ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Thursday, November 15, 2012

Way Back Into Love (Chapter 14-20)







Way Back Into Love

Chapter 14- Chapter  20


Rogue Mercado

Site: www.roguemercado.blogspot.com


*****


Way Back Into Love

Chapter 14

Rogue Mercado


Napangiti si Red habang nanonood sa plasma TV. Ang mga plasma TV na nakalagay sa ibat-ibang parte ng unibersidad ay nagpapakita ng naganap kahapon sa Orientation ng Freshmen. The guy wearing black outfit. Hindi niya pa rin maalis sa isip ang mga pangyayari kahapon.



"Isa... Dalawa...Tat.." hindi niya naituloy ang balak na pagtakbo at pagakyat sa entablado upang saksakin ang kumakantang lalaki. Balak na sana niyang wakasan ang buhay ni Jake Marcos.



Sumambulat ang isang nakakabinging tunog.



At ng mawala ito ay napako ang tingin ng lahat ng tao sa lalaking unti-unting humahakbang paplapit sa entablado. Noong una ay hindi niya naaaninag ang mukha nito dahil tanging ang suot nitong kulay itim lang ang mas nakikita ng kanyang mata. 



Unti-unting umakyat ang estrangherong lalaki sa itaas ng entablado. Kinuha nito ang mic na nakalagay sa mic stand at itinapat sa bibig nito. Doon niya napagmasadan ng mabuti ang mukha ng estrangherong lalaki. Nakita niyang kulay pula ang buhok nito. It was an emo style dyed red hair-do. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang hikaw nito sa dalwang tainga at ang ikatlo ay nasa isang kilay nito. Nakita rin niyang ang mga kamay nito ay nababalutan ng itim na guwantes. 



He stared at his eyes. Sobrang tapang ang nakikita niya sa mga nito. They were murdered with eyeliners. 



Nagsimulang kumanta ang lalaki. He has this familiar voice na narinig niya na kung saan. The song he is singing is Stronger by Kelly Clarkson. Mahirap bigyan ng masculine version ang isang female pop song. But the guy in the stage just nailed the song na para bang hindi na kailangan lumabas ng mga ugat nito sa leeg upang bigyan ng hustisya ang kanta.



Inobserbahan niya ang mga tao. Para itong nahipnotismo sa estrangherong kumakanta. Nawala ang mga banner at streamers na sumasamba sa pangalang Jake Marcos. 



Nang simulang kantahin ng estranghero ang koro ng kanta ay napalitan ng sigawan ang katahimikan sa buong Auditorium. Dumagundong ito na parang isang concert ground ang Auditorium. Hindi mapigil ang mga estudyanteng nagsisigawan at nagpapalakpakan sa sobrang pagkabighani sa boses ng kumakanta. 



Hindi kapani-paniwala ang sumunod na pangyayari. Bigla na lang nagkislapan sa flash ng mga kamera ang entablado. Maraming mga estudyante ang gustong makiamot ng larawan ng lalaking kumakanta. Ang mga taong nakaupo ay nagsitayuan na upang pagmasdan ang lalaking kumakanta. He stole the spotlight from the so called singing heartrob.



Bigla niyang narinig ang mga usap-usapan sa kanyang likuran. Boses ng dalawang babae na naguusap.



"OMG!!! Yan ba si Jake Marcos? My gosh ang gwapo-gwapo niya!!"


"Gaga, ibang tao yan.. Yung Jake Marcos yung kumanta kanina"


"Talaga? Eh bakit yung kumakanta kanina parang hindi naman maganda ang boses?"


"Aba Malay basta gusto kong sumigaw kay Papa Pogi!!! Wahhhh!!!!!! I love you na kuya!!!!!!"



"Hoy walang agawan.. Sa iyo na yung kumakanta kanina... Akin tong si Kuya.."


"Ayoko nga... sa iyo na yung nauna, akin si Adam Lambert!!! Oh my gosh!!!"



At hindi na niya naintindihan ang iba pang usapan sa likod niya dahil nasapawan ito ng sigawan at hiyawan. Natapos ang awitin ng kumakanta at sa huling pagkakataon ay napagmasdan niya ng maigi ang mukha nito. 



Tumayo ang mga balahibo sa kanyang batok at bahagyang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Dahil ang nasa itaas ng entablado ay walang iba kundi si Adrian.



Nalaglag niya ang kutsilyong tangan ng kanyang kamay. Hindi niya maialis ang mata sa mukha ni Adrian. Ang bawat detalye ng mukha nito ay nakaukit sa kanyang utak. Hindi siya maaring magkamali, si Adrian nga talaga ang nakikita niya.



Lalapitan niya sana ito kundi lamang nakita niyang pumunta ito sa backstage matapos kumanta. Panandalian siyang natulala sa kawalan. Parang nabuhay ang dugo niya sa muling pagkakakita dito.



"Moks" bulong niya sa sarili ng matagpuan ang sariling nakatulala sa harapan ng plasma TV. Nasa harap na niya ngayon ang anim na buwan niyang hinanap-hanap. But one thing is for sure. He will never let go.




Of all the people, few only knew that his full name is Adrian Jude Dela Riva. But he forgot his first name. The second one is better. His father died when he was seven from a chronic cancer and his mother died from arson. Yun lang ang natatandaan niya. Ang ibang mga ala-ala ay pilit niyang ibinabaon. Ngunit hindi niya mapigilan ang sariling huwag balikan ang mga ito. It was painful. Everynight, he dreamed of a girl trying to kill her, then he dreamed of a baby, a guy in white and a corpse crimsoned with blood. 



Hindi niya alam kung saan nagmumula ang mga panaginip na ito. 



Tumingin siya sa salamin na kaharap niya. The reflection depicted a guy, wearing a simple plain black t-shirt. His head is covered by a black cap. He is still wearing the necklace with a skull. He had a silver earrings and a silver piercing in his eyebrow. He also had these pair of black gloves covering his hands at itim na tinta pa rin ang lumulukob sa kanyang mga kuko.



"The little Mr. Innocent is gone" wika niya sa kanyang repleksyon at saka ngumiti ng malademonyo. He grabbed his eyeliner and started murdering the lower part of his eyes.








"The newest Adam Lambert on the block" wika ni Jake sa sarili ng basahin niya ang headline sa entertainment section ng LAMPARA DAILY. Hindi siya sanay na ibang mukha ng tao ang makikita sa entertainment section. Ilang buwan na siya ang pinagpipiyestahan ng mga estudyante sa school paper nila. He was regarded as a music God being worshipped by NorthEast students. But now, everything seems to be vanishing. In an instant, hindi na siya ang napaguusapan sa bawat sulok ng unibersidad. Hindi na rin siya ang hinahabol-habol sa pagpasok niya sa school. Kanina ay para lang siyang ordinaryong estudyante na dumadaan sa hallway. People dont notice him as Jake Marcos, the singing heartrob.



Humakbang siya papasok sa opisina ni Director Lee. There's only one way to clarify the issue. At iyon ay ang kausapin ito hinggil sa nangyari kahapon. Kumatok siya sa opisina nito.



"Come In" boses ng Direktor mula sa loob. Agad naman niyang pinihit ang door knob at pumasok sa opisina ng nasabing Direktor.



"Jake? Im actually expecting you to come here. Please have a seat"


Sumunod naman siya sa imbitasyon ng direktor at naupo sa tabi nito.


"Anything you want first to say?" bungad na tanong nito sa kanya.



"Well, direk.." tila hindi niya alam kung paano magsimula ng kanyang reklamo. He doesnt want to sound threatened nor insecure.




Bigla silang nakarinig ng katok mula sa labas.



"Come In"



Nang iluwa ng pinto ang tao mula sa labas ay muling nagsitayuan ang balahibo ni Jake sa batok. He was the same person that stole his shining moment. Jude Dela Riva.



"Seems like Im late with the appointment"


"Not really Jude, please have a seat"


"Thanks"


"So Jake anything you wanted to say first" tanong ulit ng Direktor sa kanya.



Nagisip siya ng mabuti kung anong mga salita ang lalabas sa kanyang bibig. Tiningnan niya si Adrian. Malaki ang ipinagbago nito. Datirati sa tuwing tititigan niya ito sa mata ay humahalukipkip ito na at pinamumulhan ng mukha. Ngayon, kaya nitong salubungin ng diretso ang kanyang mga tingin.



"I... I came here.. first of all to clear the issue yesterday"



"What about yesterday?" agaw na tanong ni Jude sa kanya.



"Excuse me? Im talking to Director Lee.. not you"



"Yes but it involves me right?"



Nagulangtang siya sa palaban na mga sagot nito. Ang Adrian na kilala niya hinding-hindi sasalubungin ang galit niya but the person in front of him is not the old Adrian anymore. He had balls to rebut him always.


"Ok hold it" awat ni Director Lee sa kanila.



There was a moment of silence. Nagtitigan sila ni Adrian na para bang nagsusukatan sila kung sino ang mas magaling.



"Jake I know that you feel bad about yesterday...."


"Its not just I feel bad Direk... I was embarrassed.. This guy sabotaged my performance" galit niyang tugon habang itinuturo si Adrian.



"Its funny how you point your fingers and accuse me of sabotage when in fact the rest of your fingers point yourself. Siguro naman Mr. Marcos wala ka pa naman sinabotaheng tao sa pamamagitan ng isang burned CD na walang ibang laman kundi nakakabinging tunog?"



Pinagpawisan siya ng malamig sa sinabi nito. Awtomatikong bumalik sa kanyang ala-ala ang Auditions. Kung paano nila napagtugampayang pahiyain ito kay Director Lee.



"Jake...and Adrian you two better stop that"


"Its Jude" pagtatama nito sa Direktor.



"Fine.. Jude, you need to stop answering like that.. Jake is still your senior." 



Katahimikan.



"You guys are now working as a team. I am pleased to inform you Adrian that..."


"Its Jude"


"Ok Jude... that you are now an official member of NASUDI.. Im sorry for the bitter past we had and I hope that we will start anew. For better NASUDI"


"Certainly" maikling sagot ni Jude


"And Jake, as the lead singer of NASUDI, I would like you to welcome Jude to the group. Please lead him in his room and tour him around the NASUDI Bldg if that would please him"


"Ok direk"



"Any questions so far?"



"None" sabay nilang sagot.


"Ok, you both can go"



Sabay silang lumabas ni Jake sa opisnina ni Director Lee at bago  pa man siya lumabas ay nagpalitan sila ng makahulugang tingin ni Director Lee. It was an understood message. Maya-maya pa ay nasa labas na sila ng opisina nito.



"Bakit ka bumalik?" biglang tanong ni Jake sa kanya ng makalabas sila sa opisina ng Director.



"Natatakot ka bang multuhin ng sariling multong ginawa mo?" balik tanong niya dito.


"I really dont know what your motive is but if you are planning to...."


"Outshine you? Agawin sa iyo ang trono mo ngayon? Oh cmon Jake, my plans are beyond your comprehension. Apparently, hindi ganun kababaw ang pagiisip ko tulad ng sa iyo. Your knowledge is only my common sense."



"Bakit ano ba ang gusto mong palabasin huh" matigas nitong sagot sa kanya.



Bahagya siyang nabigla ng hatakin nito ang kamay niya at kwelyuhan siya. 



Ngunit mas ikinabigla ni Jake ang ginawa niya. Ginamit niya ang tuhod niya para tamaan ang sensitibong parte ng katawan nito.



"Shit! Shit!!" mura nito habang hawak hawak ang natamaang pagkalalaki


"Shit really happens" pagkasabi niyon ay ngumiti siya ng makahulugan. Tiningnan naman siya nito ng matalim.


Nagpatiuna na siya sa paglalakad habang sumunod naman ito sa kanya. Iika=ika itong lumalakad.



"So Himala? bakit hindi mo ko ginagantihan?" tanong niya kay Jake



Hindi ito nakasagot.



Wala pa rin silang imikan hanggang makarating sa harapan ng kuwarto niya. Tahimik na iniabot nito ang susi sa kanya. Kinuha naman niya ito at binuksan ang pinto. Ngunit pinili niyang huwag munang pumasok at titigan ito. Nakita niyang hawak pa rin nito ang nasipa ng kanyang tuhod.




"Nagbago ka na nga" biglang tugon nito sa kanya.


Lumapit siya dito at ginawaran ito ng halik. Nakita niyang nabigla ito sa ginawa niya. Nang maramdaman niyang unti-unting tumutugon na ang mga labi nito ay siya ang unang pumutol ng halik. 



"Bibigay ka rin" wika niya dito at pagkatapos ay tinalikuran si Jake at pumasok sa kuwarto.




Itutuloy...






Way Back Into Love

Chapter 15

Rogue Mercado




"Hello Max?" bungad niya sa lalaking nasa kabilang linya


"Yes, Jude.. Im just checking on you.. Ok ka na ba?"


"Yeah.. Thanks.. Im here at NASUDI Lounge.. Have my own room"


"Congrats then. Never thought that It would be that easy"


"You know that I owe you one Max.. thanks for giving me a home when I need one"


"No worries.. so does this mean goodbye?"


"For a while yeah.. I have some unfinished business here"


"You better take care Jude.. and please wash those eyeliners off"


"Haha.. Alam mo namang hindi pwede yun.. I could die without this eyeliners. Its kinda trademark"



"I know.. Nabasa ko yung school paper niyo and Im really proud of you.. They are calling you Adam Lambert of NorthEast"


"Haha... So much of labelling but Its a good omen I guess."



"Sumasakit pa ba ang ulo mo? Do you still have those nightmares?"



"Sadly, yeah... But thank God you are the best psychiatrist in town"



"No Jude.. Im not.. Im glad that you have amazing surviving skills.. But then Im reminding you that if..."



"Adrian? you are speaking with Jude now Max.. he wont comeback, Im telling you"



"Alright you take care OK?"


"I'll keep that on mind"


"And Jude...."


"Yes Max?"


"Ahm.. I...I"



"Please dont tell me you love me.. You know that I would reject those words..."



"What if I did?"


"Max.. I love every creature that God made.. But if you have butterflies in the stomach.. those organisms should be murdered"



"Loko loko ka talaga"


"You know that I dont believe in love anymore"


"Ok... Ok... Just take care.. that's all"


"Sige.. sige I call you if I need a help"


"Sure"



Pinindot niya ang End button.



Tumingin ulit siya sa salamin. He still had the eyeliners. Napangiti siya. He felt a sense of liberation whenever his eyes had those black lines.  Parang panangga ito sa sinumang magbabalak na gibain ang pader niya. He never thought that his eyes would gain so much clarity that he dont have to wear those buggy eyeglasses anymore. 


Bigla siyang nakarinig ng katok sa pinto.



Hahakbang na sana siya para pagbuksan ang nasa labas ng biglang sumakit ang ulo niya. 



"Aaaaaaaaaaaaaaaahhh!!!!" sigaw niya ng halos puputok na ang ulo niya sa sobrang sakit. Narinig niyang kumalabog ang pinto matapos siyang sumigaw at iniluwa nito si Jake.



"Adrian!' sigaw ni Jake sa kanya ng makita siyang hawak-hawak ang ulo.



"AAAAAAAaahh.... ang sakit.. tang ina" namimilipit na siya sa sakit ng ulo niya



"You have medicine? Ano? Sabihin mo?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.


"Sa...sa may drawer" wika niya dito at tuluyan siyang nahiga sa lapag.



Nakita niyang kinuha nito ang maliit na lalagyan ng kanyang gamot at ibinigay sa kanya. Humangos naman ito sa water dispenser na nakalagay sa sulok at kumuha ng tubig. Inabot naman niya ito at umupo. Nakita naman niyang umupo ito sa likod niya at maya maya pa ay iginiya nito ang likod niya para sumadal sa katawan nito. Nang makabawi siya ay nagawa na niyang makapagsalita.



"Ano ba? Stop that? Hindi ko kailangan humiga sa katawan mo!" galit niyang singhal dito



"Sorry... hindi ko lang maiwasang mag-alala lalo na nakita kita na namimilipit sa sakit ng ulo"


"Stop acting like you care.. Pwede ba? Tapos na ko sa drama mo"


Hindi na ito nakapagsalita at agad na siyang tumayo sa kinauupuan. Ngunit muntik na siyang matumba ulit kung hindi siya nasalo nito.



"Daha-dahan kasi" malumanay nito wika sa kanya



Nagkatitigan sila ng matagal pagkatapos ay ngumiti ito ng matamis sa kanya. Agad naman niyang nabawi ang sarili at tumayo mula sa pagkakasalo nito.



"Bakit ka ba kasi nandito"


"I just want to check on you"


"Haha talaga? Hindi ko alam na part time job mo rin ang pagiging baby sitter ko.. Congrats then.. You did a great job"



"Well, yes maybe.. kundi ako dumating baka napano ka na.. Ayos ka lang ba?"  nag-aalalang tanong nito sa kanya na para bang binalewala ang pangiinsulto niya.



"Its none of your effin business kung baldado ako o hindi.. now if you'll excuse me.. I need to change clothes first"



"Pinapatawag tayo ni Director.. Thats also the reason why I came here to see you"


"Narinig mo naman siguro ako diba? I will have to change clothes first"



"Can I just stay here.. babantayan na kita dito baka sumakit uli ulo mo"



"You really wanted to take care of me?" nanunudyo niyang tanong dito



"Its just that.. baka lang kako sumakit uli ulo mo so I will just stay here" nakangiti ng nakakaloko si Jake



In a game like this, the one who refuse first will be the loser. bulong niya sa sarili.



"Ok.. so you really wanted to guard me.. fine.. Hubarin mo ang suot ko" utos niya dito



"What?!?" gulat na tanong nito na halatang hindi inaasahan ang sinabi niya



"Ang sabi ko hubarin mo ang suot ko" 



"Sigurado ka?" nag-aalinlangang tanong ni Jake sa kanya



"Yup.. Lubusin mo na ang pagbabantay sa akin" nakangiting tugon niya dito.





Jake didnt knew what he should do. Gusto niyang lumabas na lang ng kuwarto para naman bigyang laya si Adrian na magbihis. But the thought of undressing Adrian excites him. No. It arouses him. Parang naginit lahat ng parte ng katawan niya sa sinabi nito. Is he seducing me? tanong niya sa sarili. If he is really seducing him ay nagtagumpay ito. He is slowly having an arousal.


Nanginginig na hinawakan niya ang laylayan ng T-shirt nito. At sinimulan niya itong hubarin pataas. Hindi siya makatingin ng diretso kay Adrian na tinititigan siya ng mariin. It was so unlike before. Siya na ngayon ang hindi makatitig ng diretso dito. Nang maalis na niya ang T-shirt nito ay nakagat niya ang kanyang labi. Seeing Adrian's pink nipples is enough to make his crotch crazy. Pinagpapawisan na siya ng malamig. He never saw Adrian's body. Not even when they were in a relationship. Hanggang yakap at nakaw na halik lang siya dito. He thought Adrian doesnt have that effect on him sexually. But he was all wrong. Tiningnan niya ulit ito sa mata, halatang naghihintay ito sa susunod niyang gagawin.



"If you are going to stare at my nipples that long, hindi tayo matatapos dito" 


"Tapos na diba? Nahubad ko na damit mo"


"Not really... I still have my shorts on"



Tinitigan ni Jake ang itim na shorts na suot ni Adrian. Nangingig ang mga kamay na hinawakan niya ang butones nito. Sisimulan na niya sana na  tanggalin ito ng magsalita muli si Adrian.



"Wait"


"Bakit?" tanong niya dito


"Anong bakit? nabitin ka ba? Dont worry.. Hindi naman ako masyadong magiging bastos"



He had a better idea. Tumalikod siya kay Jake at humilig sa katawan nito. Kinuha niya ang dalawang kamay nito para igiya papunta sa kanyang shorts.


"This is better.. you can start undressing me now"


Nakatalikod siyang humiga sa katawan nito habang hinuhubad nito ang shorts niya. Naramdaman naman niya ang mainit na paghinga nito at ang marahang pagtaas baba ng dibdib nito. He can also feel his hard on sa bandang puwetan niya. Nahulog ang kanyang shorts sa sahig. Lumingon siya rito at nagtama ang kanilang mga mata. Kaunting distansiya na lang ang pagitan ng kanilang mga labi at nararamdaman niya ang mainit na hininga nito. Unti-unting bumaba ang labi nito sa mga labi niya. Naramdaman niyang niyakap siya nito. Ngunit mas pinili niyang huwag tumugon sa halik nito.



"Please" pabulong ngunit nagmamaka-awang wika ni Jake sa kanya.


"No" matigas niyang tugon at saka kumalas sa pagkakayakap nito sa kanya. 



Dumiretso siya sa CR ng kanyang kuwarto. 



"You can wait outside" nakangising tugon nia dito.



Tiningnan lang siya nito na halatang gulat pa rin sa nangyari. Nang ilang segundong nakabawi ay naihilamos nito ang kamay sa mukha at saka nagkamaot ng ulo. Nginitian niya ito ng nakaka-asar bago pumasok sa banyo.




"Ok so I called you guys to discuss few agenda about NASUDI" si Director Lee na nasa harapan nila.



Kasalukuyan silang nasa Black Room, ito ang tawag sa kanilang choir room kung saan nagaganap ang brainstorming sa mga performaces, mga abrupt meeting tungkol sa organisasyon at dito din isinasagawa ang first draft ng mga performances. Dito unti-unting binubuo ang mga mapapanood na pag-awit sa entablado ng mga NASUDI singers. Dahil sinisiguro ni Driector Lee ang kalidad ng kanilang performance ay walang  pagkanta ang hindi dumadaan sa masusing pageensayo at kritikal na pagbusisi sa takbo ng kanta. Walang pakialam ang Director kung kakantahin man ito sa espesyal o ordinaryong pagtitipon dahil kapag sinabing NASUDI singer it would always be an outstanding performance.




"I would like first to welcome our newest member, Jude Dela Riva" tawag nito sa kanya.


He rose from his seat at dahan-dahang pumunta sa harapan katabi ni Director Lee. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa loob ng kuwarto sa kanyang pagtayo. Everyone seems to be excited about his presence.



"A word from Adrian perhaps?" tanong ni Director Lee


"Its Jude" pagtatama niya ulit dito


"Sorry, Jude it is"



Tiningnan niya ang iba pang miyembro ng NASUDI. Lahat ng mga mata nito ay nakatutok sa kanya.



"First of all.. Im very much flattered to be part of one prestigious supreme music organization. I never thought that this dream will come true. Second I would like to thank Director Lee for giving me another chance to show my calibre in singing and he had to admit that Im really good.." 



Nagtawanan ang mga tao sa loob ng kuwarto. Tatango tango naman si Director Lee sa huling sinabi niya. Nahagip naman ng kanyang mga mata si Jake at nakita niyang nakatingin lang ito ng diretso at seryoso sa kanya.



"And also I would like to thank the lead singer of NASUDI, Jake Marcos for that WARM... welcome... masyadong MAINIT ang iyong pagtanggap" pagbibigay diin niya sa kanyang mga salita. at sinundan niya ito ng makahulugang ngiti. Nakita naman niyang nagiwas ng tingin si Jake.



"...So I hope that we will all be a team for a better NASUDI and rock and roll!!" pagtatapos niya.



Dumagundong naman ang palakpakan sa black room at ang bawat isa ay kinakamayan siya. Nang matapat siya sa puwesto ni Jake ay inilahad nito ang kamay nito sa kanya. Sa halip na tanggapin niya iyon ay pinuntirya niya ang tainga nito at bumulong ng ilang salita.



"Thanks for undressing me Mr. Heartrob"



At pagkatapos nun ay mabilis siyang bumalik sa kanyang upuan. Sa gilid ng kanyang mga mata ay alam na alam niyang tulalang-tulala si Jake sa mga pinag-gagagawa niya. And that makes him more thirsty to piss him.



"Ok so now that the 1st agendum is done. We go now to the second subject. Our activity calendar." panimula ulit ng Director.


"...Apparently our schedule for this year is really full that it would be harder for us to divide singers and scatter all of you to different events or programs that badly needs someone to sing. Demand on singers are higher now especially when they saw Jude's performance that actually boosted the organization's prominence. So first event would be of course, as we all know.. Buwan ng Wika"



Nagkaroon ng kaunting bulung-bulungan sa kuwarto. Halos lahat ay nagkaroon ng ideya sa maaring kantahin sa nasabing programa.



"So I know that everyone has outstanding ideas but we are given 2 numbers on the program. Before we decide who will perform on that event we could have first the piece that could be used on some numbers? What do you think?"



"Well, maybe we could have classic kundiman songs. Like "Bituing Marikit" and the singer could like perform the old Filipino courtship. That would not only show a good performance but it would show our forgotten tradition bout courtship" paliwanag ni Jake sa kanyang suhestiyon.



"Boring" agaw atensyon ng kanyang boses



Lahat ay napatingin sa kapangahasang ginawa niya. Lahat ng mga mata ay sa kanya na naman nakatutok.



"Do you have any other suggestion Jude?"



"I think the courtship thing is kinda dull. As far as we know Buwan ng Wika is being stereotyped as an event full of oldies and shit. Maybe we could spice up the event by giving a modern touch without forgetting the essence of the program. I did a little research bout the theme of the said event and it is 'Wikang Pambansa Noon at sa Makabagong Panahon'. Maybe we could like divide NASUDI into two and we could do that classisc balagtasan. I dunno if the term is really correct but the thing is, hindi tayo gagamit ng makatang mga papanalita. Instead we could have a balagtasan through singing. The first group would sing some kundimans while the other half could sing some modern songs. By using delicate arrangement of note pattern we could come up with a good mash up of songs." mahaba niyang paliwanag.



"I think someone came here prepared" natutuwang sagot ni Director Lee sa kanya. 


Nakita naman niyang nagsitanguan ang mga tao sa loob at halatang aprubado ang kanyang suhestiyon. Nakita naman niyang nakababa lang ang ulo ni Jake.



"So what do you think guys"



"Approve na.. I think that's better." wika ng isa sa mga miyembro


"Jude! San mo nakukuha yang idea mo tol? Lupet ah!" tanong ng isa pa sa mga member


"Haha.. Sabihin na lang natin na may mga singer talaga na parang music player. Sinasaksakan lang sila ng CD para tumunog but without it.. they are nothing. Kung singer ka hindi ka lang dapat marunong kumanta.. Its a must that you know everything about music. Kailangan musically inclined ka. Hindi pwede yung mikropono lang ang gamay mo"




Walang nakasagot sa tirada niyang iyon. No one dared. Pagkatapos nun ay biglang nagsalita si Director lee



"Ok so I think yun lang muna sa ngayon. I know that you guys have classes and dont wanna miss it. But Jude's suggestion would be the final theme of our performance during Buwan ng Wika. Meeting adjourned"


Isa-isang nagsitayuan ang mga estudyante upang maghanda na sa kani-kanilang mga klase. Hindi na ulit mahagilap ng kanyang mga mata si Jake. Agad siguro itong tumayo at lumabas kanina. 



Damn You.. Damn Me.. Karma is a bitch and so are we bulong niya sa sarili at ngiting demonyo na lumabas sa black room.




He got his Marlboro Black cigar and lit it. It always relaxed him when he puffed smoke out his mouth. Para bang ibinubuga niya ang tensyon sa kanyang katawan. Hindi pa siya nakakalayo ng lakad ng may humatak sa kanang kamay niya.



"Shit! Who the hell are.." hindi niya naituloy ang sasabihin ng makita ang galit na galit na mukha ni Jake.


"Anong ginagawa mo?"  tanong niya ulit dito ng makabawi siya sa pagkagulat.



"Tinatanong mo kung anong ginagawa ko? Eh ikaw anong ginagawa mo? First you try me to undress you and now you went crazy at pinapahiya mo ko sa fellow org mate natin. What's wrong with you?" galit nitong tanong rin sa kanya



Nakasandal siya sa dingding habang kaharap niya ito. He is being cornered.



"Wrong with me? What's wrong with you? Hindi ko kasalanan kung tinitigasan ka kanina!" singhal niya dito



"Oo tinitigasan ako!!!" sigaw nito sa kanya.



Hindi niya alam kung matatawa siya o matatakot sa reaksyon ni Jake nang sinabi niya iyon ngunit nakita niyang nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.



"Alam mo ang gusto kong gawin ngayon? huh? Ituloy yung kanina" at unti-unting bumaba ulit ang labi ni Jake sa kanya. Sa muli ay tanging ang hininga nito ang naririnig ng kanyang tainga.



"Shit!!!" sumigaw ito ng muli niyang sipain ang sensitibong parte nito



"tinitigasan ka pala, bakit hindi ka magsalsal?" brutal niyang sagot dito




Agad niyang inayos ang nagusot na damit at mabilis na lumakad palayo habang naiwan itong sapo pa rin ang alaga. He smiled victoriously. 




Nakalabas na siya sa NASUDI Bldng. at sinuot niya ang kanyang black shades. Kung susumahin ay para siyang bampira sa suot niya. he still sport an a head to toe black out fit. He still retained the black gloves and black polish. Most importantly, ayaw niyang madissolve ang kanyang eyeliners.



"Sandali" pigil ulit sa kanya ng isang kamay. 


"Jake,...Sabi ng huwag mo na akong gugu..."



Nabigla siya nang sa kanyang paglingon ay hindi si Jake ang kanyang nakita. Isa itong pamilyar na lalaki.



Itutuloy...



Way Back Into Love

Chapter 16

Rogue Mercado



"Ikaw? Huwag mong sabihing ipoposas mo na naman ako?" singhal niya sa lalaking kaharap. 



"Sinabi mo pa!" masayang tugon nito sa kanya sabay hablot sa dalawang kamay niya papunta sa kanyang likuran.



Parang may sariling isip naman ang kanyang tuhod at paa at buong puwersa niyang ginamit ito para puntiryahin ang pagitan ng hita nito. Nagawa niyang sumakyod patalikod. 



"Aray!!! Aw.. Aw.!!!" sigaw ng lalaking muntik na mangposas sa kanya. Halos mangiyak-ngiyak ito sa sakit.



Mabilis naman siyang tumakbo para takasan ito. Ngunit sinalubong siya ng isa pang lalaki at pinigil siyang maka-alpas. Sipa siya ng sipa habang yakap-yakap siya nito. Dumating pa ang ibang mga kasama nito at hinawakan ang dalawang paa niya. Kalaunan ay hindi na siya nakapalag. Iba-iba na kasing mukha ang umawat sa katawan niya. Kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang magpa-posas sa mga lalaking nakasuot ng kulay pink. 



"Walang hiya pinahirapan ka ata Lloyd!" sigawa ng isa sa mga estrangherong lalaki


"Haha Oo nga. Tang Ina.. Hindi naman to ganun kahirap posasan noon. Ngayon eh naninipa na" tugon naman ng lalaking nagngangalang Lloyd


"Eh parang iba naman kasi yung nakuha natin ngayon. Diba nung last year eh yung may nakasuot ng eyeglasses yung pinosan natin? Eh bampira naman ata tong nahuli natin eh" biro ng isa



"Positive ako. Siya rin yun. Na confirm ko na rin dun sa papakasalan niya" sagot uli ng kaparehong boses na tinatawag ng mga lalaking Lloyd.



Ngunit hindi na siya interesado sa lalaking iyon. Mas interesado na siya sa huling sinabi nito. "Positive ako. Siya rin yun. Na confirm ko na rin dun sa papakasalan niya" 



It cant be! sigaw niya sa sarili. Hatak-hatak na siya ngayon ng nagkukumpulang lalaki.



"You better remove this assholes!"



"whoah! Masyadong palaban to Pres! Eh dati rati parang lalampa lampa lang to ah"


"That's why in demand siya ngayon" sagot uli ng pamilyar na boses.



Medyo nakakalayo na sila ngayon. Sa di maipaliwanag na dahilan ay nagiging pamilyar sa kanya ang lahat ng pangyayari. Mga lalaking nakasuot ng kulay Pink... ang pagposas sa kanya... ang kanyang piring at ang pangalang Lloyd. Hindi niya siguro kakayanin kung malaman niyang ang Lloyd na ito ay walang iba kundi si Lloyd Dela Cruz, ang Presidente ng BABAYLAN.



Bigla silang tumigil ilang minuto ang lumipas. Naramdaman niyang medyo nangalay din ang kanyang mga paa. Napansin niya ring hindi na halos nagiimikan ang mga lalaki na nagbitbit sa kanya papunta sa lugar na iyon. Ilang sandali pa ay biglang naging sibrang tahimik ng kapaligiran. Alam niyang may mga tao sa paligid ngunit ang mga ito ay waring nagkasundo na itikon ang kani-kanilang mga bibig. Lumulukob ang malamig na hangin sa kanyang balat. 



Maya-maya pa ay naramdaman niyang may lumapit na mga kamay sa posas na nakakabit sa kanya. At pagkatapos nito ay naramdaman niyang naghiwalay na ang mga kamay niyang pinagkabit nito. Sinamantala naman iya ang pagkakataon na hubarin ang piring na nakatakip sa kanyang mga mata.



Para siyang binuhusan ng isang baldeng yelo sa nakita.



Ang lugar ay napapalibutan ng balloons na kulay pink. Nasa isang garden sila kung saan halatang nagset up rin ng mga artificial na halaman na nagbubulaklak ng pink roses. Nakita niya ring maraming tao ang nanonood. At karamihan sa kanila ay nakasuot ng kulay pink na T-shirt. Kasalukuyan siyang nakatayo sa pinakadulo ng Red Carpet at ng tanawin niya ng diretso ang kulay pulang tela na nakalatag sa hardin ay nakita niya ang isang lalaki na nakasuot rin ng kulay pink na T-shirt. Binasa naman niya ang nakasulat sa damit nito:



"Will You Marry Me Moks?"



Tinitigan niya sa mata ang lalaki. Nakita niya ang sobrang galak sa mga mata nito. Na para bang sabik na sabik nna makita siya. Ngunit kabaliktaran naman iyon ng nararamdaman niya. Parang bigla-bigla ay gustong sumakit ng ulo niya ngunit may isang puwersa sa kanyang katawan na nagsasabing kailangan niyang sumunod sa agos ng mga pangyayari. Mula sa dulo ng nakalatag na tela ay pinagmasdan niya ang susunod na gagawin nito. Nakita niyang may hawak hawak itong isang tangkay ng rosas na kulay pink at sa kabilang kamay naman nito ay isang mikropono. Nakita niyang sumunod na inilagay nito ang mikropono sa tapat ng bibig nito at nagsimulang pumailanlang ang musika. Pamilyar ang musikang iyon.




"I've been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed, 
I've been lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on " 




"I've been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need 'em again someday, 
I've been setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind" 



Sa unang pagkanta nito ay parang nahipnotismo siya sa boses nito. Parang may sariling buhay ang kanyang mga paa na nagsimulang humakbang papalapit dito. Nagpatuloy pa rin ito sa pagkanta.



"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love. Ooo hooow "



"I've been watching but the stars refuse to shine,I've been searching but I just don't see the signs, I know that it's out there, There's gotta be something for my soul somewhere"



"I've been looking for someone to she'd some light, Not somebody just to get me through the night, I could use some direction, And I'm open to your suggestions. "



"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love."




Sa wakas ay nakarating na siya sa harap nito. Ngayon ay magkatapat na sila ng lalaking kumakanta. Nakatitig pa rin siya sa mga nito. Unti-unti ay bumalik uli ang mga ala-alang pilit na niyang ibinaon.






"Tang ina nyo makawala lang ako dito! lagot kayo sa akin!" boses na ito ng ibang lalaki. Siguro ay gayan rin niya ay basta na lang hinuli tio at piniringan. Tanging mga halakhakan naman ang sinagot ng mga taong sa tingin niya ay nakapalibot sa kanila.





"Easy man! if you dont want this to be hard for both of you and would like to get out of this you need to finish the ceremony" boses ulit ito ng lalaking nagposas sa kanya. Waring kinakausap nito ang lalaking sumigaw kanina.




"So if you want to see what we have prepared for both of you, you can help each other to remove the scarf" pagpapatuloy ng lalaki kanina at iginiya ang mga kamay nila sa isa't isa. Nahahawakan na niya ngayon ang panyong nakapiring sa isang lalaki at ganun din ito sa kanya. Lumakas ang pagtibok ng dibdib niya.



Syet ano ba tong pinasok ko? sigaw ng isip niya. Kanina pa nga siya natuturete kung sino ang lalaking kaharap niya. At dahan dahan ay ibinababa na ng estrangherong lalaki ang panyong nakatabing sa mata niya. Kaya napilitan na rin siyang gumalaw para tanggalin ang panyo na nakatakip sa mata ng kaharap niya. Kasabay nito ay biglang pumailanlang ang isang kanta sa background:




Its a Colbie Caillat Song.



Take time to realize.... that your warmth is crashing down on in


Take time to realize.... that I am on your side didnt I, Didnt i tell you?



At unti-unti ay naaninag na niya ang misteryosng lalaking papakasalan niya.









"Moks?" pagkumpirma ni Red sa kanya.



"Moks?" sabay niyang tanong



Ilang minuto rin silang tulala sa isa't isa habang ang mga tao ay nakapalibot sa kanila ay nagkakantiyawan. Lahat ng mga ito ay naka suot ng t-shirt na kulay Pink na may kanya-kanyang tagline lahat ay patungkol sa Gender Equality. Sa harap nila ay isang munting altar at may isang pekeng pari na nakangiti sa kanilang dalawa. Habang patuloym pa rin ang musikang maririnig sa kapaligiran.




If you just realize what I just realized....



Then we'd be perfect for each other...


And we'll never find another ....


Just realize what I just realized ...



We'd never have to wonder if we missed out on each other now...




Lumapit ang lalaking sa tingin niya ay may pakana ng lahat at ibinigay ang bouquet ng rosas kay Red.



"O pre ano pang hinihintay mo, ibigay mo na sa kanya" kantiyaw ng lalaki kay Red.



Dahan dahanng ibinigay ni Red ang bulaklak sa kanya. Naguguluhan man sa nararamdaman ay tinaggap niya ito. 



"O Red anong masasabi mo kay Adrian" bungad ulit ng lalaki.



Kinuha ni Red ang microphone at nagsimulang magsalita.




"Ahm.... Moks.. Hindi mo alam kung gaano ko katagal hinintay ang araw na to. Kahit alam kong pagkatapos nito masasaktan lang din ako" pagtatapos nito.




Namumula ang mga mata ni Red na nakatingin sa kanya samantalang hindi magkamayaw ang mga tao sa pagsigaw sa sobrang kilig.





"Ok guys, so before we proceed again Im Lloyd Dela Cruz and welcome to Pink Party!" basag ng lalaki sa kanyang pagbabalik tanaw at ito rin and nagtangkang iposas ang kanyang mga kamay. Hindi nga siya nagkamali. Ito nga ang Presidente ng BABAYLAN. Parang naging kasalukuyan ang nakaraan.



"...Alam naman natin na bilang tradisyon ng BABAYLAN ay nagsasagawa tayo taon-taon ng mock wedding so let's welcome again Adrian Dela Riva and Red Antonio.. Father please proceed" pagpapatuloy ng lalaki at sabay pagbibigay senyales sa pekeng pari na nasa harapan nila.



Hindi pa rin mapalis sa mukha ni Red ang ngiti hanggang kanina. May isang boses mula sa kanyang ulo ang naguudyok na yakapin ito ngunit mas pinili niyang huwag magpadala sa bugso ng damdamin. Jude Dela Riva is a master of his emotions. Hindi dapat siya nagpapadala sa mga ka-corny-han na nagaganap.



"Before I start this ceremony, Gustong kong malaman kung may nasasagasaan ba tayong tao dito? At kung sino man ang tutol ay maari ng magsalita at humakbang palapit dito' panimula ng pari na parang totoong kasal ang magaganap.



Awtomatikong nagbalik ulit sa kanyang ala-ala ang naganap ilang buwan na angnakakaraan ng marinig niya sa kauna-unahang pagkakataon ang tanong na iyon.



"Before I start this ceremony, Gustong kong malaman kung may nasasagasaan ba tayong tao dito? At kung sino man ang tutol ay maari ng magsalita at humakbang palapit dito' panimula ng pari na parang totoong kasal ang magaganap.




"Ako!" sigaw ng isang lalaki.





At unti-unting naaaninag ni Adrian ang taong tumatakbo papalapit sa altar.




Si Jake.



Lumingon siya sa bulwagan. May sandaling katahimikan ng matapos ang tanong ng pekeng pari. Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata na napalitan ng kaunting pagkabalisa ang ngiti ni Red kanina. Sa totoo lang ay hindi niya inaasahan na may humarang sa kunwa-kunwariang kasal na iyon. Not even Jake Marcos. This time ang mismong ang ikakasal ang pipigil sa sarili niyang kasal.



"Ako!" matigas niyang tugon


Nagkaroon ng bulong-bulungan sa paligid. Hindi inaasahan siguro inaasahan  ng mga ito na siya mismo ang puputol sa kasiyahang nagaganap. Nakita niya ang reaksyon ni Red na biglang nadismaya sa sinabi niya. 



"Ahm maari ko bang matanong kung bakit mo gustong pigilin ang okasyong inihanda namin para sa iyo?" tanong ng pekeng pari



"Wala kayong pakialam sa desisyon ko. Kung gusto niyo palang magsagawa ng kalokohanng to eh di sana kumuha kayo ng pakalat-kalat na bakla dito sa campus ng gusto ng mga pink balloons at gustong makasal sa lalaking nakasuot ng Pink na T-shirt. You are all making me sick" pagkatapos niyang sabihin ito ay kumaripas siya ng takbo.



Hindi na siya nagtangkang lumingon pa dahil alam niyang napahiya ang lahat ng nag-organize ng naturang event. Sa abot ng kanyang makakaya ay ginamit niya ang buong lakas para makaalis sa lugar na iyon.



Natagpuan niya ang kanyang sarili sa isang open ground na bahagi ng kanilang eskwelahan. Walang masyadong tao dito. Napatungo siya at hapong hapo na hinabol ang hininga. Nahawakan na niya ang magkabilang tuhod para suportahan ang sariling katawan.



"Moks" mahinang tugon ng isang boses sa likod niya.


Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses. Bagaman alam na niya kung sino ang nagmamayari nito ay nagulat pa rin siya ng makita itong pagod na pagod rin at hinahabol ang hininga. Siguro ay tumakbo rin ito at tinangka siyang sundan kanina. Dangan nga lamang at hindi niya ito napansin dahil siguro na rin sa determinasyon niyang makalayo lang sa lugar na iyon. Napilitan siyang harapin ito.



"Ikaw na naman? Kung kukumbinsihin mo ako na bumalik doon. Please lang wala akong panahon sa kadramahan niyong lahat"



"May hindi ka ba nagustuhan Moks? Pasensya ka na.. Yun lang kasi yung naisip kong magandang preparasyon sa pagkikita natin ulit" paliwanag nito



"So ikaw ang tao sa likod ng lahat ng iyon. Wow.. eh para ka palang bali eh.. Pink? Anong tingin mo sa akin? Kikay na gustong maglaro ng barbie doll? Kung sana halloween party yung pinuntahan ko kanina baka natuwa pa ko"



"Isa na kasi ako sa mga officer ng BABAYLAN Moks. I ask them a favor na baka pwedeng gawing espesyal ang pagkikita natin muli"



"I really dont care about any updates in your life"



Biglang niyang nakita na parang mas nanghina si Red sa sinabi niya. Ngunit kailangan niyang magpakatatag. Ayaw niyang masilip nito ang kahit konting awa o konsensya niya sa katawan.



"Moks" mahinang tawag nito uli sa kanya


"Can you stop calling me that name? Para kang nagtatawag ng aso. May pangalan ako. My name is Jude Dela Riva"


Tipid itong ngumiti sa sinabi niya. Pagkatapos ay unti-unting humakbang papalapit sa kanya. Nang magkatapat silang muli ay nagsalita ulit ito.



"Sige... Jude Dela Riva naniniwala ka pa ba sa fairytale?"


Ngumiti siya ng mapakla sa tanong nito pagkatapos ay agad siyang sumagot "Alam mo ba kung gaano katanga si Ariel ng little mermaid para ipagpalit ang boses niya para lang sa lalaki? Kung ako sa kanya hinding hindi ko ipagpapalit ni kapirasong pag-aari ko para lang sa isang lalaki. Dahil parang inalay ko ang buong daigdig ko sa isang tao hindi ako planong isama sa mundong pinapangarap niya..Sa totoong buhay walang kalabasang nagiging kalesa. Walang prince charming na kayang buhayin ang isang patay sa pamamagitan lamang ng isang halik. Walang prinsipeng magtitiyagang maghanap sa prinsesang nawawala para isukat ang krystal na sapatos. Dahil sa totoong buhay purong kasinungalingan lang ang happy ending."




Natahimik ito sa sinabi niya habang hinahabol naman niya ang kanyang hininga pagkatapos niyang bitiwan ang mga salitang iyon kay Red. Kapwa sila nagtititigan. Waring nagsusukatan sa sasabihin ng isa't isa. Matapos ang sandali ay ito naman ang nagsalita.



"Gusto ko lang malaman mo na noong nagising ako sa hospital ng magisa, hindi ako tumigil sa paghahanap... dahil nung nawala ka, doon ko lang naramdaman na parang unti-unti nawasak ang mundong pinapangarap ko kasama ka. Noong naniniwala  pa ang Adrian na kilala ko sa fairytale. Pasikreto kong pinapangarap sa isip ko na sana kasama ko siya sa kalabasang nagiging kalesa. Na sana ako yung prince charming niya na bubuhay sa kanya sa sandaling mawalan siya ng pag-asang mabuhay. Matiyaga akong naghanap sa iyo Moks. Pero siguro ngayong nakita kita at sinabi mo na ang mga iyan titigil na rin akong maniwala sa happy ending at harapin ang katotohanan na nagiba na ang Moks na nakilala ko"



Para siyang sinasaksak sa mga salitang binitiwan nito. Ngunit hindi siya natinag. Hindi siya umiyak. Pinagmasdan niya lamang itong nakatitig rin sa kanya ng mariin.



"Nasa impyerno na ang mundo ko ngayon wala na sa mga librong puno ng kasinungalingan. Utang na loob huwag kang magpakatanga" at pagkatapos noon ay tinalikuran niya ito.



Nakakailang hakbang siya ng bigla itong nagsalitang muli.



"Moks!" tawag nito sa kanya.



Sa halip na lumingon sa kinatatayuan nito ay tumigil lang siya sa paglalakad. Ngunit nakatalikod pa rin siya dito



"Gusto ko lang malaman mo na kahit saan impyerno ka pa pumunta.. Susundan kita.. At tama ka nga siguro ...All this time... tanga talaga ako ako.. Pero mas madaling maging tanga kaysa ang mawala ka Moks"



Napapikit siya ng mariin. Parang isang nakakabinging tunog na nagpaulit-ulit ang huling sinabi nito sa kanya. Pero mas madaling maging tanga kaysa ang mawala ka... Pero mas madaling maging tanga kaysa ang mawala ka... Pero mas madaling maging tanga kaysa ang mawala ka..



Ilang saglit pa ay narinig niyang humakbang na rin ito palayo sa kanya.






"Hello" bungad ni Sabrina sa kausap sa kabilang linya



"Sab.. si Jake to"


"Diba sinabi ko huwag ka ng tumawag.. tapos na yung mga plano natin... Huwag mong sabihing hayok na hayok ka pa rin sa katawan ko hanggang ngayon"



"Hindi iyan ang itinawag ko" mariin nitong tanggi



"Eh ano? Jake you need to stop acting like a freak ok? Bakit parang tarantang taranta ka? You better make this call fast. Nag che-check ako online ng mga resorta na pwede naming puntahan ni Red.. so you see Im kinda busy"



"May copy ka ba ng LAPMPARA DAILY?"


"Meron bakit?"



"Pumunta ka sa Entertainment Section dali"


"Ayaw ko nga.. Eh puro mukha mo lang makikita ko dun eh"


"Just do it!" utos nito sa kanya



Kinuha niya ang school paper sa kanyang mesa. At pumunta sa Entertainment Section.



"The newest Adam Lambert on the block... Eh parang ikaw naman to" binasa niya ang headline


"Pagmasdan mong mabuti"



Pinagmasdang mabuti ni Sabrina ang mukha sa dyaryo. At ng mahagilap ang kamukha nito sa kanyang memorya ay para siyang tuod na hindi makapagsalita o makagalaw.



"Adrian returned Sabrina... And he is hunting me down"



Pinindot ni Sabrina ang End Button.



"No!!!!!!!!!!!!!!!!!!! No!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"  sigaw niya at ibinatikal ang hawak na cellphone.




Itutuloy...

Way Back Into Love

Chapter 17

Rogue Mercado





Napapangiti siya sa kanyang nababasa sa LAMPARA DAILY.


Investigation on assassination of 2 students still on-going



Ang balita ay patungkol sa dalawang estudyanteng parehong natagpuan sa isang hotel na duguan at walang buhay. Una ay ang sikat na atletang nagngagalanag Michael Tarvina at pangalawa naman ay isang nursing student na nagngagalang Rio De Mesa. Pinaghihinalaang isa itong kaso ng mga frat war dahil sa sobrang brutal ng pagkamatay ng dalawang nasabing biktima. 



"Mga Tanga.." bulong niya sa sarili at saka napangiti ng malademonyo



Binuklat naman niya ang ilang pahina ng nasabing dyaryo at dumako sa Entertainment section. Bigla namang napalitan ang masaya niyang nararamdaman sa nabasang headline:



NASUDI's Prince of Rock turns into a runaway bride



Sinasabi ng balita na hindi naging masaya ang mga estudyante sa ginawa niyang pagtakbo sa naganap na kasalan kahapon. Marami na ngayon ang kumekwestiyon sa kanyang sekswalidad kung bakit siya napili ng BABAYLAN na maisali sa isang mock wedding. Maganda na sana ang araw niya kung hindi nga lang nabasa ang nakakahiyang balitang iyon. Every negative publication about him is a setback on his plan. Nang matapos basahin ang dyaryo ay nilukot niya ito at itinapon sa basura. 



He stared on the mirror in front of him. Kasalukuyan siyang nasa CR ng NASUDI Bldg.. Inayos niya ang kanyang pulang buhok at tinitigan ng mabuti ang kanyang mga mata. Still, his eyes were murdered with eyeliners. He is wearing again, a black shirt containing the tagline "I will sold my soul for rock and roll". He also have a tight black pants on and a black boots. 



"Perfect" he exclaimed



Biglang pumasok sa CR ang isang lalaki. Nakita niya sa salamin ang repleksyon nito.



"Hindi mo naman ako siguro sinusundan?"


"Ahm hindi.. kasi" may pag-aalinlangan na tanong nito sa kanya



"Kasi?.. Bakit parang nauutal ka na lagi pag kausap mo ko Jake?"



"Kasi pinapatawag tayo ni Director Lee sa opisina niya"



"Bakit daw?" tanong niya dito


"Hindi ko alam"


"Sige susunod na ko"



"Sabay na tayo"


Lumingon siya para harapin ito.


"Hindi natin kailangang araw-araw na magkasama OK?"


"Tayong dalawa lang ang pinapatawag.. so Im thinking na baka pwedeng magka..." hindi nito naituloy ang sasabihin


"And that excuses you?"


"Hindi naman sa ganun.. Huwag mo naman sanang  masamain na gusto kitang samahan papunta dun"



Hindi na lang siya umimik para walang sagutan na maganap. Its too early for a catfight. Humarap uli siya sa salamin to paint a bit of eyeliners on his eyes.



"Hindi ba masakit sa mata yang nilalagay mo?" tanong nito sa kanya


"Kapag natutunan mo ang kahulugan ng tunay na sakit... kaya mo ng harapin ang mga taong handa ka ulit saktan" sagot niya dito.


Hindi niya alam kung tama nga ba ang sagot niya sa tanong nito. Nakita niya sa repleksyon ng salamin na napatungo na naman ito.



Nauna na siyang lumabas ng CR ng hindi man lang ito nililingon. Naramdaman niyang sumunod ang mga yabag nito sa kanya. Maya-maya pa ay katabi na niya ito.



"Nabasa ko yung balita sa entertainment section" panimula muli nito


"So? Hindi ko kailangan malaman ang ginagawa mo minu-minuto."


"I just want to let you know how happy I am na umalis ka sa mock wedding" sagot ni Jake sa kanya



Napangiti siya ng mapakla at tumigil sa paglalakad.


"Kung sa tingin mo dahil sa iyo kaya hindi ko itinuloy ang seremonyang iyon... Nagkakamali ka." matapos sabihin ito ay nagpatuloy siyang muli sa paglalakad.



"Hindi na importante sa akin ang dahilan. Basta masaya ako"


Nilingon niya ulit ito at nakita niyang todo ngiti ang mokong sa kanya.


"Then go die with your happiness" tugon niya dito sabay irap kay Jake.



Ilang sandali pa ay nasa harapan na naman sila ng opisina ni Director Lee. Kumatok si Jake at pinapasok naman sila ng nasabing Director.



"Im sorry for an abrupt meeting ngunit importante lang ito because the neos are waiting at the Auditorium"


"Tungkol ba saan 'to Direk? I have a class to catch up" wika niya sa Director


"Im sorry for inconvenience Jude but Im afraid I will be needing your presence during the Auditions"


"Bakit naman ho? As far as im concerned eh ikaw at ang lead singer lang ang may karapatan sa mga makakapasok ng NASUDI? Gusto ko man manood but as I have said, may klase pa ako"



"Well this is also to inform both of you that you and Jake are now sharing the status of being the lead singer of NASUDI"


Para sumabog lahat ng fireworks sa utak niya ng marinig ang sinabi ng Director. Bonus na lang ang presensiya ni Jake ng sinabi ni Director Lee iyon. Nilingon niya ito at hindi man nito ipakita na nabigla sa sinabi ni Director Lee ay kayang kayan niyang basahin ang pagkadismaya nito. He is always expert on reading people's body language. Dito mo mahuhuli ang katotohanang itinatago ng tao sa kanyang salita. He is one hundred percent sure that he succeeded on the plan.



"So Jake.. Would that be OK to you? I know that everything seems to be swift on Jude's end but the increase of his popularity continues... Tinatawag na siya ngayong Prince of Rock hindi pa man siya nagsisimulang maexpose masyado sa school activities. Alam naman natin na malaki ang ibinabayad na talent fee sa atin ng mga organizations kapag lead singer ang gusto nilang kumanta. That's additional profit to the organization. And if Jude's status will be elevated, I know that it would also boost our funds"


"Wala naman pong problema yun Direk" maikling tugon ni Jake sa direktor.



"Ok so we're settled then.. So Jake and Jude... I need your two with me now on the Auditions. Dont worry Jude I will just phone your department and inform them that you have an appointment OK?"



"Sure" maikli niya ring sagot



Tumayo na mula sa kinauupuan ang Direktor at nauna ng lumabas sa opisina nito. Nang sabay rin silang tumayo ay nagkatinginan sila ni Jake. Nginitian naman niya ito ng nakaka-asar. Nagulat naman siya ng bahagya nang suklian siya nito ng isang ngiti at nang maglahad ito ng kamay tanda na gusto siya nitong i-congratulate. 



Plastic!! sigaw ng isip niya at pinili niyang sumunod ng lumakad kay Director Lee kaysa ang tanggapin ang mga kamay nito. 



Nang makarating sila sa Auditorium ay mistulang bahay na walang tao ang bulwagan. Naalala na naman niya ang panahon na naging saksi ang Auditorium na yun sa sigawan ng mga tao sa kanyang pagkanta. And now he got the fruits of his labor. Isa na siya ngayong lead singer ng NASUDI. Pantay na sila ni Jake Marcos. 



Nasa ganito siyang pagiisip ng biglang sumakit ang kanyang ulo. Kinuha niya mula sa kanyang bag ang gamot at agad itong ininom. 



"Napapadals ata ang inom mo ng gamot." pukaw ni Jake sa kanyang atensyon



"May nakapagsabi ba sa iyo na ang pangingialam ay parang pagtawid sa bawal na kalsada?..... Nakamamatay." singhal niya dito


"I just cant stop worrying.. Lalo nung nakita kitang namimilipit sa sakit ng ulo"


"Mas kabahan ka sa posisyon mo... na posisyon ko na rin ngayon" ngumiti siya nang nakakaloko



They sat infront of a long table. Para silang panel of judges sa lagay nilang yun. Napansin niyang ni katiting na boses ay wala siyang naririnig na boses sa back stage.



"Excuse me direk pero bakit parang wala namang bakas ng neos dito.. I mean.. Para tayong nasa bukid... Sobrang tahimik" pansin niya sa tabi ng nakakabinging katahimikan


"I agree direk. Sigurado po ba kayong may balak kumanta ngayong umaga" pagsang ayon ni Jake sa kanya


"Well sad to say, isa lang yung gustong maging NASUDI singer ngayong taon" tugon ni Director Lee sa dalawa.


"What? Isa lang? If that's the case, I dont see the point na pinatawag mo kami dito to judge this neo. Direk naman, you can do it all by your self." naiiritang sagot niya dito. Kung sana naman ay hindi nito ginulo ang oras niya ay baka nakapag klase pa siya o hindi kaya uminom ng konti.



"And may I add lang sir... Isa? Ganun na ba kababaw ang impluwensiya natin? O sadyang takot lang sila na maging parte ng NASUDI?" tanong naman ni Jake sa Director.



"The thing is... Natapos na ang preliminary auditions. Ginanap ito ng matapos ang performance nung acquaintance party. Ako ang nagsagawa ng first screening"




"So why the hell that you need us to do this work which is suppose to be done. May napili ka ng isa Direk? Bakit kailangan pang may second wave ng audition?" tanong uli niya sa Direktor na hindi na naitago ang kanyang pagkairita



"Im sorry if this thing consumed your time Jude but starting from now, I need to have second opinions from my lead singers.... So basically.. sa puntong ito.. kayo ang judges ng magiging performance ng neo... kayo ni Jake" 



Natigilan siya sa narinig. Siguro naman ay mas tamang sumunod na lamang siya sa Director. Looking at the brighter side, ay isang magandang senyales na hinihingi nito ang opinyon niya para sa mga pagbabago sa NASUDI. That only means that he is indeed, NASUDI's lead singer.



Napatango na lamang siya bilang pagsang ayon sa gagawin nila.



"So Jake? Still have questions"


"Wala naman po. I think its crystal clear. But I know Im confident enough na itong kakanta ngayon ay salang-sala na. Im hoping that he wont disappoint us"



"Ok so everything is good now... lets have him on stage... Mr. Antonio pwede ka ng lumabas sa back stage"




Hindi siya huminga ng matapos na banggitin ni Director Lee ang apelyidong Antonio. Waring isa iyon sa pinaka matagal na segundo ng kanyang buhay. Bawat pagtakbo ng oras ay siyang katumbas ng malakas na pagkabog ng kanyang dibdib.



Halos kumawala ang puso niya ng makumpirma ang hinala.



Ang neo ay walang iba kundi si Red Antonio.



Mula sa pagkakabigla ay napunta siya sa pagiging tulala. Sa sandaling pagkakataon ay tila siya nawalann ng kontrol sa sarili at pinagmasdan ito ng mabuti. Ang matikas na pangangatawan. Ang mga matang ayaw niyang titigan noon. Ang maninipis na labi. Walang duda si Red Antonio nga ang kaharap niya. Bigla naman may mga pumasok na eksena sa kanyang utak. Sa eksenang iyon ay nakita niya ang isang lalaking nakasuot ng eye glasses, nagbabasa ito ng song book. Habang yakap-yakap daw ito ng lalaking nasa entablado ngayon.





Walang anu-ano ay biglang may nagsalitang boses sa kanyang ulo.


"Masaya ka bang makita siya ulit?" tanong ng misteryosong boses.


"Hindi" matipid niyang sagot.


"Masaya akong maki..."



"Can you just shut up? Ipaubaya mo na sa akin ang lahat"



"Ok."







"So... our sole performer today.. I would like to congratulate you for making it here .. on that stage. But I would like to remind you that this performance will be judged by two of the most sought after singers of my club. Jake Marcos and Jude Dela Riva. So I hope that what you prepared for us today would make an unforgettable impact on their ears. Alalahanin mong ang bawat remarkable audition piece ay pinapalabas namin sa mga plasma TV na nasa campus" 



Mula naman sa pagkatulala ay napansin niyang nakatingin sa kanya si Red ng diretso. Wala naman siyang emosyon na makita sa mukha nito. Ngunit ng makita nito na nakatitig rin siya rito ay ngumiti ito at saka nagsalita.



"Yes sir"



"What will be your audition piece?" tanong naman ni Director Lee kay Red.


"I opted to sing an OPM for today Sir"


"OPM? I hope Im not being mistaken on what Im hearing."


"Im afraid you're right Sir." maikling tugon ni Red sa Direktor



"First of all.. Im really doubtful sa napili mong genre. I mean.. Its not that Im degrading our own music stream but the thing is, you've got an excellent English. Medyo nagaalinlangan ako kung kaya mong i-justify ang tagalog song. People fail to notice sometimes but OPM also demands a specific style and vocal quality. But then.. if you wanted to defy your first performance then Im up for the surprise. I just hope na sana hindi ito isang bad surprise... So anong balak mong ihandog sa amin?"



"Ah.. That would be.. Bugoy Drilon's Paano na Kaya?"



"Ok.. hit it!"



At maya-maya pa ay nabalot ang buong auditorium ng musika at nagsimula na itong kumanta.







"Paano nga ba napasukan ang gusot na ito'   Di naman akalaing magbabago ang pagtingin sa 'yo ohh wooh...Mula nang makilala ka, umikot ang mundo ko...Di na kayang ilihim at itago ang nararamdamang ito wooh..."




Tumagos agad sa kanyang dibdib ang mga liriko ng awitin nito. Napagmasdan niyang habang kumakanta ito ay tutok na tutok lang sa kanya ang mga mata ni Red. Naramdaman naman niyang may isa pang mga pares ng mata ang nakatingin sa kanya. Pumihit ang kanyang ulo patagilid at nahuli niyang seryoso ring nakatingin si Jake sa kanya. May pagbabanta sa mga mata nito ngunit mas pinili niyang huwag magpakita ng emosyon sa kahit sinumang tumititig sa kanya. Pilit niyang kinukumbinsi na hindi siya apektado sa kahit sino sa dalawa.



"Paano na kaya, 'di sinasadya..'Di kayang magtapat ang puso ko  Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa. Paano na kaya 'di sinasadya. Ba't nahihiya ang puso ko..Hirap nang umibig sa isang kaibigan'..Di masabi ang nararamdaman..Paano na kaya"



"Kung malaman ang damdamin at 'di mo tanggapin..'Di ko yata matitiis mawala ka ..Kahit 'sang saglit man lang...wooohhhh...."



"Paano na kaya 'di sinasadya..'Di kayang magtapat ang puso ko..Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa..Paano na kaya, 'di sinasadya..Ba't nahihiya ang puso ko...Hirap nang umibig sa isang kaibigang 'di masabi ang nararamdaman..Paano na kaya"



"At kung magkataong ito'y malaman mo...Sana naman tanggapin mo ohh woohh"



"Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa..Paano na kaya' di sinasadya..Ba't nahihiya ang puso ko.Hirap nang umibig sa isang kaibigang..At baka hindi maintindihan...Paano na kaya"



Natapos ding kumanta ito at nakita niyang tumalikod ito ng panandalian na waring may pinunas sa mukha gamit ang kanyang kamay. Pagkaharap nito ay nakita niyang namumula ang mga mata nito. Ilang sandali pa ay nakita niyang tumayo si Director Lee sa kinauupuan at pumalakpak ng malakas. He gave Red a standing ovation. A rare thing that he does for someone trying his luck to NASUDI. 



"Wow.... I.. I never thought that you would perfectly.. I mean it.. perfect.. That was a soulful song.. You see.. Hindi ko pa mahanap ang tamang salita para ilarawan ang pagkanta mo. You seem so sincere... You seem like someone who is madly inlove with a friend.. Just like what your song suggests. Siguro naman hindi naman talaga ganun ang kaso mo ngayon, Mr Antonio kaya pinili mong kantahin yan?" wika ni Director Lee dito


Nakita niyang ngumiti lang ito at pagkatapos ay tiningnan na naman siya nito sa mata. Sa eksenang iyon ay siya na mismo ang nagbawi ng tingin dito. Gusto niyang pagalitan ang sarili kung bakit hindi niya masalubong ang mga titig nito sa pagkakataong iyon.



"I know that my next question might be a cliché but I would like to know why you decided to join NASUDI?"


"M...may gusto lang po kasi akong sundan sa impyerno." wala sa loob na sagot nito


"Excuse me?" naguguluhang tanong nito kay Red



Biglang bigla ay napatawa ito marahan nang siguro ay ma-realize nito ang naisagot. Kapag nakikita naman niya ang mga ngiti at tawa nito ay parang umaakyat ang dugo niya papunta sa kanyang mukha. Gusto niyang mairita dahil pinamumulahan siya ng pisngi.



"Ang ibig ko pong sabihin. Magiging isang karangalan po na mapasama sa prestehiyosong organisasyon tulad ng NASUDI. At tulad ng karamihan, gusto ko lang po magsilbing daan ang aking musika na iparating sa mga tao na umasa, nasaktan at kalaunan ay hindi na naniwala sa pagibig na merong taong naghihintay para gawing happy ending ang fairytale nila." masayang tugon nito.



Nakita niyang tumatango-tango lang si Director Lee samantalang patuloy pa rin sa pagkabog ang kanyang dibdib. Nang muli niyang tingnan si Red ay naabutan niyang nakangiting nakatitig pa rin ito sa kanya. Matapos magtama ulit ang mata nila ay kinindatan siya nito.




"I think we need now to divide the house. I vote for Mr. Antonio to be part of the NASUDI. Lead singers? Your votes please." si Director Lee na kasalukuyang nakatayo pa rin.



"No" malamig na sagot ni Jake sa tanong ni Director Lee. Kita man sa reaksyon ng Director ang pagkabigla ay binawi naman nito ang reaksyon at sa tingin niya ay nirespeto naman nito ang desisyon ni Jake.



"Jude? Your vote please.."


Tinitigan niya ito ng mariin at pagkatapos ay huminga ng malalim. 



Hindi niya alam ang isasagot.



Itutuloy...


Way Back Into Love

Chapter 18

Rogue Mercado



Tahimik siyang nagpatiuna sa paglalakad sa Hallway ng NASUDI Bldg. Sa bandang likod naman niya ay dalawang pares ng mga paa ang humahakbang kasunod niya. Naririnig niya ang bawat yabag nito ngunit mas pinili niyang mauna sa paglalakad. May ilang minuto ng katahimikan sa kanilang dalawa. At tulad ng inaasahan, ang lalaki na sumusunod sa kanya ang unang nagsalita.



"Ganito pa lang ang NASUDI Bldg. Moks... ang lawak.. Dito ka na ba nakatira?" bungad nito sa kanya.



Hindi siya sumagot. Masyado siyang nalulunod sa kung ano-anong mga memorya na lumulukob sa kanyang ulo. Nakakaturete. At mas gugustuhin niyang wag itong kausapin. Ayaw niyang maulit ang insidente kay Jake na naabutan siyang namimilipit sa sakit ng ulo. Alam niyang gusto lamang nito na makipagusap sa kanya.



"Moks thank you ah... Thank you sa pagboto mo na makapasok ako"



Hindi pa rin siya sumagot. Ngunit hindi niya alam kung pagsisisihan niya nga ba ang desisyon niyang umoo na maging parte ito ng NASUDI. Mayroong kakaibang puwersa sa kanyang katauhan na nagsasabing dapat niyang pahintulutan ito na makapasok sa club. Kinuha niya ang kanyang sigarilyo at nagsindi para naman maalis ang kanyang tensyon. Thanks to Marlboro Black.



"Kailan ka pa natutong manigarilyo?" biglang nagiba ang tono ng boses nito. Mula sa pagiging malambing ay para bang nagalit ito sa kaniya.


Sa narinig ring pagbabago sa boses nito ay nagpantig ang tenga niya. Sino ba to sa akala niya at kailanagn nitong pakialaman ang ginagawa niya sa sarili niya? bulong nito sa sarili. Ngunit mas pinili niyang kontrolin ang sarili na huwag salubungin ang bawat tanong nito ngunit kaunti na lang at maririndi na siya.



"Kinakausap kita Moks... Pwede ba sagutin mo na lang ako. Para akong nakikipagusap sa hangin ah.. Akin na nga yan" at pagkatapos nitong masabi iyon ay humakbang ito para habulin ang kanyang paglalakad at alisin ang sigarilyong nakapasak sa kanyang bibig.



"Tang Ina anong problema mo!!!!" naputol na ang sinulid ng kanyang pasensya at talagang napasigaw na siya dito. Humarap siya dito at nakita niya ang galit nito sa mga mata.



"Ikaw" maikli nitong sagot. Nakita niyang parang nagtitimpi rin ito sa kanya.



"Then its your problem not mine. I wont adjust myself just to please you."



"Hindi ka naman dating naninigarilyo. Saka Moks.. singer ka ng NASUDI.. you should be aware of the reputation you will be sending kung nakikita ka nilang ganyan"


"That's why they called me Prince of Rock and that is the reputation that I have" sarkastiko niyang sagot dito


"At komportable ka na sa masamang reputasyon na yan?"


"Bad reputation is better than no reputation at all"


Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay nagpatiuna na uli siya sa paglalakad. It seems that the longer he talks to Red only made him vulnerable. Hindi niya nakakayanan ang outburst ng kanyang emosyon. The reason why people became pathetic losers is because their emotions eat them bulong niya ulit sa sarili.



Nakarating na sila sa isang kuwarto sa may hallway. Ito ang magiging kuwarto ni Red simula ngayon na isa na sioyang miyembro ng NASUDI.



"Here are you keys. Kung meron kang kailangan may telepono diyan sa loob ng kuwarto mo at may direct line kay Director Lee. So you can contact him anytime." paliwanag niya dito ng makatapat na nila ang pinto ng kuwartong ito. 


He should be conscious enough na huwag pataglin ang paghaharap nila. Kung bakit pa kasi ay siya pa ang naatasang maghatid dito sa bago nitong kuwarto. Nakakairita lang. Habang nagpapaliwanag siya ay mataman siyang tinititigan nito. And for some strange reason ay para siyang mapapaso sa bawat pagtitig nito. It made him uncomfortable.



Kinuha nito ang susi sa kanyang kamay. Ngunit nabigla siya ng hawakan nitong mariin ang kanyang kamay at marahas siyang hatakin para mayakap ito. Wala siyang nagawa kundi humilig sa maskulado nitong dibdib.



"Miss na miss na kita Moks." bulong nito sa kanya. Nararamdaman niya ang mainit nitong hininga na kumikiliti sa kanyang tainga. 



Naramdaman niya ang init ng katawan nito. Nakasuot lang ito ng T-shirt ngunit manipis ang tela kaya parang tumatagos mula dito patungo sa kanyang balat ang init ng katawan nito. Find a way to escape this! mariin niyang bulong sa sarili.



"Red.. I think it not normal na yakap..." hindi niya natapos ang sinasabi ng sumingit uli ito.


"Normal to dati sa atin Moks.. Nakalimutan mo na ba" bumulong uli ito sa kanyang tainga. His knees are trembling now. Sa bawat pagbulong nito sa kanya ay parang sampung porsyento ng lakas niya ang nawawala. Nakayakap pa rin ito sa kanya.



"Red please stop this" halos pabulong na rin ang pagkakasabi niya nito. Hindi niya alam kung ang dating ba noon kay Red ay nanghihina siya o nangaakit. Lihim niyang pinagalitan ang sariloi.



"Ayokong tumigil Moks... Ang tagal kong hinintay na mayakap ka ulit"



Inipon niya ang buong puwersa na mayroon siya at saka buong lakas na itinulak ito. Nakita niyang nabigla si Red sa ginawa niya at sa laks na meron siya. Napasandal ito sa pinto dahilan para bumukas ito ng bahagya. Mabuti na lamang at hindi ito na-out  balance at agad na nabawi ang posisyon sa pagkakatayo.



"Moks ano ba ang nangyayri sa iyo? Hindi ka naman ganyan dati ah?" naiirita nitong tugon sa pagkakatulak niya.



"Kung meron man akong salitang kinalimutan yun ang salitang 'dati'. Please stop calling me Moks hindi na ako ang taong nakilala mo noon"


"Ikaw pa rin si Adrian. Nararamdaman ko yun"


"Then maybe what you are feeling is all wrong. Wala akong balak ipagpilitan na hindi na ako ang taong nakilala mo ilang buwan na ang nakakaraan"



"Halika nga dito" biglang bigla ay nagbago ulit ang mood nito. Nasa mata nito ang pagmamaka-awa na sana ay yumakap ulit siya dito.



"No." mariin niyang tanggi at piniling talikuran at iwan ito sa may pinto.



"Kung hindi kita masusuyo sa santong dasalan sige.. sa santong paspasan" wika nito sa kanya.



Nagulat na lamang siya ng buhatin siya nito mula sa kanyang likod at dalhin papasok sa kuwarto nito. 



"Tang ina ibaba mo ko.. Tang ina mo!!!" sigaw niya na pilit kumakawala sa pagkarga nito sa kanya. Pinalo niya ito sa likuran kung saan naka puwesto ang ulo niya patiwarik. Ngunit parang wala namang naging epekto ito kay Red. Para siyang isang sakong bigas na buhat buhat nito.



Tuloy-tuloy sila papasok sa kuwarto at nagulat na lamang siya ng ibalibag siya nito sa kama.


"Arrrggghhh!!!! Gago ka ba? Bakit mo ko binalibag! Tangina!" singhal niya dito at sinapo niya ang kanyang likod.



"Eh sabi mo kamo ibaba kita. Yan binaba na kita" 



"Gago!!!" sigaw niya dito



Wala siyang nakitang emosyon sa mukha nito. Ngunit ang mata nito ay may itinatagong galit at lungkot. Tumayo na siya at inayos ang nagusot na damit.


"San ka pupunta?"


"Nanay ba kita kaya kailangan kong magpaalam sa iyo?"


"Bakit ba ang hirap mong pakiusapan"


"Dahil wala kang pakialam at hindi ko kailangan ng pangingialam mo o panghihimasok mo sa buhay ko!" sigaw niya ulit dito


"So hindi na uubra sa iyo ang pakiusap o panunuyo. Fine!" sigaw na rin nito sa kanya sabay muwestra ng kamay sa ere.


Tinitigan niya ito ng mabuti. Parang nawala na ang pasensya nito sa kanya. At sa mga pinag-sasasabi niya dito. Ilang sandali pa ay nagulat siya ng magsimulang maghubad ito ng T-shirt sa harapan niya. Napalunok siya ng makita ang bato-bato nitong abs at ang malapad nitong dibdib. Sunod na inalis nito ang belt at tuloy-tuloy na ibinaba nito ang kanyang pantalon. Natira na lamang ang brief nito na kulay puti. Sa tanawing ring iyon ay nakikita niyang ang nakabukol sa loob niyon.



"Anong ginagawa mo?" tanong niya dito. Sa kanyang tanong ay mababakas na kinakabahan siya sa nagyayari. Siya si Jude Dela Riva dapat ay sanay na siya sa mga ganitong pangyayari. Ngunit kinakabahan siya. That's the obvious emotion he has now.



"Naaalala mo pa ang nangyari sa hospital Moks?" pagsasawalang abhala nito sa tanong niya. Nakita niyang nakangiti na ito sa kanya ng matamis.



"Hindi at puwede ba magbihis ka na. Nakakairita" pinili niyang tumanggi at magkibit balikat para huwag mahalatang ninenerbyos siya. Hindi niya alam kung bakit hindi umuubra ang tapang niya ngayon.



"Moks. bakit hindi mo na ako matingnan ng diretso? Diba sabi mo si Jude Dela Riva ka? Parang si Adrian naman ang nakikita ko ngayon" tudyo nito sa kanya



"Tumigil ka na nga. Tigil! Tigil! Tigil!" sigaw niya dito. Nagsisimula ng sumakit ang ulo niya gunit hindi niya alam na para siyang tanga na inulit-ulit ang mga salita niya.



Humakbang ito para lumapit sa kanya. Hindi pa rin siya makatitig ng diretso.



"Moks tingnan mo ko sa mata ng diretso"


"Ayoko"



"Tingnan mo nga ako sabi ko!" sigaw nito habang ang mga kamay nito ngayon ay nasa mukha na niya na pilit ipinipihit paharap sa mukha nito. 



"Ayoko sabi eh!!!!" sigaw niya rin ng sa wakas ay magkatitigan na sila. 



Hinapit siya nito sa baywang at nagdikit ang kanilang katawan. Ngayon ay nararamdaman na niya sa kanyang bandang tiyan niya na may matigas na bagay na tumutusok tusok dito.



"Kung hindi mo naaalala ang nangyari sa hospital ay ipapa-alala ko sa iyo" bulong nito sa kanya at marahas siyang hinalikan.



Marahas nitong idinikit ang mga labi sa mga labi niya. Wala siyang nagawa kundi magpaubaya. Naging mapusok ang halik. At natagpuan na lamang niya ang sarili na unti-unting tumutugon dito. Naiyakap na niya ang kanyang dalawang kamay sa katawan nito. Maya-maya pa ay naging marahan ang halik. Ang dila niya ay hinihikayat ng bibig nito na pumasok upang galugarin ito. Nagsisipsipan na sila ng dila. 



Inabot nito ang kanyang T-shirt at hinubad ito pataas. Sobrang nagmamadali ang mga kamay nito at namalayan niya na lang na wala na rin ang ang kanyang pantalon at sapatos. Tulad nito ay naka brief na lang siya. Hinapit uli siya nito sa baywang at ginawaran siya ng halik. Lumaban na siya sa pagkakataong ito. Nagiinit na rin ang kanyang katawan. Nang magdikit ang katawan nila ay ikinikiskis na nito ang bukol sa kanyang harapan. Ginaya na rin niya ang ginagawa nito at mas lalong uminit ang tagpo. Habang naghahalikan sila ay nagpapalitan na rin sila ng ungol.



Sunod na inihiga na siya nito sa kama. Gumapang ang bibig nito mula sa kanyang bibig papunta sa kanyang kaliwang utong. Sinipsip nito iyon at nilalaro gamit ang dila nito. Ang isang kamay naman nito ay dumako sa kanyang nakabukol na ari at at pinisil pisil ito. 



Nagsimula ng sumakit ang kanyang ulo. Aabutin sana ng kanyang kamay ang kanyang ulo nang ang mga kamay ni Red ang pumigil para abutin iyon. Sinisipsip na nito ang isa pa niyang utong at napaliyad na siya sa ginagawa nito. 



"Aaahh aahhh ahhhh" daing niya ng maramdaman tumitindi ang pagsakit ng kanyang ulo. Ngunit hindi niya nawari na pagungol sa sarap ang dating nito kay Red.



Pagkarinig niyon ay parang mas ginanahan ito. Hinubad nito ang kanyang brief at kasabay niyon ay hinubad rin nito ang sariling underwear. 



May nagbago sa kanya. Hindi niya alam kung anong eksakto ang nagbago sa kanya ngunit biglang bigla ay gusto niyang kumuha ng salamin sa biglaang paglabo ng kanyang mga mata. Nawala na ang sakit ng ulo na nararamdaman niya. Napalitan na naman ito ng paginit ng kanyang katawan sa sunod na ginawa ni Red



Kiniskis ni Red ang alaga sa kanyang alaga. Napapaungol na naman siya sa sarap. 



"aaahh ahhhh ahhhh Moks... Ang sarap" tawag niya dito.



Nakita niyang bahagyang nanlaki ang mata nito sa muli niyang pagtawag ng Moks. Ngunit ipinagpatuloy nito ang paghalik at pagkiskis ng alaga sa kanya.


Maya-maya pa ay namalayan niyang pumaibabaw siya at ito naman ang nasa ilalim. Ginabayan nito ang kanyang ulo papunta sa tirik na tirik na laga nito. Sinimulan niyang dilaan ang pinakaulo nito at pagkatapos ay ginamit niya ang dila para paikot-ikutik sa maliit na butas na nasa tuktok.




"Ahhhh Ahhhhh Moks... Isubo mo na please" pagmamaka-awa ni Red sa kanya.



Sinunod niya ito at natagpuan na nniya ang sariling nagtata-taas baba sa naghuhumindi nitong alaga. Nakita niyang unat na unat ang mga paa ni Red at nakapikit ng mariin habagng hawak hawak ang ulo niya. Hindi na rin nito alam kung saan ibabaling ang ulo sa bawat pagungol nito.



"Ahhh... ahh moks... sige pa... dilaan mo pa.. tang ina.... sige pa moks"



Ilang sandali ay napansin niyang naninigas na ang hita nito at bahagyang lumaki ang ulo ng alaga ni Red tanda na malapit na itong labasan. Nakumpirma niya ang hinala ng sumigaw at umungol ito sa sarap.



"Shit... Moks.. ayan na ko.... Ahhh...ahhh lalabasan na ko Moks... hmp..."


At sumirit ang masaganang katas sa  loob ng kanyang bibig.






Sabrina is holding a glass of wine at kasalukuyan siyang nasa veranda ng kanyang mansion. Ilang gabi na siyang hindi nakakatulog sa sama ng pakiramdam niya. Napanaginipan niya ang sunog na bahay ng mga Dela Riva. Sa panaginip rin niya ay nakita niyang naghahalikan si Red at isang lalaking may pulang buhok at nakasuot ng kulay itim. Sa gitna ng malalim na gabi ay kukuha siya ng lighter at susunugin ang kaliwang hinliliit. Kapag nararamdaman na niya ang sakit ay saka lang siya makakatulog ulit at iinom ng gamot na ibinigay ng kanyang family doctor.



Tinitigan niya ang kanyang kaliwang hinliliit. Nangingitim na ito sa lapnos na nakuha sa bawat gabing pagsunog niya dito. Ngunit walang katumbas ang sakit sa bawat paghihirap na nararamdaman niya gabi-gabi. Kinuha niya ulit ang LAMPARA DAILY. Binasa niya ang headline:



NASUDI's Prince of Rock turns into a runaway bride


Naibato niya ulit ang wine glass sa sahig. Sa litratong nakita niya ay igaganap sana ang mock wedding ni Red Antonio at ng baklang Adrian na yun. Hindi sapat na pampalubag loob ang pagtakbo daw nito di umano sa kasalan sanag gagawin.



"Punyeta ka!!!!" sigaw niya at binalingan naman nito ang  dyaryong hawak at pinagpupu-punit ito. 



Hindi niya alam kung saan siya nagkamali. Nagawa nila lahat ng plano ng matagumpay. Nawala na ito sa landas nilang dalawa ni Red at hindi na mahanap ng ilang buwan. Ngunit ngayon nagbalik ang baklang kaagaw niya kay Red. And that thought makes her to erupt. 



"Sabrina" tawag ng babaeng boses sa kanya.



Lumingon siya at nakita niya ang kanyang Ina. May hawak itong wine glass at nilapitan siya. Many said that  she looks exactly like her mother.



"Nandyan ka pala Mommy"


"Narinig ko ang pagsigaw mo"


"Im just... Im just outbursting. that is all.. pero wala to"



"You know that its bad for you to let out too much emotion. Yan ang sabi ng duktor"



"Im sorry.. Ill keep that in mind"


"Dahil ba yan sa isang lalaki?" sarkastikong tanong ng kanyang Ina sa kanya.



She felt so helpless na napatango na lamang siya dito para aminin ang lahat.



"You know what hija... Few of the women today know what power we posses. Sa inaakto mong iyan, I remember myself nung ayaw na ayaw sa akin ng Daddy mo. But men dont realize that we, the women are the much intelligent species. Ginamit ko ang pagkababae ko. I gave your dad a temptation he cant resist. And that brings you here on earth hija. So if you want this guy badly. Gamitin mo ang pagkababae mo" litanya ng kanyang Ina at saka siya nito iniwang magisa.



Saglit siyang nagisip. At pagkatapos ay ngumiti8 ng mala demonyo. 





Hawak-hawak ni Jude ang kutsilyo sa kamay niya. Tinitigan niya ang lalaking mahimbing na natutulog sa kama. Sa huli ay napabuntong hiniga siya at ibinalik ang kutsilyo sa kanyang bag. 



Kinuha niya ang kanyang mga damit at isa-isang isinuot muli ito sa kanyang katawan. Hinanap niya ang salamin sa kuwarto at nilagyan ulit ng eyeliner ang kanyang mga mata. Mabuti na lamang at sumakit uli ang kanyang ulo pagkagising at hindi na ulit malabho ang kanyang mga. God he hate to wear buggy eyeglasses.



Naramdaman niyang may kumaluskos sa likuran niya. Nakita niyang pupungas pungas si Red na pinahid ang mata. Nagising na pala ito ng hindi niya namamalayan. Kung nakakamatay lang siguro ang matalim niyang titig dito ay kanina pa ito bumulagta sa kama.



"About sa nangyari kanina... I didnt men to..." hindi na nito natapos ang unang sasabihin ng sumngit siya kaagad



"To fuck me?" sarkastiko niyang tanong saka muling nag-apply ng eyeliner sa mata



"Moks.. hindi lang naman yun ganun.. gusto ko lang sana na maamdaman mo na"



"Na ano?"



"Na miss na miss ko na ang Moks ko" malumanay nitong tugon sa kanya


"Really now? I cant help to wonder kung lahat ng taong nami-miss mo ay kinakantot mo ng ganun"


"Bakit ba ganyan ka magsalita?!!" sigaw nito sa brutal niyang sagot


"Dahil ganito ako!! Hindi mo ba naiintindihan... ganito ako!!!" sigaw na rin niya



"Kilala kita Moks... Kilalang kilala... Hindi ka ganyan!!"



"Stop acting like you know me better than I do... dahil hindi mo ko kilala!"



"Moks.." tawag nito sa kanya ng malumanay ng mapansin nitong galit na galit na siya. Nagmamaka-awa ang mga mata nito.



"Libog lang yan... Better get yourself a bath"



"Moks...." muling tawag nito sa kanya ng makitang kinuha na niya ang kanyang bag at nagtangka ng umalis sa kuwarto nito.



"Ano???" iritable niyang tanong



"Ginawa ko yung kanina para maramdaman mo kung gaano..."



"Kung gaano ka kalibog kaya pinatos mo ang unang tao na nakita mo? Listen to me Red.. The reason why Im good in bed is the same reason why Im already a damaged product.. Matagal ko ng ibinenta ang sarili ko.. Huwag mo ng bilhin.." pagkasabi niyon ay umalis na siya at padabog na isinara ang pinto.




"Ginawa ko yung kanina para maramdaman mo kung gaano kita.... kamahal" bulong ni Red sa sarili ng mawala sa paningin niya si Jude.




Itutuloy...



Way Back Into Love

Chapter 19

Rogue Mercado



"Congratulations" maikling bati ni Director Lee ng makapasok ito sa loob ng Black Room. Ang mata nito ay nakatingin kay Red.


Red Antonio's performance was broadcasted around the campus. However, intrigues take place dahil di umano ay  paboritismo ang dahilan kaya siya nakapasok sa NASUDI. Everyone knew that he was close with NASUDI's Prince of Rock, Jude Dela Riva.


"Thank You sir" maikling tugon ni Red sa Director.



Again, they are inside the black room for a conference sinabi ni Director Lee na may mahalaga siyang sasabihin sa NASUDI Members. He was seated at the left side corner of the room. Wala siyang katabi. At mas pinili niyang wag tumabi sa kahit sino sa black room. Jake Marcos was seated at the opposite corner, may ilan itong katabi na mga NASUDI Members. And three chairs away from Jake was Red Antonio's seat. Kung susumuhain ay nasa gitnang unahan na ito nakaupo. There spaces suggests real-life gaps. Ang mga pangyayari sa kani-kanilang buhay ang naging mitsa ng mga espasyong iyon.



People grow apart. Deal with it.  naibulong niya sa sarili. 



Still he is wearing the usual Prince of Rock outfit just like what many NorthEasterns call him. He is wearing a simple white V-neck with a bloody skull drew in it. Napapatungan ito ng isang black leather jacket. Black jeans was his bottoms. And a simple black converse shoes covered his feet. Naroon pa rin ang mga itim na hikaw sa kanyang tainga. At ang pangatlo ay nasa kanyang kilay. Eyeliners underneath his eyes. His red hair flowed shiny.



In fact he needs to change again another aura. Marami na kasing gumagaya sa kanyang pananamit. He became a trend setter. Biglang bigla ay may nakikita na siyang mga estudyante na nakapula ang buhok. May mga hikaw. O kaya naman ay naka itim din ng damit tulad niya. Pwede na siguro siyang magtayo ng kulto niya kung gugustuhin niya. Isang state university ang kanilang ginagalawan, unless may uniform demand ang kurso, pwedeng pwede ang magsuot ng kahit anong naiibigan mong damit.



Lumingon siya sa kinauupuan ni Red. Alam niyang kanina pa siya nito pinagmamasdan. Walang kaemo-emosyon ang mukha nito. He would like to see him angry at him. Gusto niyang makitang galit na galit ito. But he is becoming unpredictable. Sa huli ay nagbawi ito ng tingin sa kanya. An unsual thing. Kung titigan lang naman kasi ang paguusapan ay hindi ito nagpapatalo. Nakasuot lang ito ng polo at may manipis na T-shirt bilang panloob. He looks so simple and handsome. Lalaking lalaki kumbaga. 



Lihim niyang pinagalitan ang sarili sa paghanga dito.



Nang tangkain niyang magmasid muli ay nahuli naman niyang nakatitig si Jake. He raised his right eyebrow. Ngunit sinuklian naman nito iyon ng matamis na ngiti. All of a sudden ay may bumalik uling eksena ng masilayan niya ang ngiting iyon.




"Ok ako may itatanong sana ako" wala sa sarili na wika niya rito. Lihim nga niyang pinagalitan ang sarili dahil wala naman talaga siyang itatanong. 



"Sure basta ikaw"



Namula ang mukha niya sa tinuran nito at mas lalo siyang kinabahan. Ano ba ang itatanong niya talaga, eh wala naman siyang maisip. Number ba? Fb account? Bago pa siya sa mundong ganito at hindi niya alam kung anong gagawin sa sandaling kinikilig siya. 



"Ah eh...Ahmmm ehh.." nauutal na sagot niya. 'Patay ... nahihilo pa ata ako' bulong niya sa sarili



Nakita niyang nakakunot lang ang noo nito na nagaabang sa susunod niyang sasabihin. 



"Ahm... Naniniwala ka ba sa fairytale?"



Huli na ng marealize niya ang pinagsasasabi niya. Tanga-tangahan lang. Epekto siguro ng sobrang hilo at sobrang review niya sa World Literature nila. Kakainis. Kaya kinakabahan na inaabangan niya ang magiging reaksyon nito.



Tumawa to ng malakas. He seems amused sa sinabi niya. Samantalang siya ay pulang pula sa sobrang hiya.



"Oh huwag kang magblush and yes naniniwala na ko sa fairytale and I think nakita ko na yung makakasama ko sa happy ever after" seryoso nitong sagot sa kanya at bigla siyang kinindatan.



Kung sound system lang ang pagtibok ng puso niya malamang pwede na siyang magpatayo ng disco bar. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Gusto niyang sumigaw sa kilig ngunit tanging pamumula lang ng mukha ang senyales na tuwang tuwa siya sa sinasabi nito.





Fairytale sucks. bulong niya ulit sa sarili ng makabalik sa kasalukuyang estado ng pagiisip. Mas pinili niyang dedmahin na lamang ang pagngiti nito. Anino pa lamang ng lalaking ito ay kumukulo na ang dugo niya.



"Ok so its good that everyone is in here. Parang first time ata na complete attendance ang NASUDI" birong simula ni Director Lee. 


Originally ay dalawampu ang NASUDI members. Pang dalawapu't isa si Red. Laman na rin ng LAMPARA DAILY ang pagkapasok nito sa NASUDI. Sa balitang iyon niya rin nalaman na nagquit ito sa BABAYLAN to join NASUDI. Nasa balita rin ng school paper ang pagiging lead singer niya ng NASUDI. Some even said that Jake and him are now opponents. Sa ngayon ay marami na ang nagaabang kung sino sa kanila ang tatanghaling performer of the year. 



Tinatawag nilang NASUDI Recital ang annual concert event ng NASUDI Organization. Isa ito sa pinaka-inaabangang event sa kanilang unibersidad dahil isa ito sa mga pagkakataong nagsama-sama ang NASUDI members para maghandog ng isang konsyerto sa mga estudyante. Sa nasabi ring konsyerto ay pinaparangalan ang performer of the year. Inaasahang ang makakakuha ng natatanging titulo ay walang iba kundi ang lead singer ng NASUDI. Ngunit mukhang mahigpit ang magiging labanan ngayong sa kauna-unahan ding pagkakataon ay dalawa ang lead singer ng NASUDI.



"Jude? Jude?" paulit-ulit na tawag sa kanya ni Director Lee.



Sandali siyang nagising sa mahabang pagiisip. Hindi niya namalayan na tulala na pala siya at paulit-ulit ng tinatawag ang kanyang pangalan. Maybe he needs to administer some more medicine. Para siyang laging dinadala sa alapaap ng isip niya. Napansin niyang nagtatawanan na rin ang kanyang ibang mga kasama habang lahat ay nakatitig sa kanya.



"Pardon?" tanong niya sa Director.


"Im asking you what can you say about Red, our newest member" balik tanong nito sa kanya


"Ahm yeah welcome.. welcome" para siyang tanga na caught off guard.



Kinindatan naman siya nito ng mahalatang para siyang nawawala sa sarili. At saka nginitian siya nito ng makahulugan.


What does this asshole thinking? iritable niyang bulong sa sarili.



"Are you sure you are OK? Please dont tell me that Mr. Flu visited you. May ipapagawa pa naman sana ako sa iyo."



"No Im OK. Hindi lang siguro enough yung tulog ko"



"You sure?" muling tanong ng Director sa kanya


"Yeah.. just go on" wala sa loob na tugon niya.


Muling napadako ang tingin niya kay Red. Nakita niyang nakatingin ito sa harap ngunit hindi pa rin maalis dito ang ngiting kanina pa niya kinaiiritahan. Para tuloy siyang nare-reverse psychology sa mga nangyayri.



"Good then. I cant afford to have my lead singers sick because you and Jake have an assignment"



"What do you mean Direk?"


"As you all know, a good friend of mine... Lloyd Dela Cruz is asking me a huge favor"


"I dont see the connection between myself and that favor" sarkastiko niyang tugon dito



"Well he is asking for NASUDI's participation on BABAYLAN's biggest event. They are conducting an alumni homecoming to their previous officials. You know... previous students who became officers of BABAYLAN and now contributing a great deal to society."



"I think that would not be a problem. we have a pool of singers here they can manage to perform there" pagsasawalang bahala niya.


"And that is where the favor goes... Lloyd is specifically asking you to perform... together with Jake"



"Count us in direk.... Kaya na namin iyan ni Jude.. diba Jude?" singit ni Jake sa usapan. Nilingon niya ito at talaga namang todo ngiti ang mokong.



Nagisip siya ng panandalian kung ano ang isasagot niya. Siguro naman ay magmumukha siyang umiiwas kung tatangi siya. And that could also be the perfect timing para ilampaso niya si Jake. He will surely give his best to have a standing ovation.



"Yeah.. count me in" tipid niyang sagot at sinundan niya na rin ito ng ngiti. Kung sagaran lang sa pagiging plastic ang labanan, hindi niya ito uurungan.



"Great!!! that's faster than I thought... Your duet will be polished for the alumni homecoming" masayang tugon ng Director



"Excuse Me??? Duet? Tama ba ang pagkakarinig ko?"


"Yup.. You and Jake will perform a duet number for the alumni homecoming"


"Shoot!.. Kaya na namain iyan ni Jude.. May history este chemistry naman kami eh.. Diba Jude"



Nagtawanan ang mga miyembro ng NASUDI. Tiningnan niya ng matulis si Jake at alam niyang gusto siya nitong i-corner sa sitwasyong siya ang unang mapipikon. Kung malapit-lapit lang sana to eh ngali-ngali niya na itong tadyakan o tuhurin.



"uuuuyyy we smell bromance!!!  hahaha" tukso ng isang miyembro ng NASUDI. Sinundan naman iyon ng iba pang tukso at tawanan. 



Bwisit!! sigaw na naman niya sa sarili.


Nakita niyang ngingiti-ngiti lang si Red. Hindi man nito aminin ngunit halatang nakikisakay lang ito sa biruan.



"How about making adjustments? Tutal naman direk siya yung nagask ng favor... baka naman pwedeng magkaroon kami ng split number? It would be a lot better if we will perform individually" wika niya kay Director Lee. He is in desperate need of a miracle to get out of this tight situation.



"Im afraid we need to settle on their terms Jude. Naipamigay na nila ang invitations sa guest and they are strictly following the order of the program. We cant just break that. You and Jake will perform and that's final" may awtoridad na wika ng Director sa kanya



Napabuntong hininga na lang siya. Mukhang wala na siyang magagawa kundi pagbigyan ito. That Lloyd Dela Cruz is getting on his nerves. Bakit ba laging siya na lang pinipili nito para maisali sa mga walang kwentang programa nito.



"So I need you two to practice and practice together. And also please come up with a good love song together"



"What!!!!!" hindi na niya napigilang maibulalas ang pagkabigla


"Is there a problem?" para namang nagma-maang maangan ang tanong ng Director sa kanya.



"Love song? I dont see the point.. why we have to  sing a love song together" naiirita niyang tanong dito


Sa muli't muli ay humatak ng tuksuhan at tawanan ang kanyang pagkabigla. Tinutulak-tulak na ng ibang org mates niya si Jake para lumapit sa kanya. Nagpadala naman sa tuksuhan ang gago at tumabi sa kinauupuan niya. Nakita niyang nilingon ni Jake si Red at tinanguan. Masamang titig lang naman ang isinagot ni Red dito. Ngunit siya ay parang sasabog na sa sobrang pagkapikon. Dumagdadag pa ang pagtabi nito sa kanya.



Nang siya naman ang lingunin nito ay kinindatan siya nito at nginitian ng makahulugan. Kung hindi lang siya nasa loob ng black room ay kanina pa niya binigwasan ang mukha nito. 



"We will be on business soon direk. Sa ngayon eh liligawan este papa-practice lang muna kami ni Jude.. diba Jude?" baling ni Jake sa kanya



Sinundan na naman iyon ng tuksuhan sa loob ng Black Room. Seryoso namang nakatitig sa kanya si Red. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang ngunit nakikita niyang may halong pagbabanta ang mga titig nito.


"Why cant we just sing another genre? Perhaps.. Evanescence's Bring me to life?" suhestyon niya, makatakas lamang sa pagkanta ng love song



"Jude, I understand your love towards dark and gothic stuff but you are not attending a halloween party. Its an alumni homecoming for christ sake!!" tugon ng Director sa mungkahi niya


"Well that's also my point direk? Ganun na ba kamiserable ang mga lovelife nila at kailangan namin silang pakiligin through a love song. Oh please.. Dont let me sing a mushy love song together with this freak." medyo tumaas na ang boses niya.



Ngunit hindi pa rin natinag si Director Lee.



"You are attending an event with people who are already professionals. Hindi mo sila aasahang makiki-rock and roll sa iyo at sisigaw na prang sinasaniban. You are performing in BABAYLAN... and BABAYLAN is a third sex organization. Lloyd and I agree na kailangan niyong mag showcase ng homo-themed performace. Im sure it wont be that much difficult. I know that you two can fake it"



"And how sure are you?"


"As sure as this" sagot ng Director sa tanong niya at saka inilabas ang CD sa kanyang kamay.


Pinanood naman niya itong tinungo ang isang CD player sa bandang gilid ng black room. Kinuha naman nito ang dalawang mic stand at inilagay sa gitnang harapan.


"So what's this?" naguguluhan niyang tanong sa Director



"We will have a sample performance"



"Sample....Sample...Sample...Sample!!!!' sabay-sabay na cheer ng ibang miyembro



Ang sample performance ay isa sa nakaugalian nila sa NASUDI. Para itong tradisyon na kung saan magpapatugtog na lang si Director Lee ng kung anu-anong kanta at sa ayaw man ng singer o hindi ay kailangan niyang kantahin ang napili nitong tugtog. Kalimitan ay mga bagong awitin ang pinapakanta nito sa sample performance, kaya naman obligado rin sila na malaman kung anu ang uso, sinong artist ang may bagong kanta o kung ano nagtop sa US Billboard. 



Maya-maya pa ay nakita niyang malakas ang kumpiyansang tumayo si Jake para pumunta ng mic stand. Ngunit mas lalo namang lumakas ang sigawan ng inilahad nito ang kamay para tulungan siyang tumayo sa kinauupuan niya. Pinili niyang balewalain ang kamay nito at tumayo tuloy-tuloy patungo sa unahan.



Nakita niyang mataman ang seryosong nagmamasid si Red sa mga nagaganap. Nakaharap na siya ngayon sa kapwa org mates. Silang dalawa ni Jake. 


"I want to see passion on this number not just chemistry. I want a hot, scorching number. I dont care If you want to fuck each other on the floor, just sing the song as it is"



Kinabahan siya bigla sa narinig.


Maya-maya pa ay pumailanlang na ang napiling tugtog ni Director Lee. Nagulat naman siya ng si Jake na ang magsimula ng unang linya. Tinanggal nito ang mic stand at lumapit sa kanya saka kumanta.





Jake:

Na-na-na, come on
Na-na-na, come on
Na-na-na, na-na come on
Na-na-na, come on, come on
Come on, Na-na-na-na come on
Na-na-na, come on
Na-na-na, na-na, come on
Na-na-na, come on, come on
Come on, Na-na-na-na



Habang inaawit nito ang panimula ng kanta ay iminumwestra nito ang hintuturo na para bang niyayaya siyang lumapit. Irap lang ang tugon niya samantalang nagsisigawan na ang kanyang mga org mates.


Pinatulan naman niya ito. Lumapit siya dito habang kinakanta ang unang liriko ng kanta.



Jude:


Feels so good being bad
There's no way I'm turning back
Now the pain is for pleasure, 'cause nothing can measure
Love is great, love is fine
Out the box, out of line
The affliction of the feeling leaves me wanting more.




Matapos niyang kantahin ang kanyang parte ay hinapit ni Jake ang kanyang baywang at wala siyang nagawa kundi magpaubaya at mapayakap dito. Sabay nilang kinata ang koro.



Jude & Jake:



Cause I may be bad, but I'm perfectly good at it
Sex in the air, I don't care, I love the smell of it
Sticks and stones may break my bones,
But chains and whips excite me.



Ngunit mas nagulat siya sa sunod nitong ginawa.. Gamit ang lakas nito ay pinatalikod siya nito at niyakap. Sa pagkabigla ay nalaglag niya ang kanyang mic. Sa kanyang puwetan ay naramdaman na lang niya kinikiskis ni Jake ang kargada nito. Kahit isang kamay lang gamit nito para yakapin siya ay hirap pa rin siyang makawala. Wala siyang nagawa kundi hayaan itong ikiskis ang matigas na bagay na iyon sa kanyang puwetan. Gamit ang isa pa nitong kamay na panghwak ng mikropono ay kinanta nito ang susunod na bahagi.



Jake

Na-na-na come on, come on
Come on, I like it, like it
Come on, come on, come on
I like it, like it [Na-na-na] come on
Come on, come on, I like it, like it
Come on, come on, come on
I like it, like it.



Dumadagundong sa sigawan ang kuwarto at nagkakantyawan na ang lahat ng miyembro ng NASUDI. Ngunit ikinagulat nilang dalawa ni Jake nang ang susunod na parte ng kanta ay inawit ng ibang boses. Nang lumingon siya ay si Red ang nakita niyang may hawak ng kanyang mic. Habang kumakanta ay lumapit ito sa kanila at kinuha ang kanyang kanang kamay para hilahin palayo kay Jake. Marahil sa pagkabigla rin ni Jake ay hindi nito napansin na inagaw siya ni Red mula sa mga bisig nito. Sa katawan naman siya ngayon ni Red napayakap.



Red

Oh, I love the feeling you bring to me
Oh, you turn me on
It's exactly what I've been yearning for
Give it to me strong
And meet me in my boudoir
Give my body some AHH, AHH, AHHHH,
I like it, like it




May nabuong balak sa kanya. Mabilis niyang ginamit ang tuhod para tamaan ang pinaksensitibong parte ni Red. Naagaw naman niya ang mic mula kay Red habang sapo-sapo nito ang natamaang parte ng katawan. Pagkatapos ay pumunta siya sa kinalalagyan ni Jake. Ngi-ngitingiti naman ito sa kanya na marahil ay nagustuhan ang ginawa niya kay Red. Siya na mismo ang unang yumakap kay Jake at gumanti naman ito. Yun nga lang ay tulad ng ginawa niya kay Red ay tinuhod niya rin ito at halos mangiyak-ngiyak na hinawakan ang tinamaan ng tuhod. Kinanta niya ang huling bahagi ng kanta habang iniinda pa rin ng dalawang lalaki ang sakit ng ginawa niya.



Jude:

'Cause I may be bad, but I'm perfectly good at it
Sex in the air, I don't care, I love the smell of it
Sticks and stones may break my bones,
But chains and whips excite me.

Na-na-na come on, come on
Come on, I like it, like it
Come on, come on, come on
I like it, like it [Na-na-na] come on
Come on, come on, I like it, like it
Come on, come on, come on
I like it, like it.

S, S, S & M, M, M
S, S, S & M, M, M
S, S, S & M, M, M
S, S, S & M, M, M

Ohwww!






Natapos ang kanta ng masigabong palakpakan. Halos lahat ay tuwang-tuwa sa nasaksihang mainit at nakakatawang pangyayari.


"Hahaha.. That was fierce and... painful I guess" bati ng Direktor sa kanya


"I told you wala kaming appeal na kumanta ni Jake. We cant do a duet" kumpiyansa niyang tugon


"Yes I agree" pagsangayon naman ni Director Lee.


Lihim naman siyang nagbunyi sa sinabi nito.



"That is why, I decided na tatlo na kayong kakanta sa alumni homecoming... Red will join the number. Parang mas maganda yata yung love triangle themed performance na nasaksihan namin kaysa sa duet... Anong masasabi niyo guys?"



"Yes!!!!... Love Triangle na yan.. Go!!!!" cheer ng ibang org mates niya



Nadismaya siya sa sinabi nito.



"What?! Direk naman!! anong kalokohan to.. At ano sa tingin mo ang kakantahin namin tatlo?" naiirita niyang tugon.





"You three will perform a lyrical sing and dance number.. Song will be Leona Lewis' Bleeding Love" paliwanag nito sa kanya.




Itutuloy....

Way Back Into Love

Chapter 20

Rogue Mercado



"1.... 2...3... and 4" sigaw ng instructor nila habang tinuturuan silang sumayaw sa saliw ng musika.


Bilang paghahanda ay nakipagusap ang kanilang Director sa Presidente ng GROOVE, ang dance organization ng NorthEast State University na turuan sila ng isang lyrical dance gamit ang piyesang pinili ng Director. 



Taliwas sa ibang uri ng sayaw, sa lyrical dance ay kailangan nilang paganahin ang kanilang emosyon para maipakita ang kahulugan ng kanta. Mas maraming physical contact involve sa mga sumasayaw nito. Ang mga steps naman nila ay hango sa mismong liriko ng mga kanta. 



Kasalukuyan silang nasa loob ng kuwartong puno ng salamin. Sa harap nito ay sumasayaw sila base sa itinuro ng dance instructor na nasa harapan. Isa lang itong estudyante sa kanilang unibersidad ngunit pambihira rin ang galing nito sa pagsayaw. Hindi nga nagkamali ang GROOVE sa pagpapadala dito para turuan silang sayawin ang musikang napili nila. Pinaghubad ng kanilang dance instructor si Jake at Red. Naka jogging pants na lang ang mga ito ngayon samantalang siya naman ay naka jogging pants din at naka sando na kulay itim.


May mga eksenang kailangan niyang yakapin ang dalawa. Hindi siya naiilang kay Jake, mas tamang sabihing nabibwisit siya pag ito ang yumayakap sa kanya. Nahahalata niya kasing madiin ang paghawak nito sa kanyang katawan. Kung pwede lang sanang gamitin niya ulit ang tuhod niya ay kanina niya pa ginawa para saktan uli ito. 



Pilit naman siyang umiiwas kapag si Red ang kasayaw niya. Nakakapaso kasi ang titig nito na para bang tagos na tagos sa kanyang pagkatao. Hindi niya alam kung nahahalata nito ang pagiwas niyang iyon. Kapwa sila pawisang tatlo sa ginaganap na pageensayo.



"Ok guys.. break muna tayo... but all I can say is wow.. Hindi naman pala ganun kahirap na turuan kayo. Honestly, may mga singers kasi na magaling lang sa pagkanta but you guys can cross the line. Kung hindi ko nga alam  na straight kayong lahat eh iisipin kong isa o dalawa sa inyo in a relationship" papuri nito sa kanilang tatlo sabay tudyo.



Nginitian naman siya ng dalawa samantalang tinalikuran niya lamang ito at piniling huwag magpakita ng reaksyon. Kung alam lang sana nito ang epekto ng mga salitang iyon sa kanilang tatlo at lalong lalo na sa kanya. Tinungo niya ang kinalalagyan ng kanyang bag at kinuha ang maliit na towel para punasan ang kanyang pawis.


Nasa gitna siya ng pagpupunas ng marinig niyang may tumawag ng kanyang pangalan.


"Adrian!"


Hindi siya lumingon at piniling ipagpatuloy ang ginagawa sa katawan. Namalayan niya na lang na may bulto ng katawan na nasa kanyang likuran. Lumingon siya para tingnan kung sino ang lalaking iyon. 



Si Jake.


Nakahubad pa rin ito at nakasampay sa katawan nito ang isa ring maliit na tuwalya na sa hinuha niya ay pamunas rin ng pawis. Sa kanang kamay nito ay may hawak itong Gatorade.


"Adrian alam kong..."


"Its Jude..." mabilis niyang pagtatama sa pangalang itinawag sa kanya nito.


"Sorry.. ahm Jude... may energy drink ako dito. Alam kong uhaw ka na."


Bago pa man siya maka sagot dito ay biglang may sumingit sa usapan nila.


"Moks!!. Tubig?" si Red na hawak ang isang bote ng mineral water sa isang kamay.


Hindi man lang niya namalayan na nandun na rin pala ito sa kanila. Nakita niyang tinitigan ng masama ni Jake si Red. Hindi naman ito nagpatalo at sinalubong rin nito ang titig ni Jake.


"Kunin mo na to Jude... Para madagdagan lakas mo mamaya pag magpractice ulit tayo"


"Moks tubig na lang inumin mo.. masama sa iyo ang energy drink diba?" pamimilit ni Red sa kanya


"Anong masama?"


"Nagka gastratis siya sa sobrang intake ng soda noon. Hindi mo ba alam iyon? Ah sorry pre... Busy ka nga pala sa ibang bagay noong kayo pa diba?" iritableng tanong ni Red kay Jake


Nakita niyang naibato ni Jake ang hawak na energy drink at itinulak si Red.


"Bat ano bang problema mo ha? Bat sa tingin mo pipiliin niya ang tubig mo? Eh best friend ka lang naman niya. Masyado kang pakialamero" singhal ni Jake kay Red.


"Eh gago ka pala eh! Best friend nga lang ako pero hindi ako ang nangiwan sa kanya.. Gago!" tinulak na rin ni Red si Jake.


Para siyang natulala sa sobrang bilis ng pangyayari. Ni hindi man lang siya naksagot para sumingit sa usapan ng dalawa. Binigwasan ni Jake si Red sa mukha samantalang nasuntok naman ni Red sa tiyan si Jake. Namalayan niya ang sarili na hinihila si Jake sa gulo at naki-awat na rin ang  dance instructor nila. Maya-maya pa ay may isang tao na rin na pumasok sa loob at hinihila na rin nito palayo si Red kay Jake.



Si Sabrina.



"I think we need call it a day. Magpahinga muna kayo. Mamayang gabi na ang alumni homecoming." dismayadong wika ng dance instructor nila. Hawak-hawak nito ang braso ni Jake habang siya naman ang sa kabila.


Wala namang sugat na natamo ito ngunit nang tingnan niya si Red ay dumudugo ang labi nito. Nang humupa ang tensyon ay umalis na ang kanilang dance instructor. Lumabas naman ng kuwarto si Red at Sabrina ngunit masama ang tingin nito kay Jake. Hindi niya alam kung kasama siya sa tingin na iyon. Nang silang dalawa na lang ang naiwan ay ito na ang unang nagsalita.



"Sorry" mahinahong wika ni Jake.


Para itong tigre na biglang naging maaamong tupa. Sa totoo lang ay hindi niya alam ang intensyon nito. Kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. 


"Ano sa tingin mo ang ginawa mo?" tanong niya rito. Hindi niya alam kung galit ba ang tono ng kanyang boses o sadyang nagtatanong lang


"Alam ko bestfriend mo si Red pero..." hindi nito naituloy ang sasabihin


"Pero ano?" tanong niya ulit dito


"Pero nagseselos ako!" 


"Ano?" naguguluhan niyang tanong


"Nagseselos ako dahil alam kong una kang naging akin!.. Nainis ako sa sarili ko bakit kita hinayaang maging ganyan" sigaw nito ulit sa kanya.


Bahagya siyang nabigla sa sinabi nito ngunit mas ikinabigla niya ng suntukin nito ang pader at mismong mga kamay nito ang dumugo. Mabilis naman siyang nakabawi sa pagkabigla. Kinuha niya ang kanyang bag at nagsimulang humakbang palabas ng kuwarto.


"Pasensya ka na kung nagkakaganito ako" agaw atensyon nito sa kanya.


Sa huling pagkakataon ay hinarap niya ito at nagsalita bago siya umalis.


"Pasensya ka na rin kung wala akong oras kadramahan mo"





"Aray" impit na daing ni Red ng tangkaing hawakan ni Sabrina ang labi niyang pumutok


"Sabi ko naman sa iyo huwag kang makikipag-away. Yan tuloy" malambing na wika nito sa kanya


"Eh yung gago kasing Jake na iyon. Tangina.. Nakakalalaki"


"Ano ba kasi pinag-awayan niyo?" tanong ni Sabrina sa kanya



Para siyang sinampal sa tanong na iyon ni Sabrina. Ano ba kasi talaga pinagawayan nila? tanong niya rin sa sarili. Mas pinili niyang huwag sagutin ang tanong sa sarili at ang tanong nito. Nanatili siyang tahimik.


"Paano mo nalaman na nandito ako?" paglilihis niya ng usapan.


"Babe.. Alam kong NASUDI member ka na. Hindi mo man lang sinabi sa akin, sa LAMPARA Daily ko pa nalaman" malambing nitong tugon sa kanya.


Si Sabrina na siguro ang pinaka maunawaing sa mga naging girl friend niya. Ilang araw na rin silang hindi nagkikita at tama rin itong hindi niya naibalita rito ang kanyang pagkapasok sa NASUDI. Sa pagkakataong ito ay hindi niya alam kung nagiging mabuting boy friend nga ba siya dito. Nakokonsensya siya kapag naiisip niyang kayang-kaya niyang hindi ito makita ng ilang linggo samantalang isang araw lang na hindi niya makita si Adrian eh natuturete na ang utak niya.


"Teka, may surprise ako sa iyo" wika nito ulit sa kanya ng mapansing natahimik siya.


Hindi pa rin siya nakasagot. Sa loob ng tatlong taong relasyon nila ni Sabrina ay kabisado na niya kung kailan ito naglalambing. Kadalasan ay ito talaga ang nanunuyo sa kanilang dalawa. Dahil siya rin ang madalas magalit dito.


"Dyaran!" excited na wika nito.



Inabot nito sa kanya ang isang maliit na box.



"Nagabala ka pa" mahinahon niyang tugon.


"Open it babe" masayang wika nito sa kanya na tila hindi pa rin nawala ang excitement sa mukha.


Sinunod niya naman ito at nakita niyang karton pala ito ng isang cellphone. 


"Mahal to ah?" wika niya rito. Hindi kasi siya sanay na siya ang ginagastusan. 


"Ano ka ba. You deserve it. Regalo ko iyan sa iyo ngayong nakapasok ka na sa NASUDI. "


"Alam mo naman ayoko ng..." hindi naituloy ni Red ang sasabihin ng makita si Adrian na nakatunghay sa kanilang dalawa ni Sabrina. Nakita niyang agad itong umiba ng daan ng makita sila.



Tiningnan niya muna si Sabrina. Nais niyang ipahatid dito na gusto niya sanang habulin si Adrian para kausapin ito. Waring naintindihan naman nito ang ibig niyang sabihin at tumango.




Nakakainis baling niya sa sarili. Lakad-takbo na ang ginawa niya para makalayo lang sa lugar na iyon. Kung bakit pa kasi ay hinanap niya pa si Red para kausapin. Naabutan niya ito sa alanganing sitwasyon. Nandun ang girl friend nito na si Sabrina. Ngunit ang mas ikinaiinis niya ay kung bakit ganun ang naramdaman niya ng makita ang dalawa na naguusap. Normal lamang dapat sana ito dahil base sa pagkaka-alam niya ay magkasintahan ang dalawa. 



Tangina Jude Umayos ka! sigaw niya sa sarili.


Upang makalma siya ng konti ay kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito.


"Ayos ka lang ba?" pukaw sa kanya ng isang boses.


Lumingon siya sa pinanggalingan nito at nakita niya si Red.


"Hindi ka ba nasaktan kanina?" tanong uli nito


Hindi niya alam kung matatawa siya sa tanong nito. Gayong wala naman siya ni isang galos at ito ang may dugo sa bandang labi. Hindi niya alam ang tamang mararamdaman sa pagaalalang ipinapakita nito sa kanya gayong ito naman talaga ang napuruhan kanina.


"Bat ka sumunod? Naguusap pa kayo ng girlfriend mo diba?" balik tanong niya dito


Huli na ng para bawiin niya ang sinabi niya. Sa tono ng kanyang pananalita ay para siyang nagseselos sa mismong girlfriend nito. 


"Teka.. nagseselos ka ba?" tanong nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit nakukuha pa rin nitong ngumit sa kabila ng pinsalang natamo sa labi



"Hindi ah" singhal niya dito sabay buga ng usok sa bibig.


Kung pwede lang siya mag suicide ay ginawa niya na ngayon. He sounds fucking jealous!! Ano ba ang nangyayari sa kanya? lihim niyang singhal rin sa sarili.


"Akala ko Oo.. bibigyan naman sana kita ng karapatan eh" wika nito sabay ngiti sa kanya. 


"Just get out of my sight pwede?" naiirita niyang tugon dito


Kagaya ng dati ay inagaw nito ang sigarilyo sa bibig niya. Nabigla man ay hindi na siya nakapagreact kaagad at hinatak na siya nito para muling yakapin.



Niyakap lang siya nito ng mariin. Hindi man ito nagsasalita ay alam niya ang gustong iparating nito sa kanya. Ngunit alam niyang hindi niya dapat maramdaman iyon. Matapos ng ilang segundo ay binitiwan siya nito. Walang imik naman na umalis ito sa kinatatayuan habang iniwan siyang nakatulala pa rin sa kawalan.



Kumuha ulit siya ng sigarilyo at muling nagsindi. Sa mga ganoong sitwasyon ay mas kailangan niya di hamak ang sigarilyo niya para pakalmahin siya sa nararamdaman. Maya-maya pa ay umagaw muli sa atensyon niya ang isang boses.



"Ang sweet niyo naman" wika sa kanya ng isang boses babae. Nang makumpirma ang hinala ay agad siyang naghanda ng sasabihin niya.


"Excuse Me?"



Nang makaalis si Red kanina ay saka siya nagpakita sa baklang kinaiiritahan niya. Sa katunayan ay nung makita niya ang baklang iyon sa kuwarto kanina ay kumukulo talaga ang dugo niya at ngali-ngali niya na itong sabunutan. Ngunit habang nasa harap si Red ay kailangan niyang magmukhang mabait kahit na sagad na sagad na siya. Nang magpaalam si Red sa kanya para sundan ang baklang ito ay pumuslit rin siya sa ibang daanan ng NASUDI Bldg para lihim na sundan ito. At nandoon siya, kitang kitang niya kung paano makipaglandian ang bakla sa boyfriend niya. At ang pinakarason kung bakit galit na galit siya ngayon ay ang makitang magkayakap ito at kaunti na alng ay maghalikan sa harapan niya. Buti na lamang at umalis na ang boyfriend niya at ito na ang tamang panahon para takutin at turuan ng leksyon ang baklang ito.



"Ang sabi ko ang sweet niyo naman ng boyfriend KO" pinagdiinan niya talaga ang huling sinabi niya. Red is his possession. Siya lang ang nagmamayari dito walang iba.


"And that is my problem because?"


"Dahil boyfriend ko siya at ikaw yung walang kwentang baklang best friend niya na walang ginawa kundi agawin ang atensyon niya sa akin!!!!" sigaw niya dito. Nagtaas-baba ang kanyang dibdib tanda na nagsisimula na naman siyang mawalan ng kontrol sa kanyang emosyon


"Its not my problem if your boyfriend finds you sexually boring" tudyo nito sa kanya.


Bahagya siyang nagugulat sa mga sagot nito. Ang Adrian na kilala niya ay hinding hindi sasagot ng ganito sa kanya. Mas inaasahan niyang magso-sorry ito sa kanya o matatakot. Ngunit ang Adrian na nasa harap niya ay palabang sumasagot sa kanya. Mas lalong naginit ang tainga niya sa mga narinig.



"Bawiin mo ang sinabi mo!" pagbabanta niya dito


"And its not my problem if your boyfriend prefer my ass than your stinky nuts" pagbabalewala nito sa sinabi niya.



Naputol na ang sinulid ng kanyang pagtitimpi at sinugod niya na ito upang sabunutan. Bago pa man humantong ang mga kamay niya sa buhok nito ay hindi na siya nakagalaw nang ang isang kamay nito ay humawak sa leeg niya at isinandal siya sa pader gamit lamang ang isang kamay. Kung lakas ang paguusapan ay talo pa rin siya at mas malakas pa rin ito.



"Bi...bi...tawan.... mo kk..kko" kinakapos sa hiningang turan niya dito. Mahigpit ang mga kamay nitong nakasakal sa leeg niya.


"Subukan mo ulit kantiin kahit isang hibla lang ng buhok ko... Sisiguraduhin kong hindi ka na makakahinga bago mo pa man magawa iyon.." at pagkasabi nito ay binitawan nito ang kanyang leeg.



Ngayon lang niya nakitang ganito si Adrian. Sanay siyang natatakot ang baklang ito o sunud sunuran sa kanya. Umuubo siya matapos nitong bitawan ang kanyang leeg mula sa pagkakasakal. Nakita niyang lumalakad na ito palayo sa kanya.



"De...De...Demonyo kang ... bakla ka!!!" halos kinakapos na sigaw niya


Sa sinabi niyang iyon ay nilingon siya ulit nito at saka ngumiti ng malademonyo.


"Tama Ka... Demonyo nga ako... Kaya wag mong subukan ang kademonyohan ko"


Natulala siya sa narinig. 


Sa sinabing iyon ni Adrian ay para na rin nitong inulit ang nasabi niya kay Jake noon, "Tama Ka... Demonyo nga ako... Kaya wag mong subukan ang kademonyohan ko"  





Malapit ng lumalim ang gabi ngunit hindi niya alam kung pupunta pa rin ba siya sa alumni homecoming para sumayaw. Sariwang-sariwa pa rin ang sagutang naganap kanina sa kanila ni Adrian.


"Alam ko bestfriend mo si Red pero..." hindi niya naituloy ang sasabihin


"Pero ano?" 


"Pero nagseselos ako!" sigaw niya


"Ano?" 


"Nagseselos ako dahil alam kong una kang naging akin!.. Nainis ako sa sarili ko bakit kita hinayaang maging ganyan" sigaw niya ulit kay Adrian



"Pasensya ka na kung nagkakaganito ako" agaw atensyon niya rito ng makita niyang humahakbang palayo ito sa kanya


Sa huling pagkakataon ay hinarap siya nito at nagsalita bago umalis.


"Pasensya ka na rin kung wala akong oras kadramahan mo"





Kinuha niya ang litrato na nakatago sa ilalim ng kanyang unan. Larawan to ni Adrian. Noong naka-eyeglasses pa lamang ito. Noong sobrang inosente ito para masaktan ng sobra-sobra.


"Sorry" bulong niya sa larawan. Hindi niya namalayan na pumatak na ang ilang butil ng luha mula sa mga mata niya.




It was 8:00 PM. 


Ang maluwag na hardin ay nagmistulang di-mahulugang karayom sa sobrang dami ng mga bisita. Gaya ng inaasahan ay ang mga propesyunal at pinagpipitagang miyembro ng Third Sex ang dumating sa okasyon. At dahil rin sa kulay pink ang motif ng organisasyon ng BABAYLAN ay purong pink ang kulay na ginamit sa mga telang sapin ng upuan at mesa. Kasalukuyang pinaparangalan sa entablado ang mga natatanging tao na nagbigay ng katangi-tanging kontribusyon sa lipunan.



Nasa backstage sila ni Jake. At gaya rin ng inaasahan ay hindi sila nagkikibuang dalawa. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang performance nila. Kinakabahan siya dahil ito ang unang pagkakataon na magtatanghal siya at magsasayaw pa kasama ang matalik na kaibigan niya at si Jake. Ngunit mas kinakabahan siya dahil wala pa rin si Adrian. Hindi maaring wala ito dahil sa kanilang tatlo ay ito lang ang kakanta. Kumbaga ay props lang sila ni Jake sa number na iyon. Iyon din ang naging desisyon ni Director Lee.



"Red, Where's Jude?" tanong ni Director Lee sa kanya.


"Po?"


"Asan si Jude? Magsisimula na ang performance niyo? Hindi pwedeng wala siya"


Hindi pa rin siya sanay na tinatawag na Jude si Adrian. Marahil ay kung tinanong siya kung nasaan ang Moks niya ay nakasagot siya kaagad. 


"Hindi ko rin po alam Direk. Pero wag po kayong mag-alala, Im sure padating na iyon" pagpapalubag loob niya sa Director kahit hindi rin siya sigurado na darating ito.






Ilang hakbang na lang ay malapit na siya sa paroroonan niya. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung bakit siya papunta roon. May isang boses na nagsasabi sa kanya na kailangan niyang kumanta roon. Ngunit mas lalong hindi niya alam kung bakit siya kakanta. Basta ang alam niya ay kailangan niya. Kaninang nagising siya sa sakit ng ulo ay biglang lumabo ang kanyang mga mata. 







"And now Ladies and Gentlemen... In line with the celebration of BABAYLAN to honor the people who have a given a lot of contribution for a better society,  BABAYLAN joined forces with the supreme music organization of NorthEast State University, so we give you now the NASUDI " wika ng host sa madlang nasa bulwagan



Nagkatinginan sila ni Jake. Hindi man ito magsalita ay alam niyang kagaya niya ay nagtatanong rin ang isip nito kung nasaan na nga ba si Adrian. Kung hindi man ito darating ay sasayaw na lang silang dalawa o kaya ay pwede na silang mamatay sa kahihiyan sa maaring mangyari. Pansamantalang naisara lahat ng ilaw sa entablado at binitbit nila sa harap ang isang bench na gawa sa plastic. Parte iyon ng props na gagamitin nila sa sayaw.



Nang mailagay nila ang bench sa harap ay umupo sila sa magkabilang dulo ng upuan. Nakapatay pa rin ang mga ilaw sa bulwagan ngunit sa sandaling magbukas ito ay magsisimula na rin ang musika at kailangan na nilang sumayaw.


Moks asan ka na? nagaalalang tanong niya sa sarili



Maya-maya pa ay bumukas na ang ilaw. Napuno rin ng malakas na palakpakan ang buong hardin na pinagdadausan ng kanta. At ilang sandali ay nagsimula na ang musika.


Pumikit si Red nagbabakasakaling sa huling segundo ay makarating si Adrian.




At kasabay ng musika ay ang pagkanta ng pamilyar na boses...






"Closed off from love
I didn't need the pain
Once or twice was enough
And it was all in vain
Time starts to pass
Before you know it you're frozen"





Hindi napigilang mapalingon ni Jake sa kanyang likuran ng marinig na may kumakanta. Sabi na nga ba niya at makakahabol si Adrian sa kanilang performance. Ngunit nagulat siya ng makita ang hitsura nito.


Hawak nito ang mic at kinanta ang unang bahagi ng kanta. Ngunit naka-eyeglasses ito sa halip na eyeliner. Nakasuot ito ng simpleng puting T-shirt at puting pantalon. Wala ang mga hikaw. Ang tanging palatandaan lang sa nakasanayan na niyang hitsura nito ay pulang buhok na sa halip na nakalugay lang sa gilid ay nakaayos pataas gamit ang gel. 








Tiningnan ni Adrian ang dalawang lalaki na nasa entablado ngayon. Ang nakaitim na sando ay si Jake at ang nakaputing sando ay ang kanyang matalik na kaibigan na si Red. Ipinagpatuloy niya ang kanta.


"But something happened
For the very first time with you
My heart melted to the ground
Found something true
And everyone's looking 'round
Thinking I'm going crazy "

Oooh, yahhh

"But I don't care what they say
I'm in love with you
They try to pull me away
But they don't know the truth
My heart's crippled by the vein
That I keep on closing
You cut me open and I "



Lumapit siya kay Jake at nagsayaw kasama nito. Niyakap siya nito mula sa likuran alinsunod sa steps na itinuro sa kanila. Ipinuwesto nito ang kamay sa tapat ng kanyang puso at iginagalaw na parang gustong tanggalin ito sa kanyang dibdib. Kinanta niya ang koro.


"Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
I keep bleeding
I keep, keep bleeding love
Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
You cut me open

Oooh, oooh... "



Habang kinakanta niya ang liriko ng kanta ay parang mga kutsilyong sinasaksak siya ng bawat salita ng awitin. Kasabay ng pagkantang iyon ay bumalik sa ala-ala niya ang mga salitang binitiwan nito.


"Makinig kang mabuti.. Dahil ang susunod kong sasabihin sa iyo ay para sa ikaiintindi ng mahina mong kokote. Alam mo, sayang.. Ang talino mo pa naman sana kaya lang mas matalino ako sa iyo... Ginamit lang kita.. Ginamit lang kita para makaabot ako sa kinaroroonan ko ngayon.. Akala mo siguro kaya kitang mahalin noh... Hindi kita kayang mahalin... dahil..."


"Dahil BAKLA ka lang"





Dapat sana ay lalapit na siya kay Red ngunit pinili niyang ihulog ang mikropono at tumakbo palayo sa entabladong iyon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, hindi niya rin nakikita kung saan siya tutungo, ang alam niya lang ay gusto niyang lumayo sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung saan nagmumula ang sakit.



Nang mapagod ang mga paa niya ay tumigil siya sa pagtakbo. Ngunit hindi pa rin tumitigil ang kanyang mga mata sa pagagos ng luha. Pansamantala siyang natigilan ng may magsalita mula sa kanyang likod.



"Bakit ka umalis?" tanong sa kanya ni Jake na hinihingal na rin tulad niya. Marahil ay sumunod ito ng siya ay tumakbo.



Humakbang ito palapit sa kanya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ginamit niya ang natitirang puwersa na mayroon siya. Gamit ang palad ay sinampal niya ito.


Alam niyang nabigla ito sa ginawa niya. Siya man ay nabigla rin. Humarap muli ito sa kanya at nakita niyang namumula ang pisngi nito sa lakas ng sampal na ginawa niya. Nagtaas-baba pa rin ang kanyang dibdib sa sobrang pagod.... sa sobrang sakit.


Nagsimula siyang magsalita. 



"Akala ko nasa akin na ang lahat Jake... Akala ko... Akala ko nasa akin na ang buong mundo. Mayron akong nanay. Mayroon akong best friend. At higit sa lahat mayroon isang taong akala ko rin mahal na mahal ako.. Pero tang Ina Jake!!! Tang Ina!!  Kung hindi ko... Kung hindi ko pinagaksayahan ang araw na iyon para sa iyo.. Hindi rin mawawala ang nanay ko... Hindi sana siya namatay. Hindi ko sana pinagpalit ang buhay niya para lang mapasaya ka..." sumabog na lahat ng damdamin niya, ang matagal na niyang itinatago.



Nakita niyang walang imik itong nakatayo sa harap niya ngunit nagpatuloy siyang magsalita.



"Jake...Buong mundo ko pinaikot ko sa iyo, ang daya mo..pinapaikot mo lang pala ako." 


Humagulhol na siya kakaiyak. Ang eyeglasses na nakalagay sa mata niya ay lumalabo sa bawat luhang pumapatak.



"Sorry.. Sorry kung ngayon ko lang din narealize na mali ang ginawa ko... na mali ang naging desisyon ko.. sana mapatawad mo pa ako. Dahil nasasaktan rin ako lalo na at alam kong ako na ako ang naging dahilan ng paghihirap mo.. Sorry na Adrian.. Sorry na hon"


Matapos sabihin iyon ay lumuhod ito sa harapan niya at nakita niyang umiiyak na rin ito.


"Huwag mong ikukumpara ang sakit na nararamdaman mo sa sakit na nararamdaman ko. Dahil nanakit ka lang Jake... Hindi ikaw ang nasaktan! Putang Ina mo!"


Pagkasabi niyo ay iniwan niya itong nakaluhod pa rin sa lupa.




Tumakbo uli siya. At kagaya ng nauna ay hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga paa niya. Nakarating siya sa isang mas liblib na parte ng eskwelahan. Doon ay umupo siya at ipinagpatuloy ang kanyang pagiyak.



Naramdaman niyang may tumabi sa kanya. Iniangat niya ang ulo at nakita niya ang isang pamilyar na lalaki.


"Anong ginagawa mo dito?" matigas niyang tanong sa lalaki


"Nakita ko ang lahat. Aksidente kong narinig ang usapan niyo ni Jake. Tulad niya ay humabol din ako"


Katabi niya ang Presidente ng BABAYLAN na si Lloyd Dela Cruz.


Maya-maya pa ay inabutan siya nito ng panyo. Alangan man ay kinuha niya ito ipinahid sa luha niya.


"Alam mo ang buhay.. minsan.. hindi tungkol sa mga taong nanakit sa iyo... kundi tungkol sa mga taong nandyan sa tabi mo sa mga panahong nasaktan ka"


Hindi siya nakasagot. Ngunit patuloy itong nagsalita.



"I always admire you when I first saw you here in the campus. Hindi mo alam pero fan mo ko. Lalo na ng naging miyembro ka ng NASUDI. Hindi ko alam kung ano ang buong istorya mo pero kung nasaktan ka man sana huwag kang mawalan ng pagasa na mabuhay at magsimula ulit" 



Nagtama ang kanilang mga mata. Maya-maya pa ay bumaba ang mga labi nito para gawaran siya ng isang halik. Hinawakan siya nito sa magkabilang kamay. Gusto niyang kumawala dahil nagsisimulang sumakit ang kanyang ulo. 



Ngunit naging mapilit ang mga labi nito



Itutuloy....

















3 comments:

  1. woah! this is... FANTASTIC! cant wait for the next update. ^_^

    ReplyDelete
  2. amazing talaga ang pagkagawa nito,, da best :) keep it up Mr. author.. cant wait for the next chapter,,.. <3

    ReplyDelete
  3. Nabasa ko na ang full story sa michaelsshadesofblue.blogspot.com

    ReplyDelete