Nagbabalik ang author na walang ginawa kungdi ubusin ang oras
kakahanap ng inspirasyon para magtuloy- tuloy ang storya ni Ken.
Nagpapasalamat po ako sa mga bumubuo ng MNB Facebook page at kay
Onichan Kenji dahil isa sya sa mga nagbigay sa akin ng inspirasyon para gawin
ang mga storya ko.
Salamat din po sa walang sawang nagbabasa ng aking story!
Especially kila:
Ginno, Angel Marco Menor Aka Marc of K.S.A., Monty, Marshy,
Franklin Aviola, Kiero 143,
Zenki of Kuwait, Mark 5337, Sinbad, Frostking, robert_medoza.
Anita baker, JD Javra, eunchi, diumar, curious19, Hiya!, Caranchou,
nathanielgarcia at sa mga Annonymous at Silent Readers!
Kayo po ang aking dahilan para magkaroon ng inspirasyon! :)
Enjoy Reading Guys!
Note:
Sorry kung hindi na mention ang mga pangalan nyo...
medyo mahirap lang talagang kumonekta sa broadband na gamit ko ngayon.
“Good
Evening Ken!!” bati sa akin ni tita Margie.
“Ano
pong ginagawa nyo dito tita?” sabi ko at napatingin naman si mommy sa akin.
“Ah...
eh... Kasi nagpapaturo ako kay Paula ng pagluluto!” sabi nya sa akin at
napangiti lang ako.
“Mommy,
akyat muna po ako sa kwarto, medyo napagod po ako sa school eh!” sabi ko at
mabilis akong umakyat sa kwarto.
Sinarado
ko ang aking kwarto at nagpatugtog ng malakas para mawala ang badtrip na
nararamdaman ko sa mga narinig ko kanina.
Pumunta
ako sa aking study table at nag aral, naramdaman kong hininaan ang speaker ko
at napatingin, nakita ko si kuya ang pumasok.
“May
problema ka nanaman ba?” sabi nito sa akin at lumapit sya sa akin.
Dati
pa lang ay open na ako kay kuya Kino, kahit anong sikreto ko ay alam nya dahil
simula pa nung bata pa ako ay sya na ang nag alaga sa akin, kaya alam nya ang
mga nararamdaman ko.
Tinigil
ko muna ang ginagawa ko at tumingin sa kanya.
“Oh
may problema ka nga!” sabi nya sa akin at napatungo naman ako.
“Paano
kasi sila—“ sabi ko at hindi na nya ako pinatapos.
“Sila
Ace at Argel ba?” sabi nya sa akin at napatingin naman ako.
“Wag
kang mag alala ganyan din ang narinig ko sa pag uusap nila mommy at tita
Margie!” sabi ni kuya sa akin at naging blanko ang ekspresyon ng mukha ko.
“Sabi
ni tita Margie, yung dalawang anak nila ay laging nakikipag kompitensya sa
isa’t isa, nung tanungin naman sila ay sinasabing wala namang problema, pero
nung narinig nga nya one time na nag usap ang magkapatid, ay nalaman nyang ikaw
nga ang dahilan!” sabi ni kuya at napatungo naman ako.
“Bunso!
Wag kang mag alala, hindi ka sinisisi ni tita Margie, kung ako ang nasa
kalagayan mo lalayo muna ako sa kanila at mag fo-focus sa pag aaral! Saka na
yang usapang puso! Dahil makakasira yan sa pag aaral!” sabi nya sa akin at
ginulo nya ang buhok ko.
“Okay
kuya! Gagawin ko yang payo mo!” sabi ko sa kanya at tumayo na sya at pumunta sa
kwarto nya.
Nag
focus ako sa pag aaral nung gabing iyon at nang tinawag ako para kumain ay
hindi na ako bumaba at pinadala ko na lang ang pagkain ko sa kwarto, naging
routine ko na ang payo ni kuya kahit sa pagpasok ko sa school ay nagbago na din
simula nang magkagulo ang magkapatid.
After
two weeks ay akala ko nagbago na ang lahat pero nagkamali pala ako...
“Good
morning!” bati ko kila Cheryl, Abby, at Luke na kakadating lang din.
“Oh
natapos mo na ba yung report natin sa Anthro?” sabi ni Cheryl at tumango ako.
Pinakiusapan
ko ang professor ko na makipagpalit at gawing partner si Cheryl pumayag naman
sya at nakita ko naman si Ace na tumango sa pakiusap ko.
“Tara
na pumasok!” sabi ni Luke at Abby na parang excited.
“Kinakabahan
ako!” sabi ko at inakbayan ako ni Cheryl.
“Wag
kang mag alala! Kaya natin yan!” sabi nito sa akin at ngumiti ako.
Pagpasok
namin ay nakita kong nagbago ang ayos ng seat at nakita kong handa na ang
projector para sa presentation namin.
“Okay
class! Last topic ay kila Ace at Luke, now next presenter?” sabi ng Professor
namin at tumayo na kami.
Nilabas
ko ang laptop ko at kinabit sa projector, nararamdaman ko ang kaba sa aking
dibdib at hinawakan ako ni Cheryl para pakalmahin.
“Good
morning class me and my buddy have two topics to discuss, first is the language
and culture and Language that influence the culture to be presented later by
Ken Yoshihara!” sabi ni Cheryl at nagpalakpakan sila.
Walang
napasok sa aking impormasyon nung mga oras na yun at habang binabasa ko ang
aking script ay biglang nag vibrate ang phone ko.
“Galingan
mo!” text ni Argel sa akin at napatingin ako sa pintuan at nakita ko syang
nakatingin sa akin.
Binalewala
ko na lang yun at nagpatuloy sa aking pagbabasa nang biglang may isa pang text
na pumasok.
“Good
luck Ken!” text ni Ace at napatingin naman ako sa kanya na katabi nya si Luke
at Abby, pero hindi sya nakatingin sa akin kaya binalewala ko na lang yun at
pinatay muna ang phone ko.
Nang
matapos na si Cheryl magreport ay agad na nya akong tinawag.
“Good
Morning Classmates! My topic is all about language that influence/affects the
culture, now let’s look back what my buddy said earlier, that language is the
primary source that a person could communicate, and now we take back to my
topic which is the influence of language.” Sabi ko at nakita ko ang lahat ay
nakatutok sa akin.
Nagsimula
na ako magreport at napansin ko sila na napapangiti sa akin.
“Excuse
me Mr Reporter!” taas ng kamay ni Ace at napatingin naman ang lahat sa kanya.
Nakita
ko si Cheryl na sumesenyas na maging formal lang sa kanya.
“Yes?”
sabi ko lang at tumayo ito.
“Sabi
mo kanina na maraming pinang galingan ang language, my question is what about
infatuation? Diba parang language din sya?” sabi ni Ace at natahimik ako ng
ilang segundo.
“Well
thanks for that nice question Mr Ace, well as a matter of fact infatuation
means your mind or thought tell that you have an admiration to a person who
makes every time important” sabi ko at parang ako ang natamaan dun kaya bumawi
ako sa aking sumunod na explanation.
“For
example your friends! Maraming klase ang pagkakaibigan, pero nung pinahalagahan
mo ang isang bagay ay hindi na pagkakaibigan yun, admiration na tawag dun!”
sabi ko at umupo na sya.
Natapos
akong magreport at tumayo kami ni Cheryl para magpasalamat sa kanila, at
binigyan kami ng applause at pati ang professor namin ay pumalakpak.
“Sabi
ko sayo eh!” bulong sa akin ni Cheryl at ngumiti lang ako.
Nag
ring na ang bell at napansin naming lunch break na kaya niligpit na namin ang
mga gamit namin at tumulong sila Luke at Abby.
“Tara
may alam akong bagong bukas na Resto!” sabi ni Luke at ngumiti kami.
“Para
kay Papa Ken treat namin kayo!” sabi ni Abby at nagpasalamat ako.
Lumabas
na kami ng classroom at naglakad na pababa, nakasalubong namin ang grupo ni
Argel at napatigil kami.
“Pare
kamusta?!” bati sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Argel.
Tumango
lang ako at ngumiti at nang maglalakad kami ay naisip kong pumunta muna sa
locker para ipasok ang mga report namin.
Nang
makapunta kami ay nakita ko nanaman na may card dun pero parang kakaiba ito,
kaya nilagay ko muna ang mga report namin at kinuha sya para basahin mamaya sa
carinderia.
Habang
naglalakad kami pababa ng lobby ay nakita ko si Vhin na captain ng tennis team
ng school namin at lumapit ito sa akin.
“Yo
Ken!” bati nya sa akin at nag apir kami.
“Oh
kamusta?” sabi ko sa kanya.
“May
meeting later! See yah!” sabi nito sa akin.
“Teka?
Diba di pa ako kasali dyan? Trainee pa lang naman ako ah!” sabi ko sa kanya at
ngumiti ito sa akin.
“May
promotion na magaganap!” sabi lang nya sa akin at tumakbo na papalayo sa amin.
Tumingin
sila Cheryl sa akin.
“Sasama
ba kayo?” sabi ko sa kanila.
“Loko
ka ba? Boses namin ang pinuhunan nung nag apply ka dyan! Tapos hindi kami
sasama ngayon?” sabi ni Cheryl at ngumiti ako.
“At
FYI wala kaming pakielam kung hindi ka makasali sa promotion! At least andun ka
pa din sa tennis team na pinaghirapan mo!” sabi ni Abby at inakbayan ko ito.
“Kami
kaya ang mga fans mo!” sabi lang ni Luke at tumawa silang dalawa ako naman ay
napakamot ng ulo.
“Kayo
talaga! super support sa akin ah!” sabi ko lang sa kanila at ginulo ang buhok
ko.
Naglakad
na kami sa pathway papalabas ng campus para puntahan ang sinasabi ni Luke na
bagong bukas na carinderia.
Habang
naglalakad kami ay biglang nagulat si Cheryl sa bola ng basketball dahil tumama
ito sa pader na katapat namin at napatigil naman kami, napatingin ako kung sino
ang gumawa at nakita ko ang mga baketball players at lumapit ang isa sa amin.
“Okay
lang ba kayo?” sabi nito at naalala ko si Argel sa kanya.
“Oo
muntikan lang!” biro ni Cheryl at umalis na kami.
Pagkalabas
ng campus ay naglakad kami sa esquinita at pagkalabas namin ay nakita ko ang
hale- halerang carinderia at resto na tumatawag sa amin para kumain sa kanilang
tindahan.
“Tara
dito tayo!” sabi ni Luke at sinundan namin sya.
Nagulat
ako nung tumigil si Luke sa isang restaurant at nabasa ang pangalan nito.
“KENYOS
Grill” sabi ko at napatingin naman kami kay Luke.
“Okay
ano to?” sabi ni Cheryl kay Luke at nagtataka kami.
“Ahh...
Heh Heh! Basta pumasok na lang tayo!” sabi ni Luke at pumasok na lang kami.
Ang
ganda ng ambience dahil sa kulay, at ang design ng interior ay maganda din, may
mga bonsai sa gitna ng mga lamesa na parang japanese ang sineserve nila.
“Good
afternoon mga bata!” bati ng isang pamilyar na boses.
“Tita
Margie!” pagkakagulat ko at nagtinginan ang mga kumakain sa akin.
“Hehe!
Surprise!” sabi nya at napakamot lang ako ng ulo.
“Mare!”
sabi ng isang pamilyar na boses na nanggaling sa aking likuran.
“Mommy!?!”
pagkakagulat ko at ngumiti ito sa akin.
“Surprise?”
sabi ni mommy at napatango lang ako.
“Kami
ni mareng Paula ang nagmamanage dito! At tignan nyo ang menu namin!” sabi ni
tita Margie at pinagmalaki ang menu nila.
Naghanap
kami ng upuan at pinapunta kami sa taas at nakita kong may menu book dun kaya
agad kong binasa ito.
“Ken’s
Choc?” sabi ni Cheryl at natawa naman sila.
“Argel’s
Burger?!” gulat na sabi ni Abby.
“Ace
of Veggie?!” sabi naman ni Luke na natawa naman kami sa pangalan.
“Oh
meron pa!” sabi ko.
“Cheryl
and Lemon!” sabi ko nang mabasa ko ang drinks nila.
“Eto
mas grabe oh!” sabi ni Cheryl.
Tumingin
kami sa kanya.
“Abby’s
Nightmare Heaven!” sabi ni Cheryl at naghagalpakan kami sa kakatawa.
“Meron
akong bawi!” sabi ni Abby.
At
tumahimik kami nang makita namin ang mukhang palabiro ni Abby.
“Lukeys
and Cream!” sabi ni Abby at naghagalpakan kami sa kakatawa.
Umakyat
sila mommy at tita Margie sa amin at nakitang nagtatawanan kami.
“Nagustuhan
nyo ba ang concept?” sabi ni tita Margie at tumango lang kami.
“Oh
alam ko na ang kakainin nyo! Geh dun muna kami ah!” sabi ni tita at sabay na
bumaba sila mommy at tita Margie.
Habang
naghihintay ay napansin ko si Argel at Ace sa isang banda ng carinderia kaya
napatingin naman ako kay Luke.
“Teka
lang guys ah! Kakausapin ko lang si Luke sa CR!” sabi ko at hinila ko si Luke.
Nang
makapunta kami sa CR ay agad kong hinarap si Luke.
“Okay
Luke! Sabihin mo ang totoo sa akin?!” sabi ko sa kanya at napangiti naman ito.
“Ken,
sinabi sa akin ni Argel at Ace itong resto nila tita, kaya naisip namin na
pagtagpuin kayong tatlo dito! And besides wala namang masama diba? Dahil wala
ka pang napipili sa kanila?!” sabi nya sa akin at nahimasmasan ako sa sinabi
nya.
“Tama
ka nga wala pa naman akong pinipili sa kanila pero diba sabi ko sa inyo na
iiwasan ko muna sila?” sabi ko at tinapik nya ang balikat ko.
“Ken
it’s almost 2 weeks na simula nung iniwasan mo sila! And I am sure hindi naman
sila tanga para hindi magets yun! Kaya alam namin na okay na ang situation!
Tama na ang pagtakbo sa kanila! Face them!” sabi ni Luke at niyakap ko sya.
“Oh
tama na ang powder ko sa mukha ko baka matanggal!” biro nya sa akin at agad
naghilamos kami.
“Tara
na ba?” sabi nya sa akin at tumango ako.
Lumabas
kami sa CR at inakbayan ko sya na parang walang nangyari.
“So
nalaman mo na?” sabi ni Abby at tumango lang ako, nakita ko naman si Cheryl na
ngumiti sa akin at tinawag ang dalawa.
“Hi
guys! We miss you!” sabi nila sa magkapatid at ako naman ay hindi
makapagsalita.
“Kamusta
naman ang buhay buhay after 2 weeks?!” sabi ni Cheryl na parang ako ang
pinapatamaan.
“Okay
lang naman! Narealize namin na hindi dapat kami magpadalos dalos sa mga
desisyon kasi alam naming nahihirapan ang isang tao dyan!” sabi ni Argel at
napatingin silang dalawa sa akin.
“Oh
eto na mga order nyo!” singit nila mommy at tita Margie na parang alam na din
ang mga ginawa nila sa akin.
“Another
set up!” sabi ko at nagtawanan sila sa akin.
Habang
nakain kami ay napansin ko ang pader na parang pamilyar sa akin, kaya tinapos
ko ang pagkain ko at lumapit sa pader.
Nakita
ko na pwedeng magsulat sa dingding at nakita ko ang mga nagsulat ng kanilang
nararamdaman at ang mga galit, at biglang may nagsalita sa likuran ko.
“Pwede
ka namang magsulat dyan eh!” sabi nito.
“Ace?”
sabi ko at ngumiti ito sa akin.
Binigyan
nya ako ng marker at lumayo muna sya sa akin, kumuha ako ng pwesto at nagsulat
na.
“Dear Fate,
Ang saya ng buhay
ko! Parang nasa isang pelikula! Pero bakit mali ang pasok ng mga character sa
buhay ko?!
Masaya na nga eh!
kaso bakit hinalo mo at ginulo mo ang isip ko? Ngayon hindi ako makatulog dahil
sa iniisip ko ang mga sinasabi nila Ace at Argel!
Nilayuan ko na nga
sila pero bakit pinapalapit nyo pa din sila sa akin? Ano ba ang gusto mong
mangyari? Maging komplikado ang buhay ko?!
Sana naman maging okay na ang lahat!
KenYosh”
Bumalik
ulit ako sa aking inuupuan kung saan pinapagitnaan ako nila Ace at Argel ulit,
pero ngayon ay nakakapanibago dahil hindi na sila katulad ng dati na
nagpapagalingan, ngayon ko lang namiss ang mga kakulitan nila.
“Oh
eto na ang Ken’s Choc!” sabi ni tita Margie at binaba ang chocolate cake na
gawa nila ni mommy.
“Wow!
Sarap naman!” sabi ni Abby at ngumiti lang si tita Margie.
“Just
like me!” sabi ko at napatingin sila sa akin.
“What?!”
sabi ni Luke at napatingin naman ako sa kanila.
“Ito
yung ginagawa ni mommy sa akin kapag may star ako nung preschool pa lang ako!
Hanggang ngayon kapag may achievements ako ito ang ginagawa nya sa akin!” sabi
ko at napangiti naman sila sa akin.
“Oh
eto achievements!” sabi ni Ace at pinahid sa akin ang icing ng cake.
Nagulat
naman ang lahat at gumanti ako sa kanya, pero natamaan ko si Argel kaya
nagumpisa na ang rambulan sa icing!
Natapos
kami at bumalik na ang mga sigla namin nila Ace at Argel bilang magkakaibigan,
kaya kinuhaan kami ng picture ni tita Margie para ilagay sa resto.
“Oh
maglinis na kayo ng mga mukha nyo! Malapit na kayong mag time!” sabi ni mommy
sa amin at binigyan kami ng towel.
“Oh
kayong apat dun sa boys room!” sabi ni mommy at pumunta kami dun.
Habang
naglilinis si Luke ay nakita ko silang dalawa na nakatingin sa akin at
natatawa.
“What?”
sabi ko.
“Wala!”
sabi ni Ace at natatawa pa din.
“Ang
dungis mo!” sabi naman ni Argel at sabay silang natawa.
Natapos
na si Luke at iniwan kaming tatlo sa loob.
Nauna
akong naghilamos at nakita kong pumasok si Ace sa cubicle para magbawas ng
tubig.
Naramdaman
kong niyakap ako ni Argel at nagpumiglas ako, at humarap sa kanya.
“Bakit
ba?” sabi ko sa kanya na medyo naiinis.
“Wala
lang namiss lang kita eh!” sabi nya sa akin at natulala naman ako.
Lumabas
si Ace at nakita ako, pinuntahan nya ako at tinignan si Argel.
“Sige
na! maghilamos ka na dun!” sabi nya at tinapos ko ang paghihilamos.
Nang
matapos ako ay lumabas na agad sa boys room at pumunta sa inuupuan namin kanina
pa.
“Oh
okay na ba?” sabi ni Chery habang inaayos nya ang kanyang make up.
“Penge
ngang powder!” sabi ni Luke at binigyan sya ni Abby.
Habang
nag aayos kami ng aming sarili nakita ko si Ace lumabas na din at naiwan si
Argel sa boys room kaya nagpaiwan muna ako dahil bigla akong nakaramdam ng
kaba.
Alam
kong may class na ako ng mga oras na yun at hindi pa din lumalabas si Argel
kaya pinuntahan ko ito sa room.
Pagkabukas
ko ng pinto ay nakita kong duguan si Argel at agad ko syang tinulungan.
“Sino
ang may gawa sa iyo nyan?” sabi ko habang tinatayo sya.
“Wala
sinuntok ko lang yung pader!’’ sabi nya sa akin at pinaharap ito.
Hinawakan
ko ang kamay nyang nagdudugo at narinig kong umaaray sa sakit si Argel.
“Wag
ka kasing makulit!” sabi ko sa kanya at pinunit ko ang aking polo.
Nagulat
sya sa ginawa ko at hindi na lang sya umimik pa, nakikita kong nasasaktan sya
kapag nililinis ko ng tubig ang kanyang sugat, nang matapos kong linisin ang
sugat ay agad ko syang binalutan ng tela na galing sa aking polo.
“Salamat
ah!” sabi nito sa akin at tumingin lang ako sa kanya.
“Sabihin
mo ano bang nangyari at sinuntok mo ang pader?” tanong ko sa kanya at umiling
lang ito sa akin.
Kinuha
ko ang phone ko at nagtext kila Cheryl na hindi ako makakapasok ng class.
“May
problema ba friend?” reply sa akin ni Cheryl at agad akong tumawag sa kanya.
“Cheryl!
Si Argel nanuntok ng pader kaya ayun! Dumugo ang kamay nya at ginamit ko ang
polo ko para ibenda sa kanyang kamay!” sabi ko sa kanya.
“Ganun
ba? O sige dalhin mo sya sa clinic pagpasok nyo sa school para magamot agad
okay!” sabi ni Cheryl at binaba ko na ang phone.
Agad
kaming lumabas at bumaba, sa likod kami dumaan para di makita nila tita Margie
at mommy ang nangyari kay Argel.
Nang
makapasok kami sa campus ay agad ko syang pinunta sa clinic at dun na ginamot
ng nurse na naka duty dun.
“Oh
sino ang nag first aid sayo?” sabi ng nurse kay Argel at tumingin lang sa akin.
“Buti
na lang naagapan mo! Medyo malalim ang mga sugat nya sa kamay!” sabi nito sa
akin at tumingin lang ako.
“Oh
teka lang ah! Kukuha lang ako ng gamit!” sabi ng nurse at pumunta sya sa
cabinet para kunin ang mga gamit.
Nang
malapatan na sya ay narinig kong namimilipit sa sakit si Argel kaya pinahawak
ko ang kamay ko sa kanya.
“Kapag
masakit pisilin mo ang kamay ko!” sabi ko sa kanya at tumingin lang sya sa
akin.
Habang
nilalagyan sya ng gamot sa sugat ay naramdaman kong pinisil nya ng mahina ang
kamay ko at nagsisisigaw sa sakit, nagtaka naman ako sa ginawa nya.
“Oh
ayan! Tapos na!” sabi ng nurse at nakita kong nakabenda na ng maayos ang kamay
ni Argel.
“Sige
pagpahingahin mo muna sya!” sabi ng nurse at naramdaman kong hindi pa din
bumibitaw si Argel sa akin.
“Pwede
bang sya ang magbantay sa akin?” sabi ni Argel at hindi na makahindi ang nurse
kaya pumayag ito.
Naiwan
kami sa may clinic at hindi pa din ako binibitawan ni Argel kahit natutulog na
ito.
Narinig
ko na lang na nagsasalita sya habang tulog kaya pinakinggan ko ito.
“Hindi
mo sya makukuha sa akin! Dahil ako ang magpoprotekta sa kanya!” sabi nito at
napangiti lang ako sa kanya.
Hinaplos
ko ang kanyang buhok at nakita kong napangiti ito, at hinayaan syang matulog
habang hawak nya ang kamay ko.
Maya
maya pa’y narinig ko ulit syang nagsalita.
“Hindi
kita mapapatawad Ace!” sabi lang nya at nagulat ako sa aking narinig.
To be continue...
Next Chapter Teaser:
Ano kayang sinabi ni Ace kay Argel at nagkaganun siya?
Sino kaya ang mas matimbang kay Ken? Si Ace ba o si Argel?
Abangan ang mga nakakakilig na tagpo at nakakalokang eksena...
nasan na ung kasun0d. Akala ko apat na chap. Ung maiipost ngaun.
ReplyDeleteTnx JACE sa acknowledgment. :)
ReplyDeleteNkaka excite ang ending. Bka di ako mkatulog neto. Haha.
~frostking
Nice 1 huh.. sinagad agad ang pagpost. sige hintayin pa namin yung kasunod.. NOW NAH.. hahaha
ReplyDeletemarc of KSA
hayan.. hinihingi na yung last 4 chapters na pronamise moh.. post na NOW NAH.. hehehehe
ReplyDeletemarc of K.S.A.
paganda ng paganda ang story...
ReplyDeletei think mas gusto nya si argel...at kay argel din ako hehehehe...
tnx mr. author....
yey!may updates na..^^
ReplyDeletei miss reading this eh..infairness pasaway prn ang magkapatid..haha
kakaexcite kung cno mnanalo sa puso ni ken!;)
-monty