Ang ganda naman niyang tinutugtog
mo" boses ng lalaki na nanggaling sa kanyang likuran.
Hindi niya piniling lumingon dahil alam
niya kung sino ang nagmamayari ng boses na iyon. Ilang segundo lang ang lumipas
at naramdaman niyang may dalawang kamay na yumakap sa kanya mula sa likuran.
"Moks ko... Sorry na..
please" bulong nito at naramdaman niyang umiyak ito sa balikat niya.
Itutuloy.....
Way
Back Into Love
Chapter
10
Rogue
Mercado
"Moks ko... Sorry na...
please" wika ni Red sa kanya habang nakayakap ito mula sa kanyang
likuran.
Mas pinili niyang huwag sumagot at
patuloy na tinugtog ang piano. Pumikit siya habang nakayakap pa rin ito sa
kanya. Sa di maipaliwanag na dahilan ay para siyang nakaramdam ng katahimikan
sa kanyang puso. Ang alam niya ay hindi na siya galit kay Red kung ano man ang
nagawa nito kanina. Hindi na rin siya nanghihinayang dahil hindi siya nakapasok
sa NASUDI. Siya pa rin naman si Adrian at gaya ng nasabi ng Mama niya, hindi
malaking kabawasan iyon sa pagkatao. Habang tumutogtog ng piano ay sinabayan
niya na ito ng pag-awit.
"I've been living with a shadow
overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed, I've been
lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move
on"
Nanatiling nakayakap sa kanya si Red.
Ngunit nabigla siya ng ipinagpatuloy nito ang kanyang kanta habang yakap pa rin
siya nito.
"I've been hiding all my hopes and
dreams away, Just in case I ever need 'em again someday, I've been
setting aside time, To clear a little space in the corners of my
mind"
Natapos nitong kantahin ang ikalawang
bahagi ng kanta ay nakayakap pa rin ito sa kanya... At alam niyang tulad ng
dati, ang susunod na bahagi ay sabay nilang aawitin.
"All I wanna do is find a way back
into love. I can't make it through without a way back into love.Ooo
hooow"
Parang nakakapanibago na sabay sila
uling kumakanta ni Red. Kailan na ba yung huling pagkanta nila
nito? Hindi niya na matandaan. Ngunit alam niya sa sarili niya na
masaya siya ngayon. Nilingon niya ito, nagtama ang mga mata nila. Namumula
ang mata nito, halatang pinipigil umiyak sa harap niya. Noong mga bata pa
sila, pinagmamalaki talaga nito na hindi siya iyakin at barakong-barako
samantalang siya daw ang iyakin at lampa. Ilang beses pa lang talaga niya
nakikita si Red na umiyak sa harapan niya. Madalas nito ay pag nagaaway silang
dalawa o may di pagkakaunawaan. Susuyuin siya nito, tutugtugin ang kantang 'Way
Back Into Love'. Ito ang isa sa mga katauhan ni Red na hindi nakikita ng ibang
tao. Ang umiyak. Binawi na niya ang pagkakatitig dito at ipinagpatuloy niya ang
kanta.
"I've been watching but the stars
refuse to shine, I've been searching but I just don't see the
signs, I know that it's out there, There's gotta be something for my
soul somewhere"
Naramdaman niyang mas humigpit pa ang
yakap nito sa kanya at ipinagpatuloy ulit nito ang kinakanta niya.
"I've been looking for someone to
she'd some light, Not somebody just to get me through the night, I
could use some direction, And I'm open to your suggestions"
At ganun lang ang posisyon nila habang
itinutuloy ang kanta. Nakayakap si Red sa kanya habang tinitipa niya ang piano.
"All I wanna do is find a way back
into love. I can't make it through without a way back into love. And
if I open my heart again, I guess I'm hoping you'll be there for me in the
end"
"There are moments when I don't
know if it's real Or if anybody feels the way I feel I need
inspiration Not just another negotiation"
"All I wanna do is find a way back
into love, I can't make it through without a way back into love, And
if I open my heart to you, I'm hoping you'll show me what to do, And
if you help me to start again, You know that I'll be there for you in the
end"
At natapos din ang kanta.
Ilang segundo pa rin silang ganun.
Walang may balak magsalita. Si Red nakayakap sa kanya at siya naman nakapikit
na ninanamnam ang yakap nito.
Ilang sandali pa ay kumalas na ito sa
pagkakayakap sa kanya.
"Hay sarap!!"
natatawang wika nito sa kanya. Siguro ay nagkakaintindihan na sila na OK
na uli ang lahat. Bestfriend niya si Red at hindi na siguro kailangang gawing
kumplikado ang lahat
"Sarap ka diyan" kunwari
niyang pagtataray dito.
"Sus, kunwari pa... Nasarapan ka
naman Moks eh" pangaasar pa rin nito sa kanya
"Wag mo ng gagawin uli yun Moks
ah! Hindi nakakatawa yung halik na iyon!!!" wika niya dito. Mas maganda na
sigurong diretsuhin na niya si Red para naman mas magaan na sa loob at maisara
na kung anu man ang rason ng pagtatampo niya dito.
Tawa lang ito ng tawa sa sinabi niya.
"Red Antonio, seryoso ako sa
sinabi ko" singhal niya dito
"Halika nga dito" yaya ni Red
sa kanya at sabay senyas ng kamay na yakapin siya.
Hindi naman siya nagatubili na yakapin
ito.
"Moks, ang tinutukoy kong masarap
eh yung pagyakap ko sa iyo kanina, hindi iyong halik.. ano ka ba?" sagot
nito sa sinabi niya kanina
Medyo nahiya siya sa sinabi nito. Buti
na lang at nakayap siya kay Red at kung sakali ay makikita na naman nitong
pinamulahan siya ng mukha.
"Kakainis ka talaga" reklamo
niya dito ngunit nakayakap pa rin siya.
"Haha. Gustong gusto mo naman kasi
na niyayakap kita" asar nito sa kanya. Siniko naman niya ito bigla bilang
tugon.
"Aray kop!" wika ni Red
habang hawak hawak ang tagiliran.
"Buti nga sa iyo.. Manyakis!"
sagot niya kay Red pagkatapos niyang kumalas sa pagkakayakap dito
"Ang sakit nun ah.. Pikon ka talaga
Moks kahit kailan"natatawang sagot ni Red
"Eh ikaw iyakin" balik asar
niya dito.
"Alam mo namang pagdating sa iyo,
mahina ako" biglang seryosong tugon ni Red sa kanya.
Hindi siya nakasagot kaagad. Bigla na
naman kasing naging seryoso ang usapan nila.
"Moks, best friend pa rin naman
ang turing mo sa kin diba?" tanong niya dito.
Tinitigan siya ni Red ng matagal
pagkatapos ay ngumiti. Ngunit nakita niyang may lungkot pa rin ang mga mata
nito.
"Oo naman" matipid na sagot
ni Red sa kanya.
"Moks... wag mo ng gagawin yun ah.
I mean yung kanina. May boyfriend ako tapos si Sabrina. Ang awkward naman diba?
Kasi magbest friend tayo eh" diretso niyang wika rito
"Sorry Moks.. Aaminin ko.. Hindi
ako nagisip nung ginawa ko yun. Moks, nung nakita kita sa stage na umiiyak,
nasasaktan ako Moks. Sobra. Kung pwede lang sana ako na lang yung magdala nung
sakit na nararamdaman mo kaso wala eh. Ayokong nakikita kang umiiyak Moks.
Ayokong nakikita kang nasasaktan. Pasensya na sa ginawa ko, pangako.. hindi na
ulit mauulit Moks" tuloy tuloy nitong pagamin
"Ok na yun Moks buti
nagkaliwanagan tayo" masaya niyang tugon.
"Pero Moks.."
"Ano?"
"Pwede isa pa?" natatawang
tugon ni Red.
"Sapak gusto mo?"
"Yakap lang naman eh! Ito naman..
Hindi mo talaga malimutan no?"
"Ewan ko sa iyo" tinalikuran
niya si Red.
Wala pang isang segundo na yumakap ulit
si Red sa kanya. Gaya kanina ay nakatalikod siya habang nakayakap ito.
"Moks sorry ulit.." seryosong
wika ni Red sa kanya.
"Ok na yun Moks.... Basta ba wag
ng uulitin" wika niya kay Red at pagkatapos ay pumihit siya paharap dito.
Nagkatitigan ulit sila ni Red.
"Parang gusto kong ulitin ulit
Moks" seryoso pa ring wika ni Red sa kanya habang tinititigan siya
nito
"Hmp!" itinulak niya ng
marahan ang ulo nito sabay tayo. "Hindi ka na nakakatuwa Red
Antonio"
Tawa na naman ito ng tawa.
"Ang sarap mong asarin"
"Baliw"
At nagkatawanan na naman sila. Nang
humupa na ang kantiyawan ay nagsalita na siyang muli.
"Moks...." tawag niya dito at
siya naman ang naunang yumakap
"Oh himala ata.. ikaw unang
yumayakap sa akin" tanong ni Red
"Hindi ah... ako naman unang
yumayakap paminsan minsan"
"Hindi rin... Ang arte mo kaya..
Ako unang yumayakap sa iyo"
"Eh di kung ayaw mo wag mo"
sabay ng pagkakasabi niya ay tumalikod siya at bumitiw sa pagkakayakap dito
"Ops... Wala ng bawian!!" si
Red at hinatak ang kamay niya para yakapin uli siya.
"Sinong maarte ngayon?"
natatawa nitong tugon
"Nakakapanibago lang kasi Moks eh...
Siguro hinahanap hanap mo rin yakap ko no?"
"Feeling.." maikli niyang
tugon dito.
Tinawanan lang siya nito at pagkatapos
ay ito naman ang nagtanong
"Siguro may kailangan ka sa akin
noh , kaya niyayakap mo ko?" duda nito sa kanya.
"Haha.. Paano mo nalaman
Moks?" natatawa niyang pagkumpirma dito
"Sige ganyan ka... Pag may
kailangan ka lang saka mo ko niyayakap. Hmft!" wika ni Red na hindi na
siya tinitingan
"Moks wag ka ng magtampo oh...
Labo mo naman" wika niya habang pinipihit ang mukha ni Red. "Tingin
ka na dito sa akin bilis"
"Ayaw" matigas nitong sabi sa
kanya
"Akala ko ba hindi mo ko
matitiis?"
"Basta ayaw"
"Eh kung ilibre kita ng
meryenda?" panunuhol niya dito
"Ayaw"
"Eh kung ako na gagawa ng
assisgnments mo, titingin ka na sa akin?"
"Ayaw"
"Eh kung bilhan kita nung sapatos
na gusto mong bilhin?"
"Ayaw, mabibili ko rin yun"
"Eh kung bilhan kita nung latest
edition ng FHM?"
"Ayaw"
"Eh kung pahalik ulit ako sa
iyo?"
"Game! O ayan nakatitig na ko.
Kiss ko?" nakangising demonyo ang mokong
"Hmp!" tinulak niya ito
"Sabi na nga ba eh, manyakis ka tlga Moks! Akala ko ba nag promise ka
na!" nakasimangot niyang tugon
"Haha.. Akla ko kasi totoo yung
offer.. Matitiis ko ba kung ganun na yung offer mo" nakangiti pa rin ito
ng makahulugan
"Nakakainis ka naman eh"
"Sige na nga baka magtampo ka na
naman sa akin.... Ok, para sa best friend at Moks ko na hindi ko matiis! Anong
maipaglilingkod sa iyo ni Red Antonio" panunuyo nito sa kanya.
"Seryoso yan?" paninigurado
niya. Hindi niya namalayan na nakayakap na naman itong si Red.
"Oo promise.. Hindi nga kita
matiis diba"
"Kasi si Jake Moks... Naisip ko na
kailangan ko siyang i-congratulate dahil nakapasok siya ng NASUDI. Balak ko
sanang maghanda ng surprise party para sa kanya"
Sabrina was standing at the corner
before the doorway. Kanina pa siya naroon dahil pinatuloy siya ng ina ng
baklang Adrian na yan. Sinabi nito na naroon rin si Red. Humakbang na siya
palayo bago pa man siya mapansin ng dalawang nasa kuwarto.
"O Sabrina, anak? nakausap mo na
ba sila? Aalis ka na ba?"
"Ah opo Tita, bale may binigay
lang po ako kay Red."
"O sige, magingat ka pauwi
anak" pamama-alam nito sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi.
Nang makalabas si Sabrina sa pamamahay
na iyon ay naglabas siya ng Alcohol. She doesnt want to be contaminated by any
slumps. Pagkatapos ay naalala niya ang huling sinambit ni Adrian bago siya
umalis.
"Sorpresa pala ah? Dont worry, you
will also get the surprise of your life" bulong ni Sabrina sa sarili.
Itutuloy...
Way
Back Into Love
Chapter
11
Rogue
Mercado
Jake Marcos was undeniably the newest
heartrob in the NorthEast State University. Nakabalandra sa bawat sulok ng
unibersidad ang mga plasma TV na nagpapakita ng performance nito noong
Auditions. Among the four admitted neos, ay ito ang may posibilidad na mag lead
ng newest batch ng NASUDI Singers. He was named as the younger version of
Maroon 5's "Adam Levine". Sa loob ng ilang araw ay hindi mamatay-matay
ang Jake Madness sa loob ng campus. Jake Marcos had 50 fan pages on facebook,
and all of them had more than a thousand likes. Hindi rin syempre nagpa-awat
ang mga posers, mga taong gustong maging si Jake Marcos. More or less, he had
100 posers on facebook. Napilitan na rin siyang gawing fan page na lamang ang
facebook account para mas ma-accomodate ang mga estudyanteng gusto siyang
makilala.
Sa bawat bulletin board ng eskwelahan
ay matatagpuan ang kanyang mga pictures. And everyone was dying to meet him,
magkaroon ng chance na maka-picture siya. He was of course, a popular demand on
every programs of school. Sa inauguration ng officers ng bawat club, sa bawat
formal or informal programs ng school, siya na rin ang napipisil na pambato sa
iba't ibang singing contests na involve ang NorthEast State University.
Pati ang audition piece niya sa NASUDI
ay naupload sa Youtube and it did have million hits.
Jake was the campus' hot property.
"So how are you enjoying the
fame" speaking is Martha Castillo, NASUDI's current it girl.
"Masaya" maikli niyang sagot.
Hindi niya alam kung tamang emosyon ba ang kalakip ng sinabi niyang salita.
"Jake, if you want this life, you
need to erase the old you" baling uli sa kanya ni Martha.
Napataas ang kilay niya sa sinabi nito.
May ideya ba ito sa nangyayari sa kanya ngayon. "What do you mean?"
"Well, kahapon pa kita napapansing
tulala sa rehearsals natin. Nakailang sigaw na sa iyo si Director Lee. And from
what I see, hindi ka umaakto ng ganyan dahil sa pressure. Nagiging ganyan ka
dahil sa bago mong buhay at sa mga naiwan mo"
Napabuntong hininga siya. Sapul na
sapul ni Martha ang nangyayari sa kanya. Totoong hindi pa rin siya ganun
kasanay pag pinagkakaguluhan siya sa campus. Pag may mga taong biglang lalapit
at hihingi ng pirma niya. Nalalango siya sa bawat sigaw ng tao. Sa bawat
"We love you Jake" na naririnig niya. Ngunit higit sa lahat wala na
ang taong tumatawag sa kanya ng "hon". Ilang araw na niyang hindi
nakikita si Adrian.
"How can you say those things?"
wala sa loob na tanong niya dito.
"I was once like you..... Gaya mo
rin ako noon but mine was worst." simula ni Martha. Nanatili naman
siyang tahimik at handang makinig.
"Noon kasi napakasimple lang,
pagpasok ko ng kolehiyo, gusto ko lang din matapos ang kurso ko. Im a
graduating student and Im taking BS Nursing. Kung tutuusin, buwis buhay na tong
ginagawa ko... Maintaining a white unform habang sinasamba ko ang mikropono. I
had a boyfriend then, naging kami na noong high school. Ang dami naming
pangarap.. Ang dami naming gustong matupad sa mga pangarap na iyon. Yun nga
lang biglang nagiba ang lahat. Biglang nagiba ang Martha na kilala niya. Noong
nakita ko yung Audition piece mo sa plasma TV, naalala ko rin yung sa akin
noon. Soon enough, sabi nila ako na daw ang it girl. Back then, hindi ko pa
alam ang ibig sabihin noon. Saka ko lang nalaman noong, kabi-kabilaan na ang
appearances ko sa mga important University events, noong tad-tad ang bulletin
boards ng mga picture ko, noong laman na ako ng university paper at noong
iniwan na ako ng boyfriend ko" malungkot na pagsasalaysay ni Martha.
"Bakit hindi ka bumalik sa dating
ikaw? Bakit mo isinuko ang lahat para dito?" tanong niya kay Martha.
Ngunit hindi niya alam kung ang tanong na iyon ay para nga ba talaga kay
Martha o para sa kanya.
"Dahil huli na nung nalaman ko ang
consequences kapalit ng ambisyon ko"
Para siyang pinanlamigan ng kalamnan ng
marinig ang mga salitang iyon galing kay Martha. Hindi siya nakaimik at tulala
pa ring nakatingin sa kawalan.
"Kaya Jake, kung gusto mo ang
kalagayan mo ngayon. Kailangan mong masanay sa sigawan ng napakaraming tao at
mabuhay ng mag isa mo." pagkasabi nito ni Martha ay tuluyan na itong
lumabas sa NASUDI bldg. Bigla namang nag-ring ang cellphone niya. Dinampot niya
ito at lumabas ang pangalang nakarehistro sa cellphone:
Hon
Alam na niya kaagad na si Adrian ang
tumatawag. Simula noong Auditions ay hindi na niya ito nakausap. May mga
pagkakataon rin na tumatawag ito ngunit hindi niya sinasagot. Miss na miss na
niya ito. Kung alam lang nito kung gaano kahirap para sa kanya ang tiisin ang
lahat. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at sinagot ang cellphone.
"Hello" malamig niyang bati
dito. Kailangan niyang magpanggap na hindi siya excited sa pagtawag nito
"Hon!! Buti naman sinagot mo na
tong tawag ko.. Hon Miss na Miss na kita!" bungad ni Adrian ng marinig
nito ang boses niya. Bakas sa boses nito ang sobrang excitement.
"Anong kailangan mo?" mariin
niyang tanong dito
"Na miss lang talaga kita hon.
Sorry ah kung inistorbo kita, alam kong hectic ang schedule mo ngayong school
year dahil nga diba..." naputol ang sinasabi nito ng sumingit.
"Marami pa kong gagawin, kung wala
kang sasabihing importante, ibababa ko na tong...." naputol na rin ang
sasabihin niya ng bigla itong magsalita. Waring nahintatakutan ito ng bantaan
niyang ibababa niya na ang cellphone.
"Sandali...Sandali! Hon naman...
Gusto lang kita i-congratulate..."
"Yun lang ba?" malamig niyang
tanong dito.
"Meron pa sana hon"
"Ano?" Iritable niyang tanong
"Happy Anniversary."
Parang kutsilyo na sumaksak sa dibdib
niya ang huling sinabi nito. Ang araw nga pala na ngayon ay ang 4th Anniversary
nila. Ngunit sa estado niya ngayon, hindi niya alam kung dapat nga bang batiin
niya rin ito ng Happy Anniversary. Napagdesisyunan niyang patigasin ang boses
kahit halos sumigaw ang puso niya na lambingin si Adrian. Inulit niya ulit ang
naunang tanong
"Yun lang ba?" ulit niya
"Ah... Hmm.. Ano kasi Hon..."
"Kailangan mong bilisan kung ano
man yan. May practice pa kami"
"Gusto sana kitang imbitahin
mamaya Hon.. Dun sa paborito nating restaurant? Kain lang sana tayo kung
maluwag schedule mo"
Napaisip siya. Gustong-gusto na niyang
makita si Adrian. Ngunit hindi niya yata makakayanan na titigan uli ng diretso
sa mata si Adrian gayung alam na alam niya na ang mga susunod na mangyayari
dito.
"Titingnan ko pero hindi ko
maipapangako na makakasama ako" sagot niya
"Sige Hon... pero.... maghihintay
ako"
Nagbabanta na ang mga luha na sa
kanyang mga mata.
"Ok" tanging naisagot niya
"I love you Hon" halos
pabulong na turan ni Adrian sa kanya.
Pinindot niya ang End button.
"O anong sabi Moks?" agaw
atensyon ni Red sa kanya matapos niyang tawagan si Jake.
"Try niya daw pumunta Moks"
medyo malungkot niyang tugon
"Try? Moks... 4th Anniversary niyo
tapos susubukan niya lang? Ganun na ba siya ka-celebrity masyado at hindi niya
man lang magawa ang puntahan ka sa araw na espesyal sa inyong dalawa?" mahabang
litanya ni Red sa kanya.
"Moks, intindihin mo naman yung
tao... Alam mo namang siya na ngayon ang lead singer sa NASUDI. Tingnan mo
sikat na sikat na siya sa campus." pagtatanggol niya kay Jake
"Importante pa ba yun Moks kaysa
sa iyo? Kung ako siya.. ikaw ang first priority ko."
"Eh iba naman siya sa iyo Moks
eh... Saka naiintindihan ko naman ang bagong set up namin ngayon"
"Wow, talagang may set up pa kayo
Moks ah. At congrats! ikaw yung nakaisip ng bagong set up na yan, hindi na kailangang
mag-alala ng Jake na iyan sa sitwasyon niyo.. Wow naman, swerte talaga nung
sikat mong boyfriend sa iyo"
"Ako moks... ako ang swerte..
Dahil alam kong mahal niya ko"
"Malas ko, ikaw naman ang mahal
ko" bulong ni Red sa sarili niya.
"May sinasabi ka Moks?"
"Ah wala Adrian dele Riva!... Sabi
ko lang kako sa sarili ko... Apat na mata mo, hindi mo pa makita yung lalaking
nagmamahal sa iyo"
"Lagi ko namang nakikita si Jake
ah"
"Eh ako? Hindi mo ba ko
nakikita?" tanong sa kanya ni Red.
"Ayan oh.... nakikita naman kita
Moks... Ang gwapo-gwapo mo Moks.. Ayan oh" natatawa niyang sagot kay Red
habang itinuturo ito.
"Ewan ko sa iyo... Labo mo"
sagot ni Red sa kanya habang iiling-iling.
"Hay Naku Moks.. Mag-ayos ka na
nga lang diyan"
Kasalukuyan silang nasa isang
restaurant na malapit ng konti sa eskwelahan nila noong high school. Noong
hindi pa sila tumutuntong ng kolehiyo ay ito ang paborito nilang puntahan ni
Jake. Maliit lamang ito at abot kaya ang presyo ng mga lutuin. Ngunit sa araw
na iyo ay inupahan niya ang buong restaurant at dinesenyuhan ng naayon sa
kanilang okasyon. 4th Anniversary nila at nararapat lamang na kahit papano ay
espesyal din ang selebrasyon nilang dalawa lalo na at nakapasok sa NASUDI si
Jake. Matagal niyang pinagipunan ang gagastusin para dito. Kung tutuusin ay
pwede naman talaga siyang humingi sa Mama niya ngunit mas pinili niyang ipunin
na lamang mula sa baon ang gagastusin para dito.
Ang buong lugar ay pansamantalang
natatakpan ng mga larawan nila. Kuha iyon simula noong highschool pa sila ni
Jake hanggang sa kasalukuyan. Makikita iyong mga panahon na nagkukulitan lang
sila sa larawan at paborito nilang mag-wacky pose sa harap ng kamera. Nahagip
rin ng mga mata niya ang larawan nila nung Mock Wedding. Sa katunayan ay
ito ang naging inspirasyon niya sa ginawang paghahanda sa lugar. Kabi-kabilaan
ang mga pink balloons, mga pink na bulaklak. at ang mga telang ginamit para
takpan isang lamesa sa gitna ay kulay pink din. Buti na lamang at
pinahintulutan siya ng may-ari ng restaurant at syempre alam kasi nito na
parokyano na sila ng nasabing lugar.
Sa harap ay matatagpuan ang isang
projector, naghanda rin siya ng slideshow na naglalaman din ng pinaghalong mga
larawan nila at ilang video clips na nakunan nila. Mayroon ding microphone sa
unahan at nakalapag sa bangko ang isang gitara, balaki niya kasi itong kantahan
ng theme song nila. Medyo nakakapagod rin talagang ibahin ang hitsura ng lugar
ayon sa gusto niya ngunit nagpapasalamt siya at nandyan si Red, kundi dahil
dito ay hindi siguro matatapos lahat ng naplano niyang gawin sa
restaurant.
Nilingon niya ito, kasalukuyan itong
nagkakabit ng balloons. Kahit pa asar na asar na ito sa kanya ay tinutulungan
pa rin siya nito. Doon niya napapatunayan ang sinasabi nito sa kanya na hindi
siya nito matitiis.
Ano kayang pakiramdam ang mahalin ng
isang Red Antonio?
Pasimple niyang sinapak ang
sarili. Bakit ba kung ano-anong pumapasok sa isip niya? Si
Jake ang boyfriend niya at si Jake lang ang mahal niya.
"Oh? Nangyari sa iyo? bakit tulala
ka na naman diyan? Ayos ka lang ba Moks?" agaw pansin sa kanya ni Red ng
makita siyang nakatulala.
"Ah wala wala..."
pagsisinungaling niya at nagiwas siya ng tingin dito.
"Moks.. alam ko importante sa iyo
itong araw na to... pero dapat siguro magpahinga ka muna. Pinag-aalala mo ko
eh. Parang hindi ka pa yata natulog kagabi dahil lang dito"
"Kinakabahan kasi ako Moks eh,
paano kung hindi magustuhan ni Jake tong hinanda ko para sa kanya."
"Sinabi mo ba sa kanya kung anong
oras at saan kayo magkikita?"
"Tinext ko na kanina pa"
sagot niya
"Magugustuhan niya iyon ano ka ba?
Tingnan mo nga ginawa mo dito sa restaurant... mahihirapan na yata ibalik nung
may-ari yung dating hitsura ng restaurant niya"
"Sigurado ka ba talga Moks?"
tanong niya ulit
"Halika nga dito"
Hudyat na ulit iyon sa kanya para
yumakap ulit kay Red. Sa mga ganung sitwasyon, talagang kailangan niya si Red
para pagaanin ang loob niya.
Niyakap siya nito ng mahigpit. at
ganoon din siya.
"Hay naku Moks ko... bakit pa
kasi"
"Anong bakit pa kasi Moks?"
malambing niyang tanong.
"Bakit pa kasi ang sarap sarap
mong yakapin" biro nito sa kanya
Agad naman niyang siniko ito sa
tagiliran.
"Oh bakit na naman? To naman, ikaw
na nga tong niyayakap"
"Eh puro ka kasi kalokohan, kala
ko naman walang malice iyong yakap na iyo. Hmp!" singhal niya dito
"Haha.. Pwede bang walang malice
moks eh sa hindi ko mapigilan eh" si Red habang tumatawa ng nakakaloko.
"Wag kang lalapit.. Hindi na nakakatawa
yan inaakto mo Red Antonio"
Humakbang si Red papalapit sa kanya at
naka ngisi ng makahulugan.
"Moks... payakap pa ko"
nakangiti pa rin Red
"Wag kang lalapit, diyan ka
lang"
"Moks"
At natagpuan na lang nila ang sarili
nila na naghahabulan sa loob ng restaurant. Nagkikilitian na lamang sila na
parang wala ibang tao.
"Moks ano ba... Tama na kasi..
Nakikiliti ako.. Hahaha" awat niya kay Red ng hinabol siya nito at
simulang kilitiin sa tagiliran.
"Hmmm... ayan.. yan... siniko mo
ko kanina ako naman ngayon.. Haha"
Wala siyang laban dahil masa malakas
ito kaysa sa kanya. Kaya naman wala siyang nagawa kundi ang tumawa na lang ng
tumawa habang kinikiliti siya nito.
Humarap siya para tangkaing pigilan
ito. Nakabig siya paharap ni Red. Ang tawanan nila ay napalitan ng katahimikan.
Napalitan ito ng paghinga nila ng malim. Nararamdaman niya ang init ng hininga
ni Red. Nakatitig ito sa kanya at sa di maipaliwanag na dahilan ay hindi niya
rin maalis ang titig niya rito.
"Adrian! Anak!" tawag ng
isang boses lalaki sa kanila.
Awatomatiko naman silang napalingon at
nakita niya ang may-ari ng maliit na restaurant na inupahan nila. Nilingon niya
si Red at nakita niyang naihilamos nito ang kamay sa sarili nitong mukha.
Pinili niyang huwag munang pansinin ito at lumapit siya sa matandang lalaking
nagmamay-ari ng boses.
"Nandyan po pala kayo, Tito
Felix" bati niya dito ng tuluyan na silang magkaharap.
Nakasanayan na kasi nilang tawaging
Tito Felix ang may-ari ng restaurant hindi dahil sa kamag-anak nila ito kundi
dahil sa napalapit na rin sila rito at naging bahagi na ng buhay high school
nila. Wala itong anak o pamilya at tanging ang nagiisang kapatid nito na babae
ang katuwang nito para itaguyod ang restaurant. noong nawili na sila na kumain
sa restaurant na iyon ay itinuring na sila nitong anak-anakan nila Jake at Red.
"Oh ito na ba yung boyfriend
mo?" tanong sa kanya nito sabay baling kay Red. Alam kasi nito na
boyfriend niya si Jake yun nga lang sa tagal siguro na hindi na sila nagagawi
roon matapos grumaduate sa high school ay baka hindi na nito masyadong
mamukhaan si Red at Jake.
"Ay naku hindi po bestfriend ko
lang po siya" depensa niya sa sinabi nito
"Oo nga.. bestfriend niya LANG po
ako" sagot din ni Red. Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang pagbibigay
diin nito sa salitang "lang".
Nagpasya siyang huwag na muna itong
pansinin.
"Ah siya nga ba? Naku hijo
patawarin niyo ang Tito Felix niyo at talagang tumatanda na"
"Naku hindi naman halata Tito, eh
mas mukhang bata pa yata kayo ngayon kaysa nung dati eh." pagsalungat niya
dito
"Haha.. Marunong ka talagang bata
ka.. Hayaan mo at magluluto pa ko ng isang putahe dahil sa sinabi mo.. Bonus ko
na yun sa iyo anak"
"Haha Thank You tito.. Pero totoo
naman talaga na wala pa ring kupas ang pagka-pogi niyo"
"Tong batang tong talaga hala
sige.. Maiwan ko muna kayo dito ano? At lulutuin ko yung bonus menu.. Ikaw Red
ingatan mo tong si Adrian ah?
"Oo naman Tito.. Ingat na Ingat ko
po talaga iyan" sagot naman kaagad ni Red
"Tito naman bakit kailangan pa
kong ihabilin kay Red?" tanong niya dito
"Eh diba mag boyfriend kayo?"
tanong ulit nito
"Tito Felix naman eh! Kakasabi ko
lang na hindi kami"
"Haha... Pasensya na anak at may
deperensya na itong mata ko ano.. Hindi ko na kasi mamukhaan si Jake saka
tinitingnan ko kayo kanina.. Bagay na bagay naman kayo.. Alam mo Adrian anak,
may mga bagay na matagal na nating hinahanap hanap pero nasa tabi tabi lang
pala"
"Kayo talaga Tito, hanggang ngayon
pinapangaralan pa rin ako" lambing niya dito para naman mabago ang
pinaguusapan nila. Hindi na kasi siya komportable sa mga sinasabi nito.
"O siya sige, mga anak at pupunta
na ako sa kusina"
Lumingon ulit siya kay Red at nakita
niyang nakangiti ito.
"O bakit ka nakangiti diyan"
"Wala lang, masama bang
ngumiti"
"Sus... Ewan ko sa iyo"
Mas lalo yata nangasar ang Mokong at
sumipol pa ito habang nakangiti. Nang tumingin ulit siya dito ay kininditan
siya nito.
"Moks" tawag ulit sa kanya ni
Red.
"Bakit Moks?"
"Maya-maya... aalis na ko ah..
Alam mo namang ayaw kong makita ang Jake na yan at baka ano pa ang magawa
ko"
"Moks naman eh.. Importanteng araw
namin to.... Ngayon ka pa mawawala"
"Iyon na nga Moks, importanteng
araw niyo... Dapat solemn at romantic dahil Anniversary niyo, dapat nga hindi
mo na inimbitahan si Sabrina na pumunta.."
"Ang alam ko naman kasi eh nandito
ka rin mamaya pag dumating si Jake"
"Hindi ko pa rin makalimutan yung
ginawa niya sa iyo noong Auditions... Diba sabi mo hindi siya nagparamdam sa
iyo matapos noon.. Sabi mo pa nga hindi sinasagot ang tawag mo? Ano iyon?
Nakalimutan ka na por que sikat na siya? Iyan ba yung pinag mamalaki mong
boyfriend" galit na tugon ni Red.
"Moks naman eh..." tanging
nasambit niya
Bumuntong hininga muna ito bago sumagot
muli. "Moks, nag-aalala lang ako sa iyo"
"Moks mahal ko si Jake at alam
kong mahal niya rin ako.. Diba dapat pag nagmamahal ka iniintindi mo lahat
lahat ng tungkol sa kanya?"
"Fine.. Hindi na po ako sasagot
tungkol diyan.. To make it up, sandali lang ako OK? Then yayayain kong lumabas
si Sabrina para makapag solo kayo.. Ok na ba yun?"
"Thank You moks!!.. Payakap naman
sa best friend kong walang kupas"
"Sus nambola ka pa... Kung hindi
ka lang cute eh"
"Haha sira!... Ang sabihin mo
hindi mo lang ako matiis"
"Syempre mahal kita eh"
Napatda siya sa narinig. Tinitigan niya
ito habang naka-kawit ang mga braso niya sa leeg nito.
"Joke" ngumisi ito ng
nakakaloko
Binatukan niya ito bilang ganti.
"Oh para san na naman iyon?"
natatwa nitong tanong habang hinihimas ang ulo.
"Ikaw kasi kung ano-anong
pinagsasasabi mo"
"Apektado ka naman"
"Hindi ah"
"Sus... nahiya pa.. gustong gusto
naman" pang-aasar nito sa kanya
"Sige lang Red Antonio... ituloy
mo lang iyan... Makakatikim ka sa kin"
"Iba ang gusto kong tikman"
makahulugang wika ni Red sabay kindat sa kanya.
"Ewan ko sa iyo"
pambabalewala nito sa kanya at pumunta siya sa mga balloons para i check ang
mga ito
"Pikon!" sigaw nito sa kanya
"Manyak"
"Haha... Sige na nga ako na ang
Manyak.. Pano Moks... uwi na muna ako.. palit lang ako ng damit"
"Sige moks.. ako na bahala
dito"
"Sigurado ka?"
"Oo Moks.. Sige palit ka na at ang
baho mo na... May mga damit akong pamalit jan.. Dito na lang din ako
magpapalit"
"Oo mabaho nga ako, pero gwapo
naman"
"Umuwi ka na lang kaya.. Bubuhatin
pa ang sariling bangko eh"
"Sige Moks ko.. kitakits mamaya
and Happy Anniversary" matamis na ngiti ang ipinukol sa kanya ni Red
pagkatapos siyang batiin nito.
"Thanks Moks"
"Basta ikaw" pahabol nito at
saka unti unting nawala sa paningin niya.
Binabagtas ng kotse ang daan papunta sa
Glifonea's, isa itong maliit na restaurant na pagmamayari ng isang matandang
binata na nagnganagalang Felix Marivelles. Parang kailan lang na doon sila
kumakain ni Adrian tuwing recess sa high school. At ngayon naiimagine niya uli
ang sarili niya na kaharap si Adrian at kumakain sila ng sabay.
He shook his head. Kung anumang
binabalak niyang masayang pagtatagpo ay kailangan niyang pawiin. Dahil nakaukit
na ang mga sasabihin niya kay Adrian mamaya. Naalala niya ang paguusap nila ni
Sabrina bago siya umalis.
"You need to attend to that
celebration Jake"
"Bakit pa? Hindi ba pwedeng iwasan
ko na lang siya?"
"No.. And you will only do what I
will tell you.. I want you to go there and break up with that fag!"
"Sabrina pwede bang itaya mo na
lang sakin ang relasyon namin ni Adrian?"
"Relasyon? Ang alam ko wala naman
talagang relasyon Jake... Diba planado ang lahat? Diba ilang taon ka ring
nagtiis sa baklang iyon? This should be a piece of cake."
Tama nga naman ito. Planado lang ang
lahat. Kung mayroon mang isang katotohanan sa relasyon nila ni Adrian, ito ay
ang katotohanang kasinungalingan lang ang lahat.
"Jake.. Go now"
Pumarada ang kotse sa isang maliit na
restaurant. Ito na nga ang Glifonea's. Biglang bumalik sa ala-ala niya ang mga
pangyayari noong high school sila. Oorder sila ng spaghetti at laging
magrereklamo si Adrian dahil daw ang madumi siyang kumain nito. Lagi kasing
nababahiran ng sauce ang gilid na bahagi ng mga labi niya. Pagkatapos ay
pupunasan ni Adrian ng tissue ito at siya naman patuloy na humahanga sa
pag-aalaga nito sa kanya.
Pumasok siya sa loob ng restaurant.
Walang ilaw.
"May tao ba dito?"
Walang sumagot.
Tatalikod na sana siya palayo ng
biglang may musikang pumailanlang sa buong restaurant. Lumiwanag ang buong
paligid dahil biglang nabuksan ang ilaw. At ang musika ay nasundan ng boses na
kumakanta.
"I've been living with a shadow
overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed, I've been
lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move
on"
Nakita niya si Adrian nag-gigitara
habang may nakatapat na mikropono. Matamis ang pagkakangiti nito sa kanya. Doon
pa lamang ay gustong gusto na niya itong yakapin at ikulong uli sa mga braso
niya.
Nakita niyang lumapit ang may-ari ng
restaurant na nagngangalang Felix. Binigyan siya nito ng mikropono.
Nagsimula siyang umawit habang nakatitig
kay Adrian. Sinikap niyang walang emosyon ang lumabas sa mukha niya.
"I've been hiding all my hopes and
dreams away, Just in case I ever need 'em again someday, I've been
setting aside time, To clear a little space in the corners of my
mind"
"All I wanna do is find a way back
into love. I can't make it through without a way back into love.Ooo
hooow"
"I've been watching but the stars
refuse to shine, I've been searching but I just don't see the
signs, I know that it's out there, There's gotta be something for my
soul somewhere"
"I've been looking for someone to
she'd some light, Not somebody just to get me through the night, I
could use some direction, And I'm open to your suggestions"
"All I wanna do is find a way back
into love. I can't make it through without a way back into love. And
if I open my heart again, I guess I'm hoping you'll be there for me in the
end"
"There are moments when I don't
know if it's real Or if anybody feels the way I feel I need
inspiration Not just another negotiation"
"All I wanna do is find a way back
into love, I can't make it through without a way back into love, And
if I open my heart to you, I'm hoping you'll show me what to do, And
if you help me to start again, You know that I'll be there for you in the
end"
Natapos ang kanta na wala siyang
ka-rea-reaksyon. Huli na ang lahat. Hindi na niya maibabalik ang dati. Gumala
ang mata niya sa dingding ng restaurant. Sa lahat ng sulok ay makikita ang
kanilang mga larawan, mga larawan na nagpapakita kung gaano sila kasaya noon.
Mga larawang amgsisilbing paalala kung gaano siya kaswerte kay Adrian. At ito
ang buhay na paalala na sa tanan ng buhay niya, naranasan niyang magmahal.
Biglang naalala niya ang sinabi ni
Martha. "Dahil huli na nung nalaman ko ang consequences kapalit ng
ambisyon ko"
Tama ito. Huli na ang lahat para sa
konsensiya. Huli na ang lahat para sa pagmamahal.
"Hon nagustuhan mo ba?"
Hindi niya namalayan na naroon na pala
ito sa harapan niya. Nakita niyang lumapit si Adrian sa kanya para halikan siya
sa pisngi.
"Happy Anniver..." hindi na
naituloy ni Adrian ang sasabihin niya ng pigilan ni Jake ang mga braso niya
para yakapin ito.
"This is the worst thing you've
done"
"Hon may mali ba? Hindi mo
nagustuhan tong hinanda ko para sa iyo. Hon OK lang, kung di mo gusto dito
Hon.. Kahit sa ibang lugar na lang tayo magcelebrate"
"Dont bother Adrian"
"Adrian? Hon, hindi ko
maiintindihan bakit ka ba nagkakaganyan?" pumiyok na ang boses niya tanda
ng nagbabantang mga luha.
"That would be the last time that
you will call me that name. Hon? Pathetic"
"Hon sorry na please wag ka ng
magalit..."
"You made me sick" pagkasabi
ni Jake nito ay tumalikod siya para humakbang papalayo. Tumakbo naman
siya sa harapan nito para pigilan ito.
"Sandali.. Hon.. may nagawa ba
akong mali.. May hindi ka ba nagustuhan ? Ano? Sabihin mo na.. Parang awa mo
na"
"Hindi mo naiintindihan"
malamig nitong tugon sa kanya
"Dahil ayaw mong sabihin!!!! Hon,
hirap na hirap na ko ... hindi mo sinasagot tawag ko... Miss na miss na kita
... ngayong nagkita na ulit tayo bakit biglang bigla parang ayaw mo na kong
makita" umiiyak na siya habang sinasabi niya iyon.
"Gusto mong maintindihan?
Huh?" biglang sigaw ni Jake sa kanya at kwinelyuhan siya.nanlilisik ang
mga mata nito sa galit.
Hindi siya nakapagsalita. Sa buong
buhay niya ay noon niya lang nakitang galit na galit si Jake.
"Makinig kang mabuti.. Dahil ang
susunod kong sasabihin sa iyo ay para sa ikaiintindi ng mahina mong kokote.
Alam mo, sayang.. Ang talino mo pa naman sana kaya lang mas matalino ako sa
iyo... Ginamit lang kita.. Ginamit lang kita para makaabot ako sa kinaroroonan
ko ngayon.. Akala mo siguro kaya kitang mahalin noh... Hindi kita kayang
mahalin... dahil..."
"Dahil ano Jake? Dahil
ano!!!" sumigaw na rin siya habang patuloy na umaagos ang luha sa kanya.
Nabigla siya ng itulak niya ito at
mapaupo siya sa lapag. Nakita niyang nakangiti ito sa kanya. Ngiti ng isang
taong nagtagumpay na isakatupara ang pinaplano niya.
"Dahil BAKLA ka lang"
Sapat na ang sinabi nito para
pagsakluban siya ng langit at lupa. Narinig niyang humakbang ito palayo at ang
sunod na narinig niya ay tunog ng kotseng papaalis.
"Mama pwede niyo po bang bilisan
ng konti?"
"Naku hijo sagad na tong takbo ng
tricycle ko"
"Mama kailangan ko po kasing
sunduin yung Moks ko, importante lang po eh"
"Moks? Yun ba yung pangalan
niya?"
"Hindi.. Basta.. Bilisan niyo na
lang po"
Gusto ng batukan ni Red ang tricycle
driver na sinakyan niya. Biglang bigla kasi ay pinapunta siya kaagad ng kanyang
Ina papunta kay Adrian. Kanina pa siya balisang balisa at pinagpapawisan ng
malamig. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito.
Sa wakas ay nakababa na siya sa
tricycle. Humahangos na pumunta siya sa loob ng restaurant at nakita niya si
Adrian.. Nanonood magisa ng slideshow. Humangos siya papalapit dito dahil may
kailangan siyang ibalita.
"Moks!" sigaw niya dito
"Jake? Jake... buti nagbalik
ka"
"Moks, si Red...to hindi ako si
Jake... si Red to"
"Moks kaw pala sorry... Moks
please... habulin natin sa Jake Moks... Moks.. magpapaliwanag ako sa kanya
Moks... please..Moks" umiiyak ito habang nakayakap sa kanya.
"Moks hindi natin siya
hahabulin"
"Moks sige na please... Parang awa
mo na... Moks" humagulhol na si Adrian
"Moks.. naririnig mo ba ang sarili
mo? Moks.. may isang tao mas kailangan ka ngayon.. Moks nasusunog ang bahay
niyo ngayon.. At nandon ang Mama mo!!!"
Itutuloy....
Way
Back Into Love
Chapter
12
Rogue
Mercado
"Gagaling pa ba siya?" tanong
ni Red kay Karma.
Karma Antonio is a psychiatrist who
graduated from one of the top universities in the country. Yun nga lang mas
pinili nito na magpalipat-lipat sa iba'tibang lugar para magkawang-gawa kaysa
magtayo ng sarili nitong clinic. Mas madalas siyang nasa ibang lugar at
ginagamot ang mga taong tinakasan na ng sariling katinuan. Minsan nga ay
nagtatampo na ang kanyang ina dahil dalawa o talong buwan siya halos hindi
umuuwi ng bahay. Gayunpaman ay naiintindihan nito ang kanyang propesyon.
Kakauwi niya lamang noong isang linggo
ngunit hindi niya akalain na isang tao na naman ang nangangailangan ng kanyang
propesyunal na tulong. Buong akala niya ay panandalian siyang makakatakas sa
stress ng trabaho niya ngunit hindi pala. Gayunpaman, hindi basta ordinaryong
tao lamang ang pasyente niya ngayon, ito ay ang kababata ng kanyang kapatid na si
Red.
"Gagawin ko ang lahat ng makakaya
ko but for now kailangan mong isa-alang-alang ang mga sinabi ko sa iyo"
"Hindi ko man lang ba siya pwedeng
makita?"
"Wag muna sa ngayon Red"
"Pero ate..."
"May gusto ka ba sa kanya?"
Halatang nabigla ang nakababatang
kapatid niya sa tanong niya ngunit determinado siyang makuha ang sagot nito.
Ilang linggo rin kasing nakikita niyang sobrang apektado ito sa nangyari sa
kababata niyang nagngangalang Adrian.
"Hindi ko maintindihan ang tanong
mo Ate"
"Red, tinatanong kita kung gusto
mo si Adrian hindi bilang isang kaibigan kundi bilang kasintahan"
dire-diretso niyang tanong dito
Hindi ito kaagad nakasagot at tinitigan
lang siya ng mariin.
"Ate... Paano kong Oo? Magagalit
ka ba?"
"Ang alam ko may girlfriend
ka?"
Tumango lang ito.
"Sigurado ka na ba sa nararamdaman
mo?"
"Ate... Ito lang desisyon ko sa
buhay ko na siguradong sigurado ako... At ito ang desisyon na pinanghahawakan
ko hanggang ngayon.. Ate mahal ko na si Adrian.. Higit pa sa pagiging matalik
na kaibigan"
Tinimbang niya kung nagsasabi nga ba ng
totoo si Red. Ngunit wala siyang nakitang bahid ng kasinungalingan sa mga mata
nito.
"Red... kung maguusap tayo bilang
dalawang tao na magkaiba ang pananaw at kasarian... Hindi ako pabor sa desisyon
mo... Babae ako.. babae si Sabrina.. Alam mo ba kung gaano kasakit ang
nararamdaman niya habang magkarelasyon kayo ngunit iba ang mahal mo.. Ngunit
kung maguusap tayo bilang magkapatid.. Ikaw bilang nakababata kong kapatid at
ako bilang iyong ate... Sinusuportahan ko ang desisyon mo.. Kung sa tingin mo
mas liligaya ka ng iniibig siya.. Hindi kita pipigilan.. Ngunit kailangan mong
ihanda ang sarili mo.. Dahil maraming mga pagsubok ang naghihintay sa mga taong
mangangahas umibig ng tapat" mahaba niyang litanya dito.
"Alam ko naman yun ate... Alam
kong kailangan kong ihanda ang sarili ko na masaktan pero wala akong magagawa..
Mas pipiliin kong ibigin siya at masaktan para naman kahit matapos ang lahat at
hindi pa rin ako ang pinili niya.. Masasabi kong ibinigay ko ang buong mundo ko
sa kanya.. mapasaya lang siya"
Hindi niya akalain ganun na magsalita
itong si Red. Parang kailan lang ay paslit lang itong laging nakabuntot kay
Adrian at kanta ng kanta pag walang magawa. Ngunit ngayon, mamang mama na ang
dating at daig pa ang isang matanda magsalita. Siguro nga ay mas may alam pa
ang kapatid niya sa tunay na pagmamahal.
"Ate pwede ba akong humingi ng
pabor?"
"Ano iyon?"
"Pwede ko bang makasama si Adrian?
Kahit ngayon lang? "
"Red, alam mong Adrian is under
medication. Hanggat maari ayoko muna siyang makisalamuha sa ibang tao except
me"
"Please ate... kahit ngayon
lang?"
Kung hindi niya pagbibigyan itong si
Red ay alam niyang madaragdagan lang ang paghihirap nito. Bilang isang
psychiatrist, ay maraming rason kung bakit tinatakasan ng sariling bait ang mga
tao ngunit karaniwan sa hindi ay pagibig ang dahilan. Sobrang Pagibig. Yung
tipong pinaikot mo ang mundo mo sa isang tao ngunit nalaman mong hindi naman
pala sa iyo umiikot ang mundo ng taong mahal mo.
"Ok Red but Im just giving you
until this afternoon.. Pagkatapos ay babalik uli siya sa kuwarto niya"
"Talaga ate.. Wag kang mag-alala
ako na bahala sa Moks ko"
"Ok sige.. nandun siya sa kuwarto
niya puntahan mo na lang"
"Ok"
Mabilis pa sa alas-kuwatro na umalis si
Jake sa harapan niya. At ang alam niyang kung ano man ang napagusapan nila ay
totoo ang mga sagot na nakuha niya kay Red. Sinimulan niyang kunin ang mga
papel nakalatag sa kanyang mesa. Ang nararamdaman niyang galak kaninang
nakipagusap siya sa kanyang kapatid ay napalitan ng takot. Tiningnan niya ang
mga nakasulat sa papel. Hindi maaari.
Humakbang si Jake pataas sa
pinakadulong kwarto ng kanilang bahay. May halos walong kwarto ang bahay nila.
At nasa dulo ang kwarto ni Adrian. Utos rin ito ng kanyang ate na itabi ang
magiging kwarto nito sa kwarto ng ate niya. Dahil ginagamot nito si Adrian.
Nasa harap na siya ngayon ng kuwarto.
Ngunit nagdadalawang isip siya kung pipihitin niya ba ang doorknob o kakatok.
Hindi niya alam kunggugustuhin nga ba ni Adrian na makita siya o kung
gugustuhin niyang makita si Adrian matapos ang mga naganap ilang linggo na rin
ang nakakaraan.
Bumaba sila ng tricycle habang umiiyak
pa rin si Adrian galing sa Glifonea's resto. Kung hindi siya nagkakamali ay
nakipagkalas na si Jake kay Adrian. Hindi niya alam kung dapat siyang matuwa sa
nangyari ngunit habang nakikita niya si Adrian na umiiyak ay naghihirap din ang
kalooban niya. Gustong-gusto niya ngang habulin si Jake at iharap ulit ito kay
Adrian para bawiin nito ang mga sinabi nito sa matalik niyang kaibigan.
Ngunit mas importante na puntahan nila
ang bahay nila Adrian na kasalukuyang tinutupok ng apoy. Nang marating nila ang
bahay ng mga Dela Riva ay nakita nila kung gaano kalaki ang apoy na lumulukob
sa buong kabahayan. Nakita niyang nandun na rin sa pinangyarihan ng nasabing
sunog ang kanyang Ina at si Sabrina, kapwa ito umiiyak sa nakikitang apoy.
Nang makita silang paparating na
tumatakbo ay agad siyang niyakap ni Sabrina. Niyakap rin niya ito para tumahan
na ito sa kaiiyak.
"Anong nangyari? Nasaan si Tita
Estel?" tanong niya kay Sabrina ng tumahan ito ng kaunti. Ang tinutukoy
niya ay ang Mama ni Adrian.
"Babe, nasa loob pa siya...
nahihirapan daw ang mga bumbero na apulahin ang sunog"
"Ano! Wala man lang bang pumunta
sa loob para irescue si Tita? Ang laki na ng apoy"
"Paraanin niyo ko.. Nasa loob ang
Mama ko.. pupuntahan ko siya... Paraanin niyo ko!!!" narinig niya ang
sigaw ni Adrian habang pinipigil siya ng mga bumbero na pumasok sa loob ng
bahay
"Sir, delikado po... Mas
makabubuti na dumito lang po muna kayo at kami na ang bahala sa Nanay mo"
Tumakbo siya para awatin si Adrian na
nagpupumalit pa rin suungin ang apoy sa kabila ng babala ng mga bumbero dito.
"Moks tama na.. Moks... Gagawin
nila ang lahat para kay Tita.. Maniwala ka lang"
"Moks.. Hindi!!!.. Ang mama nasa
loob... Puntahan natin siya please Moks... Ang Mama .... Moks... Ang Mama"
hindi na nito napigilan pumalahaw sa iyak habang hawak niya ang braso ni
Adrian.
Nagpumilit itong pumasok sa bahay
ngunit nanatili siyang nakayakap dito. Wala na itong nagawa kundi panoorin ang
apoy na lumukob sa kanilang bahay.
"Ako ang magdadamit sa kanya"
malamig natugon ni Adrian sa kanya ng puntahan nila sa morge ang lapnos na
katawan ng Mama ni Adrian. Namatay ito sa sunog na naganap sa kanilang bahay.
Ngayon, wala ng pamilya si Adrian. Nagiisa na lang ito.
"Moks sila na ang bahala kay Tita,
kaya na nila iyan.. mabuti pang magpahinga ka na muna" pagaalala niya
dito. Naalala pala niya na ang araw na ring iyon ang araw na nakipagkalas si
Jake kay Adrian. Kung hindi lang nangyari ito ay pinuntahan niya na at binugbog
ang lalaking iyon.
"Hindi, ako ang magdadamit sa
kanya" matigas nitong sagot na para banag alam na alam nito ang pakiramdam
ng magdamit sa isang sunog na bangkay.
"Moks, magpahinga ka na."
"Moks.. Baka hindi makahinga ang
Inay... Alisin natin tong takip sa ulo niya" si Adrian at pagkasabi nito
ay inalis ang takip na tela sa mukha ng Mama niya.
Lumantad sa kanila ang sunog na mukha
ng Mama ni Adrian. Hindi niya alam kung masusuka o hindi sa nakita. Halos hindi
na ito makilala sa sobrang pagkakatusta nito sa sunog.
"Moks.. ikuha mo ko ng damit sa
bahay.. Dadamitan ko ang nanay" malumanay ngunit tulirong pagkakasabi ni
Adrian sa kanya.
Mas pinili niyang huwag na lang
sumagot. Abo na lang ang natira sa bahay nila Adrian Awang-awa na siya dito.
Wala na itong iniluluha at marahil naiiyak na nito ang lahat kanina ng
magpumilit itong makapasok sa bahay nila habang nasusunog ito.
"Moks dadamitan ko ang Nanay tapos
pupunta kami kay Jake, hihingi ako ng tawad kay Jake Moks tapos ang mama masaya
kaming papanoorin pagkatapos ikakasal daw kami ni Jake Moks tapos nandun ang
Mama, tapos may mga pink na balloons, may pink na cake, tapos magiging masaya
ang Mama kasi sabi ko sa kanya totoong may Happy Ever After Moks.. Kaya bilisan
mo na, kunin mo na yung paboritong damit ng Mama.. Pupunta na kami kila Jake
pag nabihisan ko na siya"
"Moks.. tama na.. " wala
siyang lakas para salungatin ang mga pinagsasasabi nito sa kanya.
"Ikuha mo na ng damit sabi eh!!!!
Ikuha mo ng damit Moks!!!! Ikuha mo ng damit!!!! Pupunta kami kila Jake Moks!!!
Ano ba ang hindi mo maintindihan Moks? Ikuha mo ng damit ang Mama!!!"
nagsimula ng magwala si Adrian sa morge at kung ano ano na ang pinagsasasabi
nito.
Wala siyang magawa kundi ang panoorin
itong lumuluha, sumisigaw, at pinapalo siya sa dibdib. Maya-maya ay namalayan
niya ang mga tao sa morge na tinurukan si Adrian ng pampakalma. Ilang saglit pa
ay nakatulog ito.
Hindi niya akalain na iyon na ang
huling sandali na makakausap niya si Adrian.
Mula noon ay lumipat na si Adrian sa
kanila. Ngunit hindi niya sigurado kung ang dating Adrian nga ba ang lumipat sa
kanilang bahay. Naayos na rin ang Last Will and Testament ng magulang nito. At
dahil si Adrian lang ang nagiisang anak, ay nakatanggap ito ng malaking halaga
mula sa Savings ng kaniyang mga magulang. May kulang kulang 500, 000 ang naka
deposito sa bangko at nakapangalan na sa kanya. Naiwan din sa pangangalaga ni
Adrian ang ilang lupang sakahan na nabili pala ng kanyang Mama bago ito
pumanaw. Ang mga papeles ay inayos din ng kaniyang Mama.
Ngunit walang naging epekto ang mga ito
kay Adrian. Hindi na ito nagsasalita. Hindi gumagalaw. Hindi kumakain. Sa
tingin niya ay nawalan na ito ng ganang mabuhay pa. Gusto na sana nila itong
dalhin sa isang psychiatrist sa kanilang lugar. Noong unang pumunta sila ay
sinabi nito na na-trauma daw si Adrian sa mga naganap at hindi naman daw
magtatagal ay makakabawi na ito. Hindi niya alam kung pampalubag loob lamang
ang sinabi ng doktor ngunit sa tuwing tinitingnan niya ang kalagayan ni Adrian
na parang lantang gulay na nakaupo sa wheel chair. Dilat ang mga mata nito at
iyon lang ang tanging gumagalaw na bahagi ng katawan nito, ang iba naman ay
parang sumuko na ring gumalaw pa.
Gusto na sana nilang i-turn over sa
psychiatrist si Adrian ngunit sakto naman na dumating ang kanyang ate mula sa
isang medical mission. Ang kanyang Ate Karma ang isa sa pinaka magaling na
psychiatrist. Noong nakatapos ito ng pag-aaral ay kabi-kabilaan ang nag offer
dito na maging psychiatrist sa isang klinika o hospital. Ngunit mas pinili
nitong magkawang-gawa na lamang kaysa pumasok sa malalaking establisyemento o
magtayo ng sariling clinic.
Mula ng ikonsulta niya sa kanyang ate
si Adrian ay pinagbawalan muna siya nitong makita si Adrian. Gusto daw muna
nitong suriin ng mabuti ang nangyayari kay Adrian.
At ngayon, nasa harapan na siya muli ng
pinto nito. Nagdadalawang isip man ay mas nanaig ang bahagi ng kanyang pagkatao
na sabik na sabik muling makita ito. Pinihit niya ang door knob.
Nakaupo pa rin si Adrian sa wheel
chair. Nakasuot ito ng puting T-shirt at puting pajama. Nasabi ng kanyang ate
na nakaka-kain na daw ito ng medyo maayos kanina. Nakatalikod ito sa kanya at
nakaharap naman ito sa malaking bintana na nagpapakita ng kaparangan at iba't
ibang luntiang mga puno.
"Moks kumusta.. si Red to"
umupo siya sa gilid ng kama upang makausap ito at makita ng malapitan. Malaki
ang ikinabagsak ng katawan ni Adrian. Hindi na nito suot ang malalaking
eyeglasses para palinawin ang mata nito. Medyo nananamlay ang kulay ng balat,
halata mong sobrang bigat ng dinadala.
Wala siyang nakuhang sagot. Ngunit
ipangpatuloy niya ang pakikipagusap na parang normal na normal sila. Ilang
linggo lang ang nakakaraan.
"Moks tara dun sa kusina, may
ipapakita lang ako sa iyo"
Wala pa rin siyang nakuhang sagot.
Dinala niya ang wheel chair papalabas ng kwarto at papuntang kusina.
Nang marating nila ang kusina ay may
kinuha siya sa loob ng refrigerator. Isa itong cake.
"Happy Birthday Moks" bati
niya dito ng tuluyan siyang makalapit. Nakaupo rin siya sa may sahig habang
tinitingnan ang magiging reaksyon ni Adrian.
Ngunit bigo siya, hindi pa rin ito
nagsasalita.
"Moks.. Alam mo ba kung bakit
naimbento ang birthdays?" tanong niya na parang ordinaryong pagbibiruan
lang nila ni Adrian noong... noong normal pa ito.
"Kasi... Kasi para ipa-alala sa
lahat ang mga pinagdaanan nila bago makarating uli sa araw ng kapanganakan
niya. Moks... alam ko kong naaalala mo ang lahat ng nangyari.. ang lahat.. Kung
pwede lang sana na ako magpasan ng mga paghihirap ko... Hindi yung ganyan, nakikita
kitang nahihirapan.. Moks alam kong kaya mo yan.. Hindi ka aabot sa ganitong
araw kung hindi mo kakayanin ang lahat ng iyan....
....Miss na miss na kita Moks.... Miss
ko na yung Moks ko na niyayakap ko ... yung Moks ko na sinisiko ako sa tagiliran
may nasabi lang akong masama.... yung Moks ko na lagi kong kasabay kumanta at
tumugtog ng piano. Moks bumalik ka na... Maniwala ka na ulit sa fairytale"
tuloy-tuloy niyang pagsusumamo dito. Nangingilid na ang luha niya. Ngunit
pinigilan niyang huwag bumagsak ang mga ito. Sa paningin ni Adrian ay malakas
siya at gusto niyang magsilbing paghuhugutan ng malakas nito, sa ganitong
panahon.
"Moks tandaan mo lang lagi na
mahal na mahal na mahaaaal kita.." iyon na ang huling sinabi niya dito at
pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo.
Wala pa rin itong sagot.
Nanlulumong ibinalik niya ang wheel chair pabalik ng kuwarto
nito.
Pinagpipiyestahan pa rin ng media ang naganap na sunog isang
linggo lang ang nakakaraan sa barangay na malapit sa kanila. Ang mga plano ay
naging matagumpay gaya ng inaasahan. Kasalukuyan niyang binabasa ang lokal na
tabloid at sa headline:
Ginang
natepok sa apoy
Ninamnam niya ang bawat sa lita na
nakapaloob sa dyaryo. Mas pinili niyang ito ang bilhin dahil kilala ang dyaryong
ito sa mga barubal nitong paglalathala. Tawang-tawa siya sa salitang
"tepok". Linuha niya ang wine glass sa katabing mesa at humarap sa
salamin.
"Cheers!"
Itinaas niya ang baso at nginitian ang
sarili. Its a job well done. Balita niya nga daw ay malapit ng mabaliw ang
bakla na iyon sa mga nangyari sa kanya. Sino ba naman ang hindi mababaliw sa
nangyari? Wala ka ng jowa, dedbols pa ang mama mo! wika niya
sa sarili.
Sabi na nga ba niya at hindi siya ang
baliw, si Adrian ang baliw. Ngayon, mas lalo ng pandidirihan ni Red si Adrian,
ang baklang baliw. Sila ang nararapat sa isa't isa. Sila ang bagay. Lalo siyang
natatawa kapag naaalala niya hitsura niya noong nagkasunog. Iiyak siya
pagkatapos ay hahanapin ang mga braso ni Red para magpayakap. Hayy sarap.
Yayakapin niya kunwari si Adrian kahit diring diri siya, alang alang sa
kunwa-kunwariang simpatiya.
"Best actress" wika niya sa
sarili at sinundan ito ng malutong ng tawa.
Naalala rin niya kung gaano galit na
galit si Jake sa ginawa niya. But since he did a great job kung paano nito
kinalasan ang baklang iyon ay hindi na lang niya sinalubong ang init ng ulo
nito.
"Hi Jake? Napatawag ka, miss
me?"
"Ikaw ba ang may gawa nun?"
"Ikaw talaga Jake, hindi mo pa
amining namiss mo ko"
"Sabrina! Kinakausap kita ng
matino, ikaw ba ang may pakana ng sunog?"
"Sunog ba yun? I thought nag camp
fire lang ako sa isa sa mga bahay na gawa sa panggatong"
"Demonyo ka talaga!"
"May demonyo ba na ganito kaganda
Jake? Hahaha"
"Bakit mo ginawa yun? Bakit pati
si Tita dinamay mo? Sabrina wala to sa usapan natin!"
"Tita? Jake naman, wag na tayong
maglokohan.... Magka-ano ano ba kayo? Distant relative? Wag mong sabihing may
dugong bakla ka rin?" sarkastiko niyang tanong
"Sabrina, wala sa usapan natin ang
pumatay ng inosenteng tao?"
"Ano ka ba, its a natural process
sa ecosystem. Saka buti nga na nadedbols na yung gurang na yun.. Eh di bawas
siya sa populasyon.. Oh diba, Im so eco-friendly... At least nakaisip ako sa
solusyon sa over population diba? Im so witty"
Narinig niyang ibinaba nito ang
cellphone.
At the end of the day, gamitan lang
talaga ang mangyayari. At sa kanya pa rin ang huling halakhak.
"And Red and I will live happily
ever after.. Hahaha" wika niya sa sarili.
Tiningnan niya ang orasan. Its time to
take her medicine.
"Ate, ano ba nangyari??"
naguguluhang tanong ni Red kay Karma ng maabutan niya ito sa hospital. Lumabas
siya ng saglit para bumili ng gamot na pinapabili ng Ate niya sa kanya ngunit
bigla itong tumawag at pinapunta siya sa hospital.
"Naglaslas si Adrian ng
pulso"tuloy tuloy na pag-amin ng ate niya sa kanya.
"Ok lang ba siya ate? Sabihin mo?
Walang nangyaring masama sa kanya diba?"
"Wag ka ng mag-alala Red, maayos
na siya ngayon.. natutulog na siya sa kuwarto na kinuha namin para sa
kanya." wika ni Karma sa kanya. Kasalaukuyan silang nasa harap ng
information desk ng hospital.
Naihilamos niya ang sariling palad sa
mukha. Ginusto niyang makita si Adrian kanina sa motibong gusto niyang
palakasin ang loob nito. Ngunit wala rin palang silbi ang lahat. Ang cake na
siya mismo ang nag bake at ang mga sinabi niya rito para bumalik na ulit ang
dating Adrian. Wala pa rin pala.
"Red, makinig kang mabuti.. aalis
na ako mamaya"
"Ano? Bakit? Paano na si Adrian
ate? Babalik pa ba siya sa dati?"
"Si Adrian ang dahilan ng pagalis
ko.. Mayroon lang akong pupuntahang importanteng tao at babalik ako na kasama
siya, In the meantime, ikaw na muna ang magbantay dito dahil hindi maharap ni
Mama ngayon araw ang hospital. Alam kong aalagaan mo si Adrian"
Wala na siyang nagawa kundi tumango.
Humakbang na paalayo ang kanyang ate.
"Red.." huling tawag nito sa
kanya
Lumingon siya para tingnan ulit ito
"Huwag kang susuko."
Ngumiti lang siya ng matipid at siya na
ang unang tumalikod at tinahak niya ang kwartong tinutuluyan nito.
Pagbukas niya ng pinto nakita niyang
nakatayo na ito. Nakita niyang may benda ang kanang kamay nito sa may pulsong
bahagi. Nang makita siya nito ay ngumiti ito sa kanya. Maputlang maputla ang
kulay ng balat nito. Ngunit ipinagtataka niya kung saan nanggagaling ang lakas
nitong tumayo at ngayon naman... ang ngitian siya.
"Wag ka munang tumayo... mahina ka
pa" ang nasabi na lang niya
Hindi ito nagsalita.. Maya-maya pa ay
humakbang ito palapit sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang maghintay ng mga
susunod na mangyayari.
Niyakap siya nito.
Wala siyang nakapang salita. Para
siyang estatwang nakatirik sa kinatatayuan niya. Ngunit mas ikinagulat niya ang
sunod na ginawa nito.
Hinalikan siya ni Adrian.
Sapat na iyon para mawala ang kung ano
mang pagrarason sa isip niya. Gumanti siya ng halik. Banayad ito noong una
hanggang sa naging mapusok ang pagapuhap nila sa labi ng isa't isa.
Nagespadahan ang kanilang mga dila. Dinala niya si Adrian sa kama nito. Hinubad
niya ang piraso ng damit na suot nito.
Para siyang lalagnatin. Hindi niya
pinalagpas ang bawat madaanan ng kanyang labi at dila.
Pumaibabaw ito sa kanya. Ngunit hindi
niya alam kung saan nagmumula ang lakas nito. Sinipsip ni Adrian ang kanyang
dalawang utong. Nang matapos dito ay patuloy na bumaba ang ang bibig nito sa
kanina pang tigas na tigas na alaga niya. Namalayan niya na nagtataas baba na
ang ulo nito sa ari niya.
Giniya niya ang ulo nito para bilisan
ang pagtaas baba ng ulo ni Adrian. Ito ang unang karanasan niya sa
pakikipagtalik sa kapwa lalaki. Parang nagaalsa bawat laman niya sa halik at
pagsipsip na ginagawa ni Adrian. Para siyang inaakyat sa ikapitong langit.
Ungol siya ng ungol sa bawat sipsip nito
"OoooOoOohhh Moks... ang sarap...
sige pa..HmmMm"
Matapos ng ilang minutong pagtaas baba
ng ulo nito ay ipinahiga niya si Adrian sa kama. Sinalat niya ang butas nito at
ng makapa ay ipinuwesto niya ang ari sa bukana ng butas na iyon. Dahan dahan
niyang ipinasok ang ari niya sa loob nito. Alam niyang unang beses pa lang ito
ni Adrian, dahil nakita niya ang pagkunot ng noo nito ng ipasok niya ang
kanyang galit na galit na alaga.
Namalayan na lang niya ang sarili niya
na umiindayog sa ibabaw ni Adrian. Napuno ng ungol ang kuwarto. At ng malapit
na siya sa rurok ay umungol siya ng malakas at isinagad ang alaga niya sa loob
ng ni Adrian.
"Mahal na mahal kita Moks"
pagkasabi niyon ay hinalikan niya ulit ito.
Tumabi siya rito at niyakap niya si
Adrian. Yumakap din ito sa kanya. Ngunit hindi niya akalain na ito na pala ang
huli nilang pagkikita.
Itutuloy...
Way
Back Into Love
Chapter
13
Rogue
Mercado
Michael Tarvina was found dead inside a hotel. Isa ito sa mga
athlete ng NorthEast State University.
But Red's focus is not there anymore. Siguro kung ordinaryong
estudyante pa rin siya ay talagang makiki-tsismis rin siya sa nangyari. Siguro
isa rin siya sa manghihinayang o magagalit sa sinumang tao ang may gawa noon.
But his focus is on the classified ads. Nakapaskil dito ang litrato ni adrian:
Missing
Adrian Dela Riva
Anim na buwan ng nawawala si Adrian.
Anim na buwan na rin siyang naghihirap. Pumapasok siya sa eskwelahan ngunit
wala doon ang isip niya. Anim na buwan na ang nakakaraan ngunit hindi pa rin
maalis sa isip niya ang tagpo sa hospital. Noong magtalik sila ni Adrian. Noong
magisa ang katawan nila. At noong paggising niya ay wala na ito sa tabi
niya.
Pinilit niyang hanapin ito. Sa
araw-araw na ginawa ng Diyos ay dala dala niya ang larawan ni Adrian at
nagtatanong tanong siya sa kalsada kung nakita ba nila ang isang lalaking
naka-eyeglasses, katamtaman ang tangkad at nagngangalang Adrian Dela Riva. Ipinakalat
rin nila ang larawan ni Adrian sa mga dingding at kung saan saan pang lugar,
nagbabakasakaling may makapagtuturo sa kanila kung nasaan ito. Naireport na rin
ang pagkawala niya sa pulis ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring update kung
nasaan nga ba si Adrian. Humingi na rin siya ng tulong kay Sabrina para mahanap
ang matalik na kaybigan ngunit ayon dito ay wala pa ring balita.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay
kokontakin niya ang himpilan ng pulis ngunit pare-parehong sagot ang nakukuha
niya. Wala pa ring balita. Wala pa ring update. Wala pa ring Adrian.
Pinanghihinaan na siya ng loob.
Kasalukuyan niyang hawak-hawak ang
litrato nito. Naaalala niya ang lahat ng pinagsamahan nila. Ang mga sandaling
sabay silang kumakanta habang tinutugtog niya ang piano. Sobrang simple lang ng
buhay noon sa kanilang dalawa. Ngunit ngayon sobra-sobrang gulo na ang lahat.
"Moks, miss na miss na
kita" naibulong niya sa sarili habang hawak
ang litrato ni Adrian.
Unti-unti niyang ipinipinta ang mukha
nito sa utak niya. Ang bagsak na buhok nito na nahahati sa gilid. Ang
mapupungay na mata. Ang makapal na salamin. Ang manipis na mga labi nito.
Ngunit parang hindi niya na makikita pa
ang Adrian na to. Ang Adrian na nagpatibok sa puso niya. Pinikit niya ang
kanyang mga mata, pilit na binabalikan ang mga sandaling magkasama pa sila ni
Adrian.
"Hay naku Moks ko... bakit pa kasi"
"Anong bakit pa kasi Moks?" malambing na tanong nito
"Bakit pa kasi ang sarap sarap mong yakapin" biro niya
dito
Agad naman siyang siniko ito sa tagiliran.
"Oh bakit na naman? To naman, ikaw na nga tong
niyayakap"
"Eh puro ka kasi kalokohan, kala ko naman walang malice iyong
yakap na iyo. Hmp!" singhal nito sa kanya
"Haha.. Pwede bang walang malice moks eh sa hindi ko
mapigilan eh" sagot niya dito
"Wag kang lalapit.. Hindi na nakakatawa yan inaakto mo Red
Antonio"
Humakbang siya papalapit dito at naka ngisi ng makahulugan.
"Moks... payakap pa ko"
"Wag kang lalapit, diyan ka lang"
"Moks"
At natagpuan na lang nila ang sarili nila na naghahabulan sa loob
ng restaurant. Nagkikilitian na lamang sila na parang wala ng tao.
"Moks ano ba... Tama na kasi.. Nakikiliti ako.. Hahaha"
awat nito sa kanya at hinabol niya ito at simulang kilitiin sa tagiliran.
"Hmmm... ayan.. yan... siniko mo ko kanina ako naman ngayon..
Haha"
Nasa ganoon siyang pagiisip ng magring
ang telepono. Tumatawag ang ate niya.
"How's it going?" bungad na
tanong ng Ate Karma niya
"Wala pa rin.. Wala pa rin
siya."
"Its Ok.. Huwag kang susuko
Red"
"Ate hindi ka pa ba uuwi dito?
Diba sabi mo para kay Adrian ang pag-alis mo?"
"I'll be there soon"
"Hindi ko maintindihan ate.. Bakit
ka nga ba umalis?"
"Ipapaliwanag ko rin sa iyo ang
lahat"
"Ate Its been six months.. Wala pa
rin siya" sinundan niya iyon ng pagbuntong hininga
"Mahal mo siya diba?"
"Oo naman. Kaya lang habang
tumatagal ang panahon na wala siya parang gusto kong sisihin ang pagmamahal ko
sa kanya. Dahil sobrang kulang iyon para maibalik siya"
"Huwag mong sisihin ang sarili mo.
May mga tanong na hindi pa masasagot sa ngayon. In time, everything will make
sense. Darating ang panahon at mauunawaan rin natin ang lahat ng
nangyayari."
"I keep on
questioning tomorrow, sana wala ng bukas ate... Kasi noon... sobrang
saya."
"We cant always dwell on the
past"
"but its much happier"
Mas pinili niyang putulin ang tawag ng
ate niya. Parang hindi kinakaya ng kalooban niya na minu-minuto ay mapaguusapan
si Adrian.
Bumukas ang pinto at kasalukuyan siyang
nasa sala. At iniluwa nito si Sabrina.
"Hi babe" bati nito sa kanya.
"Wala ka bang pasok" wala sa
loob na tanong niya
"Meron babe but I just need to
check on you. Opening na ng classes, diba dapat papasok na tayo ng sabay"
"Wala akong gana babe... Maybe
tomorrow? Not now"
"Babe.. Hindi naman pwedeng ganyan
lagi. I know na malungkot ka pa rin sa pagkamatay ni..."
"For Christ Sake Sabrina!!! Hindi
siya namatay!!! Buhay pa si Adrian!! buhay pa siya!!!" hindi niya
napigilang magalit dito
"Sorry babe"
Nakita niyang nahintatakutan ito at
halatang nabigla sa pagsigaw niya. This is the first time na nasigawan niya ng
ganito si Sabrina.
Unti-unti niyang nakitang umiiyak ito.
Sapo ng dalawang palad nito ang mukha.
"Im sorry... nabigla lang ako...
Im sorry babe" pagaalo niya dito
"Ok lang babe... alam... alam ko
naman na pinapahalagahan mo lang si Adrian.. But babe.. its been six
month...s" wika ni Sabrina sa kanya.
"Tahan na" lumapit siya dito
at niyakap.
Anim na buwan na nga ang lumipas. Kung
tutuusin, ang mga tao sa paligid niya ay sinusuportahan rin siya sa paghahanap
kay Adrian. Isa na dito si Sabrina. Halos ipagtabuyan niya ito noon. Ngunit
hindi pa rin ito natinag at naroon pa rin sa oras ng pagdurusa niya. Kaya naman
laking pasasalamat niya dito ng tumulong rin ito sa paghahanap kay Adrian.
Hindi siya nito iniwan. Hindi kagaya ni Adrian.
Tumigil sa paghikbi si Sabrina. At
tinitigan siya nito sa mata.
"Babe.. Gusto ko lang naman
makapag move on ka. Ginawa na natin ang lahat. I used my father's connection.
Naireport na natin siya sa police. Pero wala pa rin. Wala pa rin si Adrian.
Pero kung nandito siya.. Alam kong hindi niya gugustuhin na makita kang
nagkakaganyan. Gusto niyang ituloy mo ang buhay mo.. Kahit wala siya sa tabi
mo"
Hindi siya nakasagot. Kung iisipin ay
tama ito. Hindi gugustuhin ni Adrian na makita siyang ganun. Siya nga itong
nagmamalaki na matapang at maton noong mga bata pa sila. Pero ngayon, hinang
hina siya. Hindi niya alam ang gagawin.
"Kung masama pa rin ang pakiramdam
mo. You can stay here. Opening pa lang naman ng klase. There will be an event
at the Auditorium. Welcoming the freshmen"
"Ok. Ill stay here first. Maybe
tomorrow babe"
"Ok, if that's what you like but
Im leaving here our school paper, just to update you. Marami ka ng namiss na
events sa university"
Tumayo si Sabrina at akma ng aalis ng
lumingon uli ito sa kanya.
"Babe" tawag nito sa kanya
Lumingon naman siya at tiningnan niya
ito.
"I love you" matamis na wika
nito sa kanya
"Ingat sa pagpasok" tumango
lang siya pagkasabi nito.
Tumalikod na ito at tuloy-tuloy na
humakbang papunta sa pintuan. Ilang sandali pa ay nawala na ito sa paningin
niya.
Naiwan na naman siyang nakatulala. She
loved sabrina. Loved. It was a past tense. And that might be the reason kung
bakit hindi na niya matugunan ang sweet I love you's nito. Binalingan niya uli
ang larawan ni Adrian at napa buntong hiniga.
Nahagip ng mata niya ang LAMPARA. That
is the official school paper ng kanilang unibersidad. Kinuha niya ito at
paunti-unti niyang binuklat at binasa ang nilalaman ng pahayagan. Mga balita
ito ng updates sa unbiersidad. Laman din ng front page ang kamatayan ng atleta
sa kanilang unibersidad na si Michael Tarvina. Sari-saring balita rin ang
nakapaloob sa dyaryo, gaya ng pagtaas ng enrollees. Mga estudyanteng naipadala
sa ibang bansa para maging exchange student. Ang pag-graduate ni Martha, ang
NASUDI lead singer. At iba pa. Nahagip ng mata niya ang pangunahing
balita sa Entertainment Section and it read:
Singing Heartrob Jake Marcos to sing and welcome Freshies
Naikuyom niya ang kanyang palad. Marami
ang naghirap ng dahil sa kanya. Ngunit naroon pa rin ang gago, patuloy na
namamayagpag sa kanilang eskwelahan bilang Jake Marcos, ang lead singer ng
NASUDI, ang singing heartrob, ang gwapong maraming nagkakandarapang babae, ang
younger version of Adam Levine. Sobrang swerte ng mokong. Ngunit sila ang
malas, lalo na si Adrian na nagmahal dito ng todo. Naalala niya ang sinabi ni
Sabrina bago ito umalis, Opening pa lang naman ng klase. There will be
an event at the Auditorium. Welcoming the freshmen
"Tingnan ko lang kung makaka-kanta
ka pa sa gagawin kong gago ka " galit na turan niya habang tinitingnan
niya ang larawan nito.
Nagiba ang desisyon niya. Papasok na
siya. Papasok upang maghiganti sa taong punot dulo ng lahat. Kinuha niya ang
school paper at agad na pumasok sa kuwarto para mag palit ng damit.
Maya-maya pa ay bumaba na siya at
nadatnan niya ang nanay niya sa kusina.
"Anak, papasok ka na ba?"
"Opo nay..." maikli niyang
tugon
"Hindi ka man lang ba kakain?
Naghanda ako ng break fast"
Tiningnan niya ang nakahain sa la mesa
at nakita niya rin ang kutsilyong hawak ng kanyang Ina. Kasalukuyan nitong
ginagayat ang pork chop na niluto nito.
"Nay pwede bang mahiram yang kutsilyo
nyo"
"San mo gagamitin anak?"
"May science experiment po
kami" pagkasabi niyon ay dali-dali niyang kinuha ang matalim na kutsilyo
at inilgay sa bag. Hinalikan niya ang Ina sa pisngi at tuloy-tuloy na tinahak
ang pinto.
Nang makalabas ay inisip niyang mabuti
ang sinabing alibi sa Ina. Conservatory of Music nga pala ang kinukuha niyang
kurso.
"Papasok ka na ba?" tanong ng
isang lalaking nasa kanyang early 30's. Kasalukuyan niyang kinakausap ang
isa pang lalaking kaharap niya.
"Of course, papasok na ko.. I miss
the school"
"I think so.. Halata nga.. I think
you miss the people out there very bad"
"People? Yeah right"
sarkastiko nitong tugon sa kanya.
Sandali niyang pinagmasdan ang lalaking
kaharap niya. The guy is wearing a tight black pants. A pair of black converse
shoes at isang V neck na kulay itim din. Pinatungan naman ito ng semi-leather
jacket. Naka sabit sa leeg nito ang isang kuwintas na bungo. His one-sided hair
was dyed red. May hikaw rin itong kulay itim. And what completed the look are
the eyeliners painted in his eyes. Meron din itong piercing sa kilay.
Nahagip niya ang mga kamay nito, his
nails were polished with black tint. Tinernuhan din ito ng itim na
guwantes.
"You know, you need to cut that
outfit. Its too dark for a Nursing student"
"Im still a freshman.. I'll think
about it when I will be a sophomore"
"Binura mo na talaga si.."
Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya sa kaharap ng titigan siya ng
nanlilisik nitong mga mata. He was specifically instructed na huwag na siyang
tatawagin sa pangalang iyon.
"Nalimutan mo yata" maikli
ngunit may pagbabanta nitong tugon sa kanya.
"Im sorry"
"Im not interested of your
apologies, you always forgot that he is already gone"
"Ok.. Noted... Better be hurry.
Male-late ka na sa Welcome Program para sa inyo" pagda-divert niya ng
topic.
"Goodbye" maikling
pagpapa-alam nito sa kanya.
"Goodbye Jude" sagot niya
dito.
Punong puno ng tao ang auditorium.
Iba-ibang mukha ang makikita ngayon sa loob ng hall. Mga estudyante ito na
titira ng apat o higit pang taon sa napili nilang unibersidad, ang NorthEast
State University. Sinalubong sila ng mahaba at boring na orientation process sa
eskwelahan. Ang mga by laws o codes of conduct. Naroon din ang Presdente ng
unibersidad at mga pinagpipitagang opisyales ng eskwelahan. Ito ay sa
kadahilanang kailangan nilang makilala ang mga tao sa likod ng sikat na
eskwelahan. Ngunit ang tanging rason kung bakit pinagtitiyagaan nilang makinig
sa sobrang habang litanya ng mga ito ay dahil sa isang intermission number ng
tinaguriang singing heartrob ng NorthEast State University.
Jake Marcos is about to sing another
song in a few minutes from now. Tiyak na naman ang sigawan ng "We Love You
Jake" mamaya. Mula sa back stage ay nakita niya ang mga nakasabit na
streamers na nakasulat ang "Jake Marcos forever!", "I love you
Jake Marcos", "Marry me please Jake Marcos", "We are the
Jake's Angels". Naglipana rin ang mga poster niya at iba ibang larawan.
Nakakatuwang isipin na ganito na kalayo ang narating niya. Sophomore pa lang
siya ngunit siya na nga talaga ang humalili kay Martha pagkagraduate nito. Sa
Orientation ng Freshmen, ipapakilala rin ang NASUDI bilang supreme music
organization sa kanilang unibersidad. At ang pagpapakilala ay sa pamamagitan ng
pagkanta ng lead singer nito. At ito ay walang iba kundi siya, si Jake
Marcos... ang singing heartrob ng NASUDI. Ang rising star ng NorthEast University.
"How's my newest star?"
naputol ang kanyang pagiisip sa tanong ni Director Lee.
"Always good looking and
great" confident niyang sagot
"Glad to hear that!" wika
nito sa kanya.
"Thank you so much for this
sir"
"You deserve it Jake, ikaw ang
nararapat na pumalit kay Martha"
Apparently, he is right. Sobrang hirap
ang ginawa niya para marating ang posisyon niya ngayon. Marami siyang tiniis
kabilang na... kabilang na si Adrian. Balita niya ay nawawala daw ito but he
did not bothered to find him. No, he actually dont care anymore. Kasabay
ng pagalis niya sa restaurant noon ay nawala na rin ang konsensya niya. Maybe,
Sabrina is right, siguro nga ay phase lang si Adrian and he should make
necessary choices. He wants this life very bad na kaya niyang i-give up kahit
sino.. kahit pa si Adrian. Besides, maybe he really did not loved Adrian baka
wala naman talaga siyang nararamdaman para dito.
"Did he call you?" tanong uli
ni Director Lee sa kanya.
"Sino po?" balik tanong niya
dito
Halatang nasorpresa ang Director sa
tanong niya. Na para bang umaasa ito na alam niya ang dapat na tumawag sa
kanya. Sasagot na sana ang Direktor ng sumigaw ang host ng program.
"Ladies and Gentlemen. let's welcome...
NASUDI's hot property and NorthEast State University's singing heartrob... Jake
Marcos"
Napuno ng hiyawan ang buong Auditorium.
Halos mapatid na ang ugat ng mga babae at baklang estudyante sa pagsigaw ng mga
ito sa pangalan ni Jake Marcos. Mas lalo pang lumakas ang sigawan at palakpakan
ng lumabas ang tinutukoy na singing heartrob. Ilang sandali pa ay nagsimula na
itong kumanta. He is singing his breakthrough audition piece, The Man Who Cant
be Moved.
"Going back to the corner where I
first saw you, Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move,
Got some words on cardboard, got your picture in my hand ...Saying if you
see this guy can you tell him where I am"
Nagsimula ng mag hysteria ang mga
estudyante. Ang performance ni Jake Marcos ang nagsisilbing buhay ng buong
programa. Everyone was euphoric about his voice.
"We Love You
Jake!!!!!!!!!!!!!!"
"Ang gwapo!!!!!!!!!!"
"Jake Marcos
Forever!!!!!!!!!!!!!!"
"Waaaaaaaaaahhhh!!!!!"
"Marry Me Mr.
Marcos!!!!!!!!!!"
Matalim ang mga titig na ipinukol ni
Red sa lalaking kumakanta sa itaas ng entablado. Simple lang ang gagawin niya.
Sa kalagitnaan ng pagkanta nito. Pupunta siya sa taas at sasaksakin ang
lalaking naging dahilan ng paghihirap ng kanyang kaibigan. Igaganti niya si
Adrian. Handa siyang patayin ang taong nanakit sa taong pinakamamahal niya. He
doesnt really care what will happen next, kung anong maaaring mangyari sa
kanya. But now he was determined to kill that asshole. Tiningnan niya ang
kutsilyong hawak niya. He is waiting for the right timing.
Kasalukuyang kinakanta nito ang koro.
"Cause if one day you wake up and
find that you're missing me, And your heart starts to wonder where on this
earth I could be...Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd
meet And you'd see me waiting for you on the corner of the street"
Bumilang si Red para isagawa ang plano,
sa bilang na tatlo ay tatakbo siya at sasaksakin si Jake habang patuloy pa rin
ito sa pagkanta..
"So I'm not moving ....I'm not
moving..."
"Isa.... Dalawa...." bulong
ni Red sa sarili
Sumambulat ang nakakabinging tunog sa
buong Auditorium. Wari'y isa itong tunog ng mikroponong nasobrahan sa echo.
Napatda si Jake sa narinig at biglang natigil ang tugtog ng kanyang kinakanta.
Ang nakakabinging sigaw ay napalitan ng katahimikan. Ang lahat ng tao ay
nagtakip ng tenga. Samantalang hindi naituloy ni Red ang balak na pagakyat sa
entablado dahil sa pagkabigla sa nangyari. Nakatakip na rin ang dalawa niyang
kamay sa kanyang tainga.
Tumigil ang tunog.
Biglang lumiwanag ang paligid. Buhat
ito sa malakas pagbukas ng pinto ng Auditorium. Iniluwa nito ang isang lalaki.
The guy is wearing a tight black pants.
A pair of black converse shoes at isang V neck na kulay itim din. Pinatungan
naman ito ng semi-leather jacket. Naka sabit sa leeg nito ang isang kuwintas na
bungo. His sided hair was dyed red. May hikaw rin itong kulay itim. And what
completed the look are the eyeliners painted in his eyes. Meron din itong
piercing sa kilay.
Nagsilingunan ang mga tao sa
estrangherong lalaki. All of them are questioning who the intruder is.
Biglang natulala si Jake sa bilis ng
pangyayari at gaya ng iba tinitigan niya rin ng mabuti ang estrangherong lalaki
na nakasuot ng kulay itim.
Nakatingin ang lahat ng tao sa kanya,
Inaasahan niya na ito. Parang kailan lang naalala niya ang parehong lugar, ang
Auditorium.
Halos lahat ng mga mata ay sa kanya nakatutok.
"You are 10 mins late from the call time"
"Im sorry Sir I have to..." hindi na niya naituloy ang
sasabihin ng iminuwestra na nito ang kamay.
"Shut Up, the only excuse you can give me is that you are
already dead. But if you can still breath then the details of your stupidity do
not interest me." kalmado ngunit nakakainsultong tugon nito sa kanya.
"Im really sorry Sir but I promise I wont disappoint
you" puno ng determinasyon niyang wika dito
Biglang sumambulat sa buong auditorium isang nakakabinging tunog.
Para itong tunog ng mikroponong nasobrahan sa echo. Tinakpan ng bawat isa ang
kani-kanilang tainga.
"God!! What is that sound?" singhal ni Director Lee sa
operator ng sound system
"Tell you what..... this day is the day you insulted the
music industry.. You think that this is only..... ONLY I repeat... only an
Audition? This is not an Audition honey... This is the first step to being
famous... to being a celebrity. And for some God Damn obvious reason, this not
just or only an Audition.. You... You dont care about Music.. You take your
voice seriously that you thought a golden voice would only matter and a broken
CD would just be a minor, superficial mistake. But you know what? being a
singer requires more than a pair of mutant lungs. Its not just about
vocal chords. But its how you show your emotions through lyrics and melody. You....
The Tardy 5th performer unprepared of his piece prides himself to pass this
Auditions like its only an ordinary screening of an obscure barangay
contest. Kung ganun ang akala mo bakit hindi ka na lang mag-Kristo sa sabong.
They dont require a burned CD there?"
"Do you know why I gave you a chance kanina? I always shut
the door to people who doesnt know the word punctuality. But you came with a
biggest speech saying that you wont disappoint me. I also admire people who are
brave enough to tell that. So I made an exception, I let you join the other
four TALENTED neos to fight your way to NASUDI. You disappointed me more than
anybody else in this stage. It turns out that you are not a singer after all.
Youre pretentious and uhm.... stupid"
Nakita rin niya ang lalaking kumakanta
kanina. Suddenly, there are voices starting to pop out on his head.
"Makinig kang mabuti.. Dahil ang susunod kong sasabihin sa
iyo ay para sa ikaiintindi ng mahina mong kokote. Alam mo, sayang.. Ang talino
mo pa naman sana kaya lang mas matalino ako sa iyo... Ginamit lang kita..
Ginamit lang kita para makaabot ako sa kinaroroonan ko ngayon.. Akala mo siguro
kaya kitang mahalin noh... Hindi kita kayang mahalin... dahil..."
"Dahil ano Jake? Dahil ano!!!" sumigaw na rin siya
habang patuloy na umaagos ang luha sa kanya.
"Dahil BAKLA ka lang"
Humakbang siya papalapit sa entablado.
Ang backdrop ng stage ay isang apoy na nakaguhit sa magkabilang panig. Nagdulot
ulit ito ng pagbabalik tanaw.
"Moks dadamitan ko ang Nanay tapos pupunta kami kay Jake,
hihingi ako ng tawad kay Jake Moks tapos ang mama masaya kaming papanoorin
pagkatapos ikakasal daw kami ni Jake Moks tapos nandun ang Mama, tapos may mga
pink na balloons, may pink na cake, tapos magiging masaya ang Mama kasi sabi ko
sa kanya totoong may Happy Ever After Moks.. Kaya bilisan mo na, kunin mo na
yung paboritong damit ng Mama.. Pupunta na kami kila Jake pag nabihisan ko na
siya"
"Ikuha mo na ng damit sabi eh!!!! Ikuha mo ng damit Moks!!!!
Ikuha mo ng damit!!!! Pupunta kami kila Jake Moks!!! Ano ba ang hindi mo
maintindihan Moks? Ikuha mo ng damit ang Mama!!!" nagsimula ng magwala si
Adrian sa morge at kung ano ano na ang pinagsasasabi nito.
Naka-akyat na siya sa stage. Tahimik pa
rin ang mga tao na nakatingin sa kanya. Nakita niyang pumunta sa back stage ang
di umanoy singing heartrob ng NorthEast State University. Napangiti siya ng
mapakla. Pagkatapos ay pumailanlang ang tugtog sa buong Auditorium. At
nagsimula siyang kumanta.
You know the bed feels warmer
Sleeping here alone
You know I dream in colour
And do the things I want
Sleeping here alone
You know I dream in colour
And do the things I want
You think you got the best of me
Think you had the last laugh
Bet you think that everything good is gone
Think you left me broken down
Think that I'd come running back
Baby you don't know me, cause you're dead wrong
Think you had the last laugh
Bet you think that everything good is gone
Think you left me broken down
Think that I'd come running back
Baby you don't know me, cause you're dead wrong
At ang katahimikan ay napalitan ng
sigawan.. Umiindak ang tao sa bawat pagbigkas niya ng liriko. Lahat nagsisigawan
sa lalaking naka-eyeliner. Ngunit iba ang nasa isip niya.
Ang sunog... Ang restaurant na
nababalot ng kulay pink na balloons... Ang dugo mula nalaslas na pulso...
Napapikit siya ng panandalian at ng imulat niya ang kanyang mga mata ay kinanta
na niya ang koro ng kanta.
What doesn't kill you
makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone
What doesn't kill you makes a fighter
Footsteps even lighter
Doesn't mean I'm over cause you're gone
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone
What doesn't kill you makes a fighter
Footsteps even lighter
Doesn't mean I'm over cause you're gone
What doesn't kill you makes you
stronger, stronger
Just me, myself and I
What doesn't kill you makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone
Just me, myself and I
What doesn't kill you makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone
You heard that I was starting over with
someone new
They told you I was moving on over you
You didn't think that I'd come back
I'd come back swinging
You tried to break me, but you see
What doesn't kill you makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone
What doesn't kill you makes a fighter
Footsteps even lighter
Doesn't mean I'm over cause you're gone
What doesn't kill you makes you stronger, stronger
Just me, myself and I
What doesn't kill you makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone
Thanks to you I got a new thing started
Thanks to you I'm not the broken hearted
Thanks to you I'm finally thinking bout me
You know in the end the day you left was just my beginning
In the end...
What doesn't kill you makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone
What doesn't kill you makes a fighter
Footsteps even lighter
Doesn't mean I'm over cause you're gone
What doesn't kill you makes you stronger, stronger
Just me, myself and I
What doesn't kill you makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone
They told you I was moving on over you
You didn't think that I'd come back
I'd come back swinging
You tried to break me, but you see
What doesn't kill you makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone
What doesn't kill you makes a fighter
Footsteps even lighter
Doesn't mean I'm over cause you're gone
What doesn't kill you makes you stronger, stronger
Just me, myself and I
What doesn't kill you makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone
Thanks to you I got a new thing started
Thanks to you I'm not the broken hearted
Thanks to you I'm finally thinking bout me
You know in the end the day you left was just my beginning
In the end...
What doesn't kill you makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone
What doesn't kill you makes a fighter
Footsteps even lighter
Doesn't mean I'm over cause you're gone
What doesn't kill you makes you stronger, stronger
Just me, myself and I
What doesn't kill you makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone
Natapos ang kanta na puno palakpakan at
sigawan. Nakita niya ring nawala ang mga streamer na pumupuri sa singing
heartrob ng eskwelahan. Binabasa niya ang mga mata ng freshmen na nakatingin sa
kanya. He had a standing ovation. It was not difficult after all na bigyan ng
male version ang isang female pop song. From the way the crwod shouted and cheered
while he is singing, alam niyang nagtagumpay siya.
Matapos na kumaway ng konti sa Audience
ay pumunta siya sa back stage. Naulinigan niyang nagtatalo ang kumakanta kanina
at ang direktor ng NASUDI.
"Direk anong nangyari? Bakit
ganun? Direk napahiya ako? Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa
audience?"
"Sorry Jake but Im afraid that
there are some drastic changes.." tugon ng Direktor sa kanya.
"Changes? at ang change na iyon ay
ang ipahiya ako sa audience? Ganun ba?" nagpupuyos sa galit si Jake.
"I thought you were informed about
it, ang alam ko ay tinawagan ka niya and you agreed about the intervening of
his performace?" sagot uli ng Direktor
"Informed? Ano ba talaga ang
nangyayri? At sino yung suppose to be tumawag sa akin? Sino ba siya????"
sigaw niya sa Direktor. Pikon na pikon siya more than anyone else kay Director
Lee for allowing a stranger ruin his performance. Ang masama pa nito ay
pinapalakpakan ang estrangherong lalaki na dapat sana ay mga palakpak sa kanya.
"I think we are not properly
introduced" bati ng lalaki mula sa kanilang likuran.
Awtomatikong napalingon si Director Lee
at Jake sa pinanggalingan ng boses. Kaharap nila ang kumakanta kanina. 'The
guy seems familiar' bulong ni Jake sa sarili. Pinagmasdan niya
ang hitsura nito mula ulo hanggang paa. Black converse shoes, tight black
jeans, V-neck shirt, leather jacket at mga accessories tulad ng hikaw at
kwintas na nagpapakilala ng gothic fashion. Tinitigan niyang mabuti ang mukha
ng kaharap. The guy had a red hair ang his eyes were murdered with eyeliners.
Ngunit nagsitayuan ang balahibo niya sa batok ng lubusang makilala ito ng
titigan niya sa mga mata.
"Adrian?" hindi
makapaniwalang tanong ni Jake sa kaharap na lalaki. He was unsure about it.
Ngunit kung lalagyan lang ng eyeglasses ang kaharap na lalaki ay kamukhang
kamukha nito si Adrian.
Napangiti ng malademonyo ang kaharap
niya at bigla itong nagsalita bilang tugon sa tanong niya.
"Its sweet that you still remember
that name but I would prefer to be called on my second name.... My name is
Jude.... Jude dela Riva... The newest member of NASUDI and before I forgot....
Your newest competitor" tuloy-tuloy na rebelasyon ng lalaking kaharap niya
at pagkatapos nito ay tumalikod ito at humakbang palayo.
Lumabas si Jude sa backstage at nagsi
hiyawan ulit ang mga tao. Kumaway naman siya sa mga ito at tuloy-tuloy na
bumaba sa stage at tinahak ang exit ng Auditorium. Nang makalabas ay kinuha
niya ang isang sigarilyo sa bag at nagsuot ng itim na sun glasses.
"Stronger" bulong niya sa
sarili , lumakd palayo at ibinuga ang usok sa bibig.
Itutuloy...
gawin sana tong movie.
ReplyDeleteGustong gusto ko to, i mean, bigla nalang ako napaluha habang nagbabasa >,< errr
keep it up, next chapter please~
nakakaiyak un storya.. gus2 ko yan
ReplyDeletemay ksunod pb yn?
ReplyDeletethis is one of the best stories that you could ever read in any blogs..
ReplyDeletekudos mr.author
-mans-
At first I was reluctant to continue reading the story, Having a narator to detail the story is something new to me as a blog enthusiast, At the end of the day I found my self giving focus on the stories work around. It's incredibly amazing!!!, that's all I can say, It is a story that has a classy element and wonderful substance. The continous detail of the story's flow is also something that brings KUDOS to this story (ayoko kasi ng putol putol yung chapter LMAO). Great job ROUGUE MERCADO! All of a sudden, I bacame your instant FAN! Keep it up:) -jekxaranza@yahoo.com
ReplyDelete