Nagbabalik ang author na walang ginawa kungdi ubusin ang oras
kakahanap ng inspirasyon para magtuloy- tuloy ang storya ni Ken.
Nagpapasalamat po ako sa mga bumubuo ng MNB Facebook page at kay
Onichan Kenji dahil isa sya sa mga nagbigay sa akin ng inspirasyon para gawin
ang mga storya ko.
Salamat din po sa walang sawang nagbabasa ng aking story!
Especially kila:
Ginno, Angel Marco Menor Aka Marc of K.S.A., Monty, Marshy,
Franklin Aviola, Kiero 143,
Zenki of Kuwait, Mark 5337, Sinbad, Frostking, robert_medoza.
Anita baker, JD Javra, eunchi, diumar, curious19, Hiya!, Caranchou,
nathanielgarcia, Paopi Lopez, JayAR, toff, Weil libog, Ryval, PauulFabian at sa
mga Annonymous at Silent Readers!
Kayo po ang aking dahilan para magkaroon ng inspirasyon! :)
(Pwede po kayong mag suggest and comment para mapaganda pa ang
story!)
Enjoy Reading Guys!
Note:
Ayan natapos ko ito ng 4 hours lang! sana magustuhan nyo :)
Ang Kaibigan kong si Luke at si Drei.
“Ace!”
sabi ko nang makita ko syang naghahabol ng hininga.
“Bingi
ka ba?” sabi nya sa akin at nakita kong nainis sya.
“Sorry,
hindi ko naman sinasadya!” sabi ko sa kanya at biglang lumapit ito sa akin at
niyakap nya ako.
Ang
bilis ng pangyayari sa mga oras na yun at naramdaman ko ang kanyang katawan
dahil sa pagkakahigpit ng pagkayakap nya sa akin, agad akong kumalas at
tumingin sa kanya ng seryoso.
“What’s
wrong with you?” sabi ko sa kanya at napakamot lang ito ng ulo.
“Ah...Kasi...
I just wondering if I can court you?” sabi nito sa akin na parang batang dahan
dahan pang nagpaalam sa akin.
Nagulat
ako sa kanyang sinabi at hindi na ako nakapagsalita, agad ko syang tinalikuran
at sinara ang compartment.
“Teka!”
sabi nya sa akin at hinawakan nya ang mga braso ko.
“Alam
mo Ace, hindi ko alam kung ano ang maisasagot ko eh, kasi ayokong masaktan!”
sabi ko sa kanya at napatigil sya.
“Ayaw
mong masaktan?” sabi nito sa akin at tumingin ako ng direcho sa kanya.
“Oo
Ace! Ayokong masaktan at makasakit ng tao!” sabi ko sa kanya.
Agad
naman itong lumapit sa akin at napasandal ako sa aking sasakyan, naramdaman
kong bumibigat ang pagkakasandal ko, at dahan dahang lumalapit ang mukha nya sa
akin.
“May
kulang pa ba sa akin para manligaw sayo?” sabi ni Ace na parang binuhos na nya
ang kanyang tapang sa sinabi nya.
“I
think you’re a perfect person, fits for a girl not like me!” sabi ko sa kanya
at hindi pa din nya ako pinakawalan.
Nakita
kong biglang lumuhod sya sa akin at napatingin ako sa aking paligid na baka may
makakita sa ginagawa ni Ace.
“Please?”
sabi nya sa akin at natawa naman ako sa kanya.
“Tumayo
ka nga dyan!” utos ko sa kanya at hindi pa din sya tumayo.
“Tatayo
ako kapag sinabi mong oo!” sabi lang nya sa akin na parang hinahamon ako.
Hindi
ko alam kung bakit na mesmerize ako sa kanyang pagmamakaawa pero hindi ko ito
pinahalata sa kanya at pumasok ako sa aking sasakyan.
“Bukas
wala naman akong pasok, baka pwede kang dumalaw sa bahay!” sabi ko sa kanya at
nakita ko ang Ace na dating nakilala ko, yung masiyahin at masigla.
“Talaga!
Pinapayagan mo ako?” sabi ni Ace sa akin at hindi muna ako nagsalita dahil
ilalabas ko sa park ang aking sasakyan.
“Kung
kaya mo sila daddy at yung dalawa kong kapatid na magustuhan ka, why not!” sabi
ko sa kanya at umalis na ako sa school.
Nakita
ko sa rear mirror na nagtatatalon sa tuwa si Ace dahil excited sya.
Mabilis
ang naging byahe ko dahil na din walang traffic at nang makapasok na ako sa
bahay ay agad kong hinanap si daddy na kasama ngayon ang dalawa kong kapatid sa
kwarto ni kuya.
“We
need to talk guys!” sabi ko sa kanila nang binuksan ko ang pintuan ni kuya.
“Pwede
ka namang kumatok ah!” sabi ni kuya sa akin at lumapit sila sa akin.
“Parang
problemado ka ah!” biro ni Jiro sa akin at ngumiti ako.
“Si
Ace kasi! Gustong umakyat ng formal courtship!” sabi ko at nakita ko si daddy
na lumapit sa akin.
“So
ano ang gusto mo?” sabi ni daddy sa akin.
“Alam
mo na yun dad! Yung pinag usapan natin!” sabi ko sa kanya at tumango lang ito.
“Oh
pumunta ka na dun sa room mo at magpalit!” sabi ni kuya at sinara na nila ang
room ni kuya at nagpatuloy sa paglalaro ng video game.
Mabilis
akong nag shower at bumaba na sa dining room para kumain na.
“Oh
kamusta ang inter school?” sabi ni mommy habang sya na ang naghahanda sa akin
ng pagkain.
“Okay
naman ang first game ko, panalo kami!” sabi ko kay mommy at napatigil sya sa
paghahanda at lumapit sa akin.
“Talaga!
Ang galing mo talaga!” sabi ni mommy at niyakap nya ako.
“At
rank 2 ako sa mga subjects ko dahil nilabas na ang results!” sabi ko kay mommy
at hinalikan nya ako sa pisngi ng marami.
“Oh
heto na gatas mo!” sabi ni nay Elsa at nilagay nya ang gatas sa lamesa.
“At...”
sabi ko at lumapit sa akin sila nay Elsa at mommy sa aking inuupuan.
“Ano
anak? May problema ba?” sabi saken ni mommy at hinaplos nya ang aking buhok.
“Si
Ace po kasi... Uhm... paano ko ba sasabihin ito?” mahina kong sabi at ngumiti
si mommy sa akin.
“Anak
we’re your family!” sabi saken ni mommy at niyakap ko siya at nakita kong
ngumiti din si nay Elsa.
“Si
Ace po kasi gustong manligaw sa akin...” sabi ko at napatungo ako.
“Oh
di maganda! Bakit? Hindi ka ba masaya?” sabi ni mommy at ngumiti ako.
“Eh
masaya naman po! Kaso nga lang hindi ko po kasi kayang makasakit kapag may
times na hindi kami nagkakaintindihan!” sabi ko kay mommy at ngumiti lang sya
sa akin.
“Ganyan
talaga anak! Basta wag kang mag focus sa future, dito ka sa present para malaman
mo ang mga weakness nyo sa isa’t isa!” sabi ni mommy at ngumiti lang ako sa
kanya.
Natapos
na akong kumain at umakyat na sa room dahil magpapahinga na ako.
“Hay!
Sana ay sigurado na sya sa kanyang ginagawa!” sabi ko na lang sa aking sarili
at nahiga na ako, pinikit ko ang aking mata at nakapagpahinga na.
Nagising
ako sa isang ingay na nanggaling sa tunog na ginagawa nila Jiro sa sala, kaya
naghilamos na ako at kahit naka pajama ay bumaba ako at tignan kung ano ang
ginagawa nila.
“Good
morning kuya!” bati sa akin ni Jiro at nakita kong naglalaro sila ng dance
revolution.
“Good
morning din!” sagot ko at bumaba na at pumunta ng dining room para kumain ng
agahan.
“nay
Elsa gatas po!” sabi ko nang makaupo na ako sa dining room.
Binigay
sa akin ang gatas at napansin kong iba ang breakfast.
“Sino
gumawa nito?” tanong ko kay nay Elsa at ngumiti lang ito.
“Oh
gising ka na pala!” sabi ni mommy nang pumasok sya galing garden.
“Mommy
kayo po ba ang nagluto nito?” tanong ko kay mommy at lumapit sya sa akin.
“Ah
hindi ako nagluto nyan! Yung bisita mo!” sabi nya sa akin at nagulat naman ako
dahil wala namang nagsabing dadalaw ang mga kaibigan ko or si Troy.
“Bisita?
Ang aga ah! Asan po sya?” sabi ko at tinuro nya sa labas at nakita kong nakaupo
sya sa may bench.
Pumunta
ako sa sala at nakita kong nakatalikod ito, parang si Ace yun at napangiti ako,
nagmadali akong lumabas at pinuntahan sya.
Nang
makarating ako ay piniringan ko ang kanyang mata at narinig ko syang nagulat.
“Ken?”
sabi nya sa akin at tinanggal ko ang aking kamay sa kanyang mata.
“Oh
bakit ang aga mo?” sabi ko sa kanya at
tumayo ito.
“Ahh...
kasi gusto kong ipagluto ka ng breakfast!” sabi nya sa akin at natawa naman
ako.
“Ayaw
mo lang makita ka nila daddy!” sabi ko sa kanya at napakamot ito ng ulo.
Natawa
ako sa kanya at pumasok na ulit kami at pumunta sa sala.
“Hey!
Ikaw na!” sabi ni Jiro kay Ace at napansin kong kanina pa sila naglalaro ng
dance revolution.
“Sali
ka?” sabi ni Ace sa akin at umiling lang ako.
“Kuya
ang galing pala ni kuya Ace sa dance revo!” sabi ni Jiro sa akin at ginulo ko
ang kanyang buhok.
“Teka?
Kuya Ace? Eh diba dati Ace lang tawag mo dyan?” sabi ko kay Jiro at natawa lang
sya.
“Eh
kasi manliligaw mo sya, kaya kuya na tawag ko sa kanya!” sabi ni Jiro at natawa
ako sa kanya.
“Siguro
sinuhulan mo ang bunso namin no!” sabi ko kay Ace na nakafocus sa paglalaro.
“Hindi
ah!” sabi ni Ace habang nakatingin lang sa TV.
Pinanood
ko syang maglaro sa dance revo at hindi ko maipaliwanag kung bakit
nakakabighani ang bawat galaw nya sa bawat arrows na lumalabas.
“Hey!
Tulala!” biro sa akin ni Ace nang matapos nya ang laro.
“Teka!
Ako nga! Baka malampasan pa kita!” biro ko at umupo na sya sa sofa.
Hindi
ako marunong sumayaw pero hilig namin laruin itong dance revo, kahit kapag nag
bo-bonding kami ito ang ginagawa namin.
“Whoooot
whooot!” biro ni Ace sa akin at nakapili na ako ng tugtog sa console.
“Oh
ayan na!” sabi sa akin ni Ace at hindi ako umiimik dahil naka focus ako sa TV.
Mabilis
ang paglalabas ng mga arrows kaya mabilis din ang mga tapak ko sa pad,
nahirapan ako kahit alam ko na ang tugtog, dahil yun at yun lang ang
pinapatugtog ko.
“Nice!”
sabi ni Ace at tumayo na sya.
“Kitams!”
sabi ko sa kanya at natalisod ako sa paglalakad.
Agad
naman akong nasalo ni Ace at napayakap ako sa kanya, nakita kong papalapit ang
kanyang mukha.
“Ehem!”
sabi ni mommy at biglang nagulat kami.
“Hi!...
Tita!” sabi ni Ace at tumayo ng maayos.
“Pa
hard to get ka pa! Eh bumibigay ka naman!” biro ni mommy sa akin at namula ako,
nagtatatakbo ako sa room at naligo.
Habang
naliligo ako ay naaalala ko ang mukha ni Ace, napaka amo nito at masayahin, ang
kanyang mga labi na masarap halikan, ang boses na kayang magsalita ng
magaganda.
Nag
aayos na ako ng buhok nang pumasok si Jiro sa aking kwarto.
“Kuya,
nakita namin yun!” sabi ni Jiro at nakikita kong natatawa sya.
“Shhh!
Wag ka ngang makulit!” biro ko sa kanya at tumawa ito.
Sumabay
na sya pababa at nakita kong kasama ni Ace si mommy na parang may pinag
uusapan.
“Tara
gala tayo sa subdivision!” sabi ko kay Ace at tumingin sya kay mommy.
Tumango
naman din si mommy at lumabas na kami sa bahay, habang naglalakad ay napapansin
ko si Ace na nakatingin sa akin.
“May
dumi ba?” sabi ko at hinaplos ko ang aking mukha.
“Ah...
wa... wala!” sabi nya sa akin at tumingin ito ng direcho.
Napaka
gaan ng pakiramdam ko, parang hindi ako napagod kahapon.
Napapatingin
din ako kay Ace paminsan minsan at kapag natingin sya ay nilalayo ko ang aking
mga mata sa kanya at nagpatuloy kaming maglakad.
Dumaan
kami sa bahay ng mga naging kaibigan nila mommy na si lola Mildred nakita namin
na nag gugupit sya ng kanyang mga alagang halaman at nakita nya ako.
“Good
morning!” bati nya sa akin.
“Good
morning too lola!” sabi ko lang at lumapit sya sa gate.
“So
how’s your day? Is it beautiful or full of excitement?” sabi nya sa akin at
napangiti ako.
“I
don’t know, maybe beautiful with full of excitement!” sabi ko at natawa sya,
bumalik na sya sa kanyang ginagawa at naglakad na ulit kami.
“I
don’t know na pilosopo ka!” sabi ni Ace sa akin at natawa naman ako.
“Loko!
Ganyan kasi si lola! She doesn’t talk serious matter, ang gusto nya lagi ay
positive lang!” sabi ko sa kanya at tumigil kami.
“Uhm
Ken?” sabi nya sa akin at humarap ito sa akin.
“Yes?”
sabi ko lang sa kanya at ngumiti ito.
“About
dun sa nangyari kanina—uhm” sabi nito na parang nahihirapan sabihin ang kanyang
nasa isip.
Lumapit
ako sa kanya at hinaplos ko ang kanyang mukha, dahan dahang naglalapit ang mga
titig namin, nararamdaman ko na ang kanyang ilong, at pinikit ko ang aking mga
mata, hinaplos ng hangin ang aming mga mukha na sumasabay sa emosyon naming
dalawa.
“Yun
ba gusto mo?” sabi ko sa kanya nang magkalas na ang aming mga labi.
Natulala
ito sa ginawa ko at namula, nabatukan ko sya at natawa kami, naglakad kami
hanggang sa makapunta kami sa clubhouse na nasa gitna ng playground.
“Ang
sarap sa pakiramdam!” sabi ni Ace at ngumiti ako sa kanya.
“Dahil?”
sabi ko sa kanya.
“Dahil
ang hangin dito! Maaliwalas at Comfortable ako!” sabi nya sa akin.
Medyo
nakaramdam ako ng lungkot dahil inaasahan kong magsasabi sya ng sweet thoughts
or na kasama nya ako pero hindi, okay lang naman yun! Dahil ngayon ko lang din
sya nakasama ng kami lang.
Tumingin
sya sa akin at tumitig lang din ako.
“Dahil
kasama kita dito sa lugar na ito” bulong nya sa akin at hinawakan nya ang aking
kamay.
Kakaibang
saya ang nararamdaman ko sa mga oras na yun, biglang nag ring ang phone ko at
nakita ko kung sino ang tumatawag kaya lumayo muna ako kay Ace at sinagot ito.
“Argel?”
sabi ko sa kanya.
“Asan
ka?” sabinya na medyo naiinis.
“Dito
lang sa amin, nagala sa loob ng subdivision.” Sabi ko sa kanya at narinig ko
ang isang malalim na paghinga nya.
“Dadalawin
sana kita, kaso baka busy ka!” sabi nya sa akin at napatingin ako kay Ace.
“Ah...
Eh... Kasi...” sabi ko sa kanya.
“Oh
bakit?” sabi lang ni Argel sa akin.
“Andito
kasi kapatid mo!” sabi ko sa kanya at hindi sya nakapagsalita.
“Good
morning sir James!” bati ng butler namin.
Naramdaman
ko ang sikat ng araw na humahalik sa aking mga pisngi at binuksan ng maid namin
ang curtain, isang magandang panahon para sa isang panibagong araw.
Pumasok
ako sa CR at naligo, dahil walang pasok kami ay naalala ko si Ken dahil hindi
ko talaga maipaliwanag kung anong meron sa tao na yun at nagkakaganito ako sa
kanya.
“Good
morning ma!” sabi ko at umupo na ako nang makarating na ako sa dining room
namin.
Binigyan
ako ng breakfast at kumain na ako, hindi ako umiimik dahil alam ko naman na ang
magiging topic namin ay sa pagkatalo ng team namin sa game one ng inter school.
“Hope
you have a great day!” sabi ni papa sa akin at ngumiti lang ako.
“Oh
sya! We need to go! May pasok pa kami eh!” sabi ni mama sa akin at tumingin ako
sa kanila.
“Asan
pala si Ace?” sabi ko at nagtinginan sila.
“Pumunta
kila Ken...” sabi ni mama at parang nakaramdam ako ng kakaiba sa aking sarili,
parang mabilis uminit ang ulo ko kapag sinasabi nila na si Ace ay nasa bahay
nila Ken or kasama ni Ken...
“Ahh
Okay!” sabi ko na lang at hindi ako nagpahalatang galit.
Lumabas
na sila mama at papa, ako naman umakyat sa aking room para magpahinga ulit,
nakita ko si lolo na lumabas na ng kwarto nya at nilapitan ako.
“Mukhang
iba ang itsura mo ngayon ah!” pansin nya sa akin at napatingin lang ako sa
kanya.
“I’m
okay lolo, don’t worry!” sabi ko sa kanya at hinawakan nya ang balikat ko.
“Kilala
kita!” sabi nya sa akin at hindi ko na napigilan at niyakap ko sya.
“Bakit
kasi sa isang tao pa kami nagkakaroon ng connection ni Ace!” sabi ko sa kanya
at hinaplos nya ang likod ko.
“Bakit?
Kung andun si Ace? Hindi mo ba kayang makipagkompitensya sa kapatid mo?” sabi
ni lolo sa akin at napatingin ako sa kanya.
“I
know you and Ace have feelings for Ken!” dagdag pa ni lolo at inayos ko ang
aking sarili.
“I’ll
go down to eat my breakfast!” Paalam ni lolo sa akin at tumango lang ako.
“Ano
kayang pwedeng gawin ngayon?” sabi ko habang nakahiga sa aking kama.
Kinuha
ko yung phone ko at nag browse, nakita ko ang picture ni Ken at naalala ko sya,
kaya tinawagan ko sya.
“Argel?”
sabi nito sa akin habang naririnig ko ang mga lagaslas ng hangin kaya nag alala
ako baka dinala sya ni Ace sa burol.
“Asan
ka?” sabi ko sa kanya na napataas ang aking boses.
“Dito
lang sa amin, nagala sa loob ng subdivision.” Sabi nya sa akin at nakahinga ako
ng maluwag.
“Dadalawin
sana kita, kaso baka busy ka!” sagot ko lang at hindi na nagsalita pa.
“Ah...
Eh... Kasi...” sabi nya sa akin at parang nagtaka naman ako.
“Oh
bakit?” sabi ko lang sa kanya dahil ngayon ko lang syang narinig na hindi
makapag isip.
“Andito
kasi kapatid mo!” sabi nya sa akin at nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib
na hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganun sa isang bagay.
“Nagseselos
ba ako?” sabi ko sa aking sarili at napailing.
Narinig
kong binaba na nya ang phone at hindi na muna ako tumawag sa kanya.
Naalala
ko ang sinabi ni lolo sa akin kanina.
“Hindi mo ba
kayang makipagkompitensya sa kapatid mo?” sabi nya sa akin kanina at napaisip ako.
“Alam
ko na!” sabi ko at umupo ako at tinawagan ang mga kaibigan ko.
“Oh
bakit daw sya napatawag?” sabi ni Ace sa akin nang binaba ko na ang phone dahil
hindi na nakasagot si Argel.
“Wa..
wala yun! Nangamusta lang!” sabi ko sa kanya at ngumiti lang ito sa akin.
Naglakad
kami at umalis nang tuluyan sa clubhouse, nakita namin ang mga bata na
naglalaro sa playground at hinila ko si Ace para pumunta sa swing.
“Para
kang bata!” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako.
Masaya
ako nung mga oras na yun, dahil parang gusto ko na talaga si Ace, iba talaga
ang pakiramdam ko sa kanya, parang sya ang clown ng mundo ko.
Nakauwi
kami sa bahay na madungis at pawisan, nakita ko na andyan ang sasakyan ni daddy
at nagtatatakbo ako papunta sa kanya.
“Daddy!”
sabi ko at tinignan nya ako simula ulo hanggang sa paa.
“Oh
sino ka?” biro ni kuya sa akin.
“Kuya
naman eh!” sabi ko at nagtampo sa kanya, natawa naman si daddy sa itsura ko.
“Ate
Elsa, paki liguan nga itong bunso namin!” biro ni daddy at nakita nya si Ace sa
may sala na nakatayo.
“Good
afternoon po!” sabi ni Ace at tinignan lang sya.
“Umupo
ka dyan!” sabi ni Kuya at sumunod lang ito.
“Ken,
maligo ka na okay?!” sabi ni Daddy sa akin at nagtatatakbo ako papunta sa aking
kwarto at nakita ko sila daddy at kuya ay pinagitnaan si Ace.
“So
sinabi sa akin ni Ken na nangliligaw ka sa kanya!” sabi ni Tito Gino sa akin at
tumango lang ako.
“Seryoso
ka ba sa kapatid ko?” sabi ni kuya Kino sa akin at napatingin ako sa kanya.
“O—opo
Se...Seryoso po ako sa kanya!” sagot ko at nakita kong huminga sila ng malalim.
“Sige!
Papayagan kitang manligaw sa anak ko! Basta kapag nakita kong dumidiskarte ka
sa iba! Patay ka talaga sa amin ng kuya nya!” sabi ni Tito Gino at tumingin
lang ako sa kanila.
“Sa...Salamat
po! Promise po! Hindi ko po sya gagaguhin!” sabi ko lang at parang natanggalan
ako ng tinik sa katawan nang pinayagan nila ako.
Bumaba
na ako at nakita kong tumayo na sila daddy sa sala at umakyat na.
“Ayan
na ah! Kinausap ko!” sabi ni Daddy at ngumiti lang ako.
“Pogi
mo talaga!” biro ni kuya Kino at ginulo ang buhok ko.
Pumasok
na sila sa kanilang mga kwarto at bumaba na ako sa sala para puntahan si Ace.
“Ken
uuwi na ako!” sabi ni Ace sa akin at tumango lang ako kahit nagtataka sa
kanyang kinikilos.
Hinatid
ko sya sa gate at sumakay na sya sa kanyang sasakyan, umalis na ito at pumasok
na ako sa bahay.
“Ate
Lea pag hinanap ako nila mommy paki sabi na nasa room lang ako” sabi ko at
umakyat na ako sa aking kwarto.
Humiga
ako at pinahinga ang sarili, ngunit nag ring ang phone ko at sinagot ko ito.
“Hello?”
sabi ko sa kabilang linya.
“Ken
pwede ka ba ngayon?” sabi nito sa akin at nagtaka ako, kaya tinignan ko ang
caller ID at nakita ko ang pangalan ni Argel.
“Ano
nanaman kaya gusto nito!” sabi ko sa aking sarili at pumayag sa kanyang
invitation.
Itutuloy...
Waw. Ang bilis ng update ah! Hehe.
ReplyDeleteNext na agad! Yay!
~frostking
wew...ang pogi mo tlaga Ken...kaw na tlga...eeeeeeeeee
ReplyDeletekinikilig ako..heheh sa si Ace nalang...KeAce...hahaha
next next next
very nice mr. author natapos ko kagad ang 4 chapters mo hehehehehe...
ReplyDeletebakit nga kasi iisa lang ang ginusto ng magkapatid...
sino kaya ang pipiliin nya baka naman wala sa dalawa hehehehe...
tnx mr. author...
ikaw na ken.. hehehe
ReplyDeleteang haba-haba ng hair ni papa ken!!nagtataray ang bangs eh..haha
ReplyDeleteay!naunahan ni ace si argel...hhmmm
-monty
next post please
ReplyDeleteNice one Kenneth! I think magugustuhan ni Gelo yang story nyo! haha!
ReplyDeleteI'm here now sa pinas! Miss ko na kayo guys!
How are you after ni Gelo?
Papabasa ko sa kanya to pag nasa bahay na ako!
(Black HEART)
bakit di pa ipinopost ung shooting star chapter 22 upto last part????? PLEASE POST NA PO!!!!
ReplyDeleteUpdate na pleeeease.... :)
ReplyDelete