ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Tuesday, October 30, 2012

Waiting



By: Justyn Shawn 
email: jeiel08@gmail.com

Isang banggaan ang nadatnan ni Ronnel noong dumating siya sa tagpuan nila ni Josephine. Kinakabahan siyang nagmamadaling tinungo iyon dahil baka napano na ang kanyang nobya. Nakahinga ng maluwag ang binata nang makita niya itong matyaga pa ring naghihintay sa kanya. 

“Sorry labs. Busy kasi sa trabaho e. Di na din kita natext dahil wala akong load.”saad nito. Hindi umimik ang dalaga. Alam niyang may tampo ito sa kanya dahil pinaghintay na naman ito. Alam nitong ayaw na ayaw ng kanyang nobya na naghihintay ito pero wala siyang magawa dahil naipit siya sa kanyang trabaho. 

“Sorry na labs please.” Pagmamakaawa ni Ronnel sabay halik nito sa pisngi ng dalaga. Napaamo naman niya ito sa kanyang halik. Ito lang naman ang kahinaan ng dalaga. Ang kanyang mga halik lang ang nakakapagpaamo dito kahit gaano man kalaki ang tampo niya sa binata. 

Masaya silang dumating sa bahay na kanilang tinutuluyan dahil wala na ang tampo nito. 

Bago pa man sila kumain ay kinulit ng kinulit ng dalaga ang kanyang nobyo na halikan muli ito ngunit hindi tumugon ang lalaki. Pagod daw ito. Muli, nagtampo na naman ang dalaga. 

“Ayaw mong kumiss ha. Sige matutulog na ako. Inaantok na kasi ako sa kahihintay sayo ng mahigit na apat na oras.”pagkasabi nito ay tinungo niya ang kanilang kwarto. Ngunit habang nakahiga na ang dalaga ay hindi ito makatulog. Nasanay kasi siyang hinahalikan siya ng kanyang nobyo bago matulog. 

Kahit tampo pa rin siya sa binata ay siya mismo ang nagpaamo dito. 

“Labs, kiss ko please. Di ako makatulog e.”pagsuyo nito noong matagpuan niya ang nobyo sa labas na naninigarilyo. Hindi umimik ang binata. Niyakap ng dalaga ang binata mula sa likuran ngunit iwinaksi nito ang kamay ng dalaga na nakalingkis sa kanya. 

“Sa susunod, huwag mo na akong hintayin kung isusumbat mo rin. Alam mo bang para akong sinampal sa sinabi mo?”may galit nitong saad sa dalaga. Hindi ito makaimik o makapagdahilan. Nanatili siyang nakatayo sa likod ng binata na mamasa-masa ang mata sa hula. 

Muli, niyakap niya ang kanyang nobyo mula sa likuran. Malamig itong walang tugon. 

“I love you.”paglalambing pa ng dalaga dito. 

“Matulog ka na.” 

“Alam mo namang di ako makatulog ng walang kiss mo diba?” 

“Matulog ka na. Inaantok ka na diba?” 

“Labs naman e.” 

“Matulog ka na.” 

Walang nagawa ang dalaga kundi ang tunguhin ang kwarto habang pumapatak ang luha sa kanyang mga mata. Pinilit niya ang kanyang sariling makatulog dahil may trabaho pa ito bukas. Nakatulog nga siya pero ang isip at diwa niya ay gising na gising pa rin buong magdamag. 

“Sorry na labs.” Malungkot ngunit malambing na boses ng dalaga. 

“Magtaxi ka na lang kung hindi mo ako mahihintay. Papasok na ‘ko” may awtoridad na imik nito at lumabas ng bahay nang hindi man lang humahalik o nag a-I love you sa dalaga. 

Napabuntong hininga na lang si Josephine. 

Habang nasa trabaho siya ay hindi maalis sa isipan nito ang binata. Kung ano ang gagawin niyang pang-aamo dito. Hanggang may naisip siyang magandang ideya upang mawala ang topak nito. 

Matapos ang kanyang trabaho ay matyaga na naman itong naghintay sa kanilang tagpuan. Alam nitong mas ligtas siya dito dahil may gurad ditong nagbabantay kesa umuwi siyang nag-iisa. 

Isang oras…dalawa..tatlo…mag-aapat na oras na siyang naghihintay ngunit wala pa rin ang kanyang nobyo. 

Maya maya pa ay nagring ang kanyang cellphone. Nakita niyang tumatawag ang kanyang nobyo at agad naman niya itong sinagot. 

“Labs, naipit na naman ako sa trabaho.” 

“Sige hintayin na lang kita.” 

“Labs, umuwi ka na lang. May taxi naman dyan diba?” 

“Hindi labs, hihintayin kita.” 

Tila nakulitan na naman ang binata sa inasta ng kanyang nobya. “Huwag mo na akong hintayin kung isusumbat mo rin lang naman! Umuwi ka na!”may taas ang boses na sabi ng binata sa nobya. 

Maluha-luha itong tila estatwang hindi makagalaw sa kanyang kinaroroonan matapos ng sinabi ng kanyang nobyo at ibaba ang tawag nito. Wala siyang magawa kahit pa man gusto niyang supresahin ang kanyang nobyo kundi ang umuwing mag-isa. 

Maya-maya pa ay may humintong taxi sa kanyang harapan. 

“Miss, sakay na po kayo. Alas tres na. Siguro pagod ka na sa kahihintay. Baka di na darating yung hinihintay mo. Wala na ka na ring ibang masasakyan sa ganitong oras. Ano, tara na?” saad ng taxi driver na huminto sa harapan ng dalaga. Sumakay na rin siya matapos mag-isip sandali. Wala na nga siyang masasakyan pa sa ganong oras. Pagod at puyat na rin ang dalaga at tila magtatagal pa ang kanyang nobyo. 

Samantala, hindi talaga naipit ang binata sa kanyang trabaho. Nakulitan lang talaga ito at inatake ng topak niya at nagpasyang magpahangin muna sa labas. Nakipag inuman ito sa kanyang mga katrabaho dahil wala din naman silang pasok kinabukasan. 

Mag-aalas singko na ng madaling araw ito nakauwi sa kanilang tinutuluyan. Naabutan pa niyang maghihintay ang kanyang nobya. Masuyo siyang hinalikan nito. 

“Uminom ka ba labs?” 

Hindi umimik ang binata. Dumeretso na ito sa kanilang higaan at nagpahinga. “Mabuti naman at hindi mo na ako hinintay at umuwi ka na.”saad ng binata sa dalaga habang sila ay nakahiga. Nakayapos ng mahigpit si Josephine kay Ronnel. “Mahal na mahal kita labs. At kahit na ang paghihintay ang ayaw na ayaw kong gawin, gagawin ko pa rin yun dahil mahal na mahal kita. I love you.”matapos sabihin ni Josephine iyon ay humalik ito sa labi ni Ronnel. Natuwa naman sa sinabi ni Josephine si Ronnel kaya naman humalik na din ito sa kanya. 

Alas nuebe na ng umaga nagising si Ronnel. Napahawak ito sa kanyang ulo dahil sa sakit na dulot ng alak na ininom niya kagabi. Nakayapos pa rin ang kanyang nobya sa kanya. Hinalikan niya ito. Nagising naman si Josephine sa kanyang mga halik. 

“Good Morning labs.”masiglang sabi ng binata dito. 

“Good Morning din.” Tugon naman ng dalaga at hinalikan muli ito. 

Nagpaalam na magluluto muna ng almusal ang dalaga matapos nitong maghilamos. Sinabi ni Ronnel na susulitin daw nila ang weekends dahil wala sila parehong trabaho. 

Nanood muna siya ng tv habang hinihintay ang nobya. 

Napatulala ito sa balitang nabungaran niya pagbukas nito ng tv. “Isang babae ang natagpuang patay sa isang abandonadong buildingsa Commonwelth Ave. kaninang alas tres y media ng madaling araw…kinilala itong si Josephine Reyes, 23 taong gulang. Pinaghihinalaan din ng mga pulis na ni-rape ang dalaga bago ito patayin ng labing limang saksak dahil hubo’t hubad itong natagpuan. Kasalukuyang pinaghahanap pa rin ng pulisya ang salarin.” 

Bumuhos ang luha ni Ronnel sa balita. Hindi ito makapaniwalang ang babaeng tinutukoy sa balita ay ang kanyang nobya. 

Tiningnan niya ang kanyang nobya kung saan ito nagluluto ng almusal. Andon pa rin siya. Masiglang nagluluto. Nakangiti ngunit ang kanyang kasuotan ang punong puno ng dugo. 



Wakas.

No comments:

Post a Comment