ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^
Showing posts with label Short Story. Show all posts
Showing posts with label Short Story. Show all posts

Saturday, January 26, 2013

YANTOK (The Trials And Triumph Of A Gay Man) By Rig Ortiz


Tatlong Site lang ang makikitaan nyo ng Official 'Yantok' ni Rig :))) Isa na dito ang DKS :)) Maging inspiration ito para sa lahat :))) Fiction ito. May isang pasaway na nagComment na FairyTale ito :))) KALOKAH! Basahin na sa mga di pa nakakabasa :)))

---KontrabidaNgKorea :)))

Saturday, November 17, 2012

The Ring

The Ring
A Short Story






"Baby, I want a ring..." sabi ni Diether kay Alex.


"Why ring Baby?" tugon ni Alex


"Look..." sabay lahad ng kanyang kamay sa kasintahan


"Three years na tayo..." dugtong pa nito.


''Okay... I'll give you what you want..." pangako ni Alex


"Thank you Baby! I love you!" 

Tatlong taon na silang nagsasama. Kung titignan mo sila, isa itong tipikal na relasyon. May saya, lungkot, away, bati, suyuan. 


Wala talagang relasyong walang imperfections.


Si Diether.


Maloko siya. Lagi siyang nakakapagpatawa ng ibang tao.


He's also smart.


Isang volleyball player. Gwapo pa.


Thoughtful and sweet.


Kaso, suimpungin.


Mabilis magbago ang mood. And he's very materialistic.


Para sa kanya, maipapakita lang ng isang tao ang pagmamahal sa pagbibigay ng mga bagay na gusto niya.



SI Alex.


Gwapo.


Matipuno.


A total gentleman.


Sweet and caring siya when it comes to his special someone.


Lagi siyang nag-aalala sa taong pinakamamahal niya kahit na saglit lang silang magkalayo


He's the man of everyone's dream.


He's perfect for someone who really deserves him


Yan ang mga katangian na nagustuhan nila sa isa't-isa....


Flashback

"Baby, I want us to be married already..." sabi ni Alex isang gabing magkasama sila


"Me too Baby... Gusto ko na ng assurance... " tugon ni Diether


"Para saan naman?"


"Para tayo na talaga forever... matagal naman na tayo... it's been already three years..." 


"And besides, we deeply know each other...."


"So it means?" 


"Yes Baby... magpapakasal na tayo...." 


"Agad-agad? Di ka pa nga naga-ask eh..." 


"Okay Baby... Wait for the date..."


End of Flashback


May 20, 2012


"Happy Birthday Diether!"


Paulit-ulit na bati ng mga tao sa kanya. Text man, wall post, tawag o personal.


Pero hindi parin siya binabati ni Alex


"Why Baby..." tanong nito sa sarili niya habang binabasa ang mga texts


Then the night came. It is one of the most important dates in his life.


His birthday.


Ginanap ito sa isang clubhouse. 


Madami na ang mga bisita.


Medyo maingay dahil nasa gilid lamang ito ng highway. Sumabay pa ang maiingay na tugtugin sa party.


"Here's the celebrant!" sabi ng Emcee 


"Are you ready to open the gifts?" tanong pa nito


Tango lamang ang isinagot niya.


Napansin niya ang isang malaking asul na kahon. Mula ito kay Alex.


"Bakit ganon? Nandito yung regalo niya pero wala siya?" tanong nito sa sarili niya


Isa-isa niyang binuksan ang mga regalo. Natuwa naman siya sa mga natanggap niya.


Huli niyang binuksan ang regalo ni Alex, pero bago pa man niya tuluyang mabuksan ito...



"Mr. Celebrant, may naghihintay po pala sa inyo sa labas..." sabi ng Emcee


"Sino naman po?"  tanong ni Diether


"Tignan niyo nalang po..."


Nagtaka naman ang mga bisita at maski na rin si Diether.


Lumabas siya.


Kinakabahan.


"Baby! Happy Birthday!" magiliw na bati ni Alex sa kasintahan pagkalabas nito.


Agad naman tumakbo si Diether palapit kay Alex upang yakapin ito.


Matagal silang nagkayakap. 


Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid nila.


"Look up Baby...."

Bigla naman may pumutok.




Isang firework.



Napaiyak naman si Dietehr sa nakita.


"What are you waiting for? Buksan mo na yung gift!" sabi ni Alex.


Binuksan ito ni Diether, ngunit mukhang hindi siya masyadong nasiyahan sa nakita.


Isang Teddy Bear.


Inihagis niya ito sa pagaakalang makakatanggap siya ng singsing mula sa kasintahan. Ikinagulat ito ng mga tao. Malapit na kasi sa mismong highway ang Teddy Bear



"I thought you'll be giving me a ring?" sabi ni Diether



Lumapit si Alex sa Teddy Bear at akmang pupulutin ito


"Yakapin mo kasi mu-----"



----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



Baby,


Happy Birthday!


Alam kong hindi mo nagustuhan yung regalo ko... Pero diba sabi nga, 'Don't judge a book by it's cover'? 

Kung hindi mo pa yan nayayakap, pwes gawin mo na ngayon Baby...


Nasa ospital sila Diether ngayon.


Kasalukuyan niyang binabasa ang sulat na kalakip ng regalo ni Alex sa kanya.


Niyakap niya ang Teddy Bear sa unang pagkakataon.


Lumabas ang isang singsing.


Will you marry me?


Biglang sabi ng Teddy Bear. Naka-record ang boses dito ni Alex.


Napaluha naman siya sa natanggap.


Don't cry Baby... Alam ko naman iiyak ka kapag nalaman mo na talaga yung totoong regalo ko... 

As I have promised, bibigyan kita ng singsing.. And diba kelangan mag-ask pa ako? SO ayan na...


Will you marry me?


Nilapitan niya si Alex na nakaratay sa higaan... Walang malay...


"Yes Baby...." lumuluhang sabi nito habang hawak ang kanyang kamay. Ginawaran din niya itop ng isang halik


Naka-set na ang lahat Baby... Bukas na bukas din ang kasal natin... 


So, rest now Baby... I love you! I lvoe you soooooooooooooooooooooooo much! Magiingat ka palagi ha? Don't be so stubborn. Take good care of your self. Bukas, madadagdagan ang special days ng buhay mo :) I love you soooooo much!


Baby ;*


Lalong pumalahaw ng iyak si Diether. Laking panghihinayang niya sa nangyari. 



Isinuot niya ang singsing. Kapareho nito ang singsing na suot ni Alex. May tig-kalahating puso na kapag pinagdugtong mo ay magiging isa.


"I love you Baby..." at niyakap niya si Alex


Wala siyang ibang magawa kung hindi alalahanin ang lahat ng nangyari sa kanila.

"It was our first date... Actually, nakakahiya tayo nun... natapon ko kasi syao yung gravy...at sakto pa sa pants mo...tawa lang tayo ng tawa..."


"Tapos, may time na pumunta tayo sa bar...  It was my 23rd birthday... sabi mo, mag-c-CR ka lang... pero, nagpunta ka sa stage... bigla mo akong kinantahan... If I'm not mistaken, Your Guardian Angel yung kinanta mo..."


"Pauwi tayo nun... galing sa isang party ng close friend natin.. Sa sobrang kalasingan, natapilok ako. Hindi ko kinaya ang maglakad pa... So, in the end, binuhat mo ako papunta sa bahay... Inasar mo pa ako na parang tingting lang ang buhat mo..."


"Nasa Boracay tayo noon... Nagpaunahan tayong makalangoy sa malayo.. Pero bila kang sumigaw... Nalulunod ka na nun... Nilapitan angad kita... Pero, ginugood time mo lang pala ako... Tsaka ko lang naalala nun na gold medalist ka pala sa swimming kaya there's no chance to have a reason para malunod ka..."


"Buong vacation every year, magkasama tayo... pumupunta tayo sa iba't ibang lugar just to watch the sun rise and set..."


"Sa lahat ng concerts ng favorite artists natin, naonood tayo ng sabay..."


"Sa bawat laban mo sa basketball, nandun ako. Ikaw naman, nandyan lagi kapag may competition ako..."


"At marami pang ibang nangyari... pero eto ngayon, birthday ko... bukas kasal na natin..."


Biglang tumigil sa paghinga si Alex. Tumunog ang respirator.


Ilang sandali pa...


"Time of death: 12:51 A.M. May 21, 2012"


Sa araw sana mismo ng kasal nila, namatay si Alex.


Dumaan ang halos dalawang linggo, dumating na sa huling hantungan si Alex


''I loved this guy so much. No other words can explain my feelings for him. May 21, kasal na dapat namin. Pero dahil sa akin, nawala siya. Dahil sa paghagis ko sa Teddy Bear na 'yun, nasagasaan siya ng truck. Sobrang pagsisisi ko. Napaka-materialistic ko kasi. Kung hindi ko sana hinagis yun, baka kasama ko pa siya ngayon. Baka nagsasaya na sana kami ngayon. Pero huli na ang lahat. Heaven knows how much I love him."


Iyan ang mga huling mensahe ni Diether sa misa para kay Alex.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Minsan gusto kong titigan ka...

Minsan naman gusto kng kausap ka...

Pero madalas gustong gusto kong kasama ka...

Pero dahil wala ka na, ang kaya ko na lang gawin ay ang isipin ka...







Mahal na mahal kita...



Bigla naman tumugtog ang isang kanta sa paligid niya habang nakaupo sa harap ng himlayan ni Alex



Your Guradian Angel...






WAKAS

Author's Note
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hello ;) So, here's another short story. Hindi ko pa po kasi ma-a-update yung When A Gay Man Loves, kaya ito muna... Medyo naging mahirap kasi para saking yung linggo na 'to... Kakagaling lang kasi sa break up... Sorry sa mga mapapaiyak...

Enjoy reading!

Leave your feedbacks ;D 

Sunday, November 11, 2012

Stab




STAB

by ace_gonzales




 DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

Tuesday, November 6, 2012

Perfect




            It’s our imperfection that makes us human.

But have you ever thought about the feeling of being perfect? Yung tipong wala kang kapintasan? Walang masasabi na kahit ano ang mga tao sa iyo? Na tipong pag tiningnan ka nila ay matutulala lang sila?

            Well, I guess you will envy me.

            Hindi sa pagmamayabang but I know I’m perfect. My flawless skin, lean, sexy body that everyone is dying for. I have em all.

            And isa pang ikakaiinggit mo sa akin? I have everything you could only dream of. Nice clothes, shoes, everything.

            Malamang naiinis ka sa pagkayabang ko. Pero what makes you think I care? Wala akong pakialam sa mga nararamdaman ng nasa paligid ko. I stand tall wearing clothes that you are dying for. I also have set of jewelries and accessories na hanggang sa pangarap mo lang mabibili.

But then again, sa akin? Meron ako nyan.

            Envy me? Sue me!

            People pass by and would always stare on how I look. And there, I proudly show off myself. I stand tall habang nakatingin sa kawalan kahit alam kong nakatitig ang karamihan. I can even see you staring at me sometimes.

Dedma.

I get to experience ang buhay na comparable sa mga gods.. Dahil sa sobrang pagkaperpekto ko, kahit tagalinis ng katawan ko ay meron ako. I don’t do it on my own. People are paid para lang linisan at pati bihisan ako. Yes, even to the last clothing na meron ako ay may tagahubad at suot ako. At lahat ng gumawa nito, napahanga lang talaga sa katawan ko. Sabi ko nga, I’m perfect.

Did I mention na perfect ako? Huh?! I did? Para kasing kulang pa!

“Nobody’s perfect.”, madalas kong marinig sa mga taong humahanga sa akin. Pero muli, Dedma. Inggit lang kayo!

Dedma dahil manhid ako at walang pakiramdam.

It’s our imperfection that makes us human.

Kaya nga  perfect ako.

Those rules don’t apply to me.

After all..

I’m a mannequin.

Saturday, November 3, 2012

Time and Laughters




I remember the days you looked at me as if I was your greatest hero.

I felt very proud.

But then… things changed.

It wasn’t always like this. We used to be happy. Spent most of our time together.

I remember…

I used to be the one that first greets you in the morning.

The one that waves “GoodBye” as you leave your home.

The one that waits for you paitently to come home.

The one that eagerly listens about your day.

The one that accompanies you at night.

The one that stands and watches over you until morning comes again.

But sadly, those days are over.

I just woke up one day and it was as if you have forgotten about me. Worst, you pretend not to see me while I know you do. It was painful for me. But still, I stayed by your side.

Things got worst, you now even deny my existence. You tell your friends that I wasn’t yours.  You even said that you were just being childish that’s why you stayed and kept me. I was hurt, but I still stayed by your side.

Years passed by and I was still by your side. Ive always been here. Waiting for you to come and see me again. I was sad, but I was patient, too.

One day, you came home with a baby in your hand.

I didn’t know how to feel. You looked very happy. So I felt that I needed to be happy for you.

I was watching you as you played with your baby. You really have changed. I don’t think you’ll ever notice me ever again.

But I was wrong.

One day as you carried your baby I saw you looking at me. I instantly felt excited.

“Hi there, old buddy.”, you smiled at me as you dusted me off.

You then took my hand as you introduced me to your precious.

“Baby, meet my greatest buddy, Teddy.”

I saw your baby smile at me.

I remember that smile many years ago. It was exactly like yours.

I wanted to cry but I couldn’t.

You placed me beside your little one and looked me in the eye as you sincerely said.

“Thank you for being a great pal. Now could you play with my kid like we used to?”

I saw you smile at me again. The one that I've waited all these years.

I don’t know how I did.

But I did it.

I was the first teddy bear who cried.


Friday, November 2, 2012

Once In My Life...




Author's Note:
Haller there! Di ko pa ma-post yung nect chapter ng When A Gay Man Loves. Kaya, ito muna. It was a letter for someone I loved the most in the past. Medyo maguguluhan lang kayo ng konti. Konti lang naman :) I'm sure may mga makaka-relate. This is a true story. Hindi po fiction. It really happened to me.

Yung cover po, hindi ako at yung minamahal ko. Char! Di po ako ganap na babae :) Wish upon a star lang ang peg. Nakita ko lang po yan kay pareng Google :)

Read and leave comments :)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------

You've been my Bestfriend.

It happened just once in my life.

Pero... nag-iba ang lahat.

It was our second years in high school. Masaya ang lahat kasi magkaka-klase parin tayo. Kulitan, asaran, tawanan, we shared those stuffs. Even the simplest problems we hardly bear.

I can still hear, see, and feel those memories. Tila isang magandang panaginip habang natutulog ako.

"Patrick, number mo?" then you handed me your phone. Nagulat ako kasi you asked for my number. Di na bago sa akin pero, iba yung dating.

Pero di ako nag-hangad ng iba. Alam ko. Ako kasi ang leader ng group kaya we need to keep in touch.

Pero akala ko hanggang sa pagiging leader lang ang lahat.

We've been textmates. Exchanged messages, sweet nothings, good mornings and good nights, kumain ka na ba, anong ginagawa mo, sabay tayo pumasok. Simple lang.

Simple para sa 'yo, sakin, espesyal.

Lahat ng 'yun binigyan ko ng kahulugan, kahit hindi naman dapat. I know in my mind that you're straight. Mas straight pa sa ruler. Kaya, I tried to stop this growing feeling inside of me.

Pero mahirap.

Mas lumalim pa pala. Akala ko, matatabunan ulit yung nahukay mong parte sa puso ko, hindi pala...

Sa school, lagi mo akong binibigyan ng pancake. I have plenty of foods, pero yung pancake lagi ang kinakain ko. Naalala ko pa nun, you gave me a 3-layer pancake. I was shocked. Alam kong pamasahe mo pa yun pauwi, pero, wala akong magagawa. Nanjan na eh.

Sa Biology, ako pa lagi gumagawa ng assignment mo. Konting pakiusap mo lang sakin, gagawin ko na. Kahit sobrang sakit na ng kamay ko. Kahit sumakit na yung ulo ko kakahanap at kakaisip sa mga sagot.

Noon, lagi mo din akong inuutangan. Naiinis ako lagi sayo nun. Tingin ko kasi, ang tingin mo sakin bangko. I have money. Pero kahit na ayaw kitang bigyan, nagagawa ko parin. Tanga? Oo. Sobrang tanga ko. Mahal na kasi kita... Ayoko namang pauwiin ka ng naglalakad kasi malayo pa ang bahay mo, kaya kahit minsan, wala na din akong pera, I will surely find a way para mabigyan ka. Alam ko naman hindi mo babayaran, pero, that's one way of showing my love for you. Ganyan kita ka-mahal.

I.D.

Isa yan sa mga bagay na naging rason para mahulog ako lalo sa patibong mo.

You're a basketball player. Kapag MAPEH day natin, nagbabasketball kayo. Naaalala ko pa nun, sakin mo lagi pinapabantay yung I.D. mo bago maglaro. Sobrang kilig yung nararamdaman ko pag ganun. Parang jowa lang kasi ang peg ko. Kahit hindi naman talaga. Tapos, pag napilayan ka, magsosorry ka pa sakin. I wonder why. Pero I know deep inside my heart kung ano ang sagot.

Farewell party ng common friend natin. Si En. Ex mo din siya. She invited some of us to come to her party. Pumayag ako. Pumayag ka din.

"Munch, pagpaalam mo naman ako..." text mo sakin.

Hindi ka pinayagan ng mommy mo. Wala ka ding pamasahe.

Ako naman si tanga tanga ulit, nauto mo. ayoko sana eh. Kaso, nagtampo ka bigla. Sayang din mana yung oras na makakasama kita.

Sa madaling salita, byumahe ako papunta sa lugar na hindi ko alam. I don't have any idea kung saan ka nakatira. Ang alam ko lang, sa Antipolo. Tapos.

Sumabak ako sa gyera na ang dala lang eh pera at cellphone.

Mali tuloy ang nababaan ako.

Napadpad ako sa Heaven's Gate. Tutcha. Lagpas! Tirik na tirik pa ang araw. Nabinyagan pa yung bago kong tsinelas.

"Ayos lang yan Patrick..."

"Lord, takpan mo po muna yung araw please? Kahit hanggang dun lang sa may lilim..."

"Buti nalang may mga gwapong dumadaan, nakakawala ng pagod..."

"Malayo pa ba?"

"Kaya ko 'to..."

"Ano kayang gagawin neto kapag nasagasaan ako dito?"

Yan yung mga bagay na sinasabi ko habang naglalakad pabalik sa lugar niyo. Nakakabaliw.

I made it to your house. I survived! Pero sana ganun lang din kadali ang maka-survive ulit sa pagkakahulog ko sayo. Maglalakad ka lang pabalik, then puff! Wala ng feelings.

Kinaya ko lahat ng napagdaanan ko para sa 'yo. Deadly din kaya yung lugar niyo! Pero after that, naging masaya parin tayo. Nag-1-2-3 ka pa sa jeep, kaso nahuli ka. Ako pa tuloy nagbayad. Sabi na eh. Wala ka nanamang pamasahe.

I am slightly addicted to alcoholic drinks. Ikaw naman, adik sa basketball. Kaya nagkaroon tayo ng deal. Bawal akong uminom kapag di ka kasama at bwal ka din mag-basket kapag hindi ka nagpaalam sakin.

I am tightly bounded to that deal.

Pero ikaw ang unang sumira.

Hinayaan ko lang. Normal na ang mag-basketball sa mga lalake. Pero ako, tumigil na talaga sa pag-inom. That deal you made changed me.

Pero nagsimula ang pagbabago.

I know na dadating tayo sa puntong ito.

Pero hindi ko inaasahang sa ganito kaaga at kadaling panahon.

"Maganda ba si Lai?" you sent me that message. She's really beautiful Korean-like style.

Alam ko na kung saan papunta 'tong usapan na 'to.

"Oo naman..." reply ko sayo. 

Ano pa bang magagwa ko, edi mag-kunwari. That reply triggered you to propose to that girl. Tama nga ako.

Nagkaroon kayo ng relasyon. She was your first I think.

Hindi ka na madalas nagtetext sakin.

Sa bawat GM mo, nakalagay ang pangalan niya at yung date kung kelan naging kayo.

Kapag nasasaktan ka dahil sa kanya, ako ang takbuhan mo.

Ganyan naman talaga lagi ang role ng bestfriend eh. Kilala ka lang kapag may kailangan na ulit.

Time came. Nag-break kayo. Kala ko magiging masaya na ulit ako, hindi pala. May niligawan ka ulit.

Second heart break.

Then third came.

Fourth...

Fifth...

And I came to an end.

Hindi ko na mabilang kung ilang heart break ang pinag-daanan ko.

'Because of you
I don't know how to let anyone else in'

That part of Clarkson's song hit me.

Totoo. Nakalimutan kong magmahal ng iba. May mga nagtangka, pero hindi ko inintindi.

You only hold the key to my heart.

Hindi mo din pala alam na bakla ako. I trusted you kaya sinabi ko na. PEro iba ang naging labas sayo. Hindi mo ako matanggap. Sobrang sakit. I twas the worst feeling I felt in my entire life.

"Hindi pwede..."

"Tuturuan pa kita mag-basketball diba?"

"Hindi ko tanggap..."

Yan yung mga sinabi mo. Marami pa yan. pero pinilit ko nalang kalimutan dahil sa sobrang sakit. Lahat ng sinabi mo, yan ang naging rason para magdesisyon na ako.

It was our third year in high school.

Sobrang saya ko kasi nalipat ka na ng section.

Noong summer kasi, I decided to stop falling for you.

Masakit. Mahirap.

Minahal na kasi kita.

Pero wala akong magagawa.

I started to write stories kung saan maibubuhos ko lanag ng galit. Lahat ng panghihinayang. Lahat ng nararamdaman ko para sa 'yo.

Nabawasan naman kahit papaano. Pero hindi natanggal.

Then rumors spread in our school. Tatanggalin dsaw yung section niyo. Totoo nga. Tinaggal. At sa lahat pa ng section na pwedeng mong paglipatan, sa Pilot pa. 

"Friend... nandito ulit siya..." sabi ko sa isa ko pang kaibigan na nakakaalam ng nararamdaman ko.

Natakot ako. 

Sinimulan ko ng lumayo. 

Hindi na kita kinakausap. There are times na tinatawag mo ako. Nagbibingi-bingihan nalang ako. Alam ko kasing may kailangan ka ulit. Tapso kapag tinulungan kita, babalik nanaman lahat ng feelings na pinilit kong kalimutan sa loob ng mahabang panahon.

Alam kong naramdaman mo lahat ng pag-iwas na ginagawa ko. Kaya ayun, nakigaya ka din.

Masakit para sa akin. Pero diba, ginusto ko din naman?

It kills me everyday.

"Miss na miss ko na yung dating 'siya' " sabi ko sa kaibigan ko.

Oo totoo. Nagabago na talaga ang lahat. 

"Lord please... give me a sign kung dapat ko na po ba siyang kalimutan..."

That day came. The Lord gave the sign.

Sinimulan ko na talaga totally. Walang usap-usap.

Pero everyday, lagi kitang nahuhuling nakatingin sakin. Hindi ako pwedeng magkamali. You're always looking at me. Kaya ayaw ko na ding nagrereport sa harapan dahil sayo. Kapag nag-tama ang mga tingin natin, alam kong babalik ulit lahat-lahat. Lahat ng sakit.

"Lord... hindi ko na talaga kaya... Give me the last sign to forget this man..."

Pero a day after I prayed, hindi binigay ni Lord. Siguro, hinahayaan niya muna akong i-enjoy ang last day. Last day ng pagkakaibigan natin.

Pero nakulitan yata ang Diyos sakin. Binigay niya yung sign. It's time for Phase 3. Let Go and Move On.

Move on? Eh wala namang tayo.. 

Sinimulan ko na ang Phase 3.

I blocked you in Facebook. Unfollowed in Twitter. Deleted your number and everything.

Nagsend pa nga ako ng message na kunwari magpapalit na ng number, kahit hindi naman talaga.

Ngayon.

Nagising ako sa panaginip na 'yon. It was perfect, yet painful. Maganda na sana sa simula, naging bangungot lang nung huli.

Yung jersey mo, nasa drawer ko parin. Tinago ko talaga. Grabe. Amoy na amoy parin yung pabango mo dun sa jersey. Yun nalang ang tanging buhay na ala-alang iniwan mo.

Sana... tuluyan na kitang makalimutan.


P.S.

You may wonder why I wrote this for you. Simple lang. Nagiging unfair na kasi ako sa boyfriend ko. Unfair sa paraang di kita makalimutan. And opne reason is, I want to cherish those moments for the very last time. Baka kasi makalimutan ko. Hindi kakalimutan na ginusto pero dulot ng sakit. Kinakabahan kasi ako baka may brain tumor talaga ako. I have all the signs and it's getting worse everday. One of the effects is memory loss. Kaya ayan, sinulat ko nalang para kung sakaling makalimutan ko man at di ko ma-kwento sayo, papabasa ko nalang 'to.

Mahal parin kita hanggang ngayon.. Pero pinapalaya ko na yung damdamin na 'yon.